"To Be With Them is Enough"

By Nhicheey_20

4.7K 102 174

Nhicheey πŸπŸ¦‹πŸ–€ THIS STORY IS ABOUT LOVE AND BETRAYAL INCLUDING THE TRUSTING AND FORGIVING SOMEONE. " To Be W... More

"To Be With Them is Enough"
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 14

56 4 0
By Nhicheey_20

Rinig kong sigaw at bulong ng mga estudyante kaya binawi ko agad yung kamay at ngiti ko.Duling ba sila at si Zee ang akala nilang kinakawayan ko? Umiinit nga ang dugo ko dyan kapag nakikita ko sya lalo na kapag kasama nya yung haliparot na babae na yun.

" Nhuu, mamaya puntahan natin sya nohh..diba prend mo naman yun." kinikilig na sabi ni Ashie sakin at niyakap yakap pa ako.

Napatango na lang ako sa kakulitan nya habang nakatingin kila Zee na seryosong tumitingin din sa gawi namin.Habang yung babae naman ay nakahawak sa braso nya at abala sa pakikipagtawanan sa alipores nya.

" Tara na." aya ni Diem samin at nakita naman namin na umuusad na yung iba kaya nagsimula na din kami maglakad.

" Ayaw mo ba magkwento samen? " tanong ni Ghio at binagalan ang lakad nila.

" Tungkol saan? " balik na tanong ko sa kanila.

" Sa inyo ni Zee, diba nabanggit mo nun samin na nag uwi sya ng babae sa bahay nyo."

" Naulit pa ba yun? "

Nag dalawang isip pa ako kung magsasabi ba ako sa kanila o hindi pero hindi ko naman maiwasan yung mga titig nila saken.

" Say something. " pangungulit ni Anhgel saken.

Nahuhuli na kami sa mga ibang naglalakad na estudyante at mukhang wala silang pakialam dun.Nasa akin lang ang atensyon nilang lahat.

" Nung Friday ka pa lutang kaya paniguradong marami kang problema."

" K-kase araw araw na nyang inuuwi sa bahay yung babae na yun." mahinang sabi ko habang nakatingin lang sa diretso.

Narinig ko naman ang mga pagsinghap nila isa isa at hindi makapaniwalang tumingin sakin.

" Oh my gosh!! Is that true!!? " biglang sigaw naman ni Diem sa may bandang gilid ko.

Nagsitinginan naman yung mga ibang estudyante samen na nauuna kaya nakangiwi naming tiningnan ito dahil sa late reaction nya.

" Sorry."

Nagpatuloy lang kame sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa mapupunong part kaya ito na siguro yung pinakaharap ng gubat na tohh.

" Tekaa..so yung girl na kaakbay nya sa school ay yung babae din na inuuwi nya sa bahay nyo? " tanong naman ni Nat kaya napatango na lang ako sa kanya.

" His girlfriend from states? "

" Paano ka nyan? Buti at nakakaya mo pang tumira dun."

" Nakoo..kung ganun pa din sya sa mga susunod na linggo? You are always welcome sa bahay namin.Gusto mo tulungan pa kitang mag impake."

" Kung medyo nahihiya ka sa parents ni Ashie..pwede din sa bahay namin."

" Grabe, ang hirap siguro ng sitwasyon mo ngayon nohh."

" Yeah, you're right.Imagine pinilit kang magpakasal sa taong hindi mo naman kilala at hindi mo naman mahal."

" The main topic here is minahal na sya ni Nhuu but Zee is not."

" Kung ako yung nasa kalagayan mo ngayon, siguradong sobrang sakit at hapdi sa puso ang mararamdaman ko."

Napapangiti na lang ako ng pilit habang pinapakinggan sila.Ramdam ko na din ang mga namumuong luha sa mata ko kaya kunwaring tumingin ako sa taas para pigilan ang mga yun.

" But I'm really okay.So nothing to worry about.Actually, mas okay nga nga na may girlfriend na pala sya kase nalaman ko na kung bakit hindi nya kayang ibalik yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya." paliwanag ko sa mga ito at bigla naman silang tumahimik.

" Let's change the topic now.Baka umiyak pa kayo dyan." saad ko at nginitian sila.

