FWO: Fantasy World Online (CO...

By _jammi

350K 14.3K 825

Genre: Science-Fantasy Familiar ba kayo sa VRMMORPG? I'm sure may idea na kayo yung ano ito. This is what we... More

P R O L O G U E
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 1: WHAT'S THIS GAME?
CHAPTER 2: THE BASEMENT
CHAPTER 3: WELCOME TO FWO!
CHAPTER 4: TROUBLED THOUGHTS
CHAPTER 5: EXPECT THE UNEXPECTED
FWO: WORLD OF MONSTERS
[W.O.M] CHAPTER 1: THE REAL GAME HAS BEGUN
[W.O.M] CHAPTER 2: WHAT ARE YOU?!
[W.O.M] CHAPTER 3: HIDE MY IDENTITY
[W.O.M] CHAPTER 4: FIRST EVER RARE DROP
[W.O.M] CHAPTER 5: THE COOKING CONTEST
[W.O.M] CHAPTER 6: WE MEET AGAIN?
[W.O.M] CHAPTER 7: FIRST PVP DUEL
[W.O.M] CHAPTER 8: TRAINING START!
[W.O.M] CHAPTER 10: NEAR DEATH ENCOUNTER
[W.O.M] CHAPTER 11: SCHOOL GIRL NO MORE
[W.O.M] CHAPTER 12: SAVING A FRIEND
[W.O.M] CHAPTER 13: PECULIAR DREAM
[W.O.M] CHAPTER 14: WORLD OF MONSTERS MULTI-BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF SWORDS
[W.O.S] CHAPTER 1: THE HEROES
[W.O.S] CHAPTER 2: TRAPPED??
[W.O.S] CHAPTER 3: ODD MISSIONS
[W.O.S] CHAPTER 4: SEA OF STORM & THE MYTHICAL CAVE
[W.O.S] CHAPTER 5: THE CURSE & GIFT
[W.O.S] CHAPTER 6: ENEMIES' TRICKS & CONFUSION
[W.O.S] CHAPTER 7: NEW ACQUAINTANCES
[W.O.S] CHAPTER 8: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 1)
[W.O.S] CHAPTER 9: BEGINNING OF FRIENDSHIP (KIRO'S PAST PT. 2)
[W.O.S] CHAPTER 10: A HUMAN'S VULNERABLE HEART
[W.O.S] CHAPTER 11: UNINTENTIONAL DECISION
[W.O.S] CHAPTER 12: KIRO'S REALIZATION
[W.O.S] CHAPTER 13: RULES ARE MADE TO BE FOLLOWED
[W.O.S] CHAPTER 14: FINDING HER
[W.O.S] CHAPTER 15: THE GAME MASTER'S CHANGE OF PLANS
[W.O.S] CHAPTER 16: SOMEONE'S BEEN KIDNAPPED
[W.O.S] CHAPTER 17: PEOPLE'S DISAPPEARANCE
[W.O.S] CHAPTER 18: FOUND HIM
[W.O.S] CHAPTER 19: ASKY'S TRUE STRENGTH
[W.O.S] CHAPTER 20: KIRO'S CONFESSION
[W.O.S] CHAPTER 21: SILVER'S MISTAKE
[W.O.S] CHAPTER 22: SILVER'S PLAN
[W.O.S] CHAPTER 23: KIRO & HIS FAMILIAR, YURI
[W.O.S] CHAPTER 24: ASKY'S DISCOVERY
[W.O.S] CHAPTER 25: THE GUILD LEADER'S TRUE FORM
[W.O.S] CHAPTER 26: WORLD OF SWORDS FINAL BOSS BATTLE
FWO: WORLD OF FAIRIES
[W.O.F] CHAPTER 1: SHATTERED EMOTIONS
[W.O.F] CHAPTER 2: THE GAME'S NEW FEATURE
[W.O.F] CHAPTER 3: UNKNOWN CIRCUMSTANCES
[W.O.F] CHAPTER 4: KIRO'S DISCOVERY
[W.O.F] CHAPTER 5: THE CLUE
[W.O.F] CHAPTER 6: UNSOLVED QUESTIONS & THEIR OPINIONS
[W.O.F] CHAPTER 7: A FAMILIAR'S APPEARANCE
[W.O.F] CHAPTER 8: TO KILL OR TO BE KILLED
[W.O.F] CHAPTER 9: OVERCOMING FEARS
[W.O.F] CHAPTER 10: THE MYSTERIOUS SKY
[W.O.F] CHAPTER 11: THE ILLUSION
[W.O.F] CHAPTER 12: SILVER'S FEELINGS
[W.O.F] CHAPTER 13: ZETH'S IN TROUBLE
[W.O.F] CHAPTER 14: THEIR WORST NIGHTMARE
[W.O.F] CHAPTER 15: THE TWINS
[W.O.F] CHAPTER 16: A BEST FRIEND'S LOVE
[W.O.F] CHAPTER 17: CRUELTY & DESPAIR
[W.O.F] CHAPTER 18: A RELENTLESS BATTLE
[W.O.F] CHAPTER 19: THE DREADED REALITY
[W.O.S] CHAPTER 27: THE REVELATION
[W.O.S] CHAPTER 28: THE LOST MEMORIES
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 1: THE GAME MASTER
[F.W.O] FINAL CHAPTER PT. 2: THE TRUTH OF IT ALL
E P I L O G U E
ACKNOWLEDGEMENTS

[W.O.M] CHAPTER 9: MONSTER ENCOUNTER

4.8K 229 5
By _jammi

A S H E

"Ikaw ba yun?" tanong ko sa kanya.

Napadilat siya.

"Hindi ako yun." matipid niyang sagot at pumikit na ulit.

"Eh bak--" di ko na naituloy yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.

"Uulitin ko, hindi nga ako yun. Siya lang ba ang may karapatang magpangalan ng Kiro? Tsaka kasasabi mo lang ng mga katangian niya diba? Halatang-halata na hindi ako yun. Magkaiba kami ng ugali." inis na sabi niya.

Grabe naman galit agad? Defensive?

"Kalma. Nagtatanong lang po." sabi ko.

Oo nga naman bakit ko ba tinanong 'yun eh halatang-halata naman na hindi siya 'yun. Masama bang maging curious? Mas gusto ko pang makasama 'yung Kiro na mas una kong nakilala kesa ngayon. Ang sungit neto eh!

"Sana makita ko na siya para sa kanya nalang ako sasama." bulong ko.

"Bakit sinabi ko bang sumama ka sa'kin?" sabat niya. Hmp! Nakakainis ka talaga! Hindi ko na siya sinagot at nanahimik nalang.

"Maiba nga. Bakit ka nga pala nakamaskara?" tanong niya. Ah so siya naman ang curious ngayon? Bahala siya sa buhay niya.

"Pakialam mo ba?" sabi ko.

"Sungit mo. Nagtatanong lang naman eh." sabi niya.

"Back to you!" sabi ko sabay cross-arms. "Sino kaya ang mas masungit sa atin aber?" dugtong ko.

"Ikaw." sabi niya.

"Anong ako? Ikaw kaya." sabi ko.

"Anong ako? Ikaw kaya." sabi niya. Aba't inulit lang yung sinabi ko! Argh! Go to hell bwiset!

"Hmp!" ayoko na siyang patulan dahil baka magka-wrinkles pa ako. Tinalikuran ko siya at umupo malayo sa kanya.

"Asky-sama!" rinig kong tawag ni Yume kaya sinilip ko siya sa baba. "Anong ginagawa mo diyan?!" dugtong niya.

"Wala. Akala ko pa naman magiging maligaya ako dito sa taas. Itinaas lang pala ako dito para asarin." tumingin ako ng masama kay Kiro pagkasabi ko nun.

"Wala akong ginagawa ah." sabi niya. Oo na. Sa sobra mong walang ginagawa, inis na inis ako sayo.

"Bababa na ako." sabi ko sa kanya.

"Edi bumaba ka." sabi niya. Ah ganon. Itinaas mo ako tapos di mo ako tutulungan bumaba?

"Hindi po ako marunong bumaba." sabi ko.

"Kasalanan mo na yun." sabi niya.

Kiro! Gusto mo na bang mamatay ha?!

"Ibaba mo na ako! Putek! Bakit ka ba ganyan?! Sinabi ngang hindi ako marunong diba?! Anong klase ka--" di ko na naituloy kasi bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"Wag kang maingay." sabi niya.

"Teka nga!" sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa bibig ko.

"Naririnig mo ba yun?" tanong niya. Ang ano?

Pinakinggan kong mabuti. Oo nga, naririnig ko na. Parang tunog ng bumbero na palakas ng palakas. Masakit sa tenga.

"Oo ano ba yun?!" tanong ko sa kanya habang nakatakip ako sa tenga ko.

"Hindi ako sigurado. Masama ang kutob ko." sabi niya tapos hinawakan niya ako sa bewang at bumaba na kami. Pagkababa namin, biglang naging pula ang paligid.

"A-anong nangyayari?" kinakabahan ako.

"Yuri, Yume at ikaw." sabi niya sa amin. "Humanda na kayo." sabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Nagsimula na." sabi niya at may narinig kaming pagsabog.

"Takbo!" sigaw ni Kiro kaya nataranta akong sumunod sa kanya.



W I S H (Z E T H)

Nasa kalagitnaan kami ng training ngayon nang bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsabog.

"Andyan na sila." sabi ni Mika.

"Kailangan na nating kumilos." sabi ni Carl.

Agad naming kinuha ang mga gamit namin at tumakbo na papalayo.

Nagsimula na. Naganap na.



A S H E

"Saan tayo pupunta?!" tanong ko kay Kiro. Hindi niya ako pinapansin.

"Kiro!" napatingin siya sa akin. Nagulat ako nang makita ang takot sa mga mata niya.

Hindi niya parin ako sinasagot.

"Ano bang nangyayari Kiro?!"

"Shut-- I need to think okay?! Hindi tayo pwedeng lumaban ng malapitan sa kanila dahil masyado silang marami! Wag ka ng maraming pang tanong and just follow me, okay?!" sabi niya.

Tinanguan ko nalang siya. Hindi ako makapagsalita. Natatakot na ako.


*****


Pagod na pagod na kami. Medyo malayo na rin kami sa mga kalaban. Kalat-kalat sila at mas nakakatakot ang mga nakikita ko ngayon kesa noon.

"Dito tayo!" sabi ni Kiro at pumasok kami sa isang gubat para magtago.

Lahat kami pawis na pawis.

Lahat kami gulat.

"Ganyan talaga sila. Bigla-bigla nalang lumilitaw ng wala man lang paalam." sabi ni Kiro. "Pero pakiramdam ko, iba na ngayon." dugtong niya.

Ibig sabihin ba nun, delikado na talaga kami?

"Kapag nagsimula na, nagsimula na talaga. Nagsimula na ang totoong labanan kaya ihanda mo ang sarili mo." sabi niya sa akin.

Napa-upo kami dahil may narinig kaming isang malaking yapak. Sumilip ako ng kaunti at nakita ko isang higanteng halimaw.

(ctto of the image below)

[Monster's Name: One-eyed Minotaur]

"Halika dito." sabi ni Kiro sabay hila niya sa akin papalapit sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya. A-ano 'tong nararamdaman ko? Bakit nag-iinit mukha ko?

Inilapit niya ang labi niya sa tenga ko.

"Si Yume lang ang makakagawa nito kasi tahimik na atake 'to. Utusan mo siyang magpalabas ng isang flame needle at ipatama yun sa mata niya. Kailangan bulagin muna natin siya. Sige na. Gawin mo na at ako ang bahala." sabi niya at agad naman akong kumilos.

"Yume ganito, gumawa ka ng isang flame needle at ipatama mo sa mata niya. Kailangan mabulag muna natin siya." sabi ko. Tinanguan niya ako at ginawa na niya ang dapat niyang gawin.

Nakatalikod ngayon ang minotaur sa amin at pagkaharap niya, agad naman itong itinira ni Yume at sapul siya sa mata niya.

Nice! Ang galing talaga ni Yume pagdating sa accuracy!

Sumigaw ng malakas ang minotaur at biglang tumayo si Kiro.

"Ngayon na! Yuri!" sabi niya.

Nagsimula na ang labanan.


*****


Napatalsik silang dalawa ni Yuri.

"Kiro!" sigaw ko pero patuloy parin siya sa pakikipaglaban. Hindi pwedeng tumunganga na lang ako dito. I have to help.

Tumayo na ako at lumabas sa pinagtataguan ko. Naririnig ko pa nga na pinipigilan ako ni Kiro pero di ko siya pinansin.

"Yume kailangan na nating tumulong. Ngayon na natin masusubukan ang mga natutunan natin. Kailangan natin matutong lumaban kaya Yume, ngayon na!" utos ko sa kanya at ginamit niya ang kanyang inferno shot.

Nailagan ng minotaur ang atake ni Yume. Kung kanina hindi namin siya nagawang bulagin, ngayon nailagan niya naman.

I gasped.

Bago niya maihampas ang malaki niyang sandata sa akin, mabilis akong kumilos at iniwasan ang atake nito. Mabuti nalang mabilis ang reflexes ko. Nailagan ko kaagad dahil pwede kong ikamatay ang atake na 'yun.

Nasira niya ang lupa at bumaon ang axe niya dito. Muli itong tumingin sa akin. Natulala nalang ako dahil sobrang lapit nito sa akin. Nanigas ako bigla at hindi ko maigalaw ang mga binti ko.

Ito na ba ang katapusan ko?

Hahampasin niya sana uli ako nang biglang humarang si Kiro at siya ang nahampas. Tumilapon siya at tumama sa puno.

"Kiro!" sigaw ko. Nasira ang puno sa lakas ng pagkakatama niya. Agad akong tumakbo sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Pinipilit niyang umupo pero hindi niya kaya. Dumulas ang braso niya kaya agad siyang napahiga.

"H-hindi ko na k-kaya..." sabi niya habang nakahawak siya sa tiyan niya. Napa-ubo rin siya ng dugo.

"H-hang in there Kiro. Ako ng bahala dito." sabi ko sa kanya. Rest assured Kiro. Trust me on this.

Inihiga ko siya ng maayos at hinarap ang kalaban. Tumingin ako dito ng masama.

"I will not let you kill my friends. Ngayon na Yume! Tapusin mo na siya!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 31.5K 57
Her name is Green Heartfilla. A simple girl with a simple life. Simula pagkabata hanggang sa paglaki ay nakakulong siya sa bisig ng kanyang mga magul...
642K 17.4K 40
Si Harmony ay nagtataglay ng kakaibang katangian na hindi mo aakalaing mageexist. Lahat ng tao sa mundong kinalakhan niya ay itinataboy siya, tinataw...
213K 10.3K 68
SWORD SEEKER #1 (GOD'S CHILD) SWORD SEEKER #2 (WAR OF THE GODS) MUST READ THE FIRST BOOK Pansamantalang na tigil ang digmaan. Puno ng takot ang mga m...
95.9K 3.2K 67
Do you know the story of Huntres, Senshins and Shinigamis? Wait... This is not their story. This is Custos' story. This is our story. This story is b...