"To Be With Them is Enough"

By Nhicheey_20

4.7K 102 174

Nhicheey πŸπŸ¦‹πŸ–€ THIS STORY IS ABOUT LOVE AND BETRAYAL INCLUDING THE TRUSTING AND FORGIVING SOMEONE. " To Be W... More

"To Be With Them is Enough"
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 12

57 3 5
By Nhicheey_20


Napuno ng bulungan ang paligid at nawala lang yun ng makababa akong tuluyan dun.

" New!! Saglet lang..hintayin mo kame. " hiyaw nila Ashie at nagmamadaling mga bumaba sa hagdanan.

" Grabe parang bumaliktad ang mundo kanina nung nakita ko kayo.Dati kase ikaw ang humahabol kay Zee nun tas ngayon sya na."

" Aray!! " sunod na daing ni Ghio dahil nakatanggap lang naman sya  ng isang kurot mula kay Chiy ng sabihin nya yun.

Habang naglalakad ay nakasalubong din namin yung babae kanina na kasama ni Zee sa bahay.Akala ko ay hindi sila makikilala ng mga kaklase ko pero pinaringgan ba naman ng mga mokong na tohh at saka tinarayan.

" Akala mo naman ang gaganda!! " nakataas na kilay na sabi ni Anhgel at sinundan pa ito ng mga tingin.

" True ka dyan behh. "

" Talampakan ko lang naman yang mga yan, tskk. " mataray na sabat naman ni Yui at inirapan pa ang mga ito.

" Slay mhiee!! "

Tawanan naman kaming lahat ng marinig namin yun mula kay Diem..laptrip talaga ang mga tohh kapag nagkukunwaring mga bakla para lang makaganti sa mga yun.

" Bili na ako ng mga foods naten." nauna na sila Viz at kami naman ay naghanap ng lamesa.

Habang naghihintay ay nagkwentuhan muna kami dito at tila may sarili kaming mundo dahil nasa bandang dulo kami nakaupo lahat.

" Parang hindi ko ata kakayanin yung isang linggo natin na camping.Imagine sa gubat tayo maninirahan.." nabaling naman ang atensyon namin kay Yui ng magsalita ito.

" Baket? Never ka pa ba naka experience ng ganun? " singit na tanong ni Hilz sa kanya.

" Yeah, you're right. "

" Rick kid moments yarnn!!? " natatawang sabi naman ni Ashie kaya natawa na lang din kame.

" Kung may mayaman man dito..kayong dalawa na ni Nunew yun." kumunot naman ang noo ko ng marinig ko ang sarili kong pangalan sa kanila.

" Correction lang..parents ko yung mayaman hindi ako." paglilinaw ko sa mga ito habang nakapalumbaba at kaharap sila.

Masaya lang kaming nagkukwentuhan sa isang mahabang table hanggang sa dumating ang mga pagkaing dala nila Viz ng bigla na lang may nagsalita sa kabilang lamesa.

" Nasa giyera ba sila at ganyan sila mga magsiasta? " rinig naming sabi nung isang babae.

" Expected naman na yun..sa section at ugali pa lang nila." dagdag pa ng katabi nito.

Pinakikinggan lang namin yun at hindi sila binibigyan ng kahit anong tingin dahil masamang mag away kapag nasa harap ka ng pagkain.

" Kain lang kayo. Hayaan nyo sila. " nagpatuloy lang kami habang sinasabayan pa din yun ng kaunting tawanan.

" Sa tent nga pala natin..sari-sariling dala na lang? " tanong ni Ashie habang kumakain ng fries.

" Gusto ko magkakasama na lang tayo lahat." suhestiyon naman ni Nat samen.

" Ang alam ko hindi pwede..boys and girls are not allowed na magkasama matulog." naalala naman agad namin na kasama nga pala yun sa rules ng camping ng buong skwelahan.

Tama naman sya and never naman hindi nawala yun sa school na tohh and I'm sure na sa iba den may ganitong patakaran.

Nang matapos kami kumain ay bumili muna sila Ashie ng maiinom namin.Tuyong tuyo na kase lalamunan namin kakasalita dito.

" Pabigat lang naman ang mga lower section kaya nakakapagtaka dahil nakasama sila. "

" Yeah, your definitely right. "

" Baka naman kase nasuhulan na ng mga rich kids eka nga sa kanila. "

Pagkarinig namin dun ay isang malakas na hampas sa lamesa ang nagpagulat saming magkaklase at pati na rin ang ibang mga estudyante sa loob ng canteen.

" Wala na ba kayong ibang machismis kaya section namin lagi ang bukambibig nyo? " may inis na tono sa boses ni Viz habang nakatingin sa mga ito.Halatang pati sila ay nagulat dahil sa mga reaksyon nila.

" Viz..umupo kana." awat nila Diem dito ng makita naming yumukom ang dalawang kamao nito.

Sumunod naman agad ito at pilit kinalma ang sarili nya.

" What the hell!! Are you blind!!? " biglang sigaw nung babaeng nagsabing nasuhulan daw ang school kaya nakasama kami.

Napatingin kami dun at ganon na lang ang gulat ng iba samen ng makita naming basang basa ang damit nung babaeng makapal ang make up..nasa harap nila si Ashie at Anhgel na seryosong nakatingin sa kanila.

" Sorry..akala ko kase nauuhaw ka na aso.Tahol ka kase ng tahol yan tuloy nabuhusan kita ng juice." mapang asar na sabi ni Ashie dito.

" What!! Are you crazy!!? " galit na tugon naman nito.

Inis na inis naman syang tiningnan nito at akmang kukuhanin ang isang basong puno din ng juice at ibubuhos sana sa kaharap nya ng mabilis itong sinipa ni Anhgel pataas saka hinila palayo si Ashie upang hindi ito matapunan.

Naghintay naman ang mga kaibigan nung babae na bumagsak ang baso ngunit agad din sinapo yun ni Anhgel bago pa malaglag mula sa ere..sumakto ang landing ng juice sa mga kasama nito kaya lalong namuo ang inis sa mga mukha nila.

" This is so kadiri, eww!! " reklamo nung isa habang diring diring tinitingnan ang sarili nya.

" I've warned you last time, right? So hindi mo deserve ng sorry ko besides kahit naman nung una pa lang kase sinabihan na kita..mabuti na lang at may natitira pang kabaitan sakin at hindi kita ginawang basurahan like what I told you last time here." sarkastikong sabi pa nya dito at hinawi ang buhok nya na tumama naman sa mukha nito.

" Sya may kasalanan kaya sa kanya kayo magalit." singit pa ni Anhgel bago lagpasan ang mga ito.

Yess..sila din yung grupo nung nakaraan na nakasagutan din ng mga kaklase ko.

" Balik na lang tayo sa room, guys. Amoy basura sa bandang tohh. "

Agad namang sumunod ang iba at nahuli kami ni Chiy dahil pinabigay ko sa kanya ang panyo sa babae para ipangpunas sa mga basang parts ng katawan nya.

" Ang astig ni Angge kanina!! " manghang mangha na saad ni Chiy habang hinahabol namin ang mga ito ng lakad.

Pabalik na kami sa room na parang wala lang nangyari.Hindi pa din nauubusan ng sasabihin ang iba naming kasama kaya tawanan pa din kami habang papaakyat ng hagdan.

" Hi, Nunew. "

" Kumain ka na ba, New? "

Kunwari ay abala ako sa pakikipag usap kay Nat at hindi sila napapansin para hindi na ako maharang at pagkaguluhan.Kapag kase pumayag akong magpapicture sa isa..dadami lang sila ng dadami.

Hindi naman sa nagmamayabang at nagdidimot ako..

Ayoko lang maging atensyon ng lahat and besides madami din akong iniisip na kailangan ko umahin.

" Ang gwapo talaga nya!! "

" Sana napunta na lang ako sa section nila. "

Biruin mo yun mga estudyanteng nasa star section na gusto pa mapunta samen..habang karamihan samin ay gusto mapabilang sa kanila.

Pagkapasok sa room ay umupo na agad ako sa may bandang dulo.Nakasunod din pala si Nat saken at ngayon ko lang sya napansin.

" Hindi ka ba pupunta sa bahay? Ilang araw na tayo di nagkakasama." nakangusong ani nito saken.

" Mukhang kailangan ko pa magpaalam ngayon kila Dad bago ako umalis ng bahay dahil sa nangyari kagabi. "

" Baket ba kase hindi ka nagpaalam? Alam mo namang wala kang kakampi sa inyo diba? " napabuntong hininga na lang ako at pinaikot ikot ang ballpen sa daliri ko.

" Hindi ka din naman nagpaalam pero bakit parang chill ka lang dyan? Siguro dinaan mo na naman sa pa cute sila Kuya James kaya ka hindi napagalitan." ngumiti naman ito at tumango tango sakin.

" Alam mo namang hindi tayo matitiis nila Kuya diba!!? "

" Tskk..edi congrats sayo.Buti ka pa. "

Hinintay lang namin na makumpleto kaming magkaklase sa room at pinagpatuloy na ang iniwang gawain samin ni sir.Mukhang matatapos na din namin tohh ngayon dahil wala naman masyadong mapili samen.

" Paki-inform na lang kami bukas for those who are still not sure na papayagan sila ng kanilang parents.That's all and pwede na tayong umuwi." pagkasabi ko nun ay naghanda na kami sa aming pag uwi dahil nagsisimula na din maglabasan ang ibang mga section kahit may ilang minuto pa bago tumunog ang bell ng school.

Kumuha lang ako ng copy ng mga list na napag usapan ngayong araw bago lumabas ng classroom at diretso lang na naglakad pababa ng hagdanan.

" Bye, Nunew!! "

" Byeee~ " paalam ko din sa mga bumabati sakin hanggang sa makarating ako kung nasan nakapark ang kotse ko.

Habang palabas ng gate ay nahagip ng mata ko yung babaeng inuwi ni Zee sa bahay at umaakbay sa kanya dito sa school kasama ang mga iba pa nitong kaibigan.May kinakausap ito na nasa loob ng kotse at sa tingin ko ay si Zee ito dahil sa kulay ng sasakyan.

At dahil sa naiinip na ako dahil napakatagal umusad ng kotse sa harap ko ay paulit ulit akong bumusina para kuhanin ang atensyon nila.

Nakita ko namang nagulat ang mga ito at pati si Zee ay napadungaw sa sasakyan nya.Gumuhit ang ngiti sa mukha ko ng makita kong inis na inis na ang mga bruha.

Nang makuha ko na ang gusto ko ay umovertake na lang ako.Dito pa talaga sa school naglalandian..di na mga nahiya.

" Hello, Dad? "

* Son, I heard that your school will having a camping, am I right? Makakapunta ka ba ngayon dito sa bahay..so I can give you your allowance for next week. *

" Pero kakasend nyo lang po saken ng pera nung isang araw.Kahit sa linggo nyo na lang po bigay saken. "

* May business trip kami ng Mom mo kaya baka ilang araw kaming mawawala.Uuwi din kami agad as soon as matapos na ang mga work namin. *

Work, work, work, work na lang lagi.

" Okay, diretso na muna ako dyan sa bahay. "

Si Dad na ang nagpatay ng tawag kaya nag iba na din ako ng daan.Bigla na namang pumasok sa isipan ko sila Kuya Yim..gusto ko na din pumunta ulit dun ang kaso nga lang paano ako kikilos sa harap nila pagkatapos ng mga nalaman ko.

Ilang minuto ang nakaraan at nakarating na ako dito kila Dad..sinalubong namin ang isa't isa ng yakap bago kami magtungo sa sala.

" You looked so stress today? Is there something wrong? "

" Inaasikaso kasi namin yung camping. "

Tumango tango ito at inabutan ako ng tubig sa baso.

" Magsabi ka lang para matulungan kita. " saad nya ng makaupo kami.

Ngumisi ako ng marinig yun mula sa kanya.

" I want a divorce paper. " seryosong sagot ko kay Dad habang nakatingin sa mga mata nya ng diretso na agad namang nagpawala sa mga ngiti nya.

" H-huh? Ba--"

" Just kidding. Si Mom pala nasan? " nakangiting tanong ko sa kanya.

" Ohh~ umalis sya kanina.Inaasikaso yung mga kailangan namin para sa pag alis." tumango tango lang ako kay Dad na mukhang gulat pa din sa sinabi ko.

" Hindi na din ako magtatagal dahil dadaan pa ako ng mall." sabi ko dito at humiga saglet sa sofa.

Nakipagkwentuhan din muna ako kay Dad..sa dami mga ng kwento namin ay din ko namalayan na magdadalawang or as na pala akong nandun.Pagkatapos din nun ay ibinigay na nya ang allowance ko. Nagtaka pa ako dahil napakalaki ng perang binigay nito sakin.

" Kelan po ba uwi nyo, next month? Anlaki naman po ng perang iiwan nyo sakin. Di ko pa nga po nauubos yung binigay nyo sakin nung isang araw. " ngumiti lang si Dad saken at sumenyas na kuhanin ko na lang daw.

" Ikaw ng bahala kung san mo gusto gastusin yan basta sa mabuting paraan, okay? You can use this money..para treat mo yung mga kaibigan mo."

" Mag iingat kayo dun. Wag mo kalimutan tumawag samin ng Mom mo at syempre kung may problema ka, okay? "

Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Dad na yun.Ngayon na lang ulit ako naging ganito everytime na aalis sila usually kase ay sa text lang sila nagpapaalam sakin.

" I will,Dad.Uwi na po ako dahil may online meeting pa kame ng mga classmates ko para sa isang linggo." tumango ito at saka ako niyakap ng mahigpit.

Kinuha ko lang ang bag ko sa sofa at paalis na din sana ng pumasok na naman yun sa isip ko.

" Dad.. "

" Yes, son? " sagot naman nito ng humarap akong muli sa kanya ngunit medyo malayo na ang pagitan namin.

" If ever man po ba na gusto ko na ng divorce with him, papayag po ba kayo? " magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko habang tinatanong yun sa kanya.

Nakita ko namang nawala ang ngiti sa mukha ni Dad ng marinig nya muli ang tungkol dun.Bakit ba ganun na lang ang nagiging reaksyon nya sa tuwing sasabihin ko yun..ganun na ba kaimportante si Zee sa kanila kesa sa sarili nilang anak.

" W-why? " tanong ni Dad saken.

Ngumiti ako dito. " Wala naman, Dad. It's just I have a friend na may problem sa family nya and he ask me kung paano daw ba nya sasabihin sa dad nya na gusto na nyang makipaghiwalay dun sa taong hindi na nya mahal." idaan ko na lang siguro tohh sa ibang paraan baka sakaling makuha ko ang sagot nya.

" T-that's it." pagtapos ko sa sagot ko.

" Ohh, okay. I thought you're really the one who wants it dahil hindi ko maibibigay sayo yun."

" Well, about dun sa friend mo..if he really don't love that person anymore, dapat mag open na muna sya sa parents nya para matulungan sya diba? Then pag usapan nila yun ng magkakasama para mabigyan ng solusyon."

" Saka it depends naman sa situation nilang dalawa. "

Nakatitig lang ako sa sahig habang sinasabi ni Dad yun sa harap ko.

Bakit ganun?

Kayo na ang nagsabi na dapat magsabi sa parents kung na sa ganung sitwasyon pero bakit baliktad ang nangyayari..paano pa ako mag oopen kung alam ko na din naman ang sagot.

" Nak? "

" Y-yes, Dad? " bumalik ako sa sarili ko at tiningnan syang muli.

" Did you hear what I said? " tumango lang ako dito bilang sagot.

" Mauna na po ako, dumidilim na din po.Thank you po ulit. Ingat po kayo sa byahe nyo mamaya. " ngumiti ako ng mapait at saka tuluyan ng lumabas ng bahay.

Zee's POV

Kanina pa ako naghihintay kay New dito sa sala dahil hindi pa ito umuuwi.Naihatid ko na't lahat si Chie ay wala pa din ito hanggang ngayon..halfday lang naman ang pasok at saka sabi din ng ibang nakakita sa kanya ay umuwi na ito.

" Where the hell is he." hindi ko din naman sya matawagan at text dahil nakablock ang number ko sa kanya.

Kailangan pa namin mag usap tungkol sa maraming bagay.Yung sa school na nakita nya, yung party nung isang gabi at yung kaninang umaga. Gusto kong makasigurado na hindi yun makakaapekto sa kanya.

" Tumawag ba sya dito sa bahay kanina? " tanong ko sa isang maid at agad naman itong umiling saken.

Naghintay pa ako ng ilang mga minuto bago umakyat sa kwarto ko dahil sa inip at nakakaramdam na din ako ng antok.Naligo lang ako at bumaba din pagkatapos para makakain na ng hapunan.

Nunew's POV

Nagpark lang ako ng kotse at bumaba na din.Kinuha ko naman ang selpon ko sa bulsa ng tumunog yun.Nag uusap usap na pala sila sa gc ng mga gagawin at gagamitin sa camping.

Nakisabay lang ako ng mga chats sa kanila habang naglalakad papasok at pagdating pa lang ng sala ay rinig ko na ang mga tunog ng kutsara at mga pinggan sa kusina.Binilisan ko na din ang lakad ko dahil magsisimula na ang video call naming magkaklase.

" Young master, kakain na po. " napahinto ako ng kaunti ng biglang lumabas ang maid sa kusina.

" You're finally here. " gumilid naman ng kaunti ang maid dahilan para magkatinginan kami ni Zee na abala sa pagkain.

Walang gana ko lang syang tiningnan bago umakyat sa taas at dumiretso na sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ay tinanggal ko lang ang sapatos at necktie ko bago buksan ang laptop ko at nagjoin na sa call.Agad naman naming binati ang isa't isa kahit wala pang isang araw kaming hindi nagkikita kita.

" Nhuu, kakauwi mo lang ba? " tanong ni Ashie saken.

" Dumaan pa kase ako kay Dad kanina. " sagot ko naman sa kanya.

" Nhuu. " tawag ni Ashie saken.

" Can I have the attention of Anhgel and Diem, our treasurer and secretary.. " panimula kong sabi sa kanila.

" Now speaking." napangiti naman ako dahil mukhang alerto at kumpleto ang lahat dito.

" Paki collect na ang mga contributions natin bukas and pakilista din yung mga kagustuhan ng bawat isa sa camping like foods ganun, okay? "

" Gotchuu. "

" Noted. "

Magkasunod nitong sabi kaya sinunod naman namin na sabihin isa-isa yung mga nalista kanina na napag usapan sa school at kung okay na ba yun sa kanila.

" Sa mga walang tent naman na dadalhin dyan, don't worry dahil mas masarap matulog sa damuhan.Charr lang..kami ng bahala dun." biro ni Ashie sa mga ito kaya nagtawanan naman ang lahat.

Marami pa kaming pinag usapan hanggang sa magpaalam na kaming lahat sa isa't isa at bukas na lang ulit tatapusin ang lahat.Narinig ko namang may kumatok sa pinto kaya tiningnan ko sa butas kung sino yun.

Dumiretso na lang ako sa banyo ng makita kong si Zee yun.Maliligo muna ako bago kumain..pero hindi ako lalabas dahil may binili na akong pagkain ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagsimula na akong kumain habang nagdidikit ng mga notes sa isang bahagi ng pader ng kwarto ko.Inaayos ko na ang mga listahan ng bibilhin at kakailanganin namin para hindi makalimutan.

____________

Kinabukasan....

Pinatay ko na ang alarm ko at dumiretso na sa cr para maligo at makapaghanda na sa pagpasok.Kahit labag sa loob ko na pumasok ngayong araw ay pipilitin ko para walang maging problema sa isang linggo.

