Fix You Miss No Good

By rahnelovespanda

3.6K 557 518

Read at your own risk. More

Fix You Miss No Good
Chapter I : The Trip
Chapter II : Close Encounter
Chapter III : The Topless Man
Chapter IV : Luke
Chapter V : Wide Awake
Chapter VI : Sanie's Itinerary
Chapter VII : Mirabella
Chapter VIII : Moments
Chapter X : All of the Stars
Chapter XI : Turning Point
Chapter XII : Begin Again
Chapter XIII : Chill Out
Chapter XIV : Confessions
Chapter XV : Running Away
Chapter XVI : Somehow
Chapter XVII : Stolen Glances
Chapter XVIII : Should I or Should I Not?
Chapter XIX : Joy Ride
Chapter XX : Say Kimchi!
Chapter XXI : Hide-and-Seek
Chapter XXII : Unexpected Guest
Chapter XXIII : The Girl and Her Feelings
Chapter XXIV : A Night To Remember Part I
Chapter XXIV : A Night To Remember Part II
Chapter XXV : Unsteady

Chapter IX : Right Move? Wrong Move...

143 28 24
By rahnelovespanda

Jusme! Umakyat na ba sa ulo ni Luke ang init kaya ganito ang nagiging reaksyon niya?

Nabigla ako sa pagyakap sa akin ni Luke. Bukod dito ay may konting kurot sa dibdib akong naramdaman.

Napukaw ang paglalakbay ng aking isip ng makarinig ako ng mga nagtatawanang lalaki at babae. May ilang segundong huminto sila at nagsimulang magpalitan ng mahihinang pag-uusap.

Nakatalikod ako kaya hindi ko alam kung sino ang mga ito. Pero palagay ko ay kilala sila ni Luke dahil habang nakayakap siya sa akin ay naramdaman ko ang pagtango ng kanyang ulo. Senyales ng pagbati o pag- acknowledge niya sa presensya ng mga ito.

"Luke..." Boses ng isang babae.

"Whoohoo!!! Tara na mahuhuli na tayo." Sabi ng isa sa kanila. Nasa tono niya na na-gets na nila na hindi sila welcome sa spot na ito dahil heto kami ni Luke magkayakap.

Narinig ko ang kaluskos ng mga halaman sa paligid at ang papahinang mga pag-uusap. Papalayo na sila sa lugar na kinauupuan namin ni Luke.

"Sorry..." Mahinang sabi ni Luke bago niya ako pakawalan sa pagkakayakap.

"~Ex.." Kamuntik na ako mabulunan sa sariling laway.

Kaya pala ako niyakap ng loko. Ginamit pa ako. Tss.

Aaminin kong naimbyerna ako sa ginawa ni Luke. Pero imbes na sampalin siya ay minabuti ko nalamang na tumayo at ipagpag ang mga tuyong dahon na dumikit sa aking damit.

"Tara na..magdidilim na baka abutan tayo sa daan", anyaya ko sa kanya.

Ang hindi ko malaman sa lalaking ito ay kung bakit kailangan niya akong titigan. Parang na-a-amaze pa siya na hindi ako bumanat o ano pa man.

"Hoy Mr. Sto. Domingo heatstroke?", pabiro kong sabi sa kanya.

Iiling-iling na sumunod si Luke sa akin.

Tahimik kami buong biyahe pabalik. Siguro nahihiya si Luke sa ginawa niya kanina.

Serves him right. Gawin ba naman akong instrument para may maipkita sa ex niya. Hmp. #GGSS.

Hindi ko man lang nakita yung mukha ng girl.

Teka?!

Bakit ko pa ba iniisip 'yon.

Pag naaalala ko yong ginawa ni Luke na pagyakap sa akin nakakaramdan ako ng kurot sa dibdib pero parang dumodoble kapag naaalala ko na ginawa niya yon kasi yong Ex niya dumaan.

Madilim na nang makabalik kami sa casa.

Ewan. Kanina masaya naman kaming umalis pero heto walang imikan kaming bumalik.

Papasok na ako sa veranda pero natigilan ako nang makita ko si Luke na nakatitig sa akin.

Nakasakay pa rin siya sa motor at hindi nagsasalita. Feeling ko meron siyang gustong sabihin pero..ano? Nahihiya ba siya?

Pagkatapos umiling ay binuhay niyang muli ang motorsiklo at umalis. Patungo saan, hindi ko alam.

May kurot na naman akong naramdaman.

Aba.. Kailangan ko na atang pumunta sa heart specialist pag balik ko ng Manila. Napapadalas na ito ah.

Nagtungo ako sa aking silid at nagmuni-muni.

Ayokong matulog dahil baka managinip na naman ako ng hindi maganda. Lately na-o-occupy ng activities namin ni Luke ang isipan ko kaya pakiramdam ko ay hindi ako dinadalaw ng masamang panaginip.

Mga alas nuebe na ako bumaba para maghapunan. Itinaon ko sa oras na alam kong nasa silid na si Luke at marahil ay nagpapahinga na.

"Akala namin pati po kayo Ms. Icay ay hindi kakain", kwento ni Camilla habang tinutulungan akong maghain.

