POSSESSIVE 6: Dark Montero

By CeCeLib

64M 1.2M 382K

One word to describe Anniza Gonzales: voluptuous. And because of her voluptuous body, her fiancé cheated on h... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
EPILOGUE

CHAPTER 13

2M 43.4K 9.5K
By CeCeLib

CHAPTER 13

HABANG naglalakad sila palabas ng restaurant na kinainan nila, dala-dala ni Dark ang moon cake na pina-take out nito para daw sa kaibigang si Volkzki.

"Thank you for coming, Mr. Montero. I hope you enjoy our food," ani Mr. Wong na nasa pintuan ng restaurant.

"Yeah. We enjoyed it." Walang ngiti sa mga labing sabi ni Dark.

"It's very delicious," sabi naman niya pero siniguro niyang walang ngiti sa mga labi niya.

Natigilan siya bigla ng gawaran siya ng halik sa mga labi ni Dark sa harap mismo ni Mr. Wong kapagkuwan ay nginitian siya nito. "Syempre, sinubuan kita e kaya masarap."

Susuntukin sana niya ito sa braso ng maalala niya ang one violent move, one kiss na rule nito. Hindi nalang niya tinuloy ang suntok at ikinuyom nalang niya ang kamao.

Tumaas ang sulok ng labi nito at naghahamong tumingin sa kanya. "Dali. Suntokin mo na ako."

Inirapan niya ito at nauna nang naglakad patungo sa kotse na sinakyan nila kanina. Kaagad namang nakahabol sa kanya si Dark saka pinagbuksan siya ng pinto nito.

"Hop in, agápi mou," nakangiting sabi ni Dark sa kanya.

Nailing siya sa ginawang 'yon ni Dark saka sumakay at kaagad naman itong sumunod.

"Where to, sir?" Tanong ng Driver.

"To centrepoint," sagot ni Dark.

Pinagsiklop niya ang kamay habang paalis sila sa restaurant. Mukhang tuloy ang pagsa-shopping. Naku naman. Nakakahiya na pati damit niya ay ito ang bibili. Pero maganda naman kasi maraming magagandang damit siyang mapagpipilian na size talaga niya. Sa Pilipinas kasi nakakahiyang bumili kasi minsan kapag pumapasok siya sa isang botique e wala naman ang size niya at kung makatingin pa ang sales lady ay parang kasalanan ang pagiging plus size niya. Medyo mahirap maghanap ng jeans na ang waistline ay thirty-one—scratch that—palagi siyang kumakain simula ng makilala niya si Dark, hindi na siya magtaka ang waist line niya ay thirty-three na!

Gusto niyang umiyak! Bakit kasi ang sarap kumain e! Tapos si Dark palagi pa siyang pinapakain ng kung ano-ano.

Nang makarating sila sa Centrepoint, sabay silang lumabas ni Dark ng sasakyan at habang naglalakad sila, pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa saka magkahawak-kamay silang naglakad papasok sa mall.

At mukhang hindi pa ito nakontento, inakbayan siya nito saka hinalikan sa mga labi.

Naiiling na inirapan niya ito. "You and those lips of yours."

Kinindatan siya nito. "I like kissing you in public," anito na mas humigpit ang pagkaka-akbay sa kaniya. "Gusto kong malaman nilang lahat na akin ka."

Nagbaba siya ng tingin ng sumikdo ng mabilis ang puso niya. Why is he saying things like that? Hindi ba nito alam ang epekto no'n sa puso niya. At mas lalong bumilis ang tibok niyon ng maramdamang hinalikan siya ni Dark sa balikat. Nang bumaling siya sa binata, nagtama ang mga mata nila.

"Dark..."

Inilapit nito ang labi sa labi niya at hinalikan siya saka bumulong, "hindi ba akin ka naman?"

Naumid ang dila ni Anniza habang nagkakatitigan sila ni Dark. Parang sasabog ang puso niya sa halo-halong emosyong nararamdaman sa mag sandaling 'yon.

"You're mine, right?" Ulit nitong tanong sa kaniya habang hinahaplos ang pisngi niya. "Right?"

At parang may sariling isip ang ulo na tumango saka bumukas ang bibig niya para magsalita. "Yes, I'm yours."

Slowly, a wide smile appeared on Dark's lips. "That's my girl."

Napakurap-kurap siya at natauhan. Pero bago pa niya mabawi ang sinabi, iginiya na siya nito patungo sa kung saang bahagi ng Mall.

After a couple of minutes, they we're already busy buying clothes for her.

"Heto bagay ito sa'yo," sabi ni Dark sabay abot sa kanya ng napili nitong damit. "And this, and this, and this and that."

Natatawa na nailing na pumasok siya sa fitting room at isinukat ang mga napili nitong damit. It was an above the knee tube top dress, color dark blue with a belt just below the breast. Mabuti nalang at nasa loob siya ng fitting room. Nakakahiyang lumabas na ganito ang suot niya. Makikita ang malalaman niyang braso.

Speaking of fitting room...

Ilang fitting room na ba ang napasukan niya? Naaawa na siya sa driver nito na kasama nila kasi ang dami na nitong dalang shopping bags. Ang ibang pinamili nila ay ibinaba na nito sa sasakyan nila. Hindi na siya magtataka kung mapuno nila ang back compartment ng sasakyan.

Napatigil siya sa pag-iisip saka napa-igtad ng may kumatok sa pinto ng fitting room.

"Open up. Let me see it, ómorfos."

Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng fitting room at lumabas.

"Bagay ba?" Kagat-labing tanong niya.

Nang makita siya nito, biglang nawala ang ngiti nito. Bigla siyang kinabahan. Oh hell!

"Pangit ba? Hindi ba bagay sakin?" She was hyperventilating. "S-Sige, magbibihis na ako."

Dark's lips parted as he looked at her. "Damn, Anniza. You look beautiful."

Namula ang pisngi niya. "Binobola mo yata ako, e."

Mabilis na umiling si Dark. "No. Ang ganda mo. Natatakot na tuloy ako."

Kumunot ang nuo niya. "Natatakot na?"

"Natatakot na magiging marami ang kaagaw ko sayo."

Inirapan niya ang binata. "You have a very flowery tongue, Dark. I don't believe you."

Dark raked a hot and hungry stare over her body. "Maganda ka sa suot mong 'yan, pero mas maganda ka kapag walang damit." He wiggled his eyebrows at her.

She rolled her eyes and closed the door of the fitting room.

"I'll try the other one," sabi niya habang nasa loob at hinubad ang damit na suot at iba naman ang sinukat.

At 'yon ang ginawa niya sa loob ng tatlong oras. Trying new clothes, designer shoes and accessories. Ayaw na niyang bumili kasi nakakahiya na pero hindi naman nagpapapigil si Dark.

"Dark, masakit na ang paa ko," nakasimangot na reklamo niya. "Ayoko na. Umuwi na tayo."

Nginitian siya ni Dark. "One last store. Deal?"

Mas lalong humaba ang nguso niya. "Fine. Deal."

Nakasimangot siya habang papasok sa Reaveros Jewelry Store. Ang alam niya, isang Filipino ang may-ari ng jewelry store na ito. Ang pangalan nito ay Ream Oliveros. Nalaman niya iyon dahil na-feature na ang binata sa Bachelor's Magazine. He was a billionaire at the age of thirty. Walang girlfriend at puro flings lang.

Men and their animalistic attitude.

"Here. Bagay 'to sayo," boses iyon ni Dark na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Bumaba ang tingin niya sa kanyang kamay na hawak ni Dark. She saw a very beautiful watch. Halatang mamahalin ang desinyo at talagang napakaganda niyon. May maliliit na brilyante sa gilid ng orasan at pati na rin sa loob. It had one-and-a-half-inch wide strap. Bagay iyon sa kanya.

Pero hindi niya matatanggap 'yon. Napakarami na nang binigay nito sa kanya.

Umiling siya. "No, Dark. That's too much." Ibinalik niya ang orasang pambisig dito. "Ang dami mo nang pinamili sakin, e. Sobra-sobra na. Ayokong tanggapin 'yan."

Dark's lips thinned. "Ayaw mo sa bigay ko? Is that it?"

"No. Hindi sa ganoon," depensa niya ng makitang dumilim ang mukha nito. "Kaya lang, sobra na, e. Masyado nang malaking halaga ang ginastos mo sakin. Dark, may hiya naman ako. I don't want to come out as a gold digger."

"It's a gift," giit nito.

"Ayoko pa rin."

Gumihit ang iritasyon sa mukha nito. "Fine." Ibinalik nito sa sales lady ang relo at kinuha ang mga shopping bags na dala niya. "Ibababa ko lang 'to sa sasakyan. Hintayin mo ako rito. Kakain tayo bago bumalik sa Pilipinas."

Nakasunod ang mata niya kay Dark na naglalakad palabas ng Reaveros Jewelry Shop. She feels so bad while looking at his dark face. Pakiramdam niya ang sama-sama niya dahil tinanggihan niya ito.

"Mukhang nasaktan niyo ang kasintahan niyo, ma'am," anang sales lady na pinagbalikan ni Dark ng relo.

Gulat na binalingan niya ang sales lady. "Tagalog? Pilipino ka?"

Medyo may edad na ang babae.

"Yes po." Ngumiti ito.

"Wow. Nice to meet you. And no, hindi ko siya kasintahan," nakangiting sabi niya at bumaba ang tingin niya sa mga jewelry na nasa loob ng salamin. "Magkano 'to?" Tanong niya habang tinuturo ang isang panlalaking kuwentas na sigurado niyang bagay kay Dark.

"Hindi po 'yan kamahalan, ma'am. Mura lang po ito." Inilabas nito ang kuwentas at ibinigay sa kanya.

"It's a leather necklace for men with dog tag pendant. Ang pendant po ay gawa sa genuine silver at kung gusto niyong ipa-customize, free lang ho ang pagpa-engrave ng kahit na anong message na gusto niyo," sabi ng sales lady.

Hinawakan niya ang pendant at napakagat-labi. Bibilhin ba niya? Pero wala siyang dalang pera, e.

Mabigat sa dibdib na ibinalik niya ang necklace. "Wala akong dalang pera, e."

"Utangin mo nalang," anang baritonong boses sa likuran niya.

Mabilis siyang lumingon at bahagyang umawang ang labi niya ng makakita ng isang guwapong lalaki. He had deep brown eyes and blond and black hair. She knew this guy. Ito ang lalaki na nasa magazine. Ream Oliveros, the owner of Reaveros Jewelries, ang may-ari ng jewelry na 'to.

"Para ba kay Dark Montero iyang kuwentas?" Tanong nito habang nakapamulsa.

Tumango siya. "Kilala mo si Dark?"

"He's a good friend of mine." Kinuha nito ang kuwentas na ibinalik niya sa sales lady at ibinigay iyon sa kanya. "Here. Utangin mo nalang muna."

Tinanggap niya ang kuwentas. "Paano ko 'to babayaran?"

May ibinigay itong maliit na calling card sa kanya. "Contact me through that and I'll give you my bank account."

Hindi pa siya nakakapagsalita, tinalikuran na siya nito at nakakadalawang hakbang palang ito palayo sa kaniya ng bigla itong humarap sa kanya ulit.

"By the way—" Ream Oliveros smiled. His lips looked sexy. "You're pretty. Bagay kayo ni Dark."

Umawang ang labi niya sa sinabi nito. Bago pa siya makapag-react, nakalayo na sa kanya ang binata. Napakurap-kurap nalang siya at tinikom ang bibig.

Kapagkuwa ay humarap siya sa sales lady. "Puwede magpa-engrave?"

Tumango ang sales lady at binigyan siya ng ballpen at papel. "Isulat niyo nalang po rito."

Kaagad niyang sinulat sa papel ang gusto niyang ipa-engrave at hindi iyon nagtagal. Nang ibinigay sa kanya ng sales lady ang kuwentas pagkalipas ng ilang minuto, tamang-tama naman na nakita niyang papasok si Dark sa Reaveros Jewelries. Mabilis niyang itinago ang kuwentas sa bulsa ng pantalon na suot at humarap sa binata na hindi maipinta ang mukha sa iritasyon.

HINDI kinibo ni Dark si Anniza mula ng makalabas sila sa Reaveros Jewelry Store. Naiinis siya. Naiirita siya. Ano ba ang mali sa pagbili rito ng mga gamit na gusto niyang bilhin dito? At ang kinagagalit niya, ang relo pa talaga ang tinanggihan nito. In the Stavros Household, mas importante ang relo kaysa sa singsing. If a Stavros gave you a watch, it meant he or she wanted to be with you in every second of his life. But she fucking declined.

Hanggang sa nasa himpapawid na sila pauwi sa Pilipinas, hindi niya kinibo ang dalaga. Ayaw niyang magpanggap na hindi siya naiirita para lang pasayahin si Anniza.

He was annoyed and he would show it to her.

"Dark?"

Hindi siya sumagot o umimik.

"Galit ka?" Her voice sounded soft, but he hardened his heart.

He was annoyed and damned it to hel she would see how he acts when he was annoyed and irritated.

Naramdaman niyang hinawakan ni Anniza ang kamay niya at binuksan ang kanyang palad pagkatapos ay may inilagay itong bagay sa palad niya.

"Para sayo 'yan," anito sa malambing na boses. "Sana magustuhan mo."

He got curious. Bumaba ang tingin niya sa kaniyang palad. And what he saw melted his anger in an instant.

Napakurap-kurap siya at hindi makapaniwalang pinakatitigan ang nasa palad niya. It was a leather necklace with a dog tag pendant. At mayroong naka-engrave sa pendant.

'Thank you.'

At sa likod ng pendant ay may nakasulat na 'Anniza.'

Napatingin siya sa dalaga na tahimik lang sa tabi niya. "Para sakin talaga 'to?" Paniniguro niyang tanong.

Tumango ito. "Pasensiya na, tinanggihan ko ang relo na binibigay mo sakin kanina," sabi nito at kinuha ang kuwentas sa palad niya saka isinuot sa kanya. "Sorry na. Huwag ka nang magalit. Sobra-sobra na kasi ang ibinigay mo sa akin, e. Hindi lang material na bagay ang naibigay mo sa akin. Higit pa do'n, Dark. You give me my confidence back, helping me to move on, the foods, and especially, you accepted me for who I am, plus size and all that." Nginitian siya nito. "See? Marami ka nang nagawa para sakin at itong kuwentas na ito ay pasasalamat ko sayo. Sana tanggapin mo. Mura lang 'yan, e." Binuntutan nito ng tawa ang huling sinabi.

Napatingin siya sa kuwentas na nakasabit na ngayon sa leeg niya. The fact that Anniza gave it to him was overwhelming. It made his heart beat so darn fast. It made him nervous. Shit! Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa dalaga.

Should he say thank you or what? Ano ba ang sasabihin niya?

"I honestly don't know what to say," he confessed.

Anniza smiled. "Kibuin at kausapin mo na ako. Okay na sakin 'yon."

Dark drew a smile. "Anong gusto mong pag-usapan natin, PG o SPG?"

Mahinang natawa si Anniza saka napailing. "Ikaw na talaga, Dark. Ikaw na," natatawang sabi nito at ihinilig nito ang ulo sa balikat niya. "PG topic is good—"

"But SPG is much much more amazing. Don't you think so?"

Anniza chuckled. "Manyak ka talaga kahit kailan, Dark."

Pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa habang nakahilig pa rin ito sa balikat niya.

"Date ulit tayo bukas," sabi niya na nakangiti.

"Okay lang sakin. Basta ba hindi mo na ako dadalhin sa ibang bansa para lang kumain at mag-shopping."

Napangiti siya. "Hmm... ayaw mo sa ibang bansa? Sige, date nalang tayo sa bahay ko."

That would be amazing. They could make love on the sofa, on his bed, in the kitchen and hell, they could make love on floor and—

"SPG na naman ang nasa utak mo."

Tumawa siya ng malakas. "Paano mo naman nalaman?"

"Ewan ko sayo. Kung SPG date ang gusto mo, I'll pass."

He rolled his eyes. "Fine. PG date, then."

"Good."

"Whatever."

Anniza chuckled. "Good boy."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. He was not a good boy. At tiyak na malalaman iyon ni Anniza. At kapag nangyari 'yon, hindi niya alam kung anong gagawin niya.

He just hoped that she never finds out. Never.


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

51.5M 1M 30
She met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of dirty music, talk some nonsense and then...
378K 13.4K 36
Matured content Registered under the National Library of Australia ISBN 978-0-6451142-5-6 Published under PaperInk Publishing House Completed ✅ Drake...
48.6M 967K 28
Lath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to get what he wants. And he wants Haze Tit...
47.6M 1M 27
Shun Kim had wide range connection when it comes to getting information. He would know ones deepest and darkest secret in just a snapped of his finge...