EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

By HeavenKnowsFLO

332K 11.1K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... More

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 26

1.7K 91 10
By HeavenKnowsFLO

    CHAPTER 26

   

    “Vip flight to Cebu.”

    Narinig ni Belle ang nag-iisang flight attendant na nagsalita kaya naman inayos niya ang sarili at inilapit ang gamit na bibitbitin. Napalingon na lamang si Belle kay Hugo at nakita niyang nakapikit pa rin ito. 

    “Ang gwapo… wala akong masabi sa mukha ng lalaking ito. Walang bad angle, ang bango ng hininga. Tsaka kahit pawisan yata ang bango pa rin. Walang pores at mas makinis pa sa akin. Bukod sa lahat, sana lagi na lang siyang tulog kasi ang bait niyang tingnan,” bulong ni Belle at bahagyang lumapit para mas titigan ang mukha ng binata.

    “Hobby mo talagang pagmasdan ako?”

    “Oh my gosh!” Tili ni Belle kaya naman napaatras siya at sumadsad ang puwitan sa upuan. “Hindi ha! Gigisingin sana kita!”

    “You don’t have to. Lagi naman akong gising,” tugon ni Hugo pagkatapos ay pinagtaasan niya ng kilay si Belle.

    Paglapag ang eroplano sa Cebu, laking gulat ni Belle na sinundo sila ni Charm kasama ang mga gwardya ni Hugo. Iritang-irita ang itsura ni Belle nang makita niya kung paano maging maarte si Charm sa harapan ni Hugo.

    “Napaka playboy talaga ni Hugo. Pulang-pula ang tainga sa sobrang lastod!” Bulong ni Belle habang pababa ng hadgdanan.

    “Ahh!”

    Isang malakas na kalabog ang pumukaw sa kanilang atensyon nang malaglag mula sa ikalawang baitang ng hagdanan si Belle. 

    “Belle!” Bulalas ni Hugo at ipinasa kay Charm ang hawak na laptop para lamang tulungan ang dalaga. “Goddamnit! Are you okay?” 

    “O—okay lang ako,” tugon ni Belle at hindi naman makatingin ng maayos kay Hugo. Pinilit niyang tumayo at pinagpag ang kamay.

    “Let’s go to the hoispital!” Malakas na sinabi ni Hugo kay Charm.

    “Naku, hindi na! Na-shoot naman ako sa maleta kaya okay lang ako. Promise, wala akong sugat.”

    “Hindi!”

    “Okay lang ng—” hindi natapos sa pagsasalita si Belle nang bigla siyang buhatin ni Hugo papasok sa kanilang service van. 

    Kitang-kita ito ni Charm at bahagyang tumawa dahil sa kinilos ng kanyang amo.

   

    Mula sa hindi kalayuan na lugar, nawala ang paningin ni Jamie kay Hugo at Belle nang matanggap niya ang tawag mula kay Gael.

    “What?” 

    “Are you okay? Bakit parang inis ang boses mo?”

    “I just hate how this highschool student acts in front of sir Hugo.”

    “Seriously? Anong nangyari? Nagseselos ka ba?” malokong katanungan ni Gael kaya naman nagdikit ang magkabilang kilay ni Jamie.

    “No! I am just protecting him from this woman. Ni hindi nga natin siya kilala at hindi pa siya ganoon kakilala ni boss para pagkatiwalaan.”

    “Even you… hindi ka rin naman niya ganoon kakilala but he put his trust on you. Hayaan mo lang si Boss dahil number one na ayaw niya ang pinakikialaman siya sa desisyon niya. I just called to check if you are okay.” wika ni Gael.

    Akmang sasagot pa sana si Jamie pero binaba na ng binata ang linya. Jamie decided to drive the car. Sinundan lang niya ang mga kasamahan na gwardya para bantayan si Hugo.

    Mula sa loob ng sasakyan, paulit-ulit si Belle dahil ayaw siyang pakinggan ni Hugo. “Okay lang nga kasi ako. See? Wala naman sugat!”

    “Malay ko bang napilayan ka? Ano ba kasing inaatupag mo? Saan ka ba nakatingin?” asar na tanong ni Hugo.

    “Sa ‘yo,” bulong ni Belle sa sarili.

   

    “Shit!” Mahinang sinabi ni Belle at sinampal ang kaliwang pisngi kaya naman nagtaka ang binata sa kanyang inasal. 

    “What are you doing? Bakit sinasampal mo ang sarili mo?”

    “Ah-eh ano… inaantok lang. Promise walang masakit sa akin.”

    “Fine.”

    Nag-iba ang direksyon ng sasakyan at dumiretso sila sa hotel. Pagbaba ng sasakyan kaagad napansin ni Belle na parang hindi siya kilala ni Hugo. 

