A Vidente

By Whroxie

345K 18.8K 2.1K

Beatrix is a seer, a descendant of Genoveva-The most powerful witch of Elysian. Her capacity to glimpse into... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chpater 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 38

13.3K 676 143
By Whroxie

Beatrix dashed toward Romulus, who was motionless on the ground. She knelt by his side, her knees on the ground. Scooping his head with her arm and touching his face with her trembling hand.

"Romulus! Don't die!" she began to sob as terror took over her. Romulus slowly opened his eyes, but this did not alleviate her fear.

"Medyo malakas iyon, ah. I didn't expect that." Nagawa pa nitong sundan ng marahang pagtawa ang sinabi.

"Malakas si Siera. Hindi ko siya kaya. Hindi natin sila kayayananin, Romulus."

"Kung tayong dalawa lang ang lalaban maaari nga—" Hindi pa man nito natatapos ang sasabihin nang may magsilabasan na lycan at Paganus mula sa portal. They formed a fighting formation, ready for the battle tonight between Lycan and Paganus and vampires, dark fairies, werewolves, evil spirits, and various other bad elements. Nabuhayan si Beatrix.

"Ubusin silang lahat!" Siera yelled. Her wicked minions followed her order and the opposing side instantly retaliated. The entire forest convulsed at the loudness of the roar as intense battle began. Ang mga lycan na nasa taong anyo palang ay nagsibagong anyo na ang karaniwang kulay ng balahibo ay tsokolate. Ang mga mangkukulam na Paganus ay nagsimula ang pag-usal ng inkanstasyon para sa pagpapalabas ng kanya-kanyang kapangyarihan. Iyak ng mga nilalang na tinatalo ng kalaban ang maririnig na pumupunit sa gabi.

Nahagip ng kanyang paningin si Missy na kinarga ng waiter na bampira. She mouthed sorry at her before they disappeared. She understood what she did. Nalinlang lang ito ni Siera. Dasal niya ngayon na sana ay walang malagas sa kanilang panig pero imposible yata ang dasal na iyon dahil may isang Lycan ang tumilapon nang makasagupa ang isang bampira at taong-lobo.

"Si Connor!" gulantang niyang usal nang magbalik sa taong-anyo si Connor na sugatan. Susugurin pa ito ng dalawang nilalang para tapusin. Si Romulus ay biglang nagbagong anyo, mabilis na tinakbo ang papalapit na dalawang nilalang kay Connor. Naabutan ni Romulus ang lobo, hinawakan sa ulo at ibinalibag sa lupa. Napangiwi si Beatrix nang makita kung paanong ibinaon ni Romulus ang matutulis na kuko sa dibdib ng nilalang at sa paglabas ng kamay ay dala na nito ang puso. Ang lobo ay nagbalik sa anyong-tao. Gustong mahabag ni Beatrix nang makitang isang babae iyon. Ngayon ay nasa anyo ng kahinaan.

Romulus raised his gaze to the male vampire who had attempted to attack Connor and was now backing away, fear was present on his face.

Tumayo si Romulus habang hawak ang puso ng taong-lobo sa kamay. Ilang sandaling nagtitigan ang dalawa, tila nag-uusap sa isip.
Romulus threw the heart to the ground and let out a rage-filled howl that caused the vampire to try to escape pero naging maagap si Romulus. He leapt over the vampire's head and landed in front of him, but before he could flee, Romulus grabbed him by the head and plunged his claw into his neck, severing his head. Itinapon nito ang ulo ng bampira ang isang paganus naman na lumapit ay sinunog ang katawan niyon gamit ang apoy mula sa kamay nito.

Nabahala si Beatrix nang makita si Siera na mukhang may binabalak na namang masama. Nakapikit ang mga mata nito habang umuusal ng mga salitang siya lamang ang nakakatindi pero natitiyak isang diabolic prayer iyon at tama nga siya nang magsimulang may nagsilabasan ng evil spirit na iisa ang uri. Nakakatakot ang anyo. Malayo siya sa mga tila itim na anino lang.The creatures have
pale mottled flesh with long black claws. May sungay ang mga ito at pati ang likod ay mga sungay. Ang mga ngipin ay maninipis na matutulis. Ang mga mata ay parang bombelya na nagliliwanag.

"shedimnn!" Malakas na sigaw ng isang Paganus. Kitang-kita niya ang pagkabahala sa mukha ng mga ito. Ibig sabihin lang nito ay delikadong nilalang ang mga iyon. Nanglaki ang mg mata ni Beatrix nang atakihin ng shedim ang paganus na sumigaw kanina. Nahati ang katawan gamit ng matatalas na kuko ng shedim. Napaatras si Beatrix sa matinding takot.

"Hindi natin sila kakayanin!" sigaw ng isang babaeng Paganus na nagawa namang depensahan ang sarili laban sa shedim gamit ang ice manipulation ability nito. Naikulong nito ang shedim sa bloke ng yelo.

