CHAPTER 53
IKA-IKA habang nakatingin si Henry sa litrato ng lumang warehouse bago sumabog. Galit na galit siya dahil hindi man lang niya nalimas ang pera sa loob ng vault bago tinupok ng apoy.
"He killed my loyal guard. Maghihiganti ako kung sino ka man! Hayop ka! Sinira mo ang warehouse ng pamilya namin!" Sigaw ni Henry. Sa sobrang galit niya'y bigla nitong sinipa ang lamesa kaya naman bumagsak si Henry sa sahig.
"Who do you think will do that, Henry?" Mapangasar na tanong ni Joseph.
"Pakiramdam ko na si Hugo ang gumawa nito!"
"Stay here in my office, ako ang kikilos. Look at you, mukhang nilumpo ka ng lalaking hindi natin kilala," wika ni Joseph.
Napairap na lamang si Henry dahil wala naman siyang matakbuhan kung 'di si Joseph lamang.
Patuloy nilang iniimbestigahan ang lalaking gumawa nu'n kay Tonio ngunit wala silang mahanap. Kaya naman napagdesisyonan ni Joseph na magsanib pwersa silang magkapatid.
"Joseph," tawag ni Henry.
"What?"
"Hanapin mo ang babaeng pinatamaan ni Tonio. Malakas ang pakiramdam ko na ang pagsugod sa warehouse ay isang paghihiganti."
"Copy, baka magustohan ko pa ang babaeng iyon."
******
Nalalapit ang pasko, bilanggo at walang ibang makitang tao si Jaica sa loob ng isang silid. Hindi niya maintindihan kung bakit siya ikinulong sa isang lugar na hindi naman niya alam. Hindi rin siya sinasaktan dahil pagkain at panligo lang ang palaging inaabot sa kanya.
"Sinong baliw ang magdadala sa akin dito? Inip na inip na ako, baka nag-aalala na si Belle?" Saad ni Jaica at sumilip sa bintana.
Napakataas ng paligid at dagat ang ibang nasa paligid.
Walang kamalay-malay si Jaica na hindi pa rin tumitigil si Gael at Charm sa paghahanap sa kanya.
From the warehouse, "Watch this out!" Asik ni Hugo kaya tumayo si Charm at Gael upang tingnan ang ipinakita ng amo.
"Our last resort for Jaica is this tower."
"Saan niyo po ito nahanap?"
"The private plane they used. Sa aviation system ako pumunta. Lahat ng mga lumilipad sa eroplano ay nakukuha nilang matrace by signal. And that day and time noong nawala si Jaica, this was the plane that landed here."
"Ako na po ang pupunta for Jaica," prisinta ni Gael kaya naman napatingin Hugo sa kanya at bahagyang namangha.
"Ayaw mo kaming isama?" Tanong ni Charm.
"I was one of the reasons why she was kidnapped. Kaya ako ang magbabalik sa kanya rito."
"Okay bring El Hombre, hihintayin ko kayo pabalik ng opisina ko. I will wait for you and Jaica."
Tumango naman si Gael at dali-daling lumabas upang tipunin ang mga kasamahan. Ihinanda nila ang mataas na kalibre ng baril pati bomba na pwedeng ipanglaban. Para bang nauubusan ng oras si Gael dahil bitbit niya ang konsensya kay Belle na nawawala ang kaibigan nito.
Five hours later, nakarating sila sa isang liblib na lighthouse. Walang nagbabantay kaya naman heto at walang pagod na inakyat ni Gael ang pinakatuktok. As he found out triple ang lock ng pintuan kaya naman pinasabog niya na lang ito.
Napabalikwas si Jaica nang marinig ang pagsabog. Takot na takot ang dalaga hanggang sa makita niya ang pamilyar na mga mata ni Gael.
"Gael!" Tumakbo ang dalaga at hinagkan niya ito.
"Halika na!" Tawag ni Gael kaya naman binuhat lamang niya ang dalaga na parang sako hanggang sila'y makababa ng lighthouse.
Mabilis na sumakay ang dalawa sa bullet proof van kaya naman nakahinga ng maayos si Jaica.
"Did they hurt you?" Tanong ni Gael.
Hindi kumibo si Jaica at basta na lang niyakap si Gael habang umiiyak.
"Ilang araw akong kinulong sa loob. Marami insekto tsaka ako lang mag-isa. Tuwing gabi ako binibigyan ng pagkain pagkatapos maghapon na iyon. Walang ibang tao na nagpapakita sa akin. Hindi ko rin alam ang rason kung bakit ako kinuha? Kasi hindi naman ako ni-rape, tinorture or kahit ano. Kaya hindi ko rin maintindihan?"
Kumawala naman si Gael at inabutan siya ng panyo.
"You are safe again. Hindi pa rin naman tapos ang imbestigasyon sa nangyaring ito."
Hindi pa rin nagpatinag si Jaica at dumikit kay Gael. Tummas na lamang ng kamay si Gael dahil ayaw naman niyang magmukhang manyak kung hahawakan din niya ang dalaga.
