EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

343K 11.5K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 81

1.6K 133 34
By HeavenKnowsFLO

CHAPTER 81

BANGUNGOT ang nagpagising kay Franklin kaya naman napabalikwas siya mula sa kinauupuan. Napatingin siya sa paligid hanggang sa marinig ang flight attendant. 

Ilang minuto na lamang ay pababa na sila ng Pilipinas. Kinakabahan si Franklin dahil sa muling pagbabalik niya sa bansang ito. Tinanggap niya rin ang imbitasyon mula kay Gael at Jaica para sa kanilang kasal. Pero ang pagpunta niya ay sa reception na lamang dahil last minute nagbago ang isip niya.

After a few minutes, he finally reached the destination. Nakita niya lahat ng dating tauhan. Nabigla siya dahil parang walang nabawasan.

"Si boss!" bulalas ng mga gwardya pagkatapos ay sinalubong siya. 

Pinigilan ni Franklin na maluha dahil nasa maayos na buhay pa rin ang mga dating tauhan.

"Mabuti at nadito pa kayo?" Tanong niya.

"Si sir Gael po ang humawak sa amin."

Nahihiya man si Gael pero kailangan niyang aminin. "From El Hombre Mafia to El Hombre organization. Kasama na po tayo sa mga private sectors sa government kapag may sakuna, at ano pang mga charity," tugon ni Gael.

"Sorry, Frank ha? Pero hindi ko pa rin talaga binitiwan ang Jewelry business mo," sabat naman ni Jaica.

Nagkakamot ng sentido si Franklin pagkatapos ay ngumiti. "Akala ko na kay Vito na? Well anyway, hindi ko naman babawiin iyan sa inyo. Just take good care of my legacy."

Inaya siya sa loob ng reception hanggang sa nagkakatuwaan ang lahat. Lasing na lasing na si Manong Boyet habang kasama si Chino na righthand naman ni Vito.

"Father Frank. Mukhang malakas na ang tama nitong si Manong Boyet," wika ni Chino at ipinasa kay Franklin ang matanda.

Kaagad naman itong sinalo ni Franklin. "I'll bring him inside the car."

Inalalayan ni Franklin ang matanda hanggang sa maihiga ito sa van. Tawa nang tawa ang matanda at kung ano-ano na rin ang sinasabi.

"Manong, mag-aaway na naman kayo ni Manang Karing!"

"Hindi! Masaya ako dahil nakauwi ka na! Marami talaga akong atraso sa iyo, Hijo!"

"Manong matulog ka na."

"Hindi! Wait a minute!" Asik nito pagkatapos hinugot sa kanyang bulsa ang lumang pitaka. Kung ano-ano ang inilalabas nito mula sa resibo, pera hanggang sa isang litrato. "Ito!" sigaw ng matanda pagkatapos ay tinapal sa mukha ni Franklin.

Mukhang maiinis na ang binata sa ginawa ni Manong Boyet ngunit nawala na lamang ito dahil nakita niya ang litrato.  Ilang segundo na natulala si Franklin habang pinagmamasdan ang mukha ni Belle.

"Para saan ba ito? Pinauwi mo ba ako para saktan?" Asar na sinabi ni Franklin sa matanda.

"No! Sssh! Masungit ka, Hijo! Makinig ka muna!"

"She's dead. Matulog ka na."

"She's alive."

Napalunok na lamang si Franklin hanggang sa makita niyang lumuha si Manong Boyet. Umiyak na ito nang umiyak  pagkatapos ay pinaghahampas ang sariling dibdib.

"Patawarin mo ako, Hijo. Buhay na buhay si Belle. Na ipit lang ako sa kagustuhan niya na huwag nang magpakita sa iyo. Tunay siyang nasaktan at ayaw ka nang madamay pa. Pinili niyang magpaka layo-layo."

"Where is she?!" 

"Sagada, you can find her in the pottery."

Biglang lumabas si Franklin at basta na lang kinuha ang sasakyan sa dating gwardya. Nanginginig ang kamay niya habang nakahawak sa manibela. Inayos din niya ang mapa para kaagad siyang makapunta. Kahit gabi na ay tinahak pa rin niya ang matarik na kalsada  paakyat sa bundok ng Sagada.

Habang nakatingin si Franklin sa kalsada wala pa rin tigil ang luha sa kanyang mga mata.

"Belle, you are alive… Gustong-gusto na kitang mayakap."

After five hours from a long drive. Nakarating ng madaling araw si Franklin. Hinanap niya ang pottery na sinabi ni Manong Boyet hanggang sa matapat siya sa saradong shop. Hindi siya makatulog kaya naman hinintay niya na ang pagsikat ng araw.

Bagong araw at panibagong pagbabalat buto na naman ang kakaharapin ni Belle. Patong-patong ang kanyang damit dahil sa sobrang lamig lalo na't magpapasko na rin.

