EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

333K 11.2K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 79

1.3K 130 30
By HeavenKnowsFLO

CHAPTER 79

HAWAK ang puting damit habang papalapit sa altar, pati na rin ang bibliya na kanyang inilapag sa lamesa. Nagsitayuan ang mga tao sa simbahan ng España. Father Franklin Hugo, finally came back as a Priest. Pagkatapos ng apat na taon magmula nang mamatay si Belle, hindi nagdalawang isip ang binata na muling bumalik sa simbahan upang baguhin ang lahat ng pagkakamali na sinimulan ng kanyang ama.

Gusto niyang ibalik ang tiwala nang mga taong naapektuhan sa lahat ng ilegal na transaksyon sa simbahan. Iniwan niya ang buhay sindikato at tuluyang binitiwan si Gael pati si Charm.

He fired his two loyal guards, lalo na si Manang Karing at Manong Boyet. Ang mga tauhan sa El Hombre Mafia na kanyang iniwan. Pero ang hindi alam ni Franklin na nanatiling magkakahawak kamay ang kanyang mga naging tauhan. From El Hombre Mafia to El Hombre Organization. Gawa nang proposal ni Don Vito kay Gael na maging isang organisasyon na lamang ito, hindi tumanggi sila Gael dahil sa mabuting patutunguhan ng grupo.

Natapos ang isang oras na misa, bumalik si Franklin sa kanyang sasakyan upang umuwi sa simpleng bahay na kanyang binili. Payapa lang siyang naninirahan mag-isa, hindi sumasama sa kahit kanino at naging mailap.

Tunay na naging malaki ang epekto ng pagkawala ni Belle sa kanya. Kahit may ilang mga kababaihan na pilit siyang tinutukso para lumabas ng simbahan, wala siyang pakialam dahil ito na ang pangako niya sa sarili na hindi na muling magmamahal ng iba at ipagpapatuloy ang pagiging Pari.

Sa pagbubukas ng kanyang pintuan, halos atakihin ang binata dahil sa kanyang nakita.

"Wala ka man lang reaksyon?!" Bulalas ni Manong Boyet.

"Bakit hindi kayo nagsabi?"

"Bro, you are a changed man. From being a womanizer, flirt guy, party boy to a Priest?" Natatawang sinabi ni Vito.

"Stop, ayoko nang makasalanan. Pero bakit nandito nga kayo? Gael, anong sinabi ko sa 'yo?" Asar na sinabi ni Frank pagkatapos ay umupo sa kabisera dahil nakahanda ang pagkain.

"Sir, we missed you. Apat na taon na ang nakalipas. Tsaka gusto ka sana namin imbitahin para ikasal na kami," wika ni Gael hanggang sa lumabas si Jaica.

Napalunok na lamang si Franklin at pinigilan na lumigid ang luha sa kanyang mga mata. "I'm glad that you are fine."

"I miss you, Frank! Tagal mong nawala!" Bulalas ni Jaica pagkatapos ay niyakap ito.

Franklin tap her arm at inilayo si Jaica. "Gusto ko man na ikasal kayo, pero hindi ako ang nagkakasal sa mga tao rito."

"Why? Bakit naman, Hijo?" Tanong ni Manang Karing.

Nag-iwas tingin si Franklin hanggang sa sumubo pa ito ng pagkain. "Ibang Pari na lang. Hindi ako. Pwede naman akong bisita. Dito ba kayo ikakasal?"

"Sa Pilipinas! May divorce dito baka hiwalayan ako ni Jaica, sir!" Tugon ni Gael pagkatapos ay nilapag ang plane ticket para kay Franklin.

"No... I'm sorry, hindi na ako babalik ng Pilipinas," pagtanggi ni Franklin pagkatapos ay ibinalik ang plane ticket kay Gael.

"Bro, it's your right hand's wedding day. Huwag mo dapat itong palampasin," sabat ni Vito.

"I want to stay here. Best wishes to the both of you. I hope you respect my decision," matamlay na sagot ni Franklin pagkatapos nu'n ay muli siyang kumain kaya naman sinabayan na lamang siya nina Vito, Cassandra, Gael, Charm at Jaica. Habang si Manang Karing at Manong Boyet na lumabas ng tahanan ni Franklin.

"Bakit ka naman lumabas? Hindi ka ba gutom?" Tanong ni Manang Karing sa asawa.

"Apat na taon na ang nakalipas pero hindi pa rin mabuti ang pakiramdam ni Frank. Hindi ito ang batang inalagaan natin."

"Of course, Belle was the last woman he truly loved. Magiging maayos din ang lahat, at paunti-unting makakabangon si Frank."

Iling lamang ang naging reaksyon ni Manong Boyet pagkatapos ay pumasok sa loob ng sasakyan. Binuksan niya ang pitaka at tiningnan ang litrato ni Belle.

"Nahirapan ako lalo sa sitwasyon niyong dalawa. How can I tell him that you are still alive? Paano na rin ang pinangako ko sa 'yo, Belle? Alam kong ayaw mo nang guluhin ang mundo ni Franklin, pero mas mahihirapan kayong dalawa kung magpapatuloy 'to."

