I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

130K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 54

885 39 3
By PeeMad

Chapter 54: Reunion

NOONG makabalik ang Olga Kingdom's representatives sa colossal arena ay hindi na lumitaw ang Boris Kingdom. Kaya dineklara na sila'y panalo at tapos na ang labanan sa araw na ito. Ang mga hologram sa kristal na matatagpuan sa iba't ibang panig ng South-West Land ay nawala na. Bukas na muling matutuloy ang sagupaan.

Ang natitira na lamang na kupunan ay ang Emperor's Team, Haakun Kingdom, Anastasia Kingdom, at Olga Kingdom. Nasa bingit nang pagkatalo ang Olga Kingdom dahil kapag sila'y hindi nagtagumpay bukas, laban sa Anastasia Kingdom, uuwi silang talunan.

Sa kasalukuyan, nasa pribadong silid sila Elaine, Cielle, Rai, Ivy, Alaric, at Princess Harunan na nagpapahinga para bukas. Ngunit ang prinsesa ay may kailangang gawin at pag-isipan ng mabuti. At iyon ay ang maligtas ang pamilya ni Elaine.

"Kumusta ang pamilya ko?" seryosong tanong ni Elaine sa prinsesa.

"Ayon sa report ni Pinunong Sol, nasa silid pa rin sila," sagot ng prinsesa.

Nakatago sa labas ng Mount Olimpus si Pinunong Sol at doon niya ginagawa ang kapangyarihan ng isang manghuhula. Nakabantay siya sa pamilyang Suarez sa pamamagitan ng bolang kristal. Siya ang nagbibigay ng balita tungkol sa nangyayari sa kapaligiran. Si Karlo naman ay nakaalalay kay Pinunong Sol. Nagte-teleport ito papunta sa silid kapag kinakailangan siya.

Kung mapapansin, hindi sila gumagawa ng hakbang. Nag-iingat sila dahil ang bracelet na nakakabit sa pamilya Suarez ay nasa kontrol ni Lunar. Ang pinakaplano nila ay matalo si Lunar o maalis ang bracelet. Sa kaso ng pag-alis ng bracelet, mahihirapan sila dahil sa napakaraming bantay. Kaya ang pinakamainam na solusyon nila ay matalo si Lunar.

"May alam na ba si Lunar tungkol sa akin?" tanong muli ni Elaine.

"Ayon kay Pinunong Sol, ang alam lang nila ay ikaw si Ace. Hanggang ngayon, hindi nila matukoy ang katauhan ni Cielle. Isa 'yong malaking advantage para malinlang sila," sagot ng prinsesa.

"Kung gano'n, ang planong makamit ang tuktok pa rin ang plano natin," sulpot naman ni Alaric.

"Nakadepende pa rin sa mangyayari bukas na ngayon ay pag-uusapan natin. . ." Gumitna ang prinsesa sa kanyang mga kalahok. "Kailangang matutunan ni Elaine ang dark magic."

Kumunot noo si Elaine. Nagtataka sa mga sinasabi ng prinsesa ngunit hinayaan niya lang itong magpaliwanag.

"Kapag natutunan ni Elaine ang dark magic, maaari nating maligtas ang pamilya Suarez, at tataas ang tsansa nating manalo rito," dagdag pa nito.

"Mahirap matutunan ang dark magic," usal ng kapitan.

"Mahirap ngunit pwedeng makakuha ng ideya." - Haruna.

"Kaninong ideya?" - Alaric.

Ngumiti si Haruna. "Kay Twilight at Equinox."

"Huh?" - Elaine at Alaric.

"Hindi ba't sila ang magkakaharap sa upper bracket? Kahit matalo sila, makakalaban natin ang isa sa kanila. At kapag nakaharap, papatagalin natin ang laro habang inoobserba ni Elaine ang galaw ng isang dark mage. Ikaw naman Elaine!" Gumawi ang prinsesa kay Elaine at dinuro ito, "Kailangan mong mag-self study tungkol sa Dark magic."

"Paano kung hindi ko matutunan ang dark magic?" tanong ng dalaga.

"Ang huling plano natin ay matalo si Lunar. Ngunit ang resulta ay 50-50. Kaya gawin mo ang lahat para matutunan ang dark magic."

