Villaverde Brothers Series 2:...

By adihiraya

112K 1.3K 222

Therene Kylei De Vega is a twenty-three-year-old model who aspires to be a lawyer. After years of dreaming ab... More

VBS#2: Jilting the Fearless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Dedication (A graduation gift)
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue

Chapter Nine

2.3K 31 10
By adihiraya

"Basta ibigay mo 'yan sa kaniya. He already knows what to do about it," I said to Mil while I'm sitting comfortably on the couch in her office.

"Bakit kasi hindi na lang ikaw?" angil niya.

Tiningnan niya ang folder na nilapag ko sa mesa niya kanina. Ang alam niya, nagpapatulong ako kay Jai para sa gagawin kong bahay. Hindi niya alam na tungkol sa business ko 'yon kasi ayaw kong isipin niyang sobrang close na namin ni Jai para magpatulong ako sa plano kong business.

Malisyosa pa naman siya. Kahit walang meaning, lalagyan niya. Baka isipin niya biglang nasa mutual understanding stage na kami ni Jairus kahit hindi naman.

"May photoshoot nga ako bukas sa isang resort. Mamayang hapon ang alis ko kaya ikaw na lang magbigay. Abot mo na lang mamaya pag-uwi mo, nasa iisang bahay lang naman kayo," sabi ko saka lumingon sa katabi kong kanina pa tahimik.

I'm trying to be friends with Raya and it's going well. Though most of the time tahimik lang siya. She doesn't initiate a conversation. She won't talk unless you talk to her. Pero minsan may mga pagkakataon din naman na kapag sinimulan mo na siyang kausapin, magkukuwento na rin siya nang magkukuwento.

I'm not a good conversationalist too kaya hindi ko rin alam kung paano ko siya kakausapin. Mabuti na lang at nandiyan si Mil at alam niya kung paano alisin ang awkward feeling. Kung wala si Mil, parehas lang talaga kaming tahimik ni Raya. Siya na yata ang nagsilbing tulay sa aming dalawa para magkasundo kami at magkapanatagan ng loob.

Baka kung hindi dahil sa kaniya, hindi pa rin kami nagpapansinan nito.

"Tahimik mo naman masyado?" Hindi na ako nakatiis na magtanong.

Mula nang pagkarating namin dito ay hindi pa talaga siya nagsasalita. Paminsan-minsan naman ay sumasabat siya sa usapan namin ni Mil pero ngayon ay kataka-takang hindi. Parang masyadong malalim ang iniisip niya.

"I'm just thinking about something," she answered shortly. Ni hindi nga niya nagawang tumingin man lang sa akin.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Mil. Mukhang parehas kami ng iniisip na baka may problema siya.

She can open up to us naman, pero baka hindi rin siya komportableng magsabi kung ano ang pinagdaraanan niya ngayon. Kitang-kita naman sa kaniya na meron.

"Ano ba 'yon?" tanong sa kaniya ni Mil.

Doon niya lang nagawang tumingin sa amin at tipid na ngumiti saka umiling. "Wala. Don't mind me. Mag-usap lang kayo d'yan."

My brows just met. Ang hirap niyang basahin. Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. Ni wala kaming idea ni Mil kung anong nangyayari sa kaniya, pero normal lang naman siguro kasi kauumpisa pa lang naman ng friendship namin.

Siguro darating din naman 'yong oras na makakabisado namin siya at isang tingin lang namin sa kaniya ay alam na namin kung ano'ng meron.

Parang kami ni Mil ngayon, kabisadong-kabisado na namin ang isa't isa kaya hindi na namin kailangang magtanong. Basa na namin ang lahat sa amin.

Dumako ang tingin ko sa braso niya na, saka ko lamang napansin ang tattoo na ngayon ko lang nakita. Kinuha ko ang kamay niya at inikot sa pulso at doon nakita ang tattoo niya ng isang bulaklak na hindi ako pamilyar, at sa kahabaan ng kamay niya ay isang phrase na hindi ko naintindihan.

Napatingin din si Mil doon.

"Anong bulaklak 'to?" tanong niya habang hinihimas 'yon.

"Chrysanthemum . . ." sagot niya at napabuntong-hininga. "It's a cover up tattoo. Maliit na crescent moon ang nandiyan dati."

Tumango-tango kami ni Mil. Mabuti naman ay nagsalita na rin siya kasi nakaka-bother ang pagiging tahimik niya. Ayaw ko rin naman maparamdam na out of place siya sa amin ni Mil. Kahit sinabi niya sa amin noon na marami siyang kaibigan, parang wala naman akong nakikita.

"Bakit chrysanthemum?" usisa pa ni Mil.

"It's my birth month flower, November."

"How about this phrase?" I asked while pointing at the cursive tattoo. "Semper ad meliora," basa ko roon.

She smiled. "It's a Latin phrase that means 'always toward better things'. Matagal ko na talaga 'yan gustong ipa-tats. Ngayon ko lang nagawa kaso wala nang magbabawal," natatawa niyang sabi.

"Ex mo?" si Mil.

"Mama ko."

Tumango na lang kami. Hindi lingid sa kaalaman namin na wala na ang mama niya. She doesn't mention his father, so I assumed na baka may problema sila. Ayaw ko namang magtanong kasi ayaw kong magtunog nanghihimasok sa personal niyang buhay.

"Gusto ko rin magpa-tattoo," sabi ko. "Kaso nakakatakot, baka wala na akong uwiang bahay."

"Soon p'wede na. Magpapagawa ka naman na ng bahay. You're free to do what you want." Ngumiti sa akin si Mil.

Nanahimik na lang ako at hindi na sumagot. Hindi pa gano'n kalaki ang ipon ko para makapagpagawa ng bahay. Ang kaya lang ng pera ko ay hindi pa pasok sa bahay na gusto ko. Kaya kailangan ko talagang magpayaman dahil marami akong gustong ma-achieve sa buhay ko. 

Hindi na rin kami nagtagal ni Raya sa office ni Mil at umuwi na rin kami dahil aalis pa ako mamayang hapon. Si Raya naman may pupuntahan din daw siya pero hindi niya sinabi kung saan.

Ilang pares lang ng damit ang dala ko dahil sabi ng kaibigan ko ay sila na raw ang nag-provide ng susuotin ko bukas. Plano kong mag-stay roon ng tatlong araw para naman makalangahap ako ng sariwang hangin at para na rin magkaroon ako ng oras para sa sarili.

Ihahatid ako ni Kuya Ben hanggang sa Bataan dahil doon ang resort ng kaibigan ko. Sa NLEX na lang kami dadaan para mas mabilis. Nakapagpaalam na ako sa pamilya ko kaninang umaga habang kumakain. Wala naman silang choice kung ayaw nila dahil naka-oo na ako sa kaibigan ko, at saka isa pa, ito ang trabaho ko.

Natulog lang ako sa byahe. Ginising lang ako ni Kuya Ben noong hindi niya alam kung saang resort kami pupunta. Nakalimutan kong hindi ko pala nasabi. Hindi ko rin alam kung saan ang resort pero sabi naman ng kaibigan ko ay nasa direction naman daw 'yon kaya sinabi ko na lang kay Kuya Ben ang name ng resort at siya na lang daw ang bahalang maghanap.

Nasa Bagac na pala kami. Tumingin ako sa labas at natuwa nang makitang puro berde ang nakikita ko ngayon dahil sa paligid. Hindi na mga nagtataasang building at napakaraming sasakyan sa daan na halos hindi na makausad.

"Dito na po, Ma'am," anang driver.

Ngumiti ako at tumango saka lumabas na ng sasakyan. Sinalubong ako ng nakangiting kaibigan sa labas.

"Hi, Luther!" Yumakap ako nang mahigpit sa kaniyan ng makalapit dahil matagal na rin no'ng huli kaming nagkita.

"Ky! It's been a while!" masaya niyang sabi bago kumalas sa yakap. "Buti pumayag ka. Akala ko hindi, e. Maarte ka pa naman!"

Hinamapas ko siya bigla dahil sa kaniyang tinuran, pero totoo naman na maarte ako. Aminado naman ako sa bagay na 'yon.

"Welcome sa resort ko, Ky!"

Niligid ko ang paningin ko saka tumingala.

Luther's paix et confort

I understand French, so I know that it means peace and comfort.

Sa labas pa lang ay maganda na ang resort niya. Sasalubungin ka ng mga halaman at bulaklak sa harap. Ang iba roon ay alam ko dahil may mga gano'n si mommy. Tanaw na rin ang pinong buhangin at asul na dagat.

"Big time ka na, ah?" biro ko sa kaniya. "Buti ka pa!"

Napalingon ako sa likuran ko nang maibaba na ni Kuya Ben ang nag-iisang maleta na dala ko. Malapit nang dumilim kaya medyo nag-alala ako kung tutuloy pa ba siya sa pagbalik ng Manila ngayon.

"Bukas ka na ng umaga umuwi, Kuya. Baka mapaano ka pa sa daan. Ikukuha na lang po kita ng k'warto." Kinuha ko mula sa kaniya ang maleta.

Napatingin siya sa langit. Kakaiba ang dilim no'n ngayon. Mukhang mabibigat ang mga ulap at nagbabadyang umulan.

"Sige po, Ma'am. Baka abutan ako ng ulan, e. Mahirap na," sagot niya.

Tumingin ulit ako sa kaibigan saka ngumiti. "Two rooms, L."

"Free lang ang stay mo, Ky. Pati room ng driver mo ngayon, free na rin."

"Talaga? Nakakahiya naman!"

"Nahihiya ka na sa libre ngayon? Huwag kang mapagpanggap, kilala kita! Hindi ka tumatanggi sa libre." Tumawa siya.

Like planned, I stayed in Bataan for three days. Isang araw lang naman ang photoshoot na nangyari pero marami rin akong ginawa. Hindi naman ako nagreklamo. Libre na nga ang stay ko tapos paid naman ako to do it.

Last day ko na ngayon at uuwi na rin ako mamayang hapon. Ang problema nga lang, sira ang isang sasakyan kaya walang manunundo sa akin. Aabutin daw ng tatlong araw 'yon sa talyer sabi sa akin sa tawag. Palagi namang gamit ni Daddy ang isang sasakyan, gano'n din si Mommy.

Ayaw ko namang mag-commute at baka maligaw pa ako. Luther offered me a ride earlier pero sobrang laking abala no'n sa kaniya kaya tumanggi ako at sinabing may tinawagan na akong kaibigang manunundo kahit wala naman.

Tuloy ngayon ay tulala ako sa harap ng dagat at nag-iisip kung sino ang tatawagan ko para manundo. Hindi p'wede si Mil dahil wala pa siyang sasakyan at kay Cai ang ginagamit niya. Si Raya naman ayaw no'n nagda-drive kahit sabi niya may sasakyan siya.

My phone beeped for a message but I didn't get a chance to check it because it rang.

Jai's name flashed on the screen. My brows met while answering it.

"You need a ride?" he asked immediately, hindi man lang ako hinayaan mag-hello man lang.

"Paano mo nalaman?" taka kong tanong. "Kay Mil ba?"

Tumawa siya. "Hindi."

"Hindi ako naniniwala. Alam kong siya nagsabi sa 'yo na kailangan ko ng sundo ngayon."

"Hindi nga siya," pagpupumilit niya. "Ano? Magpapasundo ka ba? I'm free."

Umirap ako sa hangin at sandaling nanahimik. Tumingin ako sa dagat sa harap. Banayad lang ang hampas ng mga alon, parang sinabi na kalmahin ko ang puso ko at damhin ang binibigay na kalinga sa akin ng paligid. Pumikit ako at bumuga nang isang malalim na hininga.

"Sige," sagot ko sa kausap.

Alangan naman mag-inarte pa ako, siya na nga 'tong nag-o-offer. Para nga siyang sagot sa dasal. Ni hindi ko na kailangang magsabi sa kaniya at siya na 'tong tumawag.

"Anong oras?" tanong niya.

"Ngayon na," mabilis kong tugon dahil baka gabihin pa kami sa daan mamaya.

Alas dos pa lang naman pero mas maganda kung makakarating siya agad. Pinatay niya na rin ang tawag no'ng sinabi niyang mag-aayos na siya. Binigay ko na sa kaniya ang number ko last time para mas madali niya akong ma-contact kung may concern siya about sa list na binigay ko.

Magandang time na rin 'to para magtanong regarding sa binigay ko sa kaniya. Siguro naman na-check niya na 'yon, o maaaring hindi pa dahil ang alam ko ay busy rin siya ngayon dahil sa dine-design niya.

Busy pero may oras pa manundo sa Bataan.

Gusto ko sanang maligo kaso tirik na tirik naman ang araw at masakit sa balat. Mabuti na nga lang ay may mga puno rin dito sa tabing-dagat at perfect na silungan.

Nagpahangin lang ako roon hanggang sa malapit nang mag-alas tres. Doon ko lang napagdesisyunan na mag-ayos na ng mga gamit.

Luther can't accommodate me always because he's a busy person. Marami raw siyang inaasikaso kaya madalas ay nasa office lang siya maghapon. Nagkaroon din naman kami ng time mag-usap last night para mag-catch up sa mga nangyari sa buhay namin.

It was fun. I may not have so many friends, and I don't talk to them often. Once we meet each other again, the bond is still the same. Walang nagbabago. Kung paano kami noon, gano'n pa rin hanggang ngayon. Walang ilangan.

Malapit nang mag-alas singko nang makatanggap ako ng tawag kay Jai at sinabi niyang malapit na siya. Nahanap niya rin ang lugar sa directions kaya mas madali na lang. Nang patayin niya ang tawag, lumabas na ako sa k'warto dala ang mga gamit ko.

Kumatok ako sa pinto ng office ni Luther, narinig ko namang sinabi niyang pumasok ako. Binuksan ko lang nang maliit ang pinto at sumilip ako roon, malawak ang ngiti sa kaniya.

"I'll leave na," paalam ko sa kaniya saka tuluyang pumasok.

Nagmadali siyang tumayo at inayos ang mga papel sa desk niya. Bukod kasi sa resort ay may iba pa siyang business kaya naman bilib na bilib ako sa kaniya sa galing niyang mag-manage. Sana kayanin ko rin.

Kailangan kasi mayabang ako.

"Nandiyan na sundo mo?" tanong niya nang makalapit at iginiya ulit ako palabas ng office niya.

"Malapit na raw siya."

Nag-uusap kami habang naglalakad sa pathway palabas ng resort. Nagsabi na sana raw ay bumalik ako rito at um-oo naman ako.

"Sasama ko dalawa kong kaibigan." Ngumiti ako nang makahulugan. "Reto kita ro'n sa isa kaysa masyadong nagpapakatanga."

Ngumisi siya. "Rereto pa sa iba kung p'wede namang sa 'yo na lang ako."

Hinampas ko siya sa balikat nang malakas dahilan para mapahinto kami at mabitiwan niya ang maleta ko. Sakto namang nasa labas na kami ng resort niya.

"Alam mo namang ayaw ko ng mga ganiyang joke, L!"

"Edi sorry na," natatawa niyang sabi. "Pero seryoso? Wala ka pa talagang boyfriend? Tapos kahit manliligaw wala. Ang hirap maniwala, Ky. Ligawin ka na dati pa."

Ngumuso ako. "Wala pang worth it sa ganda ko."

"Love!"

Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang boses ni Jai sa likuran. Agad akong napalingon at nakita siyang prenteng nakasandal sa sasakyan niya, ibang kotse na naman ang dala.

Napatingin din si Luther sa kaniya at kunot-noong bumalik ang tingin sa akin. "Akala ko ba wala kang boyfriend?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ko 'yan boyfriend. Kaibigan ko lang."

Hindi siya naniwala sa akin. Nakalapit na si Jai at kinuha ang maleta ko sa kamay ni Luther.

"Let's go, love . . ." aya niya saka hila sa gamit ko at pati na rin sa kamay ko.

"Anong love?" Winakli ko ang kamay niya. "Loko, para kang baliw!" I rolled my eyes at him.

Ngumuso lang siya saka umalis na rin sa harap namin para dalhin ang maleta ko sa sasakyan.

I turned to Luther again. I smiled genuinely and hugged him tight. "Thank you for having me here, L. I promise I'll go back!"

He tapped my back and let me go. He flashed a bright smile and nodded his head once. "Promise 'yan, ha?" Tumingin siya kay Jai na naroon na ulit sa kotse niya, nakasandal. "Sige na, mukhang papatayin na ako sa tingin ng boyfriend mo."

"Hin—"

"Sige na, alis na. Ayaw ko pang mamatay. Marami pa akong pending works," sabi niya habang tinutulak ako. "Maawa ka sa akin, Ky. Gusto ko pang magkapamilya."

Umirap ako sa kawalan. "Oo na. Aalis na nga!"

Hinatid niya pa ako hanggang kay Jai. Mukha namang naiinip maghintay ang isa kaya pinagbuksan niya agad ako ng pinto. Sumakay na rin naman agad ako.

"Ingat, Ky! Message me when you're already home!" bilin niya mula sa labas.

Tumango ako at ngumiti. Tinapik niya ang itaas ng kotse kaya naman nagmamadaling magmaneho 'yong isa.

"Bagalan mo lang kung ayaw mong magalit ulit ako sa 'yo."

He threw a short glance at me and nodded. Binagalan niya nga ang takbo. Dahan-dahan niyang kinuha ang phone niya at inabot iyon sa akin. Alam ko na agad ang gagawin ko roon kaya nagpatugtog na ako.

"I'll sleep, is it okay?"

Tumango siya nang hindi tumitingin sa akin. "Just sleep. I know you're tired and you need rest. I'll just wake you up when we're already in Manila."

I smiled at him and uttered thanks. The music helped me to sleep immediately. Nagising na lang ako sa marahan niyang tapik sa balikat ko at pagmulat ko ng mga mata, nasa labas na kami ng bahay namin.

"I'll take care of your luggage," he said.

Bumaba na ako at hinintay siyang maibaba ang gamit ko na sa backseat niya lang ipinatong. Maliit lang naman iyon kaya nagkasya pa rin.

"Thank you sa pagsundo," sinsero kong sabi ko sa kaniya. "I know you're tired from work too tapos sinundo mo pa ako. Have a good rest when you get home. Thank you ulit!"

He didn't say anything. Nakatingin lang siya sa akin nang matagal kaya naman nagtataka ako kung may gusto ba siyang sabihin. Nagkamot siya ng kilay saka bumuntong-hininga.

"Don't text him," he muttered.

My brows met. "Huh? Sino"

"Your friend . . ." he replied. Inilabas niya ang phone niya sa bulsa. Kinalikot niya 'yon saka inabot sa akin.

Taka ko naman 'yong kinuha at nakitang nasa search bar ng Facebook.

"Search his name on Facebook. Ako na ang magme-message sa kaniya."

Imbis na makinig sa sinasabi niya, nakatitig lang ako sa nag-iisang pangalan sa history ng kaniyang search.

Pangalan ko lang ang naroon at wala nang iba.

Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi bilang pagpigil sa nagbabadyang ngiti.

"Ky," pagtawag niya muli sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. "Don't hesitate. Wala naman akong sasabihing iba sa kaniya."

I nodded and typed Luther's name. When I'm done, I gave his phone back. "I don't know kung para saan but thanks if you'll inform him. I'm too tired to do that."

"No worries . . ."

"Thank you, Jairus . . ." I yawned. "Good night."

"Good night, Kylei. Have a good dream."

"Ingat sa biyahe," huli kong bilin sa kaniya bago tumalikod, kasi kung hindi ay baka hindi na kami matapos . . . kasi parang ayaw ko rin.

Continue Reading

You'll Also Like

287K 15.6K 69
An MCU and Sherlock universe crossover x reader Loki x reader with fluff with other characters ~~~ Y/n has been working on her machine for years and...
2.5M 143K 43
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
2.7M 163K 76
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
14.5K 331 23
Cover art by @/leariqa Hinata was ordered to protect the son of some rich man. He expects the boy to be just some spoiled rich kid, but who knows? ma...