I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

130K 4.6K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 45

919 44 1
By PeeMad

Chapter 45: Time Skip

MAKALIPAS ang mahigit isang buwan na pananatili ni Elaine sa Nayon ng Liryong Lampara, nasaksihan niya ang masayang simpleng pamumuhay— malayong-malayo sa nakaraang buhay mayaman. Laging pagkain ay gulay na mano-manong niluluto, gano'n din sa karne. Kaya doon niya napagtantong masaya ang bago niyang mundo. Ngunit hindi siya nakaiwas sa matinding pagsasanay ni Pinunong Sol. Doon niya rin napagtantong ang mundong ginagalawan niya ay mala pantasya.

Hindi na pala pantasya. Totoo na itong nasasaksihan ko, sa isip-isip ni Elaine.

Kasalukuyang nasa gitnang bahagi ng nayon si Elaine kasama sila Pinunong Sol at Cielle na masayang kausap ang mga residenteng kasama nila. Itim ang kaniyang buhok dahil sa mahika ni Pinunong Sol. Gano'n din kay Cielle na halos pinagbiyak na buko ang dalawa.

Kakasibol lamang ng araw sa kalangitab at ang lahat ay nagsama-sama upang maghanda ng makakain sa pag-alis nila Elaine. Napamahal na ang mga residente sa dalawang magkapatid kaya tinuring nila itong parang kasama na rin sa kanilang pamilya.

Sila Elaine at Cielle ay kinilalang sila Ella at Elle— mga pamangkin ni Pinunong Sol na narito para magbakasyon at magsanay. Hanggang ngayon, walang nakakaalam sa totoo nilang katauhan maliban na lamang kay. . .

"Ate Ella!"

Napalingon si Elaine at nakita ang batang si Zyaniah na tumatakbo papunta sa kanila. Masaya itong kumakaway habang hinahabol ito ni Zianelle.

"Ate. . . hintayin mo ako!" reklamo ni Zianelle.

"Zyaniah," nakangiting bati ni Elaine nang makarating ang bata sa kanya.

Ang mukha ni Zyaniah ay namangha nang makita ang kabuuang katawan ni Elaine. Naka-pony tail ang mahaba nitong buhok at nakaladlad ang bangs. May suot na jumpshot na yari sa katad at nasa loob nito ang puting shirt. Sumasabay ang suot niya sa kurba ng kanyang katawan. May suot itong itim na boots na may duming galing sa putik.

"Kahit anong isuot mo ate, napakaganda mo pa rin," papuri ni Zyaniah.

"How about me?" sulpot na sambit ni Cielle.

"Ikaw din po, Ate Elle," nahihiyang tugon ng bata na mahinang kinatawa ni Elaine.

"Bakit mo ako tinatawag?" tanong ni Elaine.

Bago siya sinagot ng bata, tumingin-tingin muna ito sa paligid. Takang tumingin si Elaine at nadagdagan pa ito nang lumapit sa kanya ang bata sa gilid niya. Dahil siya'y nakaupo, naabot siya ng bata para bumulong, "Gusto kayo makausap ni Kuya Guillermo."

"Huh? Bakit daw?" bulong din ni Elaine.

"Basta!"

Humiwalay na ang bata sa kanya at ngumiti.

Kumunot ang noo ni Elaine at humalukipkip.

Ano kayang problema no'ng Ceasar na 'yon? Sa isip-isip niya at inalala ang kakaibang pagbabago nito sa loob ng mahigit isang buwan.

Si Guillermo Ceasar ay ibang-iba ng tao ngayon na malayong-malayo noon sa ugali nito. Nang makahalubilo ito sa mga residente ng nayon, unti-unti siyang nagbago. Natutong magpakatao at animo'y isang demonyong may sungay na nagkaroon ng halo. Natuto rin itong magmahal. Minahal nito ang isang dalagang tinangkaan niyang patayin. Ito pa nga ang nagbigay daan sa kanya para magbago ng tuluyan.

Napangiwi na lang si Elaine nang maalala ang pagbabago ni Guillermo.

Hindi ko lubos maisip na ang masamang 'yon ay pwedeng magbago. Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Ano ba 'yang pagmamahal? Kailan ko mararanasan 'yan para naman mabago rin ugali ko.

Tumayo si Elaine na kinatingin ni Pinunong Sol at Cielle.

"Samahan ko lang si Zyaniah," paalam niya.