Yumuko si Elaine at napayukom. "Gagawin ko. Para matahimik na ang loob ko sa kaligtasan ng pamilya ko."

"Good," nakangiting sambit ng kapitan at nag-inat. "Magpahinga ka na. Wala tayong magagawa ngayon dahil matinik ang gabi sa mga taga bantay ni Lunar."

"Mabuti pa nga," tugon ni Elaine at tumayo. "Ngunit magpapahangin muna ako."

Biglang nagising ang mahimbing na tulog ni Cielle at humarap kay Elaine. "Sama!"

"Matulog ka na lang diyan!" tutol ni Elaine.

"Ih! Sama ako!" naka-pout na sambit ni Cielle.

Napahawak na lang sa sentido si Elaine at walang nagawa kung hindi'y pumayag. At isa pa roon ay para na rin maiwasan ang pagkilala sa katauhan niya noong sandaling nagkita sila ni Reyna Barbara. Mamaya, may makasalubong na naman sila. Kaya bago lisanin ang silid, nagsuot sila ng maskara upang hindi makilala.

Lumabas ang magkapatid at naabutan nila ang kadiliman na ang nagpapaganda ay ang bilugang buwan. Naglakad sila papunta sa isang hallway kung saan malapit ang kulungang silid ng pamilya Suarez. Habang papalapit, nilakasan ni Elaine ang kanyang magic sense. Napangiti siya nang maramdaman ang mana ng buong pamilya niya at nagtaka noong maramdaman ang mana ng kuya niyang si Joziah.

Ako na lang pala ang kulang, pagkakausap ni Elaine sa kanyang isipan at napalingon kay Cielle na nakangiting binabaybay ang hallway. Kaming dalawa na lang pala ni Cielle ang kulang.

Napatigil sa pagtitig si Elaine kay Cielle nang huminto ito at lumaki ang mga mata sa isang direksyon.

"Ate! Si Kuyang pogi narito pala," gulat na sambit ni Cielle na nakatingin sa dadaanan nila.

Paglingon ni Elaine, nakita niya si Emmanuel na gulat na nakita sila. Gumawi ang mga mata ng binata kay Elaine at napangiti.

"Kayo ba 'yan, Elaine at Cielle?" takang tanong ni Emmanuel.

Inobserba muna ni Elaine ang paligid at pinakiramdaman sa magic sense kung may taong makakakita sa kanila. Nang makumpirmang walang tao, sinenyasan niya si Cielle na maaaring makipag-usap sila kay Emmanuel. Ngumiti naman sa kanya ang kapatid sabay gawi kay Emmanuel at masayang kumaway dito.

"Kuyang pogi! Ako 'to, si Cielle!"

Lumapit sila kay Emmanuel at dumungaw sa railings ng hallway. Dito ay tanaw ang lawa na nakapalibot sa Mount Olimpus. Tahimik dito at hangin lamang ang magpapataas ng balahibo sa 'yo.

"Sa pustura mo, sigurado akong marami ka ng kakayahan na mabubuga sa tournament na ito," panimula ni Emmanuel kay Elaine na nasa kaliwang bahagi niya. At nasa kaliwang bahagi naman ni Elaine si Cielle na nakangangang nakamasid sa laki ng lawa.

"Hindi ka ba nanood?" takang tanong ni Elaine.

Mahinang natawa si Emmanuel sabay kamot sa batok. "Hindi ako pinapalabas sa pribadong silid namin."

"Bakit?"

"Mahabang istorya." Pekeng tumawa si Emmanuel habang inaalala ang pagtataray sa kanya ni Antonelle. Hindi kasi ito pinayagang umalis dahil kay Elaine at para na rin hindi ma-overwhelmed sa mga nangyayari. Saka lang sila manonood kapag makakalaban na nila ito para pag-aralan.

Ngumiti na lamang si Elaine at tumingin sa buwan. "Malalaman mo rin naman bukas sa paghaharap natin. Makikita mo kung gaano ako lumakas sa paggamit ng apoy."

"Apoy?" takang tanong ni Emmanuel at tumingin kay Elaine. "Hindi ba't hangin ang ginagamit mo sa kompetisyon?"

