I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

123K 4.3K 205

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 58

817 38 6
By PeeMad

Chapter 58: Confession and Right Choice

SA ISANG madilim na silid, isang dalaga ang nakapikit at nakahawak sa kanyang bolang kristal. Hinihimas niya ang bola na sumasabay sa kanyang mga daliri ang pagliwanag nito. May sinasabi itong kahit ang sensya ay hindi maintindihan, enkantasyon? Mga salitang siya lamang ang nakakaalam. Kahit na lumilindol na, wala pa rin siyang pakialam.

Huminto ang dalaga sa paghimas ng bola at ngumisi. Ang bolang kristal ay nagbigay sa kanya ng kakayahan para mabigyan ng vision sa nangyayari sa kanyang paligid. Napangisi siya nang makita ang mga malalakas na mage na naglalaban ng patayan.

"Pagkakataon na ito para masimulan ang tunay na plano," nakangisi nitong sambit sa sarili at mahinang natawa na animo'y isang payaso.

Umalingawngaw ang kanyang tawa sa silid at sabay tinaas ang mga kamay. Muli, siya'y nag-enkantasyon. Bago pa ito matapos, napahinto siya dahil sa paglamig ng kanyang leeg dahil sa isang matulis na bagay at naramdaman niya rin ang mga bisig na nakayakap sa kanya.

"Matagal na kitang minamanmanan. . . " isang boses ng lalake ang nagpalaki ng mga mata ng dalaga. Tiningnan niya ito nang hindi nililingon at nakilala niya agad ito kahit hindi nakikita ang buong mukha nito.

"Ikaw—" Napatigil ang dalaga nang mas lalong diniinan ng lalake ang matalim na bagay sa kanyang leeg. Tumulo na ang dugo at naramdaman na niya ang hapdi.

"Hindi ko akalaing kayo ang sisira sa mahal kong bansa. Ang plano mo ay manipulahin ang emperor at maging abala ang mga may kakayahang kumontra sa 'yo. Sa pamamagitan ng kakaiba niyong enkantasyon, ikaw ay gagawa ng isang magic hole para mapapasok ang tunay na mga kalaban. Nakakahanga ang iyong plano ngunit nakakalimutan mong hindi lang sila ang kalaban mo. . . at hindi lahat ay kaya mong manipulahin."

Tumingin ang dalaga sa repleksyon ng bolang kristal at nakita ng kabuuang mukha ng lalakeng nakapanliit ng tingin din sa replesksyon.

"Guardian Mikhail. . . " Mahinang sambit ng dalagang ni Meralda. Nangangamba at natakot siya dahil alam niya ang kakayahan ng isang guardian ngunit ang lahat ng ito ay nawala ng parang bula sa kanyang damdamin at napalitan ng ngisi. Tumawa siya na parang isang baliw at ngayon, ang tinatago nitong totoong katauhan ay lumabas na. 

"Hindi ko akalaing may isang basura ang makakapansin sa akin!" sigaw ni Meralda at humalakhak, "Ang planong ito ay hindi nagtagumpay! Alam kong mangyayari 'to! Alam ko! Nagkakamali ka sa mga sinabi mo, Guardian Mikhail. Ang totoong plano ko at kumuha lamang ng impormasyon sa bansa niyo!"

Napatigil saglit si Mikhail at hinayaan niyang marindi ang kanyang tenga sa halakhak ng dalaga.

Sa simula pa lang, masama na ang kutob niya sa mga plano ni Emperor Lunar. Kaya ang ginawa niya ay makipag-alyansa himbis na makisabay sa daloy ng plano ng emperor. Mas lalo pa siyang naghinala nang mabilis na nakapasok si Meralda sa kanilang bansa. Naging neutral siya sa mga nangyayari at iniiwasan mapasok sa gulo upang mabantayan ang banyaga. Doon, ang hinala niya ay naging totoo. . . si Merralda ay mula sa ibang lugar na may ibang emperor ang nagmamanipula sa kanya at ang nais nito ay magsimula ng gera habang nagkakagulo ang Southwest Land. Ito ay gera sa nais na pagsakop.

"Hanggang dito na lang ang kaya ko. . . mahal kong emperor. . . " nakangiting sabi ni Meralda na nagpatigil kay Mikhail sa pag-iisip.

