EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

343K 11.5K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 54

1.6K 105 13
By HeavenKnowsFLO

CHAPTER 54

“HE looks like Tristan, from his scars, the way he dresses up. Ganitong-ganito si Tristan. Ano ito, ginagaya niya si Tristan?!” Asik ni Vito habang nakatingin sa mga litrato na nakuha nila sa body camera  noong sumugod sa kauna-unahang warehouse ng El Padres to Kilusan para sa Bayan under the name of Henry from his father Cristobal Carpio and uncle Father Sandigo Carpio. 

Ang ama ni Hugo ay malapit na kaibigan ni Father Sandigo Carpio. Naging magkabangga sila sa sariling sindikato na itinayo dahil sa isang babae at ito ang ina ni Hugo na isa rin tao ng simbahan o isang madre. Sandigo Carpio followed their family, hanggang sa magkasagupaan at magkapatayan. Lahat ay naiwan sa kapatid nitong si Cristobal na naging Presidente sa Pilipinas. He used multiple identities para lamang magtago. Wala siyang alam tungkol sa kasunduan ng kapatid at sa ama ni Hugo.

At ngayon naman na pinulbos ni Hugo ang kauna-unahang warehouse, walang-wala na si Henry. Sa lahat ng sindikato na nag-aasam sumikat at lumakas tulad ng Black Umbrella, siya ang hindi marunong humawak ng pera. Lahat ng nakukuha niyang pera sa illegal ay ginagamit niya sa sugal at kung ano-ano pang bisyo. Hindi katulad ni Joseph na sobrang taas ng lipad hanggang alapaap. Lahat ng mga negosyante ay nilalapitan para lamang umakyat ang Plantera Incorporated. Tila ba’y natuto ang binata na paangatin ang sarili dahil sa marami niyang kasalanan sa kanyang ama. 

“I told you, hindi lang Black Umbrella ang gustong mag sabotahe sa iyo noon,” tugon ni Hugo habang umiinom.

“What happened after the gunshot inside your office?” tanong naman ni Jacob.

“A big question to them dahil wala naman silang nakuhang lead after I killed the guard of Henry.”

“Even Mr. Tan? Wala man lang ginawa? O ikaw lahat?” tanong naman ni Vito.

“Ako lang… they think that they’re toying with me. But they don’t know that I am the one who’s toying them around.”

“Malaki ang tandang pananong sa isip ko sa negosyanteng iyan. Bagong salta lamang ang Plantera Incorporated but he invested half of his stocks to Elias Morales. And malapit sila sa kalaban kong tumatakbo bilang Presidente na si Mr. Calma. Pawang lahat ng Lee ang pangalan ay sugof ng ilegal," tugon ni Jacob pagkatapos ay tumingin kay Vito dahil naalala nila na Lee rin ang pangalan ng drug lord.

“Yup, I know. They’re inviting me to support his candidacy before New Year. But I refused because I support you,” tugon ni Hugo.

Ngumiti si Jacob at tinapik ang balikat ni Hugo bilang pasasalamat. “By the way, I want you to invite your Queen on my son’s Birthday.”

“Joaquin?” tanong ni Hugo.

“Yes, twenty-third birthday. This is the first time we will celebrate it together. Dahil tulad ng sinabi ko sa inyo,  hindi kami ganoon magkasundo ni Joaquin, just this year… at masaya ako na changed man na siya,” pagmamalaki ni Jacob kaya naman tumango na lamang si Hugo pati na rin si Vito.

“Just send us the invitation letter, we will go there,” tugon ni Hugo.

After a few talks and plans, dumiretsong umuwi si Hugo sa mansyon dahil sa labis na pagkakamiss kay Belle. Hindi rin siya nakauwi ng ilang araw dahil sa misyon. He also avoided Belle  dahil ayaw niyang nakikita itong malungkot sa tuwing umaalis siya ng bahay.

Three knocks, before he entered her room, nakatalikod lamang ito habang nakahiga. He is not sure kung gising ba si Belle kaya naman tumabi siya rito.

“Belle?” he whispered and left a kiss on her cheek.

“Buti umuwi ka pa?”

“Glad you are awake.”

“I’m not glad that you are back. Hindi ba’t ayaw mong umuwi? Lumabas ka na, baka mas kailangan ka sa trabaho mo diba?” asar na sinabi ni Belle pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot. 

Bumuntong-hininga si Hugo habang nakatingin sa katawan ni Belle. Balot na balot ng kumot at ayaw siyang makita.

“Come on, I’m here now,” humiga si Hugo pero pinagtutulakan siya ni Belle. “Ayaw mo talaga ha?” Asar na sinabi ni Hugo pagkatapos ay hinatak ang kumot kaya sumama pati ang maliit na katawan ni Belle. Tikom ang bibig ng dalaga nang makita niya ang rosas na dala ni Hugo para sa kanya. “Magpapasko na, mag-aaway pa ba tayo?”

    “Oo kung aalis at aalis ka! Tsaka nahihilo ako Hugo, huwag kang magulo!” Asik ni Belle pagkatapos kinuha lang ang bulaklak.

    Hugo is persistent and lifts her going to his room. Pikon na pikon si Belle kaya naman kinurot niya sa tagiliran si Hugo.

    “Palagi akong nag-aalala sa iyo kapag wala ka! Tapos ikaw ginagawa mo lang biro! Hindi ako makatulog kapag umaalis ka! Kasi hindi ako naniniwala na hindi ka humahawak ng baril kapag hindi mo ako kasama!”

    “I will not die, ano ka ba naman ba Belle? Bakit ba tinutulad mo ang buhay natin kay Cassandra at Vito? Ano ang pakialam ko sa dalawang iyon? Vito is a soldier malamang araw-araw nasa bingit ng kamatayan ang buhay nu’n!” Asik ni Hugo.

    “Eh ikaw! Ang nakakatakot sa iyo dahil pailalim ka kumilos. You are like a Mafia Boss who illegally killed someone.”

    Nawala ang masayang mukha ni Hugo sa sinabi ni Belle. “If I kill, I will kill syndicates, not innocent, Annabelle. That’s the difference of my job. Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo.”

    “Huwag kang magalit kasi mali naman iyon diba?”

    “Matulog ka na lang ulit. You don't value my effort kaya nga umuuwi ako rito para makita mo na buhay ako.”

    “But I need you to stay.”

    “I am working, Belle. Hindi mo naman ako kailangan itali. Ako ang magtatali sa iyo sa pamamahay ko dahil ayaw kitang mawala. Hindi mo kaya ang sarili mo.”

    “I’m sorry… nagtatampo lang bandang huli ikaw pa ang sinusuyo ko,” asar na sinabi ni Belle pagkatapos yumakap kay Hugo.

    “Ayoko. Bumalik ka na doon,” gamit ang hinlalaki, tinulak ni Hugo ang noo ni Belle.

    Belle aggressively threw a kiss on his lips kaya naman hindi ito pinalampas ni Hugo.

"I miss you, little creature."

“Hugo, nakikiliti ako,” reklamo ni Belle habang siya ay nakayakap sa nobyo.

“Bilisan mong matapos sa pag-aaral, I can’t wait to marry you.”

“Pwede bang pagkatapos kong grumaduate ng highschool pakasalan mo na ako?” she asked.

“Yes, para hindi ka na nililigawan.”

“Wala naman talagang lalapit sa akin, tingnan mo ang laki ng bantay ko. Pati nga si Joaquin hindi ko na nakakausap.”

“Makakausap mo siya, we are going to his birthday.”

“Really?! Huwag kang magselos okay. You are my only hubby.”

Para bang bumulaklak sa tainga ni Hugo ang lahat ng sinabi ni Belle kaya naman tinabihan niya ito sa kama.

Kinabukasan maagang tumayo si Belle upang puntahan si Jaica sa sariling kwarto nito. 

“Belle, inaantok pa ako ha?”

“Ikaw, marami kang atraso sa akin kaya samahan mo ako.”

“Saan naman? Sinusulit ko ang bakasyon, Belle!”

“Mag decorate tayo ng bahay pagkatapos bibilhan ko nang regalo si Hugo.”

“Belle, inaantok pa ako, ulit-uli ba?” reklamo ni Jaica.

“Tara na! Minsan lang ito!”

“Exchange gift ba tayo?”

“Pwede rin?”

“Isama natin iyong mga alalay ni Hugo. Lalo na ‘yung intsik ‘yung mga mata… sii Gael,” masayang sinabi ni Jaica.

“Malastod ka, type mo no? Hindi ko pa nga nakikita iyon.”

“Halika na! Basta sisiguraduhin ko na ako ang makakabunot kay Gael. Ako ang gagawa ng papel!” Saad ni Jaica pagkatapos ay kumuha lamang ng simpleng t-shirt at shorts.

Maagang umalis ng bahay si Hugo kaya naman nakakuha ng tsempo ang dalawang dalaga na makatakas.

“Manong huwag mong sasabihin kay Hugo na umalis kami ha?” saad ni Belle kay Manong Boyet.

“Malalaman at malalaman po nu’n ni sir.”

“Mabilis lang naman, bibili tayo ng design sa bahay. Magpapasko na kaya pagkatapos wala man lang christmas spirit ang bahay,” reklamo ni Belle.

“Eh si sir po kasi, ayaw din ng pasko.”

“Bakit?”

“Birthday po niya, hindi niyo po ba alam?”

“Pasko mismo ang birthday ni Hugo?”

Tumango naman si Manong Boyet. “Eh, akala ko alam mo Ma’am?”

“Hindi naman kasi niya pinapahawak ang personal identification niya sa akin kaya wala akong ideya,” mahinahon na tugon ni Belle pagkatapos ay napatingin kay Jaica.

“Eh sakto pala. Bilhan mo na rin ng regalo.”

Tumango naman si Belle. Bahagyang naging malungkot ang facial expression niya. Ni hindi man lang kasi pinapahawak ni Hugo ang personal nitong gamit sa kanya. Kaya heto wala pa rin siyang gaanong alam tungkol sa nobyo. Ngunit hindi rin maipapakita ni Hugo ang identification dahil siguradong mawiwindang si Belle, maraming pangalan at iba’t ibang birthday si Hugo para sa mga iba niya pang ari-arian.

“How can I marry him kung birthday nga niya hindi ko alam? Magulang niya hindi ko rin kilala. It was just his little background,” yumuko si Belle at pilit itinago ang lungkot.

Pagdating nila ng mall, kaagad dumiretso si Belle at Jaica sa Men’s wear. Halos sumakit na ang sentido ni Belle dahil sa sobrang mahal ng bilihin.

“Jaica, estudyante pa lang ako. Gusto kong bilhan ng leather jacket si Hugo pero bakit limang libo ang presyo? Ano bang meroon sa sinulid nito? May dyamante ba?” asar na asar si Belle dahil kahit anong pili niya ganoon pa rin ang mga presyo.

“Edi bilhan mo ng brief?”

“Brief? Baliw ka ba? Hindi ko alam ang size niya!”

Biglang lumaki ang butas ng ilong ni Jaica. “Utot mo, ikaw hindi mo alam? Hindi mo pa ba siya na blowjob? Ako nga nakita ko lang si Gael, alam ko na kaagad! Ganu'n dapat! Nakita pa lang na-estimate mo na! What more kayo?"

“Pambihirang bunganga ‘yan, Jaica!”

“Huwag ka kasing feeling innocent. Tingnan mo kung anong size niya imaginin mo!”

Biglang nag-init ang pisngi ni Belle nang maalala niya noong gumawa sila ng milagro sa bahay ni Vito at Cassandra. “Siguro ito.”

“Ay wow ang laki pala.”

“Tumigil ka nga!”

