Gakuwesaribig (Book 1 of the...

By peachxvision

164K 4.1K 5.9K

Si Anna Marie at si Mark Yuan -- dalawang ordinaryong high school student na may karaniwang pangalan. Ang pag... More

Content Warning
Beginning Epigraph
Chapter 1: Koi No Yokan
Chapter 2: Toska
Chapter 3: Pochemuchka
Chapter 4: Noon Ooh-Soom
Chapter 5: Razbliuto
Chapter 7: Koev Halev
Chapter 8: Nakama
Chapter 9: Culaccino
Chapter 10: Sayang
Chapter 11: Tatemae and Honne
Chapter 12: Wabi-sabi
Chapter 13: Frisson
Chapter 14: Anagapesis
Chapter 15: Gokotta
Chapter 16: Kilig
Chapter 17: Greng-jai
Chapter 18: Alexithymia
Chapter 19: Psithurism
Chapter 20: Cafune
Chapter 21: Aubade
Chapter 22: Xingfu
Chapter 23: Petrichor
Chapter 24: Wintercearig
Chapter 25: Gakuwesaribig
Ending Epigraph
Special Chapter: Mizpah

Chapter 6: Ondinnonk

660 45 11
By peachxvision

Ondinnonk

(png.) kagustuhan ng kalooban at ang kabutihan nito; karaniwang nagiging dahilan ang paggawa ng mabuti dahil sa pagsunod dito


Lumipas ang sobrang daming buwan—Pasko, sembreak, New Year. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya inaamin.

Hindi ko alam kung ano'ng mali kay Yuan. 'Yon nga ang ipinagtataka ko. Lagi naman silang magkasama pauwi—halos. Minsan kasi, ako. Minsan, mag-isa lang siya. Kung gusto ni Dane si Kenli, bakit hindi pa niya sagutin, di ba?

Malay ko kung pinaghihintay lang. O . . . may ibang gusto si Dane.

Ang dami nang nangyari. Ilang beses na ring sinabi sa 'kin ni Yuan na aamin na siya. Apat na beses na 'yon. Noong October, noong battle of the bands, noong Christmas party, at noong malapit na ang New Year. Pero ito, Pebrero na . . . wala pa ring nangyayari.

"Sa prom talaga," sabi niya.

"Alam mo, ang laki ng problema mo," sagot ko. "Bahala ka na nga. Ilang beses mo na 'yang sinabi sa 'kin. Tapos ang lagi mong sasabihin sa 'kin, 'Kinabahan ako' o kaya 'Nautal ako' o kaya 'Baka kaibigan lang talaga' o 'Di kaya.' Ugh! Nakakainis!"

"Bakit ka ba naiinis? Sa kinakabahan ako. Ikaw kaya umamin kay Kenli, 'no?"

Nga pala, kalagitnaan ng mga buwan, naging crush ko si Kenli. Pero susme, hindi siya maka-move on doon.

"Hello! Kailan ko pa 'yon sinabi sa 'yo? October? September? Ang tagal na!"

"Aba, malay ko kung gusto mo pa rin siya," sabi niya.

"Hindi na nga!"

"Dadating din yung panahon na lalabas din sa bibig ko yung pag-amin ko."

"Yeah, right. Kailan pa? Hanggang sa year 3000?"

"Basta."

"Alam ko na," suhestiyon ko. "Magpo-prom na. Doon na lang. Last chance."

"Anong last chance? Ikaw magdidikta kung hanggang kailan ako puwedeng umamin?"

"Uy, isipin mo. Third year na tayo ngayon. Magsa-summer na. Maraming puwedeng mangyari sa summer. Tapos, ano? Fourth year na! Bago man lang tayo grumadweyt, umamin ka!"

"Isang taon pa 'yon!"

"Ano ka ba! Babaliwalain mo na lang yung effort mo? Sayang ang makeover, ang paghatid-hatid mo sa kanya, ang pera panlibre sa kanya! E kung sa 'kin mo na lang kaya 'yon ginagastos, di ba?"

Ngayon napagtanto ko na talaga kung ano'ng gusto ko—iyong gusto talaga ng kaloob-looban ko. Gusto kong maging mala-Kupido. Haha! Ang saya kasi sa feeling na parte ka sa pagiging "sila."

E kaso, ang masaklap, itong target ko, ubod ng torpe. Masisira daw ang pagkakaibigan—okay, fine. Kung nagsimula naman talaga sa pagiging magkaibigan, risk talaga yung pagkakaibigan kung biglang yung isa ay nagkagusto sa isa, di ba?

Kung hindi mo aaminin, magsisisi ka pag nalaman mong may gusto pala siya sa 'yo dati, pero taken na siya. O ililibing mo hanggang sa hukay mo 'yang limot na feelings na 'yan.

'Pag inamin mo naman, dalawa ang puwedeng mangyari. Una, yung magiging kayo na dalawa rin ang puwedeng mangyari. Una, puwedeng magkatuluyan talaga 'til death do you part o mag-break. Friendship over. Puwede ring hindi. Pangalawa, pag binasted ka niya, isa lang talaga 'yan—friendship over . . . maliban na lang kung sobrang mature ni friend slash crush.

Tulad ng almost love story nina Belle at Indigo (na lumipat ng school last year). Sobrang close nila tapos na-in love si Belle tapos inamin niya tapos hindi siya gusto tapos nagkailangan tapos wala na.

At yung amin naman ni Cris na magkaibigan na nagkatuluyan, nag-break, tapos wala na. Friendship over.

Siguro kapag beynte-singko na 'ko, magiging mature na 'ko at pagtatawanan ko na lang yung mga nangyayari ngayon.

***

Kada hapon, may praktis para sa prom kahit sobrang init at may tiyansa na ang itim na namin pagdating ng prom. Pero go lang, praktis lang. Minsan nga, gusto ko nang magpayong habang nagku-cotillion. At heto, nagmamasid ako sa malayo at tinitingnan na magkausap sina Dane at Yuan. In fairness kay Yuan, talagang kitang-kita ang puberty. Nag-Pasko lang, tumangkad na. Sana gano'n din ako, di ba?

"Malapit na talaga akong bumitaw," sabi ni Kenli noong may five-minute break kami. Umupo siya sa tabi ko. Ako naman, kinilig nang kaunti.

Ang tanong ng karamihan, bakit ko siya naging crush? Wala lang. Kasi lagi kaming nag-uusap at sobrang komportable ako.

E bakit kay Yuan? Siguro dahil alam ko na may Dane siya.

E bakit si Kenli?

Ay, ewan.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Tamo 'yan," sabi niya, hindi man lang sinagot ang tanong ko. "Nag-uusap na naman. Bakit ganyan? Akala ko ba, wala lang?"

"Wala ka bang natatanggap na balita galing kay Dane?"

"Bakit? Sila na ba?"

"Hindi, sira," sagot ko.

"E ano? Bakit parang lagi silang magkasama?"

"Ngayon mo lang napansin?"

"Hindi naman. Dati pa. Pero sabi mo dati, wala lang 'yan."

"Ha? Kailan ko sinabi 'yon?"

"Dati!"

"Wala akong sinasabi!"

"So, ibig sabihin . . . meron?"

"Pagsikapan mo lang."

"Ang sakit naman nito," sabi niya. Yumuko si Kenli sabay lagay ng dalawa niyang palad sa mga mata niya.

Medyo mahirap pala 'to, 'no? Dalawa mong kaibigan ang may gusto sa iisang babae. Naiinis na nga ako kay Dane. Alam ko namang maganda siya, mabait pa. Pero bakit ba may mga babaeng tulad niya na nagpapahirap sa mga lalaki? E puwede namang one is to one.

"Akin ka na lang," sabi ko sa kanya.

"Ha?"

"Akin ka na lang, 'ka ko." Sabay tawa.

"Seryoso ka diyan?"

"Bakit? Seseryosohin mo?"

"Hindi . . . Nabigla lang ako."

Tumawa kaming pareho. Paraan 'yon ng pag-amin ko na crush ko siya at isang paraan para malaman na wala talaga akong pag-asa. Haha. Try lang naman.

"Sino'ng mas bagay?" bigla niyang tanong. "Siya at si Dane, o ako at si Dane?"

"Kenli," sagot ko, "ang hirap naman niyan. Ako at si Dane para matapos na."

"Anna naman."

"I stay with my decision na kayo. Di ba, dati pa akong fan n'yo? Kami pa lang ng almoranas mong kaibigan."

"E bakit tinutulungan mo yung isa?"

"Sino? Si Mark?"

"Sino pa ba?"

"Hindi ko siya tinutulungan. Ako lang yung nagsasabi na kailangan niyang magpakatotoo."

"Nakakainis."

"Uy, sorry na."

"Hindi, hindi ikaw."

"Si Mark?"

"Oo."

"Ganito na lang," sabi ko. "Tanong mo siya sa prom kung puwede siyang maging girlfriend mo na. Ang haba na rin 'yang panliligaw mo, in fairness. Sakto, Valentines."

"Ang pangit yata na ang birthday mo yung anniversary namin."

"Yes naman," tukso ko. "Maka-assume na sasagutin nga."

"Malay mo. 'Wag mong sasabihin kahit kanino."

"Sureness," sagot ko. "Sige, good luck."

Natapos ang five-minute break kaya bumalik na kami sa praktis. Tapos, nag-uwian na. Bukas, prom na.

Noong gabing din 'yon, napaisip ba talaga ako kung sino nga ba ang gusto kong magkatuluyan—si Dane at si Kenli, o si Dane at si Yuan? Kasi sa totoo lang, bagay talaga sina Dane at Kenli. Matagal-tagal na rin niyang nililigawan si Dane. Pero ang dami ng isinakripisyo ni Yuan para sa babaeng 'yon. 'Yon nga lang, torpe pa rin. Pero malay mo. Hay! Bakit ko ba 'yan pinoproblema? Kaya nila 'yan.

Habang paikot-ikot sa kama, may binalak ako,

***

Pagdating ng prom night, simple lang yung damit ko. Red flowing dress na may bulaklak, at nagpakulot lang ako. 'Yon lang. Ayoko masyadong mag-effort.

Wala namang dahilan.

"Grabe, ang lungkot naman nito," sabi ni Ciara.

"'Wag ka ngang ganyan," sagot ni Belle habang sinisiko niya si Ciara. "Magpakasaya tayo. Once in a blue moon lang 'tong prom."

"Lahat naman ng pangyayari sa buhay natin, once in a blue moon lang. Kahit kailan, hindi na eksaktong nauulit ang bawat araw."

Nabigla sina Belle at Ciara sa sinabi ko. Tipong nalaglag yung napakakuripot na fishball na nakatuhog mula sa tinidor nila.

"Yes, madam!" sagot nilang dalawa.

"To the highest level ang pagka-emo mo," dagdag ni Belle. "Bakit, ano'ng nangyari?"

Nagbuntonghininga ako at sinabing, "Wala naman."

Halos nasa kalagitnaan na kami ng prom event. Katatapos lang ng awards. Prom princess namin si Dane, at alam ng lahat 'yon. Pero para sa 'kin, highlight talaga ng gabi yung parte ng top ten sa pinagpilian sa princes si Yuan. Sobra talaga yung tukso ko sa kanya. Yung prom king at queen ay nasa fourth year.

At dahil malapit nang matapos ang gabi at nag-uumpisa na ang sayawan, nagdesisyon akong isagawa na ang plano ko. Humingi ako ng tulong kina Belle at Ciara. Saktong katatapos lang umupo ni Dane galing sa sayaw. Sina Ciara at Belle, dumiretso sa kanya para daldalin. Ako naman, pumunta na kay Yuan.

"Akala ko ba, isasayaw mo siya at aaminin mo sa kanya ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga," sagot niya. "Hindi lang ako makakuha ng tamang pagkakataon para—"

"Gusto mo ako magsabi sa kanya?"

"Hindi siyempre—"

Tumayo ako papunta kay Dane. Well, kasama naman talaga 'to sa plano. Alam ko naman na hindi siya papayag.

"Dane—" umpisa ko. Hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin ko kung saka-sakaling hindi niya ako pigilan, pero malakas ang kutob ko na mangyayari ang plinano ko.

"T-teka . . . ," pagpigil sa 'kin ni Yuan at saka niya ibinaling ang tingin niya kay Dane. "Uh . . . Dane . . ."

Napangiti ako dahil alam kong hindi niya hahayaan na mula sa ibang tao galing yung mga salitang siya dapat ang magsasabi.

Binigay niya yung kamay niya at saka niya tinanong kay Dane, "Puwede ba kitang isayaw?"

Tumango si Dane.

Siyempre, kaming tatlong bruha ay kinilig.

Hindi ko alam kung tama yung ginawa ko. Medyo ang pakialamera. Pero minsan, kailangan mo lang ipa-realize sa isa pang tao kung ano yung pinakakawalan niyang tiyansa.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos. Pero sobrang saya ko. Sana maamin niya.

Sobrang saya ng pagtulog ko dahil alam kong may ginawa akong tama. At alam kong may ginawa akong gusto ng kalooban ko.

Nagising ako, alas dose na ng hapon ng sumunod na araw. Tulad ng dati, ang una kong ginagawa ay ang hugutin ang cell phone ko sa ilalim ng unan ko.

Napaangat ako kaagad sa nakita kong mensahe.

Isang mensahe na galing kay Yuan na unang beses ko natanggap.


Mark Yuan

GALIT AKO SAYO.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 133 25
What if you fell inlove with a man from hundreds of years ago? or You have fallen in love to a woman who were years apart from where you were? Would...
25.3K 409 7
Kung ikaw? papayag ka ding bang magpakasal sa isang lalaking manhid?, maldito?, babaero?
448 273 32
Valkyrie Series #3 đ„đ¯đžđĢ𝐲𝐭𝐡đĸ𝐧𝐠 𝐈 𝐖𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 Cai Eliodoro Valkyrie ⑅͚˚ ͛āŧĖŠĖŠĖĨ͙ ˎ┉ 𝙷𝚊𝚙𝚙𝚒𝚗𝚎𝚜𝚜 𝚘𝚟𝚎𝚛 𝚎𝚟𝚎𝚛đšĸ𝚝𝚑𝚒𝚗𝚐
23.9M 356K 41
MR. POPULAR MEETS MISS NOBODY PART 3 LIFE AFTER MARRIAGE â™Ĩ MPMMN 3: Together Forever Copyright Š Pinkyjhewelii, 2014