I Got Reincarnated as Daughte...

By Pentelpenn

235K 10.6K 798

Si Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila s... More

Prolouge
Copyright
Kabanata 1: Accident
Kabanata 2: Binibining Clara
Kabanata 3: Grand Lolo
Kabanata 4: Potential
Kabanata 5: Duke William Grosvenor
Kabanata 6:Pangungulila
Kabanata 7: Ehersisyo
Kabanata 8: Pagbagsak
Kabanata 9: Prinsipe Damian
Kabanata 10: Ang Mga Kaharian
Kabanata 11: Milktea In Another World
Kabanata 12: Pagsusulit.
Kabanata 13: Resulta.
Kabanata 14: Kuya
Kabanata 15: Cale Elijah Grosvenor
Characters
Kabanata 16: Ang Tinuro Ng Lolo
Kabanata 17: Ang Payo.
Kabanata 18: Viscount Jones
Kabanata 19: Kaguluhan
Kabanata 20: Yakap Ng Ama.
Kabanata 21: Magandang Balita
Kabanata 22: Marka Ni Clara
Kabanata 23: Akademya De Magnostadt
Kabanata 24: Liham Ng Paaralan.
Uniforms
Kabanata 25: Maestro Adam
Kabanata 26: Unang Pagsubok
Kabanata 27: Cid William Grosvenor
Kabanata 28: Salot Sa Emperyo
Kabanata 29: Kasaysayan
Kabanata 30: Syn Draguel
Kabanata 31: Palaro Ng Maestro
Kabanata 32: Fanalis
Kabanata 33: Red District
Kabanata 34: Katangian Ng Reyna
Kabanata 35: Dating Kilala
Kabanata 36: Inbitasyon
Kabanata 37: Knight Order
Kabanata 38: Parangal
Kabanata 39: Piging
Kabanata 40: Salitang Matalas
Kabanata 41: Mysteryosong Babae.
Kabanata 42: Practical.
Kabanata 43: Determinasyon!
Kabanata 44: Estranghero
Kabanata 45: Hidden door.
Kabanata 46: Mas Siga.
Kabanata 47: Bayan
Kabanata 48: Mga Batang Pobre
Kabanata 50: Alaala.
Kabanata 51: Ryoiki Tenkai.
Kabanata 52: Malungkot Na Ngiti.
Kabanata 53: Liwanag
Kabanata 54: Kabog ng puso.
Kabanata 55: Ang pagdating ng prinsepe
Kabanata 56: TUTULUNGAN
Kabanata 57: Ang mga nakikiramay.
Kabanata 58: Unang tagpo.
Kabanata 59: Libra

Kabanata 49:Bahay Ampunan

3K 173 44
By Pentelpenn


DAMIAN.

"Ayon kay Ichi, May isang kahinahinalang lugar ang natagpuan  ng kanyang grupo dito sa bayan nang paaralang magnostadt.  Ang saad pa nito ay bawat pagpatak ng alas tres ng madaling araw ay may 'di pangkaraniwang liwanag ang nagmumula sa loob ng isang bahay." Mahinanong saad nito ukol sa inulat ni Ichi na syang membro ng Assasin knights na deriktang nagsisilbi saakin.

Napatigil ako sa pagbabasa at lumingon kay stevan na pormal na nakatayo habang hawak ang isang papel sa isang kamay, duda akong isa itong liham.

Pina-ikot ko ang upuan at hinarap ang labas ng bintana, napaka aliwalas ng panahon, lumalapat na din saakin ang silaw na nag mula sa araw. Inabot ko ang tsaa at mabagal na ininom ito.

"Stevan.. May nakuha kana bang impormasyon tungkol sa ipinag utos ko.?" tanong ko habang di tumitingin sa kanya.

"Opo kamahalan, Nahanap at nakilala ko na ang suspect na iyong ipinag utos." Magalang na saad ni stevan.

"Mainam.."

"Ano po ang nais nyung gawin ko sa kinuhanan ko ng impormasyon, kamahalan? " pag uusisa nito. Humarap ako dito at pinagisa ang dalawang kamay ko habang nakapatong ang mukha ko at tinukod ito sa mesa.

Si Stevan ay matalik kong kaibigan, simula pa nung bata kami, nagsimula ito bilang aking kasakasama sa pag babasa at pag aaral. Kalaunan ay napansin ang kakaibang talino nito at karunungan sa pagbibigay ng rational na abiso at opinyon ukol sa mga bagay na maaring gawin sa isang emperyo kaya agad na kinuha ito bilang aking personal na tagapayo.