"Romulus!" Sindak na sigaw ni Beatrix nang makita ang isang shedim na tumakbo nang matulin patungo kay Romulus na nakatalikod mula sa halimaw. Ang atensiyon ni Romulus ay na kay Beatrix kaya hindi nito iyon nakita. Kita niya ang mataas na pagtalon ng shedim kay Romulus at ang matatalas na kuko ay nakahanda na sa pag-atake. Napigil ang paghinga ni Beatrix sa matinding takot. Ang takot ay naibsan lamang nang ang pag-atake ay napigil nang may tumamang pana na enerhiya sa mismong sentido niyon. Bumagsak ang shedim sa lupa, nangisay hanggang sa masunog. Nang linungin niya ang nagligtas kay Romulus ay nakita niya ang papalabas na si Manoela mula sa portal in her fairy form, riding in a huge black horse. Mahaba ang mga tainga. Silver-blue na buhok pati ang mga mata at ang suot ay isang kulay na puting bestida na may mahabang slit sa magkabilang hita. She's wearing silver-blue corset armour that pushes her breasts up, silver-blue gladiator-style shoes, and she's holding an energy-based blue silver bow and arrow. Kasunod na lumabas mula sa portal sina Damon, Logan, Sixto at iba pang Lycan. Romulus dashed towards Beatrix, grabbing her by the waist and pulling her away from the shedim who was about to attack her. Maneola dispatched it with an arrow.

"Are you okay?" pagkausap ni Romulus sa kanyang isip.

"Yes," She responded verbally. Ang isang malaking kamay ni Romulus ay dumiin sa halos buong baywang niya. Iniyakap niya ang kanyang mga braso sa leeg nito at ibinaon ang kanyang mukha sa mabalahibo nitong leeg habang karga siya nito.

"If I die tonight, I want you to know that I love you, Romulus. I love you very much!"

Romulus groaned, rubbing his hairy cheek against her head. "I won't let you die. We will kill these monsters and Siera. We will survive."

Nag-angat ng ulo si Beatrix nang lumapit sa kanila si Manoela. "Kailangan mong palabasin ang kapangyarihan mo, Beatrix. Alam kong hindi lang 'yan ang kakayanan mo."

"Paano natin mapapatay si Siera?"

"The god's blade." Magkasabay na dumako ang tingin ni Manoela at Beatrix sa punyal na pinuprotektahan ng isang evil spirit.

"Ang sabi mo nagawa mong hugutin ang punyal na iyan mula sa katawan ni Hieronimos. Ibig sabihin ikaw ang susunod na maaaring mag may-ari ng punyal na iyan at ikaw lang makakapatay kay Siera."

"Manoela I can't. Hindi ko kaya. Masyado siyang malakas pati na ang mga alagad niya. Can't you see? Kaya niyang tawagin kahit ano'ng klaseng masamang elemento."

"Kakayanin mo. Kayanin mo or else we are all gonna die." Lumabas bigla ang isang chain mace weapon sa kamay ni Manoela na katulad ng sa black rider, iyon nga lang ay gawa sa bakal ang sa black rider pero ang kay Manoela ay mula sa enerhiya pero natitiyak niyang kayang tapatan nito ang sandatang meron ang black rider na mukhang sila ang aatakihin dahil ang kabayo nito ay matuling tumatakbo patungo sa kanila.

"I'll deal with this one—let's go!" Marahang itinapik ni Manoela ang paa sa gilid ng katawan ng kabayo. Nagsimulang tumakbo ang kabayo pasalubong sa black rider. Ipinaikot-ikot ng black rider ang hawak na chain mace na siyang ginawa rin ni Manoela. Tumayo si Manoela habang tumatakbo ang kabayo. When the two horses were side to side, the two creatures, good and evil took their shot in unison. Suminghap si Beatrix nang makitang nabasag ang bakal na chain mace ng rider. Nang lumagpas ang kabayo ay pinatigil iyon ni Manoela at pinapihit pabalik. Pinaikot ni Manoela ang chain mase sa ibabaw ng ulo bago muling pinatakbo ang kabayo pasugod sa black rider na ngayon ay nakaharap ng muli kay Manoela. Buong puwersa iwinasiwas ni Manoela ang chain mace sa ere patungo sa blackrider nang makalapit ito. Tinamaan iyon sa ulo at parang hanging naglaho kasama ang kabayo. Ang chain mace ay naglaho at isang latigo naman ang pumalit na armas. Sinalubong ni Manoela ang lahat ng shedim na lumulusob, pinatamaan ng latigong enerhiya. Her power was amazing. Hindi niya nakitang ipinamalas ni Manoela ang ganyang klaseng kapangyarihan noon sa digmaan ng Paganus at Lycan.

