STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XXXIV

5.9K 219 67
By faithrufo

"It's sad that the person who cares least in the relationship has the most control"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Umuwi na ang magulang ko.

Kaya pala sobrang nag p-prepare sila sa bahay. Si Mama; dahil nagt-trabaho siya sa Manila, ang sumundo kay Papa sa airport.

Ang daming pasalubong grabe! At alam niyo pinaka dabest? May iPhone 5s na ako! Regalo na daw 'to ni Papa dahil birthday ko na next month. Hindi ko nga alam kung mag de-debut pa ba ako o ilalabas nalang mga kaibigan ko tulad ng ginawa ni Ethel.

Pero iniisip ko palang na isasayaw ako ni Asher.. siya ang last dance ko.. kinikilig na ako! Kaya dapat talaga maayos na kami this month para kung mag debut man ako, siya ang escort ko.

Hindi ako pumasok ng umaga dahil napuyat kaming lahat kagabi. Maski si Von ay hindi na nakauwi. Hindi pa kasi siya sumabay kina Kuya Raziel at Ate Pat, ayan tuloy, absent din si nognog.

Tanghali na at kasama ko sina Mama papuntang office dahil iaabot niya ang excuse letter ko. Hindi pa kami nakakalapit sa may pinto ng office ay may sumigaw na ng "NANG!"

Agad kaming napalingon ni Mama sa direksyon ng sigaw at parehas naming nakita si Henry na tumatakbo papalapit samin.

"NANG KELAN KA PA NAKA UWI?!" tanong niya bago yakapin ang nanay ko. "PASALUBONG KO?"

"Jusko Henry ano ba 'yang pabango mo ang sakit sa ilong!" reklamo ni Mama bago i-pat ang likuran ni Henry. Tinignan niya ako ng nakakunot ang noo, "Eto na ba ang inaanak ko?"

"Opo ma," sagot ko. "Panget nu?"

"NANG ANG GANDA GANDA MO KAMO," ani Henry nang humiwalay na siya kay Mama. "BENTE LANG BINIGAY NI MAME NA BAON KO. KAWAWA NAMAN AKO NANG."

"Kailangan sumigaw?"

"Wag kang mangielam ditーWOY DORA!" Sinamaan ko ng tingin si Henry. "Anong nangyari sa'yo?!"

"Nagpagupit."

"Duh," aniya bago tignan ang nanay ko. "Nang, pinagalitan nga pala ako sa room kanina. Kailangan ko na daw magpagupit ng buhok."

"Ganun ba?" nag aalalang tanong ni Mama.

"Opo," kunwaring malungkot na sagot naman ni Henry. Naka pout pa ang loko.

"O siya sige," inilabas kaagad ni Mama ang wallet niya at nang tignan ko si Henry, halos kumislap na ang kanyang mga mata. "Eto ha, pamasko, regalo lahat lahat na."

"Whoa," gulat na sabi ko nang maglabas si mama ng isang libo.

"Nang seryoso?!"

"Wag mo ubusin kaagad Henry ha," bilin na mama bago ako hawakan sa braso.

"Opo! Opo!"

"Osige na, umakyat ka na doon sa room niyo. Magkaklase ba kayo ni Adrian?"

"Opo ma," sagot ko. "tatlong taon, sunod sunod."

"Mabait ba 'tong kinakapatid mo, Henry?"

"Nako ninang, sobrangー" sinamaan ko siya ng tingin. "ーnapaka anghel!"

"Talaga lang ha?" natatawang sabi ni Mama.

"Ma, tara nabigay na natin 'yung excuse letter ko. Ma le-late na ako oh, fifteen minutes nalang."

"Ah ganun ba," ani mama. "tara na pala."

"Akin na bag mo Adi para 'di ka ma markahan na absent" sabi saakin ni Henry.

"Salamat," sabi ko namang pagka abot sakanya ng bag ko.

Sumimangot kaagad si Henry nang makuha na niya 'to, "Dora ka talaga ano? Kung ano ano laman ng bag mo. Ang bigat!"

"Maarte ka lang."

May ibinulong pa si Henry sa sarili bago niya tinignan si Mama at nginitian, "Thank you dito sa ano 'nang!! Bukas ulit!"

Natawa si Mama sa sinabi ni Henry bago bineso ang kanyang inaanak sabay hinila na ako papuntang office.

Dumiretso kaagad ako sa fourth floor nung natapos na kami para hindi na ako maabutan ng bell. Nakayuko akong tumakbo papunta sa classroom ko. Ni hindi na ako lumingon sa room nina Asher at baka makita ko siya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nung tumigil na ako sa tapat ng pinto namin.

Parang nag aalangan pa akong pumasok dahil sa buhok ko. Nahiya ako bigla, ano kaya sasabihin ng mga kaklase ko? Namilog ang mata ko nang buksan ni Ethel ang pinto bago ko pa mahawakan ang knob. "OH.. EM.. G!!!" sigaw niya. "Ano nangyari sa'yo?! Ang ganda ganda mo tangina ka bes!!"

Hindi ko alam ang ire-react ko sa sinabi niya at naramdaman ko ang pag init ng mga pisngi ko. Nanatili ako doon sa may pinto na parang tuod habang ang mata ng mga kaklase ko ay nasaakin. May iba pang tumayo para lang matignan ang bagong hairstyle ko.

"DORA DORA DORA THE EXPLOー" pagkanta ni Henry na agad na napalitan ng "ARAY!"

"Ang cute mo tignan," sabi sakin ni Ethel habang hinahawakan 'yung buhok ko. "Mas lalong nakita 'yung features mo."

"Naks naman bes, features" biro ko sakanya para kahit papano ay mawala ang hiya ko.

"Oo," aniya. "In tagalog, litrato."

Napatawa kami at para bang may isang malaking bagay na itinanggal sa balikat ko dahil agad na gumaan ang pakiramdam ko.

"Umuwi na daw si mommy mo?"

"Oo," naka ngiting sagot ko. "Pati si Papa!"

"Talaga?! Omg! May pasalubong siya sa'yo?" nagsimula na kaming maglakad papasok ng classroom. Nakatitig parin ang mga kaklase ko habang nakangiti.

"Meron, pakita ko mamaya."

"Nice naman Gomez! Bagay!" sigaw ng isa.

"Mas gusto ko 'yan sa'yo kesa sa long hair mo," sabi saakin ni Sarah. "bagay na bagay."

"Thank you," nahihiyang sabi ko sakanila at agad na tumakbo sa tabi ni Jared na naka upo sa sahig para maitago 'yung mukha ko sa braso niya.

Narinig ko ang kanyang pagtawa bago niya hinawakan 'yung gilid ng ulo ko. "What's up?"

Tinignan ko siya at ngumuso. Para akong natatawa na nahihiya na ewan. "Hindi ba ako mukhang tanga?"

"No..?" kunot noong sagot niya. "Cute mo nga e.... dora."

"Jared naman e!" hinampas ko siya sa balikat at napatawa nanaman siya.

"Joke lang," aniya. "You look beautiful."

Sinamaan ko siya ng tingin at nahihiyang itinago nanaman ang ulo ko sa may braso niya bago ko kinurot 'yung binti niya.

"Ouch," mahinang aniya bago kunin ang kamay ko. For some reason, hindi ko mapigilan ang pag ngisi. "I'm serious, you look beautiful."

"Utot mo."

Tumawa na lamang siya bilang sagot. Inayos ko 'yung ulo ko at ipinatong 'to sa balikat niya. Tinignan ko ang mga kaibigan ko. Sa tapat ko, nakangiti sakin si Kei na may hawak hawak na mga activity sheets. Sa tabi niya, nagbubulungan si Tris at si Henry tapos napatingin ako kayーteka...

"Himala!" Malakas na sabi ko bago ituro ang dalawa, "Nag uusap!"

"Kaninang umaga pa kamo 'yang dalawang 'yan," sabi ni Ethel na kauupo lang sa desk ng inuupuan ni Angelo na silya. Naka upo siya doon dahil may hawak hawak siyang gitara.

"Tumigil nga kayo," nakasimangot na sabi ni Tris saamin. "May pinag uusapan lang kami."

"Himala nga," natatawang sabi ni Kris na naka upo sa tabi ko. "Hindi kayo magkasundo palagi e."

"Hoy nagkakasundo naman kami minsan," sagot ni Tris.

May pilyong ngiti sa labi ni Henry, "Kapag kalokohan ang usapan."

"Ang ganda mo ngayon bes," sabi saakin ni Kei.

"Ngayon lang?"

Tumawa siya, "Hindi naman. Pero kasi nung mahaba pa buhok mo medyo sabog ta's laging nakaharang sa mukha mo."

"Ang ganda mo nga 'so," sabi saakin ni Kristoffer. "Hawig mo si ano.. sino bang artista 'yon? Sa forevermore."

"Yung bida?" tanong ni Ethel.

"Di," kunot noong sagot naman ni Kris. "Si ano... maikling buhok din."

"Sofia Andres," sagot ni Tris.

"Oo ayun!" sabi naman ni Kris bago ako tignan. "Hawig mo sa buhok tsaka mata. Sa ilong kayo nagkakaiba, iba 'yung pagka tangos ng ilong mo e."

"Luh, ang ganda ganda nun e" sabi ko.

"Maganda ka din naman," ani Henry. "Kundi ka lang naging pangit."

"Tangina mo!"

• • • • • • • • • •

"Namiss kita," bulong ko sakanya.

Hinigpitan niya 'yung yakap niya sakin at sinabing, "Namiss din kita." Humiwalay siya at tinignan ako, "Daan ka naman sa shop minsan. Si Hero nag ta-tantrum. Binato pa ng tsinelas si Asher."

Namilog ang mga mata ko, "Weh?"

"Oo nga," aniya. "Bakit daw hindi ka na sinasama. Ta's nung sinabi na ni Asher, hinagis niya tsinelas niya."

"Sapol?"

"Hindi, tanga 'yun e."

Tumawa ako sa kwento ni James at may kakaibang init akong naramdaman sa dibdib ko. Miss ko na din talaga sila at nakakatuwang isipin na namimiss din nila ako.

"Sila Ralex, ano sabi?"

Naka akbay 'yung kanang braso ni James saakin at nakahawak naman 'yung kaliwang kamay niya sa kanan. "Wala naman," sagot niya. "tahimik lang. Pati si Kiko at Troy, walang sinasabi. Kami lang ni ano, Enrico. Pinagsasabihan siya."

"Ano sinasabi niyo?"

Tinignan niya ako at umangat ang gilid ng labi niya, "Secret."

Sinimangutan ko siya, "Ang daya!"

"Basta," sagot niya.

Saglit kaming natahimik, pinapanood lamang ang ibang mga studyante na dumadaan sa harap namin. Ta's bigla na lamang siyang nagsalita kaya naman nabasag na ang katahimikan.

"Nga pala," panimula niya. "birthday ni Kuya Griffin next week. Thursday."

"Ha? Next week na ba?"

Siya pala 'yung may birthday! Sabi na meron e.

"Oo, nakalimutan mo?" tinaasan ako ng kilay ni James. "Pupunta ang tropa, da't sumama ka."

"Baka magalit si Asher..."

"Ano naman? Birthday niya ba?" Hindi ako nakasagot. Iginalaw ni James 'yung braso niya kaya naman medyo nayugyog ako, "Punta ka ah?"

"Titignan ko. Te-Text nalang kita."

Tumango si James at nag paalam na dahil malapit na din namang mag bell. Tulala akong bumalik sa upuan ko.

Oh my shit, makakasama ko na ulit si Asher next week.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
388K 11.3K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
1.9M 88K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...