STARS IN THE NIGHT SKY (Model...

By imgeminibeauty

9K 342 73

MODEL SERIES #2 In Cold's life, there is no life and light, and the only thing on his mind is that he is not... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40

24

183 8 2
By imgeminibeauty

Nag stay kami sa cebu nang hindi ko pinapansin o kinakausap si Cold.


Hindi ko alam ang sasabihin ko at bakit ko naman siya kakausapin diba?


Kahit ilang bwa pa ang lumipas na hindi kami mag usap wala akong pakielam.


I was actually blaming myself kasi naniwala akong gusto niya rin ako, na may feelings rin siya para saakin pero wala—wala!


Nuong una, hindi ako sanay na maging sweet siya saakin—or in-assume ko na naman na sweet lahat ng 'yon?


Heck! Baka naman kasi ginawa niya lang yon kasi gusto niya at alam niyang 'sweet' ang magiging dating non sa'kin?


Tapos ako naman si TANGA nagpa UTO tapos sa huli iiyak iyak at sisisihin ang sarili. Hindi ko naman talaga....talaga alam ang gagawin ko nung simulang nag changed ang pakikitungo niya saakin.


Nagdadalawang isip nga ako eh pero....pero tinake advantaged ko din naman pala 'yon kaya ibig sabihin may kasalanan rin ako sakanya.


Pero...pero 'yung pinakita ko sakaniyang gestures are genuine! While his is fake!


That's the difference!


Alam kong nakakapansin na ang mga kaybigan ko dahil sa pananahimik ko at hindi ko pagkausap kay Cold but they just shut their mouth up kahit na gustong gusto na nilang magtanong.


Nang makauwi na kami at naipasok ko na ang ang mga gamit ko sa kwarto ko ay ni-locked ko ang pintuan at napasandal sa likod ng pintuan...saka dahan dahang napaupo, nanghihina dahil sa mga nangyari.


Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi sa tinitirahan namin e basta pag gising ko nasa kama na ako at amoy alak! Nakakadiri! Ambantot na ang baho!


Tinanong ko sila Andrea ang sagot naman nila ay nang makauwi na sila galing sa concert ng Ace Bander sa tabing dagat ay nakahilata na ako sa kama at natutulog habang amoy alak!


Hindi daw nila ako pinalitan kasi alam nilang ayaw ko nang pinapalitan damit ko kapag lasing—i mean! Ah basta! Maarte ako e!


Saka buti nalang din hindi nila ako pinalitan dahil gusto kong maalala kung bakit ako naglasing para pag gising ko hindi ko na hahabol habulin si Cold na naiinis—sobrang naiinis sa presensya ko!


Nagdaan ang mga araw na hindi ko pinapansin si Cold, nang hindi ko siya kinukulit kahit na kating kati na ang mga daliri kong magtipa na nang mensahe para sakanya.


Pero...sa tuwing nakikita ko si Andrea na may progress na sa crush niya...naiinggit ako kaya kapag pumupunta si Cold dito kahit na masakit nilalandi ko pa rin siya.


Para na din hindi makahalata sila Andrea.


"Umuwi kang tao please," pang aasar ko sakanya dahil aalis na naman at may date sila ng crush niya, tinignan niya naman ako at nag flying kiss lang ako saka tumawa.



Each day I always look at myself infront of the mirror, what that witch said shook me to the fullest to the point na nagsimula na akong maging insecure sa sarili ko, the way I look, the way I dressed and about my body shaped.


sam16: Wow, may pa sunset while drinking soda ang ate. Ganda mo dyan ah model ka? HAHAHAHHA


Natawa ako dahil sa comment ko sa post ni Andrea. 'Watching sunset while drinking soda'.


Si Khalil ang nag picture nyan dahil silang dalawa naman ang magkasama dyan, alangang multo diba?


Nakakatuwa na makitang masaya si Andrea, hindi na 'yong laging takot gaya dati na pinepeke ang ngiti.