Sina Damon ay nagpalit anyo at hinarap ang mga kalaban. Ibinaba siya ni Romulus. "Stay here!" utos ni Romulus na iniwan siya para tulungan ang isang kasamahan na inatake ng shedim. A chaotic battle is now taking place in front of her. She could hear a mix of horrifying sounds—anger screams, thundering blast power, and the sound that wrenched her heart—pitiful cries, cracking bones, and tearing flesh from the defeated Paganus and Lycan. And here she is, unable to help her peers. Wala siyang magawa kundi ang matakot para sa mga kasamahan. Higit ang takot niya nang may panibagong uri ng evil spirit ang nagsilabasan mula sa kagubatan. Nakikita niya ang paghihirap ng pakikipaglaban ng mga Lycan at Paganus.

Mariing napapikit si Beatrix nang may isa na namang Paganus ang napatay at isang Lycan ang winasak ang dibdib ng shedim, isa sa pinakamalakas na uri ng evil spirit. It's helpless. Hindi niya na kinakaya ang nakikita.
The scene was gruesome, like something out of a horror film, with flesh and blood splattered on the forest floor. Si Romulus ay dalawang Shiden na ang kinakalaban.

"Romulus!" Her chilling-bone scream shattered the darkness as she witnessed Shiden tearing Romulus' back with its long, sharp claws. Mabilis na binalingan ito ni Romulus at gamit ang matutulis din nitong kuko ay inatake ang Shiden.

Hinanap ng kanyang mata si Siera. Hindi matatapos ang lahat ng ito kung hindi mawawala ang nilalang na may kontrol sa lahat ng nilalang na ito. Siya lang ang makakapatay kay Siera. Walang mangyayari kung paiiralin niya ang takot. Mamamatay siyang lalaban. Hindi nagdalawang isip si Beatrix na takbuhin ang kinaroroonan ni Siera. Nakita niya ang pagngisi ng babae nang makita ang kanyang pagsugod. Nanatili itong nakatayo. Kalmado. At habang nakatitig sa kanya ay may inusal ito. Nagpatuloy siya sa pagsugod na ang layunin ay malapitan si Siera. Halos malapit na siya sa babae nang bigla ay may sumulpot na isang nilalang sa kanyang harapan kaya napatigil siya—Isang shedim pero higit na mas malaki sa lahat at may pakpak ang isang ito. Beatrix froze on the ground in shock and fear. The demon let out a loud growl, forcing her to step back and help her put distance between her and the Shedim. Strings of saliva connecting its sharp teeth as it snarled at her.

"Paslangin!" No one would defy Siera's powerful command. The demon whipped its hand in a split second, and Beatrix felt its claw ripping her suit and tearing her stomach flesh open. Ang mapuwersa nitong atake ay naging dahilan para tumilapon siya at bumagsak sa sahig ng gubat. Dumaing siya sa sakit. Ang hapdi sa balat. Para iyong asido na nanoot sa kanyang laman.

"Beatrix!" She whipped her head to Romulus as he heard him shout. Lubhang nabahala si Beatrix nang makitang nawalan ng focus si Romulus. Nasa kanya ang focus nito kaya nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang shedim na atakihin si Romulus.

"Romulus!" sigaw ni Beatrix, walang magawa kundi ang panoorin itong sinusugat ng matatalas ng kuko ang katawan nito habang nakahiga ito sa damuhan. Tumigil ang dalawang nilalang sa pag-atake kay Romulus. Umatungal na para bang hawak na ng mga ito ang tagumpay sa labanan na ito. Dumaing si Beatrix nang sumidhi ang kirot sa tiyan. Pinilit niyang maiupo ang sarili. Niyuko niya ang kanyang tiyan. Punit ang kanyang suot at malalim ang sugat na kanyang natamo.

Walang silbi! Wala siyang silbi! Napakahina niya! Maraming mapapahamak sa kanila ng dahil sa kanya. Ipinikit ni Beatrix ang kanyang mata. Kailangan na ba niyang tanggapin na ito na ang kanilang katapusan. Mauulit na naman ang nangyari.

"Você não alcançará seu verdadeiro poder até que aceite seu destino. Você sou eu, Beatriz! Tu és eu!" Beatrix abriu os olhos novamente." (Hindi mo makakamtan ang totoo mong kapangyarihan hanggat hindi mo tinatanggap ang kapalaran mo. Ikaw ay ako, Beatrix! Ikaw ay ako!)

Muling nagmulat ng mata si Beatrix. Si Celtici. Boses iyon ni Celtici. Ang kapalaran niya. Inilagay niya sa tapat ng puso ang kamay. Muling sumara ang kanyang mga mata nang rumagasa ang alaala ng kanyang paglalakbay sa nakaraan. May mga nagsakripisyo para lang mailigtas siya at isa roon si Heironimos na isinakripisyo ang sariling buhay para tuluyang hindi magamit ni Siera para paslangin siya—ang punyal ang tanging instrumento sa pagsalin ng kapanyarihan. Ang punyal ang tanging may kakayanan para patayin ang mga diyos at mga demigod na pinagkalooban ng walang kamatayan. Si Heironimos lang ang tanging may kakayahan na gumamit ng punyal na iyon. Tinapos nito ang sariling buhay para sa kanya at para matapos ang patuloy na paggamit dito ng mga sakim. At ngayon ay ito na naman, muling nanganganib si Romulus. Mamamatay muli si Heironimos at iyon ang hindi niya papahintulutan kahit buhay niya ang maging kapalit. Bumukas ang mabalasik na mga mata ni Beatrix.

"Ako ang papatay kay Siera!" determinado niyang sabi sa sarili.

"Sa oras na mamatay ka. Siguradong mapapasakin ang kapangyarihan nito. Ako ang dapat na susunod na maging Reyna ng mga Formosa!" Malakas na isinigaw ni Siera ang huling salita. Ang mga demonyo sa paligid ay higit pang nag-ingay. Lalong nasiyahan, lalong ginanahan sa pag-atake sa mga kasamahan niya.

"Hindi! Hinding-hindi ko pahihintulutan!"

"Wala kang magagawa dahil kontrolado ko ang lahat kahit pa ang pinakamalalakas at mababangis na demonyo ay kaya kong tawagin—ngayon na, paslangin sila!" Ang salitang iyon ay higit pang nagpabangis sa mga Shidem. Ang demonyo na nasa kanyang harapan ay nagpakawala ng malakas na atungal at itinaas ang kamay.

"Tumigil kayo!" isang utos ang nagpatigil sa lahat ng mga evil spirit na tila ba isang malaking kalapastangan na hindi iyon sundin. Beatrix glanced in the direction of the commander. Two creatures were standing side by side in front of the portal—a woman in a catsuit with stunning, towering crimson wings and crimson, voluminous hair cascaded over her shoulders. She is brandishing an angel's knife that is gleaming in the moonlight. Standing beside her is her husband—-a huge massive black blue-eyed Lycan whose pangs gleam in the moonlight like his wife's dagger. The couple, Luna and Fhergus, look powerful and indestructible.

Luna moved cautiously. "We were meant to be having fun at the Halloween party but here you are, creating chaos—sinaktan niyo pa ang kaibigan ko!" Her wings slammed upward, shaking every feather as they spread wide. Her eyes revealed her rage—the hybrid hues of her eyes emphasized the murderous glare.

Ang mga evil spirit na tila isang maitim na anino ay nagsilahong bigla habang ang mga Shidem ay dahan-dahan ang ginawang pagkilos, kasama ang Shidem na nasa kanyang harapan, lahat ay nag-ipon at tumayo sa harapan ni Luna. Mangha siyang nakatitig sa mga Shidem na sabay-sabay na lumunod sa harapan ni Luna.

"Ano ang ginagawa niyo!" galit na untag ni Siera.

"Sino kang babae ka at nagagawa mong kontrolin ang mga alagad ko?"

Tumaas ang mukha ni Luna. Walang takot na tumitig kay Siera. "Lucienne Nariah Navarro-Soares aka Luna. A demon-angel hybrid...and a Lycan...and now I command you to attack that woman and all the creatures who will side with her." The shedim growled in response. Bigla ang mga itong humarap kay Siera hanggang sa bigla na lang sabay-sabay na sumugod at pati na rin ang ibang alagad ni Siera na nanatiling sa panig ni Siera ay sinugod ng mga ito. Ang iba—lalo na ang mga taong-lobo ay nagsitakas na pero ang iba ay nanatiling nakipaglaban.

"Hindi ko kayo kailangan!" Malakas na inihampas ni Siera ang dulo ng baston sa lupa, gumawa ng malakas na pagyanig sa buong lugar na kahit ang mga puno sa gubat ay nayanig. Ang mga Shidem na pasugod ay tumalsik lahat. Malakas na humalakhak si Siera sa resulta ng giniwa lalo na nang mawalang parang bula ang mga Shiden nang patamaan nito ng malakas nitong kapangyarihan.

Ang hiyas na nasa talisman ay bigla na lang lumiwanag. "Oras na ng pagsalin ng kapangyarihan!" Itinaas ni Siera ang talisman na hawak.

Hindi maaari. Kailangan niyang makuha ang hiyas. Higit na magiging malakas si Siera. Ang talisman na hawak ni Siera ay nabitawan. Lumutang iyon sa ere at higit pang lumiwanag. Ang liwanag ay bigla na lang humiwalay sa tslisman at patungo kay Beatrix. Nang tuluyan iyong tumama sa kanyang katawan ay narinig niya ang pagsigaw ni Siera ng "hindi."

