I'm a Ghost in Another World

נכתב על ידי PeeMad

124K 4.3K 205

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... עוד

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 37

1K 41 0
נכתב על ידי PeeMad

Chapter 37: Essence of Anti-Magic Barrier

ANG PAMILYA Suarez ay hindi pinag-uusapan ang nangyari sa miscarriage dahil dala-dala pa ng mga magulang ang pagsisisi sa nangyari. Saka lang nila ito nakukwento kapag sila'y bibisita sa puntod nito. Ngunit ngayong araw, hindi sila kumpleto.

Kasalukuyang nasa harapan ng gate sila Helena, Elaine, at Cielle. Nagrepresenta ang dalawa na ihatid ang ina paalis sa sementeryo. Kailangan niya na raw umalis dahil limitado lang ang pagbisita nito rito.

Hindi ako nagkakamaling may kasama si ina, sa isip-isip ni Elaine habang sinusundan ng tingin si Helena palabas ng sementeryo. Hinanap ng kanyang paningin ang ina at nakita itong papunta sa isang direksyon kung nasaan ang isang taong sinamaan niya ng tingin. Kasama niya si Kloro.

Maglalakad sana paalis ng sementeryo si Elaine ngunit pinigilan siya ni Cielle.

"Bawal tayo umalis dito 'di ba?" paalala nito kay Elaine, "Saka sino ba 'yong ale kanina? Kilala mo?"

"Oo. Siya ang ina nati—" Napatigil si Elaine nang mapagtantong hindi niya pwedeng sabihin kay Cielle ang lahat. "Siya ang ina ko."

"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

Pinaalalahanan siya ni Pinunong Sol na dapat si Cielle ang makaalam sa kanyang katauhan. Ang kaya niya lang gawin ay bigyan ito ng gabay ngunit bawal ilathala ang lahat. Dahil baka mabigla si Cielle sa mga malalaman niya at mawala ito ng tuluyan. Kaya ang mga naging Guardian ng Spirit Woodland ay hindi nabubuhay sapagkat may ilang tagapagsilbi nito na binibigla ang memorya. Kailangang unti-untiin dahil ang katawan nito'y isa lamang na spiritual body. Hindi tulad sa human body na may storage ng memorya at ito ay ang utak.

"Nangako ako kay Pinunong Sol na saka ako magpapakita sa pamilya ko kapag natapos ang isang buwan. Nakita ko naman si ina na nasa maayos na lagay ngunit nasa puder sila ng emperor. . ." Napatitig muli si Elaine sa ina at nakita itong kausap si Kloro. "Kailangan kong tanungin si Pinunong Sol."

Mabilis na tumakbo si Elaine papunta sa tindahan nila.

"Ate!" sigaw ni Cielle at agad na hinabol ang kapatid.

Nang makarating si Elaine sa tindahan, sumalubong sa kanya si Pinunong Sol na nakakunot noo.

"Anong meron—"

"Kasama ni Kloro ang ina kong si Helena Suarez. Hawak ng emperor ang pamilya ko!" mabilis na paliwanag ni Elaine.

Agad na tumayo si Pinunong Sol at hinanap ng kanyang tingin si Kloro. Nakita niya itong may kausap na ginang na sinasabing ina ni Elaine.

"Anong gagawin ko?" tanong ni Elaine.

"Wala."

Kumunot ang noo si Elaine nang siya'y humarap sa matanda.

"Wala?" takang tanong ng dalaga.

"Wala, Supreme Elaine. Nakikita mo naman sa kalagayan ng iyong ina na walang silang ginagawa sa pamilya mo. Hinahayaan nila ang pamilya mo sapagkat ginaw anila itong pain at kapag nagpapain ka naman, lahat kayo ay malalagot."

Kahit papaano, kumalma si Elaine habang nakatingin sa kanyang ina sa malayo.

"Mukhang kumikilos na sila," mahinang sambit ni Elaine.

"Ang pagtatago natin ay hindi magtatagal ngunit kailangan nating maging handa. Lalo na't ang pamilya mo'y hawak na nila."

Napayukom si Elaine nang biglang nawala ng parang bula sila Kloro at Helena. Wala siyang magagawa dahil ang desisyon niya ay para sa kaligtasan nila.

"Subukan lang nilang saktan ang pamilya ko, hindi ko sila sasantuhin," may diing saad ni Elaine. Ramdam sa bawat salita ang galit na namumuo't lumiliyab.

"Hindi ka nila minamaliit, Supreme Elaine. Ayaw ka nilang galitin dahil matagal na nilang alam ang nakakatakot na kakayahan ng isang Supreme Spirit. Ang tournament ang siyang battle field at ang mga judge ay ang mga manonood. Mag-ingat ka. Hindi lang sa palakasan napapatunayang ikaw ang tinaguriang emperor, kailangan din ng simpatya ng tao. Kapag kalaban mo ang lahat, walang silbi ang pinamumunuan mo. Kaya kailangang mong magpalakas para maging handa ka sa hinaharap."

Takot at awa ang pagtingin ni Cielle sa kapatid dahil malungkot ang mukha nito. Bumaba ang kanyang tingin sa nakayukom na kamay nito. Agad niya itong hinawakan kasabay nang pagtingin sa kanya ni Elaine. Ngumiti siya at nilagay ang kamay sa kanyang pisnge. Mahinhin niyang dinikit ang pisnge sa kamay ng kapatid na agad naman nawala ang pagkakayukom.

"Huwag kang mag-alala, ate. Tulad ng sinabi ko, tutulungan kita," malambing na saad ni Cielle at binitawan niya na ang kamay ng kapatid.

Ngumiti si Elaine at niyakap ang kapatid. Biglang nagulat sa kanya si Cielle, samantalang si Pinunong Sol ay napangiti lamang.

Habang magkayakap, hindi maiwasan ni Elaine na isiping nasa harapan niya ang kanyang totoong kapatid. May mga bagay hindi niya alam tungkol sa kanyang pamilya at sa nasasakupan niya. Kailangan niya iyong malaman hangga't may kalayaan pa siyang madiskubre ito sa puder ni Pinunong Sol.

"Ate! H-hindi. . . ako makahinga," nahihirapang saad ni Cielle.

Agad namang kumawala si Elaine sa pagkakayakap. "Sorry," tugon niya at napakamot sa batok.

Lumapit pa lalo si Pinunong Sol kay Elaine.

"Ngayon, alam mo na kung bakit sinasabi ko sa 'yo ang mga bawal sa kanya," saad nito na lihim na tumingin kay Cielle.

Tumango si Elaine at tumugon, "Oo. Mukhang alam mo na rin ang lahat. Hindi mo lang sinasabi sa akin."

"Isa akong mangkukulam, Supreme Elaine, ngunit hindi ko pwedeng sabihin sa 'yo ang mga nakikita ko sa hinaharap. Tulad ng pagbawal kong sabihin ang tunay na katauhan ni Cielle, hindi ka rin pwedeng mabigla. Kailangang ikaw mismo ang makaalam sa lahat," paliwanag ni Pinunong Sol.

"Salamat," nakangiting saad ni Elaine.

Yumuko ang matanda bilang tugon at nagmungkahi, "Walang anuman, Supreme Spirit."

"Ah. . . guys? May nakatingin." Napatingin sila Elaine at Pinunong Sol kay Cielle, at nakita itong nakatingin sa isang mamimili na takang nakatingin sa pagyuko ng matanda.

Sino ba naman ang hindi maguguluhan kapag ang matanda ang gumagalang sa mas bata pa sa kanya?

Napatayo ng maayos ang matanda at ngumiti. Humarap sa mamimili na parang walang nangyari.

"Ano po 'yon?"

𔓎𔓎𔓎𔓎

NATAPOS ang gabing abala ang mga nagtitinda at mga taong bumibisita sa sementeryo. Lahat sila'y may kanya-kanyang ginagawa at hindi sinasayang ang bawat oras dahil hindi na sila maaaring pumasok kapag sumapit ang alas dyis ng gabi.

Nakauwi ng walang problema sila Pinunong Sol at natulog agad dahil sa pagod. Binayaran na lang niya ang ginastos ni Elaine sa mga kandila dahil siya lang naman ang gagawa nito at wala ng iba. Nagpasalamat din sa kanila si Kriselda at binigyan pa ng kaunting pera. Kaya kahit papaano, hindi nasayang ang pagod ni Cielle sa pagtitinda.

Kinabukasan, nagising sila Elaine at Cielle na ang mga buhok ay bumalik sa dati. Nakahanda na rin ang kanilang kakainin dahil mas maagang nagising si Pinunong Sol para magluto sa kanila.

"Magandang umaga," nakangiting bati ng matanda nang makitang papunta sa lamesa ang dalawa. "Kumain na kayo."

"Magandang umaga," tugon ni Cielle na hindi man lang nakitaan ng pagkaantok. Gano'n din si Elaine na hindi napapahikab.

Ang tatlo ay totoong mga kaluluwa na sumapi lamang sa ibang katawan. Hindi sila natutulog ngunit kailangan nilang magpahinga dahil ang katawan ay ang napapagod. Si Cielle naman ay pwedeng hindi matulog— dahil ang katawan niya ay gawa sa wood golem— ngunit napapikit na lang dahil wala siyang ginagawa at gustong makatabi si Elaine sa pagtulog.

"Magandang umaga rin," malumanay na saad ni Elaine bago umupo sa lamesa. Tinabihan siya ni Cielle na animo'y hindi sila pwedeng maghiwalay sa isa't isa.

"Bukas ang alis ni Emmanuel sa nayon na ito, upang makapaghanda rin ito sa tournament. Kapag siya'y lumisan, saka tayo magsasanay sa kagubatan. Sa ngayon, kailangan munang mahasa ang anti-magic barrier at ang magic senses. Cielle?"

Ang kumakain na si Cielle ay agad napatingin sa matanda. "Ano 'yon?"

"Lalagyan din kita ng anti-magic barrier at magsasanay ka rin sa paggamit ng magic sense."

"Okay," nakangiting tugon ng dalaga bago muling bumalik sa pagkain.

Humarap naman ang matanda kay Elaine na eleganteng kumakain.

"Handa ka na rin ba sa pagsasanay, Supreme Elaine?"

Tumango ang dalaga bilang tugon bago sumubo ng pagkain gamit ang kutsara.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin maiwasang mag-alala sa pamilya kahit na nakita niyang maayos ang kanyang ina.

Napansin naman ito ni Pinunong Sol. Umupo siya sa tapat ni Elaine at inabutan ito ng isang tasa ng tubig. Kinuha ito ni Elaine at tumingin sa kanya.

"Pagkatapos niyo diyan, magsasanay tayo. Isantabi niyo muna ang problema dahil may solusyon naman diyan at ito ay ang gagawin nating magpalakas. Maliwanag ba?"

"Opo!" masiglang saad ni Cielle at muling kumain.

Samantalang ngumiti lang si Elaine. Kahit papaano, naibsan ng mga salita ng matanda ang kanyang iniisip. Kaya nang siya'y kumain, hindi ito nakitaan ng pagkahina.

Napuno ng kwentuhan ang hapagkainan dahil kay Cielle. Hindi ito naubusan ng salita patungkol sa mga natinda niyang kandila. Nakikinig lamang ang dalawa niyang kasamahan at napapangiti sa tuwing nagbibiro ito o napapatawa.

Nang matapos, agad silang pumuwesto sa sala. Ginilid nila ang maliit na mesang nasa gitna upang doon sila tumayo at magsanay.

"Anti-Magic barrier in one's body can coat any objects. Katulad nang kaluluwa ni Elaine na napalibutan ng anti-magic barrier. Nagpapawalang bisa rin ito ng mana or magic kapag dumaan sila rito. Kapag nasa labas at malayo ka sa barrier, hindi ka maaapektuhan— gano'n din kapag nasa loob ka nito. Ngunit kapag malapit ka sa barrier, unti-unti nitong tatanggalin ang mahika mo. Hindi naman ito delikado ngunit malaki ang tinutulong nito sa mga malayuang mahikang atake tulad ng magic sense at ng bolang kristal ng mangkukulam na nakikita ang mga taong malalayo sa kanya. Kapag may anti-magic barrier ka, kahit ang mahikang hindi nakikita ng ating mata ay ipapawalang bisa nito," panimula ng matanda.

Nasa harapan siya ng dalawang dalaga. Si Elaine ay nakikinig ng mabuti. Samatalang si Cielle, napapakunot-noo.

"Ang pinakamahalagang kailangan nating gawin sa depensang ito ay makontrol ng lubusan," dagdag pa nito at humarap kay Elaine. "Maaari mo bang ipakita kay Cielle ang mga natutunan mo?"

Tumango si Elaine at pumikit. Pinakiramdaman niya ang kanyang anti-magic barrier. Dahil kontrolado na niya ito, nakakaya niya itong pahinain o palakasin ayon sa gusto niya.

Pinahina ni Elaine ang anti-magic barrier sa kanyang looban kaya nakagamit siya ng mahinang Fire Magic.

"Woah!" manghang saad ni Cielle ngunit muling kumunot-noo. "Kaso, hindi naman ako nakakagamit ng magic."

Nagulat ang matanda at pekeng ngumiti. "Oo nga pala. Pasensya, Cielle."

Sumulyap siya kay Elaine at pinanlakihan ng tingin. Agad namang pinawalang bisa ni Elaine ang mahika niya.

Hindi pa pala nakakagamit ng magic si Cielle, sa isip-isip ni Elaine.

"Ngunit kailangan mong makontrol ang barrier sa loob mo in case of emergency," palusot ng matanda.

"Gano'n ba?" Napahawak sa baba si Cielle na animo'y nag-iisip.

Kunwaring umubo si Pinunong Sol at pinagdikit nito ang kanyang mga palad.

"Okay na 'yan. Lalagyan na kita ng anti-magic barrier. Handa ka na ba? Baka hindi mo ito kayanin. Baka mahilo ka o ang pinakamasama, makatulog ka ng ilang araw."

"Kakayanin ko!" determindong tugon ni Cielle.

Huminga ng malalim ang matanda at pumikit. Nag-enkantasyon ito sa makalumang lenggwahe saka hinawakan ang mga kamay ni Cielle. Ang masiglang mukha ng dalaga ay biglang nawala. Lumaki ang kanyang mga mata nang maramdaman ang kakaibang sensasyon na dumadaloy sa mga kamay na magkahawak.

Nang matapos lagyan ng anti-magic barrier ni Pinunong Sol si Cielle, hiniwalay niya ang kanyang kamay sa pagkakahawak dito at tumingin siya sa mukha nito.

"Cielle?!" tawag niya na may pag-aalala. 

Nakatulala ang dalaga sa hangin habang nanginginig ang mga kamay.

Agad na inalalayan ni Elaine ang kapatid.

"Anong nangyayari?!" tanong niya.

Bago pa siya sagutin ng matanda, biglang pumikit si Cielle at bumagsak. Buti'y nasalo agad ito ni Elaine at pinahiga sa sofa.

"Hayaan mo siya, maayos naman ang anti-magic barrier sa katawan niya. Baka makatulog siya ng isa o higit pang oras," paliwanag ng matanda habang hinahawak-hawakan ang kamay ni Cielle para malaman ang temperatura nito. 

Nakahinga naman ng maluwag si Elaine at muling tumayo sa gitna ng sala. "Mukhang hindi niya kinaya ang anti-magic barrier mo."

"May iba na mahina ang apekto ng anti-magic barrier sa ibang tao at isa na ro'n ang naranasan mo, Supreme Elaine, dahil sa in-born na ang kalakasan mo. Sa kaso naman ni Cielle, mukhang nabigla ang katawan niya kaya ang isipan niya ay nagbigay ng signal na siya'y magpahinga," paliwanag ng matanda habang nilalagyan ng unan ang ulunan ni Cielle. Pagkatapos, tumayo ito at humarap kay Elaine. "Hangga't hindi pa siya nagigising, sanayanin mo ang anti-magic barrier."

"Hindi na kailangan."

Taka ang pinakitang reaksyon ng matanda. "Bakit?"

Ngumisi lang sa kanya si Elaine bago pumikit. Huminga ito ng malalim bago muling dumilat. Hinarap niya ang kanyang kamay at nagkaroon ito ng mahikang apoy kahit na ang barrier niya ay nasa isang purseynto ang depensa.

"Ano? Ayos ba?" mayabang na saad ni Elaine.

Bahagyang nagulat si Pinunong Sol ngunit nawala agad ito at napahawak sa kanyang baba na animo'y malalim ang iniisip.

[If mana pass through the barrier, the barrier will react to the nullification effect.]

Hindi niya ginamit ang sarili niyang mana. Bagkos, ginamit niya ang natural mana na makukuha sa paligid niya, sa isip-isip ni Pinunong Sol at napangiti sa nasaksihan niyang saya sa mukha ng dalaga. Mukhang hindi ako mahihirapang magturo sa kanya.

Ang saya sa mukha ni Elaine ay nawala nang biglang naglaho sa kanyang kamay ang nilikhang apoy.

"Iyon lang! Hindi tumatagal ang magic sa 'kin," saad niya at napakamot sa batok.

[The mana from one's body is vast but not infinite. Natural mana from the environment can be used but limited. It can be found in living things such as plants, sunlight, trees, and etc. In Elaine's magic, she used the remaining magic fragments in air.]

"Ang natural mana ay ginagamit lang kapag ang mana sa loob ng katawan ay wala na. Ngunit ang gumagawa lang nito ay ang mga kayang gumamit ng magic sense," paliwanag ni Pinunong Sol. "Magaling. Dahil nalaman at nahasa mo ito sa sarili mong paraan."

[This type of magic technique, which is the magic used by natural mana, is required to master the developed magic sense. Human eyes can't see mana nor the nose can't smell it. Using a magic sense, it can detect the mana fragments that are produce by natural resources; for example, a mage used his magic in full capacity but the requirements are much less than he created. So the excess magic turns into a magic fragment and leaves it in surroundings.]

Ngumiti si Elaine at binalikan ang alaala kung saan niya ito natutunan.

Noong una niyang pagsasanay, na kung saan ay isang oras siyang nakahiga sa lupa at nakatingin sa kalangitan, naramdaman niya ang natural mana sa paligid niya. Isa iyong basehan na nakagagamit siya ng magic sense ngunit hindi gano'n kahasa.

Dahil sa pagkabigo at pagdamdam sa pagkawala ng kanyang mahika, sinanay niya ito kaya ngayon, nagagamit niya ito ayon sa gusto niya— subalit saglitan lang.

"Napantay mo naman ang iyong mana, spiritual body, at anti-magic barrier sa katawan mo. Ngunit kaya mo bang tanggalin ang barrier para magamit mo ang sarili mong mana na nakakulong diyan sa looban mo?" tanong ng matanda.

"Kaya ko naman 'yon ngunit mararamdaman ni Emmanuel ang mana ko. Hindi ba't nasa loob siya ng anti-magic barrier sa nayon?"

Ngumiti ang matanda dahil sa pagkamangha.

"Tama. Kaya mo ring mag-isip ng magandang resulta kapag gagawa ka ng aksyon. . ." Nawala ang ngiti sa labi nito kasabay nang may pagkatok sa pinto. "Ngunit hindi mo ba alam na ang nilikha mong mahika ay mararamdaman din sa loob ng nayon, kahit may anti-magic barrier ito?"

Bahagyang nagulat si Elaine at napatingin sa pinto. "Nakalimutan ko!"

Mahinang natawa ang matanda. "Magtago ka sa likod bahay. Buhatin mo si Cielle." 

Agad naman sumunod si Elaine at walang kahirap-hirap na binuhat si Cielle palabas sa likod bahay.

Nang makumpirma ng matanda ang pagtago ng dalawa, binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang binatang si Emmanuel.

Ngumiti siya rito at sabay sabing, "Magandang umaga, Lord Emmanuel. Anong sadya mo sa tahanan ko?"

Ang mga mata ng binata ay napunta sa loob ng tahanan bago tumingin sa matanda. "May naramdaman akong mahika ritong kakaiba. Sa 'yo ba 'yon galing?"

Nilahad ng matanda ang kanyang kamay sa gilid.

"Wax magic, Cera Liquescens," enkantasyon niya at may namuong puting wax sa kanyang kamay. "Naramdaman mo ba?"

Tumango ang binata bilang tugon na lihim na kinangisi ng matanda.

Hindi pa gano'n kalakas ang magic sense niya, pagkakausap ng matanda sa kanyang isipan.

[The undeveloped magic sense can't determine the uniqueness of one's mana or magic. But it can detect if someone is using magic.]

Napakamot sa batok si Emmanuel at nahihiyang tumugon, "Pasensya na. Kakaiba kasi ang mahika mo kumpara sa iba."

"Wala 'yon. Ginagampanan mo lang ang trabaho mo rito. Matanong kita, Lord Emmanuel. . ."

Umayos ng tayo ang binata. "Ano po iyon, Pinunong Sol?"

"Kapag ba'y nilisan mo ang nayon na ito, may magbabantay bang muli?" tanong ng matanda.

Maikling ngumiti ang binata ngunit sa isip-isip nito, nagtataka siya kung bakit ito natanong sa kanya.

"Kapag nakumpirmang ligtas at wala ang kapitan sa nayong ito, lilisan na ako sa ikatlong araw dahil kailangan kong magsanay sa darating na tournament. Wala na pong magbabantay dito. Lahat ng nakakalat na guild members at knights sa kaharian na magbabantay. Ayon ang sabi sa amin ng hari," paliwanag ni Emmanuel.

"Gano'n ba. . ."

Lihim na inobserba ni Emmanuel ang matanda. "Bakit niyo po natanong?"

"Wala naman. Sana'y mahuli niyo na mapangahas na si Captain Alaric."

"Sana nga," malungkot na saad ni Emmanuel at napayukom.

Nagpaalam na sa isa't isa ang dalawa bago sinara ng matanda ang pinto. Nang marinig iyon ni Elaine, pumasok siya sa loob ng bahay at pinahiga sa sofa ang bitbit niyang si Cielle.

"Si Lord Emmanuel ba 'yon?" tanong ni Elaine nang siya'y makaupo sa sala.

"Oo. Narito siya dahil sa naramdaman niya ang kakaibang paggamit mo ng mahika," sagot ni Pinunong Sol.

"May magic sense ba siya?"

"Undeveloped magic sense lang ang meron siya."

Naintindihan naman ni Elaine ang salitang undeveloped kaya tumango-tango na lang ito bilang pagsang-ayon. Mayamaya, siya'y tumayo sa gitna ng sala upang magsanay muli.

"Magpokus muna ako kung paano ko pananatilihing pantay ang mana, spiritual body at anti-magic barrier ko," saad ni Elaine.

"Bago 'yan, kaano-ano mo ba talaga si Emmanuel? Sa nakita ko kanina, mukhang may malalim siyang dahilan kung bakit gusto niyang mahuli si Captain Alaric," tanong ni Pinunong Sol na nanatiling nakatayo sa harapan ng dalaga.

"Ah. . . kaibigan siya ng pamilya ko at kakilala ko siya. Kaibigan na rin ang turing ko sa kanya," sagot ng dalaga at ito'y pumikit.

"Gano'n ba."

Hindi na muling sumagot si Elaine dahil ito'y nakakalma't nakapikit sa ginagawa niyang pagpantay sa tatlong enerhiya sa loob niya. 

Ngumiting nilisan ng matanda ang sala upang makapagpokus ang dalaga sa kanyang pagsasanay.


~(へ^^)へ• • •

המשך קריאה

You'll Also Like

5.2K 341 27
This story is all about of people who run for their lives. You're dead once you got bitten. Once you're infected you will become one of them. It's su...
25K 1.3K 45
Handa kabang lumaban para sa buhay mo? Handa kabang isakripisyo ang ibang tao para sa sariling kapakanan? Handa kabang lumaban para sa mahal mo sa...
20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
6.7K 416 41
What happens when you were given a chance to go back from any timeline, are you willing to save the world? Even if You're a villain Who's supposed to...