“Aba, para naman kay Mayor ‘yan! Huwag mong sisikipan kailangan makahinga ng eggs niya hoy! Kapag iyon naipit paano magpoproduce ng sperm? Baka mabaog pa dahil sa maling pagpili mo ng brief!”

“Tigilan mo nga ako! Hampas ko sa iyo itong brief! Bilhan mo na si Gael ng gusto mo.”

“Condom ang bibilhin ko sa kanya, mukhang hindi marunong iyon eh?”

“Ewan ko sa iyo! Puro na lang iyan ang nasa utak mo!”

Nilayasan ni Belle si Jaica na walang ginawa kung 'di tumawa. Wala rin ibang choice si Belle kung 'di bilhan ng iba’t ibang kulay ng brief si Hugo. 

“Walang hiya ka, Belle. Bakit ang colorful naman?”

“Para alam kong akin lang ang sinusuot niya. Baka may mag regalo sa kanya na iba.”

“Sus, sana ipinatatak mo na rin ang mukha mo tutal possessive ka pala!”

******

“WALANG magpapasko!” Isang malakas na sigaw ni Joseph nang malaman niyang isang warehouse niya ang tinumbok ng Pulisya kasama ang Narcotics Department.

“Who ever sent our fucking warehouse to Police Department, magbabayad sila!”

They don’t know that Chino and Charish sent everything to  the Narcotics Department from Jacob dahil natagpuan nila pagkatapos ng pagsabog ng lumang warehouse ang isa pang pinagtataguan ni Joseph pati na ni Henry.

“Sir, malakas po talaga ang kutob ko na si Jacob ang nangunguna rito. Ilang beses siyang nakita ng mga tauhan natin na pabalik-balik sa opisina ng bagong Heneral. Hindi lang sila makakuha ng impormasyon dahil ang bagong Heneral na nakaupo sa Police Department ay naka-amen kay Jacob,” wika ni Allan.

“Maybe, we need to groom Mr. Calma. Siya lang ang malakas ang loob na makipag-ugnayan o magkaroon ng peace talk sa Kapatiran sa Mindanao.  Huh! Buong akala ni Don Vito na natapos niya ang giyera laban sa Black Umbrella. We are still here!” Mayabang na sinabi ni Henry.

“Like what I’ve told you guys. Walang magpapasko. I will not let their family happy pagkatapos nilang isa-isahin ang mga lumang warehouse! Lahat ng ala-ala ko kay Annabelle nandoon sa lumang warehouse! Kung 'di ka naman tanga at hindi ka nag-ingat, Henry. Edi sana buhay pa iyang right hand mong si Tonio!” Sigaw ni Joseph.

“Hindi ko kasalanan iyon, Joseph! Kung pwede ko lang dukutin sa impyerno ang katawan ni Tonio, gagawin ko. Mahusay ang right hand ko kumpara sa right hand mo!” Asik ni Henry.

Hindi naman ma-ipinta ang mukha ni Allan dahil kinumpara siya sa kanyang matalik na kaibigan. Gigil at ayaw din ni Allan na nandito ang kapatid ni Joseph dahil madalas na itong nakikialam sa kanilang pakikipaglaban.

“Basta ikaw, you need Mr. Lee. Mayaman ang matandang iyan. Even Franklin Hugo, hindi pa ako makatulog dahil alam kong may tinatago rin ang lalaking iyan. Hindi siya matinag. Hindi rin siya mapasok ng maayos dahil ibang klase ang system ng internal security niya sa mga website ng real estate,” wika ni Henry habang nakatutok sa camera.”

“This christmas will be bloody, kaya iisa-isahin natin para lumabas ang concerned citizen  na iyan na pilit nakikialam sa mga negosyo natin!” Bulalas ni Joseph.

GIGIL na gigil na pumasok si Hugo sa opisina ni Don Vito dahil nalaman niyang nakialam ang mga alagad ni Vito sa kanyang misyon.

