League Of The Broken Hearts II

By heartruiner

20K 619 172

They're bad. And they're back. More

Eighty - Everything Alters
Eighty One - Shocking Encounters
Eighty Three - Four Seasons
Eighty Four: Petty Fights
Eighty Five - Things Unresolved
Eighty Six - Strikes Ni Tadhana
Eighty Seven - Confrontations
Eighty Eight - A Kiss On The Bench
Eighty Nine - Trouble Stirred
Ninety - Face Off Overrdue
Ninety One - The Birth of Another Jerk
Ninety Two - More More More Trouble!
Ninety Three - Singapore Negotiations
Ninety Four - His Favorite Place
Ninety Five - Baby Baby Baby Oooh!
Ninety Six - Rescue Operation: JCLJ Style
Ninety Seven - Ang Mahabang Hair ni Jiagh, Bow
Ninety Eight - A Little Bit of the Truth

Eighty Two - Negotiations (+ Announcement)

1.2K 48 20
By heartruiner

Eighty Two

Negotiations

 

 

 

(Jhem's POV)

 

 

 

                 "Uh... no attachments and personal innuendo with corporate workers?"

            Nagkibit ako ng balikat. "Code of ethics. You can go have a relationship with co-talents but you don't screw with anyone who's corporately involved."

            Lahat sila tumigin kay Kent. Kent's face went pale holding on to the contract. "Uhm... what happens if by any chances that code is broken?"

                 "One of you or both parties involved are going to be fired."

                 "We can't ammend this?"

            If we can de sana hindi kami nagtatago ni Mico. Nang-iinsulto lang? Hindi naman kayo ang unang lalabag ng company policy na 'yan noh kaya gora lang ng gora. H'wag lang kayong papahuli.

                 "No, Kent, it's company policy. I'm sorry."

            Hindi na siya sumagot at tumango na lang. Tumingin lang sa akin si Sis Cris na parang nang-aasar. Alam ko naman noh. Lakas rin ng apog kong magsabi ng gano'n pero ako 'tong hindi sumusunod sa policy. Eh kasi naman bago pa may ganyan kami na ni Mico noh. Daya naman. Pinasok namin 'tong negosyo na 'to ng may namamagitan sa'min. Ang Rare Cold kaya ang kauna-unahang talent ng JCLJ so why on earth are we a forbidden relationship?

            Hayaan na nga. Sus. Basta may araw rin na tatanggalin ko 'yang policy na yan. Suwerrr!

                 "Ma'am? Okay na po ang mga press sa ibaba. Pwede na po tayong magsimula." Anunsyo ng sekretarya ni Sis na nakasilip sa pintuan.

            I turned to Hunter na inaayos na ang folders na naglalaman ng papel. "Okay na ba sa inyo 'yan? Are you sure wala na kayong gustong idagdag?"

                 "No this is fine. More than fine actually."

                 "If that's the case then follow me."

            Kumaway si Sis sa'kin, may lunch meeting pa kasi siya kaya hindi siya makakasama sa contract signing. Well anyway when we reached the events hall may limang guards ang nagbantay sa dadaanan namin para hindi kami mahalikan este hindi madumog at maitulak itong mga taga-ROF na itetchiwa.

            They sat on a panel. I stood in front of the microphone. "Good afternoon everyone. I am Jhem Menzel, Chief Communications Officer for JCLJ Media. You will only be allowed to ask questions after the contract is signed. That will be all."

            And that is my only role for today. I stood back in a solitary confined hall habang nakatingin sa pagpirma nilang lahat habang puro flash ng camera ang nakikita't nadidinig ko. It got me wondering, he-headline kaya sa dyaryo 'to bukas? Malaking shot ba talaga ang ROF? Well I can just hope.

                 "Hey..."

            Naramdaman ko na siya bago siya magsalita. He placed his right arm at the small of my back then kissed my cheek. By the scent I knew it's Mico. "Hi. How are you doing?"

                 "Missing you. And that's bad because I can't focus."

            Tinignan ko siya. I giggled when I saw him pouting. "Awww. Poor baby. I miss you too."

                 "My kiss?"

            Nagpalinga-linga ako. Everyone seems to be too busy at nasa likuran kami ng lahat. But it doesn't mean it's safe from cameras and people passing by. I wouldn't risk my boyfriend's career. "Are you booked for anything today?"

                 "Nope. Got ideas?"

                 "Sa office tayo. H'wag dito."

            Ngumiti siya tapos tumango. Discreetly, we managed to get out of the events hall. Isa pa kung may makakita man sa aming magkasama normal na 'yon. Talent manager ako ng Rare Cold, I book their schedules. Hindi naman kahina-hinala na magkasama kami di ba? Pwera na lang kung makita kaming naglalampungan sa tabi-tabi.

            Eh kaso syempre walang nakakakita. Magaling kaming magtago eh. Mouhahaha.

            Narating namin ang opisina ko sa third floor ng building. My secretary is out I supposed dahil wala siya sa desk niya. Pagpasok namin ni Mico agad niya akong hinatak and our lips crashed together. Tumalon-talon ng bongga ang malandi kong hormones. Sheeeet! Maglalandian kamiiii!

            Naramdaman kong gumapang ang isa niyang kamay paikot sa bewang ko habang ninanamnam ko ang flavor ng bibig niya. May gummy flavor na may kasamang sweetness. Nag-bubble gum siguro siya? "Mmhm... you taste sweet, cupcake."

                 "So do you, baby. So do you."

            I grinned at him. He grinned back at me pagkatapos ay hinapit ng mas mahigpit ang bewang ko then crashed his lips against mine for the second time. My hands, having its own will, cradled his head and pressed his lips more close to mine. Napi-pickup pa ng nostrils ko ang bango ng cologne niya. Jesus. Someone help me, I'm drowning.

            A lot would probably say na sa apat na taon dapat nagkakasawaan na kami ni cupcake aka Mico. But no. Kung posible ngang mangyari, lalo lang kaming nagiging intense. Like kapag feeling ko ito na yung pinaka-mataas na level na love namin ang isa't-isa, mare-realize namin sa susunod na taon na mas mataas yun.

            Para kaming non-ending na hagdanan. Pataas ng pataas pero walang hangganan yung hagdan. Labo.

                 "I miss you." he murmured sabay kiss niya sa tip ng cute kong nose. "Let's get out of town, out of the country, somewhere we can spend it alone."

                 "You can't." I whispered while brushing his hair with my fingers. Tumingin siya sa akin ng nagtataka. I simply smiled at him. "Hectic ang schedule n'yo this year. I'm even surprised na nandito ka't walang ginagawa."

                 "Jhem, come on. I can't do this, not always like this, it sucks."

                 "Naman, cupcake eh. H'wag mong sirain yung mood."

            I felt his chest vibrated when he groaned. Hinatak niya ako papalapit sa kanya. He leaned his forehead down to mine then he stared at my eyes like he's searching something in there. "Gusto ko nang sabihin. Hindi ko lang magawa dahil mako-kompromiso ka. I hate those girls whether they are actresses or not, iniisip nilang kaya nila akong hawakan o lapitan o kausapin dahil wala ka para pigilan 'yon. Naiinis ako, I can't put up with that anymore. I wanted to tell them I have a girlfriend. I wanted to tell them I love you."

                 "I understand, I know. Gagawa tayo ng paraan. Huh? Gagawan natin ng paraan 'yan, don't worry. Cheer up na, cupcake."

                 "Sa bahay mo'ko matutulog mamaya."

            I grunted then glared at him. "Paparazzi."

                 "I don't care. Sa bahay mo'ko matutulog."

            Fine, ayoko na, suko na'ko! "Sige na nga."

            Ngumiti na siya tapos he kissed my lips soundly before ko narinig ang pagbukas ng pintuan ng opisina ko. Natakot ako, it might be someone from the board or a utility. They can't see us like this, shit!

                 "Idol! Maupo ka, may kailangan akong itanong."

            Shet. Nakahinga ako ng maluwag do'n. "Tinakot mo'ko, Jiagh. Akala ko kung sino na."

            Hindi siya sumagot, pumasok lang siya ng opisina. Nagkatinginan kami ni cupcake. Mukha kasing balisa si Jiagh tapos a bit flustered and nervous. Naupo ako sa may swivel chair ko, pumwesto sa likuran ko si cupcake para i-massage ang balikat ko. He's always so good with massaging.

            Jiagh began pacing back and forth sa harapan ko. Napakunot ako ng noo. "May problema ba, Idol? Bakit bigla kang napasugod?"

                 "Do you know someone named Clyde Gonzales?"

            Napatigil ako. Natigilan rin si Mico. Oh hell no. This is so not happening. "C-Clyde Gonzales? What about him?"

                 "Gusto ko lang i-check ang credentials niya. Do you really think he can spread a false rumor over the press? May gano'n ba siyang kakayahan?" anxious niyang tanong na hindi pa rin humihinto sa palakad-lakad niya sa harapan ko.

                 "Jiagh, I really really really hate to say this but he have the entire Gonzales Inc at his disposal. The answer is hell yes, he can do that. In fact maliit na bagay lang sa kanya 'yon. Bakit?"

            Nakita ko siyang lumunok. Lalo akong naguluhan. Para siyang kinakabahan na natatakot na ewan. Ano bang nangyari? "T-This guy... Clyde. Clyde came to my office this morning. H-He said he wants me to be his wife, a convenient wife sabi niya. Of course sabi ko ayoko. T-Tapos blinackmail niya ako. Pinalabas niyang may relasyon kami ni Blaire at ipapakalat niya sa press 'yon. And you know what will happen next."

            Nalaglag na ang eye sockets ko sa sahig. Sweet corn! Holy mother of crinkets cupcakes cadbury sugar and spice! Nakahithit na ata si Clyde! Nasiraan na ng bait!

            Pero teka nga! Hindi siya nagpakita ng apat na taon tapos bigla na lang siyang mambubulaga at pagbabantaan si Jiagh ng gano'n? Aba eh tamang blackmail at ang galing rin talaga niyang pumili ng blackmail victim. Nasapul niya 'yon. Best of buddies ang peg ni Jiagh at ni Blaire. Mahalaga si Blaire kay Jiagh, tinamaan ng lintek nasapul ni Clyde 'yon ah.

            Ano bang nangyari du'n?

                 "Hindi ko alam kung anong gagawin eh..." frantic na bulong ni Jiagh sa sarili niya habang hawak niya yung necklace niyang may pendant na hugis puso. Recorder ang nasa loob ng maliit na pendant na 'yon. Kailangan niya 'yon dahil sa stress-trigerred amnesia niya. She needs to record her everyday just in case the amnesia strikes. "Handful na ang problema ni Blaire. Kamamatay lang ng tatay niya, makakapag-take over lang siya sa estate nila kapag may bride na siya tapos kapag kumalat 'yon mawawalan siya ng credibility, iingay ang pangalan niya. Anong gagawin ko?"

                 "Jiagh, huminahon ka muna." Narinig kong alo ni cupcake mula sa likuran ko habang nagda-dial ako ng number sa intercom. "Huminahon ka lang, h'wag kang mag-panic. Jiagh, maupo ka. Huminga ka ng malalim, h'wag kang mataranta."

                 "Yes hello? Office of the CCO."

                 "April. Pa-konek kay Lhia please. Emergency lang."

                 "Ah sige po, Ma'am, sandali lang po." Tapos may mga interval, shuffling and such. Ginugulo na ni Jiagh ang buhok niya. Hala frustrated talaga siya. "Peke. Whaddup? Kamusta contract signing?"

                 "Peke, may problema tayo. Si Clyde, bina-blackmail niya si Idol eh."

                 "HUWAT?" that's about an octave or two higher than her normal voice. Naks. Nagugulat na siya ngayon, nayssss. "Pa'no napunta 'yun dito? Hanggang dito ba naman?"

                 "Chillax, peke, lalo lang natataranta si Idol sa'yo eh. But here's the thing. Bina-blackmail ni Clyde si Jiagh na ipapakalat niya sa press na may relasyon sila ni Blaire kung hindi siya papayag na maging convenient wife ni Clyde. I think nasisiraan na ng bait 'yon eh. Baka naluwagan ng turnilyo."

                 "Hindi ko makita kung anong problema sa pagpapakalat niya ng relasyon ni Blaire tsaka ni B1. Mahirap humanap ng bilyonaryong fafa na Marquess whatevah ng isang estate sa UK. Eh ano naman kung ipakalat niya sa press na may namamagitan du'n sa dalawa? Baka magkatuluyan pa 'yan, sinong kawawa?"

            Pinukol ng death glare ni Jiagh ang intercom ko na parang gusto niyang patayin sa kabilang linya si Lhia. "Oy, b2, hindi magandang biro 'yan ah. Wala kaming relasyon ni Blaire, magkaibigan kami!"

                 "Parang sinabi mo na rin na magkaibigan lang sina peke at Mico."

                 "Magkaibang kaso kami, peke, manahimik ka d'yan." I warned habang naririnig na tumatawa si Mico sa likuran ko.

                 "Oh hey, Mico! Long time no see! Gotta go now, may tao! Tatawagan ko si Ate Nice para ipaalam 'yang nangyari. Oy, b1, h'wag masyadong isipin. Hayaan mo lang yung adik na 'yun, kulang lang sa hithit ng gulong ng jeep 'yon."

            Tinignan ko si Jiagh. Huminga siya ng malalim then tilt her head back sa sandalan ng couch. Naramdaman kong niyayakap ako ni cupcake mula sa likuran. I then felt his lips on the right side of my neck. "You relax too, cupcake. We'll negotiate this with Clyde."

            I sighed. I'm thankful na tahimik ang lablayp ko. Thank you, Lord!

(Lhia's POV)

 

 

 

                 "Ma'am, si Trace Cross po." By the time na in-announce ni April ang pagdating ni Kent tapos na ako sa pakikipag-usap kay Ate Nice. Pumasok agad si Kent ng nakangiti. Good mood siya? Pwes ako hindi.

                 "Hi, hershey, good afternoon."

                 "Yeah, afternoon." Saka ako bumaling kay April. "Bring Suzy here with me and a lunch for three. Mr. Cross, do you prefer anything to eat?"

                 "I uh... steak is fine by me."

                 "Spring chicken, a steak and then ask Suzy on the way kung anong gusto niya. And coffee for me."

                 "Okay, Ma'am."

            Nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa google nung sinearch ko ang pangalan ni Clyde. Hanep! Apat na taon na nawala tapos biglang sumulpot mayaman na? Mayaman nga pala siya dati pa pero ang bongga naman, ngayon nasa kanya na lahat ng control over Gonzales Inc. Standalone yung kompanya na 'yun, hindi sakop ng Emerald at ng Rayven clan.

            Fuuuuu. Palong-palo sa banga si Clyde.

                 "Kent, I have a question." Subukan natin, baka may theory siya kung bakit. Nagtataka kasi talaga ako eh.

                 "Yap?"

                 "May lalaking nang-iwan sa babae apat na taon na ang nakakalipas tapos hindi na nagpakita sa kanya, wala nang balita kung nasa'n siya, kung patay na ba siya o kung nasa kandungan lang ng ibang babae at hindi mahugot. Tapos biglang nagpakita siya at nam-blackmail para pakasalan siya nung babae. Sa punto mo, anong meron?"

                 "B-Bakit ba nang-iwan?"

                 "Aba malay ko. Wala namang sinabing dahilan si Clyde kay b1. Labo nga eh. Walang babae, hindi nagloko ever, walang kahit na anong sign na nafo-fall out of love siya pero bigla na lang nakipag-break si Clyde tapos bumalik siya... ayun..." masyado na ata akong madaldal.

            Siguro dapat kay Zane na lang ako magtanong. Kahit gano'n yung monggoloyd na yun minsan pumupunto rin 'yun eh. Pero sabi ko nga minsan. Ge, kay Kent na lang.

                 "He must have had a reason."

                 "So bakit hindi niya sinabi?"

                 "Sometimes reasons are better unspoken especially if it means life and death, Lhia. There are a thousand possibilities kung bakit niya hiniwalayan si Jiagh. It can be that he has things to fix, it can be that he think he's unworthy of Jiagh until he proves himself, or it can be that..."

            Tumaas ang kilay ko, prompting him to continue. "That?"

                 "That somehow he's being held at gunpoint and he has no choice."

            Hoooooold on a sec right there! Gunpoint? Being held at gunpoint? Hindi ba parang masyadong absurd? Surreal? Oo nga, malayo sa katotohanan 'yon. Kasi ang tanong du'n baket? Why Jiagh? Why Clyde?

            Nakakasira ng neurons sa brain.

                 "Hello, Ma'am, good afternoon!" masiglang bati ni Suzy kasama si April na may dalang paperbags na ibinaba niya sa coffee table na nasa kaliwa.

            Isinarado ko ang computer ko, tumayo na rin si Kent at sinundan si Suzy sa sala set sa may opisina ko. Everything's settled thanks to April. Lemonades, lunch, utensils and my precious coffee. "Thank you, April. You can have your lunch now."

            Kinuha ko ang folder sa mesa ko bago maupo sa couch na katapat ng inuupuan nina Suzy at Kent. "Mr. Cross, this is Suzy, she will be your handler from now on. I will book your projects and then she will handle everything from there. She will time your schedules, everything that you need you will tell her and everything will be pass to me."

                 "Oh. So uhm... hindi na tayo..."

                 "Trivial meetings I guess. Only when necessary. Alam rin ni Suzy ang tungkol sa ex-wife mo. If she ever appears out of nowhere, sabihin mo agad kay Suzy. I want to fix this firsthand. We can't afford something like your ex-wife trying to shatter you and your career. Wala kang perang ibibigay sa kanya, Cross, naiintindihan mo? Lahat ng mangyayari kailangang ipaalam mo. Even if you get into a relationship with someone you still need to let us know or give us a hint. Ayaw na ayaw kong nalalaman ang mga bagay sa balita sa TV o sa dyaryo dahil nagmumukha akong tanga no'n. Are we clear?"

                 "Yep, I understand."

            We chattered habang kumakain. Merely about the projects na na-book ko in advance para kay Kent. Some are thrilling, some... not too much. Like yung shampoo commercial. Sa haba ng buhok niya bagay siya do'n. Yes, pun intended.

            Nananahimik na ang kaluluwa ko nang biglang pumasok si Yuri na umuusok ang ilong. Chos lang. Bigla niyang sinugod si Kent at kinuwelyuhan. Naks tapang. Street fighter 'yang kinukwelyuhan niya oy.

                 "What the hell do you think you're doing?"

                 "Shouldn't I be asking the same question? Ikaw ang pumasok dito at nanugod. Now you're ripping my shirt so get your hands off me or I'll make you."

            Nag-scoff lang si Yuri. Naks yabang. "Make me? Do you want me to remind you? Siguro nga nasa ROF ka pa rin hanggang ngayon, pina-patronize ka pa rin ng mga tao, given. Pero hindi magtatagal sisipain ka na rin nila dahil laos ka na! Napag-iwanan ka na, Kent. So don't you snarl at me dahil wala nang magagawa 'yan."

            Nakita ko ang pag-iiba ng ekspresyon sa mga mata ni Kent. From smug to pain to anger. Saka niya tinulak si Yuri kaya napaatras ito sa may desk ko. He's about to take a step para malamang eh manapak nang gumitna ako sa kanilang dalawa.

            And I regretted that move.

            Because I saw a pair of murderous eyes. The same eyes I've seen in a warehouse before while I am tied and struggling to get away.

                 "Lhia?"

            Napapitlag ako sa tapik ni Yuri sa balikat ko. Instinctively, lumayo agad ako sa kanilang dalawa. Yuri saw my reaction and his face softened. I know that he knows. Kent's baffled but I could see he's also worried.

                 "Okay ka lang, hershey?"

                 "Okay lang? Tinakot mo siya tapos itatanong mo 'yan? May sayad ka ba sa utak?"

                 "Tinakot ko? Ikaw ang unang nanugod!"

                 "Dahil ang kapal ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng ginawa mo kay Lhia!"

            Napabuntong hininga ako. Natawag niyon ang atensyon nila. "Please. Ayokong makita 'tong ganito. Kung gusto n'yong mag-away sa labas kayo ng opisina ko h'wag dito. April, escort them out then call Zane. I need him with me today."

            Best decision I've ever made so far. Throw exes out, call my retarded brother. There. That's better.


***


A/N:

Heyya! xD Sorry sa matagal na update. Wala akong mapiga, eh. Hahahaha.

Anyway, I have a bit of announcement. I am supposing na mostly ng mga naka-follow sa akin ay binabasa ito so I hope, ma-inform din kayo about this.

I won't and I will never say na hindi nakatulong sa akin ang Wattpad sa pagsusulat. Bata pa lang ako pangarap ko nang makapasok sa writing industry. Twelve years old, nagsusulat na ako. And when I was given a break dahil sa Wattpad, thankful ako.

But there are matters—some personal, some are not—na nagiging factor sa pagko-contemplate ko na mag-quit na lang sa pagsusulat, both sa Wattpad at sa publishing.I just feel like.. writing here doesn't do it for me now. We've remained an underdog. My heart breaks kapag may mga iba sa inyo na talagang mahal na mahal ko na nagtatanong at hindi maunawaan kung bakit sa dami ng mga naisulat ko't natapos na serye, wala pa ring nangyayaring malaki. I keep on getting disappointed too. And though I love making you guys happy by writing, nawawala ang mojo ko kapag naiisip ko kung saan ako dadalhin ng apat na taon kong dedication sa pagsusulat sa Wattpad.

In hindsight, I know this is kind of.. wrong. I feel like a child sulking dahil hindi nakuha ang gusto niya. But I hope some of you would understand if someday, maglaho na lang akong parang bula. I may or may not be in for the near future. I would inform you if that time comes but for the meantime, let's just enjoy this all together. For the meantime I am here. For the meantime, as long as there's still a bit of love in my heart for this field, I'll try to make you guys happy by sharing this books to you.

Love you, guys! <3


-HR

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...