Battle of the Past (Seule Fil...

Bởi 4rtserenery

123K 6.6K 1.7K

SEULE FILLE SERIES #01 [ COMPLETED : UNDEDITED ] Battle of the Past - a woman who has experienced trauma and... Xem Thêm

Battle of the Past
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Note

Chapter 44

1.3K 74 27
Bởi 4rtserenery

FAYE

Napatingin ako kay Ethan na ngayon ay natutulog sa kandungan ko. Katulad nila, mugto ang mga mata ko.

Napagdesisyonan kong iuuwi ko si Ethan. Hindi ako papayag na bumalik pa siya roon. Hinding-hindi na siya babalik doon.

Napatingin kay Kairus na nasa tabi ko at magkasalubong ang dalawang kilay. Buti nalang at napigilan namin siyang sumugod sa mga Mendoza, ako nga pinipigalan ang sarili ko tapos siya basta-basta nalang susugod?

Hindi siya pwedeng sumugod nang basta basta.

Gusto ko munang marinig at malaman ang mga problema nila, kung ano ang mga naranasan nila.

Sa tatlo palang, sobrang nanghihina na ako at sobra na ang galit ko kaya paano pa sa iba?

Nandito pa rin naman kami sa classroom. Tahimik pagkatapos nang kay Ethan, ni wala ngang nagsasalita at hindi namin alam kung sino ang sunod.

"Ako na," mahinang sabi ni Ashton na hanggang ngayon ay naiiyak pa rin dahil sa sinapit ni Ethan.

Sinong hindi? Kahit ako umiyak at ito ang unang pagkakataon na muli akong umiyak, at ang malala, nakita pa nila.

Hindi ko napigilan ang emosyon ko.

"Wala naman akong problema sa pamilya o kaibigan. Maayos naman buhay ko, hindi lang kasi ako maka-move on sa ex ko, e," napakamot siya sa ulo.

"Si Assunta na naman?" Nakangiwing sabi ni Zyrus.

"Assunta?" Nagtatakang tanong ko.

"His ex-girlfriend cheated on him," sagot ni Kairus.

"Pinagpalit siya sa boy bestfriend," dugtong ni Trace.

"That hurts, doesn't it?" Chase asked innocently.

"Yeah." Kaulev yawned.

"Paanong hindi ka ipagpapalit non? Iyon may best, ikaw wala." Sebastian shrugged. May hawak siyang maliit na salamin habang tinitingnan ang mugto niyang mga mata.

Binato ni Ashton si Sebastian nang walis tambo na inaabot ni Ryuu.

"Aray ko naman!" Nabitawan niya ang hawak na salamin at masamang tiningnan si Ashton habang hinihimas ang sariling noo na tinamaan.

Inirapan siya ni Ashton. "Pake ko sayo."

"Pake ko rin sayo," umirap din si Sebastian bago muling tingnan ang sarili sa salamin.

"Ayon na nga, pinagpalit ako at hindi ko alam kung bakit. Mas gwapo naman ako kesa sa isang iyon."

"Ah, baka pangit kana sa paningin niya?" Kunot noong sabi ni Ryuu.

"Gago," mura ni Ashton. "Lagi niyang sinasabi na sobrang gwapo ko."

"At naniwala ka naman?" Napailing si Kiel.

Masama niyang tiningnan si Kiel. "Nung kami pa, lagi niyang sinasabi 'yon!"

"Na ano?" Tanong ni Kleon. "Na pangit ka?"

"Hindi!" Inis na sabi ni Ashton. "Na gwapo ako!"

"Nung kayo 'yon," umiling si Sebastian. "E, ngayon? Hindi na kayo kaya pangit kana."

"Huwag kang naniniwala sa cheater." Tumawa si Dwayne.

"Edi hindi kami dapat maniwala sayo?" Sabay-sabay na tanong nila.

Nanlaki ang mga mata ni Dwayne. "Gago! Hindi naman ako cheater ah?"

"Sabi mo, e."

"Ilang days ka niyang niloloko?" Tanong ko naman.

"Ay hindi days 'yan," singit ni Kiel at tumawa.

"Years 'yan. Years," singit din ni Zyrus. "Tanga kasi 'yan, e."

Ashton raised his middle finger.

"Simula nung naging kami," napakamot siya sa ulo. "Nung nililigawan ko siya, nililigawan din pala siya non."

"At hindi man lang sinasabi sayo?"

Malungkot siyang tumango. "Tapos nung sinagot niya ako, sinagot na rin niya yung isa."

Ay iba.

"Ilang days, weeks, months, at years kayo ni Assunta?" Tanong ko ulit.

"2 years."

"Kailan mo nalaman na niloloko ka?"

Hindi siya sumagot at sandaling nag-isip bago pumitik ang daliri niya sa hangin.

"Nung 2nd Anniversary namin," napabuntong hininga siya. "2nd Anniversary din nila at kaya hindi siya pumapayag na sa umaga kaming mag-celebrate kasi sa umaga sila magc-celebrate nung isa."

"Pang gabi ako," nagsalubong ang kilay niya. "Pang umaga yung isa, pang gabi ako."

"Tangina," natawa si James. "Naka schedule amputa."

Inirapan siya ni Ashton.

"Hindi ka maka-move on?"

"Hindi ah," umiling siya. "Naka-move on na ako kaso sa cheating niya ako hindi maka-move on."

"Akalain mo 'yon? Nasa tamang tao na siya tapos niloko pa niya yung gwapong nilalang na katulad ko," ngumuso siya. "Putangina. Wala siyang taste."

"Tanga, ikaw ang walang taste," sabi naman ni Jacob.

"Putangina mo," mura ni Ashton. "Paano ba kasing mag move on? Gusto kong mag move on dahil baka bumalik yung nararamdaman ko para sa kaniya."

"Suntukin kita kapag bumalik," banta naman ni Sebastian habang nanlalaki ang mga mata.

"Hindi naman kasi talaga kayo bagay ni Assunta, niligawan mo pa," napailing si Kio.

"Oo nga. Tingnan mo tuloy, niloko ka." Zyrus yawned.

"Hindi ka kasi nakikinig sa hula ko dati na lolokohin ka non at ipagpapalit ka sa malapit." Nangalumbaba si Kiel. "Hindi ka rin naniwala kay Yvo na nakita niya si Assunta na nakikipag-halikan kay bbf niya."

"Tama," sang-ayon ng iba.

"Tangina ng mga 'to," mura niya. "Oo na, oo na."

"Kiss kita nang maka-move on ka?" Ngumiti nang matamis si Kio.

"Ako rin!" Ngumiti si Ryuu.

Nangdidiri namang tumingin si Ashton sa kanila. "Huwag na. Kaya ko na pala ang sarili ko. I'm strong."

"It's not easy to move on, but there's nothing wrong with trying. Try to move on," ngumiti ako sa kaniya. "Move on and start anew. She's not worth it. She is not worth it for your love."

"Susubukan ko 'yang sinabi mo," ngumiti rin si Ashton at nag thumbs up sa akin.

"Bawasan mo na rin ang pagiging ampalaya mo, gago."

"Hindi naman ako bitter ah?" rinig naming bulong niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Okay, madam."

Napailing ako at mahinang natawa bago muling tumingin kay Ethan na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.

"Hoy Sebastian!" Tawag sa kaniya ni Kleon. "Ikaw na sunod!"

Nagsalubong ang kilay ni Sebastian. "Anong ako? Wala naman akong problema."

"Gago! Iisa lang problema natin."

"Ah, may problema tayo?" Inosenteng tanong ni Sebastian at binitawan na ang hawak niyang salamin.

"Oo," seryosong sabi ni Kleon.

Naningkit ang mga mata ni Sebastian. "Ay oo nga."

"Kami na ang sunod tutal iisa lang naman ang problema namin, e," sabi naman ni Kleon.

"Sa iisang bahay ba kayo nakatira?" Tanong ko.

"Hindi ah," umiling si Sebastian. "Pero magkapit-bahay lang kami ng walanghiyang 'yan."

Agad namang sumang-ayon si Kleon. "Oo. Magkatapat lang bahay namin ng putanginang 'yan."

"Ano naman ang problema niyo?" Tanong ni Kiel.

"Pera." Napabuntong hininga sila.

"Ha? Pera?" Napakurap si Zyrus.

"Oo. PERA," sabi ni Kleon at diniin pa ang huling salita.

"Mga putanginang 'to," napailing si Yvo. "Ang yayaman niyo tapos pera ang problema niyo?"

"Ikaw Sebastian, anak ka ng Governor ng Manila habang ikaw Kleon ay anak ng Mayor ng Cebu tapos sasabihin niyo, pera ang problema niyo?" Nakangiwing sabi ni Kio.

Eh? Anak ng Governor at Mayor ang dalawang itlog na 'to?

"Nawalan kami ng allowance, e." Nakangusong sabi ni Sebastian at masamang tiningnan si Kleon. "Ikaw kasi!"

"Anong ako? Ikaw kaya!"

"Bakit ako? Ako ba ang nang halik ng babaeng may boyfriend na pala?!"

"Siya kaya yung nang halik sa akin at hindi ako! Gumanti lang naman ako, e," napakamot si Kleon sa batok. "Saka, malay ko bang may boyfriend pala yung humalik sakin! Ikaw nga riyan, sinuntok mo yung lalaki."

"Syempre susuntukin ko 'yon kasi lampa ka!" Hirit ni Sebastian. "Sinuntok ko kasi sinuntok ka! Gumanti lang naman din ako, e!"

"Ako ang susuntok sa inyo kapag hindi kayo tumigil," banta ni Jake kaya natahimik ang dalawa.

"Hayaan niyo na, pareho naman kayong nawalan ng allowance." Tumawa si Ashton.

"Ayaw niyo non?" Tumawa rin si Jacob. "Bff goals!"

"Putangina niyo," sabay na mura ng dalawa kaya nagkatinginan sila at sabay din na tumawa.

"Mga baliw amputa," napailing si Yvo.

"Pareho nga silang may problema," nakangiwing sabi ni Kiel.

Sumang-ayon sila. "May sakit sila at kailangan nilang uminom ng gamot."

"Halatang mga hindi nakainom ng gamot, e," sabi naman ni James.

"Ibili niyo ng biogesic," suhetsyon ni Ryuu.

"Isa ka pang baliw," nakangwing sabi ni Zyrus.

"Anong biogesic?" Natawa si Yvo. "Hindi pang sa kanila ang gamot na 'yon."

"Ikaw?" Turo ni Jake kay Kio. "Wala kang problema?"

"Wala," umiling siya.

"Alam ng magulang mo na tagilid ka?" Tanong naman ni Jake.

"Yes naman," tumango siya at ngumiti sa amin.

"Buti naman," sabi pa ni Jake at bahagyang ngumiti. Parang gumaan ang loob niya dahil sa sinagot ni Kio.

"Maganda pa rin ba ako kahit nagkakac-crush na ako sa girl?" Tanong niya.

"Hala totoo?!" Gulat na tanong ni Sebastian na napatigil sa pag-tawa dahil sa narinig.

"Ay, sinetch itey." Natatawang sabi naman ni Kiel.

"Oh." Napakurap si Chase.

"That's new, huh." Ngumisi si Kaulev.

"Who's the girl?" Kairus asked.

"Lucky." Trace shrugged.

Biglang namula si Kio kaya natawa ako.

"Mamaya na natin pag-usapan 'yan, maglabas muna kayo ng sama ng loob," mapang-asar na tumingin si Kleon kay Kio na hanggang ngayon ay namumula.

"Hindi kana dalaga, binata kana." Natawa si Zyrus.

"Kambal," tawag ni Yvo sa dalawa. "Wala ba kayong problema?"

Sandaling nag-isip yung kambal bago umiling. "Wala naman kaming problema sa buhay, e."

"Yvo? Kiel? Zyrus? Wala ba kayong mga problema?" Si Dwayne naman ang nagtanong.

Sabay-sabay silang tatlong umiling.

The luck of people without problems. Ano kaya ang pakiramdam nang walang problema?

Masaya kaya sila?

Paano ba maging sila? Sometimes I want to be them. A person without problems.

Pero anong magagawa ko? Ito ako. Ito ang buhay ko. Maraming problema na kailangang harapin.

However, minsan ayos lang sa akin ang magkaro'n ng problema because I believe that having a problem will show how strong I am.

At kapag natapos ang problema, feeling ko ang lakas-lakas ko na... na ang tatag-tatag ko na.

It seems like it's just another test in life that you don't expect to come up suddenly. And it seems that this test will test you whether you can handle the test given to you or just give up.

"E, ikaw Dwayne? Baka may problema ka," sabi naman ni Sebastian.

"Si Papa lang naman ang problem ko, e," he shrugged. "Alam ko naman na lahat kayo ay alam ang tungkol doon."

"Hindi pa rin pumapayag?" Tanong ni Ryuu.

Mapait siyang ngumiti at tumango. "Yeah..."

"Edi fiancé mo pa rin si Xyra kung gano'n?" Tanong naman ni Ashton.

Muli siyang tumango.

"Ay nakatali pa rin si accla," sabi naman ni Kio.

"Hindi pa rin kami pwedeng dalawa ni Ellaine... ko," napakamot siya sa batok.

"Ay may kayo?" Napangiwi si Kleon.

Natawa si Ashton. "Kung makaangkin ka parang may kayo ah? E, wala naman."

"Kung maka-"Ellaine ko" ka naman, ay beh, may kayo? may kayo? Diba wala naman? Shut the fuck up challenge ka muna, ulol." Tumawa si Zyrus.

"Wala namang kayo, e." Sebastian said and shrugged.

"Ang sasama naman ng mga ugali niyo." Inirapan sila ni Dwayne. Kitang-kita ko ang iritasyon na nakapaskil sa pangit niyang mukha.

"Wala ka bang balak gawin?" Yvo asked. "I mean, if you really love Ellaine, shouldn't you fight for it?"

"Ay Yvo, english 'yon!" Humalakhak silang lahat.

"Putangina niyo," mura niya. "Then, like Faye said, "There's nothing wrong with trying."

Tumingin sakin si Yvo at ngumiti.

"Natatakot akong magkamali," sabi ni Dwayne. "Paano kapag nagkamali ako sa desisyon na pipiliin ko?"

"In life, it is normal to make mistakes." Ngumiti ako sa kaniya. "Dahil kung hindi ka magkakamali, hindi ka matututo."

"Hindi ka matututo sa nagawa mong pagkakamali," dugtog ni Kiel. "Sa buhay ng tao, kapag nagkamali ka, doon ka lang matututo. Why are you afraid of making mistakes? It's normal for us to make mistakes. We all make mistakes. As they say, no one is perfect."

"Nakakatakot naman kasi talagang magkamali. But it is not our fault if we make a mistake; we are not at fault. It is not our fault if we made a mistake in the decision we chose. Buhay natin 'to, e kaya bakit sila mangingialam?" sabi naman ni Sebastian.

"Iba-iba kasi tayo ng pag-iisip, yung iba naman sarado ang utak at wala naman tayong magagawa doon. Yung ibang tao kasi, isa pagkakamali lang natin, nasa atin na agad ang sisi habang yung iba naman, kapag nakagawa sila ng mali, sarili nila ang sinisisi dahil nga nakagawa sila ng mali. Minsan kasi yung iba tao, hindi muna inaalam ang buong kwento tapos dada nang dada," napaismid si Jake.

"Dwayne, tao tayo, natural magkakamali tayo." Napabuntong hininga si Ashton. "Pero hindi naman kita masisisi, e."

"Huwag kang matakot na magkamali at kung magkamali ka man, nandito lang kami, lagi kang itatama." Nag-thumbs up sa kaniya si Jacob.

"Kung madapa ka man, sasama kami sayo at sabay-sabay tayong tatayo," wika ni James at kumindat pa.

"Fight for your love for her." Biglang sabi ni Kairus kaya napatingin kaming lahat sa kaniya. Nakatingin siya malayo. "Don't be afraid and face your fears. I know you can."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni Chase, ang pag-ngisi ni Kaulev, ang pag-iling ni Trace, at ang pagsingkit ng mga mata ni Sebastian habang nakatingin kay Kairus.

Sometimes the words that come out of Kairus' mouth are surprising.

"Thanks. Hindi ako nagkamali at nagsisisi na nakilala ko kayo at naging kaibigan ko kayo," ngumiti siya sa amin at inilipat ang tingin niya kay Kairus. "But I think you also need to apply that to yourself. Bro, you need that too."

***
Q1. Yung fam ba ni Faye malaki?
Yes.

Q2. May chance po ba na malaman ni Faye na pinag lalaruan siya?
Oo naman.

Q3. Ask ko po san po nakukuha ni Faye yung mga money niya?
May sarili siyang luxury card.

Q4. Yung fam ba ni Faye powerful?
Yes. I guess, powerful than you think. 🤷

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

256K 13.1K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
188K 6.9K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
266K 40.3K 103
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
132K 257 17
Wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report One more thing you clicked on it girlypop this a SMUT book there's g...