I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

119K 4.1K 204

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 53

770 38 3
By PeeMad

Chapter 53: Respect for Strongest

KASALUKUYANG nagtutuos si Rai— na may maskarang simbolong club sa baraha— sa isa sa mga kalahok ng Demi-Human City. Nahihirapan siyang mapatumba ito sapagkat lumalaban pa ito kahit pagod na.

"Para kay Master Aluma. . . para kay Master Aluma," paulit-ulit na sambit ng lalakeng katunggali ni Rai at pinaliyab nito ang kanyang kanang kamay.

"Tsk! Nagsisimula na akong mairita sa kakunatan mo!" singhal ni Rai. Gumawi siya sa iba pang kalaban na kahit bugbog na ang mga ito, lumalaban pa rin. Kapansin-pansin din ang mga mahika nila na iisa lang. Ito ay ang fire magic.

Sa kabilang dako, hindi matatangging talo ang ice magic sa fire magic. Wala naman iyon sa kaso ni Alaric— na may suot na maskarang simbolong spade. Nakakaya niyang makipagsabayan sa katunggaling gumagamit ng fire magic. Nasa gilid sila ng arena at ang kanyang katunggali ay nasa bingit na nang paghulog. Hindi na siya nagdalawang isip na hulugin ito gamit ang paghagis ng nilikha niyang malaking bloke ng yelo. Nang madeklara ni Yel na hindi na yanggal na ang kanyang kalaban, nakarinig siya ng malakas na pagsabog. Pagtingin niya sa gilid, nakita niya si Elaine na nahihirapang kalabanin si Aluma.

Sa sagupaan laban sa dalawang mage na ang sandata ay dagger, kailangan nilang mapalapit sa kalaban upang maka-score sa atakeng gagawin. Hindi tulad ng long sword na kayang abutin ang kalaban kapag malayo ito, ang dagger ay kailangang malapitan.

"Inferno Blooter!" sigaw ni Aluma habang nakaambang ang kanyang pagsipa. Dahil sa bilis nang pagkilos niya, natamaan niya si Heart. Tumilapon ito ngunit agad nakabawi gamit ang pagtusok  ng kanyang dagger sa lupa. Doon ay natigil ang pagkakatilapon niya.

Mabilis na sumugod si Heart at nagpakawala ng sunod-sunod na atake gamit ang dagger. Nakakaiwas ang kanyang kalaban ngunit sa huling hiwa, natamaan niya ito sa gilid ng tiyan. Nang maramdaman ni Aluma ang hapdi, agad siyang napaatras at napahawak sa napuruhan.

"Tsk!" Kahit na nakakaramdam na ng hapdi, nagawa niya pa ring makatayo ng maayos. Hinarap niya ang dagger at muling sumugod.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita, Supreme Being?!" may diing singhal ni Aluma habang naggigitgitan sila ni Heart.

"Para bawiin ang lahat!" pasigaw na sagot ni Heart at inikot ang katawan. Nakabwelo ito at sinipa ang mukha ni Aluma.

Nasalag naman ito ni Aluma gamit ang pagharang nang kanyang bisig. Pagkatapos, hinawakan niya ang paa ni Heart at binalibag sa sahig. Doon ay napuruhan si Heart at napaduwal pa ng dugo. Lumapit pa siya lalo at tinapakan ang tiyan ng kalaban.

"Urgh!" reklamo ni Heart nang madiinan ang pagkakatapak ni Aluma.

"Mababawi mo ba ang lahat? Sa kalagayan mo ngayon, hindi mo matatalo ang nakakataas!" singhal ni Aluma at lalo pang diniinan ang pagkakatapak.

Bahagyang napasigaw si Heart dahil sa sakit ngunit nagawa niya pa ring ngumisi.

"May pagpipilian pa ba ako bilang maaasahan ng lahat?" nahihirapang sagot ni Heart na pinagtaka ni Aluma. Ngumiti siya bago nagdagdag, "Kapag wala akong ginawa, lulubog ang South-West Land sa kahirapan dahil sa bwiset na maling pagpapatakbo ng taong walang alam. Narito ako para bawiin ang lahat. Para matama ang balikong daanan."

