I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

126K 4.5K 205

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 57

829 35 0
By PeeMad

Chapter 57: The Essence of Dark Magic

MAGKASAMANG binaybay nila Elaine at Pinunong Sol ang looban ng palasyo. Kasalukuyan silang nasa hallway at tumatakbo sa tamang bilis. Minamanman nila ang paligid at hindi binababa ang posibilidad na may makasalubong silang tauhan.

Sa pagtakbo, napatigil si Elaine. Tumigil din si Pinunong Sol at takang tumingin sa dalaga na nakatingin sa hinintuan nilang pinto.

"Bakit?" tanong ng matanda.

"May paparating," sagot ni Elaine na hindi nililingon ang kasamahan. Nakatitig lamang ito sa pinto at pinapakiramdaman ang kakaibang aura sa loob nito.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Equinox. Naalarma sila Elaine at napaatras.

"Pinunong Sol! Mauna ka na!" sigaw ni Elaine at sinugod si Equinox. Inambangan niya ito ng sipa at nang siya'y umatake, mabilis na nakaiwas ang kanyang katunggali. Lumikha siya ng mahikang Sword of Zephyr at hindi nagdalawang isip na bigyan ito ng sunod-sunod na atake.

"Mag-iingat ka!" sigaw ni Pinunong Sol at akmang aalis na nang biglang lumitaw sa harapan niya si Equinox. Hinawakan siya nito sa mukha na kinagulat niya at nginudngod siya nito papunta sa lupa. Napaduwal siya sa sakit ng likod at sa pagtapak pa nito sa kanyang tiyan.

Nagulat si Elaine sa mabilis na pagkawala ng kanyang kalaban at naabutan niya na lamang ang kasamahan na nakasalampak na sa lupa. Masama niyang tiningnan si Equinox at binato ng malakas ang hanging espada. Tumusok ito sa katawan ng kalaban ngunit tumagos lamang ito dahil sa mimic skill nitong ginawang dark magic ang katawan.

Tinapat niya ang mga palad sa magkabilaang pader sa gilid niya. Dahil gawa ito sa bato, ginamit niya ang earth magic para mapagalaw ito. Hinarap niya ang kanyang mga kamay at pinagdikit ang mga palad kasabay nang pag-ipit ng dalawang pader papunta kay Equinox. Nagtagumpay siya at napatumba niya si Equinox ngunit agad namang nakatayo. Lumikha siya ng hangin nagpabuhat kay Pinunong Sol papunta sa kanya. Nakahilata pa rin ito at nahihirapang tumayo. May malay ngunit nabugbog ang kanyang likod sa pagkakasalampak.

Masamang tiningnan ni Elaine ang kalaban at lumikha muli ng hanging espada. Tinitigan niya itong mabuti dahil gusto niyang mauna itong sumugod. Nahihirapan siya dahil sa mabilis na paggalaw at paglitaw nito.

Sa pagkakaalam ko, ang dark magic ay mabagal. Bakit napakabilis niya? Sa isip-isip ni Elaine.

Umalingawngaw ang biglaang pagtawa ni Equinox. Takang tumingin sa kanya sila Elaine at Pinunong Sol.

"Malabong bumilis ang isang dark mage hindi ba?" sambit ni Equinox at tumingin kay Elaine nakakunot noo, "Pinaparating ng mukha mo kung ano ang nasa isip mo, Elaine."

Paano niya nalaman ang pangalan ko?

Ngumisi si Equinox at tinanggal ang kanyang maskara. Nang makita ng dalaga ang mukha nito, lumaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat.

"Long time no see, Elaine."

𔓎𔓎𔓎𔓎

A COLOSSAL Arena, abalang nagtutuos sila Captain Alaric at Lunar. Halos maging isang bagyo ang kaguluhang nangyayari sa paligid nila. Ang dalawang mataas na mage ay isang catastrophe level.

[ Catastrophe - an event causing great and often sudden damage or suffering- a disaster ]

Sa kabilang banda naman, kahit magtulungan sila Joziah at Ruby, hindi nila mapatumba si Cielle at ito'y natutuwa pa.

Hindi ako makapaniwalang nararanasan ko ang ganitong labanan at mahika, sa isip-isip niya.

"Wind Skill, Fury Gale!" enkantasyon ni Joziah at nagkaroon ng malakas na hangin papunta kay Cielle.

Namangha si Cielle at napangisi.

"Wind Skill, Fury Gale!" paggagaya ni Cielle at sumalubong ang nilikha niyang mahika sa binata.

Dahil sa pagbangga ng dalawang malakas na hangin, nagkaroon ng pagsabog at sila'y tumalsik.

"Tsk! Kanina pa niya ginagaya ang mga skill ko," inis na saad ni Joziah at sinamaan ng tingin si Cielle na nanatili pa ring nakatayo sa kabila ng pagsabog.

Kanina pa siya nanghihinalang hindi ito ang kanyang kapatid kaya hindi niya ito natanong. Sa lakas ng mahika nito, hindi niya nakikita ang kapatid ni Elaine. Ang alam niya'y walang ganitong kalakas na mahika si Elaine. Puti nga ang buhok nito ngunit ang itim na bahagi sa ilang mga hibla ay hindi magkatulad sa kanyang kapatid.

"Hindi ikaw ang kapatid ko, Sino ka?" tanong ni Joziah.

Lumapit si Ruby kay Joziah at tiningnan din niya si Cielle. Hindi ito sumagot. Bagkos, gumawi lang siya kay Ruby.

"Ikaw pala 'yan, Ate Ruby," masayang bati ni Cielle at pumewang, "Mukhang ngayon, alam mo na ang katauhan ko. Nalinlang ba namin kayo?"

"Sino siya, Ruby?" seryosong tanong ni Joziah.

"Isa sa mga kasamahan namin sa Olga Kingdom," sagot ni Ruby.

Tumingin sila kay Cielle at hinubad nito ang suot niyang maskara.

Gulat ang naging reaksyon ni Joziah.

"She looks like my mother."

"Ako si Cielle. Nice meeting you, kapatid ni Ate Elaine," nakangiting sabi ni Cielle at binato ang maskarang hawak niya, "Hindi ko na kailangan 'yang maskara kung kilala na rin ako ni Kuya Joziah."

"Saan kang galing na angkan?" - Joziah.

"Angkan? Wala akong angkan."

"Ang puting buhok ang sumisimbolo sa angkan namin." - Joziah.

"Talaga? Ngunit hindi niyo ako kamag-anak."

"Kung gano'n, ano ang totoo mong pagkatao?"

Mahinang natawa si Cielle at tumugon, "Isa lamang akong multo."

"Huh?!" - Joziah at Ruby.

Mas lalong tumawa si Cielle. "Nakakagulat ba? Kaya huwag niyo ng itanong pa." Sumeryoso ang tingin nito sa kanila at tinaas ang noo para umudyok ang nais nilang mapatumba ito, "Simulan niyo ng patumbahin ako."

Bago pa magsimulang muli ang patutuos, biglang lumitaw si Karlo sa tabi ni Cielle.

"B-bakit?" tanong ni Cielle.

"Hindi sila kalaban," sambit ni Karlo at humarap sa dalawa. "Sila Elaine ay papunta sa pamilya niyo, Joziah. Walang saysay ang pakikipaglaban mo rito kung may pagkakataon kang maligtas ang pamilya mo."

Napatingin si Joziah kay Emperor Lunar na abalang nakikiupagtuos kay Captain Alaric.

Tama siya. May pagkakataon akong maligtas ang pamilya ko.

"At Ruby. . ."

Gumawi si Ruby kay Karlo at nakita itong seryosong nakatingins akanya.

"May pamilya ka ring naghihintay sa 'yo," dagdag pa ni Karlo at sinama si Cielle sa pag-teleport nito.

Natigil si Ruby at lumalim ang pag-unawa sa mga binitawang salita sa kanya.

Alam na nila ang tungkol sa aking ama? Sa isip-isip niya.

Hindi niya namalayang umalis na sa tabi niya si Joziah at ito'y patungo sa silid ng kanyang pamilya.

Tumakbo papalayo si Ruby at ngumiting naluluha habang iniisip ang kanyang kagrupo noon na hindi niya nakitaan ng pagkamuhi sa kanya.

"Alam nila. . . alam nila ang katayuan ko. Hindi nila ako kinamumuhian. . ."

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA PAGKAWALA nila Karlo at Cielle, lumitaw sila sa labanan nila Princess haruna laban sa dalawang pinunong sila Zhiel at Vladimir. Nakita nila na nahihirapan itong mapabagsak ang dalawa.

"Bakit mo ako pinigilan kanina?" may inis na tanong ni Cielle.

"Utos iyon ni Supreme Elaine bago ako lumisan. Kailangan ko rin ng katulong kay Guardian Sonja at ikaw ang nakikita kong may potensyal."

"Talaga?" Lumiwanag ang mukha ni Cielle sabayan ng malawak nitong pagngiti.

Tumango si Karlo at hinawakan niya si Cielle. Nag-teleport sila sa tabi ni Princese Haruna. Saktong nagbitaw ng atake si Vladimir ng apoy at ito'y sinalag ni Cielle.

"Wind Skill, Fury Gale!" enkantasyon niya na agad na dumepensa sa apoy.

"Kayo pala 'yan," bungad ni Princess Haruna at pinawalang bisa ang magic combat attire niya. Bumalik ang kanyang mahababg gown at natakpan muli ang mga mata niya ng maskara. Humarap siya sa dalawang katunggali na nakatayo lamang at nakatingin sa kanila.

Napatingin si Vladimir kay Cielle dahil sa kakaiba nitong aura.

"Bakit ka huminto President Vladimir?" takang tanong ni Zhiel na nakahanda nang sumugod.

Tinitigan niyang mabuti si Cielle sabay buntong-hininga. Pinawalang bisa niya ang espadang apoy at napabaling sa katabi.

"Hindi mababa ang pag-iisip ko para kalabanin ang dalawang guardian," sambit niya at tumingin kay Princess Haruna, "Kailangan namin ng paliwanag galing sa 'yo, Princess Haruna."

"Anong naisip mo kung bakit ka huminto?" tanong ni Zhiel. Nang makita niya ang mga matang seryoso ng katabi, tumayo siya ng maayos at napabuntong-hininga rin, "Okay. Hindi makakapagpaliwanag ang labanan."

"Narito kami para makuha ang trono at makisaya sa pakikipaglaban," ani Vladimir.

"Alam niyong walang dapat na maupo sa trono kung hindi ang Supreme Spirit lamang," sambit naman ni Haruna.

"Exactly. The second one is my objective here."

Tumingin naman si Haruna kay Zhiel na bahagyang nagulat sa kanya ngunit napalitan ito ng tawa.

"Narito ako dahil sa kagustuhan ni Twilight," dahilan ni Zhiel

"Kung gano'n, wala na kayong dahilan para manatili rito o kung gusto niyong makita ang pag-upo ng totoong pinuno," nakangising saad ni Haruna.

Tinuro ni Vladimir ang gilid gamit ang naka-thumbs up na kaliwang kamay. "Kung makukuha niyo kay Lunar ang lahat."

Napatingin ang lahat kay Lunar at Captain Alaric na abalang nakikipaglaban. Nagliparan na ang mga malalaking bato sa pagkasira ng ilang pader. May mga nagkalat na ring debris at mga mahikang yelo at kulay itim na apoy.

