The Red Light Kiss

By julliacath

41.3K 1.2K 609

Joshien is a tough, and very principled woman. Sa murang erad, matayog na ang kanyang pangarap at prinsipyo... More

The Red Light Kiss
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26

22

844 37 13
By julliacath

Note: Happy 1k followers and 18k reads for TRLK! I waited for this for 2 years u__u grateful to you guys <3

Erratum: 23k na! <3

22

''Can I get a hug? I'm really, really tired today, Shien...''

I looked at him who's looking at me with such heavy eyes. Hindi ko maiwasang maawa at makonsensya. I was irritated before he came here. Iritadong iritado ako at pinaramdam ko iyon sa huling text ko sa kaniya. Is it the reason why he's here?

"Sana nagpahinga ka na lang, Hassen... Bakit ka pa pumunta dito?"

I rubbed my thumb on his cheek. He only smiled. I don't know why I got the idea but he looks troubled and problematic, aside from looking tired. May problema ba sa trabaho?

"Ah," he groaned. Tumingala siya at napapikit. I noticed how his adam's apple moved as he swallowed. "Come again, baby? What did you say?"

''Ang sabi ko, sana nagpahinga ka na lang,'' mapanuya kong wika. I poked his head but he only smiled. ''Uwi ka na. Usap na lang tayo bukas...''

''You're still mad.''

''I'm not.''

''Hmm? I chickened out when I've read your text. You're mad. I'm sorry I didn't text you back...''

''Let's talk tomorrow, please? Anong oras na... Pagod ka. Sana nagpahinga ka na lang imbes na pumunta pa rito. I don't know why you prioritized my anger more than yourself...''

''It's you, Joshien, more than anyone else. Una ka palagi," aniya. ''Where's my hug? Hmm?''

Napanguso ako dahil sa pagpipigil ng ngiti. My heart pounded so much. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o nagkakagulo ang mga paru-paro sa tiyan ko.

Unti-unti, pinilig ko ang kaniyang ulo papunta sa aking balikat. He rested his chin there.

''Hmm...''

We stayed like that for minutes until I heard his peaceful breathing. Slowly, I started to caress his back, hoping for my touch to give him comfort. Tuluyan nang nawala at naubos ang iritasyong nararamdaman ko kanina at napalitan na lamang ng awa para sa kaniya.

"Magpahinga ka rin minsan... Hindi puwedeng palagi kang pagod. Hindi puwedeng palagi kang kumikilos. It wouldn't make you any less of a public servant if you choose to rest."

I heard him sigh. Pinulupot niya na ang kaniyang kamay sa aking bewang, nakayakap na. Halos makiliti ako nang maramdaman ang kaniyang mainit na katawan sa akin.

"Something came up at work. Nagka entrapment operation sa isang fast food chain malapit sa city hall. Two were involved. Parehong empleyado ng city hall," panimula niya. He sounded troubled and disappointed. "They begged me not to send them in jail. May pinapaaral daw na anak. May binubuhay na pamilya. But what can I do? They were caught-in-the-act accepting ₱600k, as a downpayment at that. Para mapabilis ang transaksyon ng business permit ng kliyente nilang kurap."

"Did... you send them in jail?"

I felt him stiffened.

"Oo, Joshien... I'm sorry. Kailangan nilang managot sa batas. Walang puwang ang kurapsyon sa administration ko."

"But how about their family and children? Katulad ng sabi nila, may binubuhay silang mga anak at pamilya..."

Nakatungo pa rin siya ngunit ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kaniya ngayon. I felt like he didn't like what he do but he can't do anything about it because... it was the law they had to follow.

"I know. Kaya nga ako na stress kanina. One of the families went to the police station, crying and almost hysterical. Nagmamakaawa ang asawa sa akin na i-urong ang kaso. Their first child is in college, kailangan raw nila ang kanilang tatay..."

Inangat niya ang kaniyang ulo mula sa pagkakansandal sa akin. Napasandal siya sa inuupan at napatingala habang nakapilit, tila muling namroblema. I only looked at him, waiting for him to open up more.

Sa totoo lang, kung ako ang nasa kalagayan niya ay mahihirapan din akong mag desisyon dahil may involved na pamilya. I know emotions should not be involved on things as objective as this but... how about their children? Mali ang kurapsyon. I won't justify that because I hate it and the people doing that, too. Napapaisip lang ako kung ano ba ang pwedeng gawin ngunit para kahit papaano ay matulungan ang pamilya.

"I won't tolerate corruption under my name, Joshien. It's injustifiable, regardless of the intent. Kaya itinuloy ko ang kaso. The city lawyers are handling it and I'm sure they will handle it well. They wronged the city and their constituents, not me... They must pay for its price." Hinawakan niya ang kamay ko. "But I asked our Scholars Office. I told them to encourage the children of the suspects to apply. Maybe that can help... Sinigurado ko rin na makukulong iyong may-ari ng negosyo. The business involved will surely halt its operation, too. The CEO is the mastermind, after all."

His jaw moved.

"I'm sorry. Hindi dapat tayo nag-uusap tungkol sa trabaho ngayon but I can't help it. Gusto ko lang na may makausap tungkol dito. It's the first time..."

"Ayos lang. Makikinig naman ako. It must have been hard for you... Besides, hindi ba delikado? Hindi ka ba babalikan ng mga 'yan?"

He shrugged. "Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo? I noticed you are having fun there. You are with your other friends?"

"Hindi. Pinsan ko ang mga iyan..." Napakagat ako ng labi. Shit. Bibili nga pala ako ng alak at pulutan! ''Hindi ka pa ba uuwi?''

''Baby, why do you want me to go home so bad?'' he chuckled.

''Hassen, why do you want to be with me so bad?'' Nagtaas ako ng kilay at ngumisi.

He chuckled once more. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang mababaw na halik. Sa sobrang babaw, gusto ko pa ulit ng isa. Napaawang ang labi ko. My heart fluttered in happiness.

''Uwi ka na... Hinahanap ako na ako ng mga pinsan ko. Bibili pa ako ng pulutan at hmm... Alak namin.''

Para akong nalasing sa halik niya. God, I can't believe this. The kiss was light, but it sent shiver down my freaking spine. Hassen, can we kiss some more?

Napapikit ako at hindi inakalang gano'n kami kadali nagkabati. It was a miscommunication. Sana pala naghintay muna ako. Hindi ko manlang na isip na baka abala siya sa trabaho. Our worlds are different, I didn't even think that he might have been busy with work.

While I was busy with school, with a more ample amount of time, I thought ours were the same. Saka ko lamang naalala na magkaiba pala ang mundo namin dalawa. His world requires more time compared to mine.

Hindi kami nagkita kinabukasan dahil gusto kong magpahinga muna siya. Ayos lang naman sa akin dahil inaasikaso ko pa ang mga pinsan ko.

Kanina pa ako tinitignan ni Kwinie simula nang magising ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang gaga 'to!

''Ate Joshien... umamin ka nga sa akin.''

Hinarangan ako ni Kwinie at pumamewang bago pa ako makapunta sa kusina. Hindi ko tuloy makuha iyong mga pinagkainan!

''Pinagsasabi mo? Tabi nga!'' binunggo ko ang kapatid.

Minsan talaga, may sapak 'to eh! Parang tanga eh!

''Ikaw ah... May boyfriend ka na Ate 'no! Nakita kita!''

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Kinurot niya ang tagiliran ko. Imbes na magpatalo at mabisto ay hinampas ko sa kaniyang braso ang hawak na sandok.

''Boba! Matulog ka pa! Nahihibang ka na naman! Kaka-cellphone mo 'yan!'' singhal ko.

Tumawa siya na parang kontrabida.

''Nakita kita kagabi! Sabi mo bibili ka ng alak at pulutan, pero bakit bumaba ka ro'n sa sasakyan sa kanto? May tindahan ba ro'n?!''

Umikot ang paningin ko. Huh?! Nakita niya 'ko?

I poked her forehead. ''Uminom ka ba kagabi? Hangover lang 'yan.''

Umiling iling pa ako saka siya tinalikuran. My god! At talagang kapatid ko pa ang unang makakahuli sa amin?!

Noong araw na 'yon, pinutakte ako ng kapatid ko. Aba, magsusumbong daw kina nanay ang gaga! Parang hindi ako ang kakampi niya, a?

Kaya nang lumabas kami ni Hassen nang linggo ay sa kabilang barangay na ako nagpasundo. I don't wanna risk it. Pwede ko naman sabihin kay Kwinie na may boyfriend na ako pero hindi pa siguro ngayon. Baka isipin lang nila na hibang ako para sabihin kung sino ang boyfriend ko, e.

''You got a hangover yesterday? Ikaw naman ang hindi nag text." He chuckled when he started driving.

Nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa steering wheel, habang ang kanan ay nakahawak sa hita ko.

"Hindi ako nalalasing," yabang ko. "Saka hinayaan lang kita'ng magpahinga muna. Ayos ka na ba?"

He nodded. "You told me about your sister... Kaya ba hindi ka na sa dati nagpasundo?"

"Oo. Saka, baka hindi na rin ako magpasundo sa 'yo talaga. Siguro magkita na lang tayo next time kung saan tayo pupunta. Lintek kasi 'yun si Kwinie, nakita raw na bumaba ako sa sasakyan mo." I shrugged. "Boyfriend daw kita! Jusko! Kinabahan ako!"

Kumunot ang noo niya. "Why? Hindi mo ba ako boyfriend?"

"Ay... Akala ko personal driver kita, e." Halakhak ko. "Pero Hassen, seryoso ako, a? Kung ayos lang naman sa 'yo, hindi muna kita ipapakilala sa mga magulang ko. O kahit kay Kwinie. Hmm... Pagkatapos ko na lang grumaduate. Naiintindihan mo naman, 'di ba?"

Agad siyang tumango, para bang kahit ano ang sabihin ko, susunod siya.

"It's completely fine. I'm under your control, Ma'am." He laughed.

"Bolero," bulong ko.

"Ah, before I forget, Shien... Are you free later tonight?"

"Hmm. Wala pa naman akong gagawin pagkatapos natin mamaya pero gusto ko sana'ng magpahinga."

"Oh damn. Alright, baby..."

"Bakit ba? May balak ka pang puntahan mamaya?"

"Hmm. No. We got invited by a friend. Birthday niya. Remember Rous?"

Kumunot ang noo ko at agad naalala 'yong kaibigan niyang nagtuturo ng pick up line sa kaniya.

Tumango ako.

"Sa BGC daw. It's a club so... I was wondering if you want to go with me.''

Ganoon ang nangyari. After we ate, dumiretso kami sa Taguig para dumalo sa birthday ng kaibigan niya. It's a private club. Pinaupahan daw para sa araw niya.

''Fiscal Hassen my friend! Himala at nakalaya ka sa office mo!''

Sinalubong siya ng isang matangkad na lalaki'ng may hawak na shotglass. They hugged, at habang abala silang dalawa na magbatian ay pinasadahan ko ng tingin ang paligid.

It's loud and really, really energetic. The neon lights are alive and it seems like the music is jiving with it, too. Hindi ako pamilyar sa pinapatugtog kaya't hindi ako makasabay at hindi ko ma-enjoy. Hindi pa ako nakakapunta sa club kaya bago lahat 'to sa 'kin.

Everyone's wearing their best outfit while I'm wearing my jeans and a crop top. Feel ko tuloy out of place ako pero kebs lang. Madadaan naman siguro 'to sa ganda.

''Siya ba 'yon bro? 'Yung pinakain sa iba 'yung binigay mong lunch?'' I heard his friend once more.

Tinitigan ko siya at pinagtaasan ng kilay. Ako ba ang tinutukoy niya?

''Oh crap. Masungit nga!''

We went to the private room after that. Buti naman dahil masyadong maraming kaibigan 'tong Rous na 'to! Punong puno ang dance floor at masikip! Parang imbes na mag enjoy ka, magrereklamo ka dahil sa dami ng tao.

At Doctor pala 'to?! Mas mukha siyang fuckboy na pariwala ang buhay!

Magkatabi kami ni Hassen sa couch. Kanina pa siya niyayaya na uminom ni Rous pero kanina niya pa tinatanggihan.

''Come on, bro! One shot lang!''

Inismiran siya ni Hassen na nakasandal at nakapatong ang kaliwang braso sa sinasandalan ko, nakaakbay sa akin.

''I told you I'll drive. I can't drink.''

He moved his direction towards me. Kanina niya pa ako tinitignan na para bang pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

''KJ, bro! Ganiyan ba talaga kapag inlove?'' Ngumuwi siya.

Mayroon pa kaming kasama sa private room. Some are their friends in high school, 'yung iba ay ang mga abogado'ng kaibigan ni Hassen na kaibigan din ni Rous. They are all successful. Well, ganoon siguro kapag mayaman. Lahat sila ay may kaya ang magulang, kaya less ang chances na mag-iba ang landas.

''Ayaw mo bang uminom?'' bulong ko. ''Maybe a few shot?''

He smirked. ''I can't. You are with me. Bawal kang magasgasan, o kahit ano man.''

Umikot ang mata ko. ''OA mo. Don't worry about me. Mag enjoy ka tonight. You wanna dance?''

''How about you? Hmm? No drinks for you, Shien?''

Hindi niya pinansin ang sinabi ko kanina. He only directed his attention on me. Nagtatama na ang tuhod namin sa sobrang lapit kaya't napatingin siya ro'n. My lips twiched.

''May gin ba dito?'' Nagtaas ako ng kilay.

Humagalpak siya sa tawa. ''You girl...''

Hinawakan niya ang kamay ko at saka iyon hinimas. Para tuloy kaming dalawa lang ang tao rito sa private room dahil hindi niya pinapansin ang mga kaibigan niya. With his arm cornering me, and his whole body facing me, I'm sure he hasn't noticed some of his other friends who entered. Napapikit tuloy ako. He should be celebrating with his friends! Hindi sa akin!

''My friends are gawking at you. I don't like it,'' he whispered.

Ngumuso ako. Nakikiliti ako sa paraan nang kaniyang paghimas sa mga daliri ko, kasabay ang malakas na pagkabog ng puso, kasabay ang maingay na music ng club.

''Ano'ng gusto mong gawin ko?'' I arched a brow.

''Seat on my lap? Oh yeah?'' Unti unting tumaas ang gilid ng kaniyang labi. My heart pounded more because of it.

Continue Reading

You'll Also Like

37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...