Gumawa pa ng gc ang magaling na Andrew, ako naman si tanga nagpapansin don.


Ano na nga ulit yung narinig mo kay Cold ha Sam? Kelan ka ba madadala?


Anong sabi mo sa sarili mo? Na hindi mo papansinin si Cold? Na ayaw mo na siyang makita or whatsoever diba? Pero bakit ka ganito ngayon? Papansin ka masyado!


Tangina! Napakarupok ko!


Pero sa personal...


"Sa'n ka pupunta? Sinong kasama mo?" Tanong ko kay Andrea nang makita ko siyang nakaayos.


"Tinawagan ako ni lamig, sunduin niya daw ako," sagot niya at saka siya nag cross arms at tinaasan ako ng kilay.


Ahh...si Cold. 


"Ano bang nangyari sainyo ah? Bakit niya ako ginugulo umagang umaga?" tanong niya.


Ewan ko. Sana hindi ko nalang siya makita. Nainis ako dahil iba ang gustong mangyari ng puso ko, gusto ng puso kong makita na siya, pero sabi ng utak ko ay h'wag raw!


Nagmaktol ako ng wala sa oras saka sumubo ng fried rice, "Abah malay ko sakanya. Hindi ko alam kung anong problema ng lalaking yon." inis kong sabi saka bumulong, "Kainis sapakin ko yong king inang yon eh,"


Para akong tangang biglang sinubo lahat ng fried rice sa bibig ko nang may marinig akong nagbusina, buti hindi nakita ni Andrea pero si Amber...bahala siya dyan malaki na siya.


Dire-diretso ako sa kwarto ko at saka huminga ng malalim, pota, para naman akong teenager dito.


Naligo nalang ako saka natripang pumuntang flower shop kung saan nagta-trabaho si Andrea, naging bestfriend ko na nga si Jasmin e, 'yung boss niya.


"Ganito kasi yon," huminga ako ng malalim saka kwinento lahat ng mga narinig ko sa cebu...lahat ng sinabi ni Cold lahat lahat! As in lahat

Gusto ko yung nasaakin lang ang paningin ni Jasmin at taimtim na nakikinig, para bang interesadong interesado siya....pero hindi ko sinabi sakanya yung about sa birthday ko and so on...basta yung about sa cebu lang.


"Oh," parang may narealized siya sa mga pinagsasabi ko. "Masakit yan," 


Tumango ako, "Oo, sobra,"


Nag rant pa ako sakaniya nang sandamakmak at binalandrang talagang nasaktan ako sa mga narinig ko at hindi ko alam kung bakit nagpapapansin pa ako sakaniya sa socmed sa gc ganon pero sa personal hindi ko siya halos malapitan.


"Mahal mo na siya, anlakas ng tama mo sakaniya,"


"Oo nga e," tumango ako at napabuntong hininga, "Simula nung nakita ko siya nung bata pa ako siya na talaga ang gusto ko...hindi na ako nagkagusto sa iba as in! Promise!" tinaas ko pa ang right hand ko na parang nangangako.


"Malapit na ang pasko,"


Napatingin ako sakaniya, "And?"


"Wala naman," ngumiti siya at umiling habang inaayos ang bulaklak saka binaba yon at tinignan. "Kung mahal mo talaga siya at kahit...na ganoon kasakit ang mga narinig mo, what more kung...kung naging kayo tapos may mas mahirap na pagsubok pa ang madadaanan niyo? Gaganyan ka nalang ba ulit?" seryosong tanong niya.


Napaayos ako ng upo nang dahan dahan at saka medyo natawa ng onti, "Oyy, bakit parang ang seryoso mo naman ata? hahahah, chill lang ah," saka ko ulit natawa pero hindi nagbabago ang facial expression niya. "Saka...hindi naman magiging kami," saka ako nag iwas ng tingin.


Hindi na siya umimik about don pero nag change nalang ng topic...mas better nga siguro kung change topic nalang.


Buti pa si Andrea masaya ang love life, bumu-blooming si gaga.


Dumaan ang mga araw na sobra ang hinagpis ko, kasi gustong gusto ko na siyang kausapin!


Pero sa tuwing naaalala ko ang mga narinig ko...nasasaktan ako ng sobra sobra...sa gc ko lang naman kinakausap sa pm hindi or sa personal rin.


Kahit nung nagpunta na silang Russia...hindi ko manlang minessage..as in lahat wala wala!


Ni ayaw ko ngang panoorin ang video nila online kahit sa news outlet kahit saan! 


Pero itong si Andrea, gusto kong patayin yung pinapanood ko pero baka katayin niya ako ng buhay kaya nakinood nalang ako. Isa malakas na mura ang naisabi ko nang makita ang ginawa ni Khalil.


"WHAT THE FUCK?! HAHAHAH GAGONG KHALIL AMPUTA HAHAHAHAHA. TANGNA DISSAPOINT YONG MUKHA NG BABAE HAHAHAHA!" natatawang mura ko.


Wow naman, hindi mo talaga malalapitan ang isang Khalil. Pasimple kong tinignan ni Andrea na tutok sa panonood, hmm, sana all nalang.


Sana all loyal.


"Thank you for supporting us. Keep safe Aces,"


Impit akong napasigaw nang magsalita siya tapos saktong tumama  ang likod ko sa kahoy ng upuan, akala siguro nila kinilig ako sa boses ni Cold. Psh, pake ko dyan?


Tumaas ang dalawa kong kilay nang magsabi si Khalil ng 'Thank you A," tas maya maya 'Aces'.


'Thank you, Andrea' yun e, hindi 'thank you, aces'.


Hindi ko maiwasang maging masaya para kay Andrea dahil sila na ni Khalil. Kung mahal naman talaga nil ang isa't-isa edi go! Basta ba h'wag niyang sasaktan ang kaybigan ko kundi...kundi kakatayin ko siya ng buhay!


Bumisita naman si Khalil dito last week kaya ayun. Napagsabihan lalo na ni Amber.


Andaming nangyaring kaputanginahan! 


Biglang dumating bigla dito si Asher tapos after non...after concert biglang nagpunta si Cold dito sa bahay! Kagago! Hindi ko alam ang gagawin ko kung kakausapin ko ba siya o ano...pero baka magtaka sila Amber?


me: anong gagawin ko andito sa baba si Cold!


imandrew: mag twerk ka


me: shuta ano ngaaaa?!


imandrew: act normal magpapansin ka ganon para hindi sila makahalata


me: nakakahiya


imandrew: wow naman!! ngayon ka pa nahihiya?!


me: namo! 


Dahil siguro sa pagiging aligaga ko bigla nalang akong humiyaw at nilapitan si Cold, alam kong mukha akong tanga pero....tangina ewan ko!


Timang na kung timang basta kinausap ko nalang si Cold.


Sinundot ko ang balikat niya...wow, antigas ha.


"Ang galing ng concert niyo sa Russia ha! Keep it up!" nag thumbs up pa ako kahit nakakatanga na ang ginagawa ko...nakatingin lang siya saakin na tangang tanga...well tanga naman talaga ako timang pa ah kung gusto mo!


Awkward lang ang ngiti ko sakaniya at saka nag iwas nang tingin.


"It still one sided love you know," napabuntong hininga nalang ako after kong sabihin yan kay Andrea.


"Kung ganon, bakit hindi ka nalang magka gusto sa iba?" tanong niya. Alam kong genuine question lang 'yon at walang halos panghuhusga pero...pero bakit ako nasasaktan ng ganito?


Mapait nalang akong napangiti. "Andrea, kapag mahal mo ang isang tao, kahit na sabihin mong ayaw mo na hindi mo magawang ayawan ang isang tao, kahit sabihin mong magkagusto ako sa iba, hindi yon madali at kahit na alam kong hindi nya ako magugustohan umaasa pa din ako kasi mahal ko eh. Kapag mahal mo ang isang tao hindi madaling maka move on."


Biglang pumasok sila Asher and Cold kaya nag focus nalang ako sa kinakain ko! Shuta!


Samantha...inhale...exhale...chill ka lang ha? Chill.


Halos mawalan ako ng hininga nang maupo siya sa tabi ko at kinuha 'yung kutsara kong nasa loob ng bibig ko saka niya ginamit 'yon para pangkuha ng kanin at ulam saka sinubo sa bibig niya.


What the?! Tangina anong ginawa niya?! 


ANONG GINAWA NIYA?!


Para akong tangang nakanganga dito habang inuubos niya ang pagkain sa plato ko.


"N-nasubo kona yan."


Hindi ako makapag salita ng buo...nalawayan ko na yan e! Pagkain ko yan e! Ano bang ginagawa niya?! Nang gagago na naman ba siya?! After ng mga narinig ko sa Cebu?! Ano?! Plastikan gano'n ba ha, Cold?!


Gusto kong maiyak sa mga nangyayari.


"Yeah..?" inosenteng sagot niya habang nakatingin saakin.


Gusto kong sumigaw na h'wag na silang umalis! Bakit ba sila umalis?!


Tumikhim ako, "Akin na yan," saka ko kinuha ang kutsara't tinidor sa kamay niya pero ayaw niyang ibigay. "Umalis kana dito," parang gusto ko ng maiyak talaga!


"Are you okay?" tanong niya.


Gago ba siya?! After niyang sabihin lahat yon?! Tingin niya okay ako?!


Hindi! Hindi ako okay! Okay ka na ba don?! Ha?!


Pero syempre hindi ko pwedeng sabihin yan sakaniya.


"Oo naman," sagot ko saka ngumiti. "Bakit naman hindi?" tanong ko saka kinuha ang kusara't tinidor.


Hindi nalang siya umimik, basta ako hindi ko nalang siya pinansin at umalis naman na siya. Hindi ko alam pero bakit ako nasasaktan?


"Galit ka?" tanong ko sakaniya.


"Why would i?" tanong niya niya habang nakaupo sa sofa.


"Seryoso hindi ka galit?" tanong ko ulit.


Kumunot ang noo niya, "No,"


"E ano?" tanong ko.


Kumunot ang noo niya, "Huh?"


"Para kang galit kasi,"


Tinititigan niya lang ako at hindi ko alam kung bakit...


"No, i'm just sleepy,"


Bigla ko nalang siyang hinila, "Doon kana sa kwarto ko matulog," ayaw ko siyang makatulog dito sa sofa hindi siya sanay alam ko.


Nanlaki naman ang mga mata niya at nagpabigat para hindi ko siya mahila, "No," sagot niya.


"Sige na halika na," saka ko ulit siya hinihila! Bakit ba ayaw niya?! Hindi ko naman siya pagsasamantalahan ah!


Ayaw niya pa rin! "Get up," utos ko na, naabutaban pa nga kami nila Andrea.


"Cold, isa sige sinasabi ko sayong tarantado ka tatadyakan ko yang bayag mo." Warning ko sakaniya saka tinignan siya ng masama.


Agad naman siyang tumayo, good boy. "Your mouth,"


Ngumisi ako, "It's sexy," sagot ko.


"Tss,"


"Mas komportable kung doon ka sa kwarto ko matutulog," tama naman kasi ako diba?


Basta hinila ko nalang siya sa kwarto ko at hindi nahiya kasi andon poster niyang nakahubad siya don.


Pero ngayon..."WAIT!" Sigaw ko at tumingkayad saka tinakpan ang mata niya. "WAG KANG DIDILAT! WALA KANG NAKITA!" Sigaw ko sa mukha niya.


"What the fuck!" mura niya kasi anlakas ng boses ko.


Inaalis niya ang kamay ko pero dinidiinan ko, "H'wag ka munang titingin!"


"What the hell are you doing?" inalis niya na naman at ngayon success na siya.


Nag landing ang mata niya sa poster na nakadikit sa pader ng kwarto ko, namula ang mukha ko dahil sa hiya! Hinahalikan ko eto e! May bakat pa ng lipstick sa poster! 


Dahil don bigla ko na namang tinakpan ang mata niya kaya napahiga siya at napaibabaw ako sakaniya, sakto namang bumukas ang pinto at nakita kami ni Andrea sa ganitong posisyon!


POTA! POTA POTA!!!


"Ahh, mali ata napasukan kong room. Akala ko kwarto ko eh," saka niya iniwas ang tingin niya at dahan dahang sinara ang pinto.


Pareho kaming nakatingin lang doon at ilang segundo bago kami bumalik sa reyalidad.


"What-"


"H'wag kang didilat! Pumikit ka!" aligaga na ako.


"Are you insane-HMM!"


Bigla ko nalang siya tinakpan ng unan at diniin yon, nakakahiya ang makikita niya!


"H'WAG KANG DIDILAT!" Saka ako tumingin sa poster.


Anlakas niya kaya napagulong ako sa side but he immediately catch me using his right hand holding my ass and his other hand is encircled on my waist. Saka niya ako inangat at pinatong sa tabi niya.


Tinignan ko siya, pulang pala na.


"Hala," gulat akong tinignan siya. "Bakit ka namumula?" tanong ko.


"Seriously?" sarkastikong tanong niya. 


Tumango ako habang tinitignan siyang hinahabol ang hininga niya, hala...anong nangyari?


"Are you trying to kill me huh women?"


Kumunot ang noo ko, "Huh? Of course not,"


Pinakita niya saakin ang unan, "Of course not?" 


Nanlaki ang mga mata ko at naalala ang nangyari. 


"Hala sorry! I didn't mean to! Hindi ko naman alam na hindi ka makakahinga e,"


Nakatunganga lang siya saakin, he's like 'nang gagago ka ba?'


"Ayaw ko lang kasing makita mo 'yong-" hindi ko na naabot ang kukunin ko dahil hinawakan ako ni Cold sa braso at hinila papalapit sakaniya, kinulong niya ako sa mga hita niya at sinandal sa pader.



Nanlaki ang mga mata ko.


"I already saw it," saka niya tinignan ang poster sa side.


"NO!" sigaw ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinalingon siya saakin. "Don't look away. Just look at me,"


Hindi siya umimik at hindi siya umangal, nakatingin nga lang siya saakin.


That's when i realize something....we were never be this close....halos mag dikit na ang ilong namin. 


His deep eyes, serious labeling of his eyebrows na may style sa right side...he looked like a fucking bad boy! 


Nararamdaman ko ang pagtigang ng panga niya at ang diin ng titig niya.


Pakiramdam ko lumalapit ang mukha niya...wait.


"FUCK!" sigaw niya nang bigla kong tinulak ang mukha niya.


Tangina, ano bang ginagawa ko?!


"Sorry! agap ko.


Sorry naman talaga ah.


Tinignan niya lang ako saka napabuntong hininga. "I know what you just did and i was expecting that you won't feel embarrassed at all,"


"Huh?" lutang kong sabi. "Anong sinabi mo?" hindi ko siya gets.


"Nothing," umiling siya at nahiga nalang sa kama ko. 


"Ano nga 'yon?" tanong ko.


Hindi siya umimik, ano ba!


Umalis nalang ako sa kama at saktong lalabas na sana ako ng kwarto nang bigla siyang magsalita.


"How many times in a day you kiss my poster?" 


Namula ako don at agad nalang umalis sa kwarto! Tangina!


Ending hindi ako makatulog sa kahihiyan at ang tanga tanga ko pa kasi hindi ko inalis 'yung poster! Makikita niya 'yon! Damn it!


Isang oras lang siguro ako nakatulog, doon ako sa kwarto ni Amber natulog.


