Your Universe

By BLURRYTHINKER

782 182 707

Pilots' Ink Series #2 Evie, a girl who fears socializing with other people, will be torn between coming out o... More

Prologue
1. Meteor
2. Seeing
3. Transit
4. Sidereal Time
5. Barycenter
6. Cosmos
7. Circumpolar
8. Elongation
9. Meteoroids
10. Eccentricity
11. Inclination
12. Libration
13. Field of View
14. Stargazing
15. Constellation
16. Asteroid
18. Magnitude
19. Star Cluster
20. Finderscope
21. Reflector
22. Transit
23. Phase
24. Orbit
25. Comet
26. Galaxy
27. Crab Nebula
28. Collimation
29. Escape Velocity
30. Moon
31. Universe
32. Star
33. Spaghettification
34. Transparency
35. Light-year
36. Aperture
37. Messier Object
38. Sidereal Time
39. Galaxy Filament
40. Void
41. Nuclei
42. Big Bang Theory
43. Nuclear Reaction
44. Binary Star
45. Parallax
45. Red Shift
46. Apogee
47. Pluto
Last Chapter: Black Hole

17. Dark Matter

13 5 25
By BLURRYTHINKER



Evie

"Collaborative fiction lang," sabi ko at nginitian si Brent. Nasa cafeteria kami at kumakain ng lunch. Matamlay ang mga mata niya at hindi ganoong madaldal ngayon. Nakakapag-alala talaga kapag isang araw ay bigla na lang nagbabago ang ugali ng isang tao.

"Sorry talaga kung wala ako kahapon," mahina niyang paumanhin kaya agad kong tinapik ang kamay niya.

"Ano ka ba." Hinila ko ang upuan ko papuinta sa tabi niya. "Dapat nga maging proud ka sa 'kin kasi nagawa ko 'yon nang wala ka. Proud ka sa 'kin?" Ngnitian ko siya nang pagkalaki-laki habang nakaharap sa kaniya.

"Alam mo. . . ." Pinaglaruan niya ang pagkain niya gamit ang tinidor at tumitig doon. "Minsan natatakot ako . . . na masanay ka na wala ako." Tiningnan niya ako at tumawa nang pilit.

Hindi ko alam kung saan siya nanggagaling mula sa sinabi niya. Sabi niya dati gusto niyang maging confident ako, na hindi na ako natatakot, pero bakit ngayon. . . .

"Dati ayaw na ayaw kong uma-absent kasi alam ko kung anong nangyayari sa 'yo kapag sobrang natatakot ka. I feel so special, alam mo 'yon." Kinuha niya ang dalawang kamay ko at kiniskis niya 'yon sa isa't isa. "Gustong-gusto kong nagiging dependent ka sa 'kin."

Tahimik lang akong nakinig sa kaniya. Hindi ko alam kung ano'ng sumanib sa kaniya, o baka may nangyari sigurong sobrang lala sa pamilya niya.

"You okay?" Palihim kong binawi ang kamay sa kaniya at nag-thumbs up. Baka kasi nakatingin na ang ibang estudyante sa amin at kung ano pa ang isipin.

"Cutting tayo mamaya?"

Napaatras ako sa pagkakaupo at mabilis na umiling. "No, I can do everything you'll request, pero hindi ito." Tinaasan ko siya ng isang kilay.

That's one of the worst things I can do as a student. No'ng high school ako, naranasan ko nang mapagalitan diyan dahil akala ko ay cut na ang klase sa buong school, sinundo pa nga ako ni Kuya noon, pero kinabukasan, exemption pala 'yon sa teacher ko. Ayun, napagalitan ako.

"I know, I know, alam ko namang mabait ka kaya hindi mo magagawa 'yon." Tinawanan niya ako, pero halata pa rin ang tamlay sa boses niya.

"Oy, Brent." Lumingon siya sa akin. "Magayon cafe mamaya?"

At sa wakas, nakita ko na ang malaking ngiting kanina ko pa hinahanap sa kaniya.

Tinapos namin ang two hour class sa hapon kaya't two p.m. na rin kami nakalabas ng klase. Ngayong araw ay parang ako ang naging cheerer niya. Gusto ko talagang malaman kung ano'ng problema niya kaso about family, too confidential.

"Cheesecake 'tsaka cola," bulong ko sa tenga ni Brent dahil siya ang o-order ngayon para sa kakainin namin. Kaunti lang ang tao dahil nga nasa alas dos o alas tres pa lang ng hapon. Hindi pa uwian ng mga estudyante.

Naramdaman ko naman ang pagtulak niya sa akin habang hawak-hawak ang table number at naupo kami sa puwesto sa harapan ng glass wall. Hindi rinig sa loob ang busina at pag-andar ng mga sasakyan. Hindi rin namin ramdam ang init mula sa sinag na dala ng araw. Pinagmamasdan lang namin ito.

"Kumusta 'yong dating kaklase ng kuya mo? Lagi pa rin nakabuntot sa 'yo?" Napangiti ako nang maalala ang nangyari nang makasama ko si Gabriel pauwi sa amin, lalo na doon sa stargazing.

"Okay lang . . . okay lang naman." Wala na akong naidugtong dahil alam ko namang wala naman masyadong problema sa amin.

"Kapag masydado ka nang ginugulo sabihin mo sa 'kin," seryoso niyang sabi habang nakahalukipkip. Bahagya akong natawa at tumayo upang tumabi sa kaniya. Isinanday ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Opo, hindi naman ako ginugulo."

Sasabihin ko ba sa kaniya na nanliligaw sa akin si Gabriel?

'Wag na, Evie, wala naman sigurong magiging problema dahil mabait naman si Gabriel.

"Ikaw, ha, kapag may problema ka sabihin mo sa 'kin, do'n lang sa mga kaya mong i-share, at kapag hindi pwede ay okay na okay lang." Ibinangon ko ang ulo ko mula sa pagakakasanday sa kaniya at tumingin ssa mukha niya.

"About. . . ." Huminga siya nang malalim at hinilot ang sintido niya. "Just about my sister—" Naputol ang pagsasalita niya nang dumating ang pagkain namin. Palihim pa akong nagalit sa timing ng mga pangyayari dahil sasabihin na dapat ni Brent sa akin kung ano ang problema.

"We can eat muna." Tinanguan niya ako nang sabihin ko iyon.

Naging busy kami sa kaniya-kaniya naming pagkain. Walang kape sa harapan namin ngayon dahil sa init din kanina na mula sa labas. Parehong cola ang iniinom namin, cheesecake sa akin samantalang sa kaniya ay cheeseburger.

Isa ang cheesecake na ito sa pinakapaborito kong kinakain dito. Hindi makalat kapag hinihiwa ko ang pinaka-bread niya gamit ang tinidor. Sobrang lambot din sa bibig at hindi magaspang. At ang pinakagusto ko ay parang nagme-melt sa bibig ko 'yong creamy and cheesy flavor.

I know it sounds like I am endorsing a product, but yeah, sobrang sarap na kahit walang bayad ay ie-endorse ko 'to.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa lamesa sa gilid ko. Agad ko iyong tiningnan at nakitnag nag-message sa akin si Gabriel.

'Uwian n'yo na? Nasa Magayon kayo?'

Hindi agad ako nakapag-type ng reply at sinilip si Brent na busy sa pagkain. Muli kong ibinalik ang paningin sa message niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumulala sa cheesecake.

Paano kung hindi na masabi ni Brent ang problem niya kung nandito si Gabriel? Hindi naman sila ganoon ka-close para mag-open siya kay Gabriel.

'Tapos na class namin. Nasa place ako ng kaklase ko ngayon, may group work lang.' Hindi magkamayaw ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito. Halatang guilty sa ginawa ko. Napahawak pa ako sa labi ko habang inuusig ng konsensiya ko.

"Huy, bakit?" Nahalata niya ang pagtulala ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagkain.

"Wala, wala." Malalaman kaya ni Gabriel? Sana hindi, sana wala siya rito. Ayokong isipin niya na sinadya ko 'yon kasi ayaw ko sa kaniya.

Tanga-tanga mo talaga, Evie.

"You don't need to tell me kung hindi ka komportable, okay?" taranta kong paalala sa kaniya. Alam kong may mga problemang gusto ng iba na nasa loob lang ng pamilya. Siguro lumalabas lang kapag gusto nilang maglabas ng nararamdaman nila outside the family.

"Okay lang, malapit ka na rin naman sa akin kaya bakit hindi?" Tipid ko siyang nginitian at nagpatuloy sa pagkain, hinihintay na lang ng pag-o-open niya.

"Carissa is pregnant," mahina niyang balita na nakapagpaawang ng bibig ko.

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. "W-wait, ilang taon na siya? Bata pa siya, 'di ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. She is a minor, oh my god.

"Seventeen, pareho sila ng boyfriend niya."

Nagsalubong ang kilay ko at nakaramdam ng disappointment. Walang kasalanan 'yong baby, it's just how young they are para mag-alaga ng bata. Bata pa nga sila, e, tapos may isa pang bata ang aalagaan nila?

"Kaya absent ako kahapon, wala 'yong parents namin at ako ang namomroblema kung paano sasabihin sa kanila. Tapos pinuntahan ko rin 'yong family n'ong lalaki."

Napabuntonghininga siya at napasandal sa upuan, napahilamos sa mukha at tumitig sa pagkain niya. Nag-iisip ako ng pwedeng sabihin dahil halatang-halata na problemado siya ngayon.

"Expected na masesermonan si Issa, pero that time, ang tanging magagawa mo lang ay 'wag siyang iwan." Naalala ko si Kuya, tuwing pinapagalitan 'yon ay tumatabi lang ako sa kaniya. Hindi naman din kasi ako madalas na pinapagalitan kaya sinasamahan ko lang siya.

"Yeah, tama ka. Pero hindi 'yon ang pinakaproblema ko rito, 'yong kapakanan ni Carissa 'yong mahirap." Matalas siyang napasinghal, pinipigilan ang galit sa pamamagitan ng pagtiim sa bagang niya.

Saglit kaming natahimik nang muling tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Nang tingnan ay galing iyon kay Gabriel. Nagmamadali kong binuksan at binasa ang message niya.

'Thought you were not in Magayon.'

Mabilis kong inilipat ang paningin sa labas. Hinanap ko sa paligid kung nandito si Gabriel. At doon sa gilid ng kalsada ay nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng sinag ng araw, pilit na ngumiti at nagsimulang maglakad paalis.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 523 45
We are flawed and it is not normal for us to always love one another, but if our love for each other is bound by the same Holy Spirit, we could alway...
59.7K 2K 54
Play The Set Series #2 Melchora Benavidez. An easy go lucky girl who love the chase, laging gustong naghahabol pero kapag nagustuhan na? Mawawala na...
168K 4.3K 49
[COMPLETED] She's Yoreh Selene Antares, she's a Moon. She was scared... what can happen in her heart? Sa pag-ibig mahirap sumugal, Lalo na kung mabil...