I LOVE YOU, Changes (1894-Mak...

由 amidsterarchy

73 18 1

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae (binibini) na ang pangalan ay Laraliah Isabella Delos Angeles. Siy... 更多

I LOVE YOU, Changes
Prologue
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V

Kabanata VI

0 1 0
由 amidsterarchy

Kabanata 6
Binibining Laraliah Isabella'
Point of view

{Oktobre 17, 1898}
Kagabi...

NAKALIMUTAN ko tuloy na nasa harden pa ang aking doktor, kasi naman napaka-kulit nitong si Rara. Alas nueve na ng gabi kaya't pinapasok ko na lamang ang doktor, bagaman nagpaumanhin din ako dahil sa katagalan.

Magkakilala daw sila ni Ginoong Sebastian, noong elementarya pa lamang sila. Tanda pa niya daw' na parati kong kasama si Ginoong Sebastian.

Kaya't nagulat siya nang nawalan ako nang memorya, sa isipan niya hindi ko talaga madaling mapabalik ang aking memorya.

"Siguro'y nalulungkot si Sebastian dahil hindi mo siya naaalala, mabuti nga sa kaniya"

Bagaman hindi ko na narinig pa ang huling sinabi niya kahit pa aking itong pinapaulit. Iyon tuloy pinalayas ko na siya sa aking tahanan, estoy enojado con el! hindi manlang ibahagi ang kanyang saloobin kay Sebastian. Baka minumura na niya ito, mabuti nga sa kanya.

Samantala pagkaalis niya ay dumating nadin sila ina, mukhang nagsaya sila habang hindi nila ako sinama. Ngunit pinasalubongan ako ni Ina ng leche flan at Pansit, naubus ko nga ang pansit dahil subrang sarap kasi naman may sabaw ito at may karneng baboy na lasa nanunuot ang sarap sa aking lalamunan.

Gusto ko tuloy kumain noon bukas mismo, kung papayag si ina't ama. Pupunta din ako sa may pintahan, hindi na ako gaanong sanay sa paggawa ng obra maestra. Sabi nga nila, kung gusto mong matuto, magsanay ka.

Kasalukuyan....

Sa aking palagay, nanunumbalik na din ang paglalim ng aking mga salitain. Kung kaya't mas gusto kong lumabas ngayon na araw dahil mas magandang may alam na ako sa aking paligid.

Marahan akong bumangon sa umagang ito, marami akong gagawin at itatama muli. Masayang Babatiin ang aking pamilya at kasamahan sa aming tahan, sa isip ko perpekto ang araw na ito kung walang sabagal sa aking gagawin kumbaga mas magandang kumilos ng mabilis kapag walang istorbo sa oras.

"Kayganda niyo talaga ate Lara! Gumaganda ang araw lalo na't maaliwalas ang iyong pagngiti ngayon. "

Napakatotoo nang kanyang sinabi kaya't aking siyang kinurot sa gilid. Akala niya ba'y nakaligtaan ko ang kanyang pang-aasar sa'akin kahapon? Kahit na ako'y nawalan ng memorya hindi ako makakalimutin.

"Aray ko naman ate Lara, pinaghandaan ko pa naman ikaw sa umaga na ito ng sariwang isda na kakaprito pa lamang, mainit-init na sinangag, at mula sa ating manok na prinitong itlog. Sayang lamang at pinuri ko kayo'y tapos ako'y lamang iyong kukuruti-"

Bumilog ang aking matang niyakap siya kaya't hindi niya natapos ang kanyang sinasabi kaya naman ng aking pagkarinig iyon kumarapis na ako sa aming kusina na at takam na takam ang nakikita ngayon sa aking mukha.

"Huwag po kayong tumakbo! binibini!"

Aking siyang nginitian ng bukal sa loob dahil mabubusog ako sa umagang ito!

Perfecto! Para sa akin, lubos na nakakabusog ang tanawin sa aking mga mata, ang perpektong paglagay ng plato't kutsara sa lamesa. Mukhang may angel sa taas ng mga pagkain dahil sobrang gutom na aking sarili!

"Bakit hindi nyo manlang ako ginising, ina't ama?"

Napatawa naman ang luko kong kapatid. "Ako ang gumising sa iyo kapatid ngunit hindi ko alam na isa ka palang tulog mantika. Napahirap mong gisingin" napatawa pa ito ng malakas kaya'y kinurot siya ni ina, buti nga.

Umupo na lamng ako sa tapat ni Ina, at dali daling kumuha ng pagkain sa mesa. Marami-rami din ang aking kinuha sapagka't mukhang napakasarap ng mga ito, nilantakan ko ng kanin at prinitong isda mukhang ito ay galunggong! Napakasarap.

"Napakatakaw mo pala anak" ani ni ama

Mukhang hindi ito tanong at hindi din papuri(・o・;)

"Pwede ba akong lumabas mamaya? gusto ko sanang magpinta doon may pintahan"

Nagkatinginan naman sila

"Magpasama ka lamang kay emerala,"

Bigla naman si rara pumunta kay ama at bumulong ito, ano kayang binulong niya? Mukhang nagulat ito sa binulong ni rara at may sinabi din ito sa kanya.

Kung anu-ano na ang pinagsasabi niya, siguro tungkol sa'akin o...

Nangyari kahapon noong pumunta sina Doktor Calixto at Ginoong Sebastian, mukhang oo nga ngunit bakit kaya parang galit si Ama? baka iba ang sinabi ni rara.

"Tapos kana ba ate Lara? Saan ba kayo pupunta mukhang magpipinta ka ah, may alam akong lugar upang makapinta ka."

Siguro sa lugar na lang na sasabihin ni Rara, saka hindi ko naman alam ang bawat sulok ng lugar na ito. Mas mabuti talagang kasama ko si Rara ngunit isasama ko ba si Rara sa loob eh hindi naman ako sanay na may tao na tumitingin sa akin kapag ako'y nagpipinta.

"Maghihintay na lamang ako sa labas ate lara katulad ng dati"

Tumango na lamang ako bilang ganti. May mga gamit naman yata doon kaya't hindi na ako magdadala doon ng kagamitan pagpinta.

"Malayo ba iyon rara? Ayos lang ba sayo na hintayin ako?"

"Hindi naman malayo at ayos naman sa'kin iyon ate lara kasi parati naman tayong magkasama at ginagawa yoon"

Tumango ulit ako at inaya na siyang lumabas, kanina ay nagpaalam na ako kay ina't ama. Ayos lang din daw sa kanila ako'y lumabas para masanay muli ang aking katawan sa pagpinta at para makibagay na din ako sa kapaligiran kasi naman hindi ko alam ang mga pasikot-sikot ng bayan namin kaya hindi ko alam kung paano ba ako makibagay o makisama sa sitwasyon kong ito.

Magandang umaga senorita Lara Isabella, kinagagalak kong ika'y makita muli! Pasalamat nga't ika'y gumaling agad, senorita

Alam ko kung sino siya! Siya si Arturo, siya ang naghahatid saamin kotsero kumbaga. Sinabi kasi ni Rara ang mga kasama namin sa bahay, kabilang din doon si ginoong Arturo.

Magandang umaga din, ginoo. Wari'y ihatid mo sana kami sa lugar kung saan ako parati nagpipinta? Hindi ko kasi alam.

Napatango siya at sinabing

Alam ko senorita kung saan kayo parating pumipinta, doon sa may malapit sa simbahan na kung saan—” nabigla ako nang hindi pinatapos ni Rara si Ginoong Arturo at siya na ang nagpatuloy nito! Gamit ang paglagay ng kanyang daliri sa bibig ni Ginoong Arturo na hindi nga wastong gawain! Napadaldal at pasaway talaga ito si Rara.

Kung saan kayo ni Ginoong Sebastian nagiistambay!

Kinurot ko naman siya kaya siya napasigaw, napakadaming sinasabi eh kapag iba na ang aking tinatanong eh ang ikli lang naman sinasagot hmpp.

Parang kinse minutos lang ay nakarating na kami sa aming patutunguhan, napakaganda at aliwalas ito. Tahimik at payapa dahil may puno at halaman may sampaguita sa tabi pagkapunta namin ito ay aking napansin kasi naman ang halimuyak ay napakabango! Mukhang ito na lamang aking pipintahin kasama ang puno ng mangga.

Pumasok na ho kayo ate Lara, dito na lamang kami at hihintayin ka mamaya. May taong nagbabantay diyan sa loob sabihin mo lang iyong pangalan at ibibigay nito ang iyong gamit sa pagpinta.

Tumango ako at nagpaalam. Napakaganda ng paligid, at tama nga ang sinabi sa'akin ni Rara maganda talagang dito ako magpinta dahil payapa at walang abala.

Bahagya kong binuksan ang pintuan at sumilip muna saglit, may mga tao sa loob kunti lamang at may mga kwarto't lamesa ang aking nakikita. Bago bumasok ay aking inilagay ang aking sapatos sa lalagyan sa ibaba at pinalitan ng tsinelas, dahil ito din ang sinabi ni Rara na isa sa patakaran ng pintahan na ito.

Marahang kong binuksan ang pinto para hindi gumawa ng ano mang malakas na ingay upang hindi maistorbo ang nagpipinta. Pagkatapos ay pumunta ako sa may gilid sa kanan kung saan naroon nakapwesto ang nagbabantay,

Laraliah Isabella ho ang aking pangalan.

Napatingin naman ito sa'akin, mukhang singkwenta na pataas ang edad nitong lalaking nagbantay at hindi naman ito mukhang masungit.

“Ikaw pala ija, ikinagagalak kong ika'y gumaling agad at nasisiyahan akong makita ka sa king pwesto upang magpinta!

Bumati din ako at bahagyang yumuko bilang pagbati. “Magandang umaga po, ako rin po'y ginagalak na ika'y makita ngunit hindi ho ko alam ang iyong pangalan dahil sa nangyari sa'akin”

Nasapo naman niya ang kanyang ulo at bahagyang parang may naalala, siguro'y alam niya na ako'y hindi pa bumabalik pa ang memorya o alaala. “Oo nga pala! Pagpasensyahan mo na lamang at ganito na talaga ako, ito na ang iyong gamit at hinihiling kong maging maganda ang iyong araw ng pagpipinta.”

Tumango na lamang ako bilang ganti at kinuha na ang mga kagamitan, pansin kong marami ang mga gamit at parang kumpleto lahat. Humanap naman ako ng puwesto doon sa may bintana na may halaman, mas maganda dahil makikita ko ang sampaguita!

Inilagay ko na ang aking mga kagamitan ng may napansin ako sa may kaliwa sa likod noong nakaupo sa unang lamesa ay may isang babae parang nakatingin sa'kin mukhang pinagmamasdan ako ng mabuti at may bahid ng pagkairita sa kanyang mata? Diba dapat nagpipinta ito at huwag lamang tumingin sa akin? Siguro'y muni ko lang iyon.

Hindi ko na lamang pinansin ito at sinimulang guhitan ng bulaklak at puno [sketch] upang may gabay narin ako.

pintura al óleo [oil painting] ang ginamit ko na medyum sa aking pagpipinta mukhang maganda kasi at nakita ko din ito sa isang papel kung saan makikita ang iba't ibang medyum at estilo ng pagpinta. Sinimulan ko ng kulay na asul ngunit kunti lamang at nilagyan ng kulay puting pintura hinalo ko ito at sinimulang puminta ng marahang.

Nilagyan ko ng ibang kulay katulad ng dilaw ngunit hinaloan ng puti at puminta muli, paulit-ulit akong gumagawa ng panibagong kulay at pinipinta muli. Nakaraan ng isang oras may kinse minutos ang tumigil muna ako dahil masakit na din ang aking kamay lalo na ang daliri.

Pansin ko din ay pumunta sa likod iyong babaeng tumitingin sa'kin kanina mukhang kakain sa likod, may kainan kasi diyan sa likod at nagpagawa nga din ako ng kape at nagbayad na din at bumalik sa pwesto.

Uminom ako ng kape galing sa babaeng nagbigay nito ng may biglang tumawag sa akin hindi kalayuan,
“Binibining Lara!”

Mukhang pupunta ito sa aking direksyon kaya't itinaas ko ang aking ulo at nakita ko si Ginoong Sebastian na kumakaway sa'kin, anong ginagawa niya dito?

“Ikaw nga! Bakit ka nandito Binibining Lara aking kaibigan? siguro'y tanda mona na ito ang lugar ng istambay natin ano?”

Huh? “Anong pinagsasabi mo ginoo? Nagkakamali ka yata, ikaw kaya ang pumunta dito sa'kin saka syempre nandito ako upang magpinta, ano”

Hindi ka man lang talaga mabiro, ikaw talaga ang aking pin—” magsasalita na sana siya nang biglang dumating iyong babaeng parang may galit sa'akin

Nandito ka pala ginoo! Kinagagalak kong makita ka, ako ba ang iyong tungo? Tara na't pumunta tayo sa labas.

Hindi man lang nito pinasagot si Sebastian, nagtanong pa eh pinatapos niya na ang tanong. Eh parang hindi naman siya ang pinuntahan, parang ako eh hmpp.

Ikagagalak din kitang makita, ito pala si Binibining Laraliah Isabella Delos Angeles ang kaibigan ko

Kaibigan ko? O kaibig-gan

Syempre biro lang.

Kilala na kita. Ikaw ang ikakasal sana dito ginoo, diba? Ako pala di Eva Cresela, maiwan mo na namin ikaw ha? Tara na Ginoong Sebastian

Huh? Mukhang pinipilit niyang umalis si ginoong Sebastian bagaman, hindi naman ako ganoong kainteresado sakanya kung ako talaga ang kanyang tungo.

Ah eh, gusto mo bang sumama saamin, binibini?

Bigla naman akong pinahiwatigan nong cresele kuno na para bang sinasabi nito na ako'y tumanggi sa paanyaya noong cresela, ilang segundo din na pahiwatig ay bumalik sa normal na ekspresyon at banayad ngunit plastik na ngumiti ito. Hindi na lang kaya ako sasama kasi naman baka sila lang ang magusap ako naman, tatahimik lang sa tabi at saka hindi naman pang huhusga ngunit parang ayaw din ako pasamahin noong cresela kaya't hindi nalang ako sasama.

Kayo na lamang at tatapusin ko itong aking pinipinta.

Alinlangan naman si Sebastian na tumango at mukhang malungkot ito na kumaway sabay alis, hindi manlang nga kumaway iyong cresela na iyon eh. Wala naman siguro akong ginawang masama doon noon ano?

Inialis ko na sa'king isipan iyong dalawa at pinagpatuloy ulit ang aking pagpipinta. Mga minuto ang aking binilang para ang aking obra maestra, ay matapos na.

Para sa'kin, syempre maganda itong aking pininta ngunit ipapakita ko pa ito kay Rara kung maganda ba o may kailangan pa akong idagdag o kaya pintahan ulit.

Lumabas na nga ako nang wala sa pwesto ang aming kalesa na ginamit baka nagpalit ng pwesto si ginoong Arturo. Hinagilap ko si ginoong Arturo ngunit may ibang dumating.

Binibini! magandang makita kang nagpipinta ulit.

Bakit siya nandito? Siguro may hinihintay din siya sa loob katulad ni Ginoong Sebastian. “Bakit ka narito? Magpipinta ka ba ginoong Calixto?

Magandang paghula ngunit hindi ako para sa sineng ako'y para sa hospital upang maglingkod.

Talaga ba? O kaya'y para sa isang binibini

O siya nga, bakit ka narito kung hindi ka naman pala pipinta?

Napatawa naman siya at nagsalita.

“Syempre ika'y aking pinuntahan, hindi ka talaga manlang mabiro.”

Napatawa naman ako, 'di ko alam na nagbibiro na pala siya. Hindi na ako nakapagtanong kung paano niya nalaman kung nasaan ako. “Alam mo binibini sabi nga, ang pagsasanay ng utak ay nakakatulong upang may magkaroon ng karunungan at kaya naman magandang nakikita kang masaya dahil ika'y nagpipinta,

Ngunit dahil kanina ka pa nagpipinta, ay kailangan mong magpahinga, kaya't tara pumunta tayo sa pansitan!

Nagpintig ang aking tainga nang aking marinig ang salitang 'pansitan'
Kasi naman sabi ko kanina ay gusto kong kumain at matikman ulit ang pansit na ibinigay sa'kin ni ina't ama napakasarap kasi.

Tara na nga!

Napakasarap! Mabuti nga't nakita ako ni Doktor antipatiko at nakakain ako ng pansit na may sabaw. Ang pansit dito ay iba-ba ang estilo kung paano ginawa, mayroong regular na pansit, pansit na may kung anu-anong sahog, meron ding pansit pero medyo ma-sabaw na ngayon nga aking kinakain.

Siguro'y hanga kana sa'kin ano?

Napailing-iling naman ako. “Napakahangin mo naman, masarap lang talaga itong pansit ano.

Bigla naman dumating yoong may-ari ng pansitan na ito, mukhang may edad na rin ito (babae). Mukhang may dala na naman ito ng napakalinamnam na pansit, mukang mapapakain na naman ako nito.

Ito na ang inyong pansit, senorita Laraliah!

Bahagyang yumuko pa ito kaya't bumati din ako.

Maraming salamat po, napakasarap naman ng inyong pansit. Ano po ang iyong pangalan?

Inilagay niya na ang dalawang mangkok ng pansit.

Ako si Felicita López, ako'y anim na pu't anim na. Iiwan ko na kayo at ako'y abala pa sa pagluto ha?

Tumango naman ako. “Ginoo, parati ka ba dito?

Humigop muna ito at nagsalita.
Oo, si Manang Cita kasi ay aking taga-alaga noon, ngunit pinahinto ko na't binigyan ng pera upang magtayo ng pansitan

Tumango ako, nilantakan ko naman ang pansit. Bigla ko naman nakita ang isang pigura ng tao sa gilid, hindi ko naman ito nakikita dahil madilim ito at malayo. At hindi naman siguro ito yong babae kanina kasi naman parang lalaki ito.

Salamat pala sa paglibre sa akin, uuwi na ako

Ihahatid na kita kung gusto mo” ani niy

Umiling-iling ako, may kotsero naman kami eh. Tumango ito at nagpaalam, ako naman ay pumunta ulit sa may pintahan nagbabakasakali na nandoon na sila Rara, ngunit pagkarating ko dito ay wala ang kalesa namin. Ang Ginoong Arturo nga naman, buti na lamang ay ako'y isang mabait na tao kung hindi, ay lagot talaga iyon sa akin.

Paano na ito? Hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito. At ubos na rin ang aking pera

Binibining Lara! Nasaan ang iyong tagahatid, gusto mo bang sumabay ka na lang saamin?

Si Sebastian! Akala ko ba kasama niya si Cresela?

Huwag na—

Pinutol niya ang aking sasabihin.
Batid ko'y nasira ang inyong kalesa dahil luma na ito, kaya't sa'akin ka na lamang sumakay upang makauwi kana
mahinahon na sabi niya.

Kaya't minabuti kong makisabay na lamang sa kanilang kalesa. Mas malaki ang kalesa nila at tama nga na luma ang aming kalesa at sa kanila'y bago pa.

Kumapit ka sa akin kamay, binibini.

Inilahad niya ang kanyang kamay kaya't hinawakan ko ito at nagulat ako dahil hindi ito magaspang katulad ng iba, mukhang tamad siya pero mukha lang naman.

Habang ako'y humakbang at uupo na ay ito namang si Ginoong Sebastian ay titig na titig sa akin. Hindi ko alam, pero parang may kung ano sa kanyang pagtitig. Umiwas naman ako ng tingin at tumikhim. Siya namang pagkabalik niya sa ulirat dahil nga para siyang tulala kanina.

Kinse minutos ay naka-abot na kami sa'aking bahay. “Salamat sa pagpasabay sa'akin ginoong Sebastian.”

“Walang ano man Lara”

Sa ibang lugar...

'Bakit sila ang magkasama? Diba sabi ko'y pagsamahin niyo si Calixto kay Lara, bakit sila ang magkasama paguwi?

Natakot naman ang lalaki. "Hindi po namin alam, kanina po'y nakita mismo ng aming mata na magkasama sila Calixto at Senorita Lara"

"Hijo de puta! Mga walang silbi!"

继续阅读

You'll Also Like

235K 8.8K 59
She will do everything to be back from where she is from, but will she be able to risk everything? Nag lakbay labalik si Amira sa taong hindi niya aa...
147K 5.4K 58
Description: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
48K 1.2K 33
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...