Beneath your arms

By lughtuarte

73 2 1

More

Beneath your arms
01
02
03

04

12 0 0
By lughtuarte

"Mi, uminom po ba kayo?" Kakalabas ko lang sa kitchen ng maabutan ko siyang pumasok sa pinto, naniningkit ang mga mata niya at namumula ang pisnge .

Nang makita ako ay malawak niya akong nginitian "o! Anak ko , nariyan ka na pala. Kumain kana?" tumayo siya ng tuwid sa gilid ng pinto upang huwag ipahalata ang pag susuray suray ng katawan niya

"Opo, Kanina pa ako nakauwi mi" humagikhik ito at nakomperma kong nakainom nga ito, nakatitig lang ako sakanya at hindi parin siya umaalis sa pwesto niya para bang ayaw niya talagang lumapit saakin para hindi ko siya maamoy.

Napabuntong hininga na lamang ako at sinabing aakyat na ako para magawa na niya ang gusto niya. Pilit pa niyang itinago ang kalasingan kahit halatang halata ko naman. Nang makapasok ng kwarto ay agad akong humilata. I searched for my wall clock and saw the time there. Its 11pm

Nakarinig ako ng kalabog kaya napabangon agad ako. Sumilip ako sa pinto at nakitang nabungo ni mommy ang shoe rack sa gilid ng pinto ng kwarto nila ni daddy, I heard her cuss habang ingat na ingat na ibinalik ang mga nalaglag na sapatos.

I went back to bed . I'll talk to her tomorrow mas sanay ako na nakikitang na babadtrip lang siya sa casino mas nakakausap ko pa siya pag ganoon dahil saakin siya nag rarant ng kamalasan niya. And it bothered me na parang biglang ang layo niya saakin, ilang araw pa lang naman siyang nag kakaganito at nag aalala ako.

Ngayon na ang opening ng intramural sa aming eskwelahan, madami akong dalang gamit, mga kailangan sa org at extrang damit dahil nga may color fun run kami , maaga akong naligo at binaba ang gamit ko, nakarinig ako ng tunog nag luluto sa kusina kay iyon ang inuna kong sinilip, naka apron si mom habang nag piprito ng itlog. Good she's back.

Inilagay ko ang mga gamit sa sala bago ako bumalik sa mesa "good morning mii" I kissed her cheeks mukhang nagulat pa siya at hindi agad siya nakabati saakin

"Ang aga mo naman haya di pa sumisikat ang araw" inilapag niya ang pingan na may dalawang sunny side up egg at hotdog "mi diba ngayon yung intrams namin , nakalimutan mo?" Ipinag sandok niya ako ng mainit na kanin "nawala sa isip ko anak, sorry"

Matapos niyang ibigay ang kanin saakin ay umikot naman siya sa counter top at nag labas ng mug "ok lang po, nga pala mi may papa permahan ako na waiver sayo , sandali" umalis ako saglit upang kunin iyon sa bag ko, buti at di ko nakalimutan kailangan din kasi ang consent ng parents para sa mga gagawin naming activities.

Nang makabalik ay nakaupo narin siya sa mesa at may nakalagay din na cup sa gilid ng plato ko , malamang ay ipinag timpla niya ako ng gatas "eto po" ibinaba ni mommy ang hawak na kape . Saglit niya lang iyon binasa at agad na pinirmahan

"Kumain kana, mag aayos lang ako at ihahatid kita" I nod at her , hindi ako kumain ng madami dahil nga tatakbo ako mamaya , nag toothbrush lang ako ulit  at eksaktong bumaba nadin si mommy, pinatungan lang niya ng cardigan ang suot na pantulog pero kahit ganoon ay maayos naman siyang tingnan, namana ko ang pagka mestiza ni mommy , kahit naarawan ay namumula lamang ang mga balat namin at hindi nangingitim.

Habang nag mamaneho siya hindi ko mapigilan ang mapa sulyap sakanya, gusto ko siyang tanungin kahit mukhang ayos naman na siya ngayon "mii..."
Lumingon siya sandali at sinagot ako "bakit?"
Napakagat ako sa labi at napatingin na lamang din sa labas ng bintana "ayos lang po ba kayo?"

Hindi ko nakikita ang reaction niya pero umabot iyon ng ilang minuto bago siya nagsalita "oo naman, wag mo nga akong intindihin may pinag kakabusyhan lang ako"

Tumango na lamang ako kahit di ko alam kung nakatingin ba siya saakin. Mukhang ayaw naman niyang pag usapan iyon. I let go of the thought already , inisip ko nalang na personal iyon at hindi ko maiintindihan , I trust mommy.

Pagka dating sa school ay marami na ding estudyante madilim pa rin pero pasikat na ang araw , naka p.e uniform ang lahat dahil color fun run ang mauuna at may basaan. Pagkatapos nito ay magpapalit naman kami ng tshirt na design ng kanya kanyang club para sa parade, there's also lighting of the torch for the opening of intramurals .

"Ok na ako dito mi" she nod before handling me a one thousand peso bill "pambili ng meryinda, wag ka ng umarte" ngumite ako ng malawak aarte paba ako? I gave her cheeks a kiss and bid her goodbye.

Dumaan ako sa locker upang iwan ang gamit bago dumeretso sa council office "good morning" nagulat ako ng batiin ako ni patrick nakatayo ito sa gilid ng pinto ng council room "good morning din" tinanguan lamang niya ako "wala pa si pres?" Naitanong ko dahil mukhang nakatambay lamang siya dito sa labas "nariyan"

Dahil mukhang tinatamad siyang makipag usap ay tumango na lang din ako at pumasok sa loob , nakasalubong ko agad ang mga mata niya.

agad kasi itong tumingin sa direction ko pagkabukas ko ng pinto "good morning pres" ako na ang bumati dahil sandali siyang natulala at bahagyang naka buka ang mga labi

"Good morning ... your schedule's right here" lumapit ako sakanya upang kunin ang folder na inabot niya.

Napasinghap ako ng maamoy ko ang pinag halong bango ng shampoo at cologne niya , nakakaadik, ano kayang gamit niyang pabango at napaka sarap sa pakiramdam amoy fresh!. Sinaulo ko lang ang laman ng folder kong saan nakalagay ang schedule ko. Nakakahiya at baka ma pansin niyang inaamoy ko siya. Patapos na sana ako sa pag babasa ng makita ang nasa dulo ng remarks "bakit sa soccer field ako mag a-assist?"

"I don't know , I'm not the one who fixed the schedules" lumingon ako sakanya but he's also busy reading something on the folder

Di ko mapigilan ang magtaka dahil naka assign lamang ako sa bawat match ng math club bukod doon ay wala ng ibang sports na naka assign saakin.

Nag simula ng magpasukan ang iba naming kasama sa council, nag bigay lang ng pahuling pag papaalala si pres at sabay sabay na kaming lumabas sa school para simulan ang fun run.

Dito ako namamangha lagi kay pres, ang dami niyang na lilikom na funds para sa ganitong mga activities sa school namin, alam mo talagang pinag handaan dahil mayroong tanod at enforcers na nag ro ronda sa daan para ma secure ang safety ng students, bawat point din ay naka prepare na gatorade and water para sa may gusto , at ready na rin ang mag babasa ng tubig sa mga estudyante, nag hire pa talaga ng event organizer si pres para lang dito, at umpisa palang ito

Sumilip na ang araw , ang lahat ay tuwang tuwa dumagdag pa ang malakas na tugtog sa sound system na rinig sa buong school, ramdam na ramdam mo talaga ang eventful na araw.

Umakyat kaming officer sa mobile stage truck na pinrovide din ng organizer.

Naroon ang dalawang mc na kanina pa nag sasalita at pina pa hype ang crowd "eagles! let's all welcome your student councils!!!" Nag hiyawan namang ang mga estudyante , all of them have numbers at the back of their p.e uniform

"Wow! I like the energy!! Whooo , I know you're all very excited but lets hear a message from our very own President!!" Ganoon na nga at nag marcha na si pres papunta sa harap "good morning students" ang buong buo at malamig niyang boses ay bumaha sa paligid ng paaralan . Kulang na lang ay mag lupasay na ang mga fan girls ni pres dahil talaga namang napakagwapo nito sa suot na p.e uniform

Nag bigay lamang ng guidelines si pres at pag papaalala ng safety ng lahat, pagkatapos non ay siya na rin ang nag patunog sa whistle upang mag umpisa na ang fun run.

"Thank you guys for making this event possible I'm very proud of my council students!" Papuri saamin ni mrs. Sta maria ang council adviser namin. Halos wala nadin naman siyang ginawa dito dahil kami ang umasikaso ng lahat. Madami ding teacher ang pumuri saamin dahil talaga daw na excellent ang pag uumpisa palang ng intrams. Nag si alisan na din ang iba kong mga kasama papunta sa point na naka assign sakanila. Ako naman ay hindi na umalis dito dahil ako ang mag aabang kong sino ang mananalo sa color fun run . Of course dito palang ay may pa prize na , for the first runner up hangang third. Not to brag pero 5k ang makukuha ng 1st place plus loot bags and 3k for the second place plus aqua flask and 1.5k para sa third place plus signature school cap.

Parang gusto ko narin sumali at tumakbo din , nakaka motivate tumakbo yung prize!

Nag labas nadin ako ng tubig at gatorade sa lamesa kong saan ako nakaupo at nag hihintay. May mga tao din sa gilid ko na kumukuha ng video at drone shot ng color fun run, meron din videographer at photographer on the ground, documentation lang naman ang kailang pero super extra tong president namin at ipapalabas naman lahat to sa closing ng intrams namin.

"Vice" nagulat ako ng may umupo sa tabi ko "geib..may kaylangan ka?" Sumulyap siya saakin sandali bago ibinato ang tingin sa kung saan , naka suot din siya ng p.e uniform kagaya ko, hindi ko siya kaklase dahil section 1 siya at ngayon lang din niya ako kinausap

"Dito nalang ako pwede ba?" Sinuklay niya ang buhok gamit ang kanyang kamay "ikaw ang bahala"

Tahimik na kami pagkatapos non, si geib ang treasurer namin , kung may isang bagay man ang mapapansin sakanya iyon ay ang natural na mapupula niyang labi, "ang tahimik mo" nanliit ang aking mata sa pagtataka bakit niya ako kinakausap

"Tahimik naman talaga ako" inilipat ko ang ilang hibla ng mahaba kong buhok sa likod ng aking tenga bago ako tumingin sakanya, ang nakangisi niyang mukha ay biglang napalitan ng pagkagulat sa biglang pag tingin ko sakanya "si rico kayo pa ba?"

Napakunot ang aking noo ng bangitin niya ang pangalang iyon, alam kong alam ng lahat ng pakikipag relasyon ko noon kay rico pero ano naman sakanya ang bagay na iyon "sorry , wag mo nalang sagutin"

Ibinalik ko ang tingin sa harap , akala ko ay doon na nagtatapos ang pag uusap namin pero may kasunod pa pala siyang tanong "sa apat na taon ko sa council ngayon mo lang ako pinansin, is it okay if I'll introduce myself formally?"

Naglahad siya ng kamay sa harap ko "geib del rosario from section 1 , pwede mo maging kaibigan"

Nakatingin lang ako sa malinis niyang kamay , "no need for formality geib" nakangite na ulit ito saakin, kaya maliit ko din siyang nginitian, tumayo na ako ng matanaw ang isang estudyante, mukhang ito na ang first runner up namin, pagkarating ay inabutan ko ito ng tubig at kinuha ang number niya sa likod, inalam ko din ang pangalan niya.

Ang sunod na dumating ay si geib na ang nag asikaso, ilang sandali lang din ay isa isa ng nakabalik ang mga estudyante, naka secure na rin kami ng 3 winners at mai announce iyon mamaya, lahat ay tuwang tuwa iba narin ang mga kulay ng damit nila dahil sa water color na isinaboy sakanila. Nag punta na ako sa emcee na nasa stage at inabot ang information ng 3 winners , habang ginagawa ko iyon ay nakasunod lang si geib saakin , ang babaeng emcee ay ilang beses pang pinasadahan ng tingin ang lalaki at mukhang natipuhan niya , tuloy kahit nakatayo na kami dito sa gilid ay dito parin lumilingon.

Mas lumakas na din ang tugtog padami na rin ng padami ang nag si-si datingan "una na ako" sabi ko bigla ng matanaw na parating na si pres "hindi,sama na ako"

Hinayaan ko siyang sumunod saakin, mabuti narin yon at siya ang pag bubuhatin ko ng mga torch , nag labas narin ako ng philippine flag at pagkabalik namin sa ground ay naroon na lahat ng estudyante "wait" napatigil din ako sa pag lalakad dahil bigla siyang humarang sa daan ko nag tataka man ay pinanuod ko siyang ibaba ang hawak na mga torch lumuhod siya sa harap ko at halos di ko alam ang gagawin ng bigla niyang isintas ang sapatos ko

Agad na sinuyod ng tingin ko ang mga tao sa paligid at halos iilan sakanila ay nakatingin saamin "ayan ayos na vice" malawak pa itong ngumite saakin bago tumayo "salamat" iyon lamang ang nasabi ko .

Kasama din pala si geib  sa lighting of the torch siya ang magpapasa ng torch saakin at kay pres ko naman iyon ipapasa, nag simula na nga at ang student athlete ang unang tumakbo ipinasa niya iyon sa isa pang athlete at ibinigay iyon kay geib, habang tumatakbo ito papunta saakin ay halos nakangite lang siya , ng makarating sa pwesto ko ay higla niyang nasabi "ang ganda" hinawakan niya ang kamay ko ay inilagay doon ang torch

Nakarinig ako ng tilian pero hindi ko na magawang isipin iyon o kahit ang sinabi niya, tumakbo narin ako papunta kay pres, seryoso lang itong nag hihintay na makarating ako sa pwesto niya , ni hindi manlang ito tumingin saakin "pres" I extended my arms to give him the torch , sandaling tumaas ang sulok ng kanyang labi at ang inakala kong kukunin niya ang torch saakin ay hindi nangyari

Ngunit hinawakan lamang niya ang kamay kong may hawak sa torch at isinabay niya ako papunta sa gitna, and we both light up the bigger torch

"Welcome to our intramurals!!! Lemme hear your cheer eagles!!" The emcee announced . Napasigaw naman ang lahat at nag palakpakan

"After the parade... You're coming with me" doon lamang ako napalingon sakanya , bahagyang nag iinit ang aking mukha kaya mabuti nalang ay nakatalikod na siya saakin.

Gusto ko suwayin ang sarili sa sayang nararandaman, kaya bago pa ako mag mukhang tanga dito ay nag lakad na rin ako sa papunta sa room ng club namin, madami pa naman akong aasikasuhin doon

"Feeling maganda!" iyon agad ang bumungad saakin pagkapasok ko , hindi ko alam kong para kanino iyon dahil bigla lamang isinigaw ng grupo ni jasmine
Hindi ko na lamang pinansin iyon at dumeretso nalang ako sa harapan

"Good morning everyone, please line up I will distribute our props for the parade, I also expect that you have already familiarize our cheers and yells" naunang pumila ang mga naka bihis na nang club tshirt, royal blue ang kulay namin ngayong taon

Pagkatapos ay nag palit na rin ako ,Sinamahan ko din si mrs. Kristen sa faculty at saakin niya ibinigay ang attendance. Sabay na rin kaming lumabas ng campus para sa parade. Ako ang nasa pinaka huling pila ang sa likod ko ay ang mga taga literary club.

"Hi haya!"

"Tingin ka naman dito haya"

Walang tigil sa pag tawag saakin ang mga lalaki sa likod kaya masama ko silang nilingon . Mukhang tinablan naman sila nang hiya kaya hindi na nila ako ginulo

Matapos pumarada ay nag tipon ulit kami sa malaking open field. Tahimik lang akong nakamasid sa paligid

"Napakayabang talaga ng haya na yan" kumunot ang noo ko ng marinig iyon, mukhang sinadya talaga niya ang pasaring saakin . It was jasmine group again. Dahil natawag ang pangalan ko ay nilapitan ko sila "may problema ba?"

Sabay na nag irap ang mga ito ng tingin saakin "ang tapang mo namang humarap saamin! Malandi!" May ilang nakakarinig sakanya kahit malakas ang tugtog dahil talagang isinigaw niya iyon

"Lahat nalang ba ng lalaki sa council lalandiin mo? Una si pres , tapos si patrick at ngayon naman si geib! Mahiya ka haya" hindi ako makapag salita sa sinabi niya, alam kong hindi totoo lahat yon pero nakakagulat na ganoon pala ang tingin nila saakin

"Akala pa naman namin matino kang Vice President!" Dagdag pa ng kaibigan niyang nangingitim ang mata dahil sa eyeliner

"Matalino sana kaso makati pala" nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng babaeng mukhang pugad ang buhok

"Oh hindi ka makaimik dahil totoo?! Malandi ka talaga!" Itinaas ni jasmine ang kamay para sampalin ako pero hindi iyon dumapo sa mukha ko.

Napalingon ako sa gilid at nakita si leo, flare at arci. Hawak ni arci ang kamay ni jasmine, ibinaba niya iyon "do you know that's bullying miss?"
Ngayon ko lang naalala na ka club ko pala ang tatlo, kahit hindi umaattend ng meeting ang mga ito ay perfect attendance naman sila sa parade . Ni hindi ko din naman sila nakakausap sa club , siguro ay narinig din nila ang pag sigaw ni jasmine kanina

Biglang naging parang mabait ang mga kaibigan ni jasmine "mali ang iniisip mo arci-" she didn't even finish her sentence when she got cut off "dude! were not close, don't use first name basis"

"Haya, you should report this, we will testify " that's leo kanina pa yata siya nakatingin saakin. Ako naman ay kalmado lang na nakatingin sakanila.

Halatang kinabahan din sila jasmine pero pinili parin nilang umirap saakin. Bitches "it's okay, thank you for helping me" iyon lamang ang isinagot ko sa tatlo . Umalis na ako doon dahil tinawag ako sa harap tumulong ako sa pag angat ng flag namin at doon natapos iyon, kanya kanya nang alis ang mga estudyante papunta sa mga sinalihang event at magpalit ng sports wear, wala naman akong gagawin kaya tumayo muna ako dito sa patio para mag pahinga 10am na at parang ubos na ang energy ko , what a tiring morning. Napahikab ako

"Haya"

"Haya"

Agad akong napaayos ng tayo. Taena mangugulat pa ang mga walangya . Both of them are wearing their jersey's iyong isa naka pang soccer at yung isa naman ay naka volleyball sports wear

I don't know if my eyes were playing tricks with me but I saw Pres throw a death stare at geib .

"Del rosario, The tournament will start now why are you still here" napatingin pa si pres sa relo niya at mukhang ipinaalala nito ang oras

"Second batch pako pres , yayain ko sana si vice na manuod" ngumiti ito saakin

Hindi pa ako nakakasagot ay naunahan na ako ni pres "no!" Sabay kaming napalingon ni geib sakanya
Mukhang nagulat din si pres sa sarili at umiwas ng tingin saakin

"I mean she will facilitate the football game, so just ask her next time" ibinalik na niya ang tingin saakin at nakasalubong na ang mga kilay niya " coach fred ask me to find you, there's a conflict on the schedule"

Nataranta naman ako dahil doon, ang aga aga namang problema noon "tara na pres" nauna na akong lumakad sakanya sa papunta sa booth ng facilitator, nakita ko nga doon si sir fred kaya sa direction niya ako nag punta.

"Haya...wait" lumigon ako kay pres na nakasunod din saakin "tara" siraulo ba siya may gagawin pa ako bat ba siya nag aaya kung saan "ok na raw" sabi nito na parang nabasa ang nasa isip ko, may isininyas sakanya si sir fred at tumango naman ang lalaki

"Stay here, watch me play" pinaupo niya ako sa nag iisang upuan na may silong , inilapag niya ang duffel bag sa gilid ko at pinahawak saakin ang hydro flask niya .

Tumalikod na siya saakin para pumunta sa mga ka teammates niya pero hindi paman nakakalayo ay napatigil siya "wala bang good luck diyan?"

Napahigpit ang hawak ko sa tumbler niya dahilan ng pagtahip ng kaba sa dibdib ko, kakaibang kaba na para bang kinikiliti ang puso ko, iyong kaba na hindi dahil sa takot ...

"Break a leg" I said and gladly he didn't glanced at me again, I would sure look hilariously smiling here

And so...

There are matters of the heart which reason cannot explain.

Continue Reading

You'll Also Like

424K 14.6K 35
"You know I got you right?" "Yeah I know" Β©namtiddesss All Rights Reserved *********************************************************
5.9K 196 12
Inside