Kristine Series 25 - Have You...

By MarthaCecilia_PHR

109K 2.6K 509

Nang unang masilayan ni Serena si Jared Atienza ay nakita niya rito ang kalutasan ng mga suliraning iniwan sa... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
14
15
16
17
18

13

3.1K 109 2
By MarthaCecilia_PHR


"KUNG paano kayo nakatatagal sa init dito'y hindi ko maintindihan," padabog na sabi ni Christian na sumungaw sa silid ni Tiya Adel sa ibaba. Ni hindi ito kumatok. Si Serena na pinapanood ang pagtatahi ng matandang babae sa sirang mantel ay biglang napalingon sa pinto.


"Christian?""Kahit ang sala'y madilim!" patuloy ang reklamo nito.


"Ngayong alam mo na ang pinansiyal na kalagayan natin ay inaasahan kong maiintindihan mong nagtitipid tayo sa kuryente, Christian," banayad niyang sabi rito. "Bakit hindi mo na lang buksan ang lahat ng bintana sa silid mo? Malakas ang hangin sa itaas."


"Anak ng...! Kahit television ay wala. May radyo man ay AM pa! Umaasa akong sa pag-uwi ko'y katapusan na ng paghihirap ko! Iyon pala'y higit pa ang dadanasin ko sa pesteng bahay na ito." Tinitigan siya nito nang matalim. "Tingnan mo ikaw, paypay ka nang paypay diyan na parang loka. Buksan mo iyang ceiling fan!"


Itiniklop niya ang abaniko at napabuntong-hininga. "Kunin mo ang electric fan sa silid ko. Gamitin mo.""Ipagbili mo na ang natitirang pag-aari ng aking ama, Serena, at sa Maynila na tayo manirahan. Magnegosyo tayo... kahit na ano.""Pero, Christian—"


"Ang malabong kalutasan ng suliranin nati'y hindi na nagbalik!" paismid nitong sabi. "Natitiyak kong alam ng mga Atienza ang pinansiyal nating kalagayan. Sino ang gustong makapag-asawa ng isang babaeng may nakakargang malaking pagkakautang sa mga balikat?!""Christian, please..."


"Nauubos ang mga araw, Serena," babala nito at pagkatapos ay tumalikod at lumabas ng silid.Naiwan sila ni Tiya Adel na nagkatinginan. Siya ang unang nagbaba ng tingin, tumayo at tinungo ang bintana at sige pa rin ang paypay nang wala sa loob. Natetensiyon siya. Tatlong araw na ang lumipas at hindi na muling nagbalik si Jared sa Hacienda Manzanares.


Kung tutuusin ay hindi na mapakali si Serena. Nauubos ang isip niya sa paghahanap ng dahilan kung paano sila magkikitang muli at kung paano makatatawid sa kabilang asyenda nang hindi siya magmumukhang kahiya-hiya.


She wasn't so naive as not to realize that Jared was attracted to her on day one. Kaya natitiyak niyang walang dahilan upang hindi ito makipagkitang muli sa kanya. Unless that kiss really meant nothing to him.


Pero nangako itong babalik kinabukasan—na hindi nangyari. Maaaring may girlfriend itong iniwan sa Maynila, and Jared was the faithful type.


Na lalo lang nagpasakit sa loob niya dahil ang dalawang naging kasintahan niya'y parehong sinungaling at mandaraya. And it wasn't fair that a rich man like Jared could be faithful to whoever was his girlfriend.


"Tama si Christian, Serena," komento ni Tiya Adel habang muling pinaandar ang makinang panahi. "Lamang, hindi ko gusto ang paraan niya ng pakikipag-usap sa iyo. Tinalo pa niya ang hari kung umasta."


"Nag-iisip tuloy akong tumawid na sa kabilang rancho, Tiya..." nag-aalangang sabi niya."Kalimutan mo na ang kalokohan mong iyan sa lalaking Atienza at wala ring mangyayari." Napabuntong-hininga si Tiya Adel. "Hindi kita naiintindihan. Sa loob ng nakalipas na panahon ay wala kang solusyon sa panggigipit ng bangko. Alam nating pareho na kung hindi sa pagkailit ay mapipilitan kang ipagbili ang lupain. Ano at gusto mong ubusin ang natitirang araw?""I cannot sell the house, Tiya Adel. Kung sa kahuli-hulihang araw at wala akong nagawang paraan, the land will be sold. Pero hindi ang bahay at ang mismong lupang kinatitirikan nito. Ipagbibili ko ang bahay natin sa Quezon City para sa villa. Naipaliwanag ko na kay Attorney Vidal ang bagay na iyan. Tutal ay hindi sagabal ang bahay sa kung sino man ang bibili ng lupain, kung sakali. This house was almost near the public road."


Tumingin siya sa kadiliman sa labas na para bang naroroon ang kalutasan ng suliranin niya. "Bago namatay ang Papa, sinabi niyang huwag ko itong ipagbili..." usal niya sa gumagaralgal na tinig. "Isipin pa lang na mawawala sa atin ang bahay na ito ay nagsisikip na ang dibdib ko. Maraming taon ng aking kabataan... namin ni Christian, ay ginugol sa asyendang ito...""Ako ma'y dito na tumanda, hija. Pero may magagawa ba tayo? Isa pa'y ibang Christian na ang kaharap natin ngayon. Nasanay na siya sa Maynila kaya gusto niyang doon na manirahan. At tama siya, maaari tayong magsimulang magnegosyo roon. Walang silbing manatiling sentimental..."


Nilingon niya si Tiya Adel subalit nakayuko ito sa tinatahi. Alam niyang sinasabi lang nito kung ano ang dapat pero natitiyak niyang hindi nito kailanman gugustuhin ang buhay sa Maynila."Kung sana ay alam ko kung saan nakatago ang mga alahas ng Papa..." she whispered in the dark.


Umangat ang mga mata ni Tiya Adel sa kanya. "Alam ba ni Christian ang bagay na iyan?"Umiling siya. "I... don't think he knew about the choker's worth. At hindi ko alam kung alam niya ang tungkol sa iba pang mga alahas. Baka sa nakalipas na panahon ay nalimutan na niya iyon.""Napuna ko kasing nanggaling siya sa attic nitong nakalipas na mga araw. Bukod pa roon ay hinalungkat niya ang mga gamit ng mga magulang mo na nakaipon sa silid sa ikatlong palapag, gayundin ang mga silid sa bahay na ito."


Sandali siyang nag-isip. "Hindi niya ako tinatanong tungkol sa mga alahas. Maaaring gusto lang ni Christian na makita ang mga lumang gamit na magpapaalala sa kanya ng kanyang kabataan, Tiya. Marahil ay sinisikap niyang hulihin ang mga nawalang taon sa buhay niya."


Nang hindi kumibo si Tiya Adel ay nagpatuloy siya. "At hayaan ninyo siya. Ano ang malay natin baka sa pamamagitan ng ginagawa niya'y mahanap niya kung saan itinago ni Papa ang mga—""Ate Serena," tawag ni Elvie na sumungaw mula sa naiwang bukas na pinto ni Christian. "May bisita po kayo. Si Mr. Atienza po."


Pinigil niya ang pagkawala ng singhap. Hindi niya nais na makita ng katulong ang kagalakan sa mukha niya. "P-papasukin mo, Elvie."


"Nakita ko pong nagtungo siya sa kuwadra, Ate."


Tumango siya. Nang tumalikod ang katulong ay nilingon niya si Tiya Adel, pumuno ang kasiyahan sa mukha niya. "Huwag kayong kumontra, Tiya. Baka may pag-asa pa. Ang dapat ninyong gawin ay tulungan ako," aniya sa desperadong tinig.


Napailing na lamang ito nang bigyan niya ng sulyap ang sarili sa salamin sa lumang aparador nito. Inayos niya ang buhok, at pagkatapos ay nagmadaling lumabas.



***************Ano ang mga latest chika ngayon mga bes, di na kasi ako updated. :( - Kuwentuhan n'yo nga ako parang ang daming happenings ang na miss ko dito. huhuhu so sad na ako chariz hahaha. - Admin A *********************

Continue Reading

You'll Also Like

33.1K 497 66
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
720K 36.9K 20
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
7.2M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...