Unexpected

By Gelskee_14

1.5K 92 6

What does the real definition of love? is it all about betraying? pain? regrets? or is it about waiting, pu... More

Author's note
Prologue
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ’
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ“
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ”
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ•
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ–
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ—
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ‘
Chapter 14
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ”
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ•
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ–
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ—
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ‘
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ’
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ“
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ”
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ•
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ–
๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐Ÿ—

๐‚๐ก๐š๐ฉ๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ‘

60 5 0
By Gelskee_14

Max's pov

Isa lang masasabi ko.

Nakakainis!

Bakit? Kasi pinapasok nga ako di naman ako tinantanan langya. Puro ako tinawag sa recitation, mabuti na lang talaga kahit papano may alam ako.

"Oh, bakit di na maipinta mukha mo jan?" Tanong ng taong kararating lang, si Kai pala kasama si Pj.

"Pfft.. Ikaw ba naman pinaginitan ng professor tapos first day of class pa." Tatawa tawang turan ni Gav, bwisit talaga to.

"Shut up donkey, ihahampas ko sayo tong cake ko. Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pa sakin." Singhal ko rito habang tinitignan ko ng masama. Tumaas kamay nito na animo'y sumusuko.

Nasa cafeteria na kasi kami, dahil lunch break na. Kasama namin tong dalawa pang impakta. Si Kai at Pj. Yung tatlo? Aba malay ko kung saan nagsusuot.

"Oh oh easy. Sorry na leigh leigh ko wag na magalit, lika kiss kita." Turan nito na may pangaasar na ngiti at akmang lalapit ng sakmalin ko ng palad ko mukha nya upang ilayo.

Ayoko ng hinahalikan, kahit sa pisngi. Maging sina mommy nga pinipigilan ko pero makulit din kase yun kaya no choice ako magpahalik.

Pero sa impakta nato, no way halikan nya yung sahig. Wag ako. Sapakin ko pa nguso niya.

"Layuan mo'ko, hahambalusin kita ng upuan." Akmang tatayo na sana ako pero hinawakan ni Kai kamay ko na tatawa tawa rin.

"Tama na yan. Baka isipin ng mga studyante dito na nagaaway talaga kayo, guidance abot nyo sige. Sino ba yung professor na nakaharap mo max? Kawawa ka naman at pinaginitan ka agad." Turan niya na halatang nagpipigil ng tawa. Maging si Pj ganun din itsura e.

Langya talaga. Tuwang tuwa talaga silang nakikita akong naiinis ah. Mga letche.

"Tumawa na kayo. Baka umutot pa kayo kasalanan kopa." And as if on cue sabay sabay silang nagsitawanan. Nagalingawngaw pa mga boses nila dahil sa sobrang lakas ng tawa tss.

"Yung bagong professor HAHAHAHAHAHA." Hagalpak ni Gav. Ang saya ha.

Nakakahiya. Pinagtitinginan na tuloy kami dito. May ibang nagulat, may mga naghihighikan na animo'y kinikilig, meron ding nakikitawa. Kala nyo naman kasali. May nagvivideo pa jusko.

Ikaw ba naman apat na mga anak ng sikat na business man bigla bigla magiingay tapos anlalakas pa ng boses. Well tatlo lang sila.

"Can you guys please stop na? Pinagtitinginan na kayo. Kakapal ng mukha talaga hindi na nahiya tss." Inis na turan ko. Sasagot pa sana sila pero naputol dahil biglang may sumigaw galing sa entrance ng cafeteria.

"Wassupppp mga tangaaaa!" Sabay sabay na sigaw nung tatlo.

Naknampucha talaga, anlalaki ng mga bunganga kala mo hindi mga babae.

Nagsitakbuhan sila papunta samin at dali dali umupo. Si seven nasa tabi ko.

"Ang iingay ng bunganga niyo mga lintek!" Singhal ko agad sakanila. Sakit kaya sa tenga.

"Oh hala bakit ang sungit ng walo ko? Hoy! Inaway niyo to?" Baling ni seven kila Gav.

"Hindi kami yung umaway, si Ma'am Zane nangaway jan HAHAHAHAHA" inang gravy to.

"Ay weh? Si ma'am Zane? Awawa abata pala ang walo ko." may pangaasar sa sabi ni Seven.

Paguuntugin ko talaga sila ni Gav.

"Ma'am Zane? Sino?" Kev ask.

"Yung bagong professor." Sagot naman ni Gav.

"The new professor? Oh! That pretty lady who's with max yesterday!" Biglang aniya ni Zev.

Eh? Nakita niya kami?

"With max? Halaka max! kasama mo pala si ma'am kahapon ah." Nagsisimula na naman po si gravy.

Lord, pigilan nyo'ko masasapak ko na'to.

"Wag nyo'ko bigyan ng ganiyang tingin mga hinayupak. Inutusan ako ni tito na i-tour si ma'am dito." I answered with a hush voice.

"Owwkayyy, sabi mo eh." Sagot ni Gav, habang may malokong ngiti sa labi niya tapos ang iba may pangaasar akong tinignan.

I just rolled my eyes on them. Sarap nila sapakin isa isa.

Akmang magsasalita na naman sila ng bigla bumukas pinto ng cafeteria. Biglang nagsitahimik ang paligid maging itong mga unggoy natigilan din.

Who wouldn't? Kung may biglang papasok na mga anghel. The word beautiful doesn't just describe them. Goddesses fits them well.

They are five to be exact.

But the moment my eyes found hers, it got stuck there. She's really so damn gorgeous.

"Love!" Basag sa katahimikan ni Pj.

Ay loh, girlfriend niya nga pala isa dun.

Yung babaeng nauuna sakanila katabi ni ma'am Zane. Sydney Collins the leader of the cheerleader team, graduating na siya next year. 1yr ang age gap nila ni Pj, and Pj is varsity player ng basketball team. Oh diba? Bagay talaga sila.

Isang anghel at isang demonyo.

Parehong varsity si Pj at Gav, Si Gavian ay sa Baseball, about Kai naman she's on dancing club I think president sya dun. Ako? Wala tamang pasok lang ng eskwela. Biro lang.

I'm the president of CSC or college student council, ayoko nga sana sumali kaso lintek yung tito ko pala desisyon sa buhay, sinali ako tapos ang masaklap pa out of 100%, 98% yung mga bumoto sakin letche. Pero okay na rin, at least I can stop the bullying here on school.

About Sevien? She's now the leader on cheerleader team pinalitan niya yung na injured na dating leader magaling kasi yan, Kev is our Archer captain magaling pumana pero hindi mapana crush niya, Zev is the brain of MonArch univ. siya lagi yung pambato ng school sa mga patalinuhan, gaya ng spelling bee, math, science and so on so forth. Matalino pero bobo sa pagibig.

Matalino kami lahat, mas matalino nga lang sa kalokohan.

"Shit, who's that beautiful lady standing beside Ma'am Zane? She's so fcking hot." Nabalik ako sa sarili ng biglang magsalita si Gav.

Titig na titig siya sa mga dilag na papunta na sa gawi namin, or let's say doon siya nakatitig sa katabi ni Ms. Zane.

"Gav, stop eye fucking her." Sagot ko sakaniya.

"My gosh Gavian! You're drooling!" Sabat naman ni Seven.

Agad na napapunas si Gav sa gilid ng labi niya pero nang mapansin niyang wala sinamaan niya ng tingin si Seven na tatawa tawa sa tabi ko. Pati tuloy ako napatawa. Ayan kasi titig pa.

"Fuck you!" Singhal ni Gav pero mas tumawa lang yung isa.

"That's enough, you both. That's Ms. Lewis Music professor sa block namin ni Zev." Kev spoke. Umiiral talaga minsan pagka ate niya samin.

She's 24 yrs old same as Zev while Gav, Seven, Pj is 23 and I'm 22 same as kai, turning 23. Matanda lang ng buwan yung tatlo February is Seven's, April is Pj's and May is Gav's birthday. August is my month and September is Kai's.

"Hoy Gavian Kay, alam kong may binabalak kang harutin si Ma'am Zafira nako wag mo na ituloy. Ikaw din kawawa sa huli." Biglang pangaral ni Zev sa kapatid nito.

Nasabi ko na bang magkapatid sila? Oh well, basta ngayon alam nyo na. Zevian is oldest daughter of Lopez family, Gavian is the youngest.

"Don't worry ate, nagbebehave na kaya ako." Sagot naman ni Gav.

Psh, sabi ng may kasamang archi student kanina.