Natapos ako ng 6:15 kaya bumaba na din ako agad para kumain.Nang madaanan ko ang kwarto ni Zee ay may narinig akong nagsasalita mula doon.May boses babae akong naririnig at nagtatawanan pa ang mga ito.Iba na pala ang panahon ngayon..babae na ang kusang pumupunta sa bahay ng lalaki.

" Good morning po..Young master, luto na po ang umagahan.Kumain na po muna kayo." ngumiti ako dito at binati din sya bago pumasok sa loob.

Tahimik lang akong kumakain ng dumating maya maya ang dalawa at halatang kinakabahan ang mga ito ng tingnan ko silang dalawa na nakangiti pa at magkahawak ang kamay ng pumasok ngunit nawala agad ng makita ako.

" Can I have some water please." saad ko at agad naman akong nilagyan sa baso ng maid at halatang kabado din ito dahil kita ko ang bahagyang panginginig nya.

" Sir, kakain na din po ba kayo? " tanong ng isa pa na maid sa kanila.

Binalik ko ang atensyon ko sa pagkain at nagpatuloy na dun.Hindi ko na sila muli pang binalingan pa ng tingin dahil masakit lang sa matang makita silang dalawa.Mabuti na lang at busog na ako at kailangan ko na lang ubusin ang ilang ulam at gatas na natira sa pinggan at baso ko.

Hindi naman ako na inform na dalawa pala kaming iuuwi dito ng lalaking tohh sa bahay nya.Ayoko pa naman sa lahat yung may kaagaw ako..hindi kay Zee dahil kayang kaya ko ibigay sa kanya yun.

" Hi, New. " bati ni Chie saken.

Hindi ko sya pinansin at ramdam ko namang mga nakatingin ito saken.

" Where did you go yesterday? Gabi kana umuwi." sumunod naman na tanong ni Zee na kaharap ko sa lamesa.

" Why?..para isumbong ulit ako kila Dad and Mom like what you did the last time? " malamig kong tanong dito ng hindi pa din sila tinitingnan.

" Baka naman he just went to his friends to have a party again, right? " napangisi na lang ako dahil sa inis ng sabihin nya yun.

" Did I ask for your opinion? " rinig ko namang nag ngisian ang mga maid na nasa likod nila na mukhang kanina pa naghihintay ng mga sasabihin ko.

" Is it a sec-- " dagdag pa nya ng putulin ko na ang sasabihin nito.

" Shut up." inis naman nya akong tiningnan pagkatapos nyang marinig yun.

" So, saan ka nga nagpunta? " tanong muli ni Zee saken.

" You really want to know where it is? "

Nagtinginan pa silang dalawa bago tumango si Zee saken ng dahan dahan.

Nagpunas lang ako ng bibig at saka tumayo.
" Tanong mo dyan sa katabi mo baka alam nya..besides mahilig din naman sya makisabat sa usapan ng iba." lumabas na ako doon at kinuha na ang bag ko.

* Nasa tambayan kami dito ka na lang dumiretso mamaya pagdating mo. * rinig kong sabi ni Viz saken sa kabilang linya at agad din nya yun pinatay.

Nag drive na ako papuntang school at mabuti na lang ay hindi traffic kaya mas mabilis akong nakarating dun.

" Nhuu!! " tawag ng kung sino kaya nilingon ko kung sino ang mga yun.

Sila Nat pala yun kasama sila Kuya Yim at mukhang kakahatid lang din nila dito.Lumapit ang mga ito saken at niyakap ako isa isa.

" Kelan ka ba pupunta sa bahay? "

" Oo nga, hinihintay ka kaya namin."

" Kumusta ka naman dun? Namiss ka namin ng sobra." masigla akong mga binati nito at yumakap yakap pa saken ulit.

Alam ko naman na ang tinatago nila pero naghihintay pa din ako kung kailan nila sasabihin yun saken.Unang beses lang nangyari yun samen at hindi ko alam na mangyayari yun nung nawala na ako sa bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

700K 42.9K 107
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
1M 55.3K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...
2.3M 117K 65
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader β”• 𝐈𝐧 𝐰𝐑𝐒𝐜𝐑, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
1.1M 49.9K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC