A Hiccup Of Tea (βœ”)

By yshwii

4.7K 2.3K 874

Would a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 48

28 32 10
By yshwii

C H R I S T E L L E

"Hi, mind if I join your conversation?"

Napatigil sa pagsasalita si Denver nang biglang may tumabi sa kaniya, it was Ynna.

"So what are you guys talking about?" She asked. Alam kong may idea na siya sa kung ano iyon pero she chose to be ignorant to piss me off.

Seeing them together made me feel uneasy again. Mabilisan kong inubos yung latte na binili ni Denver sa akin bago tumayo't nagpaalam umalis.

"Huh? You're going? Kararating ko palang eh," she said and then pouted. Nakita ko namang bumuntonghininga si Denver at hindi na umimik pa.

"Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko," sabi ko nalang kay Ynna at naglakad na palayo bago niya pa ako pigilan ulit. Hindi na ako lumingon pa muli sa kanila.

"Ah!"

I squealed when I suddenly bumped into someone. Natapon pa sa akin yung hawak niyang kape, mabuti nalang at iced coffee iyon.

Kung kailan malapit na ako sa entrance, saka pa magkakaroon ng aberya. Malas!

"Sh*t sorry."

My face immediately burned when I heard his voice.

"Ahh, this will leave stains on your blouse," ani Brylle habang kumukuha ng tissue sa counter. Siya pala yung nakabanggaan ko. Napatingin ako sa damit ko, hindi naman marami yung natapon pero mapapansin agad na madumi. Malapit kasi sa dibdib ko yung natapunan kaya kitang-kita agad yung mantsa.

Hindi ako nakagalaw nang bigla niyang punasan yung damit ko gamit tissue. Para akong natuod habang pinapanood siyang punasan ako. Wala pang ilang segundo ang lumipas nang bigla siyang napahinto, his face turned red and awkwardly handed me the tissue.

"Sorry," halos pabulong niyang saad. Tinanggal niya yung suot niyang jacket at sinuot iyon sa akin, para siguro matakpan yung dumi. Bumalik siya ng counter at mukhang may in-order ulit. I just shrugged my shoulders and then went out the shop.

Masiyadong maraming nangyayari ngayon.

Tahimik kong binabagtas ngayon yung daan pabalik sa kung saan ako nanggaling kanina. Gabi na pala? Hindi ko iyon napansin kanina. Masiyadong pre-occupied isip ko kanina, akala ko hapon palang.

Nasa gate na ako ng Ivy International nang mapagtanto kong suot-suot ko pa rin pala yung jacket ni Brylle. Bakit ko ba ito tinanggap kanina?!

I took it off and stared at it. My eyes widened when I realized that this jacket was the one he let me borrow noong nakaupo ako ng red paint sa classroom dahil sa pantitrip ng mga kaklase ko.

So... Siya nga talaga si Andy.

Napatingin ako bigla sa mantsang nasa damit ko, sinubukan ko itong kusutin pero hindi talaga mawalan. Ang tindi naman kumapit ng kapeng ito.

Sinuot ko nalang ulit yung jacket ni Brylle at pumasok na sa loob, hindi muna ako umalis sa harap ng gate kasi baka dumaan sila rito’t magkasalisihan pa kami. Sana hindi nila ako iniwan lalo na't marami na rin yung nagsisiuwian.

Kinuha ko yung phone ko para tawagan si Hannah. Pag-dial ko ng number niya, biglang namatay yung phone ko. Bakit ba minamalas ako ngayon?!

Habang nasa loob ako't tinitignan yung mga lumalabas pasok ng school, nagulat ako nang makita ko bigla si mama sa harap ng guard house, nakatayo’t may kasamang lalaki na sa tingin ko ay kaedad niya lang din. Hindi niya ako napansin kahit na medyo malapit ako sa kanila kasi masiyado siyang busy kausap yung lalaking nasa harap niya ngayon.

Hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nila pero paminsan-minsan ay hinahampas siya ni mama sa braso and it literally puzzled me. Alam kong para na siyang byuda kasi ilang taon nang walang paramdam asawa niya pero hindi ko naman lubos naisip na hahantong sa ganito si mama— na makikipag-date pa siya sa iba.

I gasped when my mother suddenly slapped the man. Lalapitan ko na sana sila kasi baka ano pa yung mangyari nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Enjoying the show?"

Ynna.

She smirked at me the moment our eyes met. Bakit siya nandito? ‘Di ba magkasama sila ni Denver? Sinundan niya ba ako?

"I wonder why would your mother slap my father. Tingin mo, bakit kaya?" Tanong niya dahilan para kumunot noo ko.

Father?

"Oh, are you confused or curious?" Aniya muli at ngumiti. She then chuckled nang mapansing hindi ako makaimik sa kaniya habang naguguluhan.

Don't tell me, mama's new boyfriend is Ynna's father?

Bigla kong naalala yung araw na nakita ko siyang lumabas mula sa bahay namin. Kaya ba siya nandoon kasi stepmother niya na si mama?

"Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong niya nanaman ulit.  I opened my mouth but I can't utter a word, parang natuyo yung lalamunan ko dahil sa pagkalito.

"Follow me, tayo naman yung mag-usap pagkatapos niyo ni Denver," Ynna said and then walked away. Ganoon-ganoon nalang ‘yun?

Lumingon siya ulit sa akin nang mapansing hindi ako sumunod sa kaniya. She rolled her eyes and then walked away again. Tumingin ulit ako sa puwesto kung nasaan sila mama at mukhang nagtatalo pa rin sila ng lalaki.

What if Ynna knows something about the two? Maybe it'll not hurt a neck following her for once.

Ayokong malaman mismo kay mama kung anong relasyon nila ng tatay kuno ni Ynna kasi hindi ko talaga matatanggap kung sabihin niyang may namamagitan sa kanila.

Agad akong tumakbo para habulin si Ynna, napansin niyang sumunod ako pero hindi siya nag-atubiling tapunan man lang ako ng tingin at nag-dire-diretso lang kaming naglakad.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero handa akong tumakbo nang mabilis sa oras na ilagay niya ako bigla sa alanganin.

We walked for a few minutes until we reached a café. Iba ito sa pinuntahan namin ni Denver kanina, mas peaceful yung ambience dito kaya siguro... Kahit papaano ay magiging kalmado akong kausap si Ynna.

Sana.

She ordered something for her the moment we arrived at the counter. Oorder na rin sana ako ng para sa akin nang bigla niya akong pinigilan, ililibre niya raw ako ng specialty nila rito which sounds odd pero hinayaan ko nalang.

"Let's seat here, malapit sa aircon," she mumbled and then sat down. Umupo naman ako sa harap niya, she's smiling at me kaya kinabahan ako bigla.

I think she's up to something.

"I think I'm going to like this café. I'll visit here often," she said. I held my breath to keep my cool and patience. Pinapaligoy-ligoy niya ako sa kung ano ba dapat yung pag-uusapan namin.

Bakit niya ba ako dinala rito?

"A-ano bang plano mo, Ynna?" I courageously asked. Her sweet smile faded and a smirk is now plastered on her face, again.

"I thought that you won't ask," she said and then crossed her arms in front of me. Mali ata ako ng desisyong sumama sa kaniya, mukhang pinaglalaruan niya lang ako.

"Alis na ako," pagpapaalam ko sa kaniya pero pinigilan niya ako.

"Kanina mo pa ako iniiwasan, noong kasama pa natin si Denver. Ganiyan ka ba ka-allergic sa akin, sister?"

"S-sister?" Tanging naiusal ko matapos marinig yung sinabi niya. Lalong lumapad yung ngisi niya nang unti-unti akong bumalik sa kinauupuan ko kanina, now she got my attention.

Para akong nabingi. Anong sister? So stepmother na nga niya si mama?

"I got you," she mumbled while looking at me deeply, hindi ko mabasa kung ano yung nasa isip niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya sa akin at tinignan lang ulit ako. Kinakabahan ako sa mga bagay na maririnig ko mula sa kaniya.

"We're sisters," kaswal niyang saad sa akin dahilan para lalo akong maguluhan.

"So... Boyfriend nga ni mama yung tatay mo—"

"What? No. You're so dumb," she rolled her eyes after saying that. Eh, paano kami naging magkapatid?

"Ang bobo talaga. Akala ko ba matalino ka..." Bulong niya pero sapat na para marinig ko. She sighed before raising her eyebrows at me.

"We're sisters, we have the same father."

Shoot.

"The reason why I hate your guts is because my mother divorced him because of your filthy mother, your biological mother," dagdag pa niya. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit halos patapos na yung klase, lumipat ako sa school niyo? It's because I want you to be miserable. You ruined our family that's why I must ruin yours," pagsasalita niya pa. I can sense some pain from her eyes pero mas nangingibabaw yung intimidating aura niya.

"A-anong kasalanan ko?" I asked innocently which made her scoffed.

"Aunt didn't told you the reason why you can't meet your father?" She asked with a hint of being amused.

"Aunt?" Nagtataka ko nanamang tanong sa kaniya.

"Aunt Christy, your adoptive mom," sagot niya sa akin. Si mama?

"Hailey!"

Napatingin ako, kasama yung ibang mga customers sa kapapasok lang na lalaki sa loob ng café. It was the man a while ago, yung kausap ni mama. Sa likod naman niya ay si mama na halatang nagulat nang makita niya ako.