"Hay, namimiss ko na ang dalawang makulit," bulong ni Belle hanggang sa makalabas siya ng bahay. Bitbit niya ang kahoy na tungkod habang naglalakad hanggang sa makarating ng pottery. Binuksan niya ang tindahan kasama si Ate Sita hanggang sa maupo siya sa pwesto.

"Belle, kukuha lang ako ng pagkain! May mga namimigay sa barangay, maiwan muna kita ha?"

"Opo!"

Nagsimula si Belle na tapakan ang makina upang ituloy ang kanyang hinuhulma. Pakanta-kanta pa siya habang inaalala ang magagandang nangyari sa buhay niya.

Mabilis ang tibok ng puso ni Franklin nang makita niyang bukas na ang tindahan. Nakuha rin pala niyang makatulog kaya naman heto at nagmadali siyang bumaba.  Panay ang inom niya ng tubig hanggang sa makapasok sa loob ng pottery. Tumunog ang chime na nakasabit sa bubong dahil tumama ito sa ulo ni Franklin, kaya naman napatigil si Belle sa paghuhulma at kaagad nilinisan ang kamay.

Dahan-dahan na tumayo si Belle hanggang sa makita siya ni Franklin.

"B—B…"

"Magandang umaga po!" bati ni Belle at kinuha ang tungkod.

Nagtataka naman si Franklin hanggang sa makita niyang kinakapa ni Belle ang paligid. 

"Ano po ang sa inyo? Pwede po kayong mamili sa kaliwa at nandoon ang nga bagong gawa na paso," wika ni Belle.

Tinakpan ni Franklin ang bibig hanggang sa umatras nang umatras upang bumalik sa loob ng sasakyan.

He saw her scars, her lonely eyes until he finally knew that she's blind. 

"Belle…" he whispered while looking  at her. Biglang nakaramdam ng takot si Franklin habang pinagmamasdan pa rin ang kilos ni Belle na mukhang hinahanap siya.

Panay ang buntong-hininga ni Franklin hanggang sa bumalik siya sa tindahan. 

"Ano po iyon sir?" Tanong ni Sita kaya napaharap si Franklin.

Para namang nakakita ng multo ang babae kaya halos mabitiwan nito ang isang basket kaya kinuha ito ni Franklin upang tulungan si Sita.

"Are you okay?" Si Franklin.

Papalit-palit ang tingin ni Sita kay Belle at kay Franklin na kanyang kaharap. 

"Ate Sita? Patulong naman po, may customer kasi. Hindi ko alam kung bibili ba o hindi," wika ni Belle.

Umiling si Franklin at binalik kay Sita ang basket. 

"Hindi raw, Belle."

Tumango naman si Belle pagkatapos ay bumalik sa loob. Akmang aalis si Franklin ngunit hinatak ni Sita ang kanyang kamay.

"Ikaw ba ang jowa ni Belle?"

Napalunok si Franklin pagkatapos ay hindi makatingin ng diretso.

"Sabi na eh! Ikaw iyong nakita ko sa pitaka niya!"

"Quiet! Please, don't tell her."

"Bakit? Hindi ka ba naaawa sa jowa mo? Ilang taon na siyang bulag. Ikaw mukha kang mayaman, bakit hindi mo siya ipagamot para naman maalagaan niyo ang anak niyo!"

Mas lalong nagtakbuhan ang kabayo sa dibdidb ni Franklin dahil sa sinabi ni Sita. "Ha? What do you mean?"

Hinatak ni Sita si Franklin hanggang sa makalayo sila sa tindahan.

"Four years ago nang dumating si Belle sa amin bitbit ng isang matanda. Bulag, sugatan at panay ang iyak niyan. Dapat may operation siya pagkatapos ng isang taon pero nu'ng nalaman niyang buntis siya, natakot siyang magpa-opera dahil sa anak niyo. Eh tapos panay ang tanggi sa operation dahil wala pa rin siyang pera."

"Really? Anak? Teka, nasaan ang mga bata? Anong hitsura?"

"Ay ito!" Kaagad nilabas ni Sita ang cellphone at pinakita ang litrato ni Franco at Filip. "Iyan, si Franco at Filip. Pinagbiyak na paso kayong tatlo. Naku! Bakit hindi ka magpakita kay Belle?"

Maluha-luhang nakatingin si Franklin sa anak nila ni Belle hanggang sa napayuko na lamang siya.

"Please don't tell her about me. Just-just let me stay here. Kukuha ako ng tsempo."

"Pero paano mo siya makakausap? Eh iyang boses mo sigurado kilala ka niya."

"Kaya kong magpanggap."

"Eh sige, halika tisoy."

Tila napasabak sa giyera si Franklin habang siya ay papasok sa tindahan. 