Siya pa rin ang pinili ng hiyas. Sa kanya pa rin masasalin ang kapangyarihan. Napapikit si Beatrix at dinama ang pagpasok ng malakas na enerhiya sa kanyang katawan. Unti-unti ay lumutang ang kanyang katawan sa ere. Higit pa ang kapangyarihang kanyang naramdaman sa bawat pagdaan ng segundo. Nanunulay iyon sa kanyang mga ugat. Bumukas ang mga palad ni Beatrix, nanatiling nakasara ang mga mata habang katingala sa buwan. Nagsimula ang pagdagundong ng kulog, ang hangin ay malakas ang pag-ikot sa kanya, tila buhawi, ang mga boltahe ng kuryente mula sa kalangitan ay gumuhit sa madilim na langit hanggang sa bumaba iyon at tumamang lahat kay Beatrix.

Bumukas ang mga mata ni Beatrix na puno ng asul na liwanag habang patuloy ang pag-ulan ng mga kidlat patungo sa kanya. Ang punyal na nakatarak sa bilog na bakal ay nahugot. Awtomatikong tumaas ang kamay ni Beatrix nang lumipad ang punyal patungo sa kanya. Tumaas ang sulok ng kanyang labi habang nakatitig kay Siera na higit pang nagalit. Unti-unti siyang bumaba sa lupa.

"Paano ba 'yan, Siera, ako ang pinili ng hiyas at punyal?" She swung the knife through the air, transforming it into a sword, electricity swirling around the metal.

Malakas na sumigaw si Siera. Ang hawak nitong baston ay iwinasiwas patungo kay Beatrix, naglabas ng malakas na enerhiya pero nagawa na iyong iwasan ni Beatrix. Namangha siya sa sariling ginawa—nagawa niyang lumutang sa ere. Tila may ibang kumukontrol sa kanyang katawan. Marahil iyon ang kapangyarihan ng hiyas at espada.

Ibinuka ni Siera ang mga braso, umusal ng mga salitang ito lang ang nakakaalam kung para saan pero inaasahan na niya ang kasamaang susunod na mangyayari. Bumaba si Beatrix sa lupa at magkakasabay na bumaling sa kagubatan nang may marinig na ingay na papalapit hanggang sa lumabas mula sa gubat ang naglalakihang paniki—kasing laki halos ng tao at sinugod ang bawat isa sa kanila. She used her sword and the power to fight the huge bats. Ang isang pasugod na paniki sa kanya ay hinarang ng pakpak ni Luna at tumalsik iyon sa isang munting pagaspas lang ng pakpak ni Luna.

"Tapusin na natin ito," ani Luna na nakatayo sa kanyang harapan. Inabot ni Beatrix ang closure ng kanyang suot na cloak hanggang sa bumagsak iyon sa sahig. Sabay silang humarap kay Siera. Si looked at Luna and gave her a slight nod and without further delay they charged toward the direction where Siera was standing, still commanding her monster armies to attack them. Siera whipped her wand through the empty air until it transformed into a sword. The forest echoed with the clattering sound of the blade's sword. Sparks emitted their every-second interaction. Dalawa sila ni Luna na umaatake kay Siera pero malakas talaga ito. Bawat atake nila ay nasasangga lang ng babae. Kayang patamaan ni Luna ng punyal si Siera pero hindi nito iniinda, naghihilom lang ang sugat. Ang espada niya ang kailangan tumama rito at alam ni Siera na iyon ang tatapos dito kaya iyon ang iniiwasan nito.

Umikot si Siera palayo hanggang sa ang espada ay muling maging baton, inihampas sa lupa, gumawa nang malakas na impact dahilan para tumalsik sila ni Luna. Malakas na humalakhak si Siera. Magkapanabay sila ni Luna na bumangon. Si Siera ay nagpakawala ng malakas na kapangyarihan mula sa baton. One of Luna's wings spread out beautifully, shielding them from the blast of power Siera had unleashed.

""I need to pierce her with the sword. Her mortality prevented us from defeating her with our powers."

"Lilinlangin ko siya. Humanda ka." Tumango si Beatrix. Sa isang iglap ay nawala sa kanyang harapan si Luna. Nasa ere na ito, lumilipad pero nakahiga ito sa hangin. Ang pakpak nito ay nakabuka nang husto at kumikinang. Kung nasa ordinaryong mga araw ay napakalambot niyon haplusin pero ngayon ay tila mga bakal na kahit bala ng baril ay hindi tatalab. Sinundan ni Siera ng paningin si Luna na lumipad sa ibabaw ng ulo nito at iyon ang sinamantala ni Beatrix para ihanda ang sarili sa pag-atake kay Siera. Umikot si Luna sa ere hanggang sa bumagsak ito sa likuran ni Siera.

Si Siera ay mabilis na pumihit pero ang dulo ng pakpak ni Luna ay nakaabang na, tumusok iyon sa tiyan ni Siera. Bumaba ang paningin ni Siera sa tiyan na ngayon ay natutusok ng pakpak ni Luna ngunit nang mag-angat ito ng tingin kay Luna ay isang nakakapanguyam na tawa lang naging tugon nito.

