A Hiccup Of Tea (βœ”)

By yshwii

4.7K 2.3K 874

Would a "Hic" Cup of Tea help our heroine to mend a splintered heart as she yearns to sniff a sweet aroma of... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter 38

38 34 9
By yshwii

C H R I S T E L L E

"Christelle?" A familiar voice called me.

Nagtataka akong lumingon sa tabi ko dahilan para makita ko roon si Allyza. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha, ganoon din si Brent na nakatayo na ngayon sa likod niya.

Tinignan ko yung dextrose na nakakabit sa akin, nilibot ko na rin ng tingin yung paligid. Anong ginagawa ko rito sa hospital?

"Thank goodness you're awake!" Allyza exclaimed and then hugged me. Nagtawag naman ng nurse si Brent para maasikaso ako.

"I badly want to call your mom but I don't know her number. Si Hannah yung pinapunta ko ngayon," ani sa akin ni Allyza. Napahawak naman ako sa ulo ko nang bigla itong kumirot.

"H-huwag," halos pabulong kong saad sa kaniya. Kumunot naman noo ni Allyza dahil doon.

"Why?" She curiously asked.

"Nag-away kami," pag-amin ko. Magsasalita palang sana si Allyza nang biglang dumating si Brent kasama yung doktor, nakasunod naman sa kanila yung nurse.

Chineck muna nila yung temperature ko, pati na rin yung nakasabit na dextrose bago tanggalin ng nurse.

"You passed out due to stress and over fatigue. Mas mabuti ho ngayon kung magpapahinga ka muna," ani ng doktor matapos niyang i-check yung kalagayan ko.

"Paano po yung bill—"

"I took care of it already," hindi na pinatapos ni Brent yung sasabihin ko. Ngumiti naman yung doktor sa akin dahil doon.

"Pwede ka na umuwi ngayon sa inyo tapos magpahinga.  Lumayo ka muna sa mga bagay na magpapa-stress sayo," nakangiting sambit ng nurse sa akin. Tumango naman ako bilang tugon at nagpasalamat.

Agad na dumako yung tingin ko sa pinto at doon ko nakita si Hannah. Akala ko papasok siya pero nang magtama yung tingin namin, bigla siyang umiwas at umalis.

I smiled bitterly, even though I don't want her here, I'm expecting that at least, she'll ask for my condition or do something to make up from her mistake.

Pero bakit pa nga ba ako mag-e-expect from her? Ni hindi nga niya ako nagawang protektahan kila Denver eh kahit na may alam siya sa nangyayari.

Naalala ko bigla yung panaginip ko. Agad kong pinunasan yung luhang tumulo para hindi iyon makita nina Allyza, ayokong mag-alala sila sa akin lalo na't sinabi pa ng nurse na huwag muna ako magpaka-stress

Mababalik pa kaya kami nina Hannah sa dati?

Pagkalabas ng doktor, inalalayan ako ni Brent na makaupo nang maayos sa hospital bed. Inabutan naman ako ni Allyza ng tubig kaya tinanggap ko iyon at ininom.

"Uwi na tayo?" Tanong niya sa akin, tumango naman ako. Tinulungan nila akong makatayo kasi medyo nanghihina pa yung mga binti ko.

"Ihahatid ka ba namin Christelle sa bahay mo?" Brent asked the moment we stepped out from the room. Umiling ako agad bilang tugon.

Nagkatinginan silang dalawa ni Allyza dahil doon dahilan para ngumiti ako nang alanganin nung tignan nila ulit ako.

"Eh, saan ka ngayon?" Allyza worriedly asked. Nagkibit-balikat nalang ako.

To be honest, hindi ko alam kung saan ako tutuloy ngayon. Ayokong umuwi sa bahay, gusto kong iwasan muna pamilya ko lalo na't may panibago akong nalaman ngayon. Hindi ko kakayanin kung may marinig nanaman akong kung ano galing sa kanila.

Ayoko naman pumunta sa bahay nila Hannah, baka maubusan ako ng pasensya't makapagsabi pa ako ng kung ano sa kaniya.

Masiyado akong naaapektuhan sa mga nangyayari kahit hindi naman dapat. Gusto ko lang protektahan ngayon sarili ko kaya umiiwas ako sa kanila.

Natatakot akong harapin yung katotohanan.

Agad akong huminto sa paglalakad nang maalala kong magkakaibigan pala sina Brent, Sam, Brylle at Denver. May kinalaman kaya siya sa ginawa ng tatlo sa akin?

Kumabog yung dibdib ko dahil doon. Hindi malabong alam niya rin.

Nakakatakot nang magtiwala.

"Una na kayo," I told them while facing the floor. I bet confusion is now written all over their faces because of what I said.

"Huh? Hatid ka na namin," Brent insisted pero umiling lang ako.

"T-thank you sa pag-asikaso sa akin kanina. Ayoko nang makaabala pa sa inyo," sabi ko muli.

Napatingin ako bigla kay Allyza nang marahan niyang hinawakan yung kamay ko. She smiled at me as she squeezed my hand which gave me some comfort.

"Is something bothering you?" She asked. Umupo muna kami sa gang chair na nadaanan dito lounge ng hospital.

"W-wala," I stuttered as I answered.

*hic!*

"Christelle."

Tila nagbabanta yung boses ni Allyza kaya no choice ako kundi magsabi sa kanila ng totoo. Alam na pala nila yung tungkol dito sa kondisyon ko, mas mahirap nang itago.

"Are you guys aware of w-what Denver did?" I asked. Nagkatinginan nanaman sila bago sabay na umiling.

"How can I know that you're telling the t-truth?" Tanong ko ulit. Kumunot tuloy noo ng dalawa.

"Busy kami sobra sa Student Council kaya wala na kaming oras halos ni Allyza para sa inyong mga kaibigan namin. Wala ka bang tiwala sa amin?"

Agad na siniko ni Allyza si Brent dahil sa huling tinanong niya sa akin.

"You're insensitive Brent. Great job!" Allyza sarcastically said. Napakamot naman ng batok si Brent dahil doon at humingi ng tawad sa akin.

Mukhang wala nga silang kaalam-alam sa nangyari. Totoo naman talagang bihira nalang namin sila makasama nitong nakaraan dahil sa Student Council duties.

Siguro, ayos lang na magtiwala ako sa kanila kahit kaunti. Mag-iingat nalang ako sa mga sasabihin ko.

"Promise Christelle, wala kaming alam sa kung ano man ginawa ni Denver sayo. Be comfortable with us, there's no need for to you be bothered or worried," Allyza assured me.

"Ano ba nangyari?" Dama ang kuryosidad sa boses ni Brent nang magtanong siya.

"Hindi ba't manliligaw mo ‘yun? Sinaktan ka ba? Gusto mo bang upakan ko? May kabit ba?" Dagdag pa niya. Muli nanaman akong naiyak habang inaalala yung mga nangyari.

"Dahan-dahan naman kasi sa pagtatanong Brent! Let's go talk about it in your car. Tara na Christelle," pananaway ni Allyza kay Brent bago ako akayin papuntang parking lot. Nandoon kasi sasakyan ni Brent.

"Let's go to my apartment nalang muna," Allyza said the moment we entered Brent's car. Tumango naman si Brent bago umupo sa driver's seat. Sa likod naman kami ni Allyza umupo. Doon ko na sana siya patatabihin kay Brent pero umayaw siya, gusto niya kasing samahan ako.

Napakatahimik ng biyahe namin, halatang lahat nagpapakiramdaman. No one dared to talk and only the horns of the vehicles were audible. Flickering lights by different cars were also visible.

"Ay palaka!" Allyza exclaimed when my phone suddenly rang. Pati rin tuloy ako nagulat.

"Sorry," I apologized bago tignan kung sino yung tumatawag.

Agad kong pinatay iyon nang makita pangalan ni Ate Tine. Siguro, hinahanap na nila ako ngayon. Kanina pa kasi uwian namin pero wala pa rin ako sa bahay.

Wala pang ilang segundo matapos kong patayin yung tawag, bigla nanaman itong nag-ring. Si kuya naman ngayon yung tumatawag.

"Why don't you answer it?" Allyza asked me pero umiling lang ako. Inantay ko munang mamatay nang kusa yung tawag bago napag-desisyunang mag-message nalang sa kanila.

"Christelle, sa tingin ko nag-aalala na sayo pamilya mo. Kung ayaw mong umuwi, mas mabuting mag-paalam ka muna. Baka mamaya ipahanap ka na sa pulis eh. Sorry Christelle ah? I do understand your situation but I also respect your family. Daan muna tayo sa inyo."

Hindi ako naka-imik sa sinabi ni Brent. Para akong kinidlatan dahil sa sinabi niya. Hindi na ako nag-protesta pa't hinayaan nalang na ibahin niya yung direksyong pupuntahan ng sasakyan.

Ilang minuto pa ang lumipas, nakarating na kami sa bahay. Agad na kumunot yung noo ko nang makita kong may nakaparadang hindi pamilyar na sasakyan sa labas ng bahay.

"What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Allyza nang mapansing hindi pa ako lumalabas.

My eyebrows furrowed when I saw a familiar figure coming out from our house together with an old man holding a suitcase.

Anong ginagawa nila rito?

"Si Ynna ba ‘yan?" Napunta kay Brent yung atensyon namin ni Allyza matapos niyang magtanong.

"I think so," Allyza replied.

"Bakit nandiyan ‘yan?" Tanong nanaman ni Brent kaya nagkibit-balikat nalang ako bilang tugon.

Hindi ko alam na kakilala pala nina mama si Ynna. Ni minsan sa buhay ko; mula pagkabata, hindi ko ‘yan nakasalamuha si Ynna, kahit yung matandang kasama niya.

Anong koneksyon niya sa mga Chua?

My heart went wild when she suddenly glanced at Brent's car. Nakita niya kami!

Ynna smirked at us before going inside their car. Mukhang ako lang yung nakapansin nun, nanatili pa rin kasing nakamasid yung dalawa eh.

My lips parted when realized something.

'It was my plan all along. He's one of my pawn, and so are you.'

Paano kung dinamay niya rin sila mama sa plano niya? May sinabi kaya siyang hindi maganda?

Kaya ba tawag nang tawag mula pa kanina sina ate at kuya?

"A-alis na tayo," sabi ko sa dalawa dahilan para kumunot noo nila dahil sa pagtataka.

"Ayoko dito. H-hindi maganda kutob ko sa pagpunta ni Ynna." Hindi na muling nagtanong pa sina Brent matapos marinig yung sinabi ko at agad na pinaandar yung sasakyan.

Nanatili lang sa labas ng sasakyan yung paningin ko. My mind feels like clouded just because of what I saw.  Naguguluhan ako lalo.

Nakakatawa naman. Kung kailan unti-unti ko nang nalalaman ngayon yung totoo, saka naman ako nahihirapan at naguguluhan nang todo.

"Shh, everything will be fine," Allyza comforted me when she noticed I wasn't moving beside her. I let myself rest on her arms when she suddenly hugged me.

"Na-wow mali ako kanina. Ang seryoso pa naman ng pagkakasabi ko na daan muna tayo sa bahay niyo," pagsasalita bigla ni Brent. Mahina naman akong natawa, he's trying to lighten up the atmosphere.

"Ang galing mo sa part na ‘yun, in fairness ha? I was also convinced with what you said," gatong naman ni Allyza doon which made both of them chuckled.

After that, they diverted the topic. Hindi na nila pinag-usapan pa yung nangyari kanina, kabilang na yung sa problema namin nina Denver na kanina pa nila tinatanong nung nasa hospital pa kami.

I felt dizzy when Allyza started humming something as she stroked my hair. Nakisabay naman doon si Brent. Para akong nakikinig sa radyo dahil sa ganda ng boses nila.

"Take a rest muna," Allyza whispered which made me smile.

Atleast, I still have friends who I can trust. I guess?

"Thank you," I whispered back and eventually closed my eyes, letting myself fall asleep.

***
<3

Continue Reading

You'll Also Like

74.7K 1.4K 56
"I do what I want, because everything that I want is right. Always right."
235K 5.2K 57
(Castillo Series I) What if a future seeker saw his future through another person?
18.9K 2.3K 125
Online series #1 (Epistolary) A long conversation with a stranger. A journey of moving on. How long will it last? A mysterious guy chatted Sonya Mar...
205 64 12
LOVE MANIFESTO SERIES 5 [COMPLETED] Hindi ba talaga pwedeng mahalin tayo pabalik ng mga taong minamahal natin? *** Matagal nang tanggap ni Angel Tan...