Tinuro ni Elaine ang kapatid gamit ang hinlalaki. "Si Cielle ang gumagamit ng wind magic."

Tumingin ang binata kay Cielle at doon niya lang napansin ang maskara nitong ace. Lumingon agad siya kay Elaine na nakasuot ng maskarang Heart.

"Nasaan si Ru—" Napatigil siya sa pagsabi nang maalalang si Ruby ay nasa Emperor's Team. "Mukhang kumplekado ang mga nangyayari."

"Sinabi mo pa," tugon ni Elaine at tinungkod ang siko sa stone rail. Tinanggal nito ang maskra nang lumakas ang hampas ng hangin. Tumingala ito at pinagmasdan ang buwan saka ngumiti.

Tinungkod din ni Emmanuel ang kanyang siko at tumingin kay Elaine. Napansin niya ang ngiti nito na nagpapakitang kalmado ngunit ang mga mata nito ay sinisigaw ng kaguluhan. Nang lumingon sa kanya si Elaine, lumaki ang mga mata niya at lumihis.

"Anong plano mo?" tanong ng binata at tumingin sa buwan.

"Ang makuha ang nararapat sa akin," sagot ni Elaine. Sumulyap siya saglit kay Cielle at nakita itong abala sa pagkamangha sa lugar.

"Ang trono?" takang tanong sa kanya ni Emmanuel.

"Ang trono, pamilya ko, at mabawi si Ruby."

"Sila Tita Helena? Bakit? Anong nangyari?" gulat na tanong ng binata.

"'Wag kang mag-alala. Maayos sila ngunit hawak sila ng Emperor."

Yumukom ang kanang kamay ng binata. "Mas lalong nag-iinit ang ulo ko sa Emperor!"

Mahinang natawa na lamang si Elaine dahil sa reaksyon ni Emmanuel. Natigil naman ang binata at napangiti kay Elaine.

"Masaya akong kalmado ka lang sa sitwasyong na napakarami mong problema. Hindi ka kaya mahirapan niyan?"

Pekeng ngumiti si Elaine. "Wala rin naman akong magagawa kung magrereklamo ko."

Natahimik ang paligid kasabay nang paglungkot ng mukha ni Elaine. Agad namang lumapit si Emmanuel at dahan-dahan niyang hinakbayan ang dalaga. Bahagyang nagulat si Elaine ngunit agad namang napangiti.

"Alam kong mababawi mo ang lahat. Napakalakas mo eh!" saad ni Emmanuel at ngumiti.

"Alam ko," tugon ng dalaga at mahinang natawa.

"Ehem! Respeto naman po sa walang ka-partner dito oh!" biglang sambit ni Cielle na nasa tabi na ni Elaine.

Nang mapansin ni Emmanuel ang nais ipaliwanag ni Cielle, agad niyang tinanggal ang pagkakaakbay kay Elaine. Napakamot na lang siya sa batok at mahinang natawa.

Lumapit si Cielle sa binata at mahina itong siniko. "Ikaw ha! Walang dudang may gusto ka kay At—" Hindi na natapos ang sasabihin niya nang tinakpan ito ni Emmanuel. "Hmm, hmm. . . hmm!"

"Baka hindi na 'yan makahinga!" suway ni Elaine na agad namang tinanggal ni Emmanuel ang pagkakatakip.

Lumayo si Cielle at dinilaan ang binata. "May gusto kay At—" Natigil siyang muli ngunit ngayon, hindi na sa pagkakatakip. May naaninagan kasi itong pigura ng lalake hindi kalayuan sa hallway. Takot ang nagpanaig sa mukha niya nang maglakad ito ng dahan-dahan papunta sa kanila. "M-may multo!"

Agad na gumawi sila Elaine at Emmanuel sa tinitingnan ni Cielle. May nakita sila ritong katawan ng lalakeng naglalakad papunta sa kanila.

"Hindi 'yan multo," tutol ni Elaine at agad na sinuot ang maskara. Nangangamba itong tauhan ng Emperor at baka makita nag mukha niya.

Unti-unting nawala ang kanilang pangamba nang maaninagan nila ang mukha ng lalake.

"Kaya pala ang tagal niyo. . ." Huminto sa paglalakad ang inakala nilang multo at humalukipkip, "May kinakausap kayong kalaban."

