Your Universe

Por BLURRYTHINKER

778 182 707

Pilots' Ink Series #2 Evie, a girl who fears socializing with other people, will be torn between coming out o... Más

Prologue
1. Meteor
2. Seeing
3. Transit
4. Sidereal Time
5. Barycenter
6. Cosmos
7. Circumpolar
8. Elongation
9. Meteoroids
10. Eccentricity
11. Inclination
13. Field of View
14. Stargazing
15. Constellation
16. Asteroid
17. Dark Matter
18. Magnitude
19. Star Cluster
20. Finderscope
21. Reflector
22. Transit
23. Phase
24. Orbit
25. Comet
26. Galaxy
27. Crab Nebula
28. Collimation
29. Escape Velocity
30. Moon
31. Universe
32. Star
33. Spaghettification
34. Transparency
35. Light-year
36. Aperture
37. Messier Object
38. Sidereal Time
39. Galaxy Filament
40. Void
41. Nuclei
42. Big Bang Theory
43. Nuclear Reaction
44. Binary Star
45. Parallax
45. Red Shift
46. Apogee
47. Pluto
Last Chapter: Black Hole

12. Libration

20 6 20
Por BLURRYTHINKER



Evie


'I Want to Touch You'

Pakiramdam ko ay kulay kamatis na ang buo kong mukha nang mabasa ang pamagat ng librong kinuha niya. Malaswa lang ba ang pag-iisip ko o malaswa nga talaga?

Napatulala ako sa harapan ng libro habang naguguluhan kung babasahin ko ba ang description sa likod nito. Hindi ako fan ng mga ganitong babasahin.

"Evie, read the description. Baka magustuhan mo." Masaya ang tono ng boses niya habang hiyang-hiya naman ako. Baka ibang genre naman siguro ito at hindi katulad ng iniisip ko.

Napapikit muna ako at bumuntonghininga bago ibinaliktad ang libro.

'A kartigo, soul's guide to Bathala, once knew Glint, who is a troubled soul who wants to fall into nonexistence. But this kartigo changes her mind, which is against the rules, and persuades her to live again. This soul becomes the reason for the kartigo's wanting to touch a human, specifically Glint.

The kartigo's yearning was granted when Glint reincarnated as Sparkle. For him to be a human, he needs to commit a sin by killing someone's second chance at life. But the consequences await, by the time the kartigo finds and serves his only purpose as a human, he will fall into nonexistence.

This is about dreams, fears, yearning, the beauty of being a human, grieving, and how you can magically bring purpose to someone's life just by existing. The only wish Sparkle wants is for the kartigo to stay with her, but can Bathala grant this?'

Napangiti ako sa description nito. Mukhang magugustuhan ko naman ito . . . at napagtanto ko na green minded lang talaga ako.

Tumingin ako kay Gabriel na nakangiti na rin sa akin.

"Mukha ngang maganda." Pinakatitigan ko ang cover at nakitang isa itong babae at may isang kamay na nakahawak sa pisngi niya, parang naglalaho ang lalaki pero nakahawak pa rin sa kaniya. Kartigo. Ngayon ko pa lang narinig ang term na 'yon.

"Tara na?" aya niya na agad kong tinanguan.

Mahigpit ang hawak ko sa libro at ang isa ay nakahawak sa laylayan ng damit niya. Pinilit kong harangan ang pagpasok ng ingay ng mga tao sa isip ko para mabawasan ang pagpa-panic ko. Imposible mang paniwalaan, totoo namang nangyayari sa akin.

Kinuha niya ang libro sa akin nang mapunta kami sa counter. Sinilip ko lang ang pagbabalot nito ng libro sa paperbag habang kumukuha si Gabriel ng pera sa wallet niya.

Napabuntonghininga ako. Sa wakas ay makakaalis na rin kami rito.

"Okay na." Muli niyang hinila ang kamay ko palabas habang hawak niya ang libro sa isa pa. Para siyang excited sa pag-uwi namin.

Nang makalabas ay agad napataas ang kamay namin para harangan ang pagsalubong ng sikat ng araw sa amin. Mga nasa alas nuwebe pa lang ng umaga pero ganito na ang init. Marami na ring tao ang naglalakad sa kalsada.

Huminto siya sa gilid ng kalsada kaya napahinto na rin ako. Nakahawak pa rin siya sa palapulsuhan ko habang tinitingnan ang mga sasakayang dumaraan. Pinanood ko rin ang kalsada at at nang makitang pwede na kaming tumawid ay sinimulan ko na ang paghakbang ngunit hinila niya ako pabalik.

"Hindi ba tayo tatawid?" Sa kabilang bahagi ng kalsada ang kakailanganin namin para makauwi sa bahay.

"Hindi pa tayo uuwi." Nagpigil ako ng inis at pinagsalubong ang kilay ko.

"Sabi mo sa bookstore lang tayo." Nilingon niya ako at ngumisi, inilipat sa noo ko ang librong ipinanghaharang niya sa mukha niya para hindi ako masilaw mula sa araw.

"Pupunta po tayo sa space museum sa Naqui."

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at ngumuso habang nakatingin sa kabilang-gilid ko. Hindi siya marunong tumupad sa usapan. 'Pag sinabing bookstore, bookstore lang, hindi 'yong nagpaplano siya ng kung ano-anong lakad.

"Evie." Hinawakan niya ang ulo ko at isinanday sa gilid niya. Hindi ko pa rin siya nilingon at masamang nakatingin lang sa kalsada. "Last na 'to, promise, pagkatapos uuwi na tayo."

Naglaho ang inis sa mukha ko at tumahimik muna.

Ano nga ba'ng masama sa pagpunta sa isang space museum, Evie?

Lumingon ako sa kaniya at tumango . . . hanggang ma-realize ko na sobrang lapit ng mukha ko sa kaniya. Agad akong umayos ng tayo at lumayo nang kaunti mula sa kaniya.

"Sabi ko na nga ba malakas talaga ako sa 'yo," bulong niya sa sarili na alam kong sinadya niyang iparinig sa akin.

Bukod kay Kuya ay sa kaniya at kay Brent lang ako komportable. Kaya ayaw na ayaw ko talagang absent si Brent, dahil kapag wala siya ay mag-isa lang talaga ako sa university.

Bumiyahe na kami sakay ng bus papunta sa space museum na sinasabi niya. Medyo malapit lang naman at sa tingin ko ay twenty minutes lang ang itinagal namin. Nang makarating doon ay tiningala ko ang isang malawak at may kataasang building kung saan may nakalagay na Naqui's Space.

"Nasa loob pa ang space natin." Nakasunod lang ako sa kaniya habang nakahawak siya sa palapulsuhan ko. Palinga-linga ako sa paligid, kakaunti lang ang tao. Karamihan ng nandito ay mga bata.

Nang makapasok sa pinakaloob ay agad na lumamig ang paligid. Inilibot ko rin ang paningin at nakitang sobrang lawak nito at taas.

"For two po." Tiningnan ko ang ginagawa niya at nakitang nag-aabot siya ng bayad sa babaeng nasa entrance counter ng building.

"W-wait, para sa'n 'yong two hundred?" bulong ko sa kaniya na siniguradong hindi maririnig ng babae sa harapan.

"Entrance fee," sagot niya sa akin.

Taranta kong hinila ang braso niya. "Mahal, Gabriel." Binili na nga niya ako ng libro tapos pati ba naman dito ay gagastusan niya pa. Dapat ay ang sarili niya lang ang ginagastusan niya rito, o kaya ang mga gamit sa pagta-tattoo. Hindi ako na wala namang relevance sa kaniya.

Nang tingnan ko siya ay napakalawak ng ngiti niya sa akin. Parang kumikinang-kinang din ang mga mata niya dahil sa tuwa. Kunot noo lamang ang isinalubong ko sa kaniya.

"'Yon na ba ang endearment natin?"

Hindi natanggal ang pagtataka sa mukha ko. Muli kong inisip ang sinabi ko kanina.

"Mahal, Gabriel."

Nag-init ang pisngi ko dahil sa hiya. Sa lahat ba naman ng sasabihin ko ay bakit iyon pa?

"H-hindi, 'no. A-ano. . . ." Napatingala siya dahil sa pagtawa na nagpahinto sa akin.

"Joke lang." Inubos muna niya ang tawa niya at muling nagsalita. "Ngayon na lang kita nakita. 'Tsaka may kakayanan na akong gastusan ka, bakit hindi?"

Napayuko na lang ako nang umiwas na siya ng tingin sa akin habang nakangiti. Okay lang kayang ganito kami kalapit sa isa't isa? Pa'no kung sabihin ng ibang tao na kakakilala ko pa lang sa kaniya ay ganito na niya ako itrato. Masyado bang mabilis?

Inalis ko na lang sa isipan ko ang mga iyon at sinundan siyang naglakad papunta sa loob. Binuksan niya ang isang itim na pinto para sa akin at agad kong nakita ang loob niyon.

Inihakbang ko ang mga paa ko papasok at tumingala sa madilim na kuwarto. Nakita ko ang maliliit na bituin na nasa pinakataas. Para akong nanonood ng mga bituin tuwing gabi. Nakakalat sila at parang pinapanood din ako.

Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtulak sa likod ko at naglakad ako nang dahan-dahan. Nanggagaling ang ilaw sa loob sa pamamagitan ng mga planetang nakasabit sa harapan namin. Hindi masakit sa mata at maaari naming tingnan nang maayos ito. May ibang tao ngunit hindi ko maitago ang sayang nararamdaman.

Tumingin ako sa likuran ko at nakitang nakatingin na sa akin si Gabriel. Halos mukha lang niya ang nakikita ko, ang maganda niyang ngiti at ang laging masaya niyang mga mata. "Ang ganda, pwede ko 'tong gamitin para sa story ni Cosmos at Starr."

"May gusto akong sabihin sa 'yo."

Muling bumaba ang ngiti sa mga labi ko. Ayaw na ayaw ko 'yong mga ganitong salita. Hindi ko kasi alam kung ang kasunod ba niyon ay maganda o masama.

Aalis na ba siya? May nagawa ba 'kong masama na hindi niya nagustuhan?

Huminga ako nang malalim at hinintay ang sasabihin niya.

"Liligawan kita." 

Seguir leyendo

También te gustarán

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
59.7K 2K 54
Play The Set Series #2 Melchora Benavidez. An easy go lucky girl who love the chase, laging gustong naghahabol pero kapag nagustuhan na? Mawawala na...
627 87 48
After discovering their love for each other, listened to their heart's desire, how would they decide to maneuver their love? For them, it's through a...
933K 30.2K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...