STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XXXV

8K 289 126
By faithrufo

"He's not really mine, we're not really together but whatever they call it, he will always be my sweetest whatever."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

To: James

Andito na ako sa labas

Sent 6:47pm

Ibinalik ko sa bulsa ko 'yung phone ko at napakagat sa ibabang labi ko. Makikita ko na siya ulit. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa malamig na simoy ng hangin o dahil kinakabahan lang ako, nanginginig kasi ang buong katawan ko.

Narinig kong bumukas ang screen door nina Asher kaya naman nahigit ko ang hininga ko. Nakita kong lumabas si James at nakitang halos nakapambahay lang siya. Mabuti pala at nag pants at blouse lang ako.

Nginitian niya ako nang makita niya ako kaya naman napangiti na din ako.

"Tagal mo ah," aniya. "Usapan alas sais e."

"Nag shower pa ako," sagot ko sakanya.

"Shower shower pang nalalaman e, ako nga nagbihis lang."

Tumawa ako at pumasok na nung binuksan na niya 'yung gate. "Kanina pa kayo?"

"Oo," sagot ko. "Sila Troy nga naka uniform pa e."

"Ah after school diretso na talaga kayo dito?" Tumango siya sa tanong ko. "Tsaka sumabay din kasi ako kay Jared kaya ayun.."

"Anong meron sainyo nun?" kunot noong tanong niya. "Yung ano 'yun diba.. ano lahi nun? Brit pinoy?"

"Wala," sinimangutan ko siya. "Mag kaibigan lang kami." Habang papalapit kami sa terrace, naririnig ko na ang tawanan ng mga tao sa loob. Mas lalong nagwala ang puso ko.

"Ah, napansin ko lang kasi na parang siya palagi mong kasama."

"Wala akong kasabay umuwi e."

Binuksan na ni James 'yung screen door at pinalibutan kaagad ako ng pamilyar na amoy ng bahay ni Asher.

"Kaya naman pala."

Napatigil ako nang lumitaw si Asher malapit sa pinto. May lumpia sa pagitan ng ngipin niya. May kakaibang init na bumalot saakin nang makita ko ang ngiti niya.

Hinubad ko 'yung tsinelas ko at naglakad papasok pa lalo ng bahay. Halos sumabog ako nang salubungin niya ako at yakapin. Mabilis na nag init ang gilid ng mga mata ko at wala ng isip isip ay niyakap ko siya pabalik.

"Namiss kita ah," bulong niya sakin.

"Namiss din kita."

Nagbitaw kami at hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ko 'yung napakalawak niyang ngisi bago ako tignan mula ulo hanggang paa. "Naks, ganda natin ah."

Napatakip ako sa mukha ko dahil nahihiya ako at the same time, kinikilig.

"Oh, andyan na pala si Adrian e!" sigaw ni Ralex mula sa may kusina. "Tagal mo nag MIA ah!"

"Hi Lex," nakangiting bati ko sakanya.

Naglakad na si Asher papuntang kusina kaya naman sumunod na ako at si James. Nakita ko ang tropa sa may lamesa, busy kumain. Lalo na si Hero na akala mo e mauubusan.

Naalala ko 'yung ikinwento ni James na ginawa ni Hero kaya naman siya ang una kong nilapitan. Tumayo ako sa likuran niya at niyakap siya.

"Uy, Dee" bati niya bago sumubo ng pagkarami raming kanin. Umikot siya ng kaunti sa upuan niya para mayakap ako pabalik. Natawa pa ako dahil puno ng pagkain 'yung bibig niya, may kaunting mantika pa sa gilid ng labi.

Tinignan ko silang lahat at nginitian. Hindi ko alam kung napapansin nilang pilit lang 'to at wala lang silang sinasabi o clueless talaga sila. Kahit niyakap ko na si Asher kanina, hindi ko parin siya magawang matignan.

"Asaan si Kiko?" tanong ko nang mapansin kong wala siya.

"Mamaya pa 'yun," sagot ni Asher. Dinilaan niya 'yung mga taas niyang ngipin bago gamitin 'yung toothpick na hawak niya. "May sinundo daw e."

Tinignan ko si James, "Eh si Kuya Griffin?"

"Andun sa likod," sagot nanaman ni Asher. "Andun sila ng mga bisita niya."

"Ah.." Bakit ba siya ang sumasagot sa mga tanong ko?! Tinapik ko 'yung balikat ni Enrico na nagt-text lamang sa tabi ni Hero, "E, samahan mo naman ako sa likod."

"Tara," sagot niya naman bago tumayo.

"Batiin ko lang si Kuya doon," sabi ko sakanila bago hilain si Enrico.

Nung malapit na kami sa pinto papunta sa likod. Narinig ko 'yung screen door sa harap ng bahay na bumukas. "Asher! I-pick up mo nga 'yung yelo sa may block 16! Pwede na daw kunin" rinig kong sabi ni Tita, ang mama ni Asher.

Lumabas na kami ni Enrico at agad kong nakita si Kuya Griffin at ang mga kaibigan niya na nag iinuman. Andoon din si Tito, ang tatay ni Asher, nakikipag inuman sa mga kumpare niya. May karaoke pa pala, sini-set up palang.

Lumapit kami ni Enrico kay Kuya Griffin na naka akbay sa girlfriend niya at kinalabit siya. Hindi siya kaagad lumingon at kinailangan ko pa siyang kalabitin ulit. Nang lumingon na siya, doon ko lang na realize na may tama na pala siya dahil buong mukha niya pati mata ay namumula.

"Adrian," masayang bati niya. Pati ang mapupungay niyang mata nakangiti.

"Happy Birthday Kuya," nakangiting bati ko sakanya. Itinanggal niya 'yung braso niya sa balikat ng girlfriend niya bago tumayo mula sa monoblock na inuupuan niya. Agad akong nanliit sa tangkad at laki ng katawan ni Kuya Griffin.

"Thank you!" Aniya bago ako yakapin. Sabay inakbayan niya ako at iniharap sa mga kaibigan niya. 'Yung kamay niyang may hawak ng beer ay nakaturo sakin. "Guys, eto nga pala si Adrianna! Bespren ng utol ko 'to! Ay teka, bespren ba o syota na?"

Bigla na lamang silang nag-ayiiee at hindi ko kaagad naisip kung ano ang dapat kong i-react.

"Bestfriend lang kuya.." mahinang sabi ko.

"Bespren lang daw? Eh bakit palaー"

"Griffin," pagputol sakanya ng naka ngiti na si Ate Sophie. "Lasing ka na."

"Teka lang babe, may iku-kwento langー"

"Na-kwento mo na kaya," sabi ni Ate Sophie.

"Talaga?" gulat na sabi naman ni Kuya Griffin.

"Oo! Natawa pa nga kami nun e," ani ng girlfriend ni Kuya bago harapin ang mga kaibigan nila. "Diba guys? Nakwento na niya?"

"O-Oo man! Last year!" sabi nang isa at napakagat ako sa ibabang labi ko para lang hindi matawa.

"Last year?! Ulol e nung kelanー"

Tumayo na si Ate Sophie at agad na tinakpan ang bibig ng boyfriend niya. "Last week daw babe." Kinuha na siya ni Ate Sophie at inalalayan pabalik sa upuan niya bago ako harapan. "Iinom inom kasi, mahina naman pag dating sa alak. Pasensya na ha?"

"Okay lang po ate."

"Woy! Enrico! Halika dito," tumayo ulit si Kuya Griffin sa inuupuan niya at nakita kong napa buntong hininga nalamang si Ate Sophie. "Eto," inabutan niya ng beer si Enrico. "Sa'yo 'to. Babanatan kita kapag hindi mo ininom 'yan. At ikaw!" Humarap siya sakin bago ngumiti ng pagka lawak lawak. "Inom ka na ren para matiis mo 'yung pagmumukha ng utol ko."

"Griffin!"

"Hindi ate sige okay lang," natatawang sabi ko kaya naman humiyaw si Kuya at agad akong inabutan ng bote. "Pag bigyan na ang birthday boy."

"Sure ka? Pano ka makaka uwi nyan?"

"Isa lang naman 'to ate, 'di naman ako malalasing." Sinungaling! "Tsaka jan lang ako sa block 6."

"Okay.." nag aalangang sagot ni Ate kaya naman ngumiti ako sakanya para makasigurado siyang okay lang talaga.

"Pasok na muna kami," paalam ko bago hawakan ang pulsohan ni Enrico. Tumingin ako sa gawi nina Tito Garry at kinawayan siya. Itinaas niya ang boteng hawak niya habang nakangiti.

Bumalik na kami sa loob kung nasaan ang mga kaibigan ko. Napansin namin kaagad ni Enrico na lumipat na sila ng pwesto dahil wala na sila sa kusina kundi nasa sala na. Laking gulat ko na lamang nang makita ko si Kei na nakaupo sa may sofa. Katabi si Kiko na naka akbay sakanya at nakikipag kwentuhan kina Hero.

"Uy Kei," gulat na bati ko sakanya. "Andito ka pala?"

"Kadarating ko lang," sagot niya. "Sinundo ako ni Kiko e."

"Kaya naman pala..." sabi ko bago itaas baba ang dalawang kilay ko. Namilog ang mata ni Kei at agad na napayuko kaya naman napatawa ako.

Umupo ako sa tabi ni James at nagsimula nang makipag kwentuhan habang inililibot ko ang mata ko sa paligid. Napansin ko kaagad na wala si Asher. Naku! Kailangan ko na talagang tigilan na palaging siya ang laman ng isip ko. Para ma distract, inilipat ko 'yung atensyon ko sa beer na hawak ko at nagsimula itong lagukin.

"Oy, easy" ani James.

"Nauuhaw ako," sagot ko sakanya.

"Wag mo biglain."

Burp lamang ang isinagot ko sakanya kaya naman nagtawanan sila.

Hindi nagtagal ay bumalik na si Asher kasama si Troy at may dala dala silang isang malaking cooler na puno ng yelo.

Nang makita niya ako agad na nangunot ang noo ko, "Lasing ka?"

"Di ah!" Tinapik tapik ko 'yung pisngi ko at suminghot nalang bigla. "Tipsy lang."

Tumawa si Asher, "Nice."

Tinaasan ko lamang siya ng kilay bago ko nilingon sina James para bumulong habang nakasimangot at nakaturo sa direksyon ni Asher, "Feeling close."

Humalagakpak ng tawa sina Hero, may kasamang apir at palakpak pa. Etong mga nognog na 'to ginagawa akong entertainer e. Pero ayos lang, masaya naman. Kahit papano e distracted.

"Asher! Ikaw nga doon sa karaoke, hindi nila ma operate!" sigaw nanaman ni Tita kay Asher.

"Ma sinabing ipapasak niyo lang 'yung cord e!" sigaw pabalik ni Asher na nasa may kusina. Hindi pa tapos doon sa yelo.

"Anong cord?"

"Haist!" suminghal siya, "James, isa nga sainyo tulungan muna si Troy dito. Ayusin ko lang 'yung karaoke."

"Sige p're," sagot ni James bago tumayo.

Tinignan ko 'yung bestfriend ko at tinapik siya, "Kei, samahan mo nga muna ako."

"Saan?"

"Sa kwarto, papalit lang akong t-shirt. Natulo tuluan ko na 'to e." Itinuro ko 'yung blouse ko. "Baka maamoy ako nila Mama pag uwi."

"Okay."

Tumayo na kaming dalawa at naglakad papunta sa kwarto ni Asher. Nagpunta ako sa may dresser niya at humugot ng isa sa mga pambahay niya. Maliliit na din naman na sakanya 'yung iba dito kaya okay lang na isuot ko. Ang napili ko pa ay 'yung paborito niyang itim na spongebob na t-shirt noong grade 5 kami. Kupas na 'to pero cute paren.

"Nangunguha kang damit jan, nagpaalam ka na ba?" sabi saakin ni Kei na naka upo sa may kama.

"Wala din namang pake 'yun," sagot ko bago hubadin 'yung suot kong blouse at ipalit 'yung shirt ni Asher. Inamoy amoy ko pa 'to. "Hmm.. amoy downey."

Natawa si Kei saakin at umiling na lamang, "May tama ka na noh?"

"Konti palang," sagot ko bago umupo sa tabi niya. "Buksan mo nga 'yang electricfan. Ang init e."

"Gaga, tara na balik na tayo sa labas."

"Eh teka lang," ani ko bago ngumuso. "Dito muna tayo."

Inirapan nalang ako ni Kei at binuksan na 'yung electricfan. Agad ko 'tong tinapat sakin.

"Ano na nga palang lagay niyo nun ni Asher?" tanong niya.

"Anong anong lagay?"

"Okay na ba kayo?"

"Oo," sagot ko bago humiga doon sa naiwanang foam na nakalatag sa sahig. "Tapat mo nga 'yung fan sakin."

"Wag kang matutulog Adrian ha!"

"Hindi ako matutulog," sagot ko. Itinapat na niya sakin 'yung electricfan at umayos na ako ng higa habang yakap yakap 'yung unan ni Asher. "Wala, okay na kami" sagot ko sa tanong niya kanina. "Friends na ulit."

"Friends nalang?"

"I guess?" hindi sigurado kong sagot.

"At okay ka lang sa ganon?"

Nagkibit balikat ako bago dumapa, "Andyan pa siya diba? So oo, okay lang ako sa ganon."

Napabuntong hininga nalamang si Kei at wala na samin ang nagsalita. Hindi nagtagal ay naka idlip na ako.

• • • • • • • • • •

Isang mainit na kamay ang dumapo sa likod ko at bumalot sa baywang ko bago ako hinila papalapit sa isang bulto.

At base sa amoy, ang bulto na ito ay ang brutong si Asher James Martinez.

Iniharap ko ang mukha ko sa kanan para matignan siya. Agad na nagwala ang puso ko nang makitang nakatitig na siya sakin gamit ang mapupungay niyang mata at may maliit na ngiti sa kanyang labi.

Walang nagsalita saming dalawa. Mas inilapit ko nalang ang katawan ko sakanya hanggang sa ginawa ko ng unan 'yung braso niya. Pumikit siya at itinrail 'yung ilong niya sa may pisngi ko kaya naman nahigit ko ang hininga ko. Napapikit narin ako at hindi nagtagal, naglapat na ang labi namin at agad akong nag relax sa pamilyar na pakiramdam. Hinaplos ko ang mukha niya at mas lalong inilapit ang katawan ko sakanya, agad siyang nag respond at hinigpitan ang hawak niya sa baywang ko.

Naghiwalay kami saglit para maibuhat niya ako paibabaw sakanya bago kami nagpatuloy sa paghahalikan. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Nababaliw ako sa mapupusok niyang halik at sa mainit niyang mga haplos.

Sobrang lapit na namin sa isa't isa pero pakiramdam ko ay ang layo layo niya parin sakin.

Umupo siya at nanatili lamang ako sa kandungan niya. Nasa may ilalim ng damit na suot ko 'yung kamay niya at hinahaplos niya 'yung balat ko sa baywang. Bahagya siyang humiwalay at tinignan ang suot suot ko. Umangat 'yung gilid ng labi niya at ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso niya.

"Akin 'to ah," mahinang sabi niya bago siya tumawa.

Ipinulupot ko 'yung dalawa kong braso sa leeg niya at idinikit 'yung noo ko sa noo niya bago pumikit at huminga ng malalim.

Ibinalot na ng tuluyan ni Asher 'yung dalawa niyang braso sa katawan ko at ibinaon 'yung ulo niya sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Hinaplos ko 'yung buhok niya sa batok, "Namiss kita"

"Talaga?" mahinang aniya.

"Oo," hinigpitan ko 'yung yakap ko. "Sobra."

Panandalian kaming natahimik, pinapakinggan 'yung kung sino mang lasing na kumakanta sa labas.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko.

"Hmm?" hinalikan niya 'yung balikat ko.

"Ano nangyari?"

Inalis na niya 'yung ulo at mga braso niya para matignan ako. Inayos niya 'yung buhok niya, "Wala naman" Sagot niya.

Kumunot ang noo ko, "Wala?"

"Saan ba?" tanong niya.

"Sabi mo may pinag dadaanan ka."

"Ah," tumango siya. "May ano kasi.. si Hero. May nanggulo sa shop nung kelan. May pumasok na may dala dalang ano.. marijuana."

"Ha? Tapos?"

"Dumating 'yung pulis," aniya. "Kaya na din kita pina iwas. Ayokong madamay ka pa." Natulala lamang ako sakanya. Itinaas niya 'yung isang kamay niya at inipit 'yung buhok ko sa likod ng tenga ko. "Si Papa din, alam mo namang napaka taas ng mga expectation sakin nun.. ayokong ma disappoint siya sakin. Kaya nung mga nakaraang araw, bahay at school lang ako."

Bigla nalamang akong nainis sa sarili ko dahil nagalit ako sakanya. Sinabi ko pa kung kani kanino na hindi ko na siya gusto.. na gago siya. May rason naman pala. Ayan ka nanaman Adrianna! Hindi ka talaga nag iisip.

"Kaya naman pala.." mahinang sabi ko.

"Pero okay naman na ngayon," aniya. "Wag ka na mag isip. Okay na."

"Okay.." Idinikit ko ulit 'yung noo ko sa noo niya at napa buntong hininga. "Wag mo na ulit akong iiwasan ha?"

"Okay."

"Pramis?"

Hinalikan niya ako. "Peksman."

• • • • • • • • • •

Alas-sais na ako ng gabi dumating ng school kinabukasan. Ngayon kasi ang fund-raising event kaya naman okay lang kahit hindi pumasok, pwede pang P.E lang o kaya civilian ang suot.

May parang pageant kasi ngayon at kaya lang naman ako pumasok ay para panoorin si Angelo at Jared na magp-perform bago lumabas ang mga muse.

Wala pa si Asher at hindi ko pa din nakukwento sa mga kaibigan ko ang nangyari. Si Kei palang ang nakaka alam ng buong kwento pero thankful ako at tahimik lang siya.

Nasa may harap kami ng stage, inaabangan na lumabas sina Jared at Angelo. Grabe ang hiyawan ng mga tao nung in-announce na ang pangalan nila. Kami pa ang pinaka maingay at nangingibabaw ang mga sigaw namin.

Napatahimik naman kami nung lumabas na ang dalawang kaibigan namin dahil sa grupo ng mga third year sa may gilid namin na bigla nalamang nagwala na para bang artista 'yung mga lumabas.

Hindi ko din naman sila masisisi, maski kaming mga kaibigan lang nila ay natulala sakanila. Ni hindi na namin nakuhang mag video. Mabuti nalang at nandito rin sina Henry at Kris, sila na ang bahala sa pag video at picture.

Natuon ang pansin ko kay Jared na naka puting t-shirt at maroon na joggers sabay puting sapatos. Napaka simple niya lang kumpara kay Angelo na naka porma talaga. Pero ang nakakuha talaga ng atensyon ko kay Jared ay 'yung magulo niyang buhok at ang ngiti niyang napakalawak. Namumula nanaman ang pisngi niya at kitang kita ko ang dimple niya mula sa kinatatayuan ko. Naka dagdag pogi points pa sakanya ang hindi pag suot ng contact lens. Bagay na bagay talaga sakanya 'yung prescription glasses niya.

Tumingin silang dalawa ni Angelo sa gawi namin. Napatawa pa kami dahil sabay pa silang kumaway.

Nagtama ang tingin namin ni Jared at sumigaw ako ng "Go boss!!"

Napahawak siya sa batok niya at napayuko. Para nanaman siyang natatawa na ewan doon kaya naman tinapik siya ni Angelo para umayos siya.

"Nahihiya nanaman 'yan," sabi ni Ethel. "Tumatawa nanaman e."

"Ang cute cute talaga ni Jared kapag nahihiya," natatawang sabi ni Tris. "Parang timang."

"Hi," naibalik 'yung atensyon namin sa stage nang mag salita si Angelo. "Uhm.. I'm Angelo, this is Jared and uh.. we hope you like what we have in store for you guys."

"NOSEBLEED P'RE!" sigaw ni Henry. "MAGTAGALOG KA KINGINA!"

Tumawa si Angelo at parang mahihimatay na 'yung mga babae sa gilid namin dahil sa tunog neto. Nako, pano pa kaya kapag narinig nila ang tawa ni Jared? Jusko po.

"Wag ka mag alala," sagot ni Angelo kay Henry. "Tagalog mga kanta namin."

Oh my shit, si Jared na bulol sa tagalog kakanta ng mga opm? Nakaka excite!

"So ayun.." ani Angelo bago ngumiti. "Para sainyo 'to.. at sa babaeng mahal ko."

Nag iritan kami at hindi ko napigilang hindi sabunutan at hampasin si Ethel dahil sa kilig. Ang swerte swerte ng babaitang 'to!

Naka upo si Jared sa itim na monoblock habang si Angelo naman ay naka upo sa cajon drum. 'Yung hand drum? Para lang siyang box tapos gagamitin mo 'yung kamay mo para gumawa ng beat.

Nakay Jared ang gitara at nag senyasan pa sila bago nagsimulang mag strum si Jared. Hindi ko alam kung pang ilang beses na 'to, pero natulala nanaman ako kay Jared. Ang galing galing niya talaga. Na recognize ko kaagad 'yung intro. Kung Wala Ka by Hale at may kakaiba akong init na naramdaman sa dibdib ko.