"Ngunit huli ka na." Mas lalo pang diniinan ni Aluma ang pagkakatapak. Kaunti na lang, mamamatay sa pagkawala ng dugo si Heart. "Lahat ng tao ay nawala na sa isipan nila kung sino ang totoong tinakdang mamuno. Kahit bumalik ka, wala nang susunod sa 'yo."

Ngunit hindi ito naging alintana kay Heart. Nagawa pa nitong ngumisi na mas lalong nagpakunot sa noo ni Aluma.

"Pakealam ko?"

"Huh?!" gulat na reaksyon ni Aluma. Didiinan pa sana niya ang pagkakatapak ngunit nahawakan ni Heart ang kanyang paa at pinigilan itong madiinan.

"Kung ayaw nila sa akin, wala silang magagawa. Ako ang Supreme Spirit. Sa ayaw o sa gusto nila, ako pa rin ang tinakda!"

Napatulala saglit si Aluma sa kalaban. Mahina pa itong natawa kahit na nahihirapan. Sa mga oras na iyon, siya'y napahanga. Hindi niya inaasahang magpapakita ang supreme spirit. Narito kasi siya sa tournament para kapag nanalo, siya ang magpapatakbo. Ngunit sa kalagayang ito, nakakita siya ng totoong mamumuno.

Mahina rin siyang napatawa na ikinatigil ni Heart. "Akala ko wala nang pag-asa magpapakita ka."

Tinanggal niya ang pagkakatapak at sinamaan ng tingin si Heart. "Tumayo ka diyan. Kapag natalo kita, pinatunayan mo lang sa akin na hindi ka karapat-dapat na mamuno."

Nahihirapang tumayo si Heart at hinawakan ang tiyan na napuruhan. Kinuha niya ang dagger at pinuwesto ang sarili para sumugod.

"Wala sa bokabularyo kong matalo," nakangising sabi ni Heart at ito'y sumugod.

"Thou shalt grant the power of god of fire. Prometheus' dagger. . . Volcanic realm," enkantasyon ni Aluma at ang dagger niya ay nagsimulang umapoy.

Napahinto si Heart nang mapansin ang pagbital ng lupa. Mayamaya'y may lumabas ditong lava na agad niyang naiwasan. Lumaki ang kanyang mata sa mangha at kilabot. Hindi niya inaasahan na may tinatago pang lakas ang kalaban niya.

Nang mapuno ng lava ang kapaligiran ni Aluma, tinaas niya ang kanyang dagger.

Sa kabilang banda, ang mga kalahok pa ni Aluma ay napansin siya. Agad nilang iniwan ang mga kalaban at pumunta sa gilid ng lava. Hindi na ito napigilan nila Alaric sapagkat nagpokus sila sa nangyayari kay Aluma. Agad nilang pinuntahan si Heart at kinamusta ang nangyayari

"Hindi ko alam kung anong binabalak niya," bungad ni Heart.

"She's using the true essence of her magic from Prometheus. Kapag hindi natin siya napigilan, kaya niyang wasakin ang arena sa isang iglap lang," paliwanag naman ni Alaric.

Samantala, ang apat pang kalahok ng demi-human city ay naglabas ng apoy sa kanilang katawan. Mahika na inubos nila para makalikha ng napakalakas na apoy. Tinaas din ni Aluma amg kanyang dagger at pumikit. Huminga siya ng malalim at nagsimulang mag-enkantasyong muli,

"Mighty Titan,
Heat and fire,
Bring to me, the power of stealing fire,
Blessed by blaze that leads to demise,
Grant my desire,
my dear mighty one!"

Ang lahat ng nakapalibot na init at apoy ay napunta sa itaas na bahagi ng dagger ni Aluma. Naghulma itong bilog na kasing liwanag ng araw. Ang kapaligiran ay dumilim at ang bilog sa nakuhang apoy ang nagsilbing liwanag. Ang lahat ng nakasaksi ay nakatuon sa iisa.

Napatakip ang kanilang bisig sa kanilang mukha. Napakalakas ng force na binibigay na magic ni Aluma. Nang makuha ang apoy sa kanyang kapaligiram, nawalan ng malay ang apat na kalahok. Binigay nila amg lahat ng mana para sa huling atake ni Aluma.

Tinapat ni Aluma ang dagger kasabay nang pagtapat ng napakalaking bilugang apoy. Tinutok niya ito kay Heart at sabay ngisi.

"Kapag nakalampas ka sa atakeng ito, panalo ka na."

"Ano?! Mamatay siya sa gagawin mo!" tutol ni Club na si Rai.

"H-hindi natin k-kaya ang napakalakas na mahikang 'yan!" usal naman ni Diamon na si Ivy.

"Anong plano mo?" tanong naman ni Spade na si Alaric kay Heart na si Elaine.

"Sasalagin ko," simpleng sagot ni Elaine ngunit isa itong malaking kalokohan para kay Rai.

"Mamatay ka Elaine! Umiwas na lang tay—" Tumigil si Rai nang sumabat si Elaine.

"Kaya ko ito. Akong bahala." Sinenyasan ni Elaine si Alaric. Tumango ito sa kanya at hinatak sila Rai at Ivy pagilid. Pagkatapos, kinuha ng kapitan ang apat na na kalahok na nakahandusay. Nang makita niya na nasa ligtas na lugar na ang lahat ng kalahok, huminga siya ng malalim at seryosong tumingin kay Aluma.

"Isang malaking respeto sa 'yo Aluma. Isa kang malakas na fire mage," sambit niya na hindi narinig ni Aluma dahil sa pagtawa nito. "Ngunit may uuwing talo sa atin. Tinatanggap ko ang hamon mo." Nilagay niya ang mga kamay sa bawat gilid ng kanyang bunganga at nag-enkanasyon,

"Fire creation Skill. . . " Huminga siya ng malalim at nag-ipon ng hangin sa tiyan. Unti-unting nagkaroon ng imaheng balat ng dragon sa mukha ni Elaine. Binuksan niya ang kanyang mata na ngayon ay tulad na rin sa dragon.

"Dragon breath!" sigaw ni Elaine at binuga ang hangin sa tiyan. Lumabas dito ang isang malakas na apoy papunta kay Aluma.

Saktong pinakawalan ni Aluma ang atake niyang apoy. Nagkasulubong ang kanilang nilikhang mahika at nauwi ito sa pagsabog. Ang lahat ng nakasaksi sa colossal arena ay napatakip sa kanilang mukha. Napakaliwanag sa gitna at may nagtalsikan pang mga debris. Ang iba'y napa-ubo-ubo pa dahil sa usok at wala silang makita. Inaaalam nila kung anong nangyari sa dalawang fire mages; kung may nasawi sa malakas na pagsabog.

Nang mawala kaunti ang usok, lumitaw si Yel. Tinaas niya ang kamay at nag-anunsyo, "Olga Kingdom vs Demi-human city. . . winner, Olga kingdom."

Kasabay nang pagtatapos sa anunsyo ang pagkawala ng usok. Doon ay nakatayo si Heart. Samantalang si Aluma, nakaupo sa sahig, hinihingal pa ito at amindong naubusan ng mahika. Nang maramdaman ang pagod, hinayaan na niya ang katawan na bumagsak sa lupa.

Nang makita nila Rai na nasa maayos na lagay si Elaine, agad nila itong pinuntahan at niyakap. Hindi pa rin sila makapaniwala na nasalag nito ang nakakatakot na mahika.

"Ang galing mo Elaine!" masayang sabi ni Rai at kumawala sa pagkakayakap. Ngumiti sa kanya ang dalaga ngunit mayamaya, gumewang ito at tuluyan na ring nakaramdam ng pagod.

Bago bumagsak si Elaine, mabilis siyang nasalo ni Alaric.

"Good job," bati niya sa dalaga. Ngumiti lang di Elaine bago nawalan ng malay.

Agad namang pinuntahan ni Ivy si Elaine at pinainom ito ng potion. Gumaling naman agad ang mga natamong sugat ngunit hindj matatanggal ang pagod na naramdaman.

"Alaric," tawag ni Aluma na ikinalingon ni Alaric sa kanya.

Paika-ikang naglakad si Aluma papunta sa gawi nila. Binigyan pa nga siya ni Ivy ng potion ngunit tinaggihan niya ito. Ang pakay niya ay makausap si Alaric.

"Gawin niyo ang lahat para makuha ang para sa kanya," bilin ni Aluma bago niya puntahan ang apat niya pang kasamahan na nasa kamalayan na. Inalalayan siya nitong makaalis sa arena.

Ngumisi lang si Alaric bago senyasan ang kasamahan na pumasok sa looban.

"Good job, Rai and Ivy. Magpahinga na kayo ngayon," masaya niyang sabi sa dalawa na ikinapula ni Rai sa sobrang saya.

"First Time, Captain! First time mong lumambot ang puso mo sa aki--" Hindi na natapos ni Rai ang masaya niyang reaksyon dahil sa mahinang pagbatok sa kanya ni Alaric.

Nang makapasok sila sa pribadong silid, bumungad sa kanila si Cielle na umiiyak.

"Ate!" salubong ni Cielle. Yayakapin sana niya si Elaine ngunit napatigil ito dahil sa kailangan nito magpahinga. Lumapit pa siya lalo sa kapatid saka umiyak muli. "Sorry ate! Hu, Hu, Hu! Natalo agad ako! Sorry."

"H'wag kang maingay, Cielle. Magpapahinga muna ako," mahinang bilin ni Elaine bago nakatulog ngunit muling umiyak si Cielle.

"Huwah! Ate! H'wag mo akong iwan."

"Kalma! Hindi pa ako patay!" singhal ni Elaine na ikinatawa ng mga kasamahan niya.

"Hindi pa mamatay ate mo, Cielle. Magpapahinga lang," natatawang sabi ni Rai.

Natigil ang kasiyahan nang pumasok sa silid si Princess Haruna at lumitaw sa gilid niya si Karlo. Nakangiti ito at pumalakpak.

"Kinagagalak kong nalagpasan niyo ang Demi-human city," bati ng prinsesa at napahinto sa pagpalakpak. "Ngunit ang susunod niyong kalaban ay mas mahihirapan pa kayo." Lumapit siya kay Elaine, tinapat ang mga kamay sa dibdib nito, at nag-enkantasyon, "Water Healing Skill: Blessed Aqua."

Nabalutan ng tubig si Elaine at ito'y nagliwanag. Wala pang ilang segundo nang gumaling ito. Naglaho rin ang tubig at liwanag. Maaari na muling lumaban ang dalaga.

Umupo si Elaine sa pagkakaupo at napahawak sa ulo. Hindi nagawang makadilat at nakakunot noo. Gumaling nga ang sugat nito ngunit bakas pa ang kapaguran.

Muling niyakap ni Cielle si Elaine. Kahit napapagod, yumakap pabalik si Elaine.

"Sino ang susunod na kalaban?" tanong ni Elaine. Habang hinihimas ang likod ng kapatid.

"Boris Kingdom," walang ganang sagot ni Alaric.

"Ang mga amazonian! Talagang mahihirapan tayo riyan!" sang-ayon ni Rai.

"Ilang minuto po ba ang pahinga?" tanong ni Ivy at uminom ng sariling potion.

"Kalahating oras," sagot ng prinsesa.

Gumawi si Alaric kay Elaine. "Kaya mo?" tanong niya.

"Ano pa bang magagawa ko? Syempre kaya ang sagot," natatawang tugon ni Elaine at napahiga muli kasabay si Cielle. "Pero papahinga muna ako."

Tumingin si Alaric sa prinsesa at sabay sabi, "Narinig mo naman siya. Kaya niya pa."

"All goods. Babalik na muli ako sa colossal arena." Lumingon si Haruna sa gilid na kung saan naroon si Karlo. "Magmasid kang muli sa paligid. Kumalap ka ng impormasyon."

Yumuko si Karlo na nakalagay ang kanang kamay sa dibdib. "Masusunod, Guardian". Sa isang iglap lang, nawala ito sa paningin nila.

𔓎𔓎𔓎𔓎

PAIKA-IKANG inalalayan ng apat si Aluma papunta sa pribadong silid.

"Pagpasensyahan mo na ang kahinaan ko, Master Aluma," sambit ng isa sa kanila.

Mahinang natawa si Aluma. "Hayaan mo na ang nangyari. Narito lang naman tayo para manalo at mamuno. Ngunit sa mga oras na ito, wala na tayong karapatan. Narito na sa lugar na ito ang totoong itinakda."

Tumango-tango ang apat at muling inalalayan si Aluma. Bago sila makapasok sa kanilang silid, pinahinto sila ni Aluma. Inamoy-amoy niya ang paligid at napagawi sa likuran. Doon ay nadatnan nila si Reyna Barbara ng Boris Kingdom. Kasama nito ang lima niyang kalahok.

Sinenyasan ni Aluma ang apat na bitawan siya. Sumunod naman ito at pinilit na makatayo. Paika-ika niyang hinarap ang reyna at hindi nagawang yumuko. Wala itong paggalang at taas noo pang tinapatan ang tingin sa kanya ng reyna. Animo'y kinikilala ang sarili na pantay sa isang maharlika.

"Anong sadya mo rito, Barbara?" nakangising sabi ni Aluma.

Nagngitngit ang ngipin ng limang amazonian na kalahok dahil sa galit.

"Walang paggalang!" singhal ng isang amazonian. Susugurin na sana nila si Aluma ngunit humarang sa kanya ang kamay ni Barbara. Hudyat ito na kailangan niyang kumalma.

Huminga ng malalim ang reyna bago humarap kay Aluma.

"Narito ka rin ba para makuha ang trono?" tanong niya.

Pumewang si Aluma at tumugon, "Malamang! Asahan mong hindi ako sasali pagpipitsyuhing salapi lang."

Natahimik saglit ang paligid. Mayamaya, binasag ito ni Reyna Barbara.

"Magpahinga ka na. Ako ng bahala na makuha ang trono kay Emperor Lunar. Ako na ang tatalo sa Olga Kingdom."

Ang nakangising si Aluma ay biglang sumeryoso ang tingin. "Hindi na kailangan."

"Bakit?" seryoso ring bawi ng reyna.

"Alam nating dalawa na walang kakayahan si Lunar na magpatakbo sa buong South-West Land dahil sa estado niya. Narito ka rin para maging pinuno habang wala ang tinakda ngunit huwag mo ng balakin. . ."

Pinanliitan ng tingin ni Barbara si Aluma nang ito'y ngumisi.

"Dahil narito na siya. Lumabas na sa tinataguan niya na buo na ang loob," dagdag pa ni Aluma at tinuro ang sarili nang naka-thumbs up. "Itong sugag na natamo ko? Hindi 'to basta-basta mangyayari kung hindi malakas ang kalaban ko. Kaya kahit hindi ko sabihin, kilala mo na siya."

Tumapat si Aluma sa pinto at bago pumasok sa looban, sumulyap siya kay Reyna Barbara.

"Goodluck, Barbara. Mapapahiya ka lang," huling salita niya bago sinarado ang pinto.

Nanatiling tahimik ang reyna ngunit mayamaya'y muling naglakad. Yumukom ang kamay nito at gumuhit ang ngiti sa labi.

"Hindi na rin pala ako kailangan dito," sambit niya sa sarili.

𔓎𔓎𔓎𔓎

15 MINUTES before the next match. . .

Nasa maayos na kalagayan na si Elaine ngunit tinatawag siya ng kalikasan.

"Bakit walang banyo rito?!" reklamk niya sa kasamahan habang paulit-ulit na pinapadyak ang mga paa.

"H'wag ka na magreklamo. Nasa pangatlong hallway ang banyo. Kung ako sa 'yo, tumatakbo na ako ngayon," paliwanag ni Rai sabay ngisi.

Walang sabi-sabing lumabas si Elaine at mabilis na kinuha ang maskara sa sofa. Nang susuotin niya ito, nakita niyang may simbolo itong Ace. Namali nang kuha ngunit nagkibit-balikat na lamang siya. Wala siyang magagawa dahil emergency ang nararamdaman niya.

"Ate sama!" sigaw ni Cielle. Kinuha niya ang maskarang may simbulong Heart at sinuot ito. Dali-dali siyang lumabas at naabutan si Elaine. Nakabuntot lang siya hanggang sa banyo.

Nang matapos mailabas ang dapat ilabas, nakahinga nang maluwag si Elaine. Naglakad na siya paalis kasabay si Cielle.

"Nakapagbanyo rin," masayang sambit ni Cielle at takang tumingin sa maskara ni Elaine. "Wah! Maskara ko 'yan ha? Eh ano itong maskarang gamit ko?"

"Ngayon mo lang napansin? Akin 'yang suot mo. Nagmamadali na kasi ako kanina kaya hindi ko namalayan," sagot ni Elaine.

"Balik mo sa akin 'yan ha?"

"Mamaya. Mahirap na. Baka kapag dito tayo nagpalit, may makakita sa ati--" Napatigil si Elaine at mabilis na tumingin sa harapan ng hallway. Naramdaman niya sa magic sense ang napakalakas na mana at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya si Reyna Barbara kasama ang lima pa nitong kalahok na Amazonian.

Tumingin din si Cielle sa reyna at inalerto ang depensa. Sila kasi ang susunod nilang makakaharap.

"Mga kalahok mula sa Olga Kingdom. . ." panimula ng reyna at naglakad papunta sa dalawa. Nang tumapat, taas noo niyang tinitigan si Cielle. "Ikaw pala si Heart na tumalo kay Aluma."

Nanginig sa takot si Cielle dahil sa mala-demonyong tingin ni Barbara.

Napatitig lang si Elaine sa nangyayari at doon napagtanto na nagpalit pala sila ni Cielle ng maskara. Dahil magkamukha ang buhok nila ni Cielle, mabilis na mapapaniwala nila ang mga makakakita sa kanila.

Tinitigan ni Elaine si Cielle na may pahiwatig. Tumango-tango na lang si Cielle at lumunok bago magsalita, "A-ako nga. . . bakit?"

Mas lalong kinabahan si Cielle nang tiningnan siya ng reyna mula ulo hanggang paa.

"Wala ni isang katiting akong nararamdamang malakas na mana sa 'yo. Ikaw ba talaga ang tumalo kay Aluma?"

Seryoso lamang na nakatingin si Elaine sa reyna at hindi niya namalayang ang aura niya sa kanyang mana ay unti-unting lumalabas.

Agad namang naramdaman ni Barbara sa magic sense si Elaine kaya gumawi siya rito. Taka niyang tinitigan ito.

"Sino ka?" tanong ni Barbara.

"Ang magwawagi sa tournament na ito," may diing sagot ni Elaine.

Malawak na ngumisi si Barbara at tinapatan ang tingin sa kanya ni Elaine.

"Napakalakas naman ng loob mong sabihin 'yan sa katunggali mo, bata."

Napayukom si Elaine nang maramdaman ang bloodlust ni Barbara. Bakat pa sa ngisi ng reyna na may babalakin siyang kakaiba. Pinanliitan niya ito ng tingin at walang nagawang iparamdam sa reyna na hindi siya basta-bastang nilalang. Nagtagumpay naman siya dahil bahagyang napaatras ang reyna dahil sa pagkagulat.

Ang aura niya. . . napakalakas at napakabigat ngunit napakakalma, sa isip-isip ni Barbara at gumawi kay Cielle. Kung siya nga ang tumalo kay Aluma, sino ang isang 'to?

"Naguguluhan ka ba?" sambit ni Elaine na ikinalingon ni Barbara sa kanya. "Ako lang 'yo. Ang magtatagumpay sa tournament na ito."

Tinitigang mabuti ni Barabara sila Cielle at Elaine. Nang mapagtanto ang nangyayari, siya'y ngumisi.

"Parehas kayo ng buhok kaya malaya niyong malinlinlang ang mga tao kapag magpalit kayo ng maskara."

Bahagyang nagulat si Elaine. Matalas ang pag-unawa niya, pagkakausap niya sa kanyang isipan.

Humarap si Barbara kay Elaine. "Ikaw ang tumalo kay Aluma, hindi ba?"

"Ako nga," sagot ni Elaine. Alam niyang hindi na niya matatago ang sarili kaya siya'y umamin na.

"Kung gano'n. Ikaw nga," nakangiting sabi ng reyna.

"Ako?" takang tanong ni Elaine.

Mahinang natawa si Barbara at tinuro ang dalaga. "Kahit anong mangyari, kailangan mong manalo. Kunin mo ang lahat ng sa 'yo. . . " Sumeryoso ang tingin niya at saby dagdag ng "Supreme Spirit."

Lumaki ang mga mata nila Elaine at Cielle dahil sa pagkagulat.

"Paano mo nalamang--" Napahinto si Elaine nang sumabat ang reyna.

"H'wag kang mag-alala. Wala akong ipapaalam sa iba na narito ka. Nagagalak lang akong makita ka. Nandito lang naman ako para hindi matuloy ang pamumuno ni Lunar."

Kunot noong pinoproseso ni Elaine ang mga nangyayari. At nang makakuha ng konklusyon, hinarap niyang muli ang reyna.

"Kung gano'n, taliwas din kayo kay Lunar?" tanong niya kay Barbara.

"Oo ang sagot diyan dahil hindi niya kayang mamuno. Ang dapat na umupo sa trono ay walang iba kung hindi ikaw. Kapag iba, magiging kawawa sa ibang lugar ang South-West Land," sagot ng reyna.

"Ibang lugar?"

"Hindi lang ang South-West Land ang makikita sa mundong ito, Supreme Spirit. Marami pang Emperor ang namumuno na kasing lakas mo. Kapag nakita nilang wala ang itinakdang mamumumo, kamatayan ang kahihinatnan ng nasasakupang ito."

Nagulat si Elaine sa mga nalaman at mas lalo pang naguluhan dahil sa pag-alala sa mga sinabi sa kanya noon ni Pinunong Sol.

Sinabi ni Pinunong Sol na mula sila sa malayong lupain. Kung gano'n, hindi lang ako ang tinakdang maging emperor, sa isip-isip niya.

"Totoo ngang may iba pang lugar bukod sa South-West Land?" tanong naman niya.

"Obvious naman sa pangalan ng nasasakupang ito. Kung gusto mo pa ng mga katanungan, ikaw na mismo ang dapat makaalam diyan. Bawiin mo ang trono para malaman mo ang lahat," bilin ni Reyna Barbara bago tumalikod at maglakad paalis. "Magpapatalo na ako ngayon. Wala na akong balak sa lugar na ito."

Pinagmasdan lang nila Elaine at Cielle na umalis ang reyna. Nang mapagtanto ni Elaine ang pag-alis ng reyna, siya'y napangiti at nagsimulang umalis.

Salamat at nakuha mo ang respeto ko sa malawak na pag-unawa niyo, Reyna Barbara at Aluma, sa isip-isip niya.


~(へ^^)へ• • •

Update:

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 503K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
712 87 52
"Just think that I am just a girl from nowhere. A girl that you will forget." Note: Book cover is not mine credits to the rightful owner.
1.7K 56 10
Anya Sandria Levesque's life is like a fairytale character she was fond of reading. Living in a mansion but being abused by her evil step mother and...
63.9K 3.6K 63
The world is not the same. Monsters. Betrayals. Pain. Starvation. You shall be ready to see your companions' death, to kill, and to die. There are no...