Nasa kalagitnaan ako nang pagluluto nang bumaba si Cold na parang walang nangyari, hindi ko nalang siya pinansin na nagtitimpla ng kape.


Wow naman, bagong ligo na ha. Amoy na amoy ko kasi ang body wash niya at ang bango.


Nagkakape siya don habang ako nagluluto and then minutes later may narinig akong boses, pagtingin ko sa likod ko ka video call niya si Khalil.


Hindi ko nalang binigyang pansin ang pinag uusapan nila dahil about lang naman 'yon sa concert nila sa Russia.


I heard pauwi na siya.


Ayun lang ang narinig ko dahil nag earpods na siya.


And then after some few minutes, bumaba si Andrea.


Nireregla ang gaga.


Nag uusap sila don tapos ako naman act fool act fool! Dapat makapal mukha ko at hindi nahihiya dahil andito si Andrea!  Hindi niya dapat maalala ang nakita niya kagabi.


"Umupo ka muna dyan, patapos na itong niluluto ko."


Tumango naman siya at naupo.



Nagkaroon pa ng onting bangayan ang dalawa, tapos biglang binanggit ni Cold ang mga favorites ni Andrea and i know why. Of course, to inform the man of this woman.


"You're not mad anymore?"


Natawa ako sa tanong ni Cold, tsk, ang tanga.


"She's not mad at you, kala ko matalino ka bakit hindi mo agad napansing she tricked you?" pambabara ko sakaniya.


Nag apir pa kami ni Andrea, tsk, gwapo nga pero tanga naman hayst....paano nalang kung nagkaanak na kami? Ayokong maging bobo 'yon gaya ng daddy nila.


Ang ganda ng pagmumuni muni ko sa sala tapos may biglang dumating na andaming pagkain! Puro mga faves ni Andrea.


Napangiti ako, sana all binilhan ni Boyfie ng food.


Nakikita ko palang ang saya sa mukha ni Andrea, i can tell that Khalil is good for her. She do not smile often before to be honest and when...i hope that smile won't fade or else....


Or else i will get really really mad if someone hurt her or if Khalil hurt her...I swear I'll curse a person to death.


Natatawa ko sa reaskyon ni Cold, anong akala niya hindi mauubos ni Andrea lahat ng pagkaing nasa mesa? 



Hindi ko alam basta bigla nalang may lalaking nasa tapat ng pintuan at buhat buhat na si Andrea...oh, it's Khalil.


Kinabukasan kaming tatlo ang nauna sa hapag dahil tulog pa si Andrea.


Nagkekwentuhan kami at ako naman nilantad ang ugali ni Andrea noon, Khalil looks so amazed and tinuon niya talaga ang attention niya sa pakikinig saakin dahil ang topic ko ay ang bebe niya.


And then later on bumaba na si Andrea, umiwas nalang ako nang tingin nang magbebe time sila sa harapan namin ni Cold. Hoy! PDA 'yan ah!


Hiyang hiya pa rin ako sa nangyari nuong isang gabi! Hindi nga ako makatingin ng deretso kay Cold e! Lintek na 'yan!


Gusto kong umalis kaya naman nang nagpaalam na sila Khalil ay bigla kong sinabing papasok ako sa work ko, na pwede na siyang umiwi. Wala naman siyang sinabi basta tumango nalang kinuha ang mga gamit at umalis edi ang ending....naiwan akong mag isa.


Nasa kwarto na ako nang may makita akong phone na nag vi-vibrate, tinignan ko ang caller 'Asmin' ayan ang name.



And then, i remember what he said way back in Cebu...may babae siyang kasama non edi..i mean, what if ang name ng babaeng 'yon ay Asmin?


Kumirot ang puso ko, wow...bakit ko nga ba nakalimutan yon?


Napaangat ako ng tingin nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko, it's Cold. Hinihingal pa, wow naman... he really did came back for his phone to talk to his....his lover huh?


Iniwas ko ang tingin ko sakaniya at tumayo saka nag ayos ng gamit ko, siya naman walang imik na kinuha ang phone at nagmamadaling umalis.


"Bakit ba ang onti nang kinakain mo? Magpapakamatay ka ba ha?" Si Amber.


"Diet lang," sagot ko.


"Anong diet diet? Gaga papatayin mo yata sarili mo e! Ano yan? Lagi nalang cup noodles ang kinakain mo! Tapos sa tanghali isang apple at isang saging naman sa gabi," puna niya saakin.


"Hindi naman ako nagugutom saka diet lang talaga ako," pagrarason ko although totoo namang nagdidiet ako pero hindi ko sinabi kung bakit.


Ang mahalaga madami akong tubig sa katawan, don nalang ako bumabawi.


Hindi ko nalang siya pinansin at umalis na para pumunta sa shop ko, and while i  was in the middle of baking naalala ko na naman 'yung moment namin na nag ba-bake at tinuturuan niya ako sa recipe na gusto niya...'yung sarili niyang recipe mismo.


Nasali ko na 'yun sa menu namin at nagustohan ng mga customers kaya naman kahit gustong gusto ko ng alisin ay hindi ko magawa dahil ayun ang puro order ng mga tao lalo na ang mga students.


Ayun ang lagi nilang hinahanap hanap kaya hinayaan ko nalang.


Lumipas ang araw at bwan na hindi kami nagpapansinan kahit na nararamdaman kong pinagmamasdan niya ako kapag nakila Andrea siya.



Pero, syempre dinadaldal ko pa rin si Cold sakanila para hindi nila alam na nasaktan ako...na may narinig ako...na pinaglalaruan lang ako ni Cold.



Nag sinungaling pa akong 18% na ang improvement ng relationship namin ni Cold. Ansakit kasi kahit nga 1% wala e tapos 18%?!



Nag usap lang kami nung nag aya si Andrew na ganapin ang halloween sa mismong bahay niya kaya hindi ko maiwasang humindi dahil naging close na rin naman na kami at busy sila Amber tapos si Andrea naman masaya ang love life halata naman e.


Kung bakit ba naman tanginang?! Sa dami ng pwedeng costume bakit pareho pa kami?! Shutang?!


Nakakainis ha! Ponyeta! Hindi naman kami nag usap at hindi na kami nag uusap tapos ganito?! 


Ayus lang naman pero....pero naiinis ako sakaniya! Nasaktan ako sa mga narinig kong pinagusapan nila nung babaeng 'yon at nasasaktan ako! Galit ako sakaniya!


Bakit kasi naka all black siya at pumartner pa talaga ang outfit namin?! Ang costume namin?!


"Naks naman kupal outfit," si Andrew at pasimpleng tumingin saakin, nang aasar.


Naalala ko na naman tuloy 'yung gc na ginawa niya...kahit madaldal ako don...hindi ko naman alam na magiging magka-close na kami ni Andrew.


Parehas nga talaga kami ng ugali, madaldal.


me: ano naman kung tahimik ako sa personal? masama ba?


imandrew: parang hindi kasi ikaw 'yan e madaldal ka diba? diba diba? madaldal first impression ko sayo e


me: hindi ako madaldal


imandrew: hindi pupunta sa heaven ang mga sinungaling 


me: tangina mo!


imandrew: broken ka ba?


Hindi ko alam kung genuine ang tanong niyang yan o biro biro niya lang e.


me: oo bakit ano naman ngayon? 


imandrew: bakit ka magbrobroken e hindi naman naging kayo ni Cold?


Napatayo ako sa punyetang chat niya!


Aba't!


imandrew: hayy ganyan talaga ang buhay parang life na may buhay ayus lang yan samie makakahanap ka pa ng iba baka hindi talaga kayo para sa isa't isa e


Gago ba siya?! Dinodogshow niya ba ako o ano?!


Napabalik ako sa reyalidad nang kinusilapan niya ako pero may ngisi pa rin.


"Cold my bestfriend!" saka tuwang tuwa siyang lumapit at tumabi kay Cold, tinap niya pa ang likod ng braso ni Cold. "Bagay pala sayo 'yang outfit na binigay ko bro?!" 


Nanlaki ang mga mata ko! Tangina?!


POTANGINA?! BAKIT BA HINDI KO YON NAISIP E SINABI KO NGA PALA SA MOKONG NA 'TO KUNG ANO ANG ISUSUOT KO!


"I didn't know na mag ma-match kayo ni Samantha ng costume," napailing iling pa siya...tss mukhang gago. "Wow," umacting siyang gagong napahawak sa dibdib niya na parang gulat na gulat kasi umacting ngang nagulat! Tapos tinignan kami ni Cold, "What a coincidence isn't it?" 


Gusto ko siyang sakalin at i-umpog sa pader sa totoo lang! Kundi lang siya shota ni Serenity e! Punyeta!


Umirap nalang ako at nagpunta kay Serenity, ayokong mag tanong sa kung paano sila nagkakilala ni Andrew, gusto ko man dogshowin si Andrew kay Serenity e parang hindi tama...hindi ako naaawa kay Andrew! Naaawa ako kay Serenity kasi sobrang inosente niya.


Biglang pumasok naman sila Khalil at Andrea na naka holding hands...my mouth form an 'O'. Aba't talaga naman.


Ending tinulungan namin siyang magpalit ng damit at kung nakakatunaw lang ang titig kanina pa nag melt si Andrea sa totoo lang!


Tahimik lang ako sa gilid at nagmamasid at nakikita ko kung paano tignan ni Khalil si Andrea, that's love. He's inlove.


Biglang nag beep ang phone ko at nakita ko ang message ni Andrea.


Andrew: H'wag kang tumitig wala ka niyan diba diba what if mag feeling ka nalang na i mean mag habol ka kay Cold kahit ngayon lang para mainis si Zeus dahil walang pag asa sa crush niya HAHAHHAHA


Napataas ang tingin ko kay Andrew at nakahawak sa bewang ni Serenity at seryoso kunong nakikipag usap kay Cold, tss plastikada.


Tinignan ko naman si Zeus na nakaupo sa isang tabi at kunot na kunot ang noo, salubong na salubong ang kilay habang may kagat kagat sa labi.


Kawawa naman 'tong vampire na 'to mukha ngang talagang walang pag asa sa crush niya.


Nag beep na naman ang phone ko at nakita ang isa pa niyang text! Iss! Bakit ba siya text nang text?!


Andrew: Kapag ginawa mo 'yon tatanggapin ko dare mo pramis


Fine! Madali akong kausap! Ayan lang pala e sige kakalimutan ko na muna ang sakit na binigay niya para lang makaganti kay Andrew.


Tutal walanghiya naman ako diba diba?


Samantha, inhale...exhale...inhale...exhale.


"Hi babe!" lumapit ako kay Cold at basta nalang umupo sa mga hita niya, gulat na gulat pa siya pero wala akong pakielam.


Si Andrea naman walang pake kasi sanay na saakin tapos si Andrew nakangisi kahit na umiinom ng kung ano ang nasa loob ng baso.


Hinawakan ko ang kamay ni Cold at nilagay sa bewang ko, parang nakayakap siya saakin tapos gusto kong tumawa ng malakas nang makita at marinig 'yon ni Zeus. Umasim ang mukha niya at bigla nalang nagdabog saka umupo sa isang gilid.


Bumubulong bulong siya pero hindi ko na marinig at maintindihan.


Ending, nilandi ko si Cold buong gabi.


------------------------------------

:)

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 128K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
1.5K 506 32
Completed There are people who are really not for us. And for us, the person who is always by our side to accompany you in your feelings.
442K 16.1K 192
Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of an idol...
29.6K 1.2K 6
JADES OF HEARTS AWARD 2021---FANTASY GENRE WANGXIAN CATEGORY award winner. It's set in the time where Wei Wuxian and the others were in Cloud Recess...