Hanggang sa makauwi ng Manila. Tahimik lang si Jaica na naglalakad papunta sa opisina ni Hugo from his original real estate office.
"Sir Hugo," panimula ni Jaica.
"I'm sorry. We are still investigating what happened."
"Please don't tell this to Belle. Kilala ko siya, hindi na naman iyon mapapalagay. Hindi ako sinaktan, mukhang pinaglaruan lang ako kung sino man tao ang gumawa nu’n. Please protect her dahil ayaw ko siyang mapahamak."
"Nangyari na, Jaica."
"What do you mean?"
"She was shot inside my office."
"Hindi ba't pinangako mo na hindi masasktan si Belle?!" Sigaw ni Jaica.
"I did everything, Jaica. Someone entered my office."
"Delikado ba na makasama ka namin? O parang mas okay pa na hindi ka namin nakilala? Ako, kinidnapped, si Belle binaril?! Ano pa ang susunod?! Paano kung isa sa amin ang mawala?! Sino ka ba talaga ha? Katulad ka rin ba ni Don Vito?! Magpakilala ka?! Are you a Mafia Boss? Isa pang beses na masaktan si Belle, babawiin ko ang kaibigan ko sa iyo!"
Hindi kumibo si Hugo at hinayaan na umiyak sa harapan niya si Jaica.
"She's my sister, a family to me. Mula sa kamatayan at peligro magkasama kami, ayoko siyang mapahamak."
"I will not let anyone do it again. Katulad ng sinabi ko sa iyo noon, Jaica, kayang-kaya kong pumatay kahit ilan pa."
Binabagabag din ng kunsensya si Jaica kaya naman gusto niya rin aminin ang tungkol kay Henry at Joseph. But she doesn't have any idea that Hugo found this out because of Belle.
"Hugo, may kailangan kang malaman."
"What?"
"Me and Belle, hindi naman totoo na nagkakilala kami sa ampunan. We—we…" bumuntong-hininga si Jaica bago tuluyang magsalita kay Hugo. “We were victims from the syndicate. Tumakas lang kami, KPB or Kilusan para sa Bayan. Iyon ang natatandaan ko at naririnig ko noon. Number one target nila ang mga ampunan. Kaya natatakot ako na muli kaming mahuli. Kinababaliwan kami ni Belle, pero si Belle ang mas kinahuhumalingan ng dalawang magkapatid na iyon.”
Hindi kumibo si Hugo dahil ayaw din niyang ipaalam na may alam na siya tungkol sa kalaban. He wants to keep his mouth shut for the El Hombre Mafia. “So please, take good care of Belle. Magkapatid ang sindikato na gustong manggulo noon. Alam kong buhay pa sila. Kasi lahat sila ay nangangarap maging katulad ng Black Umbrella. I am sorry Hugo dahil ngayon lang ako nagsalita. Ayaw din ni Belle dahil natatakot siya. Gusto niya ng bago at payapang buhay. Please, don’t tell her about what happened to me and I’ve said to you, promise me. kung grabe ang epekto sa akin ng mga abuso nila sa kamay ng mga sindikato, mas matindi si Belle. Lahat-lahat naranasan niya. Lahat ng pagmamalupit mula sa mga umampon sa kanya.”
“I promise.”
Biglang lumukso si Jaica at niyakap si Hugo. “Basta huwag mong aalisin sa tabi ko si Gael. Siya ang palaging nagbabantay sa akin.”
Biglang kunot ang noo ni Hugo at inilayo si Jaica. “Do you like my assistant?”
“Pwede?” nagpunas ng luha si Jaica pagkatapos ay ngumiti.
“Are you joking with me? After you cried tatawa ka?”
“Hugo naman, ilang taon kaming nagdurusa ni Belle, manhid na kami kakaiyak. Pero seryoso, ingatan mo si Belle.”
“Fine, deal.”
Hindi makapaniwala si Hugo na matitipuhan pa ni Jaica si Gael kahit walang social life ang right hand niya.
Lumipas ang ilang oras, bumalik si Hugo sa warehouse para kausapin si Gael. Seryoso lang ang mukha ng kanyang assistant hanggang sa sinimulan niya itong asarin.
“Hindi mo sinasabi sa akin na may namamagitan na sa inyo ni Ms. Jaica?”
Nanlaki ang intsik na mga mata ni Gael habang umiiling. “No, never sir. I am just doing my job, my mission to protect her. Sino naman po ang nagsabi?”
“You know what, why don't you try to court her. Ni wala akong nakikita na natitipuhan mo. You are still single and virgin. Ang boring naman ng buhay mo, Gael.”
“Sir, I am busy at work.”
“Ako rin naman but I have sex life.”
Nasamid na lamang si Gael kaya naman pasimpleng tumawa si Hugo. “Date her, kung ayaw mong mamatay nang virgin!” Asik ni Hugo pagkatapos ay tumayo para puntahan si Vito at Jacob