I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

130K 4.6K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 32

1.1K 55 1
By PeeMad

Chapter 32: Queens and Kings in South-West Realm

SA PALASYO ng Olga Kingdom.

Nasa malaking sala sila Karlo, Ivy, at Alaric. Katapat nila si Princess Haruna/ Guardian Sonja na may ibon na nakapatong sa kaliwang braso niya. May tinali siyang scroll sa paa nito at pinalipad sa labas ng bintana. Humayo ito pataas hanggang himpapawid at pinagmasdan niya itong lumiit sa kanyang paningin bago hinarap ang iba pa niyang kasamahan sa silid.

"Ang Nayon ng Liryo Lampara na lang ang huling pagkakataon natin para makahanap ng red cherry," panimula niya.

"May nakausap po kami kahapon na isang matanda na may kakausapin siya sa nayon na iyon upang masigurado ang red cherry ay makuha namin, kung meron man ang sinabihan niya," paliwanag ni Karlo.

"Kung gano'n, kailangan niyo nang umalis." Humarap ang prinsesa sa kapitan. "Magpapaiwan ka ba sa nayon?"

"Kung makakakuha kayo ng red cherry, magpapaiwan ako dahil mapapagaling niyo ang katawan ni Elaine at hahagilapin ko ang kaluluwa ni Elaine ng walang inaalala. Kung hindi makakuha ng red cherry, hihintayin kong magising si Elaine," paliwanag ni Alaric at humalukipkip. "Ikaw nang bahala sa dalawa kong myembro. Hangga't maaaari, patayin mo sila sa pagsasanay. Kung sasali tayo sa tournament, kailangan nilang magpalakas ng sampung beses sa lakas nila ngayon."

"Ayan siguro ang sikreto mo kung bakit ka malakas ngayon," biro ng prinsesa.

"Walang sikreto. Ayon ang dapat gawin para makaraos sa buhay. Kailangang lumakas para makalaban ang kapalaran o kapalaran ang papatay sa 'yo," tutol ng kapitan.

"Tama ang mga sinabi mo." Ngumiti si Haruna at tumugon muli. "Tunay ngang bagay sa 'yo ang pagiging kapitan."

Mahinang napangisi si Alaric. "Kaya responsibilidad kong palakasin ang tatlo kong myembro lalo na si Elaine. Ang kapalaran niya ay mapaglaro. Kailangan niyang manalo o muli siyang mamatay. Mayroong pangalawang buhay ngunit wala pa akong naririnig na may pangatlo pa."

"Mabuti't nakilala ka ng Supreme Spirit," saad ng prinsesa at ngumiti. "Kaya kailangan mo ng makita si Elaine para makapagsanay siya sa plano natin."

"Sana ay mahanap ko siya," mahinang sambit ng kapitan at napayukom. Kahit na tinuruan niya na ang dalaga at kahit papaano ay lumakas na ito, hindi pa rin siya mapalagay na may masamang nangyari rito. Ngunit mas pinapanigan niya ang paniniwalang nakaligtas ito, at kailangan niya lang mahanap at mauwi ito sa katawan niya.

Huminto ang kanilang pag-uusap nang tumayo si Karlo at yumuko sa gilid nila.

"Aalis na po kami ngayon, mahal na guardian."

"Princess Haruna na lang Karlo. Baka may makarinig sa 'yo sa palasyo."

"Masusunod po, mahal na guardian."

Pilit na ngumiti na lang si Haruna at humarap ito sa tatlolng sila Ivy, Karlo, at Alaric na tumayo sa harapan niya.

"Mag-ingat kayo. Kapag nakuha niyo ang cherry, umuwi na agad kayo. Pati ikaw Alaric, pagnakita mo si Elaine, iuwi mo agad siya rito. Nararamdaman ko ang mahika ni Meralda. Nakamasid siya sating paligid gamit ang bolang kristal niya."

Tumingin ang kapitan sa itaas.

"Tama ka nga," sang-ayon ng kapitan.

Samantala, si Meralda ay nasa isang madilim na silid. Nasa harapan niya ang bolang kristal na marahan niyang hinihimas at nasa loob nito ang imahe ni Alaric na nakatingin sa kanya. Natigilan siya at napatitig sa kapitan.

