Imperfect Love

By jhieramos

3.3K 223 4

Torn between her bestfriend and first love. Will she be able to choose who's best fit for her or just let fai... More

Author's Note
Characters
Imperfect Love I: She's Back
Imperfect Love II: KC to the rescue
Imperfect Love III: Joketime
Imperfect Love IV: Not Alone
Imperfect Love V: Day One
Imperfect Love VI: Happy Birthday, Jared!
Imperfect Love VII: Happy Birthday Jared II
Imperfect Love VIII: Floating
Imperfect Love IX: Lord Help Me
Imperfect Love X: Meet The Mirandas
Imperfect Love XI: One Call
Imperfect Love XII: Surprise Surprise
Imperfect Love XIII: Julian
Imperfect Love XIV: Confrontation
Imperfect Love XV: Jayden
Imperfect Love XVI: That Kind Of Sadness
Imperfect Love XVII: Convincing Jared
Imperfect Love XVIII: Jayden
Imperfect Love XIX: Never Backing Down
Imperfect Love XX: Trauma
Imperfect Love XXI: Little Accident
Imperfect Love XXII: Feelings
Imperfect Love XXIII: Jealous Jared
Imperfect Love XXIV: Surprise
Imperfect Love XXV: Helping Jayden
Imperfect Love XXVI: Suddenly
Imperfect Love XXVII: The Sad Truth
Imperfect Love XXVIII: The Plan
Imperfect Love XXIX: Work Over Dinner?
Imperfect Love XXX: Comforting Jayden
Imperfect Love XXXI: Sounds Like A Plan.
Imperfect Love XXXII: Always Have You
Imperfect Love XXXIII: Finally
Imperfect Love XXXIV: Confrontation
Imperfect Love XXXV: Surprise Call
Imperfect Love XXXVI: Jared's Confession
Imperfect Love XXXVII: That Feeling
Imperfect Love XXXVIII: Revelation
Imperfect Love XXXIX: Jared's Anger
Imperfect Love XL: Grief
Imperfect Love XLI: Looking For Jared
Imperfect Love XLII: That Small Talk
Imperfect Love XLIII: Missing Jared
Imperfect Love XLIV: Good News
Imperfect Love XLV: Longing For Jared
Imperfect Love XLVI: Give Me Your Forever
Imperfect Love XLVII: Still Waiting
Imperfect Love XLVIII: Dodgeball
Imperfect Love XLIX: Julian's Confession
Imperfect Love L: Discoveries
Imperfect Love LI: Getting Closer
Imperfect Love LII: When Confusion Hits
Imperfect Love LIII: Slowly Fading
Imperfect Love LIV: Agony
Imperfect Love LV: Secrets
Imperfect Love LVI: The Story
Imperfect Love LVII: Let It Be
Imperfect Love LVIII: Tell Me Where It Hurts
Imperfect Love LX: Last Straw
Imperfect Love LXI: Mr. Miranda Sr.
Imperfect Love LXII: Comforting
Imperfect Love LXIII: Their Confrontation
Imperfect Love LXIV: Already Torn
Imperfect Love LXV: Julian's Confession
Imperfect Love LXV: Unexpected
Imperfect Love LXVI: What Is The Truth?
Imperfect Love LXVII: Heavy Heart
Imperfect Love LXIX: Despedida
Imperfect Love LXX: Beyond Questions
Imperfect Love LXXI: Heartaches
Imperfect Love LXXII: Getting Better
Imperfect Love LXXIII: Staying With Her
Imperfect Love LXXIV: Same Old You
Imperfect Love LXXV: Healing
Imperfect Love LXXVI: Wholesome Threesome
Imperfect Love LXXVII: It's Now Or Never
Imperfect Love LXXVIII: Goodbyes
Imperfect Love LXXIX: Can't Let You Go
Imperfect Love LXXX: The End
Imperfect Love: Epilogue

Imperfect Love LIX: Pain Pain Go Away

22 3 0
By jhieramos

"Okay lang, anak. Mag-usap muna kayo. Maaga pa naman, hihintayin kita." Sabi ng Mama niya na nasa kabilang linya, tinawagan niya ito upang ipaalam na kakausapin lamang niya si Jared at hindi siya makakaakyat kaagad.

Matapos ang pag-uusap nila ng Mama niya ay agad naman niyang hinarap ang binata na nakaupo sa isang bench na nasa open park sa labas ng ospital.

Hindi ka kumibo at tinabihan lamang niya ito sa pagkakaupo thinking na mauuna itong kausapin siya, ngunit napagtanto niyang mukhang hindi iyon mangyayari kaya naman siya na ang bumasag sa katahimkan ng paligid.

"Kamusta ka? Hindi na ulit tayo nakapag-usap simula noong makabalik ka. Ni hindi mo simasagot amg mga tawag ko at messages ko sa iyo, bihira tayong magkita sa opisina kapag magkikita naman tayo, parang hindi mo ako kilala. Ano ba talagang nangyayari, Jared?"

"Wala,"

"Wala? Eh bakit ganyan ka? Bakit ganito tayo? Simula noong bumalik ka parang ibang tao ka na, parang hindi na ikaw iyong Jared na kakilala ko. Ano bang nangyayari sa iyo?"

"Wala nga,"

"Jared naman!" Nagsimula na siyangagtaas ng boses kasabay ng namumuong inis sa dibdib niya dahil sa mga sagot nito sa kanya. "Ano ba? Ano bang problema? Sabihin mo naman sa akin para maintindihan kita, kung bakit ka nagkakaganyan."

"Wala nga sabi, umakyat ka na. Hinihintay ka na ng mama mo, uuwi na ako."

"Isa!"

"Sige na, Penny." Tumayo si Jared, lumapit ito sa kanya upang gawaran siya ng halik sa ulo bago siya tinalikuran. "Sa ibang araw na tayo mag-usap, kapag okay ka na. Kapag okay na tayong pareho."

"Eh paano nga ako magiging okay kung ganyan ka," hindi na niya napigilang sigawan ito. "Hindi ko alam kung anong nangyayari sa iyo, hindi ko alam kung anong pwede kpng gawin para sa iyo. Pakiramdam ko nga unti-unti ka ng lumalayo, nawawala... bumibitaw."

"Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan iyan, Penny. Alam kong pagod ka, pagod rin ako. Hindi lang tayo magkakaintindihan kapag ngayon tayp nag-usap." Masyadong kalmado si Jared at hindi iyon nagustuhan ni Penny. Hindi dahil para bang wala itong pakialam kung hindi dahil wala siyang makuhang matinong sagot mula sa binata.

"Edi ipaintindi mo sa akin, ipaliwanag mo para maintindihan ko. Ipaintindi mo naman sa akin para alam ko kung may dapat ba akong gawin. K-kung a-anong... dapat k-kong gawin para... para matulungan kita." Halos hindi mabuo ni Penny ang gusto niyang sabihin dahil nagsimula na siyang lukubin ng nararamdaman niya.

Nawala na rin ang pagpipigil na kanina pa niya ginagawa dahip sa kagustuhan makausap ng maayos si Jared.

"You can't help me, I ca't even help myself kaya paano mo ako matutulungan."

At sunod-sunod na ang naging paghikbi niya. She felt helpless dahil sa naririnig niya mula rito.

"Don't even try to fix something that you know nothing about."

"At ano? Hahayaan kong magkaganyan ka? Na ganyan ka na lang?"

"There is nothing you and I can do about it."

"Kasi ayaw mong tulungan kita, ayaw mong tulungan ka ng mga taong nagmamahal sa iyo."

"Nagmamahal? That's bullshit, all my life, kasinungalingan at deception lang ang nagyayari sa buhay ko. From my childhood, mula sa mga taong nasa paligid ko mismo? Everything is a fucking lie. Kaya paano mo maayos ang bagay na kahit ako mismo, sinukuan ko nang ayusin."

"Kasi ayaw mong pakinggan iyong mga paliwanag nila sa iyo?"

Biglang namang tumalim ang tingin sa kanya ni Jared paglasabi niya noon, lumapit ito sa kanya ng ilang hakbang bago huminto at hinawakan siya sa braso.

"Nila? Nino? Ni Julian? Tell me, anong mga kasinungalingan ang sinabi sa iyon ng gagong iyon?"

"J-Jared,"

"Tell me, napapaniwala ka na rin ba niya sa mga kasinungalingan niya? What did he tell you? Sinabi ba niyang wala siyang kasalanan sa lahat ng nangyari? Sinabi ba niya sa iyo na wala siyang kasalanan? Na wala siyang kasalanan sa akin?" Sunod-sunod ang naging mga tanong ni Jared, kasabay naman noon ay naramdaman niya pagdiin ng pagkakahawak nito sa braso niya.

"J-Jared, n-nasasaktan ako."

"Tell me, Penny. Anu-anong mga kasinungalingan ang sinabi sa iyo ng gagong iyon?"

"Wala siyang sinasabi, gusto ka lang niyang makaus-"

"Abogada ka na niya ba ngayon? Tagadepensa niya? Kaya ba ganoon na lang kung ipagtanggol mo siya?"

"Hindi ko siya pinagtatanggol at wala akong pinapanigan sa inyo, ang sa akin lang, kailangan mo silang kausapin dahil pamilya mo sila at nag-aalala sila sa iyo."

"Kalokohan," sa wakas ay binitawan na siya ni Jared ngunit walang nagbago sa pakikitungo nito sa kanya. Ay halo iyong galit, mataas na rin ang boses at may matigas na ekspresyon sa mukha nito. "Lahat ng sinasabi nila ay puro kasinungalingan."

Noon lang siya nakaramdam ng takot para sa kaibigan na minsan niyang naging takbuhan at tagapagtanggol. Malayo iyon sa maalaga at mapagmahal na Jared na kilala niya at napupuno ng kalumgkutan ng puso niya habang kaharap ito.

"Mag-usap tayo ng maayos, please. Gusto ko lang maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan, gusto kitang tulungan at gusto kong ako naman ang kail-"

"Hindi kita kailangan, mind your own business at huwag mo akong pakialaman."

Mistulang kutsilyong tumarak sa dibdib niya ang mga salitang iyon ni Jared, nakadagdag pa sa sakit na nararamdaman niya ang klase ng mga tinging ibinabato nito sa kanya.

"Jared, please. Huwag naman ganit-"

"What am I to you, Penny? Kailangan mo na naman ba ng maiiyakan? Ng masasabihan ng mga problema mo? Kailangan mo na naman ng shock absorber, o ng taong magagamit para pasayahin ka at para iparamdam sa iyo kung gaano ka kah-"

Bago pa mabuo ni Jared ang sasabihin nito ay mabilis na dumapo sa pisngi nito ang palad niya.

Halatang nagulat ito sa ginawa niya, ramdam niya sa palad niya ang sakit ng pagkakasampal niya sa binata ngunit wala iyong panama sa sakit na nararamdaman niya dahil sa mga sinabi nito.

"Tapos ka na ba?" Matigas na tanong nito sa kanya.

Hindi na siya nakasagot pa, hindi na rin nito hinintay pa ang sasabihin niya at nagsimula na itong maglakad palayo.

Nakuyom ni Penny ang dalawang palad habang pinagmamasdan si Jared na naglalakad palayo sa kanya. Wala siyang magawa upang pigilan ito, pero ang lubhang masakit sa parte niya ay ang marinig ang mga salitang iyon kay Jared kanina.

Mga salita na ni sa hinagap ay hindi niya alam na maririnig niya mupa rito.

Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig, hindi siya makapaniwala sa nangyari at lalong hindi niya lubos maisip na maaring ito na ang katapusan ng kung anumang meron sila ng binata.

Wala sa loob na bumalik si Penny sa silid ng Papa niya. Sa pintuan pa lang ay sinalubong na siya ng yakap ng Mama niya, na para bang alam nitong kailangan niya iyon.

Mistula siyang batang umiyak sa mama niya pagkayakap nito sa kanya. Hindi ito nagsalitan maliban na lang sa mahinahong pagpapatahan nito sa kanya kasabay ng paghaplos nito sa likuran niya.

"Bakit ganon siya, Mama. Bakit ganon niya ako pagsalitaan? Parang hindi ko na siya kilala. Parang hindi na siya si Jared na kaibigan ko, parang hindi na siya iyong Jared na... na..." hindi na siya makapagsalita dahil sa pag-iyak.

"Tahan na, anak. Give him some time. For sure pareho lang kayong pagod, he look so exhausted, parang ang bigat ng pinagdadaanan niya kaya siguro ganoon siya. Let him be, hayaan mo munang makapagpahinga kayong dalawa."

"Hindi ko na alam, Mama."

"Tama na, talk to him kapag okay na kayo pareho. Kilala mo si Jared higit kanino man at alam mong hindi siya tulad mg iniisip mo."

At nagpatuloy na lamang sa pagluha si Penny habang yakap ng ina. Wala siyang magawa at hindi na rin niya alam ang gagawin pa.

She just felt every word that Jared said. At lahat ng iyon ay parang mga palaso ng pana na nasa puso niya, nagdudulot ng sakit na kahit siya ay hindi niya mapaliwanag.

Continue Reading

You'll Also Like

58.1K 773 6
Lahat dinaraan sa biro ni Chuck at ang laging biktima nito ay ang dalagang si Kiera. Magkatrabaho sila sa isang pelikula at duon din nagsimula ang bi...
5.4K 581 52
With each passing day the truth also approaches. In every memory forgotten is the bitter truth hidden. Nothing hurts more than every memory I remembe...
52.5K 969 11
Kung ang mortal na kaaway ni Superman ay si Lex, ni Batman ay si Joker at ni Thor ay si Loki, si Nicario Leon Aragon naman ang masasabing pinakamorta...