"Captain Alaric?" patanong na sambit ni Cielle at nakahinga ng maluwag. "Akala ko multo."

Pinanliitan ng tingin ni Emmanuel si Alaric na nakamaskarang may simbolong spade. Hindi na siya nagtakang sa likod ng maskara ay ang kapitan, sapagkat alam niya ang bihasa nitong paggamit ng ice magic— noong pagpupulong ng mga pinuno.

Tinanggal ni Elaine ang maskara at tinaasan ng kilay ang kapitan. "Nananakot ka ba?"

Hindi siya sinagot ni Alaric dahil nagtaka ito sa pagtanggal ng maskara ni Elaine. Gumawi ito kay Emmanuel at nakitang masama ang tingin nito sa kanya. Nang mapagtanto niya sa mga mata ng binata na siya'y kilala nito, tinanggal niya ang maskarang suot.

"Bakit ka nandito?" pagtataray ni Elaine.

"Bawal?" walang ganang tugon ng kapitan. "Ang tagal niyong magpahangin. Akala ko kung anong nangyari sa inyo."

"Nagpahangin kami kaso nakita namin si Kuyang Pogi kaya ayon. . ." paliwanag naman ni Cielle.

"Kita ko nga. Mukhang sa pagtanggal niyo ng maskara, marami na siyang nalalaman." - Alaric.

"Mapagkakatiwalaan naman si Kuyang Pogi kasi kaibigan siya ni Ate Elaine saka mabait siya." - Cielle.

Umabante si Emmanuel na ikinatingin nila. Tinapatan niya si Captain Alaric na halos mag kasing tangkad lang sila. Mata sa mata silang nagkatitigan at pinanliitan ng tingin ng binata ang kapitan.

"Anong balak mo?" walang ganang sambit ni Alaric at ngumisi. "Do you want a fight?"

Kumunot noo si Elaine, samantalang ang kapatid ay takang nakanganga. Lumapit ang dalaga at gumilid sa pagitan ng dalawa. Bago pa niya sila pigilan, lumayo si Emmanuel at inabot ang kamay sa kapitan.

"Narito ako para sana sumanib sa plano niyo. Alam kong ikaw ang nagpaplano sa pagtagumpay ni Elaine. Mapapayag niyo ba ako?" tanong ng binata.

Natahimik saglit ang paligid at ito'y nabasag nang mahinang natawa si Alaric. "Nagkakamali ka. Si Elaine pa rin ang sinusunod namin. Kami'y tagapagpayo lang."

"Ako? Bakit ako?" kunot noong tanong ni Elaine. Tumingin siya kay Emmanuel nang ito'y humarap sa kanya. Nakaabot ang kamay nito at tila hindi bibitaw hanggat walang pumapayag sa gusto nito.

Napabuntong hininga muna si Elaine bago tumugon, "Hangga't maaari, ayokong may masangkot dito. Pasensya ka na kung tatangihan ko ang gusto mo, Lord Emmanuel."

Ngunit hindi natinag ang binata. Inabot niya ulit ang kamay at pinagpapawisang tumingin kay Elaine.

"Gusto kong masangkot sa buhay mo. Gusto kong mapasama sa mga plano mo. Kahit ikaw pa ang Supreme Spirit na tinakdang maging Emperor, ako'y sasama sa 'yo. Kung mahina pa ako, magpapalakas ako para sa 'yo. Elaine. . . " Lumapit pa lalo si Emmanuel sa dalaga at nanginginig nitong binaba ang kamay, "Una pa lang, tinuring ko ng parte ng buhay ko ang pamilya mo especially you. Elaine, I-I-I. . . li-like y—" Natigil ang kanyang pagsambit nang hinatak ni Alaric si Elaine.

"Times up. Kailangan na naming bumalik," sambit ng kapitan habang hatak-hatak si Elaine. "Cielle! Tara na!"

Dali-daling sumunod si Cielle at kumaway na lamang kay Emmanuel na animo'y naging estatwa sa kinatatayuan niya.

"Aray naman, Captain!" reklamo ni Elaine. Binitawan na siya ni Alaric at pagkatapos, humarap sa binata. "Paalam, Lord Emmanuel. Good luck na lang sa atin bukas!"

Utal-utal na tinaas ni Emmanuel ang kanyang kamay at winagayway ito. Pagkatapos, sumama ang tingin niya kay Alaric na nakahinto't nakalingon sa kanya.

"Sasabihin ko ang plano bukas," nakangising sambit ng kapitan bago iniwan ng tuluyan si Emmanuel na mag-isa at gulong-gulo sa nangyayari.

𔓎𔓎𔓎𔓎

DUMATING ang araw na pinakahihintay ng mga manonood, ito ay ang makaupo sa Colossal Arena. Makikita na nila ng aktuwal na labanan at hindi na nakadepende sa mala hologram na imahe sa kanilang bayan. Sa laki ng lugar, halos isang daang tao ang narito para manood. May ilan na ngang nagkumpulan sa labas ng arena at pinapaalis na dahil pribado pa rin ang Mount Olimpus para sa mga normal lamang na tao.

Bumungad agad sa simulang patimpalak ang paglathala tungkol sa pag-atras ng Boris Kingdom. Maraming nanghinayang ngunit mas angat ang kanilang kasabikan.

Sa pinakaloob ng arena, naghihintay ang mga kalahok na tawagin ang kanilang pangalan upang makapasok sa entablado.

Samantala, ang grupo nila Emmanuel ay tahimik lang na nakaabang. Nakasandal si Antonette sa pader at nakahalukipkip. Katabi niya ang kakambal an si Antonelle magkahawak ang mga kamay upang pakalmahin ang kabadong pakiramdam.

Napansin naman ni Antonette ang kapatid kaya mahina niya itong siniko. Lumingon ito sa kanya na naka-pout.

"Huwag ka ngang kabahan diyan!" singhal niya.

"Nakakatakot kasi sila. Hindi naman siguro aatras ang Boris Kingdom ng walang dahilan. Sigurado akong natakot sila," dahilan ni Antonelle.

"Lahat ng narito ay malakas kaya malakas din tayo! Tandaan mo 'yan ha?"

Tumango na lamang si Antonelle para hindi na magtaray ang kapatid.

"Kahit anong mangyari, gagapangin natin ang lower bracket!" pagbibigay ni Captain Yong ng determinasyon. Tumango ang apat niyang kasamahan saka sila naglakad papunta sa arena. Pagtapak pa lang nila, dumagundong ang hiyawan ng mga tao at ang pagpapakilala sa kanila ng taga anunsyo.

Napanganga sa laki ng arena si Baron. "Emmanuel!" masaya niyang tawag sa kaibigan ngunit siya'y napatigil nang seryoso itong nakatingin sa isang direksyon. Sinundan niya ito ng tingin at nakita sa kabilang dako ng arena ang grupo mula sa Olga Kingdom. Naramdaman niya ang mabigat na presensya rito. Ganoon din ang kanyang kasamahan na nakatutok din sa kalaban.

"Ibang-iba ang aura nila," dagdag pa nito.

Lumapit si Captain Yong sa grupo at bumulong, "Ang napag-usapang plano ay gagawin natin. Huling babala lang. . . mag-ingat kayo kay Heart at Ace. Hangga't maaari, paghihiwalayin natin ang duo na iyon." Sumulyap sila kay Heart at Ace na nag-uusap at nagkukulitan pa.

Samantala, napatingin si Heart sa grupo ng Anastasia Kingdom at nakitang nakatingin ito sa kanya.

"Maraming nakamata sa inyo, Elaine at Cielle," sambit ni Captain Alaric na nakasuot ng maskarang spade.

"Kami na nag bahala ni Cielle," tugon ni Elaine saka sila naghiwa-hiwalay para simulan ang labanan.

Natahimik ang arena nang mag-anunsyo ng segundo bago magsimula ang labanan. Nang maubos ang segundo, saka sila humiyaw kasabay nang sagupaan ng dalawang panig.

Agad na pinuntahan ni Antonette si Heart. Mabilis siyang tumakbo at inangat ang kanang kamay.

"Water Skill, Aqua Swords," enkantasyon niya at mabilis na lumitaw ang espadang gawa sa tubig, sa dalawa niyang kamay. May pwersa niya itong inangat at nang huminto sa likod ni Heart, agad niya itong hiniwa.

Bago pa magtagumpay ang atake ni Antonette, maliksing gumilid si Elaine na may simbolong Heart sa kanyang maskara at tinaas ang kamay.

"Fire Creation Skill, Uriel's Flamming Sword," enkantasyon niya at pinuwesto ang umaapos na espada. Nakaabang ito para masaksak ang lupa na diretsyo sa paa ni Antonette. Nang magawa ito, napahiyaw sa sakit si Antonette. Mas lalo pa itong napasigaw nang diniin ni Elaine ang espada.

"Walang hiya ka!" sigaw ni Antonette at hinawakan niya ang dalawang espada na pa-dagger ang estilo at hiniwa ang apoy na espada. Dahil sa talo ang apoy sa tubig, nawala ang bisa ng espada ni Elaine. Pagkatapos, patalong umatras si Antonette pabalik kay Antonelle. Lumuhod ito at ginawang tungkod ang isa niyang espada para alalayan ang nasugatang paa.

Agad na lumapit si Antonelle sa kanya at hinawakan siya nito sa balikat. "Water Healing Skill, Paradise of Ocean."

Nagliwanag ang nasugatang parte ni Antonette at agad itong nakatayo.

"Sabi ko sa 'yo, huwag kang susugod ng mag-isa kay Heart!" reklamo ni Antonelle.

"Hangga't nandiyan ka sa tabi ko, matatalo natin si Heart," seryosong tugon ni Antonette at masamang tiningnan si Heart. Yumukom ang mga kamay niyang nakahawak sa espada at mas lalo itong dumiin nang mapansin naka-relax lang itong nakagawi sa kanya. Sa isip-isip niya, Walang dudang ikaw iyong babae sa Nayon ng Liryong Lampara. Sino ka? Bakit naroon ang isang malakas na tulad mo na kakilala pa ni Emman?

Sa kabilang bahagi ng arena, naglalaban ang dalawang kalalakihan na si Emmanuel at Captain Alaric na may suot na maskarang spade.

"Nag-abala ka pang pumunta sa akin para makalaban ako," pang-aasar ni Alaric habang sinasalag ang sunod-sunod na atake ni Emmanuel. May binabato itong fire sphere. Dahil talo ang mahika niyang ice sa fire magic ng kalaban, iniiwasan niya na lamang ito.

Huminto si Emmanuel at sumama ang mukha nang hindi nagalusan ang kapitan. Hinagis niya sa hangin ang kanang kamay kasabay ng enkantasyon, "Fire Creation Skill, Leo's sword!" Lumitaw ang magic circle sa gilid niya at lumusot dito ang isang espadang apoy na ang disenyo ay tulad sa liyon. Pagkatapos, sinugod niya ang kapitan.

Ngumisi ang kapitan at magarbong nilahad ang kanang kamay. "Icicle Shot," sambit niya at lumitaw sa paligid niya ang napakaraming patusok na yelo. Tinuro niya ang kanang kamay kay Emmanuel at nagsimulang bumulusok ang mga Icicle papunta sa katunggali.

Hindi nagpatinag si Emmanuel at ginamit ang buong liksi sa pag-iwas. Nang isa na lamang ang iiwasan niyang icicle, lumaki ang mga mata niya nang nasa harapan niya na si Alaric at nakaabang ang kamao nito papunta sa kanya.

"Manood ka muna sa labas ng arena," huling sabi ni Alaric bago niya sinuntok si Emmanuel ng malakas. Sa sobrang lakas, tumilapon ito palabas ng arena.

Napasinghap ang ibang manonood sa nasaksihan nila. Ngunit nawala agad iyon at napalitan ng hiyawan.

Tumuon ang atensyon ng mga naglalaban kay Alaric at doon napagtanto ng Anastasia Team na apat na lamang silang nanatiling nakatayo.

"Emmanuel!" sigaw ni Antonelle. Lalapitan na sana niya ito ngunit nakita niyang nakalabas na ito sa arena. Ang ibig sabihin, tanggal na ito.

"Tsk! Alam kong mangyayari 'to!" singhal ni Antonette at gumawi kay Heart at sinamaan ng tingin. "Sino ka ba talaga?!"

Hindi siya sinagot ni Heart. Bagkos, inangat lang nito ang kamay at lumikha ulit ng apoy na espada.

Hinigpitan pa lalo ni Antonette ang pagkakahawak sa dalawang niyang espada. Bago pa siya makaabante sa pagsugod, lumitaw sa gilid ni Heart si Ace.

"Wind skill, Storm Gale," enkantasyon ni Cielle na may masakarang ace at nagkaroon ng malakas na hangin sa kanilang kapaligiran. Namuo ang maalikabok na hangin at pumalibot ito sa kanila. Kaya nasa loob sila Antonette at Antonelle, kasama sila Elaine at Cielle. Walang maririnig na ingay mula sa nilikhang malakas na hangin sa paligid nila kaya malaya silang mag-ingay dito.

Nagkatitigan sila Elaine at Antonette at nang mapansin ang pinapahiwatig sa kanilang tinginan, pinawalang bisa ni Antonette ang dalawa niyang espada.

"Mukhang alam mo na ang kakayahan ko," saad niya at seryosong tiningnan ang katunggali. "Kakaiba kang tao."

"Kakaiba ka rin," saad naman ni Elaine. "Hindi magic sense ang ginagamit mo hindi ba? Sa tingin mo pa lang sa akin at sa pagnginig ng kamay mo—"

Napatingin sila sa kamay ni Antonette na nanginginig.

"—alam mo ang kakayahan ko."

Hinawakan ni Antonette ang nanginginig na kamay atsaka ngumisi. "Mayroon akong sixth sense na sensitive ang katawan ko kapag may nararamdaman ko kung gaano kalakas ang mana ng isang tao."

Ang lakas ni Elaine ay invisible sa mga hindi alam gamitin ang magic sense. Sa pananaw naman ng sixth sense, invisible sa kanila ang magic aura ngunit ang physical nitong katawan na lumalakas dahil sa tulong ng mana, doon niya nararamdaman ang lakas ni Elaine.

"Bakit hindi mo kayang gumamit ng magic sense?" tanong ni Elaine.

Sumama ng mukha ni Antonette at bumulyaw, "Insulto ba 'yan?!"

Para sa inyong kaalaman, bago mo makamit ang magic sense, kailangan mo munang pag-aralan ang sixth sense. Kung gusto mong makamit ang developed magic sense, kailangan mong isakripisyo ang sixth sense.

Nilibot ng tingin ni Antonette ang paligid at pagkatapos, seryosong tumingin kay Elaine. "Bakit mo kami kinulong dito?"

"Simple lang. Gusto naming wala ng masaktan kaya dito pa lang, sinasabihan na namin kayong sumuko na."

"Anong sabi mo?!" singhal ni Antonette. "Wala sa bokabularyo ko ang sumuko! Kung kaya niyong malinlang ang Boris Kingdom, pwes! Ako hindi!"

"What a spirited woman," bulong ni Cielle at humalukipkip.

Bumuntonghininga si Elaine at sumeryoso ang tingin. "Narito kami para hindi makasakit kaya nakikiusap ulit kami, kayo na mismo ang umatras."

"Hindi!" matigas na tugon ni Antonette.

Tumingin si Elaine kay Cielle at ito'y tumango. Nawala ang ginawang malakas na hangin ni Cielle at hinanda nila ang sarili para sumugod.

"Kung gano'n, madali kaming kausap," sambit ni Elaine.

"Lalaban kami! Except sa kaibigan mong si Emman. . ." Dinuro ni Antonette si Elaine, "Sino ka ba talaga?"

Lumikha muna ng apoy na espada si Elaine bago tumugon, "Malalaman mo kapag natapos ang tunggaliang ito."

Ngumisi si Antonette at walang sabi-sabing sumugod.

15 minutes later. . .

"Olga Kingdom vs Anastasia Kingdom, winner. . . Olga Kingdom."


~(へ^^)へ• • •

Update:

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
3.4K 246 39
Let's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all. ©SaviA 2020
46.8K 2.2K 48
Ellie Kate Calmerin is a simple girl with a good heart. She was living a normal life but with just one accident, different turns of events happened...