"He knows," bulong niya at ngumiti. Muli, pinagpatuloy niya ang paggamit ng kanyang mahika. 

Hindi nakikita ni Alaric si Meralda ngunit nararamdaman nila ang mahika nito gamit ang magic sense niya at n Haruna. Samantalang si Meralda ay nakikita niya ang nangyayari sa paligid nila Alaric ngunit hindi niya naririnig ang pag-uusap nito.

Sa kasalukuyang sitwasyon ni Alaric, nakapokus siya ngayon sa ginagawa nila dahil hindi niya mahanap ang kaluluwang katawan ng Supreme Spirit. Hindi niya alam kung bakit hindi napapagana ang mahika niya sa paghahanap sa dalaga.

"Mag-ingat kayo," paalam ni Haruna. Yumuko sa kanya si Karlo at Ivy, habang si Alaric ay inaayos ang hood sa suot nitong mahabang cloak. Kailangan nitong matago ang katauhan lalo na't nagkalat sa Anastasia Kingdom ang mukha nito sa wanted poster.

Hinawakan ni Karlo ang balikat ng dalawa niyang kasamahan at nag-teleport. Nawala sila ng parang bula sa palasyo ng Olga Kingdom at sila'y lumitaw sa kagubatang nakapaligid sa naon ng Liryong Lampara. Sa hindi malamang dahilanan, napadpad ang teleportation ni Karlo sa labas at hindi sa looban ng nayon. Naglakad na lamang sila sa masukal na kagubatan at natunton ang Nayon ng Liryo Lampara.

Agad na tumuon ang atensyon ni Alaric sa isang binatang masayang nakikipag-usap sa matandang si Pinunong Wol. Lumingon siya sa dalawa pa niyang kasamahan at sinenyasan na tumingin sa binata. Sinunod naman nila ito at tinitigan ng mabuti. Agad nilang napansin ang badge sa dibdib nito.

"Siya si Emmanuel Adar. Isa siya sa mga representative sa magaganap na Lunar Tournament. Narito siya pansamantala para magbantay sa nayong ito," paliwanag ni Alaric, "Kailangan natin siyang iwasan. Kilala niya ako at si Elaine. Sa pagkakaalam ko, magkaibigan sila."

Tumango ang dalawa bilang tugon at maingat na pinasok ang pinakalooban ng nayon.

Napahinto saglit si Alaric nang mawala mismo ang magic sense niya. Napatingin siya sa paligid at tumingalang ang sumalubong ay ang asul na kalangitan.

Walang dudang ang nakapalibot sa nayon ay ang anti-magic barrier. Ngunit bakit merong ganitong klase ng mahika sa nayon? Ang mga mangkukulam lang ang kayang gumawa nito. Anong ibig sabihin nito? Sa isip-isip niya.

"Maging alerto kayo. Hindi basta-basta ang nayon na ito," babala niya kanila Karlo at Ivy na nakakunot-noo dahil hindi nila maramdaman ang kanilang mana ngunit bumalik naman nang sila'y makapasok sa looban ng nayon.

Ang anti-magic barrier ay mas epektibo sa pagkawala ng bisa ng mana o mahika ng isang mage kapag lumalapit ka rito. Isa lamang itong depensa at hindi naapektuhan ang nasa looban nito.

Nilibot nila Alaric ang nayon upang mahanap ang isang babaeng nagngangalang Kriselya. Ito ang sinabi sa kanila ng matandang lalake kahapo, na kung pupunta sila sa nayong ito, hanapin lang nila ang pangalang Kriselya dahil ito ang nagbebenta ng red cherry.

Napatigil sila sa isang babaeng residente at nagtanong. Tinuro agad nito ang bahay ng kanilang hinahanap at sila'y tumungo rito.

"Hindi ka pwedeng maghanap dito, Captain Alaric, dahil narito ang isa sa mga tauhan ng Anastasia Kingdom. Baka mabisto ka pa at mapahamak pa ang nayon na ito," mahinang sambit ni Karlo.

"Kailangan nating umalis agad dito," saad naman ni Ivy.

Nang sila'y tumapat sa pinto ng tahanan ni Kriselya. Kumatok muna sila rito bago bumukas ang pinto. Tumambad sa kanila ang isang batang babaeng nasa edad kinse na nakangiti.

"Magandang umaga po. Tuloy kayo—" Napahinto ito at napatulalang tumingin sa kanila.

Takang tumingin din si Alaric sa bata dahil animo'y naging estatwa ito sa kinatatayuan nito.

"Ate sila na ba iya—" Napahinto rin ang isa pang batang babae. Ngunit hindi tulad ng isa, ito'y nakangiti nang malawak sa kanya.

"A-ang gwapo," malambing na saad ng bunsong si Zianelle at nakatitig sa magandang lalakeng nasa harap niya. Kahit mukha lang ang nakikita nito, nahulog na agad ang kanyang loob.

Ang nakatulalang nagbukas ng pintong si Zyaniah ay biglang napakunot-noo at sinamaan ng tingin ang kapatid.

"Mga anak? Sino 'yan?"

Napatingin ang lahat sa kakarating lang na si Kriselya. May suot itong apron at pinupunas dito ang kamay niyang basa dahil sa paghuhugas ng plato.

"Sino sila?" tanong ni Kriselya sa tatlong nasa harapan ng pintuan.

"Kami po ang bibili ng red cherry," tugon ni Karlo na may paggalang.

Ang mga mata ni Alaric ay bumabang muli sa batang si Zyaniah. Nakatingin din ito sa kanya ngunit umiwas ng tingin. Nagtataka siya sa inaasta ng bata sa kanya pati na rin sa sinasabi ng sensitibo niyang magic sense na wala siyang maramdamang mahika sa loob nito. Hindi tulad nang kapatid nitong may mana at ang sa ina naman nito ay magulo't parang nagwawala ang mana.

Pumasok sila sa loob at umupo sa sala. Magkakatabi sila Alaric, Karlo, at Ivy sa mahabang sofa. Samantalang ang magkapatid ay nasa kabilang upuan; si Zyaniah ay seryosong nakatingin sa kanya at si Zianelle ay nahuhumaling na nakatingin sa kanya.

Umiwas muli ng tingin si Zyaniah sa titig ni Alaric at kinausap ang sarili sa isipan,  bakit ba ako umiiwas? Nababagabag pa rin ba ako na kailangan ko munang makita ang pamilya ko bago magpakilala sa kanila? Pero nagagalak akong nas amaayos silang kalagayan.

"Ilan ba ang kailangan niyo?" bungad na tanong ni Kriselya. May bitbit na itong basket na naglalaman ng cherry at binaba sa mesang nasa gitna ng sala. "Lima na lang ang natitira at nagkakahalaga ang isa ng isang daang pilak."

"Lima po ang bibilhin namin," sagot ni Ivy at nag-abot agad ng isang supot na naglalaman ng limang daang pilak.

Agad naman itong kinuha ni Kriselya at inabot ang basket sa kanila. Kinuha ito ni Ivy at tumayo.

"Nakuha na natin. Kailangan na agad nating umalis bago malaman ng mangkukulam kung ano ang gagawin natin sa cherry," bulong ni Ivy sa kanyang kasamahan.

Tumayo agad ang tatlo at nagpaalam kay Kriselya. Sinundan lang ito ng tingin ng magkapatid ngunit si Zyaniah, napayukom ito. Iniisip niya kung ano ang dapat na gawin. Hindi niya matatanggi na gusto niyang sumama kay Alaric ngunit nababahala siyang pigilan din siya nitong makita ang ninanais niyang pamilya.

Marahang napasabunot si Zyaniah sa kanyang buhok dahil sa gulong nangyayari sa kanyang isipan.

This is torturing. . . Anong ba talaga ang gagawin ko?

Lumabas ang tatlo sa tahanan at nilibot ng tingin ang paligid. Hinanap ng kanilang mga mata si Emmanuel at nakita nila itong abala pa rin sa pakikipag-usap.

"Sa kagubatan tayo mag-teleport dahil hindi ko alam kung bakit hindi gumagana sa nayo ang teleportation," saad ni Karlo at tumango naman ang dalawa sa kanya.

"Wait." Napatigil sila sa paglalakad nang pinigilan sila ni Alaric. Tumingala ito pinakiramdaman ang paligid. "I can't sense Meralda's magic."

Tama ang kanyang hinala dahil sa kabilang ibayo, ang bolang kristal ni Meralda ay nagkaroon ng itim na static. Sinusundan niya ang galaw nila Alaric kanina ngunit ngayon, hindi na niya ito makita. Nagtataka rin si Meralda kung bakit gano'n ang nangyari kaya mas nilakasan niya pa ang kanyang mahika, makita lang ang kanyang biktima. Ngunit kabiguan ang kanyang napala.

Sa kasalukuyan. . .

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Karlo.

"May pumipigil na barrier sa nayon," sagot ng kapitan.

"Anti-magic barrier, hindi ba? Kaya pala nawala saglit ang mana ko kanina," takang tanong ni Ivy at napatingin sa mga residente. "Kung meron man, kailangan pa rin nating makaalis. Paano kung nalaman nilang hindi nila tayo makita sa nayon na ito? Baka maghinala sila at sumugod dito. Baka madamay pa sila."

"Mabuti pa nga," pagsang-ayon ng kapitan at sila'y muling naglakad.

Samantala, si Zyaniah ay napatulala sa labas ng pinto at hanggang ngayon ay naguguluhan pa ito. Ang plano niya'y makita ang pamilya at pagkatapos ay babalik sa katawan niya. Dahil nakita niya si Alaric, gusto niyang baguhin ang plano. Ngunit kapag ginawa niya iyon, baka pigilan siya nitong huwag makita ang kanyang pamilya.

Huminga siya ng malalim at muling inalala ang mga katagang galing sa totoong Zyaniah.

'Ang dalawang pagpipilian ay gawing isang pangungusap'. Kailangan kong makilala nila ako. Kapag hindi sila pumayag sa gusto ko, gagawa pa rin ako ng paraan. . . bahala na nga si batman!

Agad na tumayo si Zyaniah at tumakbo palabas ng kanilang tahanan.

"Ate!" Napatayo rin si Zianelle at hinabol ang kapatid. "Saan ka pupunta?! Sama ako!"

Tumakbo si Zyaniah nang mabilis at huminto nang hindi matagpuan si Alaric. Ngunit muli siyang tumakbo nang matanaw itong palabas ng kagubatan.

"C-captain Alaric!" sigaw niya ngunit hindi siya nilingon ng tatlo.

"Captain Alaric!" muli niyang sigaw. Sa pagkakataong ito, lumingon ang kapitan na may takang reaksyon sa mukha.

"Aalis na tayo," saad ni Karlo. Hahawakan niya sana ang kapitan ngunit pinigilan siya nito.

"May tumatawag sa 'kin," sambit ng kapitan na nakatingin sa malayo. Sinundan nila Karlo at Ivy ng tingin ang kaninang bata sa binilhan nila ng red cherry.

Ngumiti si Zyaniah nang makitang lumingon ito sa kanila. Binilisan niya pa ang takbo at nang malapit na siya sa kapitan, nanlambot ang kanyang katawan sa tuwa at nanubig na ang katawan sa matagal na pagkawalay niya rito.

"Bakit mo alam ang pangalan k—" Natigil si Alaric sa balak niyang tanong dahil yumakap sa kanya ang bata. Gulat ang naging reaksyon niya at gano'n din ang ginawa ng dalawa niyang kasamahan.

Bubuhatin na sana ng kapitan ang bata ngunit naalerto ito nang biglang may lumitaw sa kanilang likuran.

"Humarap kayo sa 'kin," bulong ng boses ng isang babaeng matanda na agad namang sinunod nila.

"Pinunong Sol!" sigaw ng bagong dating na si Zianelle na hingal na hingal. Nang mahabol ang paghinga, lumingon siya sa kanyang kapatid at nagulat nang nakayakap ito sa kapitan.

Walang hiya ka, Elaine! Inagawan mo ako, gigil na saad ni Zianelle sa kanyang isipan.

Napatitig sila Alaric kay Pinunong Sol na nakangiti sa kanila. Ngunit kahit maamo ang mukha nito, hindi makakawala sa magic sense ng kapitan na may namumuot na malakas na mana sa looban nito.

"Maari ko ba kayong maaya sa aking tahanan?" masayang aya ni Pinunong Sol.

"Pasensya na po ngunit aalis na po kami," ani Ivy at lumakad muli ngunit pinigilan siya ng matanda.

"Paano kung ang batang iyan ay ang hinahanap niyo?"

Napatigil sila sa kanilang kinatatayuan at napatingin sa batang nakayakap sa kapitan. Nang tumingala ito, nakita nila ang naluluha nitong mga mata.

"C-captain. . ."

Pinanliitan ng tingin ni Alaric ang bata. Mayamaya'y nagulat ito at gano'n din ang reaksyon ng dalawa niyang kasamahan.

"Hindi kaya—" Napatigil si Alaric sa kanyang sasabihin nang nilagay ni Pinunong Sol ang hintuturo sa kanyang bibig.

"Muli ko kayong inaanyayahan sa aking tahanan. Maaari ba kayong sumama sa 'kin? Sa pagkakataong ito, hindi niyo ako matatanggihan," nakangiting sambit ni Pinunong Sol at naglakad na nakalagay ang mga kamay sa likuran niya.

Nagkatinginan muna sila Alaric bago napagdesisyunang sumama rito.

𔓎𔓎𔓎𔓎

ANG MAGAGANAP na Lunar Tournament ay laging hinihintay at kinasasabikan ng mga mages sa buong South-West Land. Hindi lang dahil sa pabuya sumasali ang mga mages, kung hindi'y gusto nilang makuha ang titulong pinakamataas sa lahat, at pagkakataon na ito na hindi na muling mangyayari kahit kailanman. Dala-dala rin dito ang pangalan ng kanilang kaharian na kahihiyan ang matatanggap kapag natalo. Kaya kailangang paghandaan kahit pa paggastusan ito ng mga hari't reyna.

Ang bawat kaharian ay may kanya-kanyang kalahok na hinahanda para sa magaganap na patimpalak.

Ang Harold Kingdom na pinamumunuan ni King Julyo Harold ay may limang kalahok. Dahil ang kanilang kaharian ay kilala sa paggamit ng Earth at Plant Magic, lahat ng sumali ay kaya itong gawin. Ang nag-aasikaso rito ay ang Guildmaster na si Reath na bihasa sa paggamit ng Earth magic.

Ang Harald Kingdom na pinamumunuan ni King Junyo Harald ay may limang kalahok na rin. Ang kanilang mahika ay bihasa sa Electric. Ang kakambal nilang Harold Kingdom ang kanilang kahinaang kaharian—base in magic attribute— ngunit magkaalyansa ang kanilang mga pinuno dahil ito'y magkapatid sa ina. Ang nag-aasikaso rito ay ang Guildmaster na si Hunder na bihasa sa Electric magic.

Sa dakong kanluran naman makikita ang Boris Kingdom na pinamumunuan ni Queen Barbara Boris. Dahil sa tagal na pamumuno nito, tinatatawag din ang kanilang kaharian na Queendom at nagtalaga nang man-made forest na tinawag nilang Anazon Forest. May lima na rin itong kalahok at ang lahat ay bihasa sa paggamit ng Fire Magic. Ang nag-aasikaso rito ay isa ring babaeng Guildmaster na si Fier.

Sa katabi nitong kaharian matatagpuan ang Hakkun Kingdom na pinamumunuan ni King Zhel Tenz Hakkun. May apat na itong kalahok at naghahanap pa ng isa dahil ang kanilang kaharian ay puno ng mga assassin na bihasa sa paggamit ng Shadow Magic. Ang iba kasi'y may mission kaya kailangan niya pa maghintay ng isang buwan para makumpleto ang kalahok. Ang nag-aasikaso rito ay ang kambal na Guildmaster na sila Ann at Inno— pinakabatang guildmaster na bihasa sa shadow magic. Wala rin ito sa kanilang kahiran dahil sa mission.

Ang Frederica Kingdom na pinamumunuan ni King Deric Frederica ay kumpleto na ang kalahok. Ang kanilang kaharian ay nasa itaas na bahagi ng matayog at nakalululang bulubundukin na hindi basta-basta naaakyat hangga't hindi kayang gumamit ng Wind/Air magic. Ang nag-aasikaso rito ay ang babaeng Guildmaster nilang si Aira.

