I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

130K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 39

1K 42 0
By PeeMad

Chapter 39: King Julyo's Scheme

KASALUKUYANG nakataas ang depensa ni Elaine sa kanyang paligid at pinapanitiling bukas ang kanyang mahikang hangin sa gagawin na paghampas ni Pinunong Sol.

"Supreme Elaine, mukhang nandaraya ka. Hindi mo ginagamit ang sixth sense mo, hindi ba?" rinig niyang saad ni Pinunong Sol sa kanyang paligid.

Mabilis siyang lumingon nang may maramdamang mahinang hangin ngunit bigla itong nawala at lumitaw sa unahan. Hanggang sa mabilis na nawawala at mabilis din itong lumilitaw sa kanyang paligid. Nalilito na ang kanyang katawan kung saan siya haharap at kung saan dedepensa.

"Ano na ang gagawin mo, Supreme Elaine, kung napakaraming hangin ang nasa paligid mo?" rinig niya muling saad ng matanda sa kanyang paligid.

Hindi na niya maramdaman ang presensya ng matanda dahil napakaraming maliliit na hangin ang bumabagabag sa paligid niya.

"Aray ko!"

Napatingin siya sa likod nang marinig ang reklamo ni Cielle.

"Ginagamit mo ang ibang senses at mahika mo, Supreme—" Bago matapos ang sasabihin ng matanda, nakaramdam si Elaine nang isang malakas na hanging papalapit sa kanya. Bago pa makaiwas ang dalaga, lumapat na ang kahoy sa kanyang kanang braso kaya ito'y napatumba. "Elaine!"

Napaupo si Elaine sa sahig hawak-hawak ang brasong namamaga sa sakit. Nakapikit pa rin ang kanyang mata kaya hindi niya alam ang nangyayari sa paligid.

"Ang sakit!" mahina niyang daing at kinausapan ang sarili sa isipan. Bakit gano'n? Nagawa ko kanina iyong developed magic sense pero bigla agad nawala?!

Napabuntonghininga ang matanda sabay pitik ng mga daliri sa kanang kamay— pinawalang bisa niya ang pagpikit nila Elaine at Cielle, at nakayanan na nilang dumilat ngunit hindi iyon naging sapat sa madilim nilang paligid.

"Nabalik na rin mata ko pero brown out pa ba?" takang tanong ni Cielle at napahawak sa kanyang braso dahil sa pagkapalo ni Pinunong Sol. "Ang sakit! Huhuhu."

Ang dalawa'y nakaupo sa sahig at napatingin sa mukha ng matanda nang tumayo ito sa harapan nila.

"Hindi niyo ba nababasa ang mga atake ko?" tanong ni Pinunong Sol.

"Kung nababasa ko, edi sana hindi ako napalo. Ninakaw mo kaya mata ko kaya paano mababasa," reklamo ni Cielle. Bago siya makatayo, laking gulat niya nang wala siyang natamong lamog o sugat sa katawan. "Anong nangyari?"

"Ilusyon lang ang pagpalo't sakit na naramdaman niyo. Lahat ng iyon ay kagagawan ko lang ngunit ang inyong sariling galaw ay hindi na sakop sa ilusyon. Kaya mas maganda ritong magsanay upang hindi kayo masaktan o mamatay at malaya kayong makagalaw," sagot ng matanda.

Tinanggal ni Elaine ang pagkakahawak sa braso at nakita itong walang natamong sugat. Tumayo siya at pinagpag ang sarili bago humarap sa matanda.

"Ano ba ang dapat gawin para mahasa ang sixth sense?" tanong niya.

Ngumisi sa kanya ang matanda. "Inaamin mo ba sa 'kin na ang pag-iwas mo kanina ay hindi galing sa iyong sixth sense?"

"Oo. Hindi mo rin naman tinatanong kung ano ang ginagawa ko."

"Hmm! Alam kong sa una pa lang ay ginagamit mo na ang wind magic ngunit isa iyong mababang kalidad ng magic sense na sa specific lang na attribute. Mas maganda ang developed magic dahil magagamit mo ito sa lahat ng bagay ngunit kailangan itong haluan ng sixth sense. . . Maupo muna kayo bago ko ituloy ang sasabihin ko."

Naupo ang dalawa na naka-indian seat. Samantalang si Pinunong Sol ay nanatiling nakatayo.

"Ang sixth sense ay isang pag-alam ng paggalaw ng isang tao sa paligid niyo nang hindi gumagamit ng iba pang senses— sight, sound, smell, taste, and touch. Isa itong pag-alam gamit ang malakas na pandama at high instinct kung nasaan ang isang tao. . ."

Nagpatuloy ang pagpapaliwanag hanggang sa aktuwal nila itong ginawa. Tumayo ang dalawa at huminga ng malalim. Habang nangyayari iyon ay siyang lathala ng matanda sa dapat nilang gawin.

Nilagyan din ni Pinunong Sol ng maliit na anti-magic barrier ang paligid nila para maiwasan ni Elaine ang umasa sa wind magic, para maiwasan nito ang paghampas.

Ang unang ginawa nila ay pakalmahin ang kanilang isipan at maging manhid ang kanilang katawan.

Naglakad ang matanda ng pa-clock wise sa paligid ng dalawa at kada haharap siya, nakikita niya ang paggalaw ng iris sa nakapikit nitong mga mata. Napangiti si Pinunong Sol dahil isa iyong basehan na ginagamit nila ang sixth sense kahit na wala pa siyang nililikhang mahika. Nararamdaman ng dalawa ang paggalaw ng kanyang mga kamay at paa.

Huminto ang matanda kasabay nang pagdilat ng dalawa.

"Ngayon naman, ang sixth sense ay haluan niyo ng inyong mana at isipin na kapag pinagana niyo ito, kailangan niyong lumikha ng mahika. Doon niyo matutunan ang developed magic sense."

Tumango ang dalawa bilang tugon. Wala ng pasaway sa kanila dahil nadadala nila ang awra ng matanda bilang isang guro. Determinado na silang matutunan ang developed magic sense dahil manghang-mangha sila sa natutunang sixth sense.

Pumikit ang dalawa at nagsimula muling pakiramdaman ang kanilang paligid. Sinimulan din maglakad ng matanda ngunit ngayon, gumagawa na siya ng mahika sa kanyang enkantasyon.

Tumagal ang pagsasanay na umabot ng takip-silim. Sapat na ang oras na nilaan nila upang mahasa nila ang sixth sense papunta sa magic sense.

Kasalukuyang nakatayo ang dalawang magkapatid na may layong isang metro sa isa't isa. Si Pinunong Sol naman ay may hawak na dos por dos. Nakataas ang kanyang presensya sa gagawin niyang muling paghampas. Kanina niya pa ito ginagawa at kanina pa rin ito naiiwasan ng dalawa. Kanina'y nahahampas niya ito ngunit ngayon, perpekto na nilang nagagamit ang developed magic sense at naiiwasan ang mga atake niya.

Wala naman pagpipilian ang magkapatid dahil hindi rin sila makagagamit ng mahika sa ginawang barrier ng matanda.

Dahan-dahang naglakad si Pinunong Sol habang pinapaikot ang pamalo sa hangin. Nakatitig siya sa dalawang nakapikit na ang mata sa talukip ay gumagalaw batay sa direksyon niya. Huminto siya at mabilis na sumugod. Una niyang hahampasin si Cielle na agad namang nakaiwas gamit ang pagtalon at paatras nito. Sunod naman ay si Elaine na hahampasin niya sana sa hita ngunit agad naman itong nakatalon.

Nang makalapag sa lupa ang paanan ni Elaine, naramdaman niya ang hampas papunta sa mukha niya. Agad tumahiya ang kanyang ulo para iwasan ito at nag-tumbling.

Naging sunod-sunod ang pagpalo't pagtusok ng matanda gamit ang kahoy sa dalawang magkapatid. Ginamit na nila ang iba't ibang taktika para maiwasan ito at naging matagumpay naman ang kinalabasan.

Tumagal ng isang oras ang pagsugod at pag-iwas ng magkapatid hanggang sa huminto si Pinunong Sol. Huminto rin ang dalawa na hinahabol ang kanilang paghinga. Tumagaktak na ang pawis sa kanilang katawan at nararamdaman na ang pagod.