“Akala ko bang maliwanag ang usapan natin na walang makikialam sa putang inang warehouse ni Joseph at Henry? Bakit pumasok ang Narcotics at Police Department dito?!” Asik ni Hugo pagkatapos ay initsa sa harapan ni Vito ang mga dokumento.

“Because I need answers as much as possible. Hindi pwedeng paisa-isa tayo, Hugo,” tugon ni Vito.

“Eh ano pa ang kasunduan na nilagdaan mo kung lalabag ka rin?”

“I commanded Vito to do that,” biglang pagsasalita ni Jacob at isinara ang pintuan.

“This is about El Mafias, Jacob!” Asik ni Hugo.

“But this is about our countryman! Hindi pa rin natitigil ang  ang pagkawala ng mga kabataan at mga kababaihan. Hindi ko naman hahayaan na malagas ang mga tao sa Pilipinas!” Galit na sinabi ni Jacob.

“So ano pa ang ginagawa ko rito? Display sa iyo at sa El Asesino? El Hombre is making a move, magpapasko pero pinili niyong giyerahin ang mga sindikato. Hindi niyo alam ang ganti nila sa mamayanan!”

“But there’s no Christmas in syndicate, Hugo. Lalo ngayon na season, maraming bata ang pakalat-kalat sa kalsada kaya mas kailangan ang seguridad nila,” tugon naman ni Vito.

“Sa ginawa niyong ito, malakas ang pakiramdam ko— they will start a war! Ano pa ang kasunduan natin kung ikaw pa rin pala ang hahawak ng organisasyon?! You are stepping on my ego, Don Vito and Jacob!”

“Hindi sa ganoon, Hugo. Pero we need immediate action to this.”

“Can’t you fucking wait?! My enemy is inside my office, at konting pagkakamali ko lang, mapuputukan ako. I am very careful to my move dahil ako hindi tulad mo na pabigla-bigla kaya napapahamak ang pamilya mo!” Sigaw ni Hugo.

“Don’t you fucking question my credibility, hindi ko ginusto ang nangyari sa asawa’t anak ko noon!”

“Hindi mo ginusto, but you have a high control about certain things pero hinayaan mo dahil masyado kang tiwala! Even you, Jacob!  Kapag mas lalong maraming namatay na kabataan dahil sinindihan niyo ang mitsa ng mga sindikato, I will fucking quit this brotherhood! Remember that, Don Vito at Jacob. I know what I am doing and I am careful of my plans!” 

Padabog na binagsak ni Hugo ang pintuan at sinalubong siya ni Chino at Charish. Hindi nila matitigan si Hugo dahil nanlilisik ang mga mata  nito. Napatakbo naman si Chino at Charish sa loob ng opisina at nakita ang problemadong mukha ni Don Vito.

“I told you, Jacob. Hindi magandang ideya ang sinimulan mong tip sa mga Narcotics.”

“But he’s not moving, nababagalan ako sa kilos niya. It will affect my candidacy. Peace and order ang pangako ko sa mga tao, pero walang magawang aksyon ni Hugo. Masyado siyang nagdadahan-dahan sa kilos. Kailan pa sila mahuhuli?”

“But I’m afraid that he will make different plans. Kilala ko si Hugo, kapag nag-iba siya ng pamamaraan. Mas magiging madugo ang digmaan,” napayuko na lamang si Vito at pinagmasdan lahat ng iniwan ni Hugo.

Continue Reading

You'll Also Like

38.6K 739 20
Wala akong ginawa kundi mahalin sya pero tanging panunumbat lamang ang naririnig ko sa kanya, alam ko na kasalan ko ang lahat kung bakit nasira ang b...
43.9K 903 24
• The Professor's Possession (Novel) [R-18 | Mature Content] Some say that being a student is one of the best parts of our lives. But not for Stacy S...
94.5K 1.8K 29
sex dealers hot mens bachelor is a group of males who's part of SEX DEALERS ORGANIZATION where they'll kidnap and sells girl for money and desires. i...
4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...