"Sa tingin mo magagawa mo akong mapatay?

"Hindi. Hindi ako papatay sa 'yo!" Hinugot ni Luna ang pakpak mula sa tiyan ni Siera, nadumihan ng itim na dugo ang nakapagandamg pakpak ni Luna.

"Ang prinsesa ng mga Formosa," pagkasabi niyon ay ipinagaspas ni Luna ang kanyang pakpak sapat para lumikha ng malakas na hangin at matangay si Siera palapit kay Beatrix. Iyon ang naging hudyat ni Beatrix para tumakbo pasalubong kay Siera saka itinarak ang espada mula sa likuran nito at pinatagos sa puso nito. Ibinaon niya iyon ng todo.

Inilapit ni Beatrix ang bibig sa tainga ni Siera. "Ako...si Beatrix Naval, a half-human half-fae, ang nakatakdang pumatay sa 'yo at sa mga katulad mong demonyo." She held her palm up and concentrated on the feel of the current flowing through her system until it ran in one direction and made its way out of her hand. Moments later, a crackling ball of electricity hovered above her hand.

"Ngayon ay pati ang espiritu mo ay tuluyang maglalaho at ni isa ay walang makakaalala sa 'yo!" The electric ball started to expand and she threw it up the sky as she pulled the sword out of Siera's body. The electricity ball exploded and a fury of lightning bolts travelled to the ground, striking Siera. In a fit of agony, Siera screamed while her body starts to vanish into ashes. Ang mga paniki ay naglahong lahat.

"It's over," he muttered, dropping her knees to the ground while holding the sword in its handle. She was breathing heavily. Noon niya naramdaman ang matinding pagod.

Nag-angat si Beatrix ng tingin nang makita ang mga paa ni Luna sa kanyang harapan. "I'm proud of you. Ang husay mo."

"Thank you. Hindi ko magagawa kung wala ka...kayo." Bigla niyang naalala ang kasamahan. Nilinga niya ang paligid. It's over. Wala na ang mga ito kalaban pero mukhang hapong-hapo ang lahat. Si Manoela ay naging abala sa mga sugatang Lycan. Agad niyang hinanap si Romulus. Agad naman niya itong nakita, pero agad na nabahala nang makita itong mapaluhod at napahiga sa damuhan. Nagpalit anyo si Romulus. Mabilis na tumayo si Beatrix, tumakbo, iniwan ang espadang nakatarak sa lupa. Kinuha niya ang kanyang kapa bago nilipalitan si Romulus. Itinakip niya ang kapa sa hantad nitong kaselaman bago lumuhod sa tagiliran nito at binuhat niya ang ulo ni Romulus at ipinatong sa kanyang hita.

"Romulus," mahina niyang usal habang puno ng pag-alala. Malalaki ang sugat nito sa katawan.

"Manoela, bakit hindi agad humihilom ang sugat ni Romulus? Malala ba ito?" tanong niya kay Manoela na hindi ito nililingon. Ang sugat sa dibdib ni Romulus ang pinakamalalim.

"Shedim's claws are poisonous to them."

"Oh, Romulus, don't die. Ikakasal pa tayo." Inilapat niya ang kamay sa sugat nitong nasa dibdib para pigilan pag-agos ng dugo mula roon.

"Manoela, please do something." Nilinga niya si Manoela na natili lang nakatayo habang nakatitig sa kanila. Mukhang walang balak kumilos. Nakakunot ang noo nito.

"No need. Look." Bumaba ang kanyang paningin sa katawan ni Romulus, namangha nang makitang humihilom bigla ang mga sugat ni Romulus. Inalis niya ang kamay sa sugat nito. Unti-unting nagsara ang malaking sugat hanggang sa magmulat ng mata si Romulus.

"Parang may narinig ako kanina. Hindi lang klaro pero parang kasal. Sino ang ikakasal?"

Malapad na napangiti si Beatrix. Inabot niya ang mukha ni Romulus. "Ikaw at ako sana kung papayag kang pakasalanan ako."

Nakagat ni Beatrix ang ibabang labi dahil sa reaksiyon ni Romulus. Bahagya pang nanlalaki ang mga mata nito.

"Pakakasalan mo ako?"

"Tinatanggap mo ba?" Inabot ni Romulus ang batok ni Beatrix, umangat ang ulo nito at siniil siya ng halik sa labi saka bumulong sa kanyang labi.

"Tinatanong pa ba 'yan? To be your husband is my ultimate dream the moment you came into my life, Beatrix."

"Then tuparin natin 'yan," nakangiti niyang bulong pabalik rito. Pinakawalan nito ang kanyang batok at buong lakas na sumigaw.

"Wohoo! Romulus' dozen of pups were coming!" Marahang natawa si Beatrix. Mahigpit siyang niyakap ni Romulus.

"Walang bawian, ah? Mate or not. Mahal na mahal kita, Beatrix. Higit pa sa buhay ko." Agad na nag-init ang mga mata ni Beatrix sa madamdaming pagpapahayag ng magmamahal ni Romulus, pero may kalakip iyon na pangamba. Marahil dahil sa hindi nila pagiging mate.

"Mate or not I will be your wife, Romulus. And I promise to love you forever."

"Oh, Beatrix, I love you so much." Higit pang humigpit ang yakap ni Romulus sa kanya. Kinapa ang kanyang tiyan nang maalala ang sariling sugat. Wala siyang makapa. Mukhang naghilom na.

***
ANG kasamaan talaga ng isang tao o nilalang ay laging may pinanggagalingan. Naiisip niya kung hindi siguro pinagdaan ni Siera ang lahat ng trahedya sa buhay ay hindi ito magiging ganoon kasama. Ayon kay Manoela matapos ipatapon si Siera sa Villa Dos Pecadore ay naging kontento na ito nang umibig sa isang Citanian pero nabigo sa pag-ibig dahil ang Mandirigmang Citanian niya ay umibig sa isang Formosa, sa anak ng Reyna, ang ina ni Celtici. Kaya naipatapon din ang anak ng Reyna sa mundo ng mga tao dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa mortal. Mas pinili nitong mawalan ng kapangyarihan makasama lang ang minamahal. Walang magagawa ang reyna sa bagay na iyon dahil iyon ang batas na dapat sundin kahit na reyna pa. Nabuntis si Siera ng Citanian pero mas pinili nito ang anak ng reyna at doon na nagsimulang mabuo ang galit ni Siera.

Isinabit ni Beatrix ang painting sa dingding. Ang painting na gawa ni Heironomios. Perpekto ito sa bagong bahay nila ni Romulus.
Romulus and Beatrix married after six months of planning and they moved to their new home. They desired a fresh start in their married lives. She decided to complete her education and changed her line of study from a BS in Anthropology to a BS in Marketing Management since she enjoyed her career in marketing. Sa Manila pa rin sila dahil nandito ang obligasyon ni Romulus pero madalas pa rin silang magtutungo sa Benguet. Ang kanyang magulang ay sumama sa kanila pero hindi niya alam kung hanggang kailan ang mga ito magtatagal rito. Nakumbinsi lang naman niya itong manatili rito sa siyudad dahil kay Baltazar. Nakakalakad na rin ang kanyang papa sa tulong ng magaling na mangagamot sa Paganus. Napapayag din nilang magpagamot at alam niyang dahil iyon kay Baltazar at sa inaasahan nitong mga apo mula sa kanila ni Romulus. Ngayon ay nasa park ang kanyang daddy kasama si Baltazar at Romulus, maglalaro raw ng badminton habang sila ng kanyang mommy ay abala sa pag-aayos ng ilang bagay sa bagong bagay.

Grabe ang mga nangyari. May ilang namatay na Paganus at Lycan na lubha niyang ikinalulungkot. Viktor came late at mayroon consequences na kinaharap. Kung ordinaryong tao ay mababaliw kung masasaksihan ang ganoong pangyayari na kahit nga siya ay hindi kinakaya. Katulad na lang ni Missy na nawala sa sarili. Nakipag-uganayan sa kanila ang bampira na kumuha kay Missy, humingi ng tulong na siya naman nilang ginawa. Inalis sa alaala ni Missy ang lahat ng masasamang pangyayari. Pati ang pakikipagrelasyon nito kay Romulus, ang tungkol kay Siera at ang malagim na naganap sa mismong bahay nito. Ang tanging huling naaalala nito ay ang aksidente nito kasama ang kapatid mommy nito na siyang ikinamatay ng mga ito. Now, Missy is okay. Parang walang nangyari. Friend sila.

"Napaka-cute mo talaga noong bata ka pa." Mula sa folding ladder ay nilingon niya ang kanyang mommy na binubuklat ang lumang photo album na dala-dala nito mula pa sa Benguet. Napangiti siya. Muling ibinalik ang tingin sa painting at nang makuntento sa puwesto niyon ay nagpasya siyang bumaba na. She joined her mother on the couch, her gaze settled on the photo album. Mga larawan niya iyon noong bata pa siya. Her attention was drawn to the photograph that her mother was carefully touching.

A two-year-old toddler girl sits on a teen boy's lap. The girl is captivated as she looks up at the thin, jaded boy. Inaabot ng batang babae ang mukha ng lalaki na pinipigil naman ng lalaki.

"This is me, sino ang lalaki na 'yan?"

"Ito iyong araw na itinakas ka namin. Natunton kayo ng mga alagad ni Siera noon at sinubukan kang kunin pero nailigtas ka ng mama at papa mo." Pati ang kuwento tungkol sa pagtakas nila ay naiba dahil sa nangyaring pagtungo niya sa nakaraan. Napatay si Siera na taliwas sa unang nangyari kaya si Siera mismo ang naghabol sa kanila ng kanyang mga magulang noon.

"Itinakas ka namin ng daddy mo. Inuwi kita sa Pilipinas habang naiwan naman ang daddy mo sa Portugal. Tanda ko na kailangan na kailangan kong magbanyo ng araw na 'yan kaya iniwan kita sa isang babae na tiyak na mapagkakatiwalaan. Nang bumalik ako mula sa pagbabanyo iyan ang naabutan ko. Nakakatuwa kasi tumahan ka sa pag-iyak. Magdamag kang umiyak sa buong flight at nang hawakan ka ng batang iyan ay tumahan ka at nagawa mo pang tumawa sa unang pagkakataon simula nang mamatay ang mga magulang mo kaya naisip kong kunan ng larawan. Look how adorable you are."

Inabot ni Beatrix ang larawan nang mapansin niya ang mga mata ng dalawang taong nasa larawan. Ring gold around their irises. Repleksyon marahil sa ilaw. Mabilis na hinila ni Beatrix ang kamay mula sa larawan sa pagdating ng mag-ama niya at ng kanyang daddy. Nag-unahan sa pagtakbo si Baltazar at Romulus patungo sa kanya. Napatawa si Beatrix nang yumakap sa kanya ang dalawa at nag-unahan sa paghalik sa kanya. Si Romulus ay tumabi sa kanya at hinalikan siya labi habang si Baltazar ay hinalikan siya sa pisngi.

"Kumusta ang paglalaro?"

"I enjoyed it," mabilis na tugon ni Baltazar sa kanyang tanong.

"Pawis ka. Palit ka munang damit." Si Manang Melita na pumasok sa sala ay kinuha si Baltazar at siya nang magpapalit ng damit.

"Nagluto si mom ng snack. Ipaghahanda kita." Hindi tumugon si Romulus na ang buong atensiyon ay nasa photo album na kinuha nito mula sa mommy ni Beatrix.

"That's me. Two years old ako niyan. Ang cute ko 'no?"

Manghang napatitig sa kanya si Romulus. "Seryoso? Ikaw ito?"

"Yeah." Bumaba ang tingin niya sa larawan at inabot ng kamay.

"Hindi ko kilala ang lalaki. Pinahawak lang daw ako ni mom—"

"Because your mom needed to go potty and she had no choice but to let mom look after you. But you wanted me to hold you, and when I did, you stopped crying."

Nag-angat si Beatrix ng tingin kay Romulus. "What?"

"Ako ang batang lalaki na 'yan. Ang payat ko lang diyan at medyo jaded dahil hindi ko pa matanggap na naging Lycan na ako."

Namilog ang mga ni Beatrix. "What?" Muli lang niyang nasabi.

"Yes." Marahang natawa si Romulus na hindi makapaniwala. Niyuko niyang muli ang larawan. Hinaplos niya ang mga mata. Mabilis na tumibok ang puso niya nang maalala ang sinabi ni Siera na kaya nitong kontrolin ang damdamin ng dalawang taong nagmamahalan. She knew and she controlled their emotions. Iyon ang eksplinasyon kung bakit parang aso't pusa sila ni Romulus noon.

"Ring gold will appear in the first meeting of two individuals who are destined to be together," aniya sa mahinang boses. Dahan-dahan na nag-angat ng tingin si Romulus at Beatrix sa isa't isa. Pinuno ng emosyon ang kanilang damdamin nang magtagpo ang kanilang mga mata.

"We're mates," sabay na usal ni Beatrix at Romulus at sumabay ang pagbagsak ng luha mula sa kanyang mga mata sa matinding kaligayahan.

***
Maraming salamat po sa lahat ng sumabay sa akin sa story na ito. One of my main motivations is when I felt like my readers are with me throughout the writing process. Kaya maraming-maramimg salamat! This is the last chapter. Baka ma-late na muna ang epilogue, isulat ko muna ang DOM.

If you guys have time please visit and follow me on my socmed account
FB: Whroxie WP
Fb page: Whroxie's Update

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 5.3K 3
Sapul nang ma-brokenhearted sa una at pinakaseryoso niyang nobyo, yearly ay naging panata na ni LJ ang magsagawa ng fundraising event tuwing kaarawan...
975K 19.6K 9
I'm Denaley Brel Siyreen Montevedre, ang dyosa na nakalaan lamang para kay Rushmore Chandler. Kailangan iyon makita ng binata. Na sa isang Den Montev...
259K 10.3K 42
Isang matapang na katipunero kung tawagin si Andress Damazo. Ngunit magsilbi kaya ang angking katapangan nito kung mababahag naman ang kanyang buntot...
2.7M 6.9K 3
Isa na marahil sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng isang babae ang hindi siputin ng kanyang groom sa mismong araw ng kanilang kasal. At iyon m...