Pumilantik ang matanda dahilan para makadilat muli ang dalawa. Dumilat ang dalawa at sabay na napaupo sa sahig. Mas lalong hinabol nila ang kanilang paghinga na may pagtingala pa para mas makalanghap ng hangin.

"Nakakapagod!" reklamo ni Cielle.

"A-anong oras na ba?" nahihirapang tanong ni Elaine.

"Alas syete nang gabi, Supreme Elaine," sagot ni Pinunong Sol na hindi man lang napagod sa kanilang ginawa.

Nakangiting pumikit ang matanda kasabay nang pagwala ng bisa niya sa kanyang mahika. Ang madilim na paligid ay hinigop ng magic cicle sa kaniyang paanan. Nang ito'y mawala, bumungad sa kanila ang madilim na tahanan. Naglakad papunta ang matanda sa switch ng ilaw at ito'y binuksan. Ang dalawa naman ay pahagis na umupo sa sofa.

Umupo naman ang matanda sa katapat na upuan ng sofa at bumuntonghininga. Hindi siya napagod sa pagsasanay ngunit halos maubos ang kanyang mana sa paggamit ng mahikang kaniyang nilikha.

"Magpahinga muna tayo. Saka ko ipapaliwanag ang lahat sa inyo," saad ni Pinunong Sol bago nila hinayaang lamunin sila ng pagod.

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA TASIA Capital.

Nasa gilid ng palasyo si Baron at Antonelle. Sila ang natira sa kapitolyo dahil kailangan ng depensa at healer ng ibang guild members na nagbabantay sa palasyo. Si Antonette ay nasa dakong nayon na mag-isang pinadala roon dahil kaya naman nitong maprotektahan mag-isa ang lugar. Pati rin si Captain Yong at Emmanuel.

Alas syete na ng gabi at tinatahak nila ang kagubatan sa likod ng palasyo. Madilim ang kanilang dinaraanan at tanging liwanag lang sa lamparang bitbit nila ang kanilang inaasahan. Nasa kagubatan sila na matatagpuan sa gilid ng kapital, at may kasama silang isang guild member at dalawang knight; si Monki na vice-president ng Crate Squad, si Diego at ang kuya nitong si Jaguar na mula sa Anastasia Knight. Sila'y inatasan ng hari sapagkat sila raw ang malakas pagdating sa paggamit ng mahika.

"Bakit ka narito, kuya?" tanong ni Diego na nasa likod ni Jaguar. Katabi nito si Monki at nasa likod lang nila sila Antonelle at Baron.

"Hindi ko rin alam kung bakit din ako sinama sa mga katulad niyo," may diing saad ni Jaguar na hindi man lang lumingon sa kapatid.

Napayuko sa hiya si Diego dahil alam niyang wala siyang laban sa kanyang kuya. Isa ito sa pinakamalakas sa Anastasia Kingdom at laging kasama ng hari. Kaya nirerespeto ito ng lahat. Maging ang pamilya niya ay nakatingin sa kanya bilang nakakataas sa kanila.

Ang katotohanan sa pagsama ni Diego rito ay para makumpirma ang nangyari kay Elaine. Nais niyang makibalita kung ano na ang nangyari rito. Dahil sa ginawa niya, maaaring magsumbong ito na makakapagpalala sa kanilang pamilya. Gusto niya itong tapusin sa lalong madaling panahon lalo na kapag sinabi pa nito ang katotohanan sa kuya nitong kinatatakutan niya.

Mabuti na lang talaga, nawala sila kasama ang kriminal. Am I lucky? I wish for her demise, pagkakausap ni Diego sa kanyang sarili at lihim na ngumisi.

Yumukom ang mga kamay ni Jaguar habang iniisip ang mga nangyari noon na bumisita sa kanila si Emperor Lunar.

Bakit si Joziah lang ang kinuha niya? Karapat dapat naman ako at mayaman! Hindi siya nabibilang sa Mount Olimpus.

"Bakit tayo narito?" tanong ni Baron. Hindi siya sinagot ni Jaguar.

Si Jaguar ang inatasan ng hari para pumunta sa dulong kagubatan. May kailangan siya roong makita na importante sa hari.

