CLARA
Ilang minuto narin ang nagdaan, at nanatiling masama parin ang tingin ng prinsesang na nag ngangalang Syria. Di naman ako umimik at nag hahanap ng pagkakataon na makaalis sa sitwasyon ko.
Di rin ako nag atubiling mag baba ng tingin para iparating sa kanya na wala akong ginagawang masama sa fiancee nya. Wala nga ba?... Parang wala naman talaga!
"Mawalang galang ngunit bakit kayo magkasama, Prinsepe damian?" tanong nito habang nagpalipat lipat ng tingin. Sumulyap ako sa katabi ko at nakakamanghang nagawa nitong mabilis na mabago ang emosyon at naging pomal habang nakatayo ng maayos sa harap ng prinsesa. Marahang yumuko pa ito dito bilang pag bati.
" Nagtanong lang ang binibini, Tungkol sa misyon at kalagayan ng kanyang kapatid." napabuntong hininga naman ito at sinuri ang kabouhan ko, tinaasan ko naman sya ng kilay, bastos to ah!
"Syria.. Ano ang iyong pakay saakin?" Kaswal na tanong ng prinsepe dito, lumingon naman sya sa lalaki ngunit sumulyap pa muna ulit ito saakin bago tuluyang hinarap ang prinsepe.
"Pinapaabot ng aking ina ang liham na ito para sa emperatris." at inabot nya ang isang liham na nakalagay sa isang transparent tube na may asul na lid. Bagot ko lang sila na pinagmasdan.
"At isa pa po mahal na prinsepe, Papaalahan langkita na mamayang gabi ay may gaganaping piging para sa mga membro ng Octagram at sa mga studyanteng bagong Crystal Knights bilang pag bigay ng parangal sa pagiging ganap na Holy knight." Seryosong saad nito, patango tango naman ang prinsipe sa kanya at mula silang nags-usap tch!
Crystal knights? Iyon ba ay ang ranngo ng isang ganap na holy knight? Maghahanap ako ng libro tungkol dun.
"Maraming salamat Syria." saad nito at tipid na ngumiti
"Walang anuman iyon.. Kahit ano basta para sa iyo mahal na prinsepe ." malambing na saad nito. "Kumusta pala ang iyong araw?.." dagdag nito na ikinairap talaga ng mata ko.
Di na ako interesado sa ibang pinag uusapan nila at sinubukan nalang humakbang palayo! Maglalandian na nga lang sa harapan kopa talaga!
Medyo nakalayo narin ako sakanila ngunit agad din namang napahinto ng tinawag ng prinsepe ang pangalan ko. Napapikit nalang ako sa inis at nakangiting humarap dito. Nagpipigil.
"Bilang Kapatid ka ng membro ko ay pahihintulutan kitang dumalo sa piging mamayang alas dyes bilang kumakatawan Kay Ginoong Cale at sa inyong Tahanan."
"Ngunit prinsepe?!" Nagulat naman ako ng mag react si syria,napalingon ako dito ay seryoso ko itong tinignan, nagtataka naman agad ang prinsipe sa naging asal nito. "Paumanhin, hindi ko sinasadya... kung iyon ang iyong nais, ay yun ang masusunod." Nagbaba na ito ng tingin, mukhang napahiya pero di nakaligtas sa mata ko ang pagkuyom ng kamao nya sa ilalalim ng damit. Napangiwi nalang ako sa pagiging selosa nya.
Humarap ako sa prinsepe at marahang yumuko.. Pag angat ko ay seryoso lang itong nakatingin saakin.
"Paumanhin, Prinsepe damian ngunit maari bang hindi nalang ako dumalo? Marami pa akong gagawin bagay. Kung ito'y iyong marapatin?" magalang na saad ko dito.
"Paniguradong dadating rin ang mga opisyales ng emperyo, kasama na dun ang iyong ama? Hindi ka parin ba dadalo?" Tanong nito. Black mail ba to? E ano naman kung dadating erpats ko? Di naman yun yung tipong tatakbo papunta sakin pag nakita ako dahil sa sobrang galak!
At bakit ang pormal nya mag salita! pakiramdam ko tuloy bawat buka ng bibig nito ay hindi pwedeng tanggihan, Grabe yung pinaparamdam nyang otoridad
Nanatili akong tahimik at di na nagsalita. Narinig ko ang pagbuntung hininga nito.
"Kung iyon ang iyon nais, ay nararapat lamang na respetuhin ko ito, ngunit kung magbago man ang iyong isip ay manantiling bukas ang Gazeebo na syang gaganapan ng piging. Magandang hapon binibini." Yumuko ito saakin bilang Pamamaalam at naglakad na palayo, sumunod naman sa kanya si Syria, nagawa pa nitong sumulyap saakin at tinatakot ako sa tingin. As if naman madadaan nya ang isang gaya kong pulis sa tinginan!
Inambahan ko sila ng tadyak at suntok sa ere nang nakalatikod na ito saakin at nakalayo layo. Isa pa yung lalaking yung! May bipolar disorder ba sya, lakas maka mood shift ah!
Pero may mga ganyang kaso talaga, malay natin, 'defense mechanism' nya lang yun para hindi sya maliitin ng iba. Nag anga nalang ako ng tingin sa langit na nagsimula naring dumilim. Mas Mahirap siguro ang buhay nya hays! Dapat lang talaga na hindi ako nag rereklamo.
Narating ko ang silid ko at nakahawak na ako sa knob nng pinto! Malakas kong binagsak ang pintuan pabukas dahilan para mapatalon naman sa gulat si lena! Natapon nya pa sa ere ang lahat ng damit na gawa nya. Nagpigil naman ako ng tawa at pinilit ang sarili na maging seryoso.
Pfft!
"Binibini naman!" reklamo nito at pinulot ang mga nagkalat na binurda nya. "Oo nga pala binibini, may natanggap akong liham na ipinadala galing sa iyong ama. Di ko po yan binasa." Sagot nito at duda naman akong tumingin dito. Tinuro nya kung saan ang liham at nakapatong ito sa mesa kalakip ang isang kahon. Diko na pinagtuunan pa ang kahon, agad kong Binuksan ang liham at binasa.
Napasapo nalang ako ng noo nang mapagtanto ang nakalaad sa liham. Ito yung gaganaping piging na tinanggihan kolang kanina. Gaya ng sinabi ng prinsepe ay ako raw ang tatayong kumakatawan ng aming tahanan at sa aking kapatid. Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa kawalan ng gawa. Hooo!
Dumating na ang pagkain namin at agad naman itong inabot ni lena at itinulak palapit sa mesa na pinagpatungan. Kinuha ko ang kahon at nilapag nya na ang mga pagkain.
"Ang ulam mo ngayon ay karne ng Perro.." nakangiting saad nito at nanlaki naman ang mata ko na sumulyap sa pagkain.
"Biro lang po kita binibini," natatawang saad nito. Aba si lena nagbibiro na. Di ibig sabihin mas matanda sya saakin sa katawang ito ay bibiruin nya na ako sa aso. Kadiri kaya nun.
"Eh kung biruin din kita ng sampal?" sagot ko dito at agad naman itong napatakip ng pisnge at sindak na tumingin saakin.
"Biro lang e! Masyado kasing malalim ang iyong iniisip...Oh kumusta nga pala yung liham? Dadalo kaba?" tanong nito dahilan para mapangiwi nalang ako.
kakasabi nya lang na di nya binasa ang liham tapos tatanungin ako kung dadalo ba ako. Napabuntong hininga nalang ako sa kanya at iling iling na nag patuloy sa pagkain. Ang dami na namang nangyari para sa araw nato. Lord isang buwang normal na araw naman na katahimikan ang ibigay nyu saakin.
Kasalukuyan akong nakatingin sa bistidang pinadala ng aking ama para saakin. Hawak ito ni lena habang ako naman ay sinisipat kung babagay ito saakin.
Isa itong blended color na gown na gawa sa mamahaling tila at talagang maingat ang pagkagawa.
Napasinghap nalang ako ng makitang backless ito. Okay lang ba talaga to? MALAMANG ipapagawa ba ito kung hindi pwede! Mukhang mga lalaki lang ata ang conservative sa mundong ito.
"Naku Binibini! Ang gandaa, paniguradong babagay ito sayo." Masayang saad nito at nilapit sakin ang damit, mistulang sinusukat.. Napatingin naman ako dito at ang ganda nga!
"Talaga Lena.. ?" pangungumpirma ko dito at masaya naman itong tumango.
Lagi talaga akong concious sa mga sinosoot ko. Kahit hindi ako nakaranas ng magkaroon man lang nang kabiyak sa dati kong mundo ay hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko. Sa katunayan ay ilang lalaki narin ang binasted ko sa panliligaw. Kulang ang sampung dalari para sa bilang!
Sinumulan kung alagaan ulit ang kutis ko nung nakatanggap na ako ng trabaho sa isang regional office! Kaya laking pasasalamat ko talaga Sa doktor namin sa mundong ito na kayang manggamot ng peklat tch!
"Naku tiyak ako binibini, tinitiyak ko sayo na maraming mahuhumaling na mga ginoo at prinsipe sa iyong ganda" Tuwang tuwa talagang saad nito.
Hindi naman ako pupunta dun para mang akit! Paki alam koba sa kanila. Kumakatawan lang ako sa aming tahanan dahil isa akong grosvenor at ayokong tangihan ang hiling ng aking ama.
Alas dyes pa gaganapin ang piging kaya naisipan ko munang magpahinga, nagbilin ako kay lena na gisingin ako sa isang oras.