I Think I'm Falling (ongoing)

By decemberbabyy

4.9K 99 48

Nagpapanggap si Kara at Jeffrey na "sila" para pagselosin at makipagbalikan si Bianca, ang ex-girlfriend ni J... More

Chapter 1 (No Prologue)
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 27 Chapter 27
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36

Chapter 19

148 2 0
By decemberbabyy

KARA'S POV

"Let's all welcome, the debutante!"

Nagpalakpakan kami. Bumababa na si Queenie sa stairs habang naghihintay sa dulo ng stairs niya ang escort niya, si Kean.

Ang ganda ni Queenie! She looks like a princess! Ang bongga pa ng suot niya.

Inabot na niya ang kamay ni Kean.

Kahit hindi ko tanungin at kahit 'di aminin ni Queenie, alam kong may gusto siya kay Kean. The way siya ngumiti kay Kean, alam kong higit pa sa kaibigan ang turing niya kay Kean.

Etong babaeng 'to talaga, 'di man lang nagse-share sa 'kin! Lagot sa 'kin 'to, gigisahin ko 'to. Haha!

Ayeee! Boto ako sa dalawang 'to!

*poke*

JEFFREY'S POV

Simula nung byahe hanggang nakarating kami dito sa venue, 'di na nagsalita si Kara.

'Di ako sanay kasi madaldal naman 'to simula nung naging...

Uhm. Naging close kami?

*poke*

Kinalabit ko siya pero 'di naman ako pinapansin!

Teka, may nasabi ba 'kong masama sa kanya kaya 'di niya 'ko kinakausap?

Wala naman akong maalalang sinabing ikakasama ng loob niya ah?

Nakatingin lang siya dun sa dalawang tao na nasa harap ng stage, ang debutante at ang kanyang escort.

Napatingin ako sa dalawa at nakita kong tumingin si Kean sa direksyon namin.

Or should I say, sa direksyon ni Kara.

Ngumiti siya kay Kara, nakita ko namang ngumiti din si Kara.

Asdfghjkl!

'Di ako pinapansin dito tapos, tapos. Aiiiish!

Bigla akong tumayo at dumiretso kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Nabadtrip ako bigla eh!

Ang bipolar din ng babaeng 'yon eh! Kanina lang, ang daldal. Tapos biglang isnabera, tapos ngayon...

Aish!

Teka, ba't ba 'ko nagkakaganito?

Am I jealous?

Of course not! Nabibwisit lang talaga ako sa lalaking 'yon! Makabalik na nga dun!

Baka wala din kasama si Kara eh.

Tapos biglang concern? Ano ba talaga, Jeffrey?

KARA'S POV

"Kara, anyare dun kay Papa J?" tanong ni Jimmy na biglang sumulpot sa tabi ko. Nakaupo na siya ngayon sa may right side ko.

Nagkibit-balikat lang ako.

Malay ko sa taong 'yon!

Pakialam ko dun!

Naiinis ako sa kanya eh!

Bakit?

Kasi... Kasi...

Teka, ba't nga ba ako biglang nainis sa kanya? Dahil ba dun sa mga pinag-iisip ko kanina?

Aish. Ano ka ba, Kara! Ba't ganyan ka makapag react? Ang arte mo! 'Wag ka nga! Baka kung anong maisip ni Jeffrey!

"Oh. Ayan na pala si Papa J eh!"

Nakita kong pabalik na siya sa upuan namin. Biglang nagtama ang mga mata namin kaya bigla akong umiwas ng tingin.

*dug dug dug dug*

Bakit ba kahit ilang beses na naman nagtatama ang mga mata namin, wala pa ring pinagbago sa tibok ng puso ko?

Kung makatibok ang puso ko, parang first time nagtama ang mga mata namin.

Ay mali. May pinagbago pala.

Kasi ngayon, mas lalo ng lumalakas ang tibok ng puso ko na kulang nalang eh lumabas siya sa dibdib ko dahil sa lakas.

Naramdaman ko nalang na may katabi na' ko. Malamang si Jeffrey.

'Di na 'ko lumingon sa kanya, tutok lang ako sa nangyayari sa stage. 'Di na din naman siya nagsasalita eh.

Pagkatapos ipakilala ang debutante, ang favorite part na ng lahat.

It's dinner time!!!

Kanina pa din kasi ako nagugutom eh!

Pagkatapos iannounce na kakain na, agad kaming pumila sa buffet table para makakain na. Ang daming laman ng plato ko! Ang sarap kasi tingnan ng mga pagkain nila at tama nga ako, ang sarap! Naka 3 rounds pa nga kami ni Jimmy eh.

Si Jeffrey? Ayun, wala daw siyang gana kaya tatlong fried chicken at isang serve lang ng beef steak ang kinain niya. Talaga? Wala siyang gana niyan? Eh paano nalang kaya kung ang taas ng appetite niya ngayon? Ibig sabihin, uubusin niya ang isang warmer? Psh.

Yun lang ang conversation namin tapos wala na, wala na ulit nagsalita sa 'min.

Ngayon tapos na kaming kumain at nararamdaman kong parang puputok na ang tiyan ko at mapupunit na ang dress ko sa sobrang sikip. Medyo sumasakit pa ang tiyan ko. Andami ko kasing kinain eh. Iba't-ibang putahe tapos may desserts pa, nalito tuloy ang tiyan ko.

"Jimmy, punta lang ako sa loob ha."

"Why?"

"Maghahanap lang ng gamot, ansakit ng tiyan ko eh. Babalik din ako agad."

Tumango lang si Jimmy kaya pumasok na 'ko ng bahay nila Queenie.

Ang busy ng mga maids dito. Yung ibang bisita, nasa garden lang kasi dun naman talaga may party.

"Oh, Kara, iha. Anong ginagawa mo dito?" tanong sa 'kin ng isa sa mga katiwala nila Queenie.

"Hi, Manang. Masakit po kasi ang tiyan ko eh. Manghihingi lang po ako ng gamot."

"Ah, ganon ba. Nasa kusina, iha. Alam mo naman kung saan doon, di ba? Pakipunta nalang, iha. Iseserve ko pa kasi 'to sa labas eh." sabay angat ni Manang ng dala niyang warmer.

"Sige po. Thank you po."

Pumunta na akong kusina at nakita ko na yung aparador kung saan nakalagay ang mga gamot.

Lalapit na sana ako nang biglang may humawak ng braso ko.

"Hi, beautiful lady."

Napalingon ako sa nagsalita at biglang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa gulat at kaba.

Sino naman daw 'tong manyakis na lalaking 'to?!

And wait...

*singhot singhot*

Amoy alak pa siya! Lasing na 'to!

Kung saang planeta man galing 'tong mukhang alien na 'to, pakibalik po ito sa kanila!

"Bitawan niyo po 'ko." Mahinahon kong sabi kahit kinakabahan na ako sabay bawi ko ng braso ko.

Lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko, "Wag ka ng pakipot, Miss."

Pweh! Ang baho ng hininga nito!

Nararamdaman kong papalapit ang mukha niya sa 'kin.

Anong gagawin ko?!

TULONG!!!

"Let go of her or else, you'll be dead."

Bigla akong natigilan at napatingin sa likod ng manyak na 'to nang may narinig akong isang pamilyar na boses.

"I said let her go." ramdam kong na ang seryoso ng boses niya.

"Tsk. Pakialamero! Sino ka ba?!" singhal ng lalaki sa kanya.

Tinanggal niya ang pagkakahawak ng manyak na lalaki sa braso ko at bigla akong inakbayan.

"Can't you see? She's my girlfriend." sabay wink sa 'kin.

Ako naman, nakatayo lang dun na parang tuod. Walang lumalabas sa bibig ko.

"Let's go?" pagyayaya niya sa 'kin habang nakangiti.

Hindi pa ako nakakasagot eh hinila na niya 'ko paalis dun. Binangga pa nga niya yung manyakis.

Nasa sala kami ngayon ng bahay nila Queenie. Pinaupo niya 'ko.

"Okay ka lang ba?" tanong niya sa 'kin.

Napatango lang ako.

Sa totoo lang, nagloloading pa rin kasi ang utak ko hanggang ngayon.

Lutang pa ako.

Gulat pa rin ako at kanina pa ako kinikilig, 'di ko lang talaga mailabas.

Hindi ako maka get over dun sa pagligtas niya sa 'kin. Kahit pa sabihing baka napadaan lang siya dun, sinave pa rin niya ko. He looked like my knight in shining armor.

"Hoy, Kara." sabay snap niya ng mga daliri niya sa may mukha ko.

"H-ha?"

"Okay ka lang ba? Don't worry, 'di ka na babalikan nung siraulong pervert na 'yon. Andito na 'ko eh." biglang wink niya sa 'kin sabay hawak ng kamay ko.

*dug dug dug dug*

I swear, konting-konti nalang talaga ay sasabog na 'tong puso ko.

"O-okay lang ako noh! He-he."

Napaghahalataan bang tensed ako? 'Wag naman sana.

"Ba't kasi 'di ka nagpasama sa 'kin? Muntik ka na tuloy mapahamak."

 

"Eh kasi... Teka, ano palang ginagawa mo kanina sa kusina?"

 

"Sinundan ka."

Bigla namang napadilat ang mga mata ko na parang nagtatanong ng "Talaga? Sinundan mo 'ko?" na may halong disbelief.

Bigla naman siyang napabitiw sa pagkakahawak sa kamay ko sabay iwas ng tingin.

"J-joke lang! Asa ka pa! Kumuha lang ako ng tubig! Buti nalang nakita kita kasi kung hindi, baka kung ano na ang nangyari sa'yo. Kaya magpasalamat ka sa akin oy!"

"Hahahaha!"

"Oh, ba't ka tatawa-tawa diyan?"

"Di lang talaga kasi ako makapaniwala na isang Jeffrey'ng masungit ay nagiging sobrang defensive!" sabay tawa ko ulit.

Biglang nawala yung naramdaman kong tensyon kanina at 'di na 'ko makapigil sa kakatawa.

"Psh. Ano ba kasing ginagawa mo sa kusina?"

Change topic pa masyado! Pero sige, pagbigyan na.

"Kukuha lang sana ako ng gamot. Sumakit kasi ang tiyan ko eh."

"Masakit pa ba?"

Umiling lang ako, "Di na."

Nawala bigla ang sakit ng tiyan ko eh. Malamang nakalimutan ko na dahil sa mga moments na nangyayari ngayon.

Butterflies nalang ata ang laman ng tiyan ko eh.

Nubayan, ang corny.

"Ayan, ang takaw mo kasi eh." biglang sabat niya.

Nag make face lang ako na tinawanan lang niya.

"Kara, Jeffrey! Andyan lang pala kayo. Balik na tayo dun. Magsisimula na ang program eh." biglang sulpot ni Jimmy out of nowhere.

Tumayo na kami ni Jeffrey at bumalik na kami sa garden.

Gaya ng ibang debut, may 18 roses and 18 candles din si Queenie. Yun nga lang, wala siyang cotillion kasi wala ng oras para mag practice. Busy na rin kasi masyado si Queenie sa school.

"Chua, Jeffrey." rinig kong tawag ng emcee kay Jeffrey.

Tumayo na si Jeffrey sa kinatatayuan niya. Kumuha siya ng rose dun sa may lalagyan ng roses at binigay kay Queenie then sinayaw na niya.

Kita ko dito ang mukha ni Jeffrey kasi dito siya nakaharap, bale si Queenie ang nakatalikod sa 'kin.

'Di ko namamalayan na napatitig na pala ako sa kanya.

'Di ko talaga kasi mapigilan ang sarili kong hindi siya titigan.

*dug dug dug dug*

Kung hindi ko mapigilan ng mga mata kong tumitig sa kanya, mas lalong hindi mapigilan ng puso kong tumibok ng ganito kalakas dahil sa kanya.

Pagkatapos maisayaw si Queenie ng kanyang mga 18 roses, ang 18 candles naman ang natawag.

"18 roses, please bring your ladies here on stage as I call their names." sabi nung emcee.

Kinakabahan na ako. Ayon kasi sa listahan, ako ang una at di ba magdedeliver ng speech 'to? Kinakabahan ako eh.

Ayan na.

"Queenie's girl bestfriend, Reyes, Kara."

Tinawag na nga ako. Ako na talaga!

Tatayo na sana ako ng biglang may nag offer ng hand sa harap ko kaya napaangat ang ulo ko.

"Please let me lead you." sabay ngiti.

*dug dug dug dug*

Jeffrey naman eh! Kitang kinakabahan na ako, ngingiti-ngiti ka pa diyan. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko.

Ngumiti lang ako sa kanya at inabot ko ang kamay niya.

Habang naglalakad kami papuntang stage, bigla siyang napalingon sa 'kin kaya napalingon rin ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ang lamig ng kamay mo?"

Eh kasi po kinakabahan ako! 'Di ba obvious?! Sus! Panigurado, pagtatawanan ako nito.

"I'm nervous, okay? Mamaya ka na tumawa."

"Sino naman nagsabi sa 'yong pagtatawanan kita?"

Wala akong masagot sa kanya kaya binalik ko nalang ang tingin ko sa nilalakaran namin.

Ayan na, malapit na kami sa stage. Kinakabahan talaga ako.

Nagulat ako kasi biglang hinigpitan ni Jeffrey ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Sobrang higpit.

Without looking at me, may sinabi siyang sapat na para makaramdam ako ng assurance at gaan sa loob ko.

"I hope this would make you feel better."

I saw him smile.

Napangiti na rin ako, pati ang puso ko, nakaramdam ng kakaibang saya.

*dug dug dug dug*

___________________________________________________________

*to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
177K 3.3K 74
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
100K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...