Maluha-luha si Manong Boyet habang inaalala lahat ng nangyari pagkatapos ng pagsabog. It wasn't an easy decision for him to keep this secret for four years.

Belle asked him to take her away from Franklin. Hindi matanggap ni Belle na muli siyang bumalik kay Franklin pagkatapos ng lahat. She felt dirty and she felt that she betrayed Franklin. She accepted everything what happened to her, at pakiramdam niya'y isa itong karma.

Dumating ang gabi, tinabihan ni Manong Boyet si Franklin dahil nakita niyang tahimik lamang ito habang nakaupo sa hagdanan sa labas.

"How are you, Sir?"

"I'm good."

"You aren't."

Bumuntong-hininga si Franklin bago sumagot. "Iisa lang ba ang magiging sagot niyo? Okay lang ako, I am serving God again. I'm a changed man. Not even a manwhore. Medyo masungit pa rin naman."

"Do you miss her?"

Ilang segundong tumahimik ang paligid hanggang sa kumibo si Frank.

"Walang araw na hindi ko siya na aalala. Though, I am serving the church-hindi naman ganoon kadali na kalimutan ang taong nag-iwan ng marka sa kaluluwa ko. It has been one thousand and forty-six days since we're apart. I've learned a lot from her... masakit pa rin pala hanggang ngayon," his voice started to cracked. He even cleared his throat, pero heto at lumuha ang mga mata ni Franklin. "I preach locals to forgive, to move on. But I can't forgive myself for losing her."

Nagdaan ang ilang araw at nanatili sila sa bahay ni Franklin, halos masiraan na rin ng bait ang binata dahil sa mga anak ni Vito at Cassandra.

"Tito! Tito!" Tawag ni Dior.

"What? Huwag kang tumakbo baka naman atakihin ka sa puso."

"No, Nathalia's heart fits me. I'd like to ask something."

"What?"

Biglang nilapag ni Dior ang kanyang laptop pagkatapos ay ipinakita ang mga research work nito. Pagtingin ni Franklin sa monitor ng laptop ay bigla na lang siyang napabalik tingin kay Dior. "You researched this?"

"Yes, please don't tell this to my parents."

"Don't do this. Don't keep secrets."

"But I want to join the Bureau when I grow up."

"Matindi ang training doon. It can harm your heart, Dior. Alam mong hindi basta-basta ang pinagdaanan namin ng Daddy mo."

"But I want this. Instead of being a Professor in the future."

"If you are my child, hindi kita papayagan na pasukin ang madilim naming buhay. Hindi ka ba natatakot?"

"Bakit ako matatakot kung tama naman ang ipaglalaban ko?"

Natawa naman si Franklin pero sa makatotohanan ay tinamaan siya sa sinabi ni Dior.

"You are still a kid, marami ka pang pagdadaanan."

Tumango naman si Dior hanggang sa iniabot nito kay Franklin ang isang maliit na piraso ng papel. "Here, uncle."

Kunot noo na binuksan ni Franklin ang papel hanggang sa tumambad sa kanya ang sketch ng mukha ni Belle pati ni Cassandra.

"Bakit binibigay mo sa akin 'to?"

"If I grow up. I want to fall in love with this kind of woman. Brave and gorgeous."

"Saan galing 'yan? Ang bata mo pa ha? Mana ka talaga sa tatay mo."

Tumawa si Dior pagkatapos ay tinapik ang balikat ni Franklin na kung akala mo'y magkaedad lamang sila. "If you aren't happy, don't push yourself doing the things that aren't for you. I can see it in your eyes."

"What am I gonna do? Do I need to lock myself inside my house? Of course I need to find something that can make my time worth it while I'm still living."

Umiling si Dior, "Tito, why don't you visit her tomb? Baka sakali lang naman na mas maging okay ka kung dadalawin mo siya."

Ginulo na lamang ni Franklin ang buhok ni Dior pagkatapos ay niyakap. "Pumasok ka na, may bumbunan ka pa."

"No, I'm not a kid anymore. Well, good night, Father Hugo."

Lumamig ang hangin hanggang sa pumasok na rin si Franklin sa kanyang kuwarto. Napatingin siya sa plane ticket na binili ni Jaica at Gael para sa kanya papunta sa wedding day nila. And at the same time, tiningnan din niya ang bibliya na ginagamit niya sa tuwing nagmimisa.

"Belle... how can I move on? I'm stuck from the past. How I wish I could bring back time. I want to be with you again."

Continue Reading

You'll Also Like

9K 1.5K 28
|COMPLETED | R18 | MATURE CONTENT| Ang buhay ng tao ang higit na mahalaga. Lahat ay nakahandang itaya para sa buhay na hinahangad nila. Ano ang gag...
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
77.4K 2.4K 34
DEMETRIUS AUGUSTUS is a man who has everything that every girls wished for. Looks, wealth and fame. He is known for being ruthless in the business wo...
19.2K 628 30
Stella is 18 years old and Brayden is 28 years old. He adopted Stella to be his sister, but Stella suddenly felt something for Brayden, and she was c...