" Rawrrrr!! "

" Ahhhhhhhh!!!!!! Punyeta kayo!! " gulat na sabi ni Anhgel kila Viz na lumabas sa isang damuhan.

Lahat kami ay nagulat at ang iba ay nagtakbuhan pa dahil sa takot at sigawan.

" Ang seseryoso nyo kase tapos ang lungkot pa ng pinag uusapan nyo.Yan tuloy di nyo napansin na nawala kami." natatawang sabi ni Ghio samen.

Ilang minuto pa kaming naglakad lakad hanggang sa tumigil ang lahat at biglang nagsalita ang ibang mga teachers.Nakinig lang kami at ngayon lang namin nalaman na nasa gitna na kami ng gubat na ito at malapit na din sa lugar na pupuntahan namin.

" Maiiwan na ang junior students here while the seniors are going to walk a little more para sa place nyo." ani ng isang teacher at sinenyasan kami na sumunod sa iba pa.

" Pigilan nyo ako, nanggigigil ako sa mga babaeng yan." may diing sabi ni Anhgel habang pinagmamasdan yung mga alipores na diring diri sa duming dumikit sa sapatos nila.

" Hayaan mo na sila." awat ni Yui sa kanya.

Sobrang lamig dahil napakaaga pa at may mga hamog pa kaming nakikita sa ibang direksyon ng gubat.Nagmasid masid lang kame hanggang sa huminto ang lahat sa paglalakad at sa tingin ko ay nandito na kami dahil nakita ko na ang mga pangalan ng section namin.

" Alam nyo naman na siguro ang mga rules and regulations natin dito, diba? Malalaki na kayo kaya alam nyo na ang tama at maling mga gawain.Tandaan nyo na may katumbas na parusa ang bawat gulong magagawa nyo."

" Yung mga tinalaga ko na mga officers sa camping na ito, hindi lang section nyo ang kailangan nyong pamunuan kung hindi ang buong grade level nyo."

" Para sa araw na ito, ngayon nyo itatayo ang mga tent na dala nyo sa kung saan nyo gustong lugar.Basta wag lang kayong lalagpas sa palatandaan na nilagay namin.Kayo ang bahala sa lahat basta kailangan nyong ilagay ang flag na may pangalan ng section nyo sa pinakaharap ng lugar na pagtatayuan nyo."

" Since ang camping na ito ay about sa kalikasan and we have to experience the kind of living in a forest, students must surrender all the gadgets they have during the day at makukuha lang ulit ang mga yun sa gabi."

" Form a line in your respective sections name and kindly out it in a box above the table."

Hindi naman na kami nagulat sa mga paalala ng bawat prof namen dahil nasabihan at nabasa na namin yun sa announcement wall ng school.

" Everyone needs to finish building their tents and unpacked all the belongings that needed to put out.Please be responsible to everything." dagdag pa ng isang teacher habang nakapila kami.

Naghintay lang kame sa isang gilid ng mailagay na namin yung mga selpon sa kahon.

" May nakita na kami." saad ni Ghio kaya sumunod na kami sa kanila na naghanap ng spot namin.

" Nhuu, sino kasama mo sa tent na dinala mo? " tanong ni Viz saken.

" Wala, baket? "

" Ipapahiram ko na lang sana sa ibang girls na kaklase naten yung saken tas sayo ako makikishare." tumango lang ako sa kanya at nagtatalon naman ito sa tuwa.

" Kaunting linis muna tayo bago itayo yung mga tent para safe ang lahat."

Nilapag na namin ang mga gamit na dala sa isang gilid at saka unti unting nilinis ang paligid nun.Ganun din ang ginagawa ng ibang section sa mga napili nilang lugar.Mayroong magkakalapit lang at meron din malalayo ang agwat.

Pagkatapos ng isang oras na paglilinis at pag aayos sa paligid ay nakayari din kami.

" Boys to boys and girls to girls tayo, okay? " paalala ni Ashie sa kanila dahil mag uusap usap na yung magsasama sama sa tent.

Nagsimula na kaming magtayo ng mga tutulugan namin and as usual ay tulungan ang lahat sa paggawa nun para mapabilis kami at makapagpahinga na din.

" Ako na dyan.May naghahanap nga pala sayo dun." saad ni Diem at ngumuso sa pinakaharap ng lugar namin.

Nakita ko si Hilz dun kasama si Lyhou na naghihintay sakin at kumakaway pa.

" Baket? " tanong ko sa mga ito.

" Nandyan ba si Ashie, may tatanong lang sana kame." ani ni Hilz at tumingin tingin sa paligid.

" Wow, ang ganda na nga place nyo Nhuu.Iba talaga kapag may pagkakaisa kayo sa isang grupo." puri naman ni Lyhou sa lugar na napili namin.

" Nakoo, ganun din naman sa inyo diba? "

" Ash!! Tawag ka." tumakbo naman ito agad samen ng marinig ang tawag namen.

" Nagpaalam na kase kame sa ibang officer pati na din sa mga teachers kung pwede lumipat kami dito sa inyo." kumunot naman ang noo namin sa sinabi ni Hilz habang si Lyhou naman ay nakatingin lang samen.

" Huh? Dito samen? Pero baket? " tanong ni Ashie sa dalawa.

" Hindi ba pwede? O-okay lang naman kung hindi kayo payag."

" Oo nga, tama sya.Nagbaka sakali lang naman kame.Sige, thank you." paalis na sana ang mga ito ng magsalita itong katabi ko.

" Kunin nyo na yung mga gamit nyo para maayos na natin kung saan nyo gusto."

" Talaga!!! Thank you!! " nagtatalon na sabi ni Hilz at hinila na si Lyhou sa kung saan.

Mukhang section lang ata namen ang walang lumipat sa iba.Tinanong namin sila kanina habang nag aayos ng mga gamit at tent kung gusto nila lumipat sa ibang grupo pero umiling lang ito saming mga officers.Pinapayagan kasi na lumipat kung gusto ng mga estudyante basta magpapaalam.

Mas okay daw kung buo kaming lahat.Ang sweet nga nila kase hindi lang pala pang eskwelahan yung nabuo naming pagkakaibigan kung hindi pang kahit saan din.

" Tayo na natin yung ibang tent nila.Naghahanda ng meryenda at lunch yung ibang girls na kaklase naten." bumalik kami ulit sa loob at nagpatuloy sa pagkakabit.

Hindi naman nagtagal yung dalawa at nakabalik na din.Di bale ang ginawa namin ay pinabilog namin yung mga tent ng bawat isa at nilagyan ng daan sa palabas ng pinaka area namin.

" What if may ahas na palang gumagapang dito sa labas while we are sleeping mamayang gagabi? Tas pinasok yung tent ng mga kaklase nating di marunong magsara ng mga tulugan nila." siguro kulang lang sa kain itong si Diem, kanina pa what if ng what if habang nag aayos ang lahat ng mga gamit.

" New, gusto mo ba maglibot na lang tayo mamaya kapag nakayari na tayo sa lahat? Mukhang ansaya kaseng gumala dito dahil malaki daw ang gubat na tohh."

" Sabi din ni Mom saken.Hanap na din tayo ng mga kahoy para may magamit mamaya sa paglyluto."

Tango lang ako ng tango sa kanila dahil abala ako sa pag aayos ng mga gamit ko sa loob ng tent.Kasama ko ditong matulog si Viz at Yui..gusto pa sana ni Diem kaso wala ng space dahil sa mga gamit namin.

" Meryenda muna tayo, guys." saad ni Yana at inabutan kami ng mga pagkain.

" Yana, yari na ba yung iba sa ginagawa nila?" tanong ko dito.

" Tanong mo kung gusto nila sumama samen."

" Kakayari lang nila, sabihin ko na lang.Tas kami maiiwan muna para magbantay at maglabas ng mga gamit namin." pagkasabi nya nun ay umalis na din ito.

" Pwede ba kaming sumama? " sulpot sa kung saan ni Hilz kaya muntik na akong mapasigaw.

Sinamaan ko ito ng tingin at agad naman itong nag peace sign saken.

" Kumusta ka nga pala? Okay na ba kayo nung husband mo? " tanong naman ni Lyhou na nakaupo a harap ng tent namin.

Bigla namang nagsilingunan sa kung saan itong mga kasama ko at ilang beses pang nagkunwaring umubo.Halatang mga gusto din malaman ang mga isasagot ko.

" Ayos naman na.I just found out that the girl is his girlfriend." sagot ko dito habang nakangiti.

" Paano naging okay yun? Diba kasal kayo? "

" Kasal sa papel." paglilinaw ko dito at mapait na nginitian ulit sila.

Narinig naman namin ang tawanan ng iba naming kaklase kaya lumabas na din kami.

" Namimiss ko na yung selpon ko." parang batang sabi ni Ashie habang naglalakad kami palabas.

Madami na din nakayari at mga nakatambay lang sa lugar nila.

" Kukuha ba kayo ng mga kahoy? " tanong nung isang babae.

" Pwede nyo ba kaming ikuha? "

Akala ko ay didiretso lang ang mga kaklase namen dahil abala kami sa likod sa pagtingin sa mga palad namin.Huminto ang mga ito at saka hinarap yung nagtanong.

" Bakit ka naman namin susundin? " tanong ni Yana dito.

" Owwww!!! " bulalas ng mga kaklase ko dahil unang beses pa lang namin nakitang ganito sya.

" Well, hindi kase bagay sa mga suot namin yung gawain na yun kaya kayo na lang." sagot naman nung babae at umikot ikot pa para ipakita ang outfit nya.

Diba dapat naka PE ang lahat ng students sa unang araw ng camping bakit yung mga suot nila parang mangingibang bansa.

" Girls, what the occasion here? " tanong naman nung girlfriend ni Zee na nakaakbay pa sa braso nito.

" We're just telling to them na isabay na tayong ikuha ng mga kahoy dahil hindi bagay sa outfit natin kung tayo ang gagawa nun."

" I think you're right, so....? " tiningnan kami nito at naghintay ng sagot namin.

" Ang puti ng kamay mo." saad ni Ghio sa kamay ko.

" Maputi nga, madali naman masugatan." sagot ko sa kanya na halos pabulong lang dahil nakikinig din kami sa usapan ng nasa harap namin.

Lumapit naman si Niyen saken, kaklase ko.

" Pigilan mo nga yung dalawa dun sa harap.Baka mamaya makita pa tayo ng mga teachers dinee..malalagot tayo lalo na at officer pa naman kayo."

" Arayy!! " daing ko dahil humabol pa ito ng kurot sa tagiliran ko bago bumalik sa harapan.

" Pfftttt!! HAHAHAHAHAHA!!!! " rinig kong ngisi nila Diem kaya sinungitan ko ng tingin nito.

Naglakad na ako papuntang harap at inakbayan sila Ashie at Anhgel na mga nakataas na ang kilay na nakatingin sa mga babaeng tohh.

Bago ako magsalita ay tiningnan ko muna silang lahat pati na Zee mula ulo hanggang paa nila.Nagpakawala din ako ng isang ngising pang asar ng yakapin nung babae si Zee sa bewang nito.

" The audacity to do this to our section, right? " ani ko sa kanila at tumingin naman itong dalawa saken.

" Don't even bother talking to them because we already know who's the winner of the battle they made.Matalino nga sila pero bakit hindi naman nila ginagamit yun? " muli ay tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at iniwan sila dun na inis na inis samen.

" Hindi ko kinaya yung english speaking kanina ni Nhuu, kabog!!"

" Kung hindi ko pa kurutin sa tagiliran, hindi ako susundin."

" Ang sakit kaya ng kurot mo." reklamo ko dito at agad naman nagtawanan yung iba naming kaklase.

Habang naglalakad kami ay pumupulot na din kami ng mga tuyong kahoy.

Zee's POV

Pinagmamasdan ko lang sila New dito sa kalayuan kasama ang mga kaklase nya.Hanggang ngayon ay galit na galit pa din sila Chie sa mga sinabi nito sa kanila.

" Nakikinig ka ba saken!!? " naiinis na tanong ni Chie saken kaya nabalik ang tingin ko sa kanya.

" San ka ba nakatingin? Kanina pa kita kinakausap dito."

" Nakikinig a--" saad ko.

" Tara na nga." galit na sabi nito sa mga kasama nya at pumasok na ulit sa loob.

Hanggang ngayon ay hindi pa din kami nakakatapos sa gawain namin kahit andami dami namin ditong magkakaklase.Masyadong maliit kase yung napili namin na place and ayaw naman na nilang lumipat kaya problemado sa espasyo para sa mga tent na itatayo.

" San ka matutulog ngayong gabi? Ako meron na." tanong ng kaibigan ko dahil hindi pa naaayos yung mga tutulugan namin dahil inuna yung mga babae.

" Kay Chie na lang siguro." walang ganang sagot ko dito.

" Pano kung malaman ni New yan, anong gagawin mo? "

" Saka bawal diba magsama yung babae at lalaki sa isang
tent? " alam ko naman yun pero no choice ako dahil sinabi na ni Chie at ayaw ko namang magalit sya saken.

Hindi naman tutulugan ko yung pinoproblema ko kung hindi yung samen ni Nhuu..hindi pa den nya ako pinapansin at kinakausap man lang.Kapag tatanungin ko sya pinipilosopo nya lang ako at napapansin ko din na lalo syang nagiging pasaway.

Nung isang linggo lang ay ayos pa kame tapos nung kinabukasan lang hindi na nya ako pinansin or kahit batiin man lang.Hindi naman ganito kalala dati pero bakit mas mahirap syang lapitan ngayon.

" Lalim naman nyan."

" Bakit ba kase hindi ka pa mamili sa kanilang dalawa kung sino talagang mahal at gusto mo.Hindi yung hanggang tingin ka na lang dun sa isa habang kasama mo naman yung girlfriend mo." napatingin naman ako kay Tom ng sabihin nya yun saken.

Isang araw na nga lang namin sya makakasama tapos ang hirap pa ng mga tanong sayo.Kahit ako nga hirap na hirap na sa mga desisyon kong hindi lagi sigurado tas papipiliin na nya ako agad.

Oo, mahal na mahal ko si Chie dahil nasa kanya na ang lahat ng gusto ko sa isang babae pero....

Mahal ko den si New at ayaw kong mawala sya saken.Kahit hindi ko pinaparamdam at pinapakita yun sa kanya at sa ibang tao, alam na alam ko naman sa sarili at puso ko yun.

" Wag mo nga akong madaliin, Tom.Wala ka sa kalagayan ko kaya wag ka na muna magbigay ng opinyon mo." saad ko dito habang nakatingin pa din sa malayo.

" I really don't get you.Ginusto mo yan diba? Ang sakin lang ay ayokong may mangyaring masama kay Nhuu dahil siguradong malaking gulo ang mangyayari.Dobleng karma ang babalik sayo." kalmado lang ito sa pagsasalita nya ngunit ramdam ko ang ibig nyang sabihin.

Sinusubukan ko naman na ayusin na ang lahat sa mas mabilis na panahon pero may mga araw na hindi ko pa talaga kaya.Ayokong masaktan ko sya dahil sa mga malalaman nya mula saken.

He's to precious para saktan at paiyakin lang ng isang kagaya ko.

Nunew's POV

Maingat kong tinatalian ang daliri ni Yui na may sugat, dumadaing pa ito dahil sa higpit ng pagkakatali ko kaya tinanong ko na lang sya kung medyo maluwag o mahigpit na tali ang gusto nya.

" Maawa ka naman saken, Nhuu.Napakahapdi nya." tawa naman ng tawa sila Diem sa isang gilid habang tinitingnan kami.

" Ayos na yan."

" Nhuu, ikaw den may sugat sa palad mo.Akin na, gagamutin namin." inabot nila Ashie ang kanang kamay ko at nilagyan yun ng dahong gamot.

Kung hindi ba naman kase mga patay gutom kami, inakyat yung puno ng mangga ng sabay sabay tas ang gagaslaw pa kaya ayun bumagsak kami sa lupa.Mabuti na lang at paakyat pa lang yung mga babae nun kaya hindi sila nadamay.Siguradong sugat at gasgas din makukuha nila.

" Oh dibaa, may dagdag prutas na tayo mamaya." ani ni Diem at niyakap yakap pa ang isang mangga na nakuha namen.

