"I knew you'd changed when you didn't remember that day"
✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄
Tumayo na sina Angelo at Jared nung natapos na sila at pinatay na din ang ilaw sa stage para sa mga model na lalabas mamaya. Ngunit kahit ganoon, napansin ko parin ang biglang pag sandal ni Jared sa pader ng stage.
"Si Jared.."
Nakahawak siya sa dibdib niya at humihinga ng malalim. Si Angelo naman ay inaalalayan siya pababa ng hagdan. Hanggang sa..
"Jared!" sigaw namin dahil bigla nalamang siyang natumba pagdating niya sa huling baitang ng hagdan.
"Shit!" mura ni Asher bago ko siya nakitang tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Angelo na sinusubukang itayo si Jared. "Ako na! Ako na!" sigaw pa niya.
"Ano nangyari?!" sigaw ni Ethel nung papalapit na kami.
"Yung asthma niya," hinihingal na sabi ko. "May asthma siya. Nasa bag niya 'yung inhaler!"
Madali siyang naibuhat ni Asher at mayroong mga nagpapanic din na teacher na sinabing dalhin siya sa faculty. Tumakbo naman si Angelo papuntang backstage para kunin 'yung bag ni Jared.
Pagkapasok namin sa faculty room ay ibinaba na ni Asher si Jared sa may couch. Puno ng takot 'yung dibdib ko dahil sobrang putla niya at pinagpapawisan na din siya.
Tumabi si Kei sakanya at hinawakan 'yung kamay niya. "Jared.. Jared tignan mo ko.." sabi niya dito at dahan dahan siyang nilingon ni Jared. "Sabayan mo 'yung pag hinga ko okay? Relax and breathe with me."
Napahawak ako sa bibig ko at napa atras. Hindi ko kayang makitang nagkaka ganito 'yung kaibigan ko. Mabuti nalang at nilapitan ako ni Kris. Humawak ako sa braso niya at napapisil na lamang.
"Ang lamig ng kamay mo," sabi niya bago ibalot 'yung mainit niyang palad sakin. "Wag ka mag alala, napagod lang 'yan si Jared."
"Palagi ba siyang ganito?" tanong ni Ma'am Elaine na pinapaypayan si Jared.
"Ngayon lang po," sabay sabay naming sagot.
"Henry kapag may nangyari kay Jared aawayin kita," nabasag ang boses ni Tris matapos niyang sabihin 'to at tingin ko ay plano siyang yakapin ni Henry pero napatigil 'to at inabutan nalamang siya ng panyo.
Etong si Tris, kunwari lang na malakas pero may pagka iyakin kapag isa sa mga taong importante sakanya ay nasasaktan. Galit 'yan palagi kay Henry pero nung nagka dengue siya, patagong humahagulgol.
Biglang bumukas ang pinto ng faculty at akala ko ay si Angelo na ang papasok pero pare pareho kaming nabigla nang makita namin si Gail.
"Asaan si Angelo?" agad na tanong ni Ethel.
Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Asher na tumayo sa kinauupuan niya.
"Eto na po 'yung inhaler niya," hinihingal na sabi ni Gail. "Tinawagan po kasi ni Angelo 'yung mommy ni Jared."
Tulala naming pinanuod si Gail na lumuhod sa may harap ni Jared para mai abot sakanya 'yung inhaler. Nabigla pa ako dahil alam niya kung pano gamitin 'to.
Kinuha 'to ni Jared at inilagay sa may bibig niya bago huminga ng malalim. At hindi nagtagal, bumalik na din ang kulay sa mukha niya.
"May hika din kasi 'yung kapatid ko," ani Gail.
Walang nagtatanong.
"Magiging okay na ba siya?" tanong ni Ethel.
"Oo," sagot ni Abigail bago tumayo. "Hayaan niyo nalang muna siyang mag pahinga."
"Nako Jared ha, tinakot mo kami" sabi ni Ma'am Elaine. "Sinabi mo sanang may hika ka para hindi na kita pinakanta" Tinignan niya kami at napayuko nalamang ako sa sinabi niya, "Kayo naman. Alam niyo na palang may hika, hinayaan niyo pa."
"Oy, bakit andami niyo dito?" ani Sir Lance nang makita niya kami. "Ano nangyari?"
"Inatake ng asthma 'yung alaga mo," sabi sakanya ni Ma'am Elaine.
"Asthma?" kunot noong tanong ni Sir Lance. "May hika ka, Jared?"
"Meron po.." sagot ni Kei para kay Jared na tahimik parin.
"Gusto mo ng water?" tanong ni Abigail. Tinignan siya ni Jared na para bang ngayon niya lang 'to napansin. Nagkakulay ang pisngi ni Jared bago siya dahan dahang tumango.
"Okay," ani Gail bago lumabas ng faculty.
Natahimik kami saglit, pinapanood lang si Jared na mas lalong namula dahil nasa kanya ang atensyon namin.
"Jared ha, kung may asthma ka naman pala sana hindi ka na tumuloy," sabi ni Sir Lance sakanya.
"It wasn't because I performed po," sagot ni Jared. "I think I inhaled too much of the smoke effects.."
"Kaya naman pala," sabi ni Ma'am Elaine.
"Sino ba nag o-operate nun?" tanong ni Tris. "Tatadyakan ko."
Bumukas nanaman ang pinto at sumilip si Angelo. Nung nakita niyang andoon kaming lahat, pumasok na siya.
"Tinawagan ko na mommy mo," aniya. "She's on her way."
Napahawak si Jared sa batok niya bago siya tumango.
Nilapitan ni Asher si Jared, "Ayos ka na 'tol?" tanong niya bago 'to i-apir. Tumango si Jared kaya naman tumawa si Asher, "Bigat mo pucha."
Umangat 'yung gilid ng labi ni Jared at napatawa na din siya, "Pasensya na."
"Ayos lang," sagot ni Asher. "Wag mo na ulitin 'yun ah?"
Tinanguan siya ni Jared bago yumuko. Isinandal ko ang sarili ko kay Kris habang pinapanood ang kaibigan namin. Iniayos ni Kei ang buhok ni Jared at inilayo 'to sa mukha niya bago punasan 'yung pawis niya sa noo. Pinapaypayan parin siya ni Ma'am Elaine at bumabalik na din sa normal ang pag hinga niya.
Kahit nakayuko siya, nakita ko ang pasimpleng pagtingin niya sa gawi namin. Hindi ko alam kung anong emosyon ang nakita niya sa mga mata ko dahil agad din siyang tumingin ulit sa baba.
Bumalik na si Gail at ini abot kay Jared 'yung dala dala niyang water bottle. "Thank you," sabi sakanya ni Jared.
"No problem," sagot ni Gail.
Bumukas nanaman ang pinto ng faculty at may babaeng sumilip, "Labas!" agad na sabi ni Ma'am Elaine.
"Ma'am si Gail po," sabi nung babae bago tignan si Abigail. "Tara na, magsisimula na."
"A-Ah okay," naglakad na siya papuntang pinto bago tumigil para lumingon. Bigla na lamang nag iba ang ekspresyon niya, para siyang nahihiya na ewan at muntik ng tumaas ang kilay ko. "Bye Jared."
Pagkalabas na pagkalabas ni Abigail, parang baklang naglakad si Henry papunta sa pinto. Naka pameywang at naka usli pa ang pwet. Dahan dahan siyang humarap, kunwaring iniipit sa likod ng tenga niya 'yung buhok niya sabay nag giggle. Nag giggle ang loko bago sabihing, "Bye Jared"
• • • • • • • • • •
Hindi na kami nanood ng pageant. Pagkasundo kay Jared ay nagka ayaan na kaming mag boardwalk kahit gabi na.
Ang dami dami namin dahil sumama pa sina Kiko, Enrico at James. Tapos muntik pa kaming ma ban sa Mini Stop malapit sa abandonadong Legenda Hotel dahil etong si Henry, napagtripan 'yung coffee machine. Wala naman siyang baso tapos pinindot niya kaya ayun, tumapon. Nasapok tuloy ni Beatrice.
Paano pa kaya kung andito si Hero? Jusko, baka tuluyan na kaming ma-ban kapag pinagsama 'yung dalawa.
Naka upo kami ngayon ni Asher sa may buhangin. Pinapanood 'yung mga kaibigan namin na magkulitan at magkwentuhan.
"Ayos din pala e," sabi ni Asher. "Kapag magkakasama sila? Nagkakasundo."
"Pare-parehas kasing kalog," natatawang sabi ko bago isandal ang ulo ko sa balikat niya. "Kunwari tayo mga magulang nila."
Hindi sumagot si Asher at pakiramdam ko ay naging awkward na ang atmosphere kaya naman napalayo ako sakanya.
"Pero syempre, joke lang 'yun."
Tinignan ako ni Asher bago niya isinandal 'yung pisngi niya sa braso niya. "Adrianna.."
"Hmm?"
"Gusto mo parin ba ako?"
Kumunot ang noo ko at napatawa ako, "Oo naman" diretsong sagot ko bago ako napa iwas ng tingin. "Pero wala akong gagawin. Kahit gusto kita, hinding hindi kita hahabulin o kaya pipilitin na maging akin. Tsaka ayokong magseryoso."
"Ayaw mo?"
"Oo," sagot ko kahit na naninikip na ang dibdib ko. "Ba't ikaw? Gusto mo ba?" Tinignan ko siya ng seryoso. Dahan dahan siyang umiling kaya naman napalunok ako. Okay Adi, kaya mo 'yan. "Oh diba? Parehas lang tayo."
"So ano na pala tayo?"
Nagkibit balikat ako, "Wala" sagot ko. "Friends.. na gusto ang isa't isa? Friends, ayun tayo Asher" Ngumuso ako, "Pero syempre pwede parin kitang halikan kapag gusto ko."
Napahalakhak siya at napaka puno ng buhay 'yung tawa niya hindi ko mapigilang hindi mapangiti kahit na nasasaktan ako. Ang cute cute tumawa ni Asher. Nalulukot 'yung ilong niya at naniningkit 'yung mga mata niya.
Ayan ang isa sa mga bagay na ayokong mawala.
"Okay," aniya at napakalawak ng ngisi niya mas lalo lamang kumirot ang puso ko.
"Asher.. naalala mo ba nung sinabi mong gustong gusto mo ako?"
Kumunot ang noo niya at napanguso, "Kelan?"
"Dati, nagpunta ako sainyo."
Matagal siyang nag isip bago niya sinabing, "Ah. 'Di ko na masyadong maalala. Inaantok na ako nun e."
Nahulog ang puso ko at tumango nalamang, "Okay."
Hindi na din kami nagtagal sa boardwalk at sabay sabay kaming umuwi nina Asher, James at Enrico. Parang dati lang.
Pasimpleng kinikilig ako. Hindi mawala wala ang ngisi sa labi ko nung sinabi ni Asher na ihahatid niya ako hanggang sa bahay.
Nagnakaw pa siya ng halik bago ako pumasok ng gate. Mapupunit na yata ang labi ko sa lawak ng ngisi ko.
Pagka pasok ko ng bahay ay nakita ko si Papa sa may couch, nanonood ng balita.
"Hi Pa, sorry medyo late na ako nakauwi. Nag boardwalk pa kasi kami e" bati ko bago siya halikan sa pisngi.
"Boypren mo ba 'yon?" tanong niya.
Kumalabog ang puso ko, "Sino po? Si Asher?" Tumango si Papa kaya naman tumawa ako, "Hindi ah."
"Ano pala?" tanong niya.
"Bestfriend."