"Saan?" mabilis na tanong ni Pinunong Sol.

"Sa kagubatan kasama si Ate Serena," sabat ni Zianelle.

Sinamaan ni Zyaniah ng tingin ang kapatid na agad namang nagulat at tinakpan ang bibig.

"Ano namang gagawin niyo?" tanong muli ni Pinunong Sol.

"Ahh. . . pipitas ng prutas!" dahilan ni Zyaniah na may kaunting utal sa kanyang tono.

Pinanliitan siya ng tingin ng matanda na kinakaba niya. 'Tinging sinasabing ang sikreto ay huwag mong ibubunyag'.

Simula nang mamukhaan ni Zyaniah noon si Elaine sa kanyang panaginip, hindi niya ito tinantanan. Nakabuntot siya sa dalaga hanggang sa hindi sinasadyang marinig ang usapan nila Elaine at Pinunong Sol. Nangako naman itong ililihim ang lahat kahit sa kanyang kapatid ay hindi niya ito binunyag.

Ang seryosong mukha ni Pinunong Sol ay biglang naglaho at napalitan ng ngiti. "'O sige. Basta't huwag kayong lalayo. At ikaw Elaine! Bumalik ka kaagad at magpahinga. Bukas ang alis natin. Tama na ang pagsasanay! Maliwanag ba?!"

"Opo, Pinunong Sol," tugon ni Elaine na may pagkamot sa batok.

Hanggang ngayon, hindi pa ito nasasanay sa paiba-ibang ugali ni Pinunong Sol. Kapag kasama niya ang mga taga nayon, masungit ito sa kanila— ginagampanan ang pagiging tita nito sa kanila— samantalang kapag sila'y nagsasanay, sobra pa sa sobra ang paggalang nito sa kanya. Gano'n din kay Cielle ngunit tinawag niya ito sa pangalan niya tuwing nagsasanay.

"Sama ako!" sigaw ni Cielle.

"Hindi pwede. May kailangan pa tayong pag-usapan," ani Pinunong Sol.

Kumaway na lamang si Elaine kay Cielle bago sila umalis ni Zyaniah. Nagpaiwan na lang si Zianelle dahil pagod na ito sa kakatakbo kanina sa paghabol sa kapatid.

Pagkarating nila sa kagubatan, tumambad sa kanila si Guillermo at Serena na magkahawak kamay.

Hindi naman bago ito kay Elaine ngunit sariwa pa ang ginawa ni Guillermo kay Serena. Pati na rin sa apelyido nitong katulad kay Diego, ang taong pumatay sa totoong Elaine.

Humalukipkip si Elaine at nakataray na tumingin kay Guillermo. "Bakit mo ako hinahanap? May gagawin ka na naman bang ikasasama ng loob ko?"

"Relax Elle. Saka hindi na ako gano'ng tao," ani Guillermo.

"Oo na. Psh!" marahang tumaray si Elaine bago tumingin kay Serena. Ngumiti ito sa kanya at nakitang masaya siya kay Guillermo.

"Maiwan ko na po kayo ha? Nagugutom na ako eh," sambit ni Zyaniah at umalis.

Nang makita ni Guillermo na nakalayo na ang bata, saka sila lumapit kay Elaine. Bumulong ito ng "Alam ko ang pagkatao mo."

"Ano?!" gulat na saad ni Elaine at humarap kay Serena. "Anong ibig sabihin nito Serena? Akala ko ba'y ililihim niyo—"

"Sabing relax ka lang Elle eh! Magpapaliwanag naman ako," sulpot ni Guillermo.

Bumalik sa pagkakahalukipkip si Elaine at pinanliitan ng tingin si Guillermo. "Speak!"

"Hindi ko sinasadyang masabi sa 'kin ni Zyaniah ang katauhan mo. Ikaw si Elaine Suarez hindi ba? Nang nasa Tasia Capital pa ako, may bali-balitang nagkalat tungkol sa 'yo dahil kay Captain Alaric."

Ang nanlilisik na mata ni Elaine ay napalitan ng kuryosidad.

"Hinahanap ka ngunit hindi ng kaharian, kung hindi ng mga tauhan ni Emperor Lunar," dagdag pa nito.

Hindi na nagulat si Elaine sapagkat bago siya tumungo rito'y pinaghahanap na siya ng mga tauhan ng emperor.

"Nasa maayos kaming lugar at hindi masamang tao si Captain Alaric. Ako ang totoong Supreme Spirit na gustong mapasakanay ni Emperor Lunar dahil sa trono," paliwanag ni Elaine.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na sabihin dahil sabi nga ni Guillermo, alam niya na ang katauhan nito.

Bahagyang nagulat si Guillermo at napatingin sa nobya. Tumango lang ito sa kanya bago bumuga ng hangin at humarap kay Elaine.

"Aalis ako mamaya para mag-report sa Tasia Capital. Gusto mo bang sumama sa 'kin? Nabalitaan kong umuwi ang pamilyang Suarez galing sa Mount Olimpus. Isa itong balita dahil kasama nila ang Emperor. Lagi ngang nakabuntot ang Emperor sa pamilya mo kapag sila'y uuwi o dadalaw sa kaharian."

Lumaki ang mga mata ni Elaine at bahagyang yumukom ang mga kamay.

Talagang hindi nila tinitigilan ang pamilya ko, sa isip-isip niya at masamang tumingin kay Guillermo.

"Paano ako makasisigurong hindi ito patibong? Mamaya'y ihahatid mo pala ako sa emperor."

"Huwag kang mag-alala. Kasama niya akong pupunta sa Tasia Capital para mamili ng mga bihirang gamot. Atsaka, sana'y huwag ka ng magduda sa kanya, Supreme Spirit, " nakayukong sambit ni Serena.

"Ano ka ba mahal?! Ayos lang sa 'kin. Sa kabila ng masamang ginawa ko, kulang pa ang pagpapatawad sa 'yo," saad naman ni Guillermo.

Napabuntong hininga na lamang si Elaine dahil sa sobrang tamis ng nakikita niyang eksena sa dalawa. Minsan ay naiingit na ito sa pagmamahalan ng dalawa ngunit mas inuuna niya ang responsibilidad at ang pagsasanay.

Darating din naman ako diyan ngunit huwag naman sanang sa harapan ko pa maglambingan, sa isip-isip ni Elaine.

Nang sumapit ang hapon, nagpaalam si Elaine na sasama sa pamimitas ng prutas kanila Serena at Guillermo— noong una'y tutol siya ngunit nang magpaawa, pumayag naman ito. Iniwan niya si Cielle dahil sasanayin pa siya ni Pinunong Sol. Lagi kasi itong nakabuntot sa kanya kaya hindi sanay ang kapatid na mahiwalay sila.

Gamit ang metal creation magic ni Guillermo, nakalikha ito ng kalesa. Kinuha nila ang isang kabayo sa nayon at ito ang nagtulak sa kanila. Matalino ang pag-iisip ngunit mabagal ang pagtakbo at aabutin sila ng dalawamg araw bago makapunta sa Tasia Capital at isang araw kung walang pagpapahingang gagawin.

"Hindi pwedeng bukas pa tayo makarating!" ani Elaine.

"Ito lang ang alam kong masasakyan natin," sagot ni Guillermo.

Pinatigil ni Elaine ang kabayo at bumaba sa kalesa. Gano'n din ang ginawa ng dalawa at pinawalang bisa ang metal na kalesa.

"Wind Magic, Gale," pag-cast ng spell ni Elaine at nagkaroon ng malakas na hangin banda sa babang katawan nila.

Umangat sila sa hangin hanggang sa nalagpasan na nila ang taas ng ulap. Manghang tumingin sa ibaba sila Guillermo at Serena.

"Huwag kayong makulit, baka mahulog kayo," babala ni Elaine bago sila lumipad sa himpapawid.

"Hindi ko akalaing kaya mo ring gumamit ng Wind Magic," sambit ni Guillermo na nakatingin sa harapan. Ang alam lang nito kay Elaine ay ang Fire Magic.

"Ako ang Supreme Spirit."

Simpleng sagot na naging sapat para mas lalo pang mamangha si Guillermo.

Wala pang tatlong oras nang makarating sila sa Tasia Capital dahil sa bili ng pagtakbo ni Elaine sa kalangitan. Sa gilid ng kagubatan sila bumaba upang hindi sila mapansin ng mga mamamayan. Pumasok sila sa looban at bumili ng cloak. Si Elaine lamang ang kanilang tinago dahil si Guillermo ay naka-uniporme ng pang knight. Samantalang si Serena ay may bitbit na basket para bumili ng prutas at gamot.

Tumigil sila sa harapan ng Anastasia Main base na ang katabi lang nila ay ang Guild Hall. Tinitigan ng mabuti ni Elaine ang Guild Hall.

Kumusta na kaya si Lord Emmanuel? Sa isip-isip niya.

"Dito muna ako, mahal. Hahanapin na lang kita mayamaya," rinig niyang saad ni Guillermo.

Paglingon niya, nakita niyang marahang hinawakan ni Guillermo ang pisnge ni Serena.

Napangiwi na lamang si Elaine at lumihis ng tingin.

Kailan ba sila mawawalan ng katamisan?

Nagpaalam lang sila Serena bago pumasok si Guillermo sa headquarters ng knights.

"Tara na Elle," aya ni Serena.

"Kaya mo bang mag-isa? May pupuntahan sana ako," sambit ni Elaine.

"Huh? Hindi ba't nag-usap tayong pag-uwi natin susulyapan ang pamilya mo?"

"Saglit lang ako. May pupuntahan lang akong tao na kilala rin ang katauhan ko." Ngumiti na lamang si Elaine para maniwala sa kanya ang dalaga.

"Sure ka ha? Magkita na lang tayo rito ulit kapag lumipas ang isang oras. Mag-iingat ka ha?"

"Oo. Ikaw din."

Nagpaalam ang dalawa at sila'y naglakad sa magkabilang direksyon. Inayos ng mabuti ni Elaine ang cloak para walang makakilala sa kanya.

Nang makarating sa harapan ng Guild Hall, pumasok siya sa gilid nito na pinagigitnaan ng hall at bahay. Pumunta siya sa bahaging likod at ginamit ang wind magic para mapunta sa mataas na palapag, kung saan ay may isa ro'ng bintana na nakabukas. Pagpasok niya sa bintana, tumambad sa kanya ang nakangiting si Gilth na nakaupo sa malakorona nitong upuan.

"Hindi ko inaasahang may bibisita sa akin," bungad ni Gilth at unti-unting tumayo. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang pinuwesto ang kanang kamay para gumamit ng mahika.

"Light Creation Magic, Light Saber," pag-cast niya ng spell at hinawi ang hangin. Nagkaroon ng light saber sa kamay niya at inatake si Elaine. Bago pa niya ito mahiwa, bigla na lamang nagkaroon ng hanging espada ang dalaga at ito ang ginawa niyang pansalag.

"Guildmaster Gilth. Akala ko ba'y layunin mong maprotekta?!" may diing saad ni Elaine na seryosong nakatingin kay Gilth.

Dahil sa malakas na pagsalag ng dalawang espada, natanggal ang hoodie sa ulo ni Elaine at tumambad ang kanyang buhok na itim na nakatali.

Hindi siya sinagot ng guildmaster at kumawala sa pagkakasalag ng mga espada. Pagkatapos ay lumayo ng kaunti sa dalaga at mahinang natawa.

Takang tumingin si Elaine sa guildmaster. Tumayo siya ng maayos at pinawalang bisa ang hanging espada.

"Ibang-iba ka na ngayon at masasabi kong napakalakas mo na," natatawang saad ni Gilth atsaka ngumiti sa dalaga. "Nakuha mo rin ang kakayahan ni Alaric sa paggamit ng spell ng hindi na sinasabi. Hindi mo na kailangan ng proteksyon ko para maalagaan ang sarili mo, Supreme Spirit."

Umupo si Gilth at naglakad naman si Elaine papunta sa harapan ng mesa sa opisina.

"Anong sadya mo kung bakit ka narito, Supreme Spirit?" tanong ng guildmaster at pumahalumbabang tumingin sa dalaga.

Umupo muna ang dalaga sa upuang nasa harapan ng mesa at inayos ang cloak bago tumugon, "Supreme Elaine na lang ang itawag mo sa akin."

"Hmm. . . " Napahawak sa baba si Gilth at pinagmasdan ang pustura ng dalaga, "Ang tindig, karisma, at awra mo'y isa ng ganap na mamumuno. Mukhang handa ka na sa posisyon mo at kung paano mo matatagumpayan ang misyon mo."

"Nang mawala ako sa Tasia Capital, maraming nangyari," nakayukong sagot ni Elaine at humarap sa kausap, "Isa na ro'n ang paglusob ni Captain Alaric sa Emperor hindi ba?"

Napabuntong hininga si Gilth at sabay sabin, "Alam ko namang hindi matitiis ni Alaric na makalaban ang emperor. Alam ko ang ugali niya kaya hindi na ako magtataka kung magagawa niya iyon."

Natahimik ang paligid dahil sa ibang direkston nakatingin si Elaine. Animo'y maraming iniisip at pinagdadaanan.

"Mabalik tayo sa tanong ko. Anong sadya mo rito, Supreme Elaine?" pambabasag na tanong ni Gilth.

"Kung anong nangyayari sa pamilya ko habang wala ako at kung ano nang balita kay Lord Emmanuel," mabilis na sagot ng dalaga.

"Hmm. . . si Emmanuel ay napiling pupunta sa pagpupulong bukas ng mga hari't reyna sa magaganap na patimpalak. Sa pamilya mo nama'y sa pagkakaalam ko, nakauwi sila noong nakaraang araw dito sa Tasia Capital at sila'y aalis kasama ang emperor bukas."

"Gano'n ba."

Nasulyapan ni Gilth ang paghinga ng malalim ni Elaine at pagngiti nito.

"Nababagabag ka ba?" tanong niya.

"Gusto ko lang malaman kung totoo ang sinasabi sa akin. Ngayon na totoo naman, mapagkakatiwalaan ko na sila." - Elaine

Tumayo ang dalaga at inayos ang hoodie.

Takang tumingin si Gilth sa dalaga at napahawak muli sa kanyang baba. "Kung sa akin ka nagtanong kung maniniwala ka o hindi, ibig sabihin ba'y pinagkakatiwalaan mo ako?"

Ngumiting tumingin sa kanya ang dalaga. "Wala ako sa harapan mo kung sa una'y may masama kang balak sa akin. Kaya salamat doon."

Naglakad si Elaine pupunta sa bintana ngunit pinigilan siya ni Gilth nang tumayo ito sa harapan niya.

"Ngunit huwag kang magtitiwala agad, Supreme Elaine. Hindi mo alam kung paano basahin ang isipan ng tao kaya mag-ingat ka. Payo ko lamang ito sa 'yo dahil mukhang saglit lamang ang ating pagkikita."

Nagkatitigan ang dalawa at ang unang kumawala ay si Elaine.

"Salamat Guildmaster Gilth. Hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako tinuring na kalaban. Kahit na naging taksil ang aming kapitan sa inyo."

"Walang anuman, Supreme Elaine. Mag-iingat ka papunta sa inyong tahanan. Bantay sarado ang pamilya mo at bininigyan kita ng babala na huwag mo muna silang bisitahin."

"I know. Mag-iingat. Hanggang sa muli, Guildmaster Gilth. Pabulong na lang kay Lord Emmanuel na nasa maayos akong lagay. Paalam at salamat sa mga tulong mo sa akin."

Tumalon ang dalaga sa bintana at tumingin dito ang guildmaster ngunit sumalubong sa kanya ang malakas na hangin bago nawala ito sa paningin niya.

𔓎𔓎𔓎𔓎

NAGKITA SILA Elaine, Serena, at Guillermo sa tapat ng knight bae at sabay na nilisan ang Tasia Capital. Muli silang pumasok sa kagubatan bago gumamit muli ng wind magic si Elaine.

Wala pang isang oras nang matunton nila ang Nayon ng Dikub. Bumaba sila sa lupa at nagtago sa matataas na puno. Sumulyap sila sa tahanan ni Elaine at nakitang may ilaw sa loob nito. Kapansin-pansin din ang dalawang lalakeng knights na mula sa Mount Olimpus na nagbabantay sa labas.

"Maghintay pa tayo ng kaunti. Kapag nakita ko silang nasa maayos na lagay, aalis na tayo," mahinang sambit ni Elaine na kinatango ng dalawa.

Lumipas ang sampung minuto nang lumabas sila Helena at Esang sa kanilang tahanan.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Elaine nang makitang nasa maayos na lagay ang kanyang pamilya. Ngunit hindi niya maiwasang mapatingin sa mukha ng kanyang ina't kapatid. Malungkot ito na animo'y nalugmok.

Kapansin-pansin din ang kanilang pulso na may suot na metal na bracelet. Ginamit niya ang magic sense at naramdaman na may namumuo ritong kakaibang mana.

"Anong ginawa nila sa pamilya ko?!" singhal niya at bahagyang lumabas ang katawan ni Elaine sa tinataguan niyang puno dahil sa gustong makalapit sa ina.

Hindi niya inaasahang natapakan niya ang naputol na sanga sa lupa at ito'y lumikha ng ingay.

Agad na nagtinginan ang dalawang knight sa kanila at nakita si Elaine.

"Elle?!" sigaw ni Serena nang masamang nakatingin si Elaine sa mga kawal. "Hindi ka puwedeng mahuli nila!"

Napayukom si Elaine at susugurin sana ang mga kawal nguniy nag-cast ito ng wind magic spell papunta sa kanya. Dahil abala siya sa kanyang nararamdamang galit, hindi niya namalayang pabulusok na ang wind magic sa kanya. Bago pa siya matamaan nito, nakarinig siya ng kalibre ng baril at ito'y sumalubong sa wind magic attack. Paglingon niya, nakita niyang nakatutok ang baril sa kanya ni Guillermo. Pumutok muli ang baril at sumama ang kanyang timpla. Akala niya'y tatama ito sa kanya ngunit lumihis ang bala papunta sa isa pang wind magic attack na mula sa dalawang knight.

Nagulat ng bahagya si Elaine bago natauhan no'ng tinawag siyang muli ni Serena. Kumilos agad siya habang inaalala ang pangako niya kay Pinunong Sol na hindi siya magpapakita sa kanyang pamilya hangga't hindi pa niya matutupad ang napag-usapan.

Bago lumingon sila Helena sa gawi nila, agad siyang nakapagtago at tiningnan sila Serena.

"Alis na tayo," walang gana niyang saad saka sila tumakbo papalayo.

Sinundan pa rin sila ng mga kawal ngunit hindi na sila nito nahabol nang gumamit ng wind magic si Elaine paangat sa kalangitan.

Nakahinga nang maluwag si Guillermo at Serena. Tumingin sa himpapawid at lumingon kay Elaine na malungkot ang mukha.

"Hindi sapat ang sandaling oras?" tanong ni Serena.

"Kulang na kulang," mahinang sagot ni Elaine.

Natahimik saglit ang paligid bago dugtungan ni Guillermo ang pag-uusap. "Kapag nakamit mo ang tuktok, wala ng pipigil sa 'yo para makasama mo ang pamilya mo."

Manghang napatingin si Elaine kay Guillermo. Hindi niya pa rin inaakala na ang isang mabangis na Ceasar ay naging isang maamong hayop. Dagdagan pa nito ang nangyari kanina at sa pagkumpirma kay Gilth na totoo ang sinasabi nito sa kanya.

Hindi namalayan ng dalaga na napatitig na siya kay Guillermo. Lumihis ito ng tingin nang kumunot ang noo sa kanya ng binata.

Mahina siyang natawa na ikinagulo ng dalawa niyang kasamahan.

Humarap siya kay Guillermo at ngumiti. Sabay sabing "Salamat."

"Para saan?" takang tanong ng binata.

"Sa pagligtas at pagsama sa akin para masulyapan ang pamilya ko."

Nahihiyang yumuko si Guillermo habang kinakamot ang kanyang batok.

"Wala 'yon. Unang beses mo pa lang ako pinasalamatan sa mga nagawa ko sa loob ng isang buwan."

Nawala ang ngiti sa labi ni Elaine at pinanliitan ng tingin ang binata. "Ngunit hindi ko pa rin makakalimutan ang ginawa mo kay Serena. Kapag ginawa mo pa 'yon ulit, hindi na kita sasantuhin."

"Hinding-hindi na mangyayari 'yon noh!" tutol ni Guillermo.

"Dapat lang!"

Bago pa magkainitan ang dalawa, pumagitna na si Serena sa kanila.


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
46.8K 2.2K 48
Ellie Kate Calmerin is a simple girl with a good heart. She was living a normal life but with just one accident, different turns of events happened...
457K 18.9K 54
Siya si Hyeri Rodriguez. Basagulera, matigas ang ulo, at palaban kaya laging nasasangkot sa gulo. Simple lang siyang namumuhay sa bayan nila. Pero ma...
16.1K 1.8K 32
⚠PLAGIARISM IS A CRIME⚠ I experienced everything first hand. And when I was ready to submit to my fate. I woke up and found myself in a world where...