Kabanata 15

39.4K 736 90
                                    

Hiraya

"Hollis, order... five boxes of piña colada cake..." I heard from our head chef.

I smiled and nodded. Tumalima ako agad at kinuha ang mga ingredients noon.

"Pick up at four..." our head chef who visited my area to check on me.

Tumango ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kabubukas lang ng café na pinag-apply-an ko. Sabado ngayon, huling araw ko dahil day off ko bukas. Dahil sabado, marami ang nag-order at marami din ang ginawa.

Hindi ako naubusan ng orders kahit pa lima kaming mga pastry chef dito, kaniya-kaniya naman kami ng ginagawa. May assigned sa paggawa ng mga cake at iba pang sweets na idi-display sa labas. Ako ang na-assigned sa mga orders na ilang oras pa bago kunin.

I received thirty plus ordered today that tired me off. Pagod kong isinukbit ang shoulder bag ko. Nagpaalam ako sa head chef namin at sa iba pang katrabaho bago ako lumabas ng café.

Sa glass door pa lang, tanaw ko na sa Tross na nakasandal sa kaniyang Lamborghini na kulay asul. Sobrang flashy noon na panay tinginan ang mga dumaraan at ilan sa nasa loob ng café.

Balewala naman iyon sa kaniya na nakasuot pa ang dalawang kamay sa kakhi pants niya. He is wearing a white shirt na tama lang at nagbibigay sa magandang hulma ng katawan niya. He is wearing a sunglass dahil tirik pa ang araw ngayon dahil buwan ng May at pasimula ang summer dito sa Hawaii.

Hindi niya agad ako napansin dahil nakayuko siya at parang may interesanteng pinagmamasdan sa sapatos na suot.

It is only three in the afternoon at may dadaluhan kaming birthday party ng isang kasosyo niya sa business.

Ilang hakbang na lang ang layo ko nang mag-angat siya ng tingin at nang makita ako ay agad umahon siya sa pagkakasandal sa sasakyan. Sinalubong niya ako at pinatakan ng halik sa labi bago kinuha ang bitbit kong tatlong boxes ng peacan pie.

"Dumaan muna tayo sa clinic," aniya matapos ako mapagbuksan ng pinto sa front seat.

Tumango ako bilang tugon. May doctor na nangangalaga sa akin sa loob ng ilang taong paninirahan namin dito ni Tross. Ilang buwan mula nang tumira kami dito ay napapayag niya rin akong magpatingin.

Just like what Bjorne mother's said, I have a weak heart. Cardiomyopathy. It refers to problems with your heart muscle that can make it harder for your heart to pump blood. A heart with such disease can be stiffer, thinner or bigger, whatever it is. It weakens the heart.

Sabi ng doctor sa akin ay maaring namana ko 'yon sa mga magulang ko. Considering the fact that Crisosmo doesn't look like someone who has heart disease, maaring sa ina ko ito namana.

Nagbigay siya sa akin ng mga gamot na maaring inumin. She also suggest that I should have a heart transplant para mas maging madali ang lahat para sa akin. Dahil hindi ko na naman nararanasan ang pagsakit at pagsikip noon, hindi na ako pumayag.

Kahit ilang beses akong kulitin ni Tross ay hindi ako pumapayag at lagi lang sinasabing huwag ng pag-usapan iyon para hindi ako ma-stress. Sa huli, wala siyang magawa kundi bumuntong-hininga lang.

The three doesn't know about my situation. Sa tingin ko ay 'di na dapat nilang problemahin iyon.

"You are doing well, Hollis. As long as you are avoiding stress and heavy emotions, you won't face complications," nakangiti nitong sambit.

"But again, it would be better if you'll have a heart transplant," pag-uulit niya sa suhestiyong palagi ko namang tinatanggihan.

Alas kuwatro nang umalis kami sa clinic at nagdiretso sa bahay ng celebrant. Pagdating namin doon ay hindi pa marami ang tao. Tanaw na agad ang magandang mga cottages sa malapit sa dagat dahil doon gaganapin ang party mamaya. Ngayong maaga pa, kwentuhan at bonding muna kasama ang mga malalapit na kaibigan.

Del Rico Triplets #1: Bound By DutiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon