EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

333K 11.1K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 27

1.7K 89 16
By HeavenKnowsFLO

CHAPTER 27

Pagpasok ng bar ni Hugo at Belle. Naramdaman na lamang ng dalaga ang mainit na kamay ng binata na humawak sa kanya. Napakaraming tao at halos matabunan si Belle.

"Bilisan mong maglakad kung ayaw mong matabunan," reklamo ni Hugo.

"Sandali, ang lalaki ng hakbang mo. Hindi ako makahabol!" Malakas niyang sinabi dahil hindi sila gaano nagkakarinigan sa loob.

"Bakit kasi 4'11 ka lang?"

"Ha ano?" tanong ni Belle.

"Nothing! Walk fast!"'

Parang pinagalitan ng sariling ama si Belle kaya naman napasunod siya sa malaking hakbang ng binata. Mabilis lamang nilang narating ang rooftop at doon umupo si Hugo at Belle.

"What do you want to drink?"

"Tequila lang."

"Okay."

Habang hinihintay nila ang pagdating ng inumin, napansin na lamang ni Hugo ang mga kalalakihan na sumusulyap kay Belle. She's innocent, walang malay sa mga lalaking tila hinuhubaran ang kanyang katawan gamit ang mga mata. Sa sobrang inis ni Hugo, hinatak niya ang high chair ni Belle papalapit sa kanya.

"Bakit?!"

"Huwag ka nang sumayaw."

"Ha? Hindi naman ako sumasayaw ha? Napapa-indak lang."

"Same thing. Hindi mo bagay."

Napanganga na lang si Belle dahil pakiramdam niya'y pinagdidiskitahan siya ng amo. Tumaas ang kilay ng dalaga at kaagad kinuha ang sinerve na alak. Ginawang tubig ni Belle ang inumin at binagsak na parang lasinggero sa kanto.

Sa makalipas na ilang minuto na parehong walang kibuan.-

"Mag-comfort room lang ako," paalam ni Belle pero laking gulat niya nang tumayo rin si Hugo. "Ikaw din?"

"Oo."

"Eh mawawala ang pwesto natin kapag tumayo ka."

"So inuutusan mo ang boss mo?" Asar na tanong ni Hugo.

Napairap na lamang sa ere si Belle bago sumagot. "No, I mean baka kasi wala na tayong pwesto. Kapag balik ko, doon ka naman umihi. Edi tapos."

"Stop rolling your eyes, Annabelle."

Tikom ang bibig ni Belle bago muling sumagot. "Okay, sorry," kaagad tumalikod ang dalaga at sabay silang naglalakad papunta sa comfort room.

Hindi siya pinansin ni Hugo at nagmadali itong magsara ng pintuan.

"Ang lakas talaga ng tama ng lalaking ito... nakakainis!" reklamo ng dalaga. Inilapag lang ni Belle ang bag sa harap ng lababo at muling inayos ang sarili. Ilang saglit din siyang natunganga habang nakatingin sa salamin. Unti-unting umuukit ang matamis na ngiti sa kanyang labi hanggang sa napayuko ito.

"Bakit parang ngayon lang ako sumaya? Kahit nakakabwisit ang kasama ko sa trabaho. Mas maraming oras na napapangiti ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakakawala ako sa loob ng kahon. Noon, si Jaica lang ang lagi kong kausap at nakakaaway. Pero ngayon, hindi naman pala nakakatakot na magtiwala muli."

Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ni Belle nang sumagi sa isip niya kung paano naging mahirap ang buhay niya sa loob ng tahanan. Lahat ng paraan ay ginagawa niya para magustuhan siya ng mga kapwa bata sa loob ng ampunan pero wala pa rin saysay dahil palagi siyang pinag-iinitan.

Mula sa huling pamilya na umampon sa kanya, ito pa pala ang mga taong nagdala sa kanya sa bingit ng kamatayan. Kahit ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang maliwanag na mukha ni Joseph at Henry. Pilit lamang niyang nilalakasan ang loob para sa patuloy na pagsisimula.

Sa paglabas ni Belle, hinahanap niya sa paligid si Hugo. Panay ang tingkayad ng dalaga hanggang sa mapansin niyang kalalabas lang nito ng kobeta.

"Okay ka lang? Bakit namumula ang mata at mukha mo?"

"Sa alak."

"Sigurado ka sir?"

"Oo nga."

Akmang hahawakan ni Belle ang mukha ni Hugo ngunit mabilis niyang tinapik ang kamay ng dalaga. Nabigla si Belle at umtras.

"Just... just don't touch me."

Napatango at dumistansya si Belle kay Hugo. Nalilito na naman ang dalaga sa kilos ng binata. Napagmasdan din niyang namumula ang batok nito at para bang may mga pantal.

"Sigurado ka ba? Bakit may pantal ang batok mo?"

"Okay lang ako. Magpaparty ka pa ba? You can dance there. Enjoy the night," tugon nito.

Hindi nagpaawat at biglang hinatak ni Belle ang kamay ni Hugo. Napakainit nito at may mapupulang pantal na rin.

"Hala? Ano ito? Allergies?!"

Babawiin sana ni Hugo ang kanyang kamay kay Belle pero hinigpitan pa rin ng dalaga ang pagkakahawak. "Umuwi na tayo!"

"But you are still enjoying the night, right?"

"May mage-enjoy pa ba kung ang kasama ko sa bar ay may allergy? Halika na! Ang tigas ng bungo mo!"

Sumunod na lamang si Hugo kay Belle dahil kakaiba na rin ang pakiramdam niya. Sumasakit na rin ang kanyang batok at nahihirapan na rin sa paglunok.

Sa pagsakay nila ng service van, dahan-dahan na sinandal ni Belle ang ulo ni Hugo.

"Manong may bukas pa bang drugstore dito?"

"Naku, sa ganitong oras po. Wala na."

"Ha? Pwede bang makisuyo mamaya kung may makita ka man, pabili ng antihistamine."

"Sige, Ma'am!"

Pinikit lamang ni Hugo ang kanyang mga mata at ang kamay niya'y hinahanap pa rin ang init ng balat ni Belle.

Napasinghap ang dalaga dahil kinapa siya ng binata. She voluntary touched his hand kaya naman hinigpitan pa ito ni Hugo. Para bang hihikain sa sobrang lakas ng tibok ng puso ni Belle habang nakatingin siya sa kamay nilang dalawa.

Hinihimas-himas ito ni Hugo habang nakapikit kaya naman pakiramdam niya'y kinikiliti ng binata ang kaluluwa niya.

Lumipas ang ilang minuto na biyahe, mabilis na nakarating sila Belle at Hugo sa hotel room nito.

"Hubarin mo na ang tuxedo mo, ang init-init!"

"I can't, nahihilo ako. Hmm—" he almost vomited while looking at her.

"Anak ng kabayo! Huwag mo akong susukahan!" Bulalas ni Belle kaya naman hinatak niya si Hugo papasok sa banyo. Tinulungan niya itong lumuhod sa harapan ng inidoro at hinayaan na sumuka.

Panay ang tapik ni Belle kay Hugo dahil para bang bata ito na hirap kung sumuka. Kitang-kita rin ng dalaga ang namumulang kamay ni Hugo.

"Maglinis ka nang bibig!"

Sumunod naman si Hugo pagkatapos ay tumayo para punasan ang bibig. Nagsisimula na niyang kamutin ang kamay ngunit hinampas siya ni Belle.

"Huwag mong kamutin, masusugat ka! Bakit ba may allergy ka? Sa alak? Sa kinain natin kanina? Bakit hindi mo sinabi ha?"

"Wala akong allergy sa mga 'yon," pagsisinungaling niya.

"Hay, naku. Asan na, tanggalin ko na ang coat mo."

Tinulungan niyang muli si Hugo ngunit bahagya siyang nahirapan dahil sa malaking bulas nito.

Ngalay na ngalay si Belle dahil pilit siyang timitingkayad para lamang magmukhang mataas.

"Maliligo ka ba?"

Umiling si Hugo. "Ayoko, lalo akong mangangati," tugon niya at biglang hinatak ang polo upang ito'y mahubad sa kanyang katawan.

Napapikit na lamang si Belle dahil nagsitalsikan ang mga butones sa harapan niya. Nabigla din siya dahil nasaksihan niya ang pamumula ng katawan nito.

"Ano ba talaga ang tititigan ko? Ang abs niya o ang allergies?" bulong dalaga sa sarili pagkatapos at tumalikod. Hinatak niya ang nakitang tissue at pinunas sa kanyang pawis na mukha pagkatapos ay isinubo sa bibig. "Belle... huwag kang manyak. Jaica, maawa ka. Huwag kang sumanib sa akin! Mas matino ako sa iyo."

Hindi mapakali at dumiretso na lamang si Belle sa refrigerator para uminom ng malamig na tubig. Punong-puno na ang kanyang tiyan pero ang lalamunan niya'y nanuyot sa matikas na pangangatawan ni Hugo.

Ilang segundo lamang ang nakalipas, napansin na lamang ni Belle ang pagbagsak ng katawan ni Hugo sa kama. Mabilis na lumapit si Belle at tumabi sa kanya.

"Pulang-pula ang balat mo."

"Yeah."

"Ano ba kasi ang nakapag trigger sa allergy mo? Iyong seafoods ba?"

Tumango si Hugo at ngumiti. "Mawawala din naman."

"Talagang pinilit mo ha? Alam mo bang pwede kang lagnatin at magka-sore throat sa ginawa mo?"

"I experienced that."

"Eh bakit inulit mo ulit? Pambihira ang tigas ng ulo mo."

"Sige na. Magpahinga ka na. Thank you... just lock my door when you leave."

Muling naglakas ng loob si Belle at hinawakan ang leeg ni Hugo. "May lagnat ka na. Hintayin mo si manong baka makahanap siya ng antihistamine."

"Hindi na."

"Bakit ba ang kulit mo?!"

"Ikaw ang makulit. Hilig mo ang magpuyat kaya hindi ka lumalaki."

"Wow ha? Sana lagnatin ka pa!" Bulalas ni Belle at hinatak ang bag pagkatapos ay padabog na lumabas ng hotel room ni Hugo.

"Napaka sama talaga ng ugali! So minuto lang siyang mabait tapos wala na? Sana lagnatin ka pa!" She shouted at inulit na binagsak ang sariling pintuan.

Tumapak ang alas tres ng madaling araw, nakaramdam ng panginginig si Hugo at para bang binibiyak ang kanyang ulo sa sobrang sakit. Sinimulan niyang kunin ang cellphone sa side table at tinawagan si Belle.

Walang sumasagot ngunit paulit-ulit niya itong tinatawagan. "Pick up, Belle."

Mula sa loob ng kwarto, naalimpungatan at napabangon sa kanyang kama si Belle upang sagutin ang cellphone na naiwan sa lamesa. Bumilog ang kanyang mga mata nang makita ang pangalan ni Hugo.

"Sir? Bakit po?"

"Come here."

"Inaanto—" hindi pinatapos ni Hugo si Belle kaya naman pabagsak na nilapag ni Belle ang company phone. "Kainis! Inaantok pa ako eh!"

Belle roughly entered the door passcode at ganoon din ang pagsara nito.

"Sir, three pa lang. Ano po ba ang uutos mo?" reklamo niya habang nagkakamot ng ulo.

Ubo at sunod-sunod na bahing ang naging sagot ni Hugo sa kanya kaya naman biglang lumapit ang dalaga sa higaan nito.

"Naku, hindi ka man lang uminom ng gamot!"

"I'm just cold. Please turn off the aircon. I can't stand, Belle. My legs are swollen."

"Teka sandali."

Nagmadali naman si Belle na patayin ang aircon at dumiretso sa refrigerator. Naghanap ito ng asukal at inihalo sa isang baso ng tubig.

"Bumangon ka," utos ni Belle.

"Bakit?"

"Drink this, effective ito."

"Lalasunin mo ba ako?"

"Kung lalasunin kita sa second day pa lang ng pagkikita natin ginawa ko na. Dalian mo!"

Umismid si Hugo at pilit na bumangon. "Anong mixture niyan?"

"Sugar and water."

"Seriously?"

"Hay sumunod ka na lang, pambihira!"

Pinagmasdan ni Hugo ang hawak ni Belle at para bang ayaw talagang tanggapin ang inumin.

Napabuntong-hininga ang dalaga at uminom sa baso ni Hugo. "See? Uminom ako, kung may lason iyan mauuna akong mamatay."

"Can I just wait for two minutes baka kasi hindi kaagad tumalab dahil konti lang ininom mo."

Sa sobrang inis ni Belle. Muli siyang tumayo at kumuha ng isa pang baso, mineral bottle, asukal at kutsara.

"O ayan, tinapon ko ang unang tinimpla ko. Ngayon sabay tayong iinom para pagkatiwalaan mo ako."

Habang ginagawa ni Belle ang proseso, tikom ang bibig ni Hugo nang bumaba ang paningin niya sa manipis nitong labi. Pilit niyang minumulat ang mga mata dahil nagdadalawa ang kanyang paningin. Nakakaramdam ng hilo ang binata kaya naman pakiramdam niya'y lumulutang siya sa alapaap.

"O, okay. Inumin mo!" Pilit na pinahawak ni Belle ang isang baso ng tubig na may asukal. "Cheers!"

Napasabay niya si Hugo at pareho nilang inubos ang tubig. Napangiti si Belle ngunit si Hugo na seryoso lamang kung makatingin sa kanya.

"Bakit hindi mo ako nilason noon?" Hugo asked.

"Ha? Bakit ko naman gagawin?"

"Hindi ba't galit ka sa akin?"

Ngumisi si Belle at inilapag sa side table ang baso. "Naiinis dahil paiba-iba ang mood mo. Pero hindi ko magagawa na patayin ka or lasunin. You saved me from stampede, from the bombing. You even gave me a decent job. You let me sleep inside your house even though I am a stranger. Hindi ko naman kayang saktan ang mga taong ginawan ako nang mabuti," aniya at tumingin si Belle sa asul na mga mata ni Hugo.

Para bang tumigil ang mundo ng dalaga at ang mata lamang ni Hugo ang nakikita niya. "It was like the ocean. It was beautiful and mesmerizing, but I think it is also deep and mysterious," bulong ni Belle sa sarili.

Akmang mag-iiwas tingin si Belle ngunit hinawakan ni Hugo ang kanyang kamay.

"Stay here."

"Ha? Matutulog ako ulit eh?"

"Stay... I don't personally ask for a favor. At work yes, but like this no. Katulad nga ng sinabi mo, dapat kitang pagkatiwalaan. Stay here, beside me."

Para bang robot si Belle at tumango sa sinabi ni Hugo. Umusog ang binata at binigyan ng espasyo upang makahiga ito sa tabi niya. Her mind doesn't want to lay down beside him but her heart wants to feel his presence.

Sa paglapag ng ulo ni Belle sa unan ni Hugo. Para bang tuod ang dalaga dahil hindi niya magalaw ang sarili. It was a little bit awkward for her to move kaya naman ipinikit niyang pilit ang mga mata.

Hugo saw her, kaya naman nakakuha ng tsempo ang binata na lumapit sa kanya at isandal ang ulo braso niya. Bahagyang napasinghap ang dalaga ngunit hindi niya ito masyadong pinahalata. Pikit mata pa rin si Belle dahil ayaw niyang masaksihan ang ginagawa ni Hugo. He gently touched her hand again. He massaged it repeatedly kaya naman mas tumaas ang balahibo ni Belle.

"Matulog ka na," she uttered.

"I can't sleep."

"Eh tatayo na ako," reklamo ni Belle at binuksan na ang mga mata. She was shocked when she saw his face. Malapit ito at parang katulad ng nangyari sa loob ng bahay ni Hugo. Konting distansya na lamang ay maglalapat na ang kanilang mga labi.

"Close your eyes, then sleep," utos ni Hugo.

"O—okay."

Patuloy na pinagmasdan ni Hugo ang maliit niyang ilong at labi, mahabang pilikmata pati na rin ang magandang hubog ng kanyang mukha.

Papalapit nang papalapit hanggang sa maramdaman ni Belle ang mainit na hininga ni Hugo. He gently kissed her forehead. Muling bumukas ang mga mata ni Belle kaya naman napatingin si Hugo. Ilang segundong tutok ang mga mata nila at kung akala mo'y nag-uusap ito.

"Belle, umayos ka... Belle, lumayo ka sa temptasyon," pakikipag-away ng utak ni Belle sa kanyang sarili.

Hugo slowly touched his lips against her. Pakiramdam ng dalaga na kinagat niya ang makasalanan na mansanas habang nakadikit ang kanyang labi kay Hugo. Sampung segundo lamang at sinimulan ni Hugo na galawin ang kanyang labi.

His tongue started to knock her walls. She slowly opened her mouth at doon nahuli ni Hugo ang tamis ni Belle.

"Hmm—" she moan when Hugo accidentally touched her belly. Lalayo pa sana si Belle ngunit hinapit ng binata ang kanyang baywang papalapit.

Ang dahan-dahan na paghalik ni Hugo ay nauwi sa halik na kayang dalhin ang kaluluwa niya sa kalangitan. Ramdam na ramdam ni Belle ang mainit nitong palad na humaplos sa hita niya. She can't control herself until she felt his warm hand inside the nighties.

Para bang pamilyar ang haplos na ito sa kanya kaya napalayo si Belle kay Hugo.

Halatang nabigla ang binata kaya naman bigla itong tumalikod. Naiwan na tulala si Belle at hindi alam kung lalabas ba siya o mananatili sa higaan kasama si Hugo.

"You go back to your room," he seriously commanded.

"O—okay," pautal niyang tugon at mabilis na tumayos si Belle palabas ng kwarto ni Hugo.

Sa pagsasara ng pintuan ni Belle. Hinawakan niya ang dibdib dahil hindi niya alam kung paano ito pipigilan.

"Belle, please lang. Huwag kang mahulog kay Hugo... pero bakit ang hirap? Nasaktan na akonoon, I should be careful to my heart and to my body," paulit-ulit niyang sinasabi hanggang sa nagsimulang magtubig ang mga mata. "Akala ko totoo na... experimento lang pala iyon ni Hugo," she bitterly said. 

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
187K 1.1K 7
Dark Gavin Alcazar known as one of the Alcazar's heir. Dark has gray eyes, pointed nose and kissable lips, halos sambahin na ito ng mga kababaehan da...
2.2K 54 20
Carrie returned to the Philippines, but she did not expect to meet Logan again, her ex-boyfriend and father of her Son, Shiloah, who is one of the co...