EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

343K 11.5K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 38

1.7K 110 26
By HeavenKnowsFLO

CHAPTER 38

“NAGKALAT ang police report dahil nawawala ang tatlong binata na pinaghihinalaan na pusher ng isang paaralan. Ayon sa mga haka-haka, ito na ba ang mga sindikato na gusto na silang patahimikin dahil sa alanganin nilang pagsagot tungkol sa katotohanan?” 

Tawa nang tawa si Henry habang pinanonood ang kaibigan ng kanyang kapatid na si Joseph. Wala siyang magawa kundi pagtawanan ito dahil pumalapak sa pakikipagsanib pwersa nito sa Director ng paaralan.

“Napaka bobo talaga!” bulalas ni Henry.

“Oo nga po. Pero sino naman po kayang sindikato ang kumuha sa tatlong binata?”

Biglang nawala ang ngiti ni Henry nang biglang sumagi sa isip niya ang lalaking sniper. “Hindi kaya siya ang suspek? Baka isa rin itong sindikato na gustong maghariharian?!”

“Pero blanko po tayo sa lalaking iyon. Sirang-sira ang sasakyan na ginamit nila kaya wala akong makuhang ebidensya.”

“Maybe they’re related to El Asesino. Kailangan kong makausap si Dad!”

Tumayo papunta si Henry sa telepono upang tawagan ang kanyang ama.

"Why are you calling?"

"Dad,  bakit hindi mo kami tulungan ni Joseph dito? Nagsasarili pa rin siya ng organisasyon!"

"How can I help the both of you, kung pareho kayong gustong nasa itaas. I heard about the news regarding the three students."

Tumawa si Henry dahil sa sinapit ng kapatid niyang bigo sa partnership kasama ang Director ng paaralan. "Bigo na naman si Joseph."

"Be careful. Hindi natin alam kung sino ang kalaban ngayon. Wala akong nakalap na impormasyon kung kasapi ang El Asesino. I am still the most wanted, kaya kinakailangan kong magtago."

"But Dad? Paano ang organisasyon ng pamilya?"

"I can't handle the organization anymore. Wala na akong kapit sa gobyerno dahil sa takot nilang manalo si Jacob sa pagiging Presidente. Kapag nangyari iyon, washout lahat. Kaya naman lahat sila'y tumiwalag sa akin."

"Then, I need to kill Jacob."

"Mr. Calma needs to ruin his Presidency. Siya lang ang pag-asa natin na pwedeng utuin."

Pagkatapos mag-usap ng mag-ama, muling napalingon si Henry sa telepono.

"Tonio, pick up the phone."

"Yes sir.

Nagmadaling bumangon si Tonio at narinig ang isang computerized voice.

"Sir, someone is looking for you."

Kunot-noo na lumapit si Henry. "Yes, who is this?"

"Do you need girls?" Mula sa kabilang linya.

"Who the fuck are you?"

"I can help you with your problem. We can be partners."

Biglang pinatay ni Henry ang linya. "Who the hell gave my office number?! This is only exclusive to Joseph?"

"Wala po kaming ideya, sir."

"Delete the call history! Kapag ako na trace sa lugar na ito, I will kill you Tonio!"

Mula sa loob ng bahay ni Hugo, tulala lang si Belle habang pinanonood ang nasa balita. Nagwawala at panay ang iyak ng magulang ng tatlong binata na hinahanap pa rin ng Pulisya.

"Hindi po ba't, twenty-fours hours dapat bago hanapin?" Inosenteng tanong ni Belle kay Manang Karing.

"Oo, pero malakas ang kutob ko na dealer ng droga kumuha sa mga batang iyan."

Naudlot ang pag-uusap ni Belle at Manang Karing nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito'y si Jaica.

"Jaica!"

"Belle!" Bulalas nito at bumuhos ang luha.

"What happened to you?"

"Belle, muntik na akong mabiktima. Hindi mo ba nabalitaan na may mga nakidnap sa katrabaho ko?"

"Hindi! Ang alam ko safe ka? Tsaka 'yung schoolmate kong mga lalaki na may kaso ng droga ang nawawala. Sabi ni Hugo safe ka?! Bakit bigla kang halos makuha ng sindikato?"

"Hindi ko rin alam. Nasakto na mag-isa na lang siguro ako. Hindi na rin ako pinauwi ng driver ni Hugo sa dormitory kasi nandito ka raw ulit. Tsaka hindi rin naman nila ako pinabayaan. Laking pasasalamat ko talaga na nandito ang mga gwardya ni Hugo."

Nagkakamot ng ulo si Belle hanggang sa hatakin ang kamay ng kaibigan. "Mag-usap tayo sa loob ng kwarto," hinawakan ni Belle ang kamay ni Jaica hanggang sa makapasok sila sa silid. Tahimik na umupo si Belle sa tabi ni Jaica hanggang sa  sinimulang magsalita ni Belle.

"Jaica, si Hugo kasi hindi ako sigurado kung iyon na ang pagtatapat niya sa akin?”

"Talaga? Baka naman in process of falling in love na sa iyo?"

"Hindi ko alam kung sigurado ba siya sa feelings niya sa akin or ako lang ba ang may gusto?"

Biglang nawala ang lungkot sa mga mata ni Jaica. "Totoo ba? Tinamaan ka sa kanya? Pwede kasing baka nasanay ka lang na kasama mo siya palagi."

"Sinong hindi? Kahit palagi siyang masungit at palagi kaming nagtatalo, hindi naman makakaila na mahuhulog at mahuhulog ako sa kanya. Ang mga mata niya, hindi ko alam kung para akong lumulutang sa tuwing tumitingin ako sa kanya. Para bang isang utos lang niya susunod na ako. Napaka maldita ko pero minsan hindi na ako makahirit. Parang ang amo ko sa tuwing pinagmamasdan niya ako."

"Bakit hindi mo aminin sa kanya na gusto mo siya? Or baka nagsabi na slow ka lang talaga kasi gusto mo literal na magsasabing, I love you Belle, Mahal kita Belle."

"Jaica naman! Babae ako!"

"Babae? Eh wala iyan sa gender. Para alam din niya na may pagmamahal ka nang nararamdaman at hindi tawag ng laman lang!”

"Nahihiya ako."

"Hindi ka nahihiya kundi, natatakot ka dahil baka kapag nalaman niya ang nakaraan mo, pandirihan ka niya?"

Tumango si Belle at pinunasan ang luha. "Baka kasi kung kailan baon na baon na ang puso't isipan ko sa kanya, doon pa siya mawala. Hugo, makes me feel happy. Gusto ko siyang kasama palagi. Katulad ngayon, pupunta raw kami ng Tagaytay. Ngayon ko lang naramdaman na importante din pala ako."

"Osige, did he say I love you na ba?"

Umiling lang si Belle.Tila natahimik si Jaica at hinaplos lang ang kamay ni Belle. Wala siyang alam isagot lalo na't napaka hirap basahin ng ugali ni Hugo.

“Kung may nasabi man siya sa iyo, all you have to do is to trust him. Tandaan mo, hindi mo kailangan mag demand sa lalaki dahil kung gusto ka niyan in the first place sila ang gagawa ng way para makasama ka. At iyon naman ang nakikita ko sa kanya. Tsaka huwag ka na rin paladesisyon, Belle. Baka matulad ka pa sa akin na may bantay na halos makuha pa ng mga sindikato.”

Tumapak ang ala una ng madaling araw, walang Franklin Hugo pa rin ang dumarating. Naghihintay pa rin si Belle sa hagdanan at bihis na bihis.

"Sabi niya mabilis lang siya? Bakit wala pa siya?"

Para bang bigo na sinandal ni Belle ang sarili. Ipinikit niya ang mga mata hanggang sa tuluyan siyang nahiga sa labas. Hindi man lang inalintala ang lamig ng hangin at naging komportable pa siya sa kanyang puwesto.

Kinabukasan alas dies pasado na ng umaga nang magising si Hugo mula sa kanyang higaan.  Hirap bumangon ang binata dahil sa bagong tahi na sugat.

"Fuck, I forget Belle," bulong niya pagkatapos ay bumangon.

"You are not yet okay, Sir," bungad ni Jaica.

"I need to see Belle. We have a date, nasaan si Manong?”

"As per Manong Boyet, maaga po siyang tinawagan ni Ms. San Jose at pumasok siya sa Madrigal. Do you want to go home, sir? I can drive you there."

"Drive me to Madrigal."

Walang nagawa si Jamie dahil basta na lang siyang sumunod. Inabot niya ang jacket ng amo at inalalayan papasok ng sasakyan.

Asar na asar si Hugo dahil kung pwede lang niyang dukutin ang kaluluwa ng tatlong estudyante na pusher sa kadiliman ay ginawa niya. Hindi siya makalakad ng maayos dahil sa sugat niya.

Ilang minuto lang ang nakalipas, naabutan niya si Belle pababa ng hagdanan palabas ng paaralan. Tila umagos ang mainit na dugo papunta sa sentido ng binata at halos mamutok ang ugat sa kamay nang makita si Joaquin.

"Belle! Wait!" Tawag ni Joaquin.

"Uy! Nagkita rin tayo ulit!"

"Yup! I just finished my second subject. Mamaya pang two ang next subject ko. How about you?" Tanong ni Joaquin pagkatapos ay tumingin sa relo. "Eleven pass na, kumain ka na ba?"

"Eh iyon na nga. Kakain sana ako. Ikaw ba? Gusto mo sabay na tayo?" Tanong ni Belle.

"Sure! Sakto, I parked my car there!" Turo nito kaya naman tumingin si Belle.

Kitang-kita ni Hugo kung paano maging madikit si Joaquin kay Belle. His hand is roaming around her waist going to her hips. Gustong lumabas ni Hugo pero heto na naman ang pride niya at ayaw habulin ang dalaga. 

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Hugo sa sobrang galit nang makita niya na lumapit si Joaquin kay Belle.

"Did he kiss her?!"  Halos sumabog na ang isip ni Hugo dahil hindi na niya nakita ang sumunod na nangyari.

Ang kilos niyang ito'y pumukaw sa atensyon ni Jamie. Palipat-lipat ang mga mata nito kay Hugo at kay Belle habang kasama si Joaquin.

"You really like her, Sir?"

Napatingin naman si Hugo kay Jamie at tumaas ang kilay. "Who are you to ask?"

"Halata naman po. The way you look at her, kahit parte lang siya ng misyon mo sa El Hombre. Parang misyon na papunta sa pagkakagusto sa kanya at hindi para maghanap ng ebidensya para malaman kung sino ang mga sindikato."

"Shut up! You don't have rights to demand or assume things in my organization!" Sigaw ni Hugo kaya naman halos mabingi si Jamie.

Nanginig ang kamay ng dalaga at humawak sa manibela. "S—sorry sir… hindi ko po sinasadya."

"Kung ikukumpara ka kay Ms. San Jose, mas may pakinabang siya. Isang simpleng misyon ni hindi mo magawa mag-isa without the help of Gael! Kaya wala kang karapatan pangunahan at husgahan ang kredibilidad ko bilang lider ng organisasyon na ito!"

"Please accept my apology," she panicked and held his hand, but Hugo refused her.

"Drive me home! Isaksak mo sa utak mong alagad lang kita!"

Tumango si Jamie at pinipigilan na umagos ang luha sa kanyang mga mata.

Pagdating ng bahay, Hugo slammed the door. Gulat na gulat ang mga tao sa mansyon. Para bang nakita nilang namumula ang mga mata nito dahil nag-aapoy sa sobrang galit.

"Anong nangyari kay sir? Bakit galit na galit?" Tanong ni Manang Karing kay Gael na napatayo mula sa sofa.

"He just killed the three students. Pinatamaan pa siya ng lanseta sa tagiliran," tugon ni Gael.

"Naku! Hijo! Boyet! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang alaga ko Diyos ko!" Asik ni Manang Karing kay Manong Boyet.

"Aba, eh kasi busy ako. Tsaka siguradong ayaw naman niyang ipasabi sa 'yo. You know him, parang ikabababa ng pagkalalaki niya kung hihingi siya ng tulong sa atin."

Kunot-noo lamang si Gael hanggang sa mapansin niya si Jamie na nakatayo sa labas. Lumabas ang binata at nilapitan si Jamie.

"Hey? Are you crying?"

"Ah—eh—hindi… na puwing!" Tumawa bigla si Jamie kaya naman tumango lang si Gael.

"Saan kayo galing? Wala bang side trip si sir?"

"Sa Madrigal. He saw Belle with Mr. Joaquin."

"Napagalitan ka kaya umiyak ka?"

"Yeah… kasalanan ko naman. Anyway, balik muna ako sa warehouse!" Pagmamadali ni Jamie.

Gael thinks far ahead on how she acts. Tumingin si Gael sa kanyang cellphone at pinagmasdan lahat ng hindi dapat makita sa silid ni Jamie.

"You are really strange… Just one piece of evidence, Jamie. Katapusan mo na.”

Continue Reading

You'll Also Like

2.5M 30.6K 35
"You're Only Mine Millyn! Akin kalang" Mahigpit na pagkakapit sa kamay ko na nasa uluhan ko wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak na papagod na...
85.6K 1.1K 39
EL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this w...
399K 10K 47
STATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) That sexy maid.
37.7K 945 73
T E A S E R "What the f*ck!" Sigaw ni Terrence. Terrence Jude Alvarez. He is a young multi billionaire business man as the same time a mafia. Kinakat...