DAMIAN POV.
Napatigil ako sa pagbabasa tungkol sa mga platapormang iniatas saakin ng aking ama nang may kumatok sa labas ng aking silid at pumasok.
Seryosong naglakad si stevan sa akin deriksyon at marahang yumuko. Isinandal ko ang sarili sa upuan at pinagkrus ang brasong tumingin sa kanya, hinihintay ko ang kanyang sasabihin.
Nagbuntong hininga muna ito bago nagsalita.
"Prinsepe Damian, maayos na nasagawa ang iyong ipinag utos, pansamantalang isinilong namin sila sa isang abandonandong bahay at binigyan ng mga makakain, naroon din naman ang ibang kawal upang maging bantay sa mga ito." mahinahong saad nito.
Patango tango akong tumingin sa malayo at di mapigilan ang mapangiti.
"Napaka kisig mo pala prinsepe, pag naka ngiti." biglang saad ni stevan na ngayon ay nakatingin saakin ng mapang asar na tingin. Napa ayos ako ng upo at bahagyang umubo.
"E-Ehem!.. At tungkol sa sindikato?" Tanong ko dito, mabilis naman itong naging seryoso at sumagot.
"Maayos naming naihatid ang mag asawang Kriminal sa karsel(bilanguan). Ngunit, ayon sa aming imbistigasyon sa magasawa ay sumusunod lamng sila sa utos ng kanilang kinikilalang panginoon.--Sa aming pagrating ay nadatnan namin ang Bunso nang Grosvenor na nagpapalabas at umaatake gamit ang bayolenteng kapangyarihan nito sa isang bolang itim, isang special na kalasag, Ang Ryoiki Tenkai. " Saad nito.
Habang sinsabi nya yun ay di ko mapigilang hindi magulat at mapatayo sa oras na narinig ko ang sinapit ng kakilala ko.
Tumitig ako kay stevan kung nag sasabi ba ito ng katotohanan o hindi. Pero mukhang hindi nga ito nag sisinungaling.
Napaka delikado ng Kapangyarihang iyon. Lalo na't habang nasa loob ay hindi mo magagawang mailagan ang pagatake nito na pinalakas pa ng ilang beses.
At bukod saakin ay ang mga haring namumuno lamang na sakop ng Brittannian ang alam kong kayang gumamit nito.
Mahinang napakamot nalang ako sa tungki ng aking ilong bago humawak sa tenga. Aaminin ko, binabagabag ako ngayon sa maaring sinapit ng binibini. Alam kong imposibleng makaligtas sya sa bagay na iyon.
Kumusta na kaya sya?
Nang maintindihan ko na ang sitwasyon ay napahiya akong naupo at tumingin kay stevan, pero tinignan lang ako nito na parang alam na nyang ganito ang magiging reaksyon ko.
Di ko na talaga mabasa basa ang iniisip ng taong to.
iniisip ba nya na tama lang ang reaksyon ko dahil sakanya ay may namamagitan sa aming dalawa ng binibini? Nahihibang na sya!
Pano ko magugustuhan ang babawng puro sakit lang sa ulo ang dala.
Napa ismid nalang ako at pinagtounan nalang ng pansin ang sinabi nito tungkol sa Ryoiki tenkai!
Ngunit sino ang makapangyarihang taong iyon at nakakamanghang nagagawa nya ito. Bakit ginagamit nya ito sa maling gawa? Isa ba syang hari sa ibang emperyo? Pinuno?
Napatingin ako sa gawi ni stevan ng magsalita ito.
"Ayon sa imbestigasyong naganap ay isang mataas na ranggo na majin ang may gawa nito, Humingi ako ng kapatawaran sa inyo mahal na prinsepe dahik wala na kaming nakuhang karagdagang impormasyon matapos itong matalo at nag laho." Paumanhin pa nito, pero naging mas naging interesante ako ng marinig ang huling sinabi nito.
"Natalo nyo ang isang mataas na majin?" pangungumpermang tanong ko dito, pero mas lalo lang itong sumeryoso, tumikhim muna ito bago nagsalita.
"Hindi kami, prinsepe." Di ko maiwasang di mapakunot ang noo sa kanya.
"Natalo sya ni Binibining Clara, ang unica iha ng mga Grosvenor." Dagdag nito na talagang gumulat sa diwa ko.
Di ko namalayan na nagtayuan na pala ang balahibo ko sa kamay.
Imposible....
Diko mapigilan ang magtaka, napaka mysteryosa, sadyang kakaiba, anong klaseng nilalang kaba?
Anong sekreto ang meron ka?
CLARA POV
"Gising naba sya?"
"Hindi pa po senior,"
Naalimpungatan ako sa ingay ng dalawang taong nag uusap na sa pagkatantya ko ay nasa harapan ko lang.
Ano to? Ako na nga ang pulutan, talagang sa harapan ko pa mag kwentuhan? Harapharapan talaga!?
Kunot noo akong nag mulat nang mata at masamang tinignan sila. Ngunit agad din namang nahlaho ito ng mapagtanto kong ito ang aking kinikilalang ama sa mundong ito.
"A-Ama, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko dito.
Umakto naman itong nagulat at kunwaring nasaktan.
"Grabe kanaman, anak ko. Masamang dalawin ang biglaang naging pilyang anak ko? Mana ka sa iyong ina. Tsk." Saad nito.
Di ko sya sinagot at ngumiti nalang dito.
Nakangiti itong lumapit saakin tsaka ako niyakap, ilang segundo din iyon bago nya ako at sinuri ang kabouhan ng mukha ko, nang makuntento ay ibinalik nya ulit ako sa kanyang bisig.
.
Grabe ang clingy ng tatay ko. Pero okay lang
Pano nga naman ako mag rereklamo e, ang bango ng tatay ko at isa pa napaka sobrang gwapo pa nito at lakas maka james ried. Dadag mo ang napaka init na yakap nito, Halatang hindi nya ako na miss.
Hinayaan ko nalang at yumakap din dito pabalik....
Lumayo na ito saakin at nakangiting tinapik ang buhok ko.
Nagtataka ako nang mapansing....
Malungkot itong ngumiti.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba dito. Ni minsan sa loob ng dalawang taon, ay hindi ko ito nakitang ganito ngumiti.
Sa isang iglap ay nawala ang kaninang masayang atmospera at napalitan ng tensyon.
Pamilyar ako sa ganitong uri ng lungkot. Di ko lang matukoy.
Maigi ko syang pinagmasdan at di ko namalayan na naawa na pala ako sa kanya.
Sa kabila ng maayos at pormal na kasootan nito, sa likod ng masayahin at palangiti nitong mukha ay nandon ang mata na puno ng pagsisis at lungkot.
Sa di malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.
Di rin ito nag abalang magsalita, at nakatingin lang saakin na parang bang natulala.
Sa kauna unahang pagkakataon, ay naranasan ko ang mangapa ng sagot. Hinawakan ko ang mga kamay nito at tumingin sa sariling mata.
Pilit na ngumiti ako dito habang nakataas pa ang dalawang kilay bilang pagtanong kung ano ba ang problema.
Pero ngumiti lang ito saakin at umiling. Tinangal nito ang kamay nya sa pagkahawak ko at ihinihawak sa pisnge ko.
"Gusto kong mag-ingat ka palagi ha?" biglang saad nito. Di ko nagawang makasagot dahil di ko maintindihan ang sinsabi nito.
"A-Ama?"
.
"Naintindihan mo ba a-ako Clara?" saad nito bago tuluyang nabitak ang boses nito. Huminga sy ang malalim at tikom ang bibig na tumingin saakin.
"H-Hindi kita maiintindiha--
" Clara naintindihan mo ba ako" pagputol nito sa sasabihin ko at matigas na tanong pa nito.
"Hindi! Sabihin mo saakin... Ano b-bang problema, PAPA?" malambing nang suyo ko dito.
Nakita ko namang ang biglaang pagtulo ng luha nito sa pisnge, sa di malaman na dahilan ay bigla akong nasaktan, bumigat ang pakiramdam ko nang makitang lumuluha ang magulang ko.
"P-Pa....."
"Patay na ang Lolo mo, patay na ang aking papa." mabilis na saad nito bago nag angat ng tingin sa dingding at nag pahid ng luha.
Nagtataka akong napatingin sa kanya.
Posibleng biro lang naman to hindi ba?