Ang kalapit nitong Star-Dust Kingdom na pinamumunuan ni King Cleorio Star-Dust ay may dalawa pa lang na kalahok. Isa sa pinakamayaman sa mundo ang kanilang kaharian ngunit kinulang sa mga mages. Mas inaatupag nila ang kanilang yaman kaysa sa patimpalak. Ang nag-aasikaso rito ay ang Guildmaster na si Danz na bihasa sa paggamit ng Sand Magic.

Ang pangalawang beses pa lang na sasali sa tournament ay ay bagong Demi-Human City na isang republika na pinamumunuan ng presidenteng si Vladimir. Ang kanilang mga kalahok ay mga hybrid na isang advantage dahil kaya nilang gumamit ng iba't ibang mahika at normal sa kanila na magkaroon ng Legend Mage. Wala silang guildmaster dahil ang mismong presidente ang nag-aasikaso sa patimpalak.

Ang Olga Kingdom ay hindi sumali sa nakaraang patimpalak dahil sa pagkawala ng kanilang Reyna na si Mayleen at sa usap-usapang pagkawala ng susunod na uupo sa trono na si Haruna. Hindi na sila umaasang sasali ito sapagkat wala silang Guild hall. Napanatili naman nila ang kapayapaan sa kanilang lugar ngunit isa sila sa pinakamahinang kaharian sa South-West land.

Ang Anastasia Kingdom na pinamumunuan ni King Jozwell Anastasia ay ang unang nagpahayag na ang kanilang mga kalahok ay kumpleto. Isa sa tinitingalaan ang kaharian na ito dahil hindi ito nawawala sa pang-una o pangalawang tagumpay sa patimpalak. Kilala ang kanilang kaharian sa maraming population kaya ang dating Light magic lang na ginagamit dito ay napalitan ng iba't ibang mahika. Ang Guildmaster nila rito ay walang iba na si Gilth na bihasa sa Light Magic.

Ang huling kalahok ay ang Emperor of the South-West Realm sa Mount Olimpus. Hindi ito kasama noon sa patimpalak ngunit dahil nakataya ang trono sa pabuya, gumawa ng patakaran si Emperor Lunar na isasali niya ang kaniyang lugar. Kumpleto na ang kanilang kalahok na kinuha niya sa iba't ibang kaharian. Isa sa nakuha ay ang kapatid ni Elaine na si Joziah.

Ang bawat kaharian ay kailangang ibalita sa nakakataas ang estado ng kanilang paghahanda sa patimpalak. Ang kumukuha ng impormasyon na ito ay si Kloro, bumibisita ito sa bawat kaharian para kunin ang kasulatan.

Kasalukuyang nasa hugis semi-circle na silid si Emperor Lunar sa Mount Olimpus na matatagpuan sa pinakamataas na bundok. Ang pa letter C nitong dingding ay walang panakip kaya mahahawakan mo ang makapal na ulap na sa himpapawid mo lang mamamasdan at ang ibabang bahagi nito ay kita ang isang bayan na hindi na makilala dahil sa sobrang liit nito. Ang tanging may dingding lamang dito ay ang isang bahagi na may pinto. Ang sahig dito'y gawa sa marmol at ang mga kagamitan dito ay gawa sa batong binudburan ng ginto.

Ang emperor ay hubo't hubad na nakadapa sa kanyang kama habang minamasahe ng dalawang magandang dilag ang kanyang likod. Napapa-ungol siya sa tuwing dumidiin ang mga kamay sa pagmamasahe at nakakaramdam ng antok. Ang dalawang dilag ay napapangiti at napapakilig sa tuwing ginagawa niya ito. Sinasadya niya? Kalahating totoo at kalahating hindi.

May kumatok sa pinto nitong nagmumukod tangi dahil gawa ito sa kahoy. Hindi naman naging alintana ang paglikha nitong ingay sa dalawang dalaga at sa emperor.

"Pasok," saad ni Emperor Lunar.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Kloro na may bitbit na kasulatan mula sa iba't ibang lugar. Nakita niya ang sitwasyon ng emperor ngunit hindi ito naging dahilan para hindi magbalita.

"Your majesty, magbibigay ng pinansyal si Haring Julyo mula sa Harold Kingdom upang suportahan ang tournament. Narito ako upang malaman ang inyong sagot sa kanyang ginawang kabutihan."

Saktong natapos na sa pagmasahe ang dalawang dilag kaya umupo si Lunar sa kama. Malamyang napapikit at napabukas siya ng mga mata. Nakatambad ang katawan nitong pulido ang anim na padesal na makahulog panga. Naging sash naman ang sobrang mainipis na tela na nagpapatakim sa ibaba nitong bahagi.

Muli, halos mawalan ng malay sa kagandahang lahi ang dalawang dilag dahil sa mala-diyos nitong katauhan. Nakabalik naman agad sila sa kanilang huwisyo at tinulungang magbihis ang emperor.

Nang makabihis si Lunar, tumayo itong nag-inat at humarap kay Kloro. Ang liwanag sa araw na nagmumula sa bandang likuran niya ang nagpakinang sa balat niyang kagagaling lang sa mamantikang pagmamasahe. Ininat niya rin ang kanyang mga leeg bago ngumiti kay Kloro.

"Sabihin mong kinagagalak kong tanggapin ang kanyang suporta."

"As you wish, your majesty," nakayukong tugon ni Kloro.

"Balita kay Alaric?" tanong ni Lunar at inabutan siya ng isa sa kanyang mga dilag ng basong may lamang tubig.

"Ayon kay Meralda, kasalukuyan silang nasa Olga Kingdom sa pangangalaga ni Haring Haruno. Nalaman din namin na ang nawawalang prinsesa ay ang Guardian Sonja na ang totoong pangalan ay Princess Haruna Olga."

Inubos muna ni Lunar ang iniinom niyang tubig bago tinugon, "How interesting. Balita naman sa Supreme Spirit?"

"Hindi alam ni Meralda kung nasaan ang kaluluwa ngunit ang katawan ay nasa pangangalaga ni Princess Haruna. Hindi pa rin ito nagigising na isang pahiwatig na nawawala pa rin ang kaluluwa nito."

Humalakhak si Lunar habang inaayos ang lagi niyang suot na pulang kapa.

"Sana'y maasikaso niya ang sarili bago maganap ang patimpalak. . ." Ang masaya nitong mukha ay naging seryoso. "Gusto kong makita ang galit na mukha niya sa planong hinanda ko sa kanya."

Ngumisi ito na mahinang natawa at nagdagdag, "Ano kayang mararamdaman niya kapag nakita niyang muli ang kanyang pamilya. Masisiyahan? Magagalit? Matutuwa?"

Napatigil ito sa kanyang sinasabi nang tinawag siya ng isa sa kanyang mga dilag.

"Your majesty."

Paglingon niya, nakita niya ang isang ibong lumilipad papunta sa kanya at nang makarating, dumapo ito sa braso niya at kinuha ang scroll na nakatali sa paanan nito. Hinagis niya ang scroll kay Kloro na agad naman nasalo atsaka lumipad paalis ang ibon.

Binuksan ni Kloro at nilathala ang nilalaman niyo.

"Ako si Princess Haruna Olga na susunod na mamumuno ng Olga Kingdom ay napagpasiyahang sumali sa magaganap na Lunar Tournament. Kumpleto na ang aking kalahok at ako ang gagabay sa kanila. Kinagagalak kong mapasali sa patimpalak na ito kaya sana'y tanggapin mo ang aming pagsali."

Muling humalakhak si Lunar sa sobrang saya at malawak na ngumiti. "Anunsyuhin niyo ito sa iba pang kaharian na sasali ang Olga Kingdom at sa magaganap na pagpupulong sa Mount Olimpus. Kailangan dumalo ng mga namumuno upang mapag-usapan ang magaganap sa tournament."

"As you wish, your majesty," pangsang-ayon ni Kloro. Yumuko ito bilang pagbibigay ng galang saka nilisan ang silid.

Muling umupo si Lunar sa kama at agad siyang minasahe sa balikat ng dalawang dilag.

"Nakasisiguro akong magiging kapana-panabik ang patimpalak at sigurado akong isasali nila si Alaric at ang mahinang Supreme Spirit."


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

16.3K 1.4K 45
In Year 2030. Ang R.O.S or mas kilala nating rules of Survival ay kilala na sa boung mundo anim na taon na ang nakaraan. Hindi maipagkakaila ang kag...
10M 497K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
5.4K 341 27
This story is all about of people who run for their lives. You're dead once you got bitten. Once you're infected you will become one of them. It's su...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION