Del Rico Triplets #1: Bound B...

Autorstwa nefeliday

1.6M 29.1K 3.8K

Hollis, who was raised as an adopted child to conceal her true identity as an illegitimate one, hoped for fre... Więcej

Bound By Duty
DISCLAIMER (MUST READ!)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas 1
Wakas
The Second
Hollis
Hillary Ophelia
Crashing Into You (Chapter 1 on wattpad!)
Adelio Lucian/Chaos

Kabanata 24

39.1K 583 41
Autorstwa nefeliday

Nanay

"How are you, anak?" tanong ni Tita Selena nang mapag-isa kami.

Aayusin ko kasi ang mga maternity dress na binili nila para sa akin. Although Tross can buy it for me, hindi talaga sila makakahinga nang hindi ako ini-spoil.

"Ayos lang naman po..." kiming tugon ko.

Pareho kaming nakaupo sa sofa, nagtutupi ng mga damit. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga mata at labi niya. Halata talagang masaya. Somehow, natutuwa rin ako dahil pakiramdam ko talaga ay may nagagawa akong maganda para sa kanila na maiiwan ko. If only I could forgive Crisosmo... If only I could also be comfortable with him, too.

"Alam mo? Noong nagbubuntis ako sa inyong dalawa ni Crowell, napakatamad ko sa lahat ng bagay. Unlike you," she chuckled. "Nagagawa mo pang magtungo sa café."

Napangiti rin ako roon. I watched Tita Selena... my mother's face wrinkled elegantly. Parang kahit may katandaan na ito ay maganda pa rin. Noong nakita ko nga noon ang picture niya, unang beses kong makatuntong sa pamamahay nila, akala ko ay isa siyang istrikta. Kahit kasi may kaamuan ang kaniyang mukha ay halatang seryoso ito at hindi basta-bastang uri ng tao.

Kaya nga ba nang iharap ako sa kaniya ni Crisosmo ay malayo agad ang naging pitlag ko. Kahit din ilang araw na ako sa bahay nila at lagi siyang nakangiti sa akin at mabait ay hindi ako agad nagtitiwala. Nag-iisip ako na baka... pakitang tao lamang iyon tulad ng nakagisnan kong ina.

Kunwaring nakangiti at mabait subalit... itinatago pala ang kakaibang ugali.

I still remember Nanay Helena. The mother who raised me until I turned eight. Pala-palagi itong nagagalit at isang kibot lang ay matinding bugbog ang inaabot ko. Kung hindi dahil sa kapitbahay namin na nagmamalasakit sa akin ay baka hindi ilang beses akong mapapatay ni Nanay. Aniya sa akin, wala akong silbi dahil hindi ko magawang panatalihin si Crisosmo sa kaniyang piling.

All of my moments with her are better sweet. Katumbas ng masayang mga alaala niya ay malupit na alaala rin. Bilang anak niya, nagtatanong din ako minsan kung kamusta na siya. Kung... naalala pa ba ako nito? O 'di kaya ay nakaramdan din ba siya ng pangungulila sa akin noong mga unang buwan na nagkahiwalay kami.

Even with the wrath she showed me, my young heart still learned how to love her unconditionally. Even though she treats me like I am not her daughter but someone she adopted.
As a child, I don't understand. I thought that's really how a mother's love works. Kasi nagsisimula lang naman na magkaganoon si Nanay kapag nalalasing siya. So, I thought it is okay. At bilang anak na rin, nang sinubukan niya na akong ibigay kay Crisosmo ay tigas na pagtutol ko. Hindi ko gustong mawalay sa kaniya, but she has decided already. I need to come with Crisosmo. I can still remember her last words before she vanished.

"I'll be back, Hollis. Babalikan kita..." she said that promise with a smile on her lips.

Noon, akala ko ay isang pangakong binitawan iyon sa akin na siya namang tigas konv pinanghahawakan. Ngunit habang nagkakaisip at sa tuwi-tuwinang napapanaginipan ko si Nanay Helena na... may ganoong klase ng ngiti sa labi niya, napagtanto kong ang klase ng ngiting iniwan niya sa akin ay parang nagbababala. I didn't tell that to Crisosmo. Baka nga matuwa pa iyon noon kaysa maalarma. Never have I experience peace in my own mother's house and sadly, ganoon din sa puder ng sarili kong ama.

Masakit man pero... mas hindi ako kampante lalo at nasa bahay siya. Mas naging mailap ako nang mapatunayan na talagang hidni ako gusto ni Crisosmo at ng dalawang anak niya. Only Tita Selena made me feel home. Kaya naman natuto na akong maging kontento na kahit papaano ay may dalawang taong pinakitutunguan ako ng maayos sa bahay ng sarili kong ama. That's Crowell and Tita Selena.

Ngayon na... alam ko na ang totoong pagkatao ko, pakiramdam ko ay binibigyan ko ng hustisya ang galit ni Nanay noon sa akin. Hindi lang pala dahil hindi ko magawang panatilihin si Crisosmo sa piling niya, kundi dahil anak ako nito sa babaeng pakiramdam niya ay umagaw sa lakaking kinababalewan.

Crowell and Tita Selena managed to tell me about how did they find out the truth. Oo at alam na nilang nagpapanggap lang si Kelly pero wala sila noong ideya kung sino talaga ang hinahanap na anak. Hanggang sa si Crosson na raw ang umasikaso dahil hindi kinaya ni Tita Selena ang nasiwalat na katotohanan.

There, Crosson found out about the woman who stole the new born Ciara, which is me. Si Nanay Helena iyon. Hindi pa roon natapos dahil nagtungo pa sila sa dating bahay namin. Hindi nila alam na ako iyon, siyempre. Crosson and Carden thought I am adopted. Hindi anak sa labas ni Crisosmo. Kaya nang nagtungo sila sa lugar namin at nalaman nga na buhay ang batang bitbit ni Helena ay dali-daling nagsabi kay Crisosmo.

Tita Selena said they couldn't talk to Crisosmo after that. Si Tita Selena, hindi ma-process ng utak ang nalaman. Ang tatlong anak, naguguluhan noon. They have a hunch that their parents knows about Helena at sa anak nga nito. Crowell said Tita Selena continously cries every night ay ikinabahala na dalawa. Hindi pa makausap si Crisosmo.

Crosson throw a fit after being drunk one night. Sa harapan ng mga magulang ay pinilit nitong umamin ang dalawa kung bakit ganoon ang naging reaksyon. He asked his parents, or as Crowell said, he forced them. Nang lumabas nga sa bibig ni Crisosmo ang katotohanan, nagkaroon ng away sa pagitan ng dalawa.

Crosson is enraged upon knowing that I am their supposed to be half-sister. At mas lalo pa nang malaman kung ano talaga ang koneksyon ko sa kanila. I don't know what to feel by that. Crisosmo is also with us when Tita Selena and Crowell told me about that. I am waiting for Crisosmo to speak. Naisip ko rin kasing... baka kailangan ko lang marinig ang paghingi niya ng tawad. Baka sakaling... mapatawad ko siya. Just like what happens every time Nanay Helena's telling me how much she is sorry about what she did when she's drunk.

Baka kailangan ko lang marinig iyon sa kaniya. Na nagsisisi siya. At maaring bilang isang anak, maging madali rin ang pagpapatawad ko.

"Kapag anim na buwan na ang tiyan mo, anak, magiging mabigat na ang ibang gawain para sa iyo. Magiging ayos lang ba ang café mo kung saka-sakaling magiging mas madalas ang pagliban mo?"

Ibinalik ako nang malamyos na boses ni Tita Selena sa reyalidad. Inilapag ko ang tinuping short at tumango sa naging tanong.

"Mama Aida will help me po. Mahilig ho siya sa pagbe-bake kaya sinabi niya rin na pwedeng siya muna ang tumao roon hanggang sa okay na ho ako."

Napansin kong natigilan siya roon. Ang ngiti sa labi niya ay lumiit. I know what she is thinking. I know that it pains her seeing me more comfortable with someone else's mother. Kaya lang, nakikita ko rin kung paano niya pinipilit na maging kontento sa kung ano lang ang kaya kong ibigay. Malaki ang bikig sa lalamunan ko na sapilitan kong nilunok.

"Kakausapin ko rin ho si Kelly kung gusto niya rin po muna roon. At saka..." binasa ko ang labi kong bahagyang nanginig. "K-kung pwede po na... uh... s-samahan niyo po ako rito kapag anim na buwan na po ang tiyan ko."

Bumagsak ang tingin ko sa mga damit.

"Kasi ho ayaw kong lumiban nang lumiban ang asawa ko sa kompanya," pagpapatuloy ko.

Suminghap siya nang marinig iyon. Maybe she didn't expect that I will be the one to asked that. May sumipa sa dibdib ko at nakaramdam ng sakit doon. I am also hurting with the way she acts whenever she's with me. Parang palagi siyang... nananantiya... at naninibago. Natatakot. Which is understandable. It would be so awkward to act like there's nothing happened. Like there is no wall between us.

"Of course, anak! Magiging gabay mo ako hanggang sa maipanganak mo si baby," galak na galak na sambit niya kahit pa pinipigilan ang sariling maging sobrang excited para sa sinabi ko.

Isang ngiti ang iginawad ko sa kaniya. That day, buong maghapon sila sa bahay. Tross has been asking me if I want to rest at siya mismo ang kakausap sa mga ito. Kaya lang, hindi ko rin naman maitatanggi na masaya akong nakikita ang bahay namin na maingay at masaya. At isa pa ay wala akong alam kung hanggang kailan ko masasaksihan ang ganito.

Nang lumabas kami galing sa kwarto ni Tita Selena, napansin ko ang pagkakagulo nila. Naglalabas ng gamit sa isang kwarto si Ate Letty ng mga gamit niya na siya ko namang ikinataranta.

"Naku, Ma'am, ang laki kaya ng kwarto ko kaya kasya po kami roon ni Letty. At saka po para pong maayos na ang mga gamit ni baby," Ate Sofia said, tinutulungan sa pag-aayos ng gamit si Ate Letty.

"Para din hindi na po kayo gumastos sa pagpapadagdag pa ho ng kwarto," si Ate Letty.

Gustong-gusto ko sabihin na hindi naman nila kailangan mag-share ng room. Kapag ipinanganak ko naman ang baby ko, pwede na siya sa kwarto namin ni Tross dahil bukod sa malaki ang kama noon at space doon... ay dalawa na lang sila. Kaya naman magiging maluwag iyon para sa dalawa. Unti-unti ko nang tinatanggap sa sarili ang katotohanan.

Nakaupo kong pinanood ang limang lalaki na busy talaga sa pag-aayos ng kwartong inalisan ni Ate Letty. Ayaw nilang magpatulong kay Tross o kahit kay Tita Selena. Mama Aida and Kelly is baking something for us. Para sa meryenda. Ala una ng tanghali ay naroon ang lima at inaayos ang mga pinamili nila. Crisosmo on the other hand is talking to my husband. Nasa Lanai silang dalawa.

Ngayon, naiwan ako kasama ang mga parang batang mga lalaki rito.

"Kapag babae talaga, ialis niyo iyang mga blue ah!" si Carden iyon na bitbit ang malaking panda stuff toy na hindi naman magagamit agad ng bata.

"Lalaki iyan, Carden. Lagi kang malas sa pustahan," si Crosson na nakaangat pa ang dulo ng labi. He is fixing the tiny blue bed he bought.

Ang dalawang Delicante ay kapapasok lang at may bitbit na mga rack ng baby clothes. Nakita ko pa ang agarang paglalabas ni Zohan ng wallet niya para sa sinabinh pustahan. Umiling ako sa nakita.

"Tumigil nga kayo. No matter what gender it is, pwede naman magamit ang dalawang kulay. Wala naman sa kulay iyan," paninita ko.

Kapwa sila natigilan at ganoon din ako nang ma-realized ang ginawa. Never did I initiate a conversation with them. Sila naman, halatang naiilang at nag-iingat din sa akin. Kaya ang pagkausap ko sa kanila ngayon sa pamamagitan ng pagsita ay bago sa kanilang pandinig. Even the two Delicantes were stunned. Bumagsak ang tingin ko sa mga teddy bears sa maliit na sofa na inuupuan ko.

"L-lahat ng nabili niyo ay magagamit ng pamangkin niyo," dagdag ko pa.

Something changed after that scenario. Kahit paunti-unti ay gumaan ang lahat sa pagitan naming... magkakapatid. Even up until now, hindi ako masanay na sambitin at tawagin silang pamilya ko. Tita Selena is fine with how I addressed her. Si Crosson at Carden ay ganoon din. Crisosmo, I never tried to call nor talk to him kaya, wala akong naging probkema.

Somehow, I am thanking myself because I can keep up with our situation. Kahit may kaunti pa akong dinaramdam sa kanila ay nagagawa ko silang pakiharapan nang maayos.

Kinagabihan noon, ang mga Del Rico naman ang nanggulo. Mama Alesha thanked me again for bringing Tross's back. Sabi niya, pagpasensyahan ko na at wala siyang aasahang iba sa mga anak niya maliban kay Tross. Troi is a Doctor and has a son to take care of. May mas mahirap pa nga raw na kinakaharap ito sa asawa. Ang isang anak niya ay hindi gaano niyang nababanggit at parang iniiwasan iyon. So far, that's the only toxic side of a parents na napansin ko sa kanilang mag-asawa. But who am I to judge them? Hindi ko naman alam ang lahat? Sa huli, nag-focus ako sa kanilang mga dumalaw despite of their busy schedule and some distance.

Natutuwa akong komportable ako sa kanilang lahat hindi katulad noon. Ang ilang pinsan ng asawa ko ay narito. Kabilang na si Dameson at Bjorn. Del Rico's are also excited about the baby but they are too afraid to show it to Tross. Miski yata sila, aware sa kung ano ang gusto ni Tross mangyari. Although sa akin ay naipapakita nila iyon. Takot silang masaktan nila si Tross. I just wonder, did my husband cry in front of her mother because of my choices? Nagsumbong ba siya rito dahil... sa desisyong pinili ko. After all, she is his mother. Higit kanino, ang ina niya ang nakakakilala sa kaniya at nakaaalam kung may problema ba ang anak niya. Nagpapasalamat na lang ako na hindi ako kailanman kwinestiyon ni Mama Alesha.

Sumapit ang panibagong lingo. Kaniya-kaniya uli kami ng mundo. Si Tross sa kompanya, ako sa café. Mas marami ang naging tao noon at dinadagsa na rin kami ng orders. Ngayon nga ay gumagawa ako ng pecan pie at cheese cake na bite size. Mas mahirap iyon kumpara sa normal size cake. Ako na ang bahala sa orders dahil ang mga pantry attendant naman ang bahala sa mga dine in and take out.

"Ma'am, another box po ng pecan pie. Kung pwede pa raw ho ba?" si George na sumilip mula sa pintuan ng kusina.

Nag-angat ako ng tingin at tumango.
"May pasobra naman ako. Kaya lang George, cut na kamo tayo sa order, ha?"

Isang tango ang iniwan noon sa akin at saka nagtungo na muli sa harapan.

Pabalik-balik ang mga wait staff namin sa kitchen para i-refill ang nauubos na sweets sa counter. Mas puro chocolate flavor ang nauubos. College students are indeed hungry for stress reliever. Nang matapos ako sa mga orders, tinulungan ko pa ang dalawa kong attendant sa pagbe-bake para na rin hindi gahulin sa oras. Bandang alas tres, saka lamang kami nakapagpahinga.

"Ma'am, matulog po kaya muna kayo? Para po kayong namumutla," puna sa akin ni Joyce.

Natigilan ako sa pag-aayos sa harapan. Bahagyang lumakas ang kabog ng dibdib ko, higit pa sa kanina. I am aware that something isn't normal to me. Kaya lang, ayaw ko na nga sana iyong bigyang pansin. Ayaw kong mas damdamin.

"Hindi po ba kayo nakakaramdam ng hilo?" pagtatanong niya pang muli, mas lumapit pa sa akin.

Kinuha niya sa akin ang ginagawa ko.

"Kahit tignan mo pa ang itsura mo, Ma'am. Baka kung mapaano po kayo."

Bakas na bakas ang pag-aalala sa mukha ni Joyce at miski si George ay ganoon na rin. Isang tipid na ngiti ang iniwan ko sa kanila at saka nagpaalam. Sa pagpasok ko sa maliit na opisina ay sinalubong ako ng katahimikan. Dahilan kung bakit mas dinig ko na ang abnormal na tunog ng puso ko. Nagmamadali akong kumuha ng inumin at sinubukang pakalmahin ang sarili.

Ilang buwan na akong hindi nakaiinom ng kahit anong gamot para sa puso. Dahilan kung bakit madalas na ang ganitong pangyayari. Paghihirap huminga o 'di kaya ay abnormal na tibok ng puso ko na siyang dahilan nang pananakit ng dibdib ko. Those medicines can harm my baby. Kaya kahit gaano kasakit na ang nararamdaman at hindi na ako makahinga, hindi pa rin ako umiinom. Kakalma lang ako at ang dibdib kapag nagising ako sa pagkawala ng malay.

Wala kahit sino sa mga kasamahan ko sa café ang may alam ng kalagayan ko. All they know is that I am pregnant kaya sila masyadong ingat din sa akin. In terms of my heart disease, walang nakakaalam kundi ang mga De Guia at Del Rico. Delicante's doesn't even know that. Kaya nga ba... napakasaya ng dalawa na iyon na may pamangkin na raw sila. They didn't know... na ako ang mawawala. I don't want them to get hurt. I never want them to pity my situation. Hindi iyon ang kailangan ko. What I want is to know that they will be there for my child. Hindi na nakapangangamba dahil maraming naghihintay at magmamahal sa kaniya.

Hindi ko namalayang nakatulog ako habang nakaupo. Inabot ako ng matinding pangangawit doon. Alas kuatro y media nang lisanin ko ang aking opisina at binisita ang labas. Ang café ay hanggang alas otso na ngayon. Dahil kahit papaano ay marami pa rin ang pumapasok na costumer sa ganoong oras. Kaya nga lang, nauuna na akong umalis kapag dating ng alas sinco.

Nakangiti kong tinungo ang counter. Nakatalikod sa akin si George at iniaabot ang mga box ng order ng bite size na cheese cake. Nakangiti kong binalingan din ang customer. Noong una ay pamilyar lang ito sa akin pero habang tumatagal ko itong titigan ay parang... nakikini-kinita ko na ang kahawis nito. Mas bata nga lamang ang kaharap ko.

Sandaling lumihis ang tingin noon kay George at tumama sa akin. Malamig ang mga mata niya at parang kay layo ng distansya namin. Nakatago ang buhok noon sa suot na sombrero at suot ay hoodie na may kalakihan. Kung... hindi lang talaga halatang bata pa, mas bata kaysa akin ay iisipin kong siya nga ang nasa harapan ko ngayon.

Mukhang nakahalata ito sa akin kaya bahagyang umangat ang kilay.

"Yes, Miss? You have a problem with me?" masungit ang boses nitong tanong.

Bahagya akong nagulat sa paraan ng pagkausap nito sa akin. I know she's younger than me kaya napaka-rude para sa akin ang tono ng pananalita niya. Gaboon pa man ay binalewalan ko iyon. Tipid akong ngumiti at umiling.

"Sorry. You're pretty that's why," I reasoned out.

Mukha namang wala talaga siyang pakealam kaya naman hindi na sumagot at tumalikod na rin agad matapos maibigay ni George ang sukli. Tumabi si George sa akin.

"Ma'am, kilala mo?" tanong niya.

Lumabi ako. I wanted to tell her that I happened to know someone with the same face like her, kaya lang ay hindi ko na ginawa.

"Hindi. Nagandahan lang talaga ako sa kaniya," patuloy ko sa pagsisinungaling.

"Kasi, Ma'am, siguro ay tatlong lingo na rin iyang pabalik-balik sa pag-order dito. Tapos ang sabi sa akin ni Joyce, nang tumambay iyon dito sa café, nagtatanong daw tungkol sa inyo na may-ari nito."

Curiosity attacked me. The girl has been asking about me? Why? Kanina ay parang na-offend pa ito sa pagtitig ko sa kaniya pero siya naman pala ang nagtatanong tungkol sa akin. At isa pa, ano ang kailangan niya sa akin at bakit niya ako ipinagtatanong? Hindi kaya... posible kayang may kaugnayan nga siya sa taong unang pumasok sa isip ko nang mga oras na nakita ko ang mukha ng dalaga.

"Ma'am, nariyan na ho si Sir Tross."

That brought me back to reality. Dumako agad ang tingin ko sa may harapan at doon ay agad kong natanaw si Tross na saktong binuksan ang glass door ng café. Nahanap niya agad ang aking mata. With his big steps, he quickly got close to me. He planted a smack on my lips before wrapping his arm around my waist.

"Ka-sweet niyo ho talaga, Ma'am, Sir," kinikilig na puna ni Joyce na hinampas pa nga si George.

Humalakhak ako at si Tross naman ay ngumisi lang.

"Kuhanin niyo na ho si Ma'am. Ayos na po kami rito," ani George na nakangiti.

That is a signal to Tross. Kinuha nito ang bag ko at saka ako iginiya palabas ng café. While he is opening the front seat for me, napasulyap ako sa babaeng lumagpas sa amin. She is watching my move like a hawk. The same cold expression on her eyes and snob like face. My lips formed a thin line when I realized that she is indeed watching us. Hindi niya itinago. Huminto pa sandali sa tapat ko. Before she continues walking, she grinned. That sent shivers to my spine as a memory flashes in my mind.

It is a memory of a drunk woman, holding a broken piece of a familiar wine bottle. Her eyes is filled with resentment and lips is evilly smiling. She laugh frantically as she heard me called her with fear on my voice.

"Nanay..."

-
Hi! Ilang chapters na lang at makukumpleto na si Tross. Ang kasunod po noon ay si Troi Del Rico na. I hope you'll support it, too, like how you support Tross's story.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

494K 6.7K 28
Primary Series #1: AZUL Azareal Ulysses Selinofoto Being the middle child, Callista Kamaria Selene Alcantara lived up to what society portrays a midd...
374K 9K 46
[FORSAKEN SERIES #1] Status: Completed Lady Nicole is a beautiful, genius, sweet girl, a billionaire, owns a lot of resto branches around the world i...
4K 167 76
This is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical err...