Nagkatinginan sila Antonelle at Baron. Hindi na lang din nila ito pinansin dahil nagpokus na lamang sila sa kanilang trabaho.

Ang madilim na kagubatan ay naibsan nang matunton nila ang dulong bahagi. Doon ay may makikitang maraming lampara at ilang tao na iba ang pananamit kaysa sa kanila.

Napahinto sila nang huminto si Jaguar. Doon ay natitigan nila ng mabuti ang mga banyaga.

"Sino sila?" tanong ni Jaguar sa mga armadong lalakeng may suot na metal helmet na ang bahaging bibig lamang ang nakikita. May tag-isa itong mga espada na gawa rin sa metal.

Ang pagkukumpulan ng mga mandidirgma ay nakabilog na may pinoprotektahan sa loob nito.

Hindi sinagot ng mga armadong lalake si Jaguar. Bagkos, tinutukan siya niyo ng mga espada.

Agad naalarma ang grupo nila Jaguar at pinuwesto ang bawat sarili na animo'y susugod sa labanan. Walang nagpakita ng kaba, halos lahat ay handang makipagsapalaran.

"Ibaba niyo ang mga espada!" rinig nilang sigaw mula sa likod ng mga armadong lalake.

Agad naman itong sinunod ng mga armadong lalake at tumindig. Mayamaya'y nahati ang mga armadong lalake sa dalawang bahagi at ang natira sa gitna ay isa na lamang na lalakeng kakaiba rin ang suot ngunit masasabing maharlika.

Nang mamukhaan ito ni Jaguar, lumaki ang kanyang mga mata. Agad niyang niluhod ang kaliwang tuhod, yumuko, at gumalang, "Haring Julyo."

Agad na natauhan ang iba niyang kasamahan at lumuhod din bilang pagbigay galang sa haring si Julyo.

Ngumiti ang hari sa kanila at tumugon, "Maaari na kayong tumayo."

Agad naman tumayo ang grupo na may tindig.

Siya si King Julyo Harold na isa sa haring pinakamalakas sa buong South-West Land. Siya'y nasa edad 40's at hindi tulad ng ibang haring matanda na tigman, siya'y binata pa ang hitsura. Ang kanyang mata ay kasing itim ng dilim at kasing kinang ng dyamante. Ang buhok nito'y kulay abo at may karismang dala-dala bilang isang haring nakatayo sa kanila.

"Ikaw ba si Jaguar?" tanong ng hari na agad naman tumango ang binata. "Alam mo naman siguro ang layuinin mo, hindi ba?"

"Opo," sagot ni Jaguar na sa isipan nito'y hindi pa rin siya makapaniwala na si King Julyo ang susunduin niya. "Halina po kayo, hinihintay po kayo ni King Jozwell."

Ngumiti lang sa kanya ang hari at sila'y nagsimulang maglakad pakaliwa sa kagubatan.

Samantala, nasa likurang bahagi sila Antonelle at Baron. At sa likurang bahagi naman nila ay naroon si Haring Julyo kasama ang mga tauhan nito.

"Anong ginagawa ni King Julyo rito?" bulong ni Baron sa kasamahang dalaga.

"Hindi ko rin alam," sagot naman ni Antonelle.

Makalipas ang mahigit kinse minutong paglalakad sa kagubatan, huminto sila sa isang puno. Naglakad si Jaguar papunta sa puno at hinila ang nakausling sanga rito. Hindi ito naputol dahil isa itong switch para lumitaw ang lagusan papunta sa kaharian. Hindi naman nagulat ang iba sa kanya dahil hindi na bago sa palasyo ang ganitong eksena.

Naglakad na sila papunta sa masukal na batong lagusan. Hanggang sa natunton nila ang dulong bahagi nito at tumambad sa kanila ang metal na pinto.

"Metal Magic, Open Sesame," enkantasyon ni Jaguar at ang pinto ay nahati sa dalawa.

Pumasok na sila rito at nadatnan nila ang malawak na silid na may iisang tronong disenyo. Nakaupo ro'n si King Jozwell at sa gilid niya ay naroon ang dalawa niyang tagapagsilbi. Nakangisi ang hari sa kapwa hari at nakataas pa ang noo.