"Ganun ba. Bakit si Luke hindi rin kumain?", tanong ko sa dalagita.

"Naku eh hindi pa po bumabalik simula kaninang inihatid kayo sa casa. Sige po kung may kailangan pa kayo nasa silid lang ako." Paalam ni Camilla.

"Okay lang. Kaya ko na ito. Salamat Camilla."  
Saan kaya nagpunta si Luke?

Tss Veronica Lagman wag masyadong concern.. Napa iling ako sa pagsuway ko sa sarili.

Matapos kumain ay iniligpit ang pinagkainan at nagtungo sa silid.

Naglinis ako ng katawan at nagbihis ng paborito kong pantulog. Kulay pastel green na semi panjama at tank top na yellow.

Sabi sa akin ni Sanie na good color brings good vibes.

May ilang buwan na rin na panay dark colors ang suot ko. Siniguro ni Sanie na in good color ang dadalhin kong mga damit sa trip na ito.

Malapit ng maglakbay ang diwa ko sa dreamland nang makarinig ako ng kaluskos sa may veranda.

Automatic na dumilat ang mga mata ko.

Ano ba yan. Ano naman kaya ang ingay na yon.

Bumangon ako at binuksan ang slidding door na namamagitan sa silid at veranda. After nung encounter ko kay Luke sa silid ay sinisiguro kong nakasara ito dahil baka maulit na naman ang naganap ng gabing iyon.

Sisilip sana ako sa paligid ng may kung anong tumama sa noo ko.

"Shoot!" Ouch! Ang sakit niyon ah.

Hinanap ko kung anuman ang tumama sa akin. Maya-maya meron na namang nagmumula kung saan ang tumama sa balikat ko.

Aha! Huli ka..Pebble?!

Swerte at nakailag ako sa pangatlo sanang bato na tatama sa akin. Aba..aba sino bang nagbabato nito.

Dumungaw ako sa ibaba ng veranda at namangha sa nakita.

Si Luke, palinga-linga at aakmang babato na naman.

"Pssst.. Hoy!" Tawag ko sa kanya.

Gulat ang rumehistro sa maamo niyang mukha.

"Gising ka?" Tanong niya sa akin. Nahihiya siyang napangiti.

Aba malamang! Naisip ko. Maiinis sana ako kung hindi lang sa ngiting iyon e.

"Anong kailangan mo Luke. Alas diyes na... Wag mo sabihing hindi ka makatulog at kailangan mo ng kausap?" Nakapameywang kong sabi sa kanya.

"Oo sana..." Sabi niya sabay ngiti. Doon ko lang napansin ang hawak niyang bote ng wine.

"Magigising ang lahat kung maguusap tayo habang nandito ako itaas at nandiyan ka sa ibaba.." Panghihikayat ko sa kanya na ipagpaliban na lamang ang paguusap.

"Teka.."

Makaraan ng ilang sandali ay may dala ng hagdan na gawa sa kawayan si Luke. Inihilig niya ito sa may tabi at sumenyas na bumaba ako.

"Hah? No." Kunot noo kong sinabi.

Haha patawa rin minsan itong lalaking ito. Matapos niya akong gamiting pampaselos sa ex niya kanina, ngayon naman iistorbohin niya ang pagtulog ko para makipag kwentuhan.

"Hurry..please" pagmamadali ni Luke.

Ako naman naiinis pero heto pababa na ng hagdan.

"Eto na. Eto na nagmama~"

PAK! Nalagpasan ko ang isang baytang kaya hulog ang peg ko.

Akala ko lalagapak ako sa sahig pero lumagapak ako kay Luke. Naisip ko wrong move ata na bumaba ako at nagpauto sa paanyaya ng lalaking ito o right move na nalaglag ako para makalapit ng ganito kay Luke.

Psshh Veronica! Ayan ka na naman sa mga indecent thoughts mo.

"Ay sorry Luke." Sa totoo lang nakakatunaw siyang tumingin. Yong tipong tumatagos sa kaluluwa ng tao.

"Ano ba yan lasing ka na agad. Hindi ka pa nga umiinom" Natatawang pahayag nito.

E nakakalasing kaya yang mga tingin at pasulyap-sulyap mo.

"Asa. Tara na. Ano bang pagkukwentuhan natin?" Balik ko sa kanya.

Itinuro ni Luke ang sasakyan niya. Naka puwesto ito sa daan papunta ng beach pero madilim na ang bahaging iyon dahil hindi na naabutan ng ilaw mula sa casa.

Bukas ang headlights. Sapat para gabayan ako kung saan ang daan.

Sasakay na sana ako ng tawagin ni Luke.

"Anong gagawin mo diyan? Tara dito" namamanghang tanong niya.

Nagtungo ako sa kinatatayuan ni Luke.

Nanlamig ang buo kong katawan sa nakita.

Puro comforter at unan ang laman ang likod ng pick up.

Pinagpawisan ako ng malamig nang ilagay ni Luke ang magkabilang kamay niya sa bawat balikat ko.

Oh no wrong move.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...