Sumulpot din sa tabi nilang dalawa si Denver, nagtama yung tingin namin pero agad din siyang umiwas.

Hindi nagpatinag si Ynna kanila at nagpatuloy lang sa pagkukuwento.

"In case you're not aware, my father and your adoptive mother are twins that's why she's my aunt, our aunt," aniya habang nakatingin sa akin, nasa likod na niya sila mama pero parang wala lang sa kaniya iyon.

"Hailey, what are you doing—" he cut his father's words off by ignoring him.

"Your real mother was the reason why my parents marriage got ruined. You're the fruit of their betrayal towards my mom so why would I let you live peacefully while here I am, struggling with a broken family?" A tear fell from her left eye. Napaawang naman labi ko dahil roon.

"Hailey, hija, this is not the right time—"

"Then when is the right time I can tell her the truth,  Aunt? Dad? You've been protecting her since we were kids to the point that she's not aware about her real background— that she has a sister by blood and a father who is a cheater," she snapped out, muntik na siyang sampalin ng tatay niya pero nahawakan iyon agad ni Denver dahilan para hindi matamaan si Ynna. Tinignan ko naman ngayon si mama na pilit pinapakalma si Ynna.

Hindi ko alam kung bakit pero sumasama nanaman loob ko sa kaniya. All along, she knew and didn't bother to tell me that I have a sister? She had the chance noon, bakit hindi niya sinabi sa akin nang buo yung kuwento?

Nagtagpo muli yung mga mata namin ni Ynna, her playful smirk ago vanished, she's now gritting her teeth at me.

"You know what Christelle, you're so lucky. I tried sabotaging your academic records pero nakalusot ka pa rin. I used your crush so that I can hurt you emotionally but still, he became stupid and confessed everything to you," aniya dahilan para matahimik kaming lahat. Napayuko rin si Denver dahil doon.

"Now... I'm doing you a favor by telling the truth pero ako pa rin yung nagmumukhang masama sa mga mata nila, ano bang mayroon sa iyo, ha?"

I can't breathe. Unti-unti ring namuo yung luha sa mga mata ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Ynna.

Yung tapang na inipon ko noon para mag-move forward, biglang natapon. Nawala. Yung sakit na naramdaman ko nitong nakaraang araw, bumabalik nanaman.

Nawala yung tension sa pagitan naming lahat nang biglang dumating yung order ni Ynna para sa aming dalawa. Kinuha niya iyon at inabot sa akin yung isang tasa.

It's a cup of tea.

"I hope that you'll enjoy all the tea that I had spilled, Christelle. You may be my sister but I hate you. I won't stop until I make your life miserable like how you and your mother left me in despair," She said before walking out. Sinundan naman siya agad ni Denver dahilan para maiwan kaming tatlo nina mama dito sa loob.

Nakatingin lang ako sa tsaa na binili ni Ynna sa akin, ayokong harapin yung dalawang taong nasa harap ko ngayon.

"Anak," I heard mama said but I didn't bother to answer. Ayoko munang makarinig ng kung ano mula sa kaniya, hindi pa nagsisink-in sa akin lahat ng mga nalaman ko.

"Christelle," ani ng lalaki.

"Lahat po ba ng sinabi ni Ynna, totoo?" I asked without looking at them. Halata namang nagsasabi ng totoo si Ynna, gusto ko lang makarinig ng confirmation mula sa kanila.

"Yes. We're sorry, anak. I'm sorry—" paghingi ng paumanhin ng lalaki sa akin, I can't even address him as my father. Hindi maganda sa pakiramdam.

Sasabog na yung puso ko. Hindi ko na kaya. Ano bang kasalanan ko sa kanilang lahat para maranasan ko ito?

"Just... Just give me some space. Leave me alone."

Hinawakan ni mama yung kamay kong nakahawak lang sa tasa bago tumayo at niyaya yung tatay ko raw na umalis.

"Huwag na natin siyang puwersahin. Let's just follower her request, please," pakiusap ni mama sa kaniya. Wala na akong narinig pa sa kanilang dalawa at umalis na. Hinaplos pa nga muna ni mama yung buhok ko pero hindi ko na siya... sila, tinignan pa.

Huminga ako nang malalim at pinunasan yung luhang kumawala mula sa mga mata ko.

Suko na ako.

***
:)

Continue Reading

You'll Also Like

29.4K 829 44
Kass is a simple college girl who accidentally stole the hearts of 3 guys who happen to be brothers. Who will she choose? Joe, Javi or Juan? A Gomez...
716K 15.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
Dawn By ❀

Teen Fiction

67.8K 4.4K 78
I know you didn't know me but I just want to let you know na manloloko 'yang girlfriend mo. An epistolary
4.8K 452 160
An Epistolary. Started: January 1' 2022 Finished: April 3' 2022