"To Be With Them is Enough"

By Nhicheey_20

4.7K 102 174

Nhicheey ๐Ÿ๐Ÿฆ‹๐Ÿ–ค THIS STORY IS ABOUT LOVE AND BETRAYAL INCLUDING THE TRUSTING AND FORGIVING SOMEONE. " To Be W... More

"To Be With Them is Enough"
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 17

60 3 0
By Nhicheey_20


Kakayari lang maligo ng bawat isa samen at papunta kami ngayon sa isang kubo na nakita daw nila Diem kanina nung nagtatakbuhan kami.Buong section namin ay sumama saka yung dalawa na si Hilz at Lyhou pero si Nat ay pumunta muna ng office dahil daw may bisita daw ito doon at susunod na lang.

" Anong oras na ba Nhuu? " tanong ni Viz saken.

" Mag aalas tres na, baket? " sagot ko dito habang naglalakad.

" Walang kasama si Nat papunta dito.Alam ba nya ang daan? " napatigil kaming lahat sa paglalakad ng tanungin yun ni Viz saken.

Ngayon ko lang din naisip na hindi din alam ni Nat ang daan dito dahil kami ang magkakasama kanina.Sila Diem lang ang sinusundan namin ngayon papunta sa kubo.

" Edi ako, babalikan ko na ngayon baka nandun na din yun." saad ko pero sino naman kasama namin mamaya na magtuturo ng daan.

" Sigurado ka? Si Yana kasama namin kanina gusto mo isama mo sya." agad namang pumayag si Yana sa sinabi ni Ashie na yun kaya pinauna na namin silang pumunta dun.

Babalik kami para sunduin si Nat at saka baka makita pa namin kung sino yung bumisita sa kanya.Paniguradong hindi sila Kuya Yim at James yun dahil sasabihin naman nya yun saken kung pupunta sila.

Habang naglalakad ay parehas lang kaming tahimik at wala man ata kahit isa samin ang gustong magsalita.Naging awkward bigla yung atmosphere sa pagitan namin.Hindi ko naman sya masisisi dahil alam kong nahihiya sya saken at ganun din naman ako.

" Kumusta pala yung sugat mo? Magaling na ba? " basag nya sa katahimikan kaya nakahinga na ako ng maluwag.

" Hindi pa pero gagaling na din ito." sagot ko sa kanya at nginitian sya.Baka akalain nya kase ay masungit ako dahil sa tono ng boses ko.

Mabuti na lang at hindi pa kami nakakalayo at agad na naming nakita si Nat na may dalang isang medyo malaking kahon at may unan pa sa ibabaw nun.

Sumenyas ito samen na ilalagay lang nya sa place namin yun at hintayin na lang daw sya dito.Hindi ko sana sya susundin dahil nandito sila Zee nakatambay pero naalala ko na may kasama nga pala ako.

" Hi New!! "

" San kayo pumunta? "

" Tatambay din ba kayo dito? "

" Si Zee ba hinahanap mo? Eto sya oh."

Tanong nila isa isa kaya umiling iling ako sa mga ito bilang sagot.

" Dito muna tayo." saad ko at inalok ng upuan si Yana na agad namang nagpasalamat saken.

Habang naghihintay kami dito ay tanong din ng tanong ang mga kasama ni Zee na maglinis.Nginingitian ko lang sila at binabalik agad ang atensyon kay Nat na papunta na sa gawi namin.

" Babe!! Punta na kami dun.I love you." paalam nung Chie kay Zee at hinalikan pa sya sa pisngi.

Ewan ko kung ako lang nakapansin pero parang wala lang pakialam si Zee dun at hindi pa din tumitinag sa pagtingin saken.Ako na nga ang umiwas ng tingin dahil baka mamatay pa ako sa mga titig nya.

" Yana, malamok ba talaga kagabi? " walang kwentang tanong ko sa katabi ko.

" H-huh? Medyo lang naman tas mainit din.Baket mo natanong? "

" Baka kase magkasakit tayo ny-- ouchh!! " daing ko ng humarap ako ng bahagya kay Yana at tinukod ang kamay ko na may sugat sa isang puno.

" Why? Are you okay? " nag aalalang tanong ni Yana saken.

" What happened? " tanong naman ni Nat na kadarating lang.

Tiningnan ko ang kamay ko at nakita naman agad namin na dumudugo yun.Katangahan ko kasi, yan tuloy nadagdagan na naman ang sugat ko.

" May dala ka bang panyo dyan Yana? " umiling agad si Yana kay Nat kaya kinapa din nito ang bulsa nya.

" Excuse lang, may panyo ba kayong dala dyan? Yung hindi pa sana masyadong gamit, kailangan lang."

Pagkatanong ni Nat sa mga star section ay binalik din nito ang atensyon nya sa sugat ko.Tumulong din ito sa paghipan dahil sobrang hapdi sa pakiramdam.Para akong tinusukan ng mga maliliit na tinik.

" Anong nangyare? "

" Si New kinagat ng dinosaur!!? " rinig naming sigaw sa may bandang likod dahil nagkukumpulan na sila sa paligid namin.

" Eto oh." agad na nagpasalamat si Nat sa nagpahiram at agad na pinunas yun sa mga dugo na nasa palad ko.

" Nhuu, hindi magandang design sa katawan ang sugat kaya umayos ka." sermon ni Nat saken habang nakakunot ang noo nito.

" Sorry.Hindi ko naman sinasadya, kasalanan nung puno hindi nya ako binalaan na wag akong hahawak dun." saad ko at nagtawanan naman sila Yana dahil dun.

" Mas okay kung tatalian natin yan para huminto ang pag bleed nya." napatingin naman kami sa nagsalita.

Si Zee yun na may hawak din na panyo pero punit ito ng medyo maliit at mukha talagang pangtali sya sa sugat nya.Agad pinalayo nila Nat at Yana yung ibang nakikitingin at binigyan ng espasyo si Zee ng lumuhod ito.

Inabot nito ang kamay ko at hinipan pa ng ilang beses ang bahagi na may sugat.Kila Nat ako nakatingin dahil ayoko syang tingnan na ginagawa yun.Hindi kapani paniwala at hindi din ako sanay.Ito ang unang beses na may nangyaring ganitong eksena sa pagitan naming dalawa.

" Aww!!! Masaket!! " daing ko ng wala sa oras at hinipan yun ng sunod sunod.

Nilagyan nya pala ng alcohol kaya ang sakit.Akala ko maglalagay lang sya ng panyo pero bakit parang naging doctor na sya sa ginagawa nya.

" Grabe napaka aggressive pala ni New..sobrang sakit ba? " tanong ng isang estudyante saken at nakatingin sa braso nitong kumag.

Agad ko namang binawi ang kamay ko na nakahawak ng mahigpit sa braso nya.Halos mamula na yun dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.

Natakpan ko na lang ang bibig ko dahil sa hiya.Kasalanan naman nya dahil pabigla bigla sya sa ginagawa nya.Buhusan ba naman ng alcohol yung sugat ko edi ouchh talaga mararamdaman ko.

Anlayo pa ni Nat sakin kaya wala akong makukurot dahil sa hapdi na nararamdaman ko.Tumingin pa si Zee saken at binawal ako na wag masyadong malikot dahil namimilipit na ako sa hapdi.Nilalagay na kasi nya sa ayos yung panyo at itatali na.

" T-teka!! Ayusin mo naman kase nasasaktan ako." reklamo ko sa kanya.

" Talagang masasaktak ka kung hindi mo ipipirmi yang katawan mo." medyo naiinis na sabi nito at hinigpitan ang hawak sa pulsuhan ko.

" Ang saya pala manood ng away mag asawa.Para silang aso at pusa kapag nagagalit." agad naman akong napatingin sa nagsalita na yun at kunwaring inis syang tiningnan.

Pinaikot na nito ang panyo at saka dahan dahan ng tinali ang magkabilang dulo nun.Halos di ko na maisara ang kamay ko dahil sa sakit ng sugat ko.

" Tara na, hinihintay na nila tayo dun." aya ko sa kanila at tumayo na.

" Ayy, ganun lang yun? "

" Wala man lang thank you? "

" Siguro may lq sila kaya ganyan."

" Ano yung lq behh? "

Tiningnan ko naman si Zee na mukhang naghihintay din sa sasabihin ko.Tinaasan ko lang sya ng isang kilay at inabot na ang kamay ni Nat na malawak ang ngiti sa isang gilid.

" Grabe wala talagang thank you."

" Baka nahihiya lang sila saten."

Nakaramdam naman ako ng kaunting konsensya dahil sa mga sinasabi nila kaya humarap akong muli kay Zee para sana pasalamatan sya kahit papano.

Hindi ko naman ikamamatay ang isang
" thank you " diba?

" Just a kiss on my cheek is enough." sabi nito at tinuro pa ang kanang pisngi nya.

Umingay naman ang paligid habang ako ay di makapaniwala syang tinitingnan.Sinuswerte naman ata sya sa gusto nyang yun saka never ko gagawin yun sa kanya.Nahalikan na yun ng gf nya baka mamaya mag laway pa yun na naiwan.

Hindi naman sa maselan ako..parang indirect kiss ko na din yun kase with that girl.Ang tapang din nya at sa maraming tao pa nya ni request ang bagay na yun.

" Kiss daw sa cheeks." rinig ko pang sabi ng mga kaklase nya.

Nilagpasan ko lang sila at pumunta na din sa gawi ni Yana para ayain na itong umalis.

" Thank you." sabi ko dito bago tuluyang umalis.

Hawak hawak ko sa magkabilang kamay sila Yana at Nat habang naglalakad ng mabilis.Para akong bata sa ginagawa kong paglalakad.

" Okay ka lang ba? Bakit namumula yung mukha mo? " tanong ni Nat na halatang nagpipigil ng ngiti nya.

" Mainit kase." sagot ko sa kanya at agad naman  itong tumango na para bang hindi kapani paniwala ang dinahilan ko.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad dahil baka naghihintay na sila dun samin.Nagtagal pa tuloy kami dahil sa katangahan ko.Ang usapan ay susunduin lang namin si Nat at hindi dagdagan ang sugat ko.

Someone's POV

Nandito ako sa tent ng star section para maghatid ng gamit pero napatago ako sa isang gilid ng marinig ko ang pinag uusapan nila.

" Hindi ako sigurado but let's try it baka sakaling gumana." rinig kong sabi ni ate sa kausap nya.

" Kanino mo ba nakuha kase ang info na yan? " tanong naman ng isang babae.

" Sa step sister ko.Narinig ko lang sa kanya nung may kausap sya sa phone nya."

" Don't worry girls, may back up akong dala para matuloy talaga ang plano natin."

" Lason tohh diba? Myghad."

" Pang design lang naman yan kung sakaling hindi gumana yung una."

Ano!!? Lason? Para saan? Bakit meron sila nun? Diba bawal magdala ng ganun? Napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa takot na masabi ko ng malakas ang mga tanong sa isip ko.

" Let's go? * laugh * " agad kong ginamit na pangtakip ang kumot na bibigay ko sana sa ate ko dahil sinabi ni Dad saken na nagchat daw ito sa kanya para padalhan sya.

Unti unti kong tinanggal ang kumot sa mukha ko at nakita ko naman na nakalayo na ito saken.Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay makikita nila ako kapag lumabas na sila sa area nila.

Ano bang gagawin nila at may dala silang ganun? Siguro ay may gagawin silang experiment na parusa sa kanila ng mga teachers dahil kasama sila sa nareport.

Sinigurado ko munang nakalayo na sila ate bago ako naglakad pabalik ng tent ko.Nagtataka ang mukha kong pumasok sa loob para ibalik ang kumot sa bag ko.Pagkatapos ay kumuha ako ng isang mansanas sa lamesa at saka lumabas para tumingin tingin sa paligid.

Hindi naman mawala sa utak ko yung mga narinig ko kaya habang naglalakad ay iniisip ko na din ang mga posibleng pwedeng gawin sa lason at bakit may dala sila ate ng ganung bagay sa camping namin.

Nunew's POV

" Masakit pa ba? " tanong ni Lyhou saken habang hinihilot ng dahan dahan ang kamay ko.

" Medyo lang." nakangiting sagot ko sa kanya kahit ang totoo ay kumikirot iyon.

Inabutan ako ng isang saging ni Ashie na binalatan na din nya dahil nga sa may sugat ako at sumasakit yun kapag nagagalaw ng sobra.

" Sayang nohh wala yung selpon natin.Makapagpicture sana tapos yung tayong lahat para may bago tayong ilalagay sa classroom bago tayo grumaduate ngayong taon." ani ni Niyen na nakahiga sa sanga ng puno.

" Ganda siguro sa umaga dito.Kitang kita mo yung paglabas ng araw." sabat naman ni Diem sa isang gilid.

" Hapunan ang hinihintay ko..ano kayang ulam for tonight? " tanong ni Yui sa hangin dahil wala namang pumansin sa tanong nya.

Nakaupo kami dito sa loob ng kubo habang kumakain ng kung ano anong prutas na napitas lang namin sa mga puno na nadaanan namin.Syempre gaya ng sabi ni Lyhou kanina, hindi namin kinuha lahat para may matira pa at may mapakain sa mga hayop na nakatira dito sa gubat.

" Anong oras tayo uuwi? " napatingin naman ako sa labas ng magtanong ang isa sa mga kaklase ko.

Lumubog na ang araw at padilim na din kaya kailangan na namin bumalik dahil maglalakad pa kami.

" Tara na siguro.Marami pa namang duwag saten." pag aaya ko sa kanila.

" Karamihan kayong mga lalaki." agad na sabi ni Anhgel samen kaya natawa ang iba naming kaklase na babae.

Dahil nga napag usapan na ang mga duwag samen ay dinagdagan na din nila ng kwentuhan ng nakakatakot habang naglalakad kami.Mukhang nakikisama naman yung ingay ng mga hayop sa paligid gaya na lang ng mga ibon na lumilipad sa paligid ng mga puno.

Isa isa silang nagkwento kahit hindi na mukhang true to life ang sinasabi ng iba.Gusto lang kase nilang takutin yung iba gaya nitong katabi ko na si Ashie..halos buhatin na lang namin sya ni Viz dahil sa ginagawa nyang pagtatago sa likod namin.

" Umayos ka nga.Nandito na tayo." sabi ko dito at pinauna syang pumasok sa loob ng place namin.

Halos nasa labas na lahat yung mga estudyante kaya nagmadali na kaming pumasok sa tent para ipasok muna yung mga selpon at gadgets namin.Isa isa na din kaming sumunod sa pila pagkalabas namin ulit at kumuha na ng pagkain.

Nagkahiwa hiwalay naman kami ng mga kaklase ko kaya hinanap ko na lang sila ng matapos na akong kumuha ng pagkain ko.

" Nasan na ba yung mga yun? " tanong ko sa sarili ko at tumingin tingin sa paligid.

Muntik namang tumapon ang mga nasa plato ko ng biglang may humitak sa kamay ko papunta dito sa likod ng isang puno.

" Ano bang problema mo? Akala ko holdaper kana." inis na bulong ko kay ng maaninag ang mukha ni Zee kahit medyo madilim na.

" How's your wound? " tanong nya habang may kinukuha sa bulsa.

Hindi ko sya sinagot at sa halip ay lumapit ako sa kanya.Inamoy amoy ko yung damit nya dahil ang bango nya, bagong ligo din ito at halata naman sa buhok nyang basa.

" What are you doing? " rinig kong tanong nya ulit saken.

" Nothing.Baket mo nga pala ako hinila dito?" hindi ko naman makita kung ano yung hawak nya kaya kinabahan ako bigla.

" Don't tell me!? May binabalak kang masa-- " galit na sabi ko dito at agad naman nyang tinakpan ang bibig ko.

" Wag ka ngang sumigaw." bulong nya saken.

Inabot nya ang kamay ko at tinanggal ang panyong tinali nya dun kanina.Nagtali sya ng panibago at sinigurado pang nakaayos yun ng lagay.

Nang matapos sya ay hindi nya agad binitawan ang kamay ko.

" I'm looking at you from afar so always choose to behave." bulong nyang muli at saka hinalikan ang kamay ko.

Ilang segundo ko pa syang tiningnan bago marealize ang ginawa nya.Binawi ko agad ang kamay ko at aalis na sana ng bigla akong may nakalimutan.

" Can I do it again? " nagdadalawang isip ko pang tanong sa kanya.

Hindi naman ata nya na gets ang tanong ko kaya ako na mismo ang gumawa nun.Lumapit akong muli sa kanya at saka inamoy ang damit at leeg nya.Mahilig kase ako sa mga pabango lalo na sa mga taong mababango pero syempre yung hilig ko na umamoy sa katawan ng isang tao ay ginagawa ko lang sa mga kakilala ko.

Nagpasalamat lang ako sa kanya at umalis na din.Agad ko namang nakita sila Ashie na kumakain kaya dumiretso ako sa kanila.Sakto namang magsisimula pa lang sila ng dumating ako kaya umupo na din ako para makakain.

" Sarap grabe!! " bulalas ni Niyen at saka ngumiti ng malawak.

" San ka ba galeng? Bigla ka na lang nawala." tanong naman ni Nat saken bago ako sumubo.

" Natagalan lang sa pagkuha." saad ko dito at tinuro ang pagkaing nasa plato ko.

Nahagip naman ng mata ko si Zee sa diretso na abala din sa pagkain kasama ang mga kaibigan nya.Agad din akong umiwas ng tingin ng makita nyang nakatingin ako sa kanya.Kitang kita pala ako sa pwesto ko na tohh.

Panay naman ang kwentuhan nila habang kumakain kami kaya nakinig na lang din ako sa kanila.Napatitig naman ako sa plato ko dahil hindi ko gusto ang mga pagkaing nakuha ko.Andami pa namang nakalagay dun pero kaunti na lang naman ang natira.

" Mas masarap pa yung ulam natin kanina kaysa sa ngayon."

" Daming luya.Muntik ko ng pangalanan na Nilagang Luya yung ulam naten."

Rinig kong reklamo ni Yui na nasa harapan ko nakaupo.Nagtawanan naman sila Ashie at nilagyan pa ng luya sa plato yung isa.

" Yari ka na bang kumain nun, Nhuu? " tumango lang ako kay Diem ng magtanong ito.

Hinintay ko lang matapos ang iba at sabay na nagpunta sa hugasan.Marami din ang gumagamit ng tubig kaya sari sarili kaming hugas ng plato.

" You didn't finish your food? " sulpot na tanong ni Zee sa kung saan.

" Edi ubusin mo kung gusto mo.Hindi sya masarap para saken." bulong ko sa kanya at saka sya nilayasan.

Nauna na akong pumasok sa loob para ayusin g higaan namin.Hindi na kasi nalinis kanina dahil nga sa abala kami buong araw tas tanghali pa ako nagising.

Sunod sunod na kaming nakumpletong magkaklase.Kulitan pa din sila ng kulitan kahit gabi na.

* Phone Ringing *

Kinuha ko sa bulsa ng bag ko yung selpon at tiningnan kung sino ang tumatawag.Pinatay ko lang yun ng makita ang pangalan nya.Nagpaalam muna ako kila Viz na lalabas lang saglet para pumunta ng cr at maghilamos.

Hindi ako dumiretso sa cr kung hindi sa nilinisan namin kanina.Tinawagan ko ulit yung number kanina at hinintay iyon na sagutin.

* Young master, it's me your attorney.* pagpapakilala nya.

" I know, nakita ko yung name mo sa screen.Marami kasing makakarinig satin kanina nung tumawag ka kaya lumabas muna ako." paliwanag ko naman dito.

* I just want to know kung sure ka na ba dun sa pinapaasikaso mo saken.*

" Sa tingin ko naman, ready na ako kahit ilang araw pa lang ang nakakalipas." bukod sa bagay na tohh may isa pa akong gustong malaman.

" Mark, how about the other one? " tanong ko sa kanya sa kabilang linya.

Narinig kong tumikhim ito bago magsalita ulit.

* Naayos ko na lahat ng evidence and information na nakuha natin and.. *

Huminga pa ito ng malalim habang ako ay nangingilid na ang mga luha sa mata.

* Yes, what you saw in internet and her belongings was true.* diretsang sabi nya.

Natahimik kaming dalawa at tuluyan na din bumagsak ang mga luha ko sa pisngi.Kaninang umaga ko pa hinihintay ito pero dahil nga sa tanghali na ako nagising ay hindi ko na nakuha sa kanya ang sagot.

" A-are you really sure to that? " muling tanong ko dahil ayoko pang maniwala.

* Yes I am, young master.* paglilinaw naman nya dito.

* Sorry kung ngayon ko pa lang nalaman ang lahat kung kelan nasa camping kayo.Gusto ko sana sa pag uwi mo na lang sabihin kaso nakita ko yung text mo kagabi kaya tinawagan na din kita ngayon.*

" It's okay, you don't need to say sorry about that." lumuluhang sabi ko sa kanya.

Ako naman ang may gusto nito kaya dapat hinanda ko na yung sarili ko.Yun nga lang ay masyado akong naging masaya ngayong araw at nawala sa isip ko.

" Kita na lang tayo pag uwi ko dyan.Gusto ko makita lahat lahat." paalam ko dito.

* Wait, I have to say something on you.I think you should know about this too.*

* Para isang iyakan na lang ang gawin mo.* saad nya kaya kinabahan naman ako dahil dun.

* Zee has a girlfriend already for more than a year now.*

" I already know about that, Mark."

* Yung tungkol naman sa Mommy mo na alam nya din ang relasyon nila and in my preferences..she's their one of supporter.They're planning to hide it from you and your Dad hangga't hindi pa nila nakukuha ang isa sa mga company nyo na I think connected sa nangyaring wedding and deal nyo.* mahabang paliwanag nya at ako naman ay nakinig lang ng mabuti.

Para akong nabibingi sa bawat nalalaman ko.Hindi ko alam na ganito ang kalalabasan ng ginagawa kong pang iimbestiga sa mga parents ko kahit alam kong kabastusan ito para sa kanila.

Hindi ko na kase kinakaya ang lahat at pagod na din ako.Gusto ko ng kumawala sa pagtataling ginagawa nila saken.Buong buhay ko naniwala ako sa mga pangako at salita nila hanggang sa umabot na ang lahat sa ganitong hinahayaan ko na lang gawin ang mga gusto nila.

* I know na malalagpasan mo din lahat ng tohh, young master.* sabi pa ni Mark at binaba na ang tawag.

Patuloy naman ako sa pagpunas ng mga luha sa mata ko dahil sobra yung nararamdaman kong sakit at kirot sa puso ko.Para akong unti unting dinudurog dahil sa mga nalaman ko.

After all this time, niloloko lang pala nila akong lahat.Sarili at kaisa isa pa nilang anak ang nagawa nilang pagtaguan at kung hindi ko pa gawin ang lahat ng tohh hindi ko malalaman ang katotohanan.

Bakit ba sakin pa nangyayari ang lahat ng ito!!

Pinipilit ko naman maging mabuting anak sa kanila pero bakit parang wala pa din.

Ginagawa pa din nila akong tanga kahit alam naman nilang maiintindihan ko naman ang lahat kung magpapaliwanag sila saken ng sila mismo.

Nakakapagod na yung ginagawa nila saken.Imbis na sila yung pagkuhanan ko ng lakas at pagmamahal na dapat natatanggap ko bilang anak, hindi eh, sila pa ngayon ang dahilan ng mga pagluha at pasakit na nararamdaman ko hindi lang ngayon kung hindi sa araw araw.

Nakatitig lang ako sa screen ng selpon ko na may picture naming tatlo nila Dad and Mom, may mga tulo na din yun ng mga luha ko na ayaw tumigil sa pagpatak.

Continue Reading

You'll Also Like

954 100 28
Rylie (Gun), a veteran actor got into a scandal that caused his career to fall. He then seek help with his friend and there he met Christian (Off), a...
260K 6.3K 52
โŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏโŽฏ เชœโ€โžด ๐…๐„๐„๐‹๐’ ๐‹๐ˆ๐Š๐„ .แŸ โ› & i need you sometimes, we'll be alright. โœ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
12.7K 513 14
Cold-Hearted rich business man had a ONS with a famous, wild, and gorgeous singer
1.6K 103 14
"Kong, a shy fine art student, falls for Thomas, the popular guy at university. He must muster the courage to approach Thomas to draw him for his pro...