Ang grupo ni Jaguar ay agad na gumilid at yumuko sa dalawang hari.

"Maligayang pagbabalik muli sa aking palasyo, KingJulyo. Hindi ko natatanungin ang sadya mo rito sapagkat iisa lamang ang idadahilan mo," may tindig na saad ni King Jozwell sabay tayo, "Pag-usapan na natin ang plano mo."

"Napakabilis mo naman yata. Nakita mong kakarating ko lamang hindi ba?" nakangiting sambit ni Haring Julyo habang naglalakad papalapit sa kausap na hari. Huminto ito nang magtapat sila sabay ngisi. "Bakit hindi ka bumaba sa trono mo para mag-usap tayo?"

"Hmm!" Sinunod naman ito ni King Jozwell at sila'y nagtapat. "Ano naman ngayon ang plano mo?"

Bago siya sagutin ni King Julyo, pinitik nito ang mga daliri sa kanang kamay.

"Earth Creation, Fancy Stones of Kingdom's treasures," pag-cast nito ng spell at nagkaroon ng magic circle sa tinatapakan nilang lupa. Tumubo sa lupa ang upuan sa likuran ng dalawang hari. Gawa sa bato ang upuan at may isang lamesa sa pagitan nila na gawa naman sa marmol.

Umupo si King Julyo at gano'n din ang ginawa ni King Jozwell.

"Maaari na tayong mag-usap," saad ni King Julyo.

Ang grupo ay namangha dahil sa ginawang mahika ng hari ngunit sila Baron at Antonelle, nakatuon ang mga tenga't mata sa pag-uusapan. Sila'y bukas sa sabi-sabing ang patimpalak ay may kakaibang kampihan. Kumalat na ang ganitong pamamaraan ngunit ngayon, kitang-kita na ng dalawa nilang mga mata ang mangyayari sa usapan. Nakatitig sila sa hari hanggang sa sila'y nagulat nang lumingong nakangisi si King Julyo sa kanila.

"Maaari ko bang makausap ang hari ng masinsinan?" saad ni King Julyo na nakatingin pa rin kanila Baron at Antonelle.

Agad na yumuko ang grupo at umalis sa malawak na silid. Gano'n din ang ginawa ng mga armadong lalake. Walang nagawa sila Diego at Jaguar na pagkakataon na nilang makakalap ng impormasyon sa kanilang mga agenda.

Nang mawala sa paningin ni King Julyo ang mga tao sa kanilang paligid, ang kaniyang ngiti ay napalitan ng seryosong tingin kay King Jozwell.

"Dideretsyuhin na kita, Jozwell, narito ako para sa patimpalak at sa titulong uno. Kakausapin kita sa naisip kong plano para mapanatili natin ang titulo sa South-West Land."

"Alam ko. Ngunit ang titulo kong pangalawa sa pinakamalakas ay nasa plano ko," mayabang na saad ni King Jozwell.

Ngumisi si King Julyo na ikinakunot ng noo ni Jozwell.

"Baka nakakalimutan mong hindi ka magiging pangalawa kung hindi'y dahil sa 'kin." Pinanliitan ng tingin ni King Julyo ang katapat na hari. "Yumayabang ka ba sapagkat isa sa mga tao mo ay kinuhang representative ni Emperor Lunar?"

"Isang basehan 'yon na malakas ang aming kaharian. Hindi mo ba alam na laging narito si Emperor Lunar at lagi kong kasama?" taas noong saad ni King Jozwell.

Takang tumingin si King Julyo sa kapwa hari at sabay mahinang tumawa.

"Wala ka talagang alam sa mga nangyayari?" natatawa niyang saad, "Kaya hindi na ako magugulat kung bakit hindi mo matunton ang unang ranggo sa patimpalak." Sumeryoso ang tingin niya sa hari na may kasamang malawak na ngiti. "Mananatili kang nasa ibaba ko. Hinding-hindi ka aangat nang wala ang tulong ko."

Ang mayabang na si King Jozwell ay nanginig sa pagkaramdam ng nakatatakot na awra ng kasamang hari.

"A-ano. . . b-ba ang s-sadya mo r-rito?" nauutal na tanong ni King Jozwell.

Ang nakatatakot na mukha ni King Julyo ay napalitan ng ngiti. "Ang plano ay gano'n pa rin. Tutulungan mo ako makamit ang unong ranggo kapalit ng pag-export ko ng mga ginto, Madali lang hindi ba? Ngunit ngayon ay may balakid sa plano.—" Sumeryoso ang tingin ni Haring Julyo. "Nabalitaan kong ang Olga Kingdom ay sasali sa patimpalak. Nakabibigla ngunit hindi ko iyon papalampasin. Lalo na't hindi siya tumatanggap ng bisita sa kaharian nila. Niyaya ko rin siyang makipag-usap sa 'kin ngunit siya'y tumatanggi. Alam mo naman sigurong isa ang kaharian na iyon dati sa nangunguna sa ranggo hindi ba?

Tumango-tango lang si King Jozwell. Hanggang ngayon, ramdam niya pa ang kaba't takot sa kasamang hari.

"Ano kayang pinaplano ng kaharian na iyon? Gusto kong malaman. Maaari mo bang tulungan ako?" dagdag pa nito.

"Oo," mabilis na sagot ni King Jozwell.

"Good," nakangising tugon ni King Julyo.

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA TAHANAN ni Pinunong Sol, naabutan na nila ang sikat ng araw sa mahimbing nilang pagtulog na may kasamang pagpapahinga. Pinaliwanag na ng matanda sa dalawang dalaga ang gagawin nila at ito ay ang. . .

"Sa kagubatan tayo magsasanay ng magic senses niyo."

"Talaga? Yehey! Makagagala na ako! Ayoko rin magsanay sa masikip na bahay mo," masiglang tugon ni Cielle na may kasama pang pagduro sa matanda.

Napangiwi na lang ang matanda at tinitiis na hindi magkasala sa kanyang binabantayang guardian. Napakakulit kasi nito at napaka-hyper.

"Hindi ba't naroon si Emmanuel?" tanong naman ni Elaine.

"Oo, Supreme Elaine, ngunit ngayong araw din umalis si Emmanuel. Sigurado akong wala na siya sa kagubatan."

"Kung gano'n, tara na!" sigaw ni Cielle.

Nag-almusal lamang sila at nagdala ng makakain dahil sabi ni Pinunong Sol, sa kagubatan na sila kakain at aabutin ng gabi.

Dumaan sila sa likod bahay upang hindi rin mapansin ng mga taga nayon at para na rin mas mapabilis ang pagpunta sa kagubatan.

Nang sila'y makapasok sa kagubatan, agad na naramdaman ni Elaine ang kakaibang mahika sa kanyang magic sense. Hindi niya matukoy kung saang bahagi ito dahil hindi niya pa natutunan ng maayos ang developed magic sense.

Saan galing ang mana na iyon? Pagkakausap niya sa kaniyang sarili.

"Ano 'yon?" tanong ni Cielle na ikinatingin ng dalawa sa kanya. Nakaturo ito sa itaas na bahagi ng puno kaya sinundan nila ito ng tingin.

Agad silang naging alerto nang may kumaluskos sa dahon ng puno.

"Sino sila?!" pasinghal na tanong ni Pinunong Sol.

Ang pagkaluskos ay nawala nang may lumitaw ditong binata na mapungay ang mga mata at kinakamot ang batok. Halatang kagigising lang nito at hindi alam na may nakatingin sa kanya.

"Napasarap tulog ko ha!" saad ng binata at nang ma-activate ang undeveloped magic sense niya, nakaramdam siya ng mahika sa gilid at agad napatingin dito. Laking gulat niya nang makita ang tatlong tao sa ibaba ng puno ngunit mas lalo siyang nagulat nang makilala kung sino ito.

"Elaine?!" - Emmanuel

"Lord Emmanuel?!" - Elaine.


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 246 39
Let's go back to the time when it all started- to the start of the fall. Back when a single ambition ruined it all. ©SaviA 2020
964K 57K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
42.5K 1.8K 60
Valerie Hernandez a.k.a Adira is a bounty hunter who obsessed in pennies. When her friend witch gave a new mission, she grab it even though it's all...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION