EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

333K 11.1K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 31

1.8K 105 14
By HeavenKnowsFLO

CHAPTER 31

Hugo take good care of Belle. Pinasuot niya ang jacket kaya naman nagmukha itong dress kay Belle.

"Saan tayo pupunta? Tsaka anong lugar pala ito?"

"This is my lot. I just bought this one three years ago."

"Bakit walang bahay? Para sa negosyo mo ba iyan?"

"No… for my future family."

Napatingin si Belle kay Hugo pero mabilis lamang dahil ayaw niyang magkahulihan sila. Gusto niyang itanong kung anong meron sa kanilang dalawa lalo na't may nangyari na.

"Belle, what do you want to eat?"

Napahawak naman si Belle sa kanyang sikmura.

"Hindi ka ba iinom ng tubig or magbabanlaw ng bibig?" Tanong ni Belle.

"No? Why should I?"

"You… you… licked me."

"So? Anong problema doon? It was a fresh juice."

Napanganga na lang si Belle at tumingin sa bintana. "Pambihirang bibig naman Franklin Hugo, wala talagang pakundangan!" Bulong ng dalaga dahil siya mismo ang nahiya sa sinagot nito sa kanya.

Ilang sandali lamang ay natigil sila sa isang drive thru, isa lang naman ang naging request ni Belle. Gusto niyang uminom ng mainit na kape.

"Okay na ba ito?"

"Oo okay na. Salamat."

Tumango lang si Hugo. Pilit na umaktong hindi nahihiya pero mula sa kaloob-looban ni Hugo, gusto na niyang umuwi. They made love inside his car. Hindi ito ang iniisip niyang unang beses na pagtatalik nila Belle. He want it to be romantic pero dahil hindi niya napigilan ang sarili, dito sila bumagsak sa kanyang kotse.

"She deserves more of me. Two over ten pa lang iyong kanina. I want to kiss her lips again. Ginayuma niya ba ako? Bakit nahuhumaling ako at gusto kong ulitin lahat. Gusto kong gawin lahat ng inisiip ko. I want her to be satisfied, to scream for more. I want her to feel my feelings…" natigil sa pag-iisip si Hugo at hinawakan ang dibdib. "Feelings? Nah… hindi, I just want her. That's all."

Pagdating ng mansyon. Hiya-hiya si Belle na tumapak sa bahay ni Hugo. Buong akala niyang may tao pero silang dalawa lang.

"Can I drink water?" Tanong ni Belle.

"You may."

Tumakbo naman ang dalaga sa refrigerator at inabot ang pistel. Walang kamalay-malay si Belle na sumunod pala si Hugo. Sa pagtingkayad ni Belle umangat din ang jacket ni Hugo kaya naman muling nagkasala ang kanyang mga mata.

He walked again, hindi palayo kundi palapit kay Belle.

"Ay kiki! Bakit ka ba nanggugulat?"

Yumuko lang si Hugo at muling binalikan ang labi ni Belle. He kissed her kaya natulala ang dalaga.

"Good night, sleep well," paalam ni Hugo at mabilis na naglakad pabalik ng kwarto.

Naiwan si Belle sa harap ng refrigerator  kaya naman napagdesisyonan niyang ilagay ang pistel pabalik.

Pumasok ng sariling kwarto si Belle at doon niya nakita ang bagong damit para sa kanya. Hinubad na lamang niya ang jacket at pumasok sa banyo. Hugo is still watching her moves. Hanggang sa pagpasok ng banyo. 

Hinawakan ni Belle ang dibdib nang makita ang iniwang marka ni Hugo pati sa kanyang colar bone. Hindi niya maiwasan na kagatin ang ibabang labi.

"Hindi ba unfair sa kanya na napakarumi kong babae?"

Dinig ito ni Hugo kaya naman napabangon siya. "What does she mean?"

Pumatak lang ang luha ni Belle hanggang sa umupo siya sa sahig. Umiyak nang umiyak at sinabunutan ang sarili. "Mawala ka na. Mawala ka na sa isip ko. Gusto ko nang kalimutan lahat-lahat."

Tila may kirot sa dibdib ni Hugo habang pinakikinggan at pinanonood niya si Belle. Gusto niyang pumasok pero hindi niya magawa.

"Is she thinking about his ex? Sino ang dapat niyang kalimutan?"

Kinabukasan, tumapak ang orasan sa alas dies pasado ng umaga. Bumungad kay Belle ang maamo at magaan na mukha ni Hugo. He's wearing his corporate attire. Hindi pa rin niya makuhang tumingin sa mga mata nito dahil nahihiya pa rin siya sa nangyari kagabi.

"Let's eat?"

"Bakit nandito ka pa? Diba seven ang time mo?"

"I have a business meeting."

"Ah… kasama mo si Charm?"

"Yes, baka palagi na rin. Kasi you resigned right?"

"Ha? Palagi mo siyang kasama?"

"Oo? Resigned ka diba?"

"Ah—oo. Syempre balik trabaho sa Red Light," lakas loob niyang tugon.

Halos makagat ni Belle ang kanyang dila nang padabog na nilapag ni Hugo ang kanyang kobyertos.

"Don't comeback there. Focus on your studies."

"Paano? Sarado ang school diba? Do you think makakapatapos pa ako?"

Inilapit ni Hugo ang brown envelope hanggang sa binuksan naman ito ni Belle.

"Madrigal University, certificate of scholarship?! Seryoso ba ito?!" Bulalas ni Belle kaya nagsitalsikan ang kanin kay Hugo

"Seriously? Belle!" Singhal ni Hugo.

Walang pakialam ang dalaga kung mainis si Hugo ang importante sa kanya ay nakuha niya ang certificate.

"Mag-start ako next week? Totoo ba?!"

"Yes."

"Pero magtatrabaho pa rin ako! Sayang din iyon."

"I said no."

"Ay hindi!"

Akmang aagawin ni Hugo ang certificate pero inipit ito ni Belle sa kanyang puwitan.

"Salamat talaga kahit ang sungit-sungit mo! Pinapatawad na kita kahit hindi mo kayang mag sabi ng sorry! Okay na ako rito!" Diretsong sinabi ng dalaga kaya naman mas lalong namangha si Hugo.

"She's so loud and straight forward. Bakit ako ang umaatras sa kanya? Dapat siya," asar na binulong ni Hugo.

Mula sa labas ng mansyon. Papasok na sana si Jamie nang makita niya si Hugo at Belle na nag-uusap. Kunot noo ang dalaga hanggang sa nagbago ang tabas ng mukha niya nang makita siya ni Manang Karing.

"Jam, si Sir ba? Nag-aalmusal kasama si Belle."

"Bakit nandito po iyan? Hindi po ba't ninakaw niya ang gamit ni sir?"

"Eh hindi naman yata. Nakakuha yata ng ebidensya si Boss."

"Talaga?" Bahagyang umatras si Jamie.

"Saan ka pupunta?"

"Sa warehouse po. Magkikita na lang kami ni Sir doon."

"Eh osige!"

Nagmadaling tumakbo ang dalaga palabas ng bahay at ganoon din sa pagmamaneho. Nagmadali siyang pumunta ng warehouse at pinalabas ang katawan ng banyaga na ex boyfriend ni Jaica.

"Parang awa niyo na. Pakawalan niyo ako. That was all my sexual desires."

Inilabas ni Jamie ang latigo at basta na lang nilatay sa banyaga.

"Magsalita ka sabi!"

"No! Wala na akong alam! Hindi ko naman kilala ang boss!"

"Talaga ba ha?!"

Galit na galit si Jamie kaya naman binalian niya ng buto ang banyaga. 

"Ma'am, tama na po. Hindi pa pinapapatay ni Boss Hugo ang lalaking iyan."

"Huwag kang makialam!" Sigaw ni Jamie at tinulak ang kasamahang gwardya. Muling hinataw ni Belle ang lalaki ng latigo hanggang sa dinampot niya ang bakal na tubo. She smashed this to his head kaya man nagsitalsikan ang utak nito sa sahig.

"Jamie?! What did you do?!" Bulalas ni Gael.

"I killed this bullshit! Ayaw magsalita!"

"Wala kang karapatan na pangunahan si Boss! Marami pa tayaong kailangan malaman! Magsasalita iyan!"

Pabalang na binitawan ni Jamie ang tubo at tinalikuran si Gael. "Ano ba ang problema mo? Napaka init ng ulo mo?"

"Dahil ayaw niyo akong pagkatiwalaan!" Sigaw ni Jamie.

"What? Pinagkakatiwalaan ka ni Boss."

"Seryoso ba? Pero pinababantay niya ako sa kapwa ko gwardya!"

"Bakit gwardya ka lang din naman katulad ko?!"

"Talaga? Ako naglilingkod ako ng malinis, maayos at lahat ginagawa kong pulido. Pero iyong magnanakaw pa  ang mas pinagkakatiwalaan niyo!"

Kunot noo si Gael at unang sumagi sa isip niya si Belle. "Are you jealous of her?"

"What? What the hell, Gael! No! Ang pinupunto ko rito, hindi ko naman kayo bibiguin. Let me work, hayaan niyong trabahuhin ko ang tungkol sa sindikato. Hindi iyong sinasama pa sa akin si Charm. Can she hold guns? Mukhang tatakbo ang babaeng iyon kapag nagrambulan!"

"You don't know her, Jamie. And please, do not act that you know everything inside this organization. Bagong salta ka lang."

"Pero kaya kong paglingkuran si Hugo more that you think!" Asik ng dalaga at pinagbagsakan ng pintuan si Gael.

"Fix his body. Ako na ang bahala mag report kay bossing."

Nagkakamot ng ulo si Gael dahil hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin kay Hugo.

"Gael!"

"Ay!" Gulat niyang sinabi nang makita si Hugo na papalapit sa kanya. "Boss, nandito ka agad?"

"Oo, bakit? Teka… anong inililigpit nila?"

"Sir, I'm sorry. Pero pumanaw po ang banyaga."

"Seriously?! Bakit niyo naman pinarusahan ng sobra?! I need that guy!"

"Sorry, sir…" lumuhod si Gael sa harapan ni Hugo dahil kitang-kita niya ang labis na galit nito. "It was my fault. I'm sorry. I promise, hahanapin ko po talaga ang mga sindikato."

"Make sure of that, Gael!"

Padabog na pumasok si Hugo sa loob ng opisina at sinimulan ang patuloy na panloloob sa system ng Jewelry company ni Mr. Tan. 

"Fifty percent, eighty percent… one hundred!" Bulalas ng binata hanggang sa mag loading lahat ng kanyang kinakailangan. "Fuck! Bakit walang laman?!"

Asar na asar si Hugo hanggang sa hindi ito tumigil kakahanap sa mga hidden files ni Mr. Tan. "I know, there's something strange in your business."

Mula sa loob ng bahay ni Hugo nabigla na lang si Belle nang ipatawag siya ni Manang Karing. 

"Halika hija, nandito ang modista para sukatan ka."

"Ha? Para saan po?"

"Sa uniform mo diba? Sinabi ni sir Hugo na sa Madrigal ka na magpapatuloy ng fourth year highschool."

"Ha baka po ang hirap naman po yata mag cope up sa nga lesson kapag ganu'n?"

Umiling naman si Manang Karing.  "You will be tutored by the Principal of Madrigal."

"Ha? Wala na po akong pambayad," wika ni Belle habanga siya ay umiiling.

"Sir provided everything. Kilala ko si sir, kapag iyan nag apologize sa isang tao, sandamakmak ang ibibigay niyang regalo. Just to make sure that you will be fine and happy."

Napanganga na lang si Belle dahil dahil hindi niya halos akalain na napaka ganda ng accent ni Manang Karing.

"Katulong po ba talaga kayo? Para kasing foreigner ka mag english, Manang. Eh ano, hindi sa judgmental ako."

Tumawa si Manang Karing at tinapik ang balikat ng dalaga. "Driver, maid, guards at righthand ni Sir Frank ay nakapag-aral. Hindi pwedeng hindi niya kami i-enroll. Heto nga kahit napakatanda ko, nakapagtapos pa ako ng Business Administration at… basta iyon."

"Wow! Talaga po?! Napaka bait naman po pala ni Mr. Hugo."

"Kaya kung ano ang ibinigay niya sa iyo, huwag mong tatanggihan dahil siguradong magagalit iyon sa iyo."

"Lahat din po ba ng babaeng nakilala niya naging jowa niya?" Wala sa wisyong katanungan ng dalaga.

"Naku! Hindi! Mukha lang playboy 'yan pero isa lang ang  naging girlfriend niyan."

"Nge? Totoo po ba?"

Biglang ngumiti ng nakakaloko si Manang Karing. "Type mo? Huwag kang magkakamali dahil masasaktan ka lang. Hindi sa tinatakot kita, pero kilala ko si Hugo. Iisang babae lang ang mahal niyan."

"Iisa? Sino po siya?"

"Si Sist—"

Naudlot pag-uusap ni Manang Karing at Belle nang biglang dumating si Gael. Halos lumuwa ang mga mata ni Gael nang magtama ang kanilang mga mata ni Belle. 

"Excuse!" Bulalas ni Gael at akmang isasara ang pintuan pero tinawag siya ni Belle.

"Wait! Mister, wait!" She shouted pero heto at umiwas si Gael.

Napatakbo si Gael kaya naman sumunod si Belle. Pilit niyang hinabol ang binata hanggang sa mahatak niya ang damit nito. Maagap at alisto si Gael dahil nadukot  niya ang itim na facemask sa kanyang bulsa.

"Teka!" Hatak ni Belle at pumunta sa harapan ng binata.

"Yes, Ma'am?"

"Alisin mo iyang mask mo pamilyar ka sa akin!"

"Sorry but I can't."

"Alisin mo! Alam ko iyang mata mo! Parang nagkita na tayo!"

"Ha? Hindi po. Sorry, I need to go."

Hindi makakawala si Gael kay Belle dahil hatak-hatak nito ang  kanyang tuxedo.

"Sir Hugo might get mad. Please ma'am, I love my job."

Napabitaw si Belle hanggang sa umatras si Gael. Nagmadali itong sumakay ng kanyang kotse hanggang sa natanaw ni Belle ang sasakyan ni Hugo.  

"Hugo!" Sigaw ni Belle at lumapit sa kotse ng binata.

Hugo wasn't used to this. He felt something irritable when Belle knocked on his window.

"Bakit kailangan mong sumalubong?"

"Salamat!" Bulalas ni Belle at hinagkan ng napakahigpit ang binata. "Hindi ko talaga alam kung paano ako babawi."

"Huwag kang magtrabaho sa Red Light."

"Sekretarya mo ba ako ulit? Hindi na si Charm?"

"Ha? Hindi mawawala si Charm sa buhay ko."

Hindi pa rin inaalis ni Belle ang pagkakayakap kay Hugo kaya naman napangiti si Manang Karing habang pinagmamasdan silang dalawa.

Nahuli ito ni Hugo kaya naman inalis niya ang kamay na nakapalupot sa baywang niya.

"Go inside, mainit. Bakit ka ba nandito?"

"Ah kasi, iyong isa mong empleyado familiar. Iyong mukhang intsik."

"Bakit saan mo nakilala?"

"Sa ano— wala hindi siguro, tara na?" Belle changed the topic at iniwan si Hugo sa labas ng bahay.

Bahagyang ngumisi si Hugo at pumasok sa kanyang bahay. Muli niyang sinulyapan si Belle. Hindi ito makatingin kaya naman minabuti niyang pumunta ng kwarto.

Hugo removed his clothes and opened his laptop.  Hindi pa rin natatapos ang pag-aaral niya, hanggang sa makita niyang nagkaroon ng new tab screen ang system. Kunot noo ang binata at nakita niya ang mga email ni Mr. Tan.

"An email from Joseph? Who is he?"

Continue Reading

You'll Also Like

6.9K 879 31
Synopsis: 10 years ago,Valen Grut is one of the Bachelor's Top List that gain trillions every month. He has all that everybody don't have which envy...
10.7K 405 32
Mafia boss meets the lovely lady guard. Orange Lily (a flower that means hatred, pride and disdain).
187K 1.1K 7
Dark Gavin Alcazar known as one of the Alcazar's heir. Dark has gray eyes, pointed nose and kissable lips, halos sambahin na ito ng mga kababaehan da...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...