"Belle, ipapakilala ko ang bagong nagrerenta katabi ng bahay niyo nila Filip at Franco."

"Ah? Hello! Belle po," wika ni Belle at nilahad ang kamay. She was about to let his hand go, pero kinapa ito ni Belle kaya naman inalis kaagad ni Franklin ang pagkakahawak dito. "Your name?" Tanong ni Belle.

Walang maisip si Franklin hanggang sa makita niya ang isang garapon ng mani na may pangalan na Juan. "Juan!" Maagap niyang sagot kaya mas lalong nag kunot noo si Belle. 

"O—okay," umiwas si Belle at bumalik sa pwesto. Hindi siya mapalagay dahil kaboses ni Franklin ang lalaking kausap niya.

Lumipas ang ilang minuto, nakapasok si Franklin sa rerentahan niyang bahay. Subalit si Belle na panay ang tanong kay Sita tungkol sa bagong lipat.

"Anong hitsura niya?" Tanong ni Belle.

"Maitim, tapos pango, tapos matangkad. Basta mukhang kapre na lumiligid sa puno. Pero mukha naman mabait."

"Talaga? Parang slang kasi magtagalog. Baka may halo iyan?"

"Wala! Diyos ko baka feeling half breed lang."

Tawang-tawa si Belle hanggang sa bumalik siya sa bahay para magluto ng tanghalian niya. Sanay na sanay siya na kapain ang paligid hanggang sa maramdaman niyang may pumasok sa bahay niya.

"Sino ka?! Bawal pumasok dito nang basta-basta!" Sigaw niya habang nakatutok kay Franklin ang sandok.

"Makikikain lang sana ako," wika ni Franklin.

Hindi alam ni Belle kung pagkakatiwalaan niya ito dahil sa pamilyar nitong boses.

"S-sige."

Bawat galaw ni Belle ay pinagmamasdan ni Franklin. Ayaw tumigil ng mga mata niya habang nakikita kung gaano kahirap ang naging buhay nito.

"Kumain ka na pagkatapos umalis."

"Ang sungit naman ni Belle," bulong ni Franklin. "Ah oo."

Patuloy ang pagsubo ni Franklin pero nakatitig pa rin siya kay Belle. Paliit-liit ang kilos nito hanggang sa gusto niya nang halikan ang labi nito.

"Totoo ba na maitim at pango ka?" Panimula ni Belle.

Kunot noo si Franklin hanggang sa sumangayon siya. "Ah oo. Bakit mo natanong?"

"Ano bang malay ko kung mamamatay tao ka?"

"Hindi… hindi naman kita sasaktan."

Nabitiwan ni Belle ang kubyertos hanggang sa pumatak ang luha.

"Bakit? Sorry, bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali?" Tanong ni Franklin.

"Wala, dalian mong kumain at umalis ka na."

"Pasensya ka na. Huwag kang umiyak. Hindi naman kita inaway."

"Lumabas ka na nga!" Sigaw ni Belle kaya tumigil si Franklin. Tumahimik na lamang siya at tumayo upang lumabas.

Para bang nakokonsensya si Belle na sigawan ang lalaki kanina kaya naman nagmadali siyang habulin ito.

"Juan! Juan!" Tawag ni Belle.

"Bakit?"

"Sorry. Nabigla lang ako…. May kaboses ka kasi."

"Ah, eh wala iyon."

"Pasensya ka na ha? Bibigyan na lang kita ng pagkain pambawi."

"Kahit huwag na."

"Sorry!" Nakonsensya pa rin si Belle hanggang sa nagmadali siyang bumaba nang hagdanan kaya naman halos siya'y malaglag.

Maagap naman si Franklin at sinalo si Belle. Napayakap si Belle sa kanya kaya naman mas lalo siyang nagtaka.  Napansin ito ni Franklin kaya naman iniwasan niya si Belle.

"Sorry. Aalis na muna ako, salamat sa pagkain!" Pagmamali ni Franklin pagkatapos ay tumakbo palayo.

Hindi umalis sa pwesto si Belle hanggang sa hawakan ang dibdib. "May kakaiba….pakiramdam ko'y may kakaiba sa taong iyon."

Continue Reading

You'll Also Like

16.7K 417 38
Samantha Alfonso have to complete her on-job training within 800 hours, so she applied to a famous company, but unexpectedly she was assigned as the...
448K 7.8K 30
[Completed] They said being married to someone is one of the most beautiful event happen to your life but for Monday that is the worse thing happen i...
37.8K 945 73
T E A S E R "What the f*ck!" Sigaw ni Terrence. Terrence Jude Alvarez. He is a young multi billionaire business man as the same time a mafia. Kinakat...
38.6K 739 20
Wala akong ginawa kundi mahalin sya pero tanging panunumbat lamang ang naririnig ko sa kanya, alam ko na kasalan ko ang lahat kung bakit nasira ang b...