Binitawan ni Mikhail si Meralda dahil sa labis na naman nitong halakhak. Hinayaan niya itong maglumpasay sa paghalakhak at inayos ang necktie sa suot niyang polo. Pinawalang bisa niya ang mahikang lumikha ng kutsilyong gawa sa metal at tiningnan ang bolang kristal na lumiliwanag pa rin.

"Metal Creation Skill, Dart Alloy," enkantasyon ni Mikhail at nagkaroon ng maliliit na magic circle sa pagitan ng kanyang mga daliri at unti-unting lumitaw dito ang mga dart na gawa sa metal. Isa-isa niya itong hinagis papunta sa bolang kristal at ito'y tumusok. Nagkaroon ng bitak sa bolang kristal na nagpalabas sa purong liwanag. Nabasag ito ng tuluyan at bago mawalan ng liwanag sa madilim na silid, nakita niya si Meralda na nakangisi. Tumayo ang dalaga kasabay nag pag-enkantasyon nitong lumikha ng espada. Bago tuluyang mawala ang liwanag sa silid, nakita niyang ang espada ni Meralda ay papunta sa kanyang dibdib.

Hindi nagulat si Mukhail bagkos, buntong hininga ang ginawa niya. Sumeryoso ang kanyang tingin at ngumisi. "Water Skill, Roar of the Water Serpant," enkantasyon niya at kahit madilim ang paligid, natamaan niya si Meralda sa tiyan. Ang kanyang nilikhang mahika ay tumagos hanggang sa kabilang dingding at ito ang nagbigay ng liwanag sa silid.

Ang butas sa dingding ay unti-unting nabiyak hanggang sa nasira ito ng tuluyanmalinaw na niyang nakita ang silid na walang kahit anong kolorete sa paligid.

Tumingin si Mikhail kay Meralda at laking gulat niya na katawan nito ay gawa sa kahoy na golem kaya ang butas sa tiyan nito ay para lamang nasirang puno. Lumapit pa siya rito upang masuri ng masinsinan at nakita niya ang ulong gumagalaw pa at ang kanang mata nito ay nakaluwa na.

Ngumisi si Meralda at nagwika, "Hindi ito ang totoo kong katauhan. Sa susunod na makita kitang muli, Guardian Mikhail, makikita ko sa iyong mukha ang pagkabigong maprotektahan ang minamahal mong lupain. Makikita mo na ang emperor ko ay mamumuno rito dahil ang tulad niya ay hindi niyo kayang sambahin. Siya si Emperor Ar—"

Hindi na pinatapos ni Mikhail si Meralda at tinapakan nito ang ulo na agad nasira. Yumukom ang kanyang mga kamay ngunit agad namang kumalma. Sumeryoso ang kanyang paningin at tumingin sa nabutas na dingding. Tanaw niya ang labanan nila Lunar at Alaric sa kanyang kinatatayuan. Napabuntong hininga na lamang siya at napagawi kanila Princess Haruna na malayo sa kanya.

"Krolo," tawag niya na agad namang lumitaw sa gilid niya si Krolo na yumukong nakahawak sa kaliwang dibdib, "Balita?"

"Kasakuluyang papalapit na ang Supreme Spirit sa direksyon nila Emperor Lunar. Napabagsak ng iba sa myembro ni Guardian Sonja si Lady Penumbra, habang si Equinox ay lumabas na sa kanyang pagbabalat-kayo," lathala ni Krolo.

"Hindi na nagbalat-kayo? Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Mikhail.

"Si Equinox Hidalgos ay si Guildmaster Gilth mula sa Anastasia Kingdom. Ito'y kakampi ni Elaine sa simula pa lang at isa siya sa Eight Cardinal Lords."

"Hmm. Mukhang nagsimula nang umaksyon ang iba pang mga pinuno para makahanap ng impormasyon sa bagong Supreme Spirit," kumento ni Mikhail at humawak sa balikat ni Krolo, "Sa ngayon, ang misyon mo ay bantayan si Princess Haruna. Huwag kang hahadlang sa susunod pang labanan. Huwag mo rin tutulungan ang Supreme Spirit. Kailangan niyang mapabagsak si Lunar dahil kung hindi, mahina siya para sa mundong ito. . ." Tumalim ang mukha ni Mikhail at nagsimulang maglakad paalis ng silid, "Wala siyang kakayahan para harapin ang tunay na mga kalaban niya. Simula pa lang 'to ng totoong layunin niya bilang isang pinuno ng bansa."

𔓎𔓎𔓎𔓎

KASALUKUYANG tumatakbo si Elaine at kasabay niya si Joziah. Nasa bahaging likod sila Equinox at Twilight, at nahuhuli naman si Pinunong Sol na dahil sa katandaan, nahihirapang makisabay sa iba pa niyang kasamahan.

"Pinunong Sol?" tawag ni Elaine at lumingon sa matanda, "Maaari mo bang hanapin si Meralda para ma-activate niya ang bolang kristal?"

"Para saan po, Supreme Elaine?" takang tanong ng matanda.

Ngumisi si Elaine at tumugon, "Para masaksihan ng mundo ang pagkaupo ko sa trono."

Ngumiti si Pinunong Sol at huminto sa pagtakbo. Pinagmasdan niya lang na mawala sa kanyang paningin ang apat na tumatakbo bago siya tumungo sa looban ng palasyo. Hinanap niya si Meralda sa iba't ibang silid ngunit siya'y nabigo. Hanggang sa mapuntahan niya ang isang silid na wasak na ang isang dingding. Wala siyang nakita roong Meralda ngunit nakita niya ang sirang kristal nito. Nilapitan niya agad ito at kinunsulta.

"Huli na ko na ako ng dating," bulong niya sa sarili at pinagmasdan na lamang ang sirang bolang kristal.

Samantala, tumigil sa pagtakbo sila Elaine nang malapit na siya sa Colossal Arena. Agad niyang kinuha ang maskarang nakasabit sa kanyang bewang. Susuotin na sana niya ito ngunit ito'y naudlot dahil sa pagmungkahi ni Equinox.

"Para saan ang pagtago ng iyong katauhan sa likod ng maskarang 'yan?"

Ngumiti si Elaine at pinagmasdan ang kanyang mga kamay. Ito'y plano niya na, planong sagot sa dillema; ang piliin ang pamilya o ang posiyon bilang isang pinuno ng lupain. Ang totoo niyang hiling ay natupad niya ngunit may hadlang, ito ay ang pagiging Supreme Spirit niya.

Tinatak niya sa isipan ang mga sinabi sa kanya nila Alaric at Haruna tungkol sa dillema— piliin ang pamilya o ang pagiging emperor— at pinilit na maghanap ng solusyon para ito'y malutas niya. Ang bagay na sagot ay ang pagtago ng katauhan para malayang magawa ang gustuhin. Malayang mamuno ng walang panghuhusga ng mamamayan at malayang maging anak sa bago niyang pamilya. Ngunit ang plano ay may laging sablay at ito ang iniiwasan niya. Kaya hangga't maaaari, mailathala niya ito sa mga taong damay sa kanyang buhay. Lumingon siya kay Joziah na kanina niya napapansin na tahimik at walang balak siyang kausapin.

"Respeto," sagot ni Elaine at tumingin kay Equinox, "Respeto sa totoong may-ari ng katawang ito na hindi ko pagmamay-ari. Ang mukhang ito ay nakakubli lamang sa pamilyang Suarez. Ang pagtalukbong ng maskara ko ay simbolo ng pagrespeto na rin sa tunay na ako, Elaine Hidalgos ang tunay kong pangalan at ilalathala ko ito sa pamamagitan ng aking kakayahan."

Hindi natakot si Elaine na sabihin ito kay Equinox dahil alam niyang sa simula pa lang, siya'y isang multo na sumapi lang sa katawan ni Elaine Suarez. Ang kinabahala niya ay si Joziah. Nilingon niya ito at nakitang seryosong nakatingin sa kanya. Alam niyang alam na nito ang tungkol sa kanya dahil kay Lunar. Naglakas loob din siyang sabihin ito para malaman ang magiging reaksyon nito. 

Yumuko si Joziah at nagpahiwatig ang kanyang mata ng kalungkutan. "Kung gano'n totoo nga," mungkahi niya. Alam niya ang tungkol sa pagkakakilanlan ng kapatid at mahirap itong matanggap hangga't hindi nangaggaling ang sagot sa bibig ni Elaine.

Nakaramdam si Elaine ng tensyon sapagkat natatakot ito sa magiging reaksyon ng kanyang kapatid. Ngunit ito ang makakabuti para maibsan ang kanyang mga tanong sa isipan. Ayaw niya ring maglihim kaya sisimulan niya ito sa panganay niyang kapatid.

"Namatay ang kapatid mo at nakita ko itong malapit ng mamaalam sa Spirit Woodland. Sinapian ko ito at sa hindi malaman na dahilan, muli akong nabuhay sa katawan ng iyong kapatid at milagrong gumaling," paliwanag ni Elaine at tiningn ang reaksyon ni Joziah. Humarap ito sa kanya na bahagyang nagpakaba sa kanya. Makikita kasi sa mukha nitong seryoso at hindi mababasa ang susunod niyang emosyon.

Nanginginig na yumukom si Elaine at unti-unting lumapit sa kapatid. Tahimik lamang na nakamasid sila Twilight at Equinox. Labas na sila sa usapan ng dalawang magkapatid ngunit hindi maiiwasang makisosyo ang mga pandinig. Lalong-lalo na si Twilight na sa isipan niya, siya'y nagugulat sa katauhan ni Elaine.

"Sino ka?" maikling tanong ni Joziah na nagpahinto kay Elaine. Tumingin ito sa dalaga na nakatindig. Matagal na niya itong hinahanap simula nang sabihin sa kanya ni Lunar ang lahat. Hindi siya naniniwala noon ngunit ngayon na nanggaling na sa bibig ng kapatid ang katotohanan, wala na siyang magagawa sa naging resulta.

"Ako si Elaine Hidalgos na mula sa planteng Earth. Ako'y pinadala sa lupain ni Southwest Land upang mamuno at—" Ngumiti si Elaine, "Narito ako para punan ang naiwang responsibilidad ng iyong kapatid, na mabuo muli kayo at maprotektahan sa ngalan ng aking kakayahan."

Tumitig si Elaine sa kapatid na blangko ang pinapakitang ekspresyon. Ito ang ayaw niyang mangyari, ang malaman ng kanyang pamilya ang totoo niyang katauhan. Ayaw niyang kamuhian siya nito dahil napalapit at tinuring niya na itong totoong pamilya. Ngunit ang kanyang kaba ay kalahati na lamang dahil sa sinabi ni Joziah bago nila lisanin ang ibang myembro ng kanilang pamilya. Nabanggit na poprotektahan siya nito kahit alam na ng nakakatandang kapatid— sa simula pa lang— kung sino siya dahil kay Lunar.

Hinintay ni Elaine ang magiging reaksyon ng kapatid. Hindi siya mapakali at napalunok nang wala pa rin itong pinapakitang emosyon.

Nang makita ni Joziah na maikling gumuhit ang ngiti sa labi ni Elaine, napagtanto niya ang pinapahiwatig nito. Bago pa mabago ang totoo niyang nararamdaman, nagsalita siya, "H'wag kang mahulog sa sarili mong konklusyon. Sumama ako sa 'yo para protektahan ang 'katawan ng kapatid ko' at para malaman sa mismong bibig mo ang katotohanan sa sinabi sa akin ni Emperor Lunar."

Lumaki ang mga mata ni Elaine at nakaramdam ng kirot sa dibdib. Hindi niya inaakala na ganito ang sasabihin sa kanya ng kapatid. Ang kinakatakutan niya ay nangyayari na at ito ang nagpahina sa kanya.

Yumuko si Elaine at lumungkot ang mukha. Kulang na lang ay umiyak siya ngunit hindi niya magawa.

"May gusto pa akong malaman. . ."

Tumingala si Elaine at pinantayan ang pagtingin sa kanya ni Joziah.

"Ano 'yon?" walang gagang tugon ni Elaine.

Malalim na bumuga ng hangin si Joziah at humarap kay Elaine na may sama ng loob.

"Sino ang pumatay sa kapatid ko?"

Napatitig si Elaine sa kapatid at yumukom ang kanyang mga kamay nang maalalang muli ang nangyari kay Elaine Suarez.

"Si Diego Ceasar," diing sagot niya.

Yumukom din ang mga kamay ni Joziah at nagpipigil na magalit. Pinakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng pagbuntong hininga bago muling tumingin kay Elaine.

"I see," walang gana niyang tugon at tumalikod, "Kailangan pa rin kitang protektahan dahil ang katawang gamit mo ay sa kapatid ko."

Hindi na muling nakapagsalita si Elaine dahil nanghihina ang katawan niya sa inaasta ng kapatid. Ang malamig nitong pakikitungo ang kinakatakutan niya. Wala na siyang matatago rito at wala siyang magagawa sa disesyon ng kapatid. Ang kailangan niya lang gawin ngayon ay tanggapin ito ng buo.

Kahit nasasaktan, ngumiti pa rin si Elaine. Naglakad siya ng bahagya at huminto sa gilid ng kapatid upang matapatan ito.

"Kaya ko na ang sarili ko. Gaya nga ng sabi ko, ako ang Supreme Spirit at isa pa—" Gumawi si Elaine sa kapatid na hindi nagawang tumingin sa kanya, "Sa ngalan ni Elaine Suarez, aalagaan ko ang katawang binigay niya sa akin, Kuya."

Bahagyang tumaas ang balikat ni Joziah, pahiwatig na nagpipigil ito ng galit. "Hindi kita kapatid!" bulyaw niya at tumakbo paalis.

Natahimik saglit ang paligid. Kahit sila Equinox at Twilight ay hindi nakialam sa problemang pangpamilya.

Mahinang natawa si Elaine na kinagulo ng dalawa. Ang nasa isipan nila ay tinatawanan lang nito ang galit ni Joziah ngunit nang humarap sa kanila ang dalaga, nakita nila ang mga mata nitong may luha at ang pagtawa ay unti-unting naging isang hikbi.

"Umabante na tayo," sambit ni Elaine at tuluyan niya nang nilagay ang maskara niya. Nagsimula na siyang tumakbo at sinundan lang ito ng dalawa.

Sa likod ng maskara, nakakagat sa labi si Elaine at pinipigilang humagulgol. Ang pangarap niyang pamilya ay masisira lamang dahil sa katotohanan. Ito ang nakatadhana sa kanya na hindi niya inaasahang mangyayari. Akala niya'y kaya niyang mapasabay ang pamilya at ang pagiging Supreme Spirit ngunit hindi pala. . . isa lang talaga ang dapat piliin sa dillema na bumabagabag sa kanya at ito ay ang pakawalan ang pamilya niya at ituon ang atensyon sa totong katayuan niya sa mundong ito.

Habang tumatakbo si Equinox, nakaramdam siya ng mabigat ng awra. Pagtingin niya sa harapan, nakita niya si Elaine at nakumpirmang dito nanggagaling ang awra. Gumawi siya sa kanyang kasamahan na nakatingin sa kanya. Isa lang ang nasa isip nila, nakakatakot ngayon si Elaine.

Nang maaninagan na nila ang labanan nila Alaric at Lunar, huminto si Elaine at gano'n din ang dalawa niyang kasamahan.

"Ito'y laban sa pagitan ng dalawang emperor. Nasa kumpetisyon pa rin ako na kailangang matalo ko si Emperor Lunar para mapasakamay ang trono. Hindi kayo maaaring makialam dahil hindi ako karapat-dapat na tawaging pinuno kung ako'y aasa lang sa kakayahan ng iba. Maliwanag ba?" saad ni Elaine na kinatango lamang ng dalawa.

"Masusunod, Supreme Elaine," paggalang ni Equinox at tumingin kay Twilight na nagbibigay babala na galangin niya rin si Elaine, ngunit hindi ito sumunod.

"Saka ko na ibibigay ang paggalang kung makukuha mo na ang lupaing ito. Sa ngayon, wala ka pang titulo," seryosong sambit ni Twilighg at tumingin sa dalaga. Nagulat siyang bahagyang tinaas ni Elaine ang maskarang suot nito at ngumiti. 

Nakakakilabot ang ngiti ng dalaga na sumasabay sa blangkong mata nito at samahan pa ng mabigat niyang awra na nagpatayo sa balahibo ng dalawa.

"Hihintayin ko ang paggalang mo, Twilight," walang ganang sabi ni Elaine at inayos ang kanyang maskara at tumakbo ng mabilis papalayo sa kanila.

Ngumisi si Twilight dahil sa ngiti ni Elaine. Kahit na nasasaktan ang dalaga, sa mga mata niya, naging mas nabighani ito. Para sa kanya, ang kagandahan ay baliwala kung wala kang maibubuga. Kapag meron ka nitong dalawa, ikaw ang pinakamagandang niallang sa mata niya.

"Twilight," tawag ni Equinox na nagpabalik sa huwisyo ng binata. Tumingin ito sa kanya na may pagkunot sa noo at muling nagsalita, "Ano na ang gagawin mo ngayon?"

Ngumisi si Twilight at tumugon, "Masama ang tanong mong 'yan para sa tulad natin Cardinal Lords. Baka nakakalimutan mong ang uri natin ay walang permanenteng pinuno at tayo ang nagdidisesyon kung ano ang gagawin natin. Sa madaling salita, walang pakialaman. Binayaran mo na ako kaya hindi mo na ako hawak ngayon."

Walang ekspresyon ang pinakita ni Equinox. Nagkatitigansilang dalawa hanggang sa umiwas na siya ng tingin at bumuntong hininga.

"As long na ginawa mo ang misyon, maari ka ng umalis."

Natahimik ang kanilang paligid dahil hinihintay ni Equinox na umalis si Twilight. Tulad ni Alaric, si Twilight ay binayaran ni Equinox para sa isang misyon, ito ay ang turuan si Elaine na gumamit ng dark magic. Nagampanan niya ito at may awtoridad na itong umalis sa Anastasia Kingdom, ngunit nanatiling nakatayo si Twilight sa tabi niya at nakamasid sa tumatakbong si Elaine.

Maglalakad sana si Equinox ngunit ito'y naudlot ng magsalita si Twilight, "Ang lugar na ito ay magandang tanawin sa parating na Lunar Eclipse."

Tumingala si Equinox at nakita ang buwan na tatapatan ang araw. Napakagandang tanawin ngunit mamaya, ito'y mapapalibutin ng dilim— ang buwan ay mababalutan ng pulang mahahalintulad sa dugo.

Ngumising pumikit si Equinox at naalala kung anong magandang madudulot ng Lunar Eclipse. Ito ay ang mapalakas ang mga dark and shadow mages. Kung may positibo, may kalapit itong negatibo at ito ang paghina ng mga fire mages.

Mukhang magandang masaksihan ang Lunar Eclipse, sa isip-isip ni Equinox at hinayaan na ang kasama. Hindi na siya nagtanong pa dahil ang disesyon nila sa buhay ay mas malaya pa sa lumalipad na ibon sa himpapawid. Sapat na ang kanilang lakas para walang humadlang sa kanila.

Ang Eight Cardinal Lords ay ang mga Mastery Mage na hindi na kayang pasunurin ng batas. Ang kanilang lakas sa isang magic attribute ay mahahalintulad sa mga Myth mage. Kaya ang nakakataas ay gumawa ng isang organisasyon para sa mga ito upang sila'y pangalanan at hindi maging isang mage na pagala-galang walang pagkakakilanlan.

Ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang titulo; Lord of Land, Wind, Luminosity, Forest, Sea, Darkness, Ice, and Sun. Ang ilan sa kanila ay nagpakita na— Alaric the Lord of Ice, Twilight the Lord of Darkness, and Equinox the Lord of Luminosity— at ang iba naman ay pagala-gala sa buong mundo na pihikan sa mga mata ng tao. Napapasunod sila kapag salapi na ang pagbabasehan ngunit wala silang sinasanto kapag ikaw ay humarang sa kanila. Kaya sila'y mas malaya pa sa iba, sarili lamang nila ang pangunahing inuuna nila.

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA GITNA ng Colossal Arena na kung saan ay hindi nagpapatalo sa pagbigay ng atake at depensa ang dalawang naglalaban na sila Alaric at Lunar, namuo na ang ilang bloke ng yelo sa kanilang paligid na kasing tigas ng bato at ilang lumiliyab na kulay itim na apoy ang nagpainit sa singaw ng lamig. Naghahalo na ang lamig at init ngunit hindi ito naging hadlang sa tatlong pinuno na nakamasid lamang sa naglalaban. Walang gustong gumalaw dahil ayaw din nilang madamay.

"Para silang mga halimaw," bulong ni President Vladimir.

Samantala, napatigil si Princess Haruna nang maramdaman ang koneksyon niya kay Elaine. Ngumiti ito at tinanaw ang dulong bahagi ng arena. Nakita niya ang dalagang mabilis na tumatakbo sa direksyon nila. Nilingon niya ang katabing si Cielle na ngumiti habang nakatingin sa labanan nila Alaric at Lunar. Ang ngiti ay ang pagkaramdam niya sa papalapit na awra ni Elaine.

Humarap si Haruna sa dalawang hari at nagwika, "Walang dapat makialam. Tayo'y narito para maging saksi."

Kumunot ang noo ni King Zhiel. Nagduda ito sa mga sinabi ng prinsesa ngunit nawala ang agam-agam nang mapansin ang isang dalagang tumatakbo ng mabilis papunta sa gitna ng arena. Gano'n din si Vladimir na ngayon ay naglakad papunta sa upuang bato at doon umupo. Tumingala ito na ginaya ni King Zhiel at nakita nila ang kalangitan na ang buwan at araw ay malapit nang magkatapat, ito'y tanda na ang Lunar Eclipse ay malapit ng magsimula.

Tiningnan ni King Zhiel ang kanyang kamay na nanginginig dahil sa pambihirang pagdoble ng kanyang mana sa katawan. Huminga siya ng malalim at ngumisi. Bumaling siyang muli kay Princess Haruna at nagulat nang hawak nito ang maskarang tumatakip sa mga mata nito. Nakasilip na rito ang nakapikit na kanang mata habang may nakakalokang ngiti sa labi nito. Ito'y senyales nang pagbibigay niya ng babala sa balak niyang gagawin. Hindi mahina ang kanyang pag-iisip para hindi malaman ng prinsesa na ang shadow magic ay lumalakas sa Lunar Eclipse.

Hindi pa natatapos ang kanyang pangamba sa prinsesa nang gumawi siya sa katabi nitong bahagyang nakalingon ang mukha nito sa kanya. Ang pagtitig sa kanya ni Cielle ay isa nang senyales na ito'y babala. Hindi niya pa alam ang katauhan ng dalaga ngunit sapat na ang awra nito at sa pinakita niyang lakas sa pakikipaglaban nito kanina kay Joziah.

Nakakatakot talaga galitin ang mga babae, sa isip-isip ni King Zhiel at mahinang siyang natawa. Tumabi siya kay President Vladimir. Nagdekwatro itong umupo at nginisian ang prinsesa. 

"Huwag kang mag-alala, wala akong balak na gawin kahit na isa ako sa mga nakakuha ng kalamangan sa Lunar Eclipse," giit niya.

Binalik ni Princess Haruna ang kanyang maskara at tumayo ng may tindig.

Bumuntong hininga si King Zhiel at nanood na lamang. Sa simula pa lang, wala siyang balak na makialam. Ang ginawa niyang pang-asar sa natamasa niyang dobleng mana ay ang pagsuri sa gagawin ni Princess Haruna. Nakita niyang gagamitin nito ang mga matang kahit siya ay hindi niya maiiwasan. Mas pinili niya na lamang manahimik at masaksihan ang labanan sa pagitan ng dalawang may karapatan sa trono.

Samantala, nilibot ng tingin ni Princess Haruna ang paligid at nakita si Mikhail na nasa kabila ng arena. Nakaupo ito, nakahalukipkip, tumingin sa kanya, at ngumisi.

Anong ginawa ng lalakeng iyon sa mga oras ng tournament? Tanong ni Princess Haruna sa kanyang isipan.


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 273 35
{COMPLETED} Highest Ranking: #2 in Greeks #14 in semideus Wondering what kind of story is this? well, let me tell you a story that started from the G...
5.2K 338 27
This story is all about of people who run for their lives. You're dead once you got bitten. Once you're infected you will become one of them. It's su...
12.3K 526 50
Revenge leads them to become a rebel. Extraordinary teens that fights for equality. - Highest Ranking Achieved: • #107 in Powers • #321 in Reveng...