Suddenly, You're not Inlove

By misspaui

8.6K 426 267

Iisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dah... More

Suddenly, You're Not Inlove
Aso't pusa
4yearsago
Crush
Not her happiness
Ikaw
Confused
Someone
Congratulations
Ballpen
her girlfriend
Girl na friend
I believe you
Annie Baby
Legal
Good news
Family Outing
Sweet corn
Singsing
Shit
Missing Ring
Call
take care of you
Piggyback
Ulan
Okay?
Mahal
Mix emotions
Mahal 2.0
Why?
I like her
The ring
Deja vu
Pahinga
Delusional
I hate that ring
5 years from now
Flashback

Miloves

200 13 30
By misspaui


Napamulat ako ng aking mga mata. Nakaramdam ako ng hininga sa bandang noo ko. Napatingala ako sa taong yun. I don't know why pero bigla nalang ako napangiti nang makita ko yung mukha niya. I've decided to give her a peck on the side of her lips saka niyakap siya ng mahigpit habang natutulog.

I like it.
I like this.
I like waking up and the first thing I would see is her face. I like kissing her while she sounds asleep. I like how the way she breaths in and out the air on her nose. I like how her chest is rising up and down. I like how she hugs me. I feel comfort and safe. It feels like home. She feels home. She is home. My home. Dugdug.

Hindi ko na siya pinauwi kagabi. Dito ko na siya pinatulog. Nakainom siya and its not safe to drive especially that she's intoxicated by alcohol.

Ilang minuto pa ay biglang tumunog ang alarm ko. Omg! Kainis bakit nakalimutan ko 'tong patayin kanina tuloy nag-alarm. Agad ko itong inabot sa kanilang side ng bed saka ito pinatay. Nang mapatay ko ito ay napansin ko na nagising ko siya.

"Hi..." she said in a breathless voice.

"I'm sorry nagising kita." Agad kong hingi ng paumanhin.

"Nah, it's fine. Kanina pa ako gising actually nung hinalikan mo ako."

Omg! What? Hala. Nakakahiya.

"Seryoso?" She just hummed. Napatakip ako ng aking mukha gamit ang aking palad. Kainis naman.

"Hey, you okay?" Hindi ko siya sinagot kaya naman pinilit niya na alisin sa mukha ko yung kamay ko.

"No...nakakahiya." Sabi ko.

"Nakakahiya ang alin?"

"Kanina ka pa gising." Nadinig ko naman na natawa siya.

"Ano naman kung kanina pa ako gising?" Sinusubukan niya pa rin na tanggalin ang kamay ko na nasa aking mukha.

"I kissed you." I mumbled.

"What? C'mon tanggalin mo na yang kamay mo sa mukha mo." Utos niya.

"Ayoko."

"Why?" Hindi ako sumagot at napatili nalang ako nang bigla niya akong kilitiin sa tagiliran ko dahilan para maialis ko ang aking kamay sa aking mukha.

"Mindy, stop!" Suway ko habang natatawa. Pero patuloy lang siya sa pagkiliti sakin "Mindy. Waaa!" Pareho na kaming natawa "HAHAHAH hindi ako makahinga." Pagkasabi ko nun ay itinigil na niya ang pagkiliti sakin saka ako pinagmasdan.

"Ang cute mo talaga pag namumula."

Pagkasabi niya nun ay agad ko siyang niyakap. Hindi ko alam kung bakit pero tama lang na desisyon ang yakapin siya hehehe.

"I miss this." Dinig kong sabi niya. "I really miss you, Annie." Mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. I don't know why but this feels so good. Parang gusto ko nalang dito sa bed kasama at kayakap siya hehehe.

After ng halos isang oras na yakapan ay nagpasya na ako na paglutuan siya ng breakfast. Kusang nagluto ang kamay ko ng mga pagkain na di ko akalain eh paborito niya pala kagaya nalang ng hotdog tapos yung garlic rice. After niya kumain ay nagpresinta siya na maghugas ng napagkainan namin. Ayaw niya paawat eh kaya hinayaan ko nalang. Nag-ayos nalang ako ng sarili since may trabaho pa ako. Habang nag-aayos ay nahagip ng paningin ko ang isang ring box sa drawer ko. I wonder why I have this kind of ring eh ang mahal neto. Wala akong matandaan na bumili ako ng ganito kamamahaling singsing. I remember Christy mentioned it to me na ibibigay ko daw 'to kay Mindy sana sa anniversary namin. This is a promise ring daw. Hayyy. Tanungin ko nalang si Mindy next time. Wag na muna ngayon. Nung natapos na ako ay lumabas na ako ng aking kwarto at nakita ko naman siya na nakaupo sa sofa. Agad siyang napalingon sakin saka tumayo nung marinig niya ang pagbukas ng pintoan ng aking kwarto.

"You're off to work?" Tinangoan ko lang siya ng aking ulo. "Can I drive you there?" Di na ako nagpabebe pa at umoo nalang sa offer niya. Bukas na din ang uwi nina mama at papa galing sa probinsya. Umuwi sila dun kasi may nangyari daw sa lola ko but she's fine na daw sabi nila.

Nang makarating sa work ko ay nagpasalamat naman ako sa kanya sa paghatid sakin. "Sige na umalis ka na. May work ka din diba?" Tinangoan lang niya ako ng kanyang ulo. "Mag-ingat ka."

"You too." Nginitian ko siya saka nagpasya na lumabas ng kotse. Nagpaalam pa ako ulit sa kanya bago tuluyan umalis sa kinatatayuan ko. Hindi pa man ako nakakalayo ay nakakaramdam ako na parang may kulang sa araw ko. Napahinto ako sa paglalakad saka nilingon siya at saktong paglingon ko ay paalis na ang kotse niya. Agad akong tumakbo at hinarangan ang daan niya. Agad naman siyang napapreno. "What the hell, Annie!" Bulalas niya nang makalabas ng sasakyan. "Gusto mo ba mapilay ulit?!" Mahihimigan mo na medyo galit siya.

"Uhmm....I... I think I forgot something." Napakunot siya ng kanyang noo.

"Ano nakalimutan mo?" Chineck niya ang loob ng sasakyan niya at habang chinecheck niya ay agad ko siyang nilapitan at saktong pagtingin niya sakin ay dun ko na siya hinalikan. Hawak ko ang magkabilang pisngi niya. Ramdam ko na nagulat siya sa ginawa ko kahit din naman ako nagugulat sa sarili ko bakit ko nagagawa 'to. Ilang segundo pa ang nakalipas at tinugunan din niya ang halik ko. After ng halik ay napayuko ako saka napagpasiyahan na umalis. Naiwan siyang nakatulala parang nagulat sa ginawa kong paghalik sa kanya.

"Miloves!" Tawag ko sa kanya nung lingonin ko siya at makita na andun pa rin siya na nakatayo sa pwesto niya. Para bang naistatwa. Agad naman siyang napatingin sa akin nung tawagin ko siya sa endearment na yun. "Malelate ka na sa work!" Napansin ko naman ang paglaki ng mga mata niya.

"Right!" Tanging sabi niya saka pumasok sa loob ng kotse pero agad din naman ito lumabas at tumingin sa'kin na nakatayo sa di malayuan. Nagtaka naman ako "Can I say it?" She asked. Kumunot lang ang noo ko sa tanong niya. "I just want to say...I love you." Nginitian niya ako saka nagpasya na pumasok sa loob ng kanyang kotse at agad itong pinaandar at tuluyan ng umalis sa lugar na yun. Naiwan akong nakatayo. Pinapakiramdaman ang sarili. Bakit ganito? Labis na kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa di ko namamalayan napapangiti na ako habang paulit ulit na nagpplay sa utak ko yung sinabi niya kanina.

Napahawak ako sa aking dibdib. Kung naging tayo man noon bago pa ako nawalan ng alaala, sigurado ako na masaya ako sa piling mo Mindy. Kung ano man nararamdaman kong kaligayahan ngayon nakakatiyak ako na ganito din kaligaya ang naramdaman ko sayo dati. Napailing nalang ako ng aking ulo hanggang sa may tumawag sa pangalan ko. Si Gelo.

"Ang ganda ata ng gising natin ah." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Hmm... sabihin nalang natin na masaya ako at gumagaling na talaga ang binti ko." Sabi ko nalang sa kanya. Napangiti siya sakin. Nag-umpisa na kaming pumasok sa building.

Nang makapasok kami sa loob ng eleveator ay nagsalita siya "Btw, nakita ko yung car ni Mindy. Hinatid ka ba niya dito?" He asked. Nag-hum lang ako as a response. "Okay na ba kayo?"

"What do you mean okay na ba kami?" Naalala ko naman nung mga nakaraan na magkasama sila ni Mindy sa bar.

"Nabanggit kasi sakin ni Christy na parang di daw kayo okay..." naku ang daldal naman ni Christy. Nakarating na kami sa floor namin at palabas na kami nang mapagpasiyahan kong tanungin si Gelo tungkol sa isang bagay.

Napabuntong ako ng aking hininga "Gelo?"

"Hmm?" Napalingon siya sakin na napatigil naman sa paglalakad. Nauna na yung mga iba namin na nakasabayan sa elevator at kami nalang naiwan na dalawa sa hallway.

"Diretsohin mo nga ako." He waited for me to continue "Type mo ba si Mindy?" Medyo nagulat siya sa tanong ko sa kanya.

"What are you talking about?"

"Just answer me. May gusto ka ba sa girlfriend ko?" Gosh! Girlfriend! Why did I even say that word? Ugh.

'Eh girlfriend mo naman talaga siya. Hindi mo nga lang maalala.' Sabi ng tsismosa kong utak. I mentally rolled my eyes.

"Uhmm...please don't get mad at me. I just admire her lang naman." Honest niyang sagot. "Nothing else yun lang."

So type niya nga si Mindy. "Hmm. Okay." Tanging sagot ko saka nauna ng umalis sa kinatatayuan namin. Iniwan ko na siya dun.

I'll make sure na di mapupunta sa kanya si Mindy. Duh as if naman hahayaan ko yun mangyari. Wala man akong maalala na naging girlfriend ko si Mindy but I know to myself na akin siya. At ang akin ay akin.







🖤

Continue Reading

You'll Also Like

96.2K 4.1K 2
a one-shot story from your favorite band in pursuing our freedom- anagapesism. alluringli ©2022
348K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
849K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content