    “Hindi man lang ako pinansin? Kanina sobrang concern, binuhat pa ako,” pagmamaktol ni Belle. Habang nakasunod siya kay Charm. “Eh bakit ba ako nagagalit? Paki ko ba diba? Hindi naman kami close?” nagkakamot ng ulo si Belle at sumagi sa isip niya na halos halikan siya ni Hugo sa bahay nito. “He is a player… pinagtitripan ka lang niya. Tsaka do not assume things, Annabelle. Una sa lahat trabaho ang pinasok dito, hindi para maghanap ng jojowain.”

    “Are you okay, Ms. San Jose? Kanina pa kita kinakausap? Kanina ka pa tulala.”

    “Ay sorry.”

    Tumaas ang kilay ni Charm at inabot ang susi kay Belle. “Your room.”

    “Si sir Hugo?”

    Tinuro naman ni Charm kay Belle ang nasa harapan nilang kwarto pagkatapos ay paunti-unti niyang inilapit ang mukha kay Belle. “Don’t make a mess here, Belle. Nasa VIP floor kayo, kaya sana ayusin mo ang trabaho.”

    Hindi nakasagot si Belle dahil kaagad siyang tinalikuran ni Charm. Kaya naman pabagsak na sinara ni Belle ang pintuan. Tumakbo ang dalaga papunta sa kama at tinapon ang sarili. “Hay, ano ba ang iniisip ko? Isa lang naman dapat ang goal ko… ang makapagtapos ng pag-aaral. Wala ng iba dahil hindi priority na magkaroon ng pag-ibig. Sasusunod na iyon kapag may napatunayan na ako. Umayos ka Annabelle San Jose.”

   

    Kaliwa’t kanan ang pagmamasid ni Hugo sa kanyang laptop habang kasama nito si Jamie sa isa pang hotel kung saan siya nagbook.

    “Sir, hindi ko po makitaan ng pagkakamali si Mr. Tan,” panimula ni Jamie.

    “What do you mean? Na hindi siya related sa scarred face mafia boss?”

    “Opo. Kasi ang business track niya sa ibang bansa ay napakalinis. Hindi naman po ako nagkakamali dahil galing ito sa mga international system ng El Hombre.”

    “Red X, Jamie… don’t mention our name.”

    “I’m sorry, sir.”

    “You sleep here.”

    “Akala ko po bang same hotel din kasama ang mga guards?”

    Ngumisi si Hugo at inilahad ang kanyang kaliwang kamay. “Take my hand.”

    Tila nagkaroon ng alinlangan si Jamie pero inabot din niya ang kamay pagkatapos ay sumunod sa amo.

    “Can you see the same floor? That’s my room, then the upper part is for Mr. Tan. Kaya nandito ka para magmasid sa paligid. Your room is all set from CCTV to sniper gun. Hindi ako magdedesisyon ng pabarabara, Jamie. I am your boss, always remember that,” mala awtoridad na sinabi ni Hugo pagkatapos ay binitawan ang kamay ng dalaga. 

    Napalunok na lamang si Jamie at pinagmasdan ang pag-alis ni Hugo. Naiwan siyang may kaba sa dibdib dahil sa delikadong trabaho. 

    “Sana matapos ko ang misyon kong ito.”

    Lumipas ang ilang oras, sa sobrang inip ni Belle. Sinubukan niyang lumabas ng hotel. Naghanap siya ng makakainan hanggang sa mapadpad sa isang seafoods restaurant. Inilabas ng dalaga ang pitaka at sinilip kung nandoon pa ang natitirang pera mula sa kinita niya sa Red Light District bar. 

    “Naku, limang daan lang promise! Kasi gagamitin kita pambayad sa graduation fee!”

   

    Patuloy na naglakad ang dalaga hanggang sa orderin niya ang napakaraming hipon. Kahit anong pagkain ay kinakain ni Belle, walang kaselan-selan ang katawan nito. Lalo ngayon na may sapat siyang pera para kainin din ang gusto niya.

    “Why didn't you invite me for dinner?”

    Napanganga at nalaglag ni Belle mula sa kanyang kapay ang hipon nang  makita si hugo.

    “Ay sorry sir! Akala ko kasi hindi ka pa darating. Tsaka expect ko na kumain ka na kaya bumaba na lang ako. Tsaka hindi ko rin kasi gusto iyong dinner na binigay sa akin. Hindi masarap ang pagkakaluto.”

    “Sana tinawagan mo ako? You know my number. We can change the food.”

    “Hindi okay lang! Ito! Try mo ang hipon!”

    Napa atras ang binata dahil inilapit ni Belle ang kamay niya na may laman na hipon. Ilang segundong napatingin si Hugo kay Belle kaya pakiramdam ng dalaga na nandiri ang binata sa kanya. Ngunit nang maramdaman ni Belle na parang sumobra na naman siya sa pakikitungo kay Hugo, naisipan niyang i-atras ang kamay.

    “No!” Paghabol ni Hugo at hinatak ang kamay ni Belle para isubo ang pagkain.

    Halos magsitaasan ang balahibo ni Belle nang maramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang kamay. Pagkatapos kainin ni Hugo ang nasa kamay ni Belle, ngumiti  naman si Hugo kaya kaagad inilayo ni Belle ang kamay.

    “I—I like it. Masarap pala,” panimula ng binata.

    “Nice… alam mo ba sir, favorite ko ito.”

    “We can order more. Para naman mabusog ka pa.”

    “Ha? Ang mahal niyan tsaka putok batok na ako!”

    “Eh ako ayaw mong pakainin?”

    “Ah—eh, osige.”

    Tumawag ng waitress si Hugo at inorder lahat ng itinurong pagkain ni Belle. He can’t deny that after so many years, ngayon lang siya nakapaghapunan ng walang pinag-uusapan na trabaho. Dahil ang huling beses na nangyari ito’y noong buhay pa si Mylaflor. His ex-girlfriend. Isang madre at pinaka matalinong babae na kanyang nakilala. Tila hindi ito makabasag ng pinggan kung kumilos. Napakalayo sa kung paano kumilos si Belle.

    “Salamat pala sa libre,” panimula ng dalaga.

    “Ah yeah… I’m glad that you enjoyed the food.”

    Sa pagtayo nilang dalawa, hindi nagkakamali si Belle na mapansin ang pamumula ng mga kamay ni Hugo. Akmang hahawakan niya ito ngunit pinigilan ng dalaga ang sarili. Bukod sa nagpamulsa rin ang binata.

    “Where do you want to go?”

    “Ha? Ano sir?”

    “Saan mo gustong pumunta? Bihis na bihis ka, sayang naman.”

    “Talaga pwedeng lumibot? Akala ko kasi work na tayo kaagad?”

    Umiling si Hugo. “Hindi pa naman ganoon kabilis.”

    “Sige! Saan po ba, gusto ko sa bar ha? ‘Yung masaya sana at mapapasayaw ako!” 

    “G-spot.”

    Biglang naalarma at dumapo ang mabigat na kamao ni Belle sa braso ni Hugo. “Ha? Ang bastos mo naman!” Bulalas niya.

    “What the hell are you talking about?! You just punched me!” Asik ni Hugo.

    “Ang ayos ng tanong ko! Ang sabi ko, saan may magandang bar?! Pero bakit ang bastos ng sagot mo?!”

    Biglang ngumisi si Hugo at hinawakan ang kaliwang panga. Nagtataka naman si Belle dahil kakaiba kung makatingin ang binata sa kanya hanggang sa pababa nang pababa ang ulo nito papunta sa kanyang mukha. “You think naughty. I am pertaining to G-Spot bar, one of the famous bars in Cebu… I know, mapapasayaw ka talaga sa parte ng G-Spot.”

    Halos lumubog sa kahihiyan si Belle pagkatapos siyang talikuran ni Hugo. “Na-highblood na yata ako?” bulong ng dalaga sa sarili dahil pakiramdam niya'y umaakyat na sa ulo ang dugo. Namumutok din ang mga ugat niya sa kamay dahil gustong-gusto niyang suntukin muli ang braso ni Hugo. “Ni wala man lang pasintabi! Hindi ba pwedeng nagkamali lang ako ng iniisip?! Malamang G-Spot! Anong iisipin ko? Malay ko bang bar iyon sa Cebu?! Sira ulo ba siya?! Ugh!” pagmamaktol ni Belle mula sa kanyang kaloob-looban  habang nakatingin sa likuran ni Hugo.

   

    Tahimik na sumakay si Belle sa service van ni Hugo, pakiramdam niya’y mababali na ang leeg dahil ayaw na ayaw niyang titigan ang binata dahil sa kahihiyan kanina. Ngunit si Hugo na patuloy ang pagngiti habang iniisip niya kung paano pumula ang magkabilang pisngi ni Belle.

    “I already saw you… how you danced. Iyon lang bitin,” he whispered.

Continue Reading

You'll Also Like

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
504K 12.3K 32
Warning : SPG | Mature Content | R-18 Angela Montemayor Is obsessed to Skyler Montreal, A Famous Leader Of a Famous Boy Band, The moment that she fou...
23.7K 910 33
[ COMPLETED ] YUAN ( Demonic Series #6 ) WARNING : R18 || SPG || Mature Content ━━━━━━━━━━━ "Pag aari kaman ng iba Hindi na mahalaga yun. Basta par...
9K 1.5K 28
|COMPLETED | R18 | MATURE CONTENT| Ang buhay ng tao ang higit na mahalaga. Lahat ay nakahandang itaya para sa buhay na hinahangad nila. Ano ang gag...