EL HOMBRE MAFIA: Franklin Hugo

بواسطة HeavenKnowsFLO

333K 11.1K 1.6K

"Run, Belle, as if you could escape from hell." -Franklin Hugo ** Belle, a bitch type of a woman who can get... المزيد

PROLOGUE
CHAPTER 1-
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
The First Series of El Mafias
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
FINALE

CHAPTER 22

1.8K 100 16
بواسطة HeavenKnowsFLO


CHAPTER 22

    TUMAPAK ang alas sais ng umaga, halos bumagsak ang panga ni Gael nang maabutan niyang natutulog sa carpet si Hugo habang katabi si Belle. Ang isang paa ni Belle at nakapatong sa katawan ng amo habang ang isang kamay nito’y nakayakap din. Hugo’s position is straight. Para bang naninigas  mula sa pagkakahiga ang binata.

    Gael wants to laugh dahil ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya ang pagtulog ni Hugo sa  carpet pagkatapos ay parang may tuko na nakadikit sa kanya. 

    “Gael,” tawag ni Jamie.

    Biglang humarap si Gael habang pangiti-ngiti. “Ssh, tulog si lover boy,” malokong niyang sinabi kay Jamie.

    Sumilip naman si Jamie pero hinarang siya ni Gael. “I wanna see him.”

    “Tara na sa labas, magagalit iyan kapag nakita niya tayong nakatambay dito,” hinatak ni Gael si Jamie kaya naman nakuhang sumimangot ng dalaga.

    Mula sa pagkakahiga at payapang pagtulog ni Hugo, bigla na lamang bumukas ang kanyang mga mata. Nakita niyang maliwanag na ang paligid. Napahawak ang binata sa kanyang dibdib at nakita si Belle na ginawa siyang unan. 

    Napalunok ang binata dahil ramdam na ramdam niya ang init ng balat nito lalo ang dibdib na halos idikit sa kanyang buong katawan.

    Hugo tried to stand up pero nitong hinawakan niya ang mukha ni Belle para ilayo sa kanya, napansin niyang basa ang t-shirt.

    “Fuck!” bulalas ni Hugo kaya naman napabangon ang dalaga.

    “Ano po?! Late ka na?!” Sigaw ni Belle pagkatapos ay tumingin sa orasan. “Alas sais na! Malelate ka!”

    “No! Bakit mo ako pinaliguan ng laway, Annabelle?!” 

    Her jaw almost dropped when she saw a map of saliva on his shirt. “Oh my gosh! Sir! Paliliguan kita!”

    “Seriously?”

    “No I mean, maligo ka na! Hindi laway ‘yan! Pawis ko iyan!” Pagsisinungaling niya gawa ng kahihiyan.

    Akmang hahawakan ni Hugo ang basa sa kanyang dibdib upang amuyin pero tumakbo si Belle at hinatak ang kamay niya papasok ng kwarto.

    “Huwag mong hahawakan! Maligo ka na dali!” utos ni Belle at hinawakan ang laylayan ng t-shirt ni Hugo.

    Akmang aalisin ito ng dalaga pero nawalan na ng pasensya si Hugo dahil sa ginagawa nito. Tinulak niya si Belle at sinandal sa pader ng banyo. 

    “Don’t you ever try to undress me, Annabelle San Jose. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari kapag ginawa mo iyan.”

    Napalunok at halos maubusan ng hininga si Belle dahil sa malapit na mukha ni Hugo. Para bang lumalangoy siya sa mga mata nito at ang tuhod niya’y unti-unting natutunaw.

    “Maligo ka na. Ask Manang Karing about your luggage going to Tagaytay,” utos ni Hugo.

    Tumango si Belle at dali-daling tumakbo palabas. Sinandal niya ang sarili sa pader habang hawak ang dibdib.

    “Akala ko hahalikan niya ako…” kinagat ng dalaga ang kanyang labi at alam niyang namumula ang buong katawan dahil sa sobrang kaba.

    Makalipas ang isang oras na preparasyon, tahimik si Belle habang nakaupo sa likuran ng driver’s seat. Habang si Hugo naman na nasa dulo ng sasakyan nakapuwesto. 

    Nasa biyahe ang dalawa at hindi pa rin nagpapansinan. Hiyang-hiya si Belle na matuluan niya ng laway si Hugo lalo na ang nangyari kanina na halos hubaran niya ito.

    “Ano ba kasing pumasok sa isip mo at huhuburan mo ng gano’n si Frank? Nakakahiya ka, Belle!” Bulong niya sa sarili.

    From the back seat,  panay ang kagat ni Hugo sa hinlalaki habang nakatingin sa batok ni Belle. Gustong-gusto niyang hatakin ang buhok nito upang lumadlad ang buhok at matakpan ang batok.

    “I almost bit the temptation earlier. Bakit alam na alam ng babaeng ito ang kahinaan ko?”

    Dahil sa ilang oras na biyahe, tinuloy na lamang ni Hugo ang tulog mula sa likuran. Hindi niya magawang sagutin ang tawag ni Jamie at Gael dahil masakit din ang kanyang sentitdo.

    “Sir! We are here,” banggit ng driver kaya naman humarap si Belle kay Hugo.

    “Sir Frank, nandito na po,” dagdag naman ni Belle kaya unti-unting bumukas ang  mga mata ni Hugo.

    No reaction at all at basta itong lumabas. Nagmadali naman si Belle na bitbitin ang dalawang bag ng laptop ni Hugo pati ang ipad nito. Sa sobrang laki ng lote, kinakailangan nilang maglakad papunta sa golf field at sumakay ng electric motor dahil nandoon ang kikitain ni Hugo para sa kanyang meeting.

    “Tulungan na kita, Belle,” pag prisinta ni Manong Boyet.

    “Eh, okay na po. Kaya ko naman,” tugon ng dalaga. Nagmadali pa rin siya sa paglalakad dahil parang bullet train kung maglakad si Hugo. Napakalaki ng hakbang at mabibilis din ang biyas nito.

    Hingal na hingal naman si Belle dumagdag pa ang mabigat na laptop at three inches wedge. 

    Ilang sandali lamang ay narating nila ang opisina. Inilapag ni Belle sa lamesa ang laptop ni Hugo at inayos ito ng isang babaeng napakaganda. Maikli ang palda at litaw din ang cleavage nito.

    “Ang ganda ng ngiti ni Frank, palibhasa nakakita ng dibdib,” bulong ni Belle habang pinagmamasdan ang mga reaksyon ni Hugo.

    “Charm, bring me a coffee… no sugar,” utos ni Hugo.

    “As you wish,  Mr. Hugo,” malanding sinabi nito at hinaplos pa ang balikat ng amo.

    Sa pagharap ng dalaga kay Belle, pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay inirapan.

    Kunot noo naman si Belle at napairap dahil sa kaartehan ng babaeng ito. 

    “'Di hamak, matangkad ka lang naman sa akin, pero mas maganda ako,” asar na bulong ni Belle.

    Nagsimula ang meeting at heto si Belle, pawis na pawis pa rin dahil sa haba ng nilakad nila ni Manong Boyet dahil si Hugo lang ay exclusive passenger ng golf car. Tagaktak at halos kumalat na rin ang make up niya kaya naman nakapag desisyon ang dalaga na tumayo upang pumunta ng comfort room.

    Sa pagsasara niya ng pintuan, ngayon lang napansin ni Belle na sobrang ganda ng opisina. Mabilis siyang pumunta ng banyo at nag-ayos. Pinunasan din niya ang pawis sa likuran pagkatapos ay dumiretso sa labas.

    “Matagal pa naman siguro ang meeting nila, sir…” bulong niya pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa paligid. “Ang sarap sigurong maging mayaman. Uupo ka na lang pa-meeting-meeting tapos hintay lang ng pera, magde-decision making tapos uutusan mo lang ang mga tauhan para bilhin ang gusto. Ang sarap maging mayaman, kahit walang pamilya basta may pera okay.”

    “You are wrong.”

    Halos lumundag ang dalaga dahil sa isang baritono na boses. Biglang humarap si Belle  at nakita ang lalaking naka puting polo shirt at naka shades mukha itong maglalaro golf.

    “Mas masaya pa rin ang may pamilya kesa sa pera,” he said.

    She smiles awkwardly. “Ah eh okay po.”

“I’m Joaquin, you?”

“Belle po!” Nilahad niya ang kamay at ganoon din ang binata.

“Newbie here?”

“Ah oo. May meeting lang kasi ang boss ko.”

“Who?”

“Mr. Hugo.”

“Ah… okay… matinik nga pati sa sekretarya.”

“Ano po? May sinasabi ka, sir?”

“Wala naman. Tatayo ka lang ba diyaan? Do you want to join me?”

“Ha? Baka kasi kailangan ako ni Sir Frank.”

“I know him, matagal mag meeting si  Hugo. Detalyado iyon kaya aabutin ng dalawang oras,” mabilis na sinabi ng binata at hinatak ang kamay ni Belle papunta sa field.

“How old are you?” biglang tanong ni Joaquin.

“Ah? Mag nineteen po.”

“Seriously? 'Di bale, mukha naman.”

Umismid si Belle ngunit  kaagad itong napansin ng binata sa kanyang harapan. “You are a bit bratt?”

“Ha? Hindi naman, ikaw ba? Ilang taon ka na?”

“I’m twenty-two.”

“Eh? Bakit mukhang nasa edad thirty ka na?”

“Seriously? Iba ka kung gumanti ha? I didn’t see it coming.”

Maraming kwento at hindi na inip si Belle sa kanyang kasama.  Ang pakikipagkilala niya sa mga naglalaro sa golf field ang nag-udyok na makuha ni Belle ang atensyon ng mga kalalakihan doon. Nahihiya man ang dalaga pero pinakilala siya ni Joaquin sa mga kasama nito. 

“Where is Belle?” tanong ni Hugo kay Charm.

“You don’t know sir? Lumabas siya kasama ng bunsong anak ni former General Jacob.”

“What?” kunot noo si Hugo at sinundan si Charm. Tinuro nito si Belle na kasama ang anak ni Jacob. Nakaramdam ng inis si Hugo dahil kung hawakan ang kamay at balakang ni Belle ay akala mo’y matagal niya na itong kilala.

“Sir, saan po kayo pupunta? Kailangan po kayo sa jewelry collection?”

“Wait!” Asik ni Hugo at naglakad sa mainit na daanan.

Napakalaki ng mga hakbang nito hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan ni Belle.   Tila’y nawala ang ngiti sa labi ni Belle nang harangan ni Hugo ang harapan niya.

“Sir!” Bulalas niya.

“Oh, Uncle Hugo! Good to see you here!” Bati ni Joaquin.

“I am not your uncle! Belle, bakit nandito ka? I need you there!” Galit na sinabi ni Hugo kaya naman binitawan ni Belle ang kanyang hawak. Akmang susunod ang dalaga ngunit kaagad siyang tinalikuran ni Hugo.

“Joaquin, nice to meet you na lang! Back to work na ako!” Paalam ni Belle.

“Will you stay here tonight?”

“Baka ilang araw?” hindi siguradong tugon ni Belle.

“We can meet tonight?” karagdagan tanong ni Joaquin.

“Belle! Ang tagal!” Singhal ni Hugo kaya naman hindi na nakasagot ang dalaga kay Joaquin.

Mabilis siyang tumakbo papalapit kay Hugo. “Sir, sorry talaga. Nakasalaubong ko kasi siya pagkatapos kong mag comfort room kanina tsaka… hindi ko matanggihan.”

“Kasi gwapo tsaka bata pa?”

“Ha? Hindi naman po sa ganoon.”

Biglang tumigil si Hugo sa paglalakad. “You know what, you should go home. Hindi kita kailangan dito dahil wala ka naman pa lang alam gawin kundi sumama lang sa taong hindi mo kilala!” Singhal ni Hugo at tuluyang iniwan si Belle.

“Belle, managed your anger. Kailangan mong kumita. Mas malaki ang income nito para makaipon sa graduation fee at enrollment bilang college student. Maraming kupal ang ugali, dapat matutong makisabayan,” paulit-ulit na huminga ng malalim at palabas na pabuga ang dalaga para pigilan ang sarili na mga maldita. Hinawakan din niya ang ulo. “Ibaba mo ang sungay, Belle. You need this opportunity!” 

Inayos lamang ni Belle ang buhok pagkatapos ay bumalik sa unang building na kanilang pinasukan. 

“Where have you been? Pinasasakay ka na ni sir pabalik ng Manila,” salubong sa kanya ni Charm.

“Hindi ako uuwi. Asaan ba si sir?” she answered firmly.

“You can’t go inside. Jewelry collection ang  pinag-uusapan nila,” tugon ni Charm pagkatapos ay tinaasan siya ng kilay.

Mas lalong uminit ang dugo ni Belle at nagpupumilit na pumasok. Kahit pinigilan siya ng dalaga wala rin nagawa si Charm. Nakapasok si Belle at kitang-kita niyang napalingon si Hugo.

Walang pakialam at para bang ang tigas ng mukha ng dalaga na lumapit kay Hugo. Unti-unting lumapit ang mukha ni Hugo sa kanya hanggang sa… “I said, I don’t need you here.”

“You will need me inside this showroom.”

    “Nandito si Charm. Umuwi ka na lang.”

    “Mr. Hugo!” Bati ni Mr. Tan.

    Natigil si Hugo sa pag bulong kay Belle at hinarap ang may-ari ng jewelry collection. Nakipagkamay naman ang binata at ganoon din si Mr. Tan.

    “Good to see you again, Mr. Tan.”

    “Likewise gentleman. I hope you enjoy my showroom. Siguro naman at magbabago na ang isip niyo at magiging investor na ng aking jewelry collection,” Mr. Tan confidently said.

    “Of course!” tugon ni Hugo.

    “By the way, who is she? Your girlfriend, Hugo? Bagay ang alahas na ito sa kanya!” Bulalas ni Mr. Tan kaya naman hindi na nakasagot si Hugo.

    Everybody knows that the realty business of Hugo is successful kaya naman ang bawat negosyante na gusto siyang makasosyo ay todo bigay puri at effort para lamang makuha ang matamis niyang oo.

    “Your lovely girlfriend deserves this blue diamond earring worth two million pesos. This is rare to find in the whole world.”

    Halos malaglag ang panga ni Belle kaya naman kinurot niya ang likuran ni Hugo.

    “Ouch,” mahinang angal ni Hugo kaya naman napatingin siya kay Belle.

    “Is this worth two million, sir? I guess this diamond is worth half a million. And it wasn’t rarest, the red or brownish red in Argyle Diamond in Austria,” alistong sagot ni Belle kaya naman nagtaka si Hugo sa kanya.

    Mr. Tan cleared his throat. “Ah… check this one,” nahihiyang sinabi ni Mr. Tan kaya naman heto at kung ano-anong alahas ang ipinakilala at ipinakita kay Hugo at Belle.

    Nanatiling nagmamasid si Belle sa paligid ngunit ang hindi niya alam ay si Hugo naman ang nagmamasid sa kilos niya.

    “Napaka sinungaling ng negosyanteng ito,” mahinang sinabi ni Belle ngunit narinig ito ni Hugo.

    “Mag-usap tayo mamaya,” naging tugon ni Hugo kaya nagtaka si Belle.

    Makalipas ang ilang oras na kanilang paglalakad. Nakabalik si Hugo at Belle sa loob ng sasakyan. Hindi na magkahiwalay ng upuan. Kusang tumabi si Hugo dahil marami siyang katanungan kay Belle.

    “Saan mo natutunan iyan? Halos lahat ng diamond at iba’t ibang klase ng alahas alam mong kilatisin, even the price.”

    “Natutunan ko lang. 'Di rin ako sure kung tama ba?” nahihiyang sinabi ni Belle habang pilit na nagsisinungaling.

    “Seriously? You are great. Alam ko naman na hindi ganoon ang presyo ng diamond na iyon kanina. Who trained you?”

    “Ha? Ah dati lang sa trabaho… sa pawnshop… uuwi na ba ako?” pag-iba ng usapan ni Belle.

    Kunot noo naman si Hugo dahil pilit niyang binabasa ang ugali ni Belle. “No, we are going to my hotel.”

    “Talaga? Sasama na ako?!”

    Hindi na kumibo si Hugo pagkatapos ay inirapan si Belle. “Ah wait, magpalit ka mamaya ng damit. Wear comfortable pants hindi palda,” masungit na paalala ni Hugo.

“Eh okay naman ako rito?”

“We are going to the party later. Formal ang isuot mo.”

“Eh kasi ito ang bigay sa akin ni Manong Boyet.”

“Kaya nga ibahin mo mamaya?! Ulit-ulit ba tayo rito, Ms. San Jose?”

Natahimik na lang si Belle at tikom ang bibig. Para bang pinuputol ni Hugo ang kanyang sungay sa tuwing sila’y magkasama

A few moments later, nakarating sila sa Tagaytay resort. Sinalubong ng mga gwardya si Hugo kaya naman si Belle ay halos dumikit na sa katawan ng binata.

     Nandoon pa rin ang takot ng dalaga sa mga baril lalo na’t hindi niya pa gaano kakilala si Hugo.

“Belle!”

Isang malakas na tawag ang pumukaw sa atensyon ni Hugo at Belle. Napalunok na lamang si Hugo dahil ito ang anak ni ex General Jacob na si Joaquin.

“Hey, there! Mr. Hugo, dito rin pala kayo.”

“Obviously, dude,” seryosong tugon ni Hugo pagkatapos ay tumingin sa reaksyon ni Belle. Tila’y mas lalong nag-init ang kanyang mukha nang makita ang pamumula ng pisngi ng dalaga habang nakatitig kay Joaquin.

“Pupunta ba kayo sa Tagaytay night? Nandoon si Dad at Mr. and Mrs. Valentin,” wika ni Joaquin.

“Oo! Pupunta kami ni Sir Frank!” Bulalas ni Belle at tumingin kay Hugo.

“Great! Susunduin kita mamaya sa kwarto mo? Sigurado naman sa VIP inn kayo,” tugon ni Joaquin.

“No… she’s with me.” sabat ni Hugo habang nakapamulsa.

“She doesn’t have her own room?” asar na tanong ni Joaquin.

“Yes. She’s with me, shared room, bed, towel and everything. Belle let’s go,” bakas sa tono ni Hugo ang inis kaya naman hinatak niya ang kamay ni Belle upang ito’y sumunod sa kanya.

Halos masubsob si Belle nang hatakin siya papasok ni Hugo sa kwarto na kanilang tutuluyan.

“Ano iyon? Shared bed, towel and everything? Sinong nagsabi na tabi tayong matulog? Kahit boss kita, hindi ako tatabi sa ‘yo ha?!” Sigaw ni Belle.

Napapikit na lamang si Hugo dahil sa tinis ng boses ni Belle. “I said that dahil nandito tayo para sa trabaho hindi para maghanap ka ng boyfriend! Thirty days lang kitang secretary, hindi within thirty days maghahanap ka ng boyfriend!”

“Ha?! Hindi naman ako naghahanap!”

“Eh ano iyon? Susunduin ka mamaya? Iiwan mo ako? Samantalang sinama kita rito may bayad at para sa trabaho!” Sigaw ni Hugo sa kanya.

Napaatras si Belle at nawirduhan sa inasal ni Hugo. “Boyfriend ba kita para magkaganyan? Alam ko naman na may trabaho ako. Mukha ba akong sasama lang sa kung sino habang may pinangakuan akong trabaho sa iyo?”

Para bang humupa ang isang bumubulusok na bulkan kaya naman napayuko si Hugo at nagkakamot ng batok. “Pagtrabaho, trabaho lang ang gusto ko. No other sideline.”

“Magkatabi tayong matulog?”

“I can book a new room for you to be comfortable.”

“Okay lang naman ako sa couch. Hindi naman ako maselan. Sayang ang pera mo, room for twenty-five thousand per night dito. Sayang naman kung kukuha ka pa ng isa pang kwarto.”

Tumango lang si Hugo pagkatapos ay tinalikuran si Belle. Lumabas ito sa terrace at sinimulan na manigarilyo.

“Why do I look like a cry baby? Bakit ba kasi sa lahat ng hotel sa Tagaytay, nandito pa ang  anak ni General? Do I really like a tito? Ganoon na ba ako ka-mature para tawaging ganoon?” bulong ni Hugo sa sarili pagkatapos ay hinawakan ang bigote at balbas. “I need to trim this.”

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

232K 7.4K 36
Bata pa lamang si Maria Angela Rivera ay nangarap na itong maging isang madre lalong umusbong ang kagustuhan niyang maging isang madre ng mamatay ang...
6.8K 879 31
Synopsis: 10 years ago,Valen Grut is one of the Bachelor's Top List that gain trillions every month. He has all that everybody don't have which envy...
10.7K 405 32
Mafia boss meets the lovely lady guard. Orange Lily (a flower that means hatred, pride and disdain).
194K 3.8K 28
Firen Anzhala is not an ordinary woman. She's fearless and, most of all, a Green Goddess but a virgin. Devyl Dracssus is a Devilish-looking Duke with...