Sa likod ng maamo at palangiti nitong mukha ay nakagkubli ang di pangkaraniwnag pag uugali nito, kaya maraming natatakot na kawal at ilang opisyalis sa kanya.

"Gawin mo.. kung anong satingin mo ang nararapat.." sagot ko dito at naglakad palapit sa mga nakatambak na papelis sa kabilang mesa. Magalang namang tumango si stevan at nangiti na parang naintindihan na agad ang sensyalis na gusto kong iparating, pagkatapos nun ay namutawi sa pagitan namin ang mahabang katahimikan.

"Paki abot kay ichi na mas pag igihan pa nya ang pag babantay sa lugar na iyon, binibigyan ko sya ng pahintulot na kitilin ang buhay ng sino mang may ginagawang kababalaghan na makaka sira sa siguridad ng lugar, ayaw kong may madamay pang ibang residente." pambabasag ko at inabot sa kanya ang isang wanted poster na nakita ko na nakapatong lamang kasama ang mga papelis.

Nagtaka muna itong pinagmasdan ito ngunit agad ding napalitan ng gulat at tumingin saakin ng pagkamangha. Sa malamang ay nakita nya ang nakadikit na Lokasyon sa poster na iyon, kung saan matatagpuan ang masamang loob.

Isang itong larawan ng lalaki na napag alamang sindikato at nagbebenta ng alipin na  nagtatago sa loob ng bayan. Mukhang maayos narin naman ang naging pamamalakad nito dahil patuloy parin ang rekord ng transaction nya dito, ngunit wala syang kaalam alam na naapakan na nya ang bitag na personal na hinanda ko para sa mga daga.

"Nagyon din ay Pagagalawin ko na ang mga kawal sa ilalalim ng iyong ngalan, napahanga mo na nman ako ngayon prinsepe, akala ko ay nag gagala kalang sa mga nagdaang gabi mong pamamasyal sa bayan." saad nito dahilan para mapangiwi ako. Mayabang ko itong tinanguan at bumalik sa mesa. Pinagpatuloy ko na ang pag pipirma dahil paniguradong mai aayos na agad ito dahil nanadyan naman si stevan.


CLARA

"Lena pahawak ng mga bata." biglang saad ko habang di inaalis ang tingin sa ginang. Nakakunot na ang noo nito ngayon habang masamang naka tingin sa mga bata.

"Magandang umaga? Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, binibini." Magalang na tanong nito habang sinuri ang kabuuhan ko. Ngumiti ako dito bilang ganti.

"Gusto ko lang kumpirmahin, kung ito ang bahay ampunan na tinutukoy ng mga bata?"

"Ahh Oo, ito nga iyon. Mga bata pasok na kayo at baka naabala nyu na ang binibini." baling nya dito at napansin ko namang humigpit ang kapit nila kay lena, ngunit agad ding bumitaw at akmang lalapit na sa ginang, ngunit pinigilan ko ito gamit ang isang braso.

Nagtatakang nakatingin saakin ang ginang at seryso ko lang naman din syang tinignan. Linibot ko ulit ang paningin sa lugar bago nandidiring binaling sa kanya ang tingin. Kunot noo naman itong tumingin saakin at mukhnang nainsulto pa.

"Gusto kong kunin at kupkupin ang lahat ng batang nandirito sa ilalim ng iyong pangagalaga." mahinahong saad ko dito ngunit parang hindi naman sya sang ayon sa naging alok ko. Tumikhim muna ito bago nagsalita.

"Paumanhin binibini ngunit, hindi ko kayo mapag bibigyan. Ang mga bata ay napamahal na saakin at ako narin ang tumayo dito bilang kanilang pangalawang ina. " Magalang na saad nya saakin at bahagya pang yumuko.

Medyo napantig naman ang tenga ko sa narinig dahilan para mapa ngisi ako dito insultong sinuri sya mula ulo hanggang paa.

"Ang lakas ng loob mong sabihin na isa kang ina, gayo'y pinagbubuhatan mo ng kamay ang mga bata, pinipinilit pang  pagtindahin at di binibihisan ng maayos na  at hinahayaan na lamang magpalaboy laboy sa mainit na daan habang KAYO ay naka upo lang dyan at naghihintay ng grasya!" hingal na sabi ko dito, at nakita ko naman ang gulat sa mga mata nito, di makapaniwala sa mga pamumuna ko sa kanya. Nang makuha ang saeili ay nagsimula nading mag  iba ang aura nito, ang kaninang magalang ay napalitan nang kanina pang bitchy na pag mumukha. Nanlalaki narin ang mga mata nito habang naka tingin saakin.

Ngunit hindi ko hinayaan ang sarili na matinag at seryoso din syang tinitigan.

"Ngayon sabihin mo saakin, pano ka naging ina sa parteng iyon?" panghahamon ko sa kanya. Masama itong sumulyap sa mga bata na agad naman ding nagtago sa likuran ko.

Dali dali itong naglakad palapit at pilit na hinablot ang bata ngunit hinarang ko ang katawan ko dito at nakataas noong tinignan sya pababa.

"Isang hakbang mopa at may mapaglalagyan ka." banta ko dito, di naman ito natinag sa sinabi ko at humakbang nga palapit at pwersahang kinuha ang dalawang bata. Mabilis naman akong lumapit dito at mahigpit na hinawakan ang braso nito at pinilipit patalikod.

"Arghh! Peste kang babae ka, bitawan mo ako!" Pagkukumalas nito saakin kaya patulak kong binitawan ito at muntik pa akong natawa ng muntikan nang masubsub ito sa lupa. Dala ng katabaan ay nahirapan nga itong ibalanse ang katawan. Inis itong humarap saakin at dali daling tumayo.

Inis itong dinuro ako at nahihirapan pa syang maisaboses ang sasabihin dahil sa matinding inis at pagka pahiya. Maya maya lang ay inis itong napa pikit at  kumuha ng bato sa paanan nito at malakas na binato saakin.

Madali ko lang naman itong nailagan. Ano ba sya bata?

Ngunit di ako makapaniwala sa sunod nitong ginawa. Mabilis itong nakalapit at hawak hawla ang isang kutsilyo na mistulang nagningning pa sa aking mata dala sa sinag ng araw.  Sinubukan kong umilag pero nagawa parin ako nitong madaplisan.

"Binibini!" si lena.

Sininyasan ko si lena na wag lalapit. Kinalma ko ang sarili habang napahawak dumudogo na ngayong gilid ng tyan, di ko ininda ang sakit at nakatingin nalang sa ginang na ngayon ay mistulang mamatay tao na saaking harapan.

Ngayon ay lumabas naring ang tunay na kulay!

"Nakapagtataka lamang dahil, napaka importante ata sayo ang mga ganitong kalidad na mga bata para sa kagaya mong nagtitinda ng alipin?" saa dko dito dahilan para magulat ito at mas lalong nanggigil sa hawak na patalim

"Leche ka! Wala kang alam, alam kong kagaya rin kita! Ibalik mo ang mga bata!" nawawalan na talaga sa sarili  nitong sigaw.  Kahit ang kalapit na bahay at estraktura na may naninirahan ay talagang napapalingon na sa gawi namin.

"Hindi ako kagaya mo. Malinis ang intensyon ko sa mga bata." Mahinahong sago ko dito.

"Siraulo! Walang ganyan dito!" napapikit nalang ako sa lutong ng mura nito.

"Huling pakiusap, kung mahalaga sayo ang buhay mo, ilabas mo ang lahat ng bata at isuko ang buhay mo sa paaralan at hayaan itong hatulan ka sa iyong pagkasala." maotoridad kong saad dito.

Ngunit mas lalo lang itong na inis at sumugod saakin, nagpakawala ito ng sunod sunod na pag wasiwas ng oatalim saakin, maayos ko naman itong inilagan, umataki ulit ito ngunit mabilis naman akong umilag at umikot sa likod nito. Malakas kong sinapak ang leeg nito sa likod dahilan para mawalan agad ito ng malay.

Akamang hahawakan kona sana ito ng may maramdaman akong may papalapit na enerhiya. Mabilis akong tumalon at inilagan ang ataking iyon. Isa itong nagbabagang likido na tumunaw sa mga natuyong dahon.

Hinarap ko ang may gawa nito at dun ko nakita ang isang lalaki na pinapalibutan ng madilim na aura habang naka lutang sa kamay nito ang nagbabagang bola na parang isang lava.

Nakangisi na ito saakin  habang naka tabingi ang ulo, wariy bay nasisiyahan sa nasaksihan. Di ko tuloy matukoy kung kilala ba nya ako o ano?

Di ko maiwasang di mapa kunot ang noo sa kakaibang pag aasal at  anyo na pumapalibot dito. Bigla akong nakaramdam ng hindi maganda at napansin ko ring nagsitayuan narin ang aking balahibo. Sinuri ko ito mula ulo hanggang paa.

Habang pinagmamasdan ko sya ay isa lang ang sigurado ako...

Hindi sya tao..

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...