"Natapos na ang lahat.. nandito parin ako. Hetong nakatulala.. sa mundo, sa mundo" pagkanta ni Angelo. Ayan nanaman ang boses niyang para kaming hinehele. Napaka lalim at nakaka taas balahibo. "Hindi mo maiisip, hindi mo makikita. Mga pangarap ko para sa'yo, para sa'yo."

"Ohh, hindi ko maisip.. kung wala ka" pagsabay ko sa kanta. Bigla nalamang nabasag ang boses ko at may tumulo ng luha sa gilid ng mata ko dahil damang dama ko 'yung kanta. Asher. Asher Asher. "Ohh, sa buhay ko.."

Wala pa sa second chorus ay nagpupunas na ako ng luha. Alam kong napansin na ni Ethel ang pag iyak ko dahil inakbayan na niya ako at hinaplos ang braso ko pero wala siyang sinabi.

Ohh, hindi ko maisip.. kung wala ka. Ohh, sa buhay ko

"Nakaka depress naman 'yon," natatawang sabi ko sa mga kaibigan ko nung tapos na ang kanta.

"Relate ka ano?" sabi saakin ni Beatrice. 'Yung nguso niya humahaba nanaman. "Asher nanaman."

Sininghalan ko lamang siya at inirapan.

Sunod na kinanta nina Jared ay Harana at masaya naming sinabayan ito. Nung patapos na ang kanta, halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang yumakap sakin sa likod. Inilingon ko ang ulo ko at agad na nakita ang pamilyar na pilyong ngisi ni Asher.

"Uy," gulat na bati ko.

"Hi," bati niya naman pabalik bago ako bigyan ng isang matamis na halik.

Tumawa ako at umiling bago ibalik ang tingin ko sa stage. Napawi kaagad 'to nang marealize kong tumigil na pala sila.

"Ano nangyari?" kunot noong tanong ko kay Ethel.

"Nagkamali ng strum si Jaredーoh Asher. Andito ka pala."

"Wala," sarkastikong sagot ni Asher.

Nginitian lamang siya ni Ethel at kahit sino naman ay mapapansing peke lamang 'to. Napalunok ako at ibinalik nalang ang atensyon ko sa stage kung saan nagbubulungan na si Angelo at Jared.

"Sorry about that," sabi ni Jared sa mikropono.

"Shet! May accent pala siya!" sigaw ng isang babae. Third year nanaman panigurado.

"Okay lang kuya!" sabay sabay na sigaw ng isang grupo.

"Naks," rinig kong sabi ni Asher. "May fangirls. Ba't ako walang ganyan?"

"Ang pangit mo kasi," sagot ko.

"Oo nga e."

Nilingon ko siya at nakitang napakalawak nanaman ng ngiti niya bago niya ipinag dampi ng saglit ang mga labi namin.

Tumingin na ulit ako sa stage at nagkatinginan kami ni Jared. Napasimangot ako nang mag iwas lamang siya ng tingin.

"Galit ba 'yun?" tanong ko kay Ethel.

"Si Jared?" tanong niya at tumango ako. "Nahihiya lang siguro."

May ibinulong si Jared at Angelo at nakita ko ang pangungunot ng noo nito bago tumango. Nagsimula ng mag strum si Jared. Walang Iba, naisip ko.

"Ilang beses ng nag-away hanggang sa magkasakitan 'di na alam ang pinagmulan.."

Shet ka, Jared.

"Ngunit kahit na ganito, madalas na 'di tayo magkasundo..." pumikit siya at tumingala, "Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko.."

Si Angelo na ang pinakanta ni Jared sa chorus dahil masyado siguro 'tong mabilis para sakanya. Tumawa pa siya pero ni katiting ng saya ay hindi ko naramdaman. Parang matamlay 'to.

"Parang bagay satin 'tong kantang 'to ah?" natatawang sabi ni Asher sa tenga ko.

"Nakaka relate ka?" tanong ko sakanya.

Humigpit ang yakap niya sa baywang ko, "Sobra."

"Ikaw pa rin.. walang iba" pagkanta ni Jared. "Ang gusto kong makasama.. walang iba. Walang iba" Nakatitig lamang siya sa gitara niya, walang bakas ng kahit na anong emosyon sa kanyang mukha.

For the first time ever, parang hindi ko na kilala ang Jared na tinitignan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
2.2M 98.4K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
384K 11.2K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
28K 524 111
[COMPLETED] Senior High School student Ryline Cuevas received an unexpected message from Customs Ad student Sixto Ramirez, where Six asked Ry to answ...