Hindi pala nakuha, nasama lang yung sanga nung nahulog kame.Imbis nga na kami unang tulungan ng lalaking tohh yung mangga pa ang unang tiningnan kung nagkaroon ng biyak.Galing diba!!? Pud is layp si kuya samantalang kami dumadaing dito sa hapdi.

" Pasimuno ka kase Diem..alam nyong marupok na yung sanga sa part na yun tumuloy pa din kayo.Kukulit talaga." sermon ni Ashie sa mga ito na napahinto naman sa pagtawa nila.

Binigay kase nila Nat sa kanila yung mga dalang kahoy at sa kanila ipapadala yun hanggang sa makabalik kami sa tent namin.Mga nakanguso naman itong naglakad at sumunod sa iba naming kaklase.Oras na ng lunch kaya babalik na ulit kame.

" Deserve nyo yan kasama ng mangga." sigaw pa ni Anhgel sa kanila kaya sinamaan kami ng tingin nito.

" Masakit ba? " tanong ni Lyhou at inabot pa ang kamay ko para tingnan yung sugat.

Dahan dahan nya yung hinipan at marahan na hinawakan kaya medyo nagulat pa ako dahil ilang araw pa lang kami magkakilala pero kung alagaan at tratuhin nya kame parang tunay na kapatid nya.

" May band aid ako sa bag, lagyan natin pagdating dun." sabi pa nito at saka ngumiti saken.

" Excuse me, hindi lang sya yung nasugatan."

" Yeah, ako den kaya."

Ewan ko kung ako lang ang nakapansin pero biglang namula yung tenga ni Lyhou pagkarinig sa kanila nun.May sakit ba sya o nilalamig lang? Basta ako nagugutom na at gusto ng humiga para makapagpahinga.

Fast Forward

Akala ko ay yari na ang paghihirap namin pero eto kami ngayon ni Ashie sa isang gilid.Binabasa ang ilang reports na galing sa iba't ibang estudyante.Hindi ko din maintindihan bakit unang araw pa lang ay may mga ganito na kaming natatanggap.Karamihan sa kanila ay nirereport ang mga classmate nilang hindi nag surrend ng mga gadgets nila at ginagamit sa tuwing wala ang mga officers at teachers sa area nila.

Parang ang aga naman ata nitong parusa.Once kase na makita at malaman na naman ang mga nakasulat dun ay kailangan na naming ayusin yun at ipasa ang mga reports sa coordinators..kami din ang mag iisip ng parusa nila kung ganun talaga kalala yung nagawa nilang kasalanan.

" Nhuu, first day pa lang pero susuko na ata ako." reklamo ni Ashie at saka sumubo ng pagkain nya.

" Kaya nyo yang dalawa.Madami pang padating." sabat naman ni Hilz at tinuro samen sila Yui na nasa harap ng lugar namin at may hawak na mga papel na binibigay sa kanila ng mga estudyante.

Napanganga na lang kame ni Ash sa nakikita namen ngayon dahil sunod sunod ang bigay sa kanila ng papel.Araw araw ba kaming ganito? Bakit ba kase ang daming pasaway, hindi man lang namin napansin kanina nung pagdating na madami pa lang hindi sumunod.

Gusto ko na lang higaan yung mga reports na tohh at dumiretso na sa tulog.Nakakatakot pa naman yung ibang prof kaya kinakabahan na din ako sa mga sasabihin nila samen.Baka mapagalitan pa kame at maisama din sa mapaparusahan.

____________

Author's Note:

Merry Christmas to everyone!! Thank you for reading my stories even if it is not that good like others works but yet some of you still try it.Having a readers is the best unexpected present that I've received this year..the comments,messages and suggestions will always be my strength and inspiration [ specially Zeenunew ] for everyday to continue and make a new story again.

" May the true spirit of Christmas shine in our hearts and light our path."

Merry Christmas!!

- 🍁🦋🖤

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 118K 65
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
714K 43.7K 108
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
18.5K 975 35
Hello everyone! This is my very first story in my life time. I don't know how to write a proper story but yet I am trying to write here. If you find...
23.2K 1K 12
A harukyu fanfic !! - Japanese transferee, known to be intimidating and cold named Watanabe Haruto meets his polar opposite; the adorable and odd Kim...