Obsessive Men Series 1: GOVE...

By hatchaamee

269K 6K 383

Started: August, 2022 FINISHED: January, 2023 More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
LAST CHAPTER
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT!!!!
ANNOUNCEMENT!
AUTHOR

CHAPTER 6

7.5K 142 2
By hatchaamee

SLOANE

Kahit masakit ang aking buong katawan ay pinilit kong bumangon para makapagpalit ng damit. Kumuha na lang ako ng isang t-shirt ni Don Octavius sa kaniyang closet at iyon na ang isinuot ko.



Wala akong balak na dito kumain sa kaniyang kwarto kaya minabuti ko na lang na lumabas na at bumaba


Bitbit ang tray ay paika-ika akong naglakad patungong kusina. Nakasalubong ko si Manang Lumeng na agad bumaba ang tingin sa aking mga paa saka tumingin sa aking mukha at ngumiti ng makahulugan


"Tila hirap ka yatang maglakad, Hija" Usisa nito bago kinuha sa akin ang hawak kong tray



"N-namanhid lang po ang mga p-paa ko M-manang" utal kong sagot sa kaniya saka ko pinilit na maglakad ng maayos



Umupo ako sa stool na nasa side ng counter. Inilapag naman ni Manang Lumeng ang tray sa harapan ko



"Gano'n ba, Hija" Tumango-tango ito ng hindi inaalis ang kakaiba niyang ngiti. Nag-iwas na lamang ako ng tingin sa kaniya



"O-opo" sagot ko na lang bago sinimulang kainin ang cereals at sandwich na laman ng tray


"Talagang bagay na bagay sa iyo ang mga damit ni Don Vius. At mukhang paborito mo talagang suotin ang mga t-shirt niya" muling sabi nito kaya napatingin ako sa kaniya



"N-napaka-komprtable po kasing suotin" sagot ko na tinanguan naman niya



Sa katunayan ay madalas akong kumukuha ng mga damit ni Don Octavius at iyon ang sinusuot kong pambahay. Napaka-komprtable Kasi ng mga damit niya. Kaya imbes na mga damit ko; damit niya ang lagi kong isinusuot noong wala pa siya



"Pinapasabi pala ni Don Vius na baka gagabihin na naman siya ng uwi. Meron daw siyang aasikasuhin para sa kampanya niya"


"Umalis ho siya?" Tumango naman ito saka dumiretso sa Ref at may kinuha mula doon


"Oo. Sa katunayan ay kaaalis niya lang. Napansin ko nga na tila maganda ang kaniyang gising dahil maaliwalas ang kaniyang Mukha" saglit itong tumingin sa akin at ngumiti na namang ng kakaiba bago muling hinarap ang ref



May kinuha itong topper wear na hindi ko alam kung ano ang laman. Ibinaba niya iyon sa lamesa at binuksan. Kaagad na umalingasaw ang amoy nito. Amoy sinigang



"Mukhang nangabayo ang Don kagabi at nakapuntos ng tres haha" dugtong pa nito saka humalakhak ng tawa

Napakunot ang noo ko. Nangabayo? Sumakay ng kabayo?


"Nangabayo ho? Sa Rancho ho ba siya nanggaling kahapon?"  Kung sa Rancho siya nang-galing. Bakit amoy alak siya kanina



Bigla na naman tuloy nag-iinit ang aking mga pisngi dahil bumalik sa ala-ala ko ang kababalaghang ginawa namin kaninang madaling araw



"Ibang pangangabayo ang tinutukoy ko, Hija. Ay siya, huwag mo na nga lang intindihin ang sinabi ko. Teka, bakit namumula ang Mukha mo" usisa nito. Naglakad pa ito palapit sa akin at tinitigan ang mukha ko. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya


"W-wala ho ito Manang. Medyo nainitan lang ako" sagot ko sabay kagat sa sandwich na hawak ko


"Gano'n ba. Sabagay, masiyado ngang mainit ang panahon ngayon" Tumalikod na ito sa akin at bumalik sa lamesa "Dumaan nga pala rito kaninang umaga si Niona. May sasabihin yata sa iyo" dugtong pa nito


"Siguradong chismis lang iyon Manang" tumawa ito sa sinabi ko

"Parang sinabi mo na ring chismosa ang iyong kaibigan" natatawang saad niya.

"Ganoon na nga po Manang hehe"

"Ikaw talagang bata ka haha"


Bigla akong napatitig kay Manang Lumeng. Kung tutuusin ay malaki rin ang utang na loob ko sa kaniya. Siya na rin kasi ang nagpalaki sa akin. Ng umalis si Don Octavius ay siya na yung tumayong Nanay ko. Sila ng iba pang kasambahay dito.



Kahit na wala na akong magulang. Ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng pangungulila dahil sa kanila


"Salamat Manang ha" huminto ito sa ginagawa at humarap sa akin. Kumunot ang noo nito "Para saan naman, Hija?"


"Sa pag-gabay at pag-alaga ho sa akin" ngumiti ito sa akin "Hindi mo kailangang magpasalamat, Hija. Tungkulin ko iyon dahil parang Anak na rin kita" napangiti ako



Mabuti pa ang ibang tao, inalagaan at inaruga ako. Samantalang ang totoo kong Ina. Hindi ko alam kung alam niya bang humihinga pa ako







Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa aking silid para maligo. Medyo nanlalagkit kasi ang katawan ko. Kahit papano rin ay nabawasan na ng kaunti ang sakit ng katawan ko kaya maayos na akong nakakapaglakad


Balak kong puntahan ngayon si Niona sa kaniyang trabaho. Dahil balak kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa paghihiwalay namin ng Kuya niya.



Ayaw ko kasing malaman niya pa sa iba, dahil sigurado akong magtatampo iyon pagnagkataon


"Manang Zeni, pakisabi po kay Manang Lumeng na pupunta lang ako kay Niona" paalam ko dito ng makita ko ito sa labas



"Sige Hija, mag iingat ka" ngumiti ako sa kaniya bagi tuluyang lumabas ng gate ng Mansion


Naglakad ako patungong paradahan ng tricycle at doon na lang sumakay. Ayokong mag-jeep dahil napaka-hassle



Mabilis ko ring narating ang Cassa-Liandra Restaurant kung saan nagtatrabaho si Niona bilang isang Chef


"Salamat Kuya Nato" inabot ko dito ang 50 pesos na pamasahe. Ngumiti naman ito sa akin


"Basta ikaw ganda" sagbi nito sabay kindat pa na ikinatawa ko na lang ng mahina


Pagkaalis nito ay dumiretso na rin ako sa loob ng restaurant.

Napangiti ako ng makita kong maraming costumer.

Iba talaga si Niona. Hakot costumer ang mga pagkaing niluluto niya

"Miss Sloane, o-order po ba kayo?" Salubong na tanong sa'kin ni Joe na isang server crew


"Yung dati. Tapos pakisabi na rin kay Chef Niona na narito ako" ngumiti ito sa akin saka sumaludo "Yes Mam!"

Natatawang naghanap na lamang ako ng mauupuan ng umalis na ito sa harapan ko. Pumwesto ako sa pinakadulo dahil doon na lang may bakanteng table. Halos ma- na kasi lahat dahil sa dani ng costumers


Wala pang ilang minutong nakalipas ng matanaw ko na si Niona na nakabusangot ang mukha


"Kakatampo ka ah. Almost one week kang 'di nagpakita" umupo ito sa upuang nasa harapan ko


"Medyo naging busy lang. Alam mo Naman 'di'ba na dumating na si Don Octavius" sagot ko. Ang kaninang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng kakaibang ekspreyon


Tumaas-baba ang mga kilay nito saka ngumisi "Sabihin mo Bessy, nagpadilig ka na ba? Magiging Ninang na ba ako? Sinuot mo yung binigay ko sa'yo? Maakit mo 'yon ng todo for sure" sunod-sunod na tanong nito. Napanganga na lang ako


"So ano, magaling ba sa kama si Don Octavius. Nyeta! Siguradong malaki ang sawa non 'diba?" Bigla akong pinamulahan dahil sa sinabi niya

Magaling sa kama?

Sa nangyari kanina ay masasabi kong sobra-sobra ang galing niya

Pero teka nga, anong koneksiyon ng sawa? Iyon ba yung ano niya

Hinampas ko ng mahina ang ulo ko dahil sa isiping 'yon. Humalakhak ng tawa si Niona kaya kinunotan ko siya ng noo

"Mukhang hindi na V ang Bessy ko ah haha" makahulugang saad niya na hindi ko na-gets

"Ewan ko sa'yo Niyu, ang dami mong alam" sagot ko na lang. Bigla namang sumeryoso ang mukha nito


"Ofcourse. Nga pala, Kuya told me na nakipaghiwalay daw siya sa'yo. Totoo ba?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko saka tumango sa kaniya

"Here's your order Miss Sloane" Nabaling ang atensiyon ko kay Joe ng ibaba nito ang fruit shake sa harapan ko. Magpasalamat ako sa kaniya saka tumango kay Niona


"Hmm" Kinuha ko ang fruit shake at sinimulang inumin


"You know what, medyo nanghinayang ako sa inyong dalawa. Alam ko kung gaano ka kamahal ni Kuya. I've witnessed how he changed simula ng bigyan mo siya ng chance na pumasok sa buhay mo. Pero at some point, mas okay na rin na siya yung nakipaghiwalay sa iyo. At least hindi ka nahihirapan, 'diba" ngumiti ako ng tipid sa kaniya



"Don't worry Bessy, makaka-move on din si Kuya. Huwag mo na siyang problemahin. Ang dapat mong isipin ay ang 'Man in your Dreams' or 'Don if you life' na si Don the Yummy hihi. Badly want to meet him in person talaga" napangiwi ako dahil sa malanding tono ng pananalita nito



"Don't look at me like that. Hindi ko aagawin ang Don mo" Irap nitong sabi sa akin saka hinablot ang fruit shake ko at walang habas niyang ininom



"Inaano ba kita? Saka bakit mo inagaw fruit shake ko" nakangusong sabi ko sa kaniya. Muli niya naman akong inirapan


"Ang sama mo kasing makatingin no'ng sinabi kong gusto kong ma-meet si Don the Yummy" ibinalik nito sa akin ang fruit shake ko



"Akin lang kasi siya" mahinang sambit ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko ng marealized ko ang sinabi ko



"Oo na. IYO lang ang malaking sawa-este ang Don mo pala" Irap ulit nito sa akin


"Baby boo?" Sabay kaming napatingin ni Niona sa pinanggalingan ng malalim na boses. Agad na nangunot ang aking noo ng makita ko si Don Octavius na nakatayo sa likuran ni Niona

Teka Ano daw?

Baby boo?

Sinong tinawag niyang baby boo?


Umupo si Don Octavius sa vacant seat na nasa tabi ko at humarap kay Niona. Napangiwi ako ng ibaling ko ang tingin ko kay Niona na literal ng tumutulo ang laway habang titig na titig kay Don Octavius


"You must be my baby boo's Bestfriend, am I right?" tanong nito kay Niona gamit ang nakakakilabot nitong tinig. Tila hindi naman natinag ng boses na iyon si Niona dahil hindi man lang ito natakot, sa halip ay iniaabot pa nito ang kamay kay Don Octavius "Yes Yummy, I am her Bestfriend. But I can be your mistress if you want hihi"


Muli akong napangiwi dahil sa sinabi ni Niona. Pero agad ding umarko paitaas ang isa kong kilay ng ma-gets ko ang sinabi niya


Mistress? What the h-eck!

Napatingin ako kay Don Octavius ng bigla nitong hinila ang inuupuan ko palapit sa kaniya saka ako inakbayan


"Sorry, but my Baby boo is my one and only" humarap ito sa akin "Right baby boo?" Napa-awang ang bibig ko dahil sa itinawag niya sa akin

Baby boo? Ako?


"Edi kayo na may love life. Anyway, it's nice to finally meet you in person Don Octavius. I am Niona Starly Salvador but you can call me honey-I mean Niyu" rinig kong sabi ni Niona. Lihim akong napangiti ng kumunot ang noo ni Don Octavius pagkatapos ay hinarap si Niona


"Just call me Vius tsk!" May bahid ng inis ang tono nito


"Okay. Vius...feeling bagets" Napatawa ako ng mahina ng marinig ko ang huling ibinulong ni Niona

"My Baby boo need to take more rest. Nice meeting you Nera. Mauna na kami" Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako patayo saka nagsimulang maglakad palabas ng Restaurant. Wala akong nagawa kun'di ang nagpahila na lang

"Niona hindi Nera hmmf!" Rinig kong reklamo ni Niona bago kami makalabas ng Restaurant. Ng tuluyan kaming makalabas ay hinarap ako nito. Napalunok ako ng laway dahil sa nakakatakot nitong tingin. Napansin ata nito ang biglaang pag-atras ko kaya lumamlam ang ekspreyon ng kaniyang mukha


"Why did you go out? You should have stayed at home. You're still sore. You should be resting" sunod sunod na sabi nito. Wala naman akong naging imik at nakatingin lang ako sa mukha niya.


Hindi ko akalain na ganito siya magre-react dahil lang sa umalis ako ng Mansion niya ngayon


"Com'on. I'll take you home" Muli na naman ako nitong hinila patungong parking lot. Binuksan nito ang pintuan ng kaniyang kotse sa passenger seat "Get in" inalalayan pa ako nito papasok sa loob. Pagkatapos ay umikot siya patungong driver seat


Wala kaming naging imikan hanggang sa makarating kami ng Mansion.



Aalisin ko na dapat ang seatbelt ko ng bigla ako nitong pigilan.


"Wait" Tinignan ko siya ng may pagtataka "I  need kiss" Nanlalaki ang mga mata ko ng mabilis na lumapat ang kaniyang labi sa akin


It took minutes saka siya humiwalay sa labi ko

"Take a rest. Don't do something that can make you tired. It's a command. Maliwanag?" Sunod sunod na lang akong tumango sa kaniya. Siya na rin ang nagtanggal ng seatbelt ko pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo.



"Go inside the house. May ime-meet pa ako kaya kailangan ko pang umalis" saad nito saka binuksan ang pinto. Tumango na lamang ako sa kaniya bago ako bumaba



"Wait-" Nagtataka ko siyang nilingon.


"I love you" Sambit nito saka panandaliang ngumiti. Bigla akong natigilan kasabay ng malakas na pag-kabog ng dibdib ko. Totoo ba ang narinig ko?



Sinabi niya ba talaga ang tatlong salitang 'yon?


Bago pa man ako makapag-react ay isinara na nito ang pinto ng kotse at nagdrive na paalis

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang ano mang oras ay kakawala na siya sa cage niya.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako

"Mahal din kita" Bulong ko sa hangin saka ako tuluyang pumasok sa loob ng Mansion



Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 228 21
#Complete#Edited# Discription: May mga tao na sabi sa sarili ay di sila iibig at dahil kaya raw nila itong pigilan. Isa na rito...
87.2K 1.8K 34
The quiet girl named Salisha is the Governor's Obssession.
5.5K 166 6
FORBIDDEN SERIES:1 FRANCO and HEAVEN MIRACLE story! Date Started: November 6, 2022 Date Finish:
515K 12.9K 51
COMPLETED✅ Living in the province is a wonderful experience especially if you are with your family and you enjoy living even if it is not luxurious...