"I told you, don't fucking call me ate you dimwit." Nakabusangot na turan ni Zev na ikinatawa namin.

Gage ayaw nga pala niya tinatawag siyang ate, maging kami hindi niya pinapayagang tawagin siyang ganun, sabi niya kasi nagmumukha siyang matanda kahit 1-2yrs lang tanda niya samin.

Busy kami tumawa dito nang may biglang sumulpot.

"Hi my love, I missed you." At sabay pulupot niya ng braso niya kay Pj.

Naknam-

Hampasin ko sila ng kutsara.

"Hey, I missed you more." Sagot naman nitong haliparot kong best friend.

Ansakit sa mata, Lord.

"Really guys? In front of my beloved cake?" Sabat ko sakanila pero tinawanan lang ako, aba't mga lintek to ah.

"Hi Leigh, sorry. I just missed this little idiot, and why don't you find your bebe na? Para di kana bitter." She said while chuckling.

Kung hindi lang to maganda baka sinampal ko na sakaniya tong cake ko.

"Oh edi waw, sana pinabillboard niyo." I rolled my eyes on them but they just laugh even more, maging sila Gav tumatawa na rin.

Grabe, ako talaga happiness nila.

Nakakatuwa naman, sarap nilang hampasin.

"Ehem, Sydney why don't you introduce us to each other? Mamaya mo na landiin yang si Ley na kasa-kasama mo lang naman kanina." The girl beside her said.

I think I know her.

"Oh yes, girls this is my friends. Brielle Jaden Smith, Azalea Zein Aldrich, Zafira Fay Lewis, lastly Maia Zane Miller. The three of 'em is a professor." Pakilala niya sa mga katabi niya.

Magkakaibigan pala sila, hindi kasi halata.

Kumaway yung Brielle samin habang yung tatlong guro tumango lang.

Ay weh? Mana sila kay Ma'am Zane?

"And Ladies this is Paisley's Squad. Khaiden Kaleb Arundell, Keviel Shin Cortez, Zevian Keil and Gavian Kay Lopez, Sevien Leigh Monteverde, last is Maxileigh Ash Monteverde." Pakilala samin ni Syd sakanila.

Nginitian lang namin sila at binigyan ng maliit na kaway.

Except kay Gavian na nahuli ko pang kinindatan yung music teacher professor nila Kev. Wews, wala pala balak harutin ha.

"Nice to meet you po, just call us CB for short." Sabi ni Gav kaya sabay sabay kaming magkakaibigan na napalingon sakaniya.

Ano daw? CB? Dami na naman pauso.

"CB?" Tanong ni kai.

"ComeBack?" Tanong naman ni Kev.

"CornBeef?" Tanong ko naman.

"Cababaeng tao Bacla?" Biglang tanong naman ni seven kaya diko na napigilan at napatawa ako ng malakas.

"Okay lang sana dun sa dalawa, kaso Seven bakit naman ganun iyo HAHAHAHAHAHAHA" biglang hagalpak ni Pj.

Nagsisitawanan na rin pala sila maging si Syd at Brielle tumatawa na rin. Yung tatlong professor? Seryoso lang, di ata uso tumawa sakanila.

"Mga tanga! Hindi kasi yon letche." Kunwari stress na turan ni Gav.

"Ano ba kasi yan Gavian? dami mo talaga pakulo." Iiling iling na sabi ni Zav.

Hala sya, kunwari stress na rin sa kagaguhan ng kapatid parang sakaniya naman nagmana.

"CB, Crackhead Buddies kasi!" Sagot naman niya.

Ah yun lang naman pala, in fairness maganda naisip niya.

"Ohhh, ganda Gav, nice nice." Sabi ni Kev na pumapalakpak pa.

"It's good Gav." Puri nila Kai at Pj sakaniya, tumango tango naman si Seven. Itong si Gav naman nagflip hair pa tapos tinignan sila na parang proud, susme.

"Pangit." Grabeng kapatid to napaka supportive.

"Yah! Unnie!" Singhal ni Gav kay Zev.

"Yah! Dongsaeng!" Napailing na lang ako sa sagot ni Zev.

Epekto ng kaka-kdrama.

"Oh tama na yan. Dami niyo alam." Sabat ko sakanila at saka binalingan ng tingin yung mga magagandang dilag na nakatayo.

"Nice meeting you Professors and Brielle, come on have a sit kanina pa kayo pinagtitinginan." Tumayo nako at sinenyasan ung mga kaibigan ko na tumayo na rin.

Si Seven at Kev pumunta sa kabilang table para kumuha ng extra chairs, malaki na kasi table namin kulang lang ng upuan.

Kanina pa kasi talaga sila pinagtitinginan at naiirita na ako sa mga tingin nila lalo na yung mga kalalakihan.

Napatingin ako sa may likuran nila ma'am Zane nang may marinig akong sumipol, I saw a group of men behind them. Nagdilim mukha ko nang makita ko kung pano nila titigan legs nila ma'am, lalo na kay ma'am Zane. Fuckers.

Naglakad ako papalapit kay ma'am nang hindi inaalis ang tingin sa mga lalaki, sa gilid ng mata ko alam kong nakatingin na sila sakin. Especially her.

I didn't mind them, I continue to walk towards Ma'am Zane. And when I'm beside her I quickly removed my jacket at tinali ko sa may bewang ni ma'am. Matapos kong gawin yun inangat ko tingin ko kay ma'am na nakatingin pa rin pala sa akin, our eyes met and I saw a hint of amusement in her eyes.

Pinutol ko tinginan namin dahil bumibilis na naman tibok ng puso ko. I didn't mind it and grab my cake. I walk towards the fuckers and I can feel my dark aura.

Nakatingin na sakin yung mga lalaki, at alam ko na lahat ng tao dito sa cafeteria hinihintay yung susunod kong gagawin. Just wait and you'll see what kind of demon I am.

"Hi pres, para samin ba yan?" Nakangiting salubong sakin nung lalaking sumipol kanina habang titig na titig sa legs ni ma'am Zane.

I look at the cake I am holding and look at him after. I nod my head.

"Yes, it's for you guys." I smile at them.

I heard my friends hissed, alam kasi nila na ibang ngiti yung binigay ko pero sa mga fuckers na'to sweet smile yung binigay kong ngiti.

Tignan mo mga ngiti nila abot langit, mas gwapo pa si Pennywise sakanila.

"Really? Thank you Leigh, you're so kind." Wika naman nung isa pang fucker, lalo nagdilim paningin ko nang dahil sa tinawag niya sakin.

"Patay ka." Rinig kong sabi ng mga kaibigan ko.

They really know me.

My family or closest friends are the only ones who can call me by that name. I don't want anyone to call me that, lalo na sa mga fucker na tulad nila.

Ano kami close? Asa.

"You want this right? Here, I'll give you." I smile at him as I quickly smashed my cake on his ugly face.

Rinig na rinig ko pagsinghap ng mga tao, habang yung mga kaibigan ko mahihinang nagsitawanan. Supportive talaga sila.

"What the fuck did you do?!" Singhal nung fucker habang tinutulungan siya ng mga kaibigan niya na tanggalin yung icing at cake sa mukha at katawan niya.

"You wanted it right? Then now, you have it. Are you not happy?" Kunwari malungkot ang boses na wika ko.

"Argh! This is so gross! You're gonna pay for this!"Nanggagalaiting sigaw nito. I just give him a deadly stares.

"You want me to pay you? Come on, name it. What do you want? Billion? Trillion? I can give it to you, fucker." I answered him with cold but serious voice.

Natigilan naman siya maging ang mga kaibigan niya kasama na rin yung ibang tao dito sa cafeteria. 

I step closer to him and tightly held his collar, intentionally choking him.

"Sa lahat ng ayaw ko ay yung binabastos ang mga kababaihan, whether by holding or staring. Is that how you treat your mother? What a fucker son she has." I smirk at him and grip my hold onto his collar before I throw him back to his friends.

I saw them winced in pain that makes me smirk even more. Hindi ko pa nga sila sinasapak. Weakshit.

Naniniwala kasi ako sa kasabihan na kung paano mo tratuhin ang kababaihan ganun din ang pagtatrato mo sa iyong ina.

"Don't worry, I'm gonna pay you. By kicking you out here together with your friends. Oh and," I look at them one by one.

"Say goodbye to your family's company." I coldly uttered and give them a dangerous smirk.

Tumalikod na'ko at nagsimulang maglakad pabalik sa table namin, narinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko na nilingon pa, alam ko naman na mga guard lang yun. Kukunin nila yung mga fucker tapos itatapon sa labas ng school.

I don't need them here. Hindi sila kawalan kahit gaano man kayaman ang pamilya nila.

I look at my friends as we heard the fuckers scream saying sorry to me. My friends smirk at me after I wiggle my eyebrows on them. Proud best friends yarn.

"That's what you got for fighting a Monteverde." Seven proudly said.

"Perks of being a Monteverde." Sabi naman ni Kev.

"Indeed." Sabay sabay na sabi naman nung apat. Nagtawanan sila habang ako napangiti lang.

"Tama na yan, magsiupo na kayo." Iiling iling na utos ni Syd.

Sumunod naman ako at doon sa tabi ni ma'am Zane umupo.

Inabutan ako ni seven ng pizza dahil wala na yung cake ko, Bute na lang nakalahati ko na yun ansarap kasi nun e. Swerte nga nung fucker na yun mahal na cake hinampas ko sa mukha niya.

Worth 999 pesos.

"Angas talaga ni master Leigh." Gav suddenly uttered.

"Kaya nga, hinampas ba naman ng cake sa mukha. Lt nung itsura nung alien gage HAHAHAHAHHAA" Zev niyo tuwang tuwa.

"Iba talaga nagagawa kapag crush mo na yung binabastos hays." Sabi ni Seven na ikinalingon ko bigla sakaniya at binigyan siya ng batok.

"Inamo, pinagsasasabi mo jan." Iritadong usal ko. Parang timang kasi.

"Halaaaaa, crush mo si ma'am Zane, Max?!" Isa pa tong Kev na to.

I look at her and to my other friends and immediately rolled my eyes after I saw a hint of playfulness in their eyes.

"Ano max? Crush mo talaga?" Nangaasar na tanong ni Kai.

Di talaga nila ako titigilan? Okay, let's see.

"Yes, and so?" Mataray na sagot ko sakanila.

Kita ko ang bahagyang paggulat sa kanilang mga mukha maging sila Sydney at Brielle isama mo na sina ma'am Zafira at ma'am Azalea.

Tapos itong katabi ko naman napatingin din sakin. I just glanced at her and I let out small smile after seeing her eyes. There's a confusion in her eyes and she's eyeing me whether I am telling the truth or nah.

Tinignan ko ulit mga kaibigan ko at nginisihan sila.

"What's with the shock face? Ngayong sumangayong ako sa asar niyo, nagulat kayo. Weak niyo naman." Sabi ko nang may panunuya sa boses.

I saw them playfully glared at me that made me chuckle.

Napatingin ako kay Seven and I saw her lips turning into knowing smile. I just smirk at her before I stand up.

"Next time, wag kayo mangaasar kung hindi niyo kaya isasagot ko. Cr lang ako, bye bitches." I gave them a smile before walking out.

Hindi pa'ko masyadong nakakalayo nang marinig ko silang sumigaw,

"Andaya mo max!"

I smile and shake my head. I just continue to walk, dahil ambilis ng tibok ng puso ko sa kadahilanang hindi ko alam.
_

Nang makapasok ako sa cr dumeretso ako sa sink at naghilamos. Kailangan ko talaga nito dahil feel ko ang init ng mukha ko.

Habang nagpupunas ako ng mukha narinig kong nagbukas yung pinto ng cr. Di na ako nagabala pang tumingin, hanggang sa narinig ko yung tunog ng takong niya na papalapit sakin kaya dun na ako nagangat ng tingin sa salamin.

And the moment I look up, I was once again captured by those beautiful yet dangerous eyes.

Sinundan niya ba ako dito?

"Monteverde." She spoke.

I don't know but whenever she calls me by my last name, it gives me chills. Kumakabog nanaman ng mabilis puso ko. Magpapacheck up na talaga ako.

"Y-yes ma'am?" bakit ka nauutal max?!

Nakita kong nagdilim mukha nito. 𝘖𝘬𝘢𝘺? 𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘥𝘪𝘥 𝘐 𝘥𝘰?

"Is it true?" She ask.

True alin? Na crush ko siya?

"Ma'am?" Tanong ko rito.

"Ah, na crush kita?" Kunwari na gets ko na tanong niya.

Hindi niya naman ako sinagot at tinignan lang ako. I gave her a smile.

"Of course," I saw how she stiffened.

"Not." Pagtapos ko sa sinasabi ko, her face suddenly become dark.

Why? Hala! Don't tell me umasa si ma'am?

"Hala ka ma'am, umasa ka no?" I playful ask. She just rolled her eyes on me.

"Whatever, Montverde." Masungit na tugon nito. I just laugh at her.

Hindi niya tinanggi.

"Ayiee, si ma'am umasa." Pangaasar ko pa. Kapal ng mukha ko diba.

"Shut up. About your punishment. You'll be my personal assistant right? You better report to me the behavior's of your classmates and everything that will happen inside the classroom. You'll check the attendance too. So before you go home, you'll come to my office. Are we clear?"
She said with cold yet commanding voice.

𝘕𝘢𝘬𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘱𝘢. 𝘚𝘦𝘳𝘺𝘰𝘴𝘰 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴𝘺𝘢 𝘥𝘶𝘯?

"Ay hala ma'am, seryoso ka po pala dun? Kala ko scam lang." Parang tangang wika ko.

"Hindi. Hindi totoo yun." Sagot naman niya na may kasama pang irap.

Halakaaa, cute ng tagalog accent ni ma'am!

"Ay, sigiii po. what if ma'am, hindi ko gawin utos mo?" I ask while chuckling.

Napitol nga lang nang maramdam kong naglakad siya sa likuran ko.

She took step closer to me, yung dikit na dikit talaga. She even held the sink with both of her hands on my side.

Bwakanangsheyt kinakabahan ako.

Lakas niya mangkorner porke nakatakong siya ha.

"Do whatever I told you to. Or else you'll regret it Monteverde." She whispers to my ears. It makes me Shivered. Shit, her lips touches my earlobe.

Di ako nakagalaw at tiningnan na lang siya sa salamin. I held my breath the moment I saw her lips form into a smirk. A sexy smirk indeed.

She want me to be her slave?

Oh sure.

Humarap ako sakaniya sabay pulupot ng mga braso ko sa leeg niya at bahagya siyang inilapit sa mukha ko. Our nose is touching.

Her body stiffened at my sudden move, I seductively smirk. I saw her gulp.

"Okay, I'll do it. But don't regret it, baby." I said as I kiss the side of her lips.

I respect her.

Hindi na siya makagalaw kaya ako na mismo umalis. I gently pushed her as I gave her a sweet smile.

"Bye ma'am, I'll see you later." I winked at her before I made my way outside.

Shit, what's gotten into me? How did I do that?

Habang pabalik sa table hindi mawala ngiti sa mga labi ko. Anak ng.

𝘸𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘩𝘢𝘱𝘱𝘦𝘯𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘰 𝘮𝘦?

𝘈𝘯𝘥 𝘸𝘩𝘺 𝘥𝘰 𝘐 𝘧𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘩𝘦𝘳 𝘴𝘦𝘹𝘺?

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 140 6
๐€ ๐Ž๐๐„๐’๐‡๐Ž๐“ ๐Ž๐… ๐‡๐Ž๐๐Š๐€๐ˆ ๐’๐“๐€๐‘ ๐‘๐€๐ˆ๐‹ ๐‚๐‡๐€๐‘๐€๐‚๐“๐„๐‘๐’ started-5/16/23 REQUESTS OPEN! all characters belong to hoyoverse.
280K 8.3K 32
This book is about a girl named Skylynn Carter who thinks she is just the girl in the background. Doing sports are her only true passion, She has nev...
72.5K 3.5K 32
This Is a one shot book of Barrister babu. I will not update regularly here. I will post one shots according to the track going on of barrister babu...
130K 28.2K 96
Title - Dangerous Personality Author - Mu Gua Huang MC- Xie Lin x Chi Qing Chapter 161 + 2 extras แ€‘แ€ฐแ€ธแ€†แ€”แ€บแ€ธแ€žแ€Šแ€ทแ€บ แ€•แ€ผแ€”แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€†แ€ฝแ€ฒแ€™แ€พแ€ฏแ€แ€…แ€บแ€แ€ฏแ€กแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธแ€แ€ฝแ€„แ€บ แ€แ€ปแ€ฎแ€แ€ปแ€„แ€บแ€ธแ€แ€…แ€บ...