"Walang dapat na makatalo kay Lunar kung hindi ang sinasabi niyong Supreme Spirit kaya pigilan niyo si Captain Alaric," sambit ni Zhiel.

"Huwag kayong mag-alala. Pinapalipas lamang niya ang oras," sagot ni Haruna.

"Babalik ba siya? O tatakas muli at magtatago tulad ng ginawa niya?" tanong naman ni Vladimir.

Ngumisi si Haruna at gumawi kay Vladimir. "Babalik at babalik siya para kunin ang nararapat sa kanya."

𔓎𔓎𔓎𔓎

GULAT NA napatitig si Elaine kay Equinox. Mayamaya'y mahina siyang natawa habang inaalala ang laging tumatatak sa kanyang isipan kapag pinag-uusapan niya ito. Una na rito ay ang nangyari noon sa SpiritWoodland at kung paano siya nito tinulungan sa simula pa lang.

Pumewang si Elaine at ngumiti kay Equinox.

"Sa likod ng maskara mo, nakatago ang totoo mong katauhan, Guildmaster Gilth."

Ngumiti ang Guildmaster at yumuko. "Pagpasensyahan mo na ako, Elaine— o tatawagin na kita ngayong Supreme Elaine."

Nakatayo sa pagkahina si Pinunong Sol at tumabi kay Elaine.

"Kilala mo siya?"

"Huwag kang mag-alala. Kakampi natin siya," nakangiting tugon ni Elaine.

"Hindi ka ba naghihinala sa akin?" tanong ni Gilth.

Lumingon si Elaine kay Gilth at nagwika, "Bakit ko paghihinalaan ang taong pinagkatiwalaan ko na?"

Napangiti si Gilth at lumapit sa dalawa. Nabahala si Pinunong Sol ngunit ang katabi niya ay kaswal itong hinarap.

Seryosong nakatingin si Gilth kay Elaine at gumawi sa katabi nito. Nakita niyang kinakabahan ito sa kanya dahil sa ginawa niya rito. Kaya hinarap niya ang kanyang kamay at nag-enkantasyon, "Light Skill, Divine Luminousity." Naghilom ang mga bugbog nito sa katawan.

"Kaya mong gumamit ng light at dark magic. Kaya pala kaya mong mapabilis ang atake mong dark magic," kumento ni Elaine.

Natapos ang paggaling at nakagalaw nang maayos si Pinunong Sol.

"Pasensya na sa nagawa ko. Binigyan ako ng awra mo na mapanganib ako kaya napasugod ako sa 'yo," sambit ni Gilth at tumingin kay Elaine, "Nakakapagtakang hindi ako nakaramdam ng killing intent. Alam mo na ba sa simulang ako ito?"

"Sa ginawa mong pagligtas sa akin sa Spirit Woodland, nawala ang paghihinalang kalaban kita. Hindi ko akalaing ikaw pala 'yan."

Nagtawanan ang dalawa kaya umiksena na si Pinunong Sol sa pagitan nila. "Mamaya na iyan. Kailangan muna nating maligtas ang Pamilyang Suarez."

Tumango si Elaine at tumugon, "Tara na. Sumama ka sa amin Gilth. Matutulungan mo akong mawala ang Black cuff."

"Hindi pwedeng ako ang makatanggal niyan."

Napatigil si Elaine at napalingon kay Gilth. "Bakit?"

"Para matutunan mong gumamit ng dark magic."

Walang nagawa si Elaine at sila'y kumaripas na ng takbo papunta sa silid. Nang mabuksan nila ito, tumambad sa kanila ang higit sampung nagbabantay dito. Agad na sumugod ito sa kanila na agad namang napatumba nila at hinanap ng mga mata ni Elaine ang pamilyang gulat na nakatingin sa kanila.

"Mama. . . " tawag ni Elaine kay Helena na takang tumingin sa kanya.

"E-elaine? Ikaw ba 'yan?" Dahan-dahang lumakad si Helena papunta kay Elaine at ang iba niyang pamilya ay nakasunod sa kanya.

"Boses ni ate!" masiglang sahi ni Jacob at inunahan niya ang ina na tumakap kay Elaine. "Ate!"

Tinanggal ni Elaine ang maskarang may simbolong Heart at pinakita sa pamilya ang nag-aalalang mukha at naluluhang mga mata.

Napahawak si Helena sa nakaawang niyang bibig at naluluhang niyakap ang anak.

"Anak ko!"

Napayakap na rin si Esang at si Duardo naman ang yumakap sa buong pamilya niya. Napaupo sila sa sahig habang ninanamnam ang sabik sa kagustihang makita ang nawawala nilang pamilya. Walang nagsalita pati sila Pinunong Sol at Gilth ay tinikom ang bibig. Hinayaan nila ang pamilyang nawalay ng matagal ngunit kulang sila ng isa.

Saktong dumating si Joziah na hingal na hingal sa pagtakbo.

"Mama!" sigaw niya at natauhan nang makitang ang pamilya niya ay nagyayakapan sa harapan niya.

Lumingon si Elaine at ngumiti. Nakita niya ang kanyang kuya at nang gumawi ito sa kanya, nakita niya ang mga mata nitong nagpapahiwatig ng pagkawala ng pakealam. Nagulat siya ngunit sinantabi niya ito nang yumakap ito sa kanila.

Muling nagtama ang mga mata nila Elaine at Joziah ngunit ngayon, ngumiti na si Joziah.

"Elaine," nakangiting sabi ni Joziah at nakisama sa yakapan. Natapos lamang ito nang magsalita siyang muli, "Buti at ligtas ka."

"Inalagaan ako nila Captain Alaric," kumento ni Elaine.

Napansin ni Joziah ang maskarang heart at seryosong tumingin sa kapatid. "Kung gano'n, walang dudang ikaw nga ang Supreme Spirit."

"Ano?!" gulat na reaksyon ng iba pa niyang pamilya.

Napahawak sa baba si Duardo at pinagmasdan ang maskarang nakalapag sa lupa.

"Ang maskarang Heart ang may kakayahang gumamit ng fire magic at pinaghahanap ka rin ni Lunar sa amin. Ngayon, nasagot na ang misteryo."

"Astig mo kanina Ate! Napanood kita!" masiglang sabu ni Jacob na may pagkinang sa kanyang mga mata.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" pagtataray ni Esang.

"Kahit ako ay hindi alam na ako pala ang Supreme Spirit," nahihiyang tugon ni Elaine.

"Ang mahalagay ligtas ka," singit naman ni Helena na kinontra ni Joziah.

"Hindi pa dahil nakasuot pa ang black cuff."

Tinaas ni Helena ang kanyang kamay na may suot na black cuff.

"Paano ito matatanggal?"

Lumingon si Elaine kay Gilth na umiling sa kanya.

"Ikaw dapat ang makagawa niyan. Magtatawag lang ako ng bihasa sa dark magic para gabayan ka."

"Sino?" tanong ni Elaine.

Lumitaw ang aninong itim sa tabing pader ni Gilth at lumabas dito ang isang binata na walang emosyon ang mukha nito.

"Twilight!" Napatayo si Elaine at hinarap ang binata. "Kasabwat ka rin ni Gilth?"

Tumingin si Twilight kay Gilth na hindi nililingon ang mukha. "He's the Lord of Luminosity. Of course, I know him because I'm the Lord of Darkness."

"Kung gano'n, kasabwat din si Captain Alaric dito?" nakakunot noong tanong ni Elaine. Naalala niyang may tumawag kay Alaric na Lord of Ice at ang serbisyo nito ay na kay Guildmaster gilth. "At anong kinalaman ng mga titulo niyo para magkakilala?"

"Saka ko na ipapaliwanag sa iyo ang lahat, Supreme Elaine. Magpokus ka muna sa pagtanggal ng Black Cuff," kumento ni Gilth at sila'y lumapit sa pamilyang Suarez.

Nagkatinginan sila Twilight at Joziah. Sariwa pa kasi ang nangyaring paglaban nila kanina.

Lumapit si Elaine kay Helena at kinuha ang kanang kamay nitong may black cuff. Gamit ang magic sense, nalaman niya ang pagdaloy ng mga malilit na dark magic sa cuff na mahahalintulad sa vains ng ating katawan.

"Ang liliit ng mga dark magic na animo'y mga sinulid."

"Try to control it," sambit ni Twilight at lumapit kay Elaine. "Feel your deepest pain and convert it into a dark magic. That's how the dark magic is unique. Your negatives is the reflection of dark magic."

Pumikit si Elaine at inalala ang mga masasakit na alaala sa kanya. Ang pagkapatay niya ng walang hustisya at paglaki ng walang magulang. Naalala niya rin ang pagkawala ng totoong Elaine at nanatiling buhay ang nagkasala rito. Ang mga fragments ng mga masalimuot na nakaraan ay inipon niya at nakalikha ng sensyasyon ng dark magic. Binukas niya ang kanyang mga mata at tinitigang mabuti ang black cuff. Ngayon, mas polido na at mas nararamdaman niga na ng mabuti ang pagdaloy ng dark magic dito. Hinigop niya ang mga mala sinulid na dark magic at na-convert ito sa mana. Kaya tuluyan ng nawala ang nagpapagana sa cuff at kusa na itong nabuksan.

Namangha ang mga nakakita lalong-lalo na ang pamilyang Suarez. Hindi pa rin sila makapaniwala na si Elaine na kaya lamang gumamit wind magic ay makakaya niyang manipula ang dark magic.

Napangiti si Gilth at tumingin kay Elaine na lumingon sa kanya. Gumawi rin si Elaine kay Twilight at ngumiti.

"Salamat."

"Nagbigay lang ako ng direksyon at ikaw na mismo ang gumawa nito."

"Simpleng salita lang ng walang anuman diyan."

Natigilan saglit si Twilight at mayamaya'y ngumiti. "Walang anuman."

Isa-isang tinanggal ni Elaine ang mga black cuff na nakakabit sa pulso ng kanyang pamilya.

"Wah! Ate! Ang galing mo!" papuri ni Jacob.

"Umalis na tayo rito," aya ni Gilth.

Nakaramdam sila ng mahinang paglindol.

"Kailangan mo ng matapos ito," dagdag pa nito.

"Kailangan ko munang madala sa ligtas na lugar ang pamilya ko," sambit ni Elaine at humarap sa kanyang pamilya, "Ihahatid ko kayo sa kaibigan ko para ma-teleport kayo sa Anastasia Kingdom."

"Paano ka?" tanong ni Duardo.

"May tatapusin po ako rito, ama."

Pumagitna sa kanila si Joziah. "Sasamahan ko si Elaine."

Napatitig si Elaine kay Joziah at muli, nakita niya ang mata nitong may kakaibang pinapahiwatig. Hindi niya maiwasan na mag-isip na alam na nito ang tungkol sa kanya dahil sa sinabi nitong siya ang Supreme Spirit. Sa isipan niya, hindi ko makakailang sinabi ni Lunar ang tungkol sa akin dahil lagi niya itong kasama.

"Ako rin!" - Jacobe.

"Dito lang din ako!" - Esang.

"Delikado rito!" tutol ni Joziah at muling lumindol.

"Huwag ng maging pasaway. Umalis na tayo rito!" singhal ni Helena at binuhat si Jacobe na pumapalag pa.

"Hindi pwede! Tutulungan ko si Ate!"

Napabuntong-hininga na lamang si Duardo at humarap sa kanyang panganay. "Magulo pa at marami pa akong tanong ngunit uunahin ko ang kaligtasan ng mama at mga kapatid mo. Iiwan ko sa iyo si Elaine."

"Ako pong bahala atsaka sa kakayahan niya, baka ako pa ang iligtas niya," natatawang sambit ni Joziah.

"Ipaliwanag mo sa akin ang lahat ha? At bumalik kang muli, Elaine," habilin ni Duardo sa kanyang anak.

"Opo."

"Sasamahan namin kayo," boluntaryo ni Gilth.

"Ako'y mauuna na. Kikitain ko si Haring Zhel na kasama sila Princess Haruna," sambit ni Twilight a ito'y tumago sa pader na may itim na anino.

Nagsimula silang umalis sa silid at tumabi si Elaine sa kanyang ina. Naalala niyang ito ang magpapabalik sa alaala ni Cielle.

"Bakit anak?" takang tanong ni Helene.

Ngumiti si Elaine bago tumugon, "Mabubuo na ang pamilya natin."

"Kumpleto na tayo, anak."

"Makukumpleto pa tayo," huling sabi ni Elaine bago sila nakalabas ng tuluyan sa palasyo.

𔓎𔓎𔓎𔓎

ANG MAHINANG paglindol ay umabot hanggang sa Fortress na matatagpuan sa gilid ng kaharian. Nasa looban sila Ivy na sa likod niya'y may mga malalaking baging na sumusugod sa makakasalubong niyang mga kalaban at sa unahan niya ay si Rai na gumagamit ng kuryente para mapatumba rin ang mga tauhan ni Lunar. Sa limang gusali, isa na lamang ang natitirang kailangan nilang pabagsakin. Sila ang may pasimuno kung bakit walang mga armadong nakakalat sa Colossal Arena. Dahil sa kanila, walang ibang kakaharapin ang kanilang kasamahan kung hindi ang Emperor lamang.

Kailangan nilang mapasok sa pinakalooban ang isang gusali upang ma-shut down ang mga makinang pandigma nito. Kailangan din nilang mapatumba ang mga posibilidad na mga armadong tauhan para walang rumesponde sa pinakalooban ng kaharian. Nagawa naman nila ito ngunit may balakid.

Napahinto sila nang makita sa dulong hallway si Penumbra. Naglalakad ito papunta sa kanila habang lumilikha ng dalawang latigong apoy sa magkabilaan nitong kamay.

"Dito na nagtatapos ang kaligayahan niyo," saad ni Penumbra at ngumiti hanggang tenga. Tumakbo siya ng mabilis at hinampas ang mahabang latigo.

Agad na nakaiwas si Rai at Ivy. Magkabilaan silang nasa gilid ng hallway at nakaalarmang nakatingin kay Penumbra. Tumingin sila sa isa't isa at nagtanguan. Sa tingin pa lang, nakagawa na sila ng plano para mapabagsak ang prinsesa.

Sumugod si Rai at nagkaroon ng kuryente sa mga paa't kamay niya. Samantalang si Ivy ay nanatili sa likod niya at nakataas ang kamay.

"Plant Skill, Disarray Vines!" enkantasyon niya at sumibol ang magulong mga baging papunta kay Penumbra.

Maliksing iniwasan ni Rai ang mga baging at tumalon ng mataas para pabulusok nanumatake kay Penumbra. Nakatunog ang kalaban at binato ang latigo papunta sa kanya. Pumulupot ito at siya'y tinapon papunta kay Ivy.

Pinaliyab pa lalo ni Penumbra ang mga latigo at pinaghahampas niya ang mga baging. Dahil sa pagliyab, nahiwa niya ang mga baging at ang iba'y nasunog.

Bago lumanding si Rai kay Ivy, nasalo siya nito ng kanyang baging. Agad siyang nakatayo at muling sumugod. Hindi siya agad nakalapit dahil sa malasawang latigo. Wala siyang nagawa kung hindi tingnan ito ng mabuti para makahanap ng butas sa depensa nito.

Problema rin nila ang pagsulpot ng mga armadong lalake.

"Walang malakas sa marami lalo na't kalaban natin ang walang hiyang nanay ni Ruby," lathala ni Rai at mabilis na dinipensahan ang sarili sa sumugod na isang armadong lalake. Agad niya itong napabagsak at muling humarap kay Ivy na parang walang nangyari. "Kailangan na nating mag-short cut."

"Okay," sang-ayon ni Ivy at pinawalang bisa ang mga baging.

Huminto sa pagdepensa si Penumbra at takang tumingin sa dalawa na humarap sa pader ng hallway.

Anong binabalak ng dalawang 'yon? Sa isip-isip niya.

Mayamaya'y lumikha si Ivy ng dalawang malaking baging at sinira ang pader. Pumasok sila rito at doon lamang nalaman ni Penumbra ang plano nila. Tumakbo siya sa nasirang pader at lumusot din.

Akala niyo siguro'y matatakasan niyo ako!

Sa pagtalon niya, madilim ang nasa ibaba nito. Bago siya makalapag, may biglang pumulupot sa kanya. Nagtaka at naguluhan siya sa nangyari at nang matingnan ang pumulupot, ito'y isa palang malaking baging. Pilit siyang kumawala ngunit nakasama rin sa pagtali ang kamag niya. Nawala ang bisa ng apoy na latigo kaya hindi na siya nakapalag.

Umangat si Ivy gamit ang pagtapak sa kanyang baging at tinapatan si Penumbra na mapait ang mukhang gustong kumawala. Tumalon naman si Rai at tumabi sa kanya.

"Pakawalan niyo ako mga bata!" sigaw ni Penumbra.

"Ayaw namin," natatawang tugon ni Ivy.

"Pakawalan niyo ako! Kung hindi, kamatayan ang aabuti-"

Pumulupot ang maliit na baging sa bibig ni Penumbra kaya hindi na ito muling nakapagsalita.

"Masyado kang malakas para harapin ng harap-harapan ngunit mabilis ka namang malinlang," nakangising sambit ni Rai at sumeryoso ang tingin. "Dito ka muna para pagdusahan mo ang mga ginawa mo sa kaibigan namin."

Tumalon si Rai papunta sa nasirang pader.

Si Ivy naman ay tumalikod at nag-enkantasyon, "Plant Creation Skill, Nepenthes Rafflesiana."

Umusbong ang isang malaking halaman na may bibig. Wala itong matatalas na ngipin ngunit may mabahong likido sa looban nito.

"Regalo ko para sa 'yo," nakangiting sambit ni Ivy at ginalaw ang malaking baging sa paanan niya para makapaunta sa sirang pader.

"Kapag hindi ka nakaalis diyan sa loob ng isang oras, kakainin ka niyang halaman kong mas mabaho pa sa malansang isda. Paalam!"


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

16.2K 1.4K 45
In Year 2030. Ang R.O.S or mas kilala nating rules of Survival ay kilala na sa boung mundo anim na taon na ang nakaraan. Hindi maipagkakaila ang kag...
6.6K 273 35
{COMPLETED} Highest Ranking: #2 in Greeks #14 in semideus Wondering what kind of story is this? well, let me tell you a story that started from the G...
25K 1.3K 45
Handa kabang lumaban para sa buhay mo? Handa kabang isakripisyo ang ibang tao para sa sariling kapakanan? Handa kabang lumaban para sa mahal mo sa...
Soulless Corpse By ꪀic

Mystery / Thriller

59K 2.5K 31
"The biggest risk, is not taking any risk. So... tara?" I said while slowly opening the